Chasing Lifetime (Chasing #5)

By Pezzaaa

6.9K 274 89

Kim has a dark secret that she just want to bury with her, she keeps a dark and deep secret from the man that... More

Chasing Lifetime
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Chasing Lifetime

Chapter 3

124 7 2
By Pezzaaa

"E, bakit hindi ka nagsundalo?"

Sumulyap naman siya sa akin. "Typical heir story, walang ibang magpapatakbo ng kompanya kundi ako kaya hindi ako hinayaan ng parents ko na ipursue talaga ang gusto ko."

"Kapag mahirap ka hindi mo mapursue 'yong pangarap mo kasi wala kang pera, kapag mayaman ka naman ay hindi mo rin mapursue ang pangarap mo kasi may iba kang responsibilidad. Saan ka na lulugar?"

"Sa puso mo."

Nag-init naman ang pisngi ko.

He chuckled. "Joke lang, Kim. Baka mapikon ka na sa akin, e."

Hindi ako napipikon, Brixel. Kinikilig ako!

Pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ni Kyril.

"Akala ko ba uuwi ka na kanina?"

Nagletter o pa ang bibig niya nang makita si Brixel na pumasok.

"Okay, alam ko na!" Ngumisi pa siya tsaka umupo sa sofa.

"Nandito ka nanaman, Kuya?" Parang naiirita pa si Bri sa presensya ng kapatid niya.

Napailing na lang ako tsaka umakyat na sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Ngiting-ngiti talaga dapat, Kianna Michaela?

Lalo naman akong napangiti.

Lord, thank you po for this day! Grabe 'yong kilig na naramdaman ko ngayon!

Naligo na muna ako. Simpleng puting spaghetti strap top at pajama ang suot ko tsaka bumaba. Nagulat naman ako nang nandito pa rin si Brixel.

"Gabi na, ah?" sabi ko pa sa kanya.

Tumayo naman siya sa mula sa pagkakaupo niya sa sofa.

He smiled. "I was actually waiting for you, para makapagpaalam ako."

Rinig ko pa ang impit na tili ni Kyril kaya pasimple ko siyang tinapunan ng masamang tingin. Pilit ko namang pinapakalma ang puso kong nagwawala.

"Ah, ganon ba? 'Di ko alam." Hindi ko din alam kung anong sasabihin ko.

Muling ngumiti si Brixel.

Tama na, Brixel! Baka 'di ko na kayanin.

"Sige uwi na ako. Bye, Bri, Kyril, Vera," pagpapaalam niya pa. "Bye, Kim."

Tumango naman ako. "Drive safely."

Ngumiti naman siya tsaka tumango.

Nang makaalis si Brixel ay niyugyog pa ako nila Kyril at Briana habang si Vera ay nakatingin lang.

"Ano ba!" nahihiyang sabi ko.

"Bakit may ganoon? Anong meron sainyo ni Brixel?" milig na kilig pa na tanong ni Kyril.

"Anong pinagsasabi mo? Magkaibigan lang kami," sabi ko tsaka sumalampak sa sofa.

"Ate, alam mo bang hindi ko hinahayaan na magkagirl friend si Kuya pero kung ikaw naman ay okay lang."

Kumalabog naman ang dibdib ko.

"Anong sinasabi mo jan, Bri?"

"Ate! Kitang-kita namin, may sparks between you and Brixel! Bagay na bagay kayo!" Nagtitili pa sina Kyril at Briana.

Tinignan ko naman si Vera. She just shrugged her shoulders.

I rolled my eyes. Hindi ko na rin alam kung paano itago ang kilig ko.

Kumain lang ako tapos ay umakyat na sa kwarto ko. Hindi pa rin ako tinitigilan nila Kyril.

Mga baliw talaga!

Sumampa na ako sa kama ko at tanging ang lampshade lang sa may side table ko ang nagbibigay ng ilaw sa akin, kasalukuyan kasi akong nagbabasa ng libro.

Biglang tumunog ang phone ko.

From: Unknown
Hi! This is Brixel, got your number from Bri.

Bumilis naman nang sobra ang tibok ng puso ko. Gusto kong magtatalon dito sa kama dahil sa kilig, pero siyempre kahit walang ibang nakakakita ay dapat Dalagang Pilipina pa rin tayo. Kinalma ko muna ang sarili ko bago magreply.

I also name him in my contacts as Ratel. Napangiti naman ako.

To:Ratel
Hi! Ba't gising ka pa?

Kinilig pa ako nang masend ko na ang message. Agad namang nagreply si Brixel.

From: Ratel
Can't sleep. How 'bout you?

Ibinaba ko na ang hawak kong libro at nagfocus na sa phone ko.

To: Ratel
I'm reading, pampatulog.

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko para pigilan ang paglawak ng ngiti ko nang magreply agad si Brixel.

From: Ratel
Baka naaabala kita?

Hindi ka abala sa akin, Brixel.

To: Ratel
Hindi, ah! Tapos na rin naman akong magbasa.

Kahit ang totoo ay kakasimula ko palang.

Hindi ko alam kung anong oras na natigil ang pagtetext namin ni Brixel, naggising na lang ako na ang sakit ng ulo ko at ang ingay ng alarm clock. Wala naman talaga akong balak magpuyat kagabi dahil may pasok ngayon pero okay lang, sulit naman 'yong pagpupuyat.

Lalong gumanda ang umaga ko nang pagcheck ko sa phone ko ay may good morning message si Brixel.

From: Ratel
Good morning, Kim. Sorry napuyat kita kagabi.

Parang boyfriend lang, ah?

Pakiramdam ko ay nawala ang sakit ng ulo ko sa message na 'yon ni Brixel. Wala namang something sa message niya pero kilig na kilig na agad ako. May pa himig-himig pa ako ngayon habang nagluluto.

"Ganda ng mood, ah?"

Nilingon ko naman si Kyril. "Good morning!"

"Hala? Ang hyper mo ata?"

Natawa naman ako. "Hyper agad?"

Matapos namin kumain ay naligo na rin ako at nag-asikaso. Mamaya pa naman ang klase ko pero kailangan ko kasing maglibrary.

Pagbaba ko ay lumundag ang puso ko nang makita si Brixel na nakaupo sa sofa.

Gosh! Ang gwapo niya talaga!

"Good morning!" bati ko.

He smiled at me. "Good morning, Kim."

Wala namang espesyal sa nickname ko pero iba kapag binabanggit niya.

"Papasok ka na?"

Tumango naman ako.

"Sumabay ka na sa amin ni Bri, madadaanan naman ang St. Scholastica kapag papuntang Montreal High."

"Ha?"

Ha, Kim? Kilig ka nanaman?

"Ah, okay lang ba?"

Ngumiti naman siya. "Oo naman. Ikaw pa ba?"

Hay! So far his dimple is my favorite part of his body.

At dahil baliw din 'tong si Bri ay sa front seat niya ako pinasakay habang silang tatlo nila Vera ay nasa backseat. Sa labas lang ang tingin ko dahil papasok palang kami kanina sa kotse ay nakakaloko na akong tinignan ni Kyril.

Pakiramdam ko ay sobrang sikip dito sa kotse ni Brixel. At napaparanoid din ako na baka nadidinig nila ang tibok ng puso ko. Feeling ko ay sobrang lakas ng tibok ngayon.

"Kumusta pala 'yong binasa mong libro kagabi, Kim?"

"Ah, okay naman. Maganda siya."

Damn! Kelan ba magiging normal sa akin kapag kinakausap ako ni Brixel? Tsaka maganda? E, hindi mo pa nga natatapos 'yong prologue!

"Kumusta naman ang tulog mo? Ilang oras lang ang tulog natin."

Nagmura naman ako sa isip ko.

Damn! Bakit mo inopen ang topic na yan sa harap nila Kyril?

Ngumiti lang ako. Ayoko nang magsalita dahil lalo lang akong aasarin nila Kyril.

"Magkatext kayo kagabi, Kuya?" At ayan na nga, nagsisimula na si Briana na mang-usisa.

Sa labas lang ako nakatingin dahil nag-init ang mukha ko at panigurado na namumula na ako ngayon.

"Yup, bakit? Bawal ba?" sagot ni Brixel.

"Nagtatanong lang, e. Bawal din ba?"

Nagtawanan naman sila ni Kyril. For sure ay katakot-takot nanaman na pang-aasar ang aabutin ko sa kanila.

"Thank you!" pagpapasalamat ko nang nasa tapat na kami ng St. Scholastica, mas mauuna kasi 'to kesa sa Montreal High kung saan nag-aaral sina Vera.

"Your always welcome!" He smiled.

Okay, inspired na inspired ako mag-aral panigurado.

Kumaway muna ako kina Kyril na nakangisi sa akin bago isara ang front seat.

At tulad ng plano ko ay dumerecho ako sa library. Biglang tumunog ang phone ko at mabuti na lang ay iilan palang ang nandito sa library. Nakalimutan ko palang isilent kanina.

From: Ratel
Nandito na ako sa St. Celestine.

Nakagat ko naman ang labi ko. Kailangan talaga mag-update, Brixel Jayden?

Agad naman akong nagtipa ng message.

To: Ratel
Okay. Nasa library ako ngayon. I'll text you later.

Parang kakasend ko palang ay may reply na agad siya.

From: Ratel
Sure. I'll wait for your text.

Jusko! Kung pwede nga lang sana na magtitili dito sa library, e.

Halos nagtagal din ako ng 30 minutes dito sa library at nang makalabas ako sa library ay agad akong nagtipa ng message para kay Brixel.

To: Ratel
Kakatapos ko lang maglibrary, papunta na ako sa klase ko.

Hindi ko inaasahan na magrereply siya agad but he did.

From: Ratel
Can I call?

Lumundag naman ang puso ko. Oh, My God! Ano ba 'tong ginagawa mo sa akin, Brixel?

To: Ratel
Sure.

Ratel is calling..

I took a deep breath before answering his call.

"Hi!"

"Hello, bakit?"

Pinilit ko na pakalmahin ang sarili ko dahil baka mahalata niya na kinikilig ako.

Wala akong balak na umamin kay Brixel na crush ko siya, no? Akin na lang 'yon or pwede ring akin na lang siya! Char!

"Wala lang, bawal ba? May magagalit ba?"

"Sino namang magagalit?" Kumunot pa ang noo ko.

"Wala naman, malay mo lang."

"Wala naman."

"Good. May pasok ka sa Swiftea mamaya?"

"Oo. Bakit?" Pupuntahan mo ko?

"Anong oras ang out mo?"

"Mga 7 pa."

"Gabi na rin pala. Delikado na para sa'yo kung uuwi ka mag-isa."

Umiling pa ako na akala mo ay nakikita niya ako. "Hindi naman, sanay na rin ako."

Hindi na rin nagtagal ang tawag namin ni Brixel dahil nakarating na ako sa classroom ko kaya nagpaalam na ako sa kanya.

Gustong-gusto ko na magvacant time dahil siyempre! Gusto ko na makatext ulit si Brixel. Sa wakas! Nagkaroon na rin ng kwenta 'tong phone ko.

Nang magvacant kami ay agad kong nilabas ang phone ko. Mayroong message si Brixel.

From: Ratel
Wala kaming prof.

Napangiti naman. Bakit may pag-update, Brixel?

Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang nagtitipa ng reply sa kanya.

To: Ratel
Vacant ko. Papunta akong cafeteria para maglunch.

"Hoy Kianna! Sino ba 'yang katext mo?" Kunot na kunot ang noo ni Valerie, kaibigan ko.

Umiling naman ako. "Wala. Kaibigan ko."

"We? Kaibigan pero 'yong ngiti hanggang langit? Tara na! Nagugutom na ako." Ngumuso pa siya.

Natawa naman ako.

Habang kumakain kami ay panay ang pindot ko sa phone ko dahil nagreply na ulit si Brixel.

"Sino ba 'yan?"

Nanlaki ang mga mata ko nang agawin ni Valerie ang phone ko.

"Ratel? Sinong Ratel?" Kumunot ang noo niya.

Hay! Thanks to that code name. Wala naman akong balak na ipagsabi kahit kanino ang tungkol sa pagkagusto ko kay Brixel, mamaya ay malaman niya pa. Nakakahiya!

"'Di mo 'yan kilala, kaya akin na ang phone ko."

"Eat well, Kim. See you later," binasa niya pa ang message ni Brixel.

Agad ko namang hinablot ang phone ko.

"Ano 'yan? Jowa mo?"

"Baliw, hindi!"

"Showbiz!" aniya.

Natawa naman ako.

Hanggang sa matapos ang vacant ko ay magkatext pa rin kami ni Brixel.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko ay nagpaalam na ako kay Valerie.

"Bye, Val!"

"Madaling-madali, ah? May date?"

Tumawa naman ako. "Baliw! May trabaho ako!"

Umangat naman ang sulok ng labi niya. "Showbiz ka talaga! Ibati mo na lang ako kung sa sino mang Pontio Pilato 'yang Ratel na 'yan."

"Loko!" sabi ko sabay tawa.

Nasa byahe na ako papuntang Swiftea, hindi na nagreply si Brixel sa huling text ko sa kanya kaya hindi ko alam kung dapat ba akong mag-update sa kanya na papunta na ako sa Swiftea.

Nakapagpalit na ako ng uniform at palabas na sana nang crew room nang magtext si Brixel.

From: Ratel
Sorry late reply, biglang dumating 'yong prof ko. Business management ang course ko, how 'bout you?

Umupo muna ako sa couch. May 10 minutes pa naman ako.

To: Ratel
BS Customs Administration.

Grabe! Ang bilis magreply nitong si Brixel.

"Hoy, girl! Walang balak mag-in?"

Nagulat naman ako kay Karla.

"Hala! Sorry!"

Hindi ko namalayan na lumagpas na pala ng 5 minutes, napasarap kasi ang pagtetext ko. Agad ko nang itinago ang phone ko at nag-in na.

Nakalimutan ko pang magsabi kay Brixel.

Hala, girl! Kailangan ba talaga 'yon?

Ang daming customers dahil sa uwian ng mga studyante, may katapat din kasi na State university itong Swiftea. At dahil sa pagdami ng mga customers ay hindi ko na namalayan na isang oras na lang pala ay out na ako.

Habang walang customer ay nagpunas na muna ako ng counter.

Nang tumunog ang chime sa may pinto ay nag-angat ako ng tingin para bumati sa customer.

"Good evening! Welcome to Swiftea!" Napangiti naman ako ng sobra nang makitang si Brixel 'yon.

He smiled at me. "Hi! Pwedeng paorder ng isang Kim?"

Nagwala naman ang puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

15.1K 637 49
Ayla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?
76.6K 1.3K 50
Play The Set #5 Hard. That's how Ingrid describes her life. She has a sister and brother that need her support, and a paralyzed mother whom she doesn...
26.6K 900 52
After an unexpected event, Amara Cassiel Alcantara decided to take the path of medicine and hopes to become a cardiothoracic surgeon. In a world of u...
834 132 44
Suelmin Estrada never gets tired of confessing her feelings towards Ramesses Mendez even though she can no longer count how many times she got reject...