Project One: Clarkson Hell An...

By jonihoney

114K 1.1K 85

He is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's... More

Project One : Clarkson Hell
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 8

1.9K 66 1
By jonihoney





Nagulat ako nang makita ko si kuya na naandito sa loob ng bahay. Maaga akong nakauwi ngayon at gan'n na lamang ang gulat ko ng makita ko siya.

"Akala ko ba ay gabi ka pa makakauwi?" nagtatakang tanong ko.

"Sinusubukan ko lamang ikaw kung uuwi ka pa rin ng gabi," sabi nito sa akin saka umakyat sa taas papunta iyon sa kwarto niya panigurado ako.

Agad din akong pumanik sa taas upang magpalit ng damit.  Naghilamos saka umiga sa kama. Maaga pa naman dahil mag-aala-sais pa lamang. Masyado kaming maaaga pinauwi.

Binuksan ko ang cell phone ko at sinimulang mag-faceboss. Tamang scroll lang dahil wala naman akong magawa.

Halos panay QTA ang nasa newsfeed ko na ikakasal na daw ang isang myembro doon. Napaka bata pa nila sabi ko sa isip-isip ko.

Sa mga 'di pa nakakaalam kung ano ang QTA . Sila 'yung Kpop band sa korea, basta ewan! Nalaman ko na lang rin dauil panay ito ang nasa news feed ko.

Rinig kong kumatok ang kuya ko mula sa pinto.

"'Di ka pa ba kakain?"

"Maya-maya na, Kuya." rinig ko ang tsinelas nito na halatang itoy pababa na sa hagdan.


Gulat ko nalamang ng may nag-chat sa akin.

Si Nell LLever.

'Hey ! Saan ka ? Tara dito sa bahay mag-group study...' chat niya sa akin.

Agad naman akong na alerto sa sinabi nito. Mabilis akong bumaba para ipakita kay Kuya ang chat sa akin ni Nel.

"Kuya! tignan mo 'to!" at pinatingin ang chat ng classmate ko. "Oh? Sino naman 'yan ?" kunot ang noo niya.

"Classmate ko, Kuya..."

"Magbihis ka na. Alam mo ba kung san 'yan nakatira?"

"Chat ko pa lang siya." saka umakyat sa taas upang magpalit. Ang sinuot ko lamang ay tshirt na maluwag na plain white at Nike air drip short sa madaling salita ay pambasket ball ngunit hindi ito kalakihan sa akin, hindi ito umabot sa tuhod ko.

Naglagay ako ng konting liptint at saka tinali ang buhok ko.

Mukha akong tibo pero ganito talaga ako manamit pagpambahay. Kaya ko naman magsuot ng pambabae pero mas komportable ako magsuot ng panlalaki.

Agad akong nag-chat kay Nellisa na ibigay ang address nito. Mabilis itong nag-reply at ibinigay ang hinihingi ko.

Hinatid ako ni kuya sa address na ibinigay ni Nellisa.

"Hey! Ay! Hello po!" pagbati ni Nell nang makita ang kuya ko. "'Di mo naman sinabi na dinala mo jowa mo..."  ni Decerly na agad naman nanlaki ang mata ko.

"Kuya ko 'yan!" sigaw ko na kinagulat nila.

"Alam mo bayaw.. Ang sarap ng niluto kong egg sandwich kanina," ani Decerly sa akin at saka ako inakbayan. "Sayang at hindi mo natikman..." dagdag pa nito sa akin at kumindat. Agad ko namang inalis ang pagkaakbay nito sa akin. Nasisiraan na siya.

"Please take care of my sister, bye!" paalam ni kuya at agad naman itong sumakay ulit sa sasakyan nito at tuluyan ng umalis.

"Akala ko talaga ay jowa mo iyon!" kuminang pa ang kanyang mga mata. "Ang gwapo na gulat ako!" ani Nellisa na halos kinikilig ang itsura saka sila nagtitili ni Decerly at nagtatatalon.

"Gwapo? 'Di naman gwapo 'yon..." sabi ko sa kanila na kaagad naman silang ngumusong tumitig sa akin na parang hindi nila nagustuhan ang sinabi ko.

Eh, totoo naman, e! Siguro ay nu'ng ipinakilala ko siya sa inyo ay masasabi ko pang gwapo iyon pero kung depinisyon lamang ng kagwapuhan ang basehan ay walang binatbat ang kuya ko kay Hell!

Halos naghugis ang mata ko ng puso ng makita ko kanina ang mukha nito.

"Ano ang nangyari sa kanya?" tanong ni Nellisa ngunit hindi ko iyon pinansin dahil ang mukha ni Hell ang nasa isip ko. "Nababaliw na siya..." dagdag ni Decerly. Gulat ko na lamang ng may pumalakpak sa tapat ng mukha ko at doon nawala ang imagination kong gwapong mukha ni Hell.

Mga panira kayo...

"Tara na sa loob..." kaya naman ay sumunod na kami sa kanya papasok sa bahay nito. Malaki ang bahay nila at na halatang nasa mayamang pamilya siya.  Isang masaganang pamilya.

"Bakit walang tao?" tanong ko kay Nellisa habang tinitignan ang kabuuang bahay nila.

"Wala ang parents ko, e. Ang pinsan ko naman ay laging wala dito..." sagot nito sa akin at agad naman akong tumungo-tungo.

"'Don tayo sa kwarto ko." kaya naman agad kaming umakyat sa taas nito at kita ko kaagad ang pink na pintong nasa pag-isip ko ay kanya ito.

At hindi nga ako nagkakamali ay kanya nga ito.

"Pasok kayo! Pasensiya na kung medyo makalat, ah!" agad ko namang inisip asan ang makalat na sinasabi nito?

Sa loob ng kwarto nito ay mas masasabing mas malaki ito kaysa sa kwarto ko at maayos kung iisipin ko ang kwarto ko.

Asan kaya ang sinasabi nitong makalat? Dahil kung makalat na sa kanya ang ganito, ano ang tawag sa kwarto ko? Bugra? Tsunami room?

Agad naman kaming naupo sa upuan nito. Sa kwarto niya ay may lamesang dalawa. Isang lamesa para sa may upuan lamang at doon siya nag-aaral at ang isa naman ay may apat na upuan.

Hindi ko alam para saan iyon pero satingin ko ay para iyon sa mga kaibigan nito pag may gantong pag-aayaan.

Nilapag doon ni Nellisa ang mga librong galing sa SHINUN, hindi talaga ako mahilig magbasa ng libro dahil feeling ko ay iikot mundo ko pag nagbabasa ako.

"Math muna tayo,"  ani Decerly, batid kong mahilig siya sa math dahil halata naman sa kilos niya. Halos sagutan niya lahat ng tanong doon nang 'di man lang nahihirapan.

Ako lang itong nakatingin sa kanya.

"Sige! Magkanya-kanya na lang tayo..." sabi Nellisa na agad namang kinuha ang Business Productivity.

Ako naman itong basta kumuha na lang ng libro Art Appreciation. Napapikit na lamang akong binuklat ang librong kahit kailan ay hindi ko magawang hawakan.

"Creativity or imagination is the primary basis of art.." pagbibigkas ko habang binabasa ang nakasulat sa aklat.

"Shh!" sabay na sabi ng dalawa. Agad kong tinikom ang bibig ko sa ng mapagalitan ako ng dalawa. Tinignan ko ang mga ito masyado silang tutok na tutok sa pagbabasa.

Kaya naman ay pinilit ko ang sarili kong basahin ang librong ito at baka sakaling may ka laman ang utak ko sa Art Appreciation.

Ilang minuto ang nakalipas ay hindi ko talaga makayanan ang ginagawa ko, bakit ba kasi ako pumunta dito samantalang 'di ko naman talaga gawain ang ganito.

Nabuburyo na ako!

"Nellisa, baka pwedeng makainom ng tubig..." agad naman ako nitong tinignan. "Baba ka lang tapos kaliwa naandon 'yung kusina. Naandon naman si Manang. Kung nagugutom ka ay kumain ka muna..."

Hindi ba sila nagugutom? O nauuhaw man lang?

Binuksan ko ang pinto at sumilip muna bago tuluyang lumabas. Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuang taas ng bahay nila. May iilang pinto rin doon kaya naman naisip ko kung marami ba silang magkakapatid o magpipinsang nakatira dito.

Bumaba ako at pinuntahan ang kusina nila.

Malapit na ako nang marinig ko ang tunog ng pinggan. Pagpasok ko sa kusina ay wala namang tao, baka naman ay may multo dito.

Kumuha ako ng baso saka binuksan ang ref nila at naglagay ng tubig sa baso ko saka ito ininom.

Gano'n na lang rin ang 'di ko pagpapahalata ng maramdaman ko ang isang tao sa likod ko, hindi ko alam kung paano ako kikilos.

"What are you doing here?" diin nitong tanong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng sa boses na narinig ko mula sa likod ko. Agad kong sinarado ang ref saka unti-unting humarap.

Halos lumuwa na ang mga mata ko kung sino ang nakita ko.

Ano ang ginagawa niya rito?!

"Y-yi!" utal na banggit at nakatingin lamang sa mata nito. Ang tingin nito sa akin na akala mo ay galit na galit sa akin. "What are you fucking doing here?!" sigaw nitong sabi sa akin na kinapikit ko.

"G-group study..."

"Get your ass out of here! Get out!" sigaw nitong baling sa akin. Ramdam ko ang laway nitong tumalsik sa mukha ko.

Bugra ka!

"Ano ba?! 'Yung laway mo!" demand kong sabi. Pinunasan ko ang mukha kong natalsikan ng laway nito kadiri naman!

Balahura mo!

Napatingin ako sa kanya at agad ko itong nabigyan ng isang ngiti na patawarin mo 'ko sa sinabi ko.

Halos magdikit na ang mga kilay nito at halos uusok na ang ilong nito. Halos nagulat na lamang ako ng dakmain nito ang likod ng damit ko at saka kinaladkad pa taas.

"Yi! Bitaw!" sigaw ko saka dinadala ako pa itaas. Agad nitong binuksan ang pinto ng kwarto ni Nellisa at saka ako hinagis pa loob.

"Oh, my god! Stacy!"

"I told you before! Don't bring stupid friends here in our house!" sigaw nito kay Nellisa. Kita ko ang pagluha ni Nellisa sa ginawa ni Yi.

"Ikaw! 'Wag mong sinisigawan ng gano'n si Nellisa! Naiintindihan mo?! Babae 'yan! Bakla ka ba?!" nang makatayo ako mula sa pagkakabato niya sa akin.

"Stacy! Ano ba ginagawa mo?" tawag ni Nellisa sa akin pero ang tingin ko ay na kay Yi.

Kita kong muli ang pagkainis nito sa ginawa ko, pero tulad ng sabi ko ay ayoko ng may babaeng iiyak sa harap ko.

Na alerto ako ng mabilis itong pumunta sa harap ko para hilain ang kwelyo ngunit bago pa man niya iyon magawa ay hinawakan ko ang kamay nito saka ko ito kwinelyuhan gamit ang kanan kong kamay.

Halos kaunting sintemitro na lang ay magtatama na ang mukha namin.

"'Wag na 'wag mong sisigawan ang mga babae, naiintindihan mo?" mahinang salita ko pero batid kong rinig iyon nina Nellisa at Decerly.

Bakas sa mukha nito ang gulat nang sambitin ko ang mga salitang iyon.

Tinanggal nito ang kamay kong nakahawak sa kwelyo niya at saka ito tinabig.

"You... will pay for this," tiim nitong sabi sa akin at saka isinara ng malakas ang pinto. Ramdam ko ang yakap sa akin ni Nellisa mula sa gilid ko at saka ko ito tinignan.

"You don't have to do that, Stacy. Isa siya sa bilang ng KAZU," ani nito na may halong pagkakakaba at pag-aalala.

"Siya si Yi," sambit ni Decerly at pumunta sa gawi ko. "You really are something..."

"You're really fast, Stacy. Paano nangyari ang gano'n?" kahit ako ay hindi ko alam ang isasagot ko.

"Kailangan ko na umuwi." paalam ko sa kanila. Naiintindihan naman nila ang sinabi ko, dahil sa nangyaring 'di inaasahan.

Agad akong tumawag kay kuya upang paharitan ako ng taxi. Kaya naman ay hinatid nila ako sa labas ng gate. Gano'n rin ang nais ni Decerly. Ang umuwi na kaya naman ay mas nauna ito dahil bike ang dala nito.

"Pumasok ka na sa loob, Nellisa."

"Pero..."  hindi na nito natapos ang sasabihin nito ng magsalita ako ulit.  "Nell, kaya ko naman. Magpahinga ka na sa kwarto mo..."  gusto niya pa kasi akong samahan sa paghihintay ko sa taxi.

Kita ko ang pagbuga nito ng hangin na mukhang wala na siyang magawa kung hindi ang sundin ako.

"Take care,  huh?" saka naman akong tumungo at binigyan ng ngiti.

Sinundan ko ng tingin si Nellisa hanggang makapasok ito ng gate. Kumaway ito sa akin at sinuklain ko rin ito ng kaway at saka na ito pumasok sa loob ng bahay nila.

Kita ko ang ilaw na nanggagaling sa isang sasakyan kaya naman ay naghanda na ako, dahil patungo ito sa gawi at ito na ata ang inaantay ko.

Ngunit gano'n na lamang ang pagkadismaya ko ng hindi ito ang taxing inaantay ko.

Isang sports car ang mabilis na huminto sa harap ko.

Napatingin ako sa kapaligiran ko nang huminto ito sa harap ko. Naisip ko na lang bigla na baka ay isa ito sa mga pamilya ni Nellisa kaya naman ay agad akong umurong.


Halos napatalon ako sa gulat ng bigla itong nag-horn. Inis akong tumingin sa gawi ng sasakyan at saka ito tinarayan. Napakatagal naman ng bwesit na taxi na iyon.

Halos nagpapadyak-padyak na 'ko dito sa sobrang inis.

"Oy! Girl friend ni Hell!" napalingon akong muli sa sasakyan ng may nagsalita.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino iyon. Bumaba ito sa sasakyan at lumapit sa 'kin.

Ako naman itong napaurong...

"Ano ginagawa mo rito?" tumingin siya sa bahay nila Yi at tumingin muli sa akin. "Imposibleng d'yan ka sa bahay na 'yan galing.." nakatingin lang ako sakanya at hindi alam kung ano'ng sasabihin ko. Nitong nakakaraang araw lang ay panay KAZU na ang nakakabangga ko.

"Hey?" lumapit pa ito sa akin.

"Seven." agad naman kaming napatingin sa likod ni Seven at doon nakatayo si Yi.

"Yi! Look nandito 'yung girl friend ni Hell!" saka ako itinuro. "Hindi 'yan ang tipo ni Hell, tara na..." kaya naman ay bumaling ulit sa akin ang tingin ni Seven.

"Bye!" paalam nito sa akin at ngumiti. Pumunta kaagad ito sa dala niyang kotse saka ito pinaandar.

Sinundan ko lamang ng tingin ang kotseng iyon na papalayo at nakasalubong na nga nito ang inaantay ko.

Continue Reading

You'll Also Like

12.6M 180K 99
Highest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit s...
122K 5.9K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
387K 25.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
41.9K 2.4K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...