Sadist Lover (Editing)

By aril_daine

16M 74.7K 9.6K

Available na po sa bookstores. NATIONWIDE. Grab your copy now! :) Price: P175.00 175 pages Taglish Psicom Pu... More

CHAPTER 1: A JOKE
Chapter 2: OMG!
Chapter 3: Bossy
CHAPTER 4: HIS FAMILY
CHAPTER 5: He's a what?
CHAPTER 6: He called me, what?
Chapter 7: Rooftop
CHAPTER 9: BIRTHDAY DATE?
CHAPTER 10: HE BOUGHT THIS FOR ME
Chapter 11: QUALITY TIME
Chapter 12: Playing Cupid
CHAPTER 13: Facts about Lance Mariano
Chapter 14: night with...
Chapter 15: Love Spell
Chapter 16: You Meanie!
Chapter 17: Game
Chapter 18: Fieldtrip
Chapter 19: Fieldtrip part 2
CHAPTER 20: He's asking me to...what?
CHAPTER 21: Master-Slave day

CHAPTER 8: TREAT

261K 3.6K 350
By aril_daine

A/N: Dito na sa umpisa ko lalagay 'tong AN ko, ah. Inaayos ko kasi itong SL. Inaayos ko bawat chapters, hindi siya tulad ng book ver. Halos kapareho siya ng original; jeje slash makalumang version. And if new reader kita, join ka sa new group ko sa facebook ARIL DAINE STORIES. At kung matagal na kitang reader at SL pa rin ang alam mong story ko, nahuli ka na. May HELLO, NEIGHBOR na ako. Anak na ng SHARLAN 'yun. READ READ :)


Sorry if maraming typo at maling grammar. Hindi na ako nagpo-proofread. :)

CHAPTER 8: TREAT

"Bastos ka talaga!" This is probably my worst birthday ever! Grabe siya. Walang preno ang bibig! Tinalo pa yata ako! Pwede naman niyang huwag na lang sabihin sa akin.

"Hey, hindi ko naman sinasadyang makita. Ikaw nga 'tong tumayo bigla kahit alam mong nakahiga ako."

"Bastos ka pa rin!" Muli akong umupo nang maayos para hindi liparin ang skirt ko. Nakakainis talaga. Birthday na birthday ko pa naman tapos ganito!

" Birthday mo pala" Tinignan niya ang paperbag na nakalapag lang sa sahig. Hindi ko pa ito binubuksan, mamaya na lang sa bahay. "Narinig ko lang, nasaan na siya?"

"Huh?"

"Yung boyfriend mo. Today is your birthday but he's not with you?"

"May pupuntahan daw sila ng mom niya." Umiling si Lance na para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

Matagal itong tahimik bago muling nagsalita. "Your boyfriend is rude."

"Don't call him rude. In fact, naging mabait siya sa akin. Hindi niya ako iniiwan kahit pa inaayawan na ako ng mga taong nakapaligid sa amin."

"I still think that you're too good for him. I'm saying this because you're my friend and because he's a lucky bastard." Awtomatikong lumawak ang mga ngiti ko nang marinig kong sinabi niyang kaibigan niya ako. Parang nung isang araw lang ay pinipilit ko pa ang sarili ko na maging kaibigan siya pero ngayon sinasabi na niyang kaibigan niya ako.

Muling humiga si Lance and this time ay ginamit na niya ang mga kamay niya para gawing unan niya.

"Hey Lance." Tumingin siya sa akin saka ibinaling ulit sa mga ulap. "Bakit hindi na lang ang best friend mo ang i-date mo, i meant, ligawan ulit?"

"You're insane. We didn't really date each other. Wala rin akong oras sa mga ganyan. Lagi kaming may practice ng weekend."

"Kawawa naman ang magiging girlfriend mo sa'yo. Ang boring mo." Ngumiti ito at saka tumingin sa akin.

"I don't think so. I'm actually a sweet lover. If I have a girlfriend, I'll treat my girl like a queen, like she's the only woman I see." Ang sarap sa tenga na marinig ang mahinang tawa nito. Siguro kasi simula noong nagtransfer siya ay ilang beses ko pa lang siyang narinig na tumawa. Saka isa pa, lagi kasi itong mag-isa at parang walang pakialam kung mukha siyang loner. Kahit nag mag-isa siya ay pinagtitinginan pa rin siya ng mga babae. Palibhasa ay malakas ang dating nito. Ang princey kasi ng aura nito.

"Hey Sadist."

"Stop calling me a sadist because I am not a sadist"

"You're still a sadist." Umupo ito at tiningnan ako. "Huwag kang masyadong dumidikit sa akin. Mamaya, pag-initan na naman ako ng boyfriend mo. I want a peaceful life, Sharlot."

"Sinabi ko sa kanyang kaibigan kita. Mabait si Jake, promise!" Itinaas ko ang kanang kamay ko bilang tanda na nagsasabi ako ng totoo.

"I'm still a guy, Sharlot."

"Ano ngayon? Wala namang masamang maging kaiban ka. May friend ka ngang babae, e."

"Iba siya, iba ka. Baka nga hindi mo pa alam na gumagawa na pala ako ng move sa'yo." Ilang beses akong kumurap dahil sa sinabi niya at pina-process ang ibig sabihin niyon.

"Uhh you mean... Uhh---" Natigilan ako nang bigla na naman itong tumawa.

"I'm just kidding, o'right? Kung nakita mo lang 'yang mukha mo." Tuloy niya habang tumatawa pa rin. Sa inis ko ay kinurot ko na naman siya. Yung madiin. Yung siguradong masakit!

"Aray!" Binitiwan ko na ang balat nito dahil baka kung mapano na siya. "Are you going to peel off my skin?Ang sakit, siopao."

"huh? Siopao?"

"I'm cursing." Pabulong nitong sabi tapos napansin kong namula na naman ito. Napangiti ako dahil parang nahihiya siyang i-admit iyon. "It became a habit." He said, shrugging.

"Natutunan mo siguro sa parents mo?" Hula ko lang naman. Kasi usually sa mga kapatid o kaya sa mga maguang natututo, e. Naadopt yung style ng pananalita.

"Yeah,"

Wala na akong masabi kaya tumahimik na ako. Si Lance naman tumahimik na rin at muling nagbasa ng libro. Wala pa rin kaya siyang balak na bumalik sa classroom?

Bumalik ang isipan k okay Jake. Hindi pa rin ako nito tinitext. Hindi niya nasabi sa akin kung saan sila pupunta ng mommy niya.

Nagulat na lang ako sa biglang pagtayo ni Lance kaya maski ako ay tumayo na rin.

"Babalik ka na?" Hindi ito sumagot. "Saan ka pupunta?"

"Wherever i like." Sira talaga 'to. "Baka uuwi na." Tuloy pa niya.

"Hoy! Di pa tapos ang klase."

"Sasama ka ba?"

"H-hah?" napalunok ako dahil nga ang sabi niya ay uuwi na siya tapos bigla niya akong yayayain na sumama?

"Sa field."

"Aah!" Nakahinga ako nang maluwag dahil doon.

"Ayaw mo?" Lumingon pa siya sa akin bago naunang maglakad. "Okay, maiwan ka."

"Hindi pa nga ako sumasagot! Grabe 'to. Hoy! Magka-cut ka talaga?" Hindi ito sumagot basta naglakad lang ito hanggang sa makalabas kami ng campus. Sa totoo lang may guard na nakabantay kanina pero hinintay niyang umalis muna sa pwesto ang guard bago lumabas.

Palinga-linga ako dahil baka may makakita sa amin, hinahanap ko na rin kung saan pinark ang sasakyan niya. Baka nandyan lang sa tabi-tabi ang driver nila.

Pero nagulat ako nang huminto ito sa harap ng isang motorsiklo.

"Susundan mo pa rin ako?" Amused na tanong nito sa akin. Sumakay ito sa motor niya at tinignan ako. "Mahahabol mo ako?"

"Hindi mo ako isasakay?" huh? Saan nanggaling ang tanong kong iyon?

"Wala pa akong pinapasakay rito."

"Edi ako ang una."

"Ayoko nga." Nagmadali akong lumapit kay Lance at hinawakan ko siya.

"Dali na! Isakay mo na ako!" Naeexcite ako kasi never pa akong nakasakay sa single. Sa mga napapanood ko kasi mukhang nag-eenjoy sila sa pagsakay.

"Wala pa nga akong lisensya." Napabitiw ako bigla sa kanya. "Student license lang ang meron ako. Hindi pa nga dapat ako pwede mag-isa. Mag tricycle ka." Sumimangot ako dahil doon. Nasa labas na rin lang kasi ako at mukhang pagagalitan na ako ng susunod na naman na teacher namin pag bumalik pa ako. "Ano bang date ngayon?" Mahinang tanong nito sa akin.

"July 12." Muli akong ngumiti kasi nga birthday ko nga! Kahit papaano ay naeexcite pa rin ako sa birthday ko. Paano kung may surprise ang mga kuya ko sa akin mamaya? Kaso mukhang malabo.

Nawala ang mga ngiti ko nang may mapadaang tatlong estudyanteng nag-cut din ng klase. Alam kong sinasadya nilang iparinig sa amin ang usapan nila. Hindi rin nila alintana kung napansin kong nakatingin sila sa amin ng matalim. Para sa kanila, madali lang nila akong tapakan.

"oh! look at her. Wala lang sa tabi niya ang boyfriend niya nilalandi na niya yung transfer student"

"yeah right. Saka look... as if naman bagay sila, hahaha!"

"tama! Naku iba na talaga ang kamandag ng malandi. Napakaflirt talaga."

"Don't mind them."

"W-wala naman talaga akong pakialam." Yumuko ako at pinilit kong hindi umiyak.

"huwag kang umiyak."

"I... I'm not crying." Punas ako nang punas ng luha ko dahil nakakahiya na kay Lance. Pati siya nadadamay na sa issue nila sa akin. Hindi ko naman nilalandi si Lance. Magkaibigan naman kami. Bawal na ba makipag-usap sa kaibigan? Hindi ba nila nakikita yun?

"Sumakay ka na."

"h-hah?"

"S-saan tayo pupunta?"

"Date." Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya iyon habang nakangisi. "Friendly date." Paglilinaw niya. "Angkas na." Tinitigan ko lang siya dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Kanina lang ayaw niyang may umangkas sa motor niya?

"Wear this." Inabot niya sa akin ang extra niyang helmet. Ang sabi niya wala siyang pinapasakay na iba pero may extra siya? Fishy siya! "Ano na? Sakay na." Doon ko pa lang sinuot ang helmet na binigay nito at umangkas na.

Nang mag-umpisa na niyang patakbuhin ang motor ay hindi ko alam kung saan ko siya kakapitan kaya naman ang dulo na lang ng damit nito ang kinapitan ko.

Noong una ay mabagal lang naman itong nagpapatakbo pero bumilis siya kaya halos nakayakap na ako sa kanya dahil parang nakikipagkarereahan ito sa isa pang nakamotor. Para ngang magkakilala sila dahil binusinahan siya nito kanina.

"YAH LANCE! BAGALAN MO LANG!"

Mas hinigpitak ko pa ang kapit ko sa kanya at medyo naiilang na talaga ako dahil nakayakap na talaga ako sa kanya.

Huminto lang kami nang marating na namin ang isang restaurant.

"Nakakasar ka!" Inamba ko siya ng suntok sa dibdib niya nang makababa kami at matanggal ko na ang helmet ko. "Alam mo bang natakot ako! Paano kung mamatay ako?"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi bigla akong iniwan ni Lance at nilapitan ang kararating lang din na motor. Iyon ang nakasabayan namin kanina.

"Girlfriend?" Nakangiting tanong ng lalaki kay Lance.

"Nah, a friend."

"Ah, sabagay. Yung chubby nga pala ang mga tipo mo. Pero Lance, magpatalo ka naman kahit minsan sa road race!" Sumama ang tingin ko sa lalaki. Nagkakarerahan sila! Paano kung mamatay ako? Alam nilang may angkas itong isa tapos ganyan pa sila.

"Nasa loob yata yung iba." Sabi pa nung lalaki, "Mauna na ako doon."

"Sige." Humarap sa akin si Lance nang makapasok na yung lalaki. "Tara na rin sa loob."

"Mukhang mamahalin dyan. Wala akong dalang pera." Sabi ko rito pero ngumiti lang siya... Ngumiti siya pero hindi sa akin. Napatingin tuloy ako sa taong nginitian nito. Papalapit sa amin ang babaeng kalalabas lang sa sasakyan niya.

"Lance, what are you doing here?"

"Tita." Tita... tinignan ko ang tita ni Lance. Maganda ito at makinis pa rin ang balat. Mukhang komportableng-komportable rin ito sa suot niya ngayon na dress.

"Class hour pa lang, anong ginagawa mo rito... Nagsama ka pa." Nakangiting tumingin sa akin ang tita ni Lance. "Girlfriend?"

"N-naku hindi po!" Tanggi ko.

"Tita naman! Itong sadistang rabbit na 'to? Kung magkakagirlfriend ako, hindi yung payat." Bwisit talaga 'tong si Lance. "Pero birthday ni Sharlot ngayon. Ililibre mo ba kami?"

"Hoy Lance... nakakahiya." Halos pabulong kong sabi rito pero ngumiti lang ang tita nito.

"Dapat kanina pa kayo pumasok sa loob. Nakakahiya kay Sharlot. Halina kayo." Nahihiya akong sumunod sa kanila papasok sa restaurant. Nakakahiya kasi talaga. Hindi ko naman maawat ang kakapalan ng mukha ni Lance sa tita niya.

Kakapasok nga lang namin ng restaurant pero parang gusto ko na kaagad umatras. Napalunok ako dahil sa kaba nang makita ko si Jake an gang pamilya nito. Humakbang ako ng paatras at tatalikod na nga sana ako pero bigla akong nakita ng daddy ni Jake.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagtayo ni tito at sa paglapit sa kinatatayuan ko. Ugh! What if isipin nilang niloloko ko si Jake? Oh my God. Huwag naman sana. :<




Continue Reading

You'll Also Like

21.2M 768K 44
TIL Series #1 (Book 1 of 2) Chelsea Vellarde is trapped from a hopeless affection for Blaze Abelard. She wants to move on but whenever she tries, sh...
1.9M 15.3K 87
It's so good to love someone so much it hurts, right?
14.4M 502K 56
AIWG Sidestory featuring Misty Kirsten Lee (Kurt's younger sister) and France Zion Madrigal (Wayne's younger brother) "Ma-fa-fall na nga lang ako, sa...
14.6M 324K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...