SA KASALUKUYAN
KAHARIAN NG ETHERIA
ETHER'S PROVERBS
Ngayon na nakuha na namin ang mga makapangyarihang sandata ng tatlong kaharian may higit na kaming lakas at kapangyarihan upang labanan ang mga diwata sa parating na digmaan natitiyak ko na nagkakagulo na ngayon ang mga diwata at sila mismo ang lalapit dito upang kunin ang mga ito nasa punong bulwagan kami ngayon ni Ravana hinihintay ang pagbabalik ni Agatha at Lucio.
ETHER :Higit na mas makapangyarihan tayo ngayon kaysa mga diwata at natitiyak ko na wala na sila laban sa atin.
RAVANA:Huwag kang maging kampante Ether sapagkat nasa kanila pa ang mga brilyante na makakapaslang sa atin kailangan natin ito makuha nang saganon ay mawalan na ng kapangyarihan ang mga ashtading diwata.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na si Agatha at Lucio na parang may magandang balitang dala.
ETHER:Avisala Lucio,Agatha batid ko na may nais kayong sabihin.
LUCIO:Oo Bathaluman mukhang napaniwala na namin ang mga diwata na nakikiisa na kami sa kanila.
ETHER:Mainam kung ganon.
AGATHA:Kagaya ng inaasahan namin ay nagdududa pa rin sila, ngunit naniniwala ako na mabibilog din namin ni Lucio ang kanilang mga ulo.
RAVANA:Kung ganon man ay gawin niyo ang lahat upang mawala ang kanilang pagdududa nang saganon ay magiging madali ang ating hakbang na gagawin laban sa kanila.
KAHARIAN NG LIREO
GENERAL'S PROVERBS
Kasalukuyang nag-uusap sa silid pulungan ang mga kasalukuyang pinuno ng Encantadia tungkol sa kaguluhang naganap at kung saan galing ang mga kubor na gumugulo sa kanila.
PAOPAO:Natitiyak ko na sila Ether ay may kagagawan nito.
LIRA:Iyon nga ang pinagusapan namin ni Mira kanina,ngunit ang pinagtataka ko lang ay kung bakit nila tayo tinulungan at nang magtanong ako sa kanila ang tanging sagot lang ni Lucio ay tanda iyon ng pagkakaisa nila ni Agatha.
ALANA:Huwag tayong maniwala diyan Hara sapagkat may posibilidad na pain lang nila iyon na mapaniwala tayo na nakakaisa nila tayo.
MIRA:Tama si Alana kung kakagatin natin ang pain ay mapapahamak tayong lahat.
PAOPAO:Iyon din ang nasa aking isipan na maaring pain nila iyon at akala siguro nila na mapaniwala nila tayo.
VANESSA:Tama at batid nating lahat na hindi nila kayang pagtaksilan ang kanilang nga Bathaluman at batid din natin na tapat sila sa mga ito.
LIRA:May punto ka Vanessa.
ANGELO:Poltre Hara,Rehav,mga Diwani kailangan na nating magmadali sapagkat nakikita ko na nawawala at mga makapangyarihang sandata at sina Ether ang kumuha.
DASHA:Tanakreshna!sinamantala talaga nila ang pagkakataon na habang abala tayo sa pakikipaglaban ay saka naman sila nagnakaw!
ADAMUS:Mga viller natitiyak ko na gagamitin ang mga iyon laban sa atin kaya kailangan na magtungo sa Etheria!
EMMANUEL:Tama kailangan mabawi natin ito sa lalong madaling panahon bago pa ito magamit laban sa atin!
LIRA:Kami nalang nila Paopao ang mag tungo doon.
CASSANDRA:Kami na nila Alana Yna pinapangako namin na hindi kami mapapahamak at mag-iingat kami.
LIRA:Sige at ibibigay ko sa iyo ang aking basbas na naway magtagumpay kayo sa inyong layunin.
NUNONG IMAW:Tanggapin niyo rin ang aking basbas na gabayan kayo ng ating mga Bathala.
ALANA:Avisala eshma Nuno!mauna na kami sa inyo.
MIRA:Mag-ingat kayo sa inyong paglalakbay.
KAHARIAN NG ETHERIA
RAVANA'S PROVERBS
Inuulat ng aking alaga na alam na ng mga diwata ang pagkawala ng mga makapangyarihang sandata ng tatlong kaharian kagaya ng inaasahan ay sila mismo ang magtutungo dito kaya pinaalis ko muna ang mga bantay at pinatungo muna namin ang Rama at ang Hara sa kaharian ng Niyebe kaya kami lang ni Ether ang nasa punong bulwagan upang hintayin ang kanilang pagdating.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na ang mga batang Sangre sa punong bulwagan kung saan kami naroroon ni Ether
RAVANA:Avisala mga Sangre kanina ko pa kayo hinihintay!
ALANA:Hindi na kami magpaligoy ligoy pa Ravana,naparito kami upang kunin ang mga sandatang ninakaw niyo mga viller!
RAVANA:Kay lakas ng loob mong lapastanganin ang isang Bathaluman! makukuha lang ninyo ang inyong nais kung ibibigay niyo ang aming hinihiling!
DASHA:At ano naman ang magiging kapalit ang aming mga brilyante?Kahit kailan ay hindi namin ito ibibigay sa inyo!
ETHER:Kung ganon ay wala kaming magagawa kundi magdeklara ng digmaan at gamitin ang mga ito laban sa inyo!
CASSANDRA:Tuso ka talaga Ether,digmaan na kung digmaan at titiyakin namin na hinding hindi kayo magtatagumpay!
ETHER:Tingnan natin kung magtatagumpay kayo lalong lalo na,na pinaslang na namin ni Ravana ang karamihan sa inyong mga kawal!(Sabi nito na may halong pangungutya)
ADAMUS:Pashnea ka!,ngunit ganon pa man ay sisiguraduhin namin na babagsak kayo!
Saka sila nag-ivictus pabalik sa kanilang palasyo.
KAHARIAN NG LIREO
GENERAL'S PROVERBS
Nasa silid pulungan pa rin ang lahat hinihintay ang pagdating ng mga batang Sangre ilang sandali lang dumating na walang pag-alinlangan ay tinatanong agad ni Lira kung ano ang nangyari sa kanilang pagtutungo sa Etheria.
LIRA:Kumusta ang inyong pagtutungo doon?Nakuha ba ninyo ang mga sandata?
CASSANDRA:Poltre Yna ngunit nabigo kaming makuha ang mga sandata.
MIRA:May hinihingi ba silang kapalit?
ALANA:Oo Ate,hinihingi nila ang mga brilyante kapalit ng mga sandata.
ADAMUS:Kung hindi namin ibibigay ang kanilang nais ay magkaroon ng digmaan.
MIRA:Pashnea tuso talaga sila Ether!
DASHA:At sinabi pa ni Ether na pinaslang na nilang dalawa ni Ravana ang karamihan sa ating mga kawal.
PAOPAO:Sabi na nga ba na ang brilyante ang hihingin nilang kapalit kung ganun man ay maghanda na tayo sa digmaan na ibibigay nila.
ANGELO:Kagaya ng dati ang magtutungo akong Devas upang hingin ang tulong Ni Ama.
VANESSA:Magbalik po muna kami ng Elementia ni Eman para sabihan sila Ina tungkol sa digmaan.
EMMANUEL:At kailangan na po namin magtungo sa aming kaharian sa lalong madaling panahon nang saganon ay makapaghanda sila Ama.
ANGELO:Kailangan ko na din magtungong Devas.
LIRA:Kung ganon ay mag-ingat kayo sa inyong paglalakbay.
Saka nag-ivictus si Vanessa at Emmanuel patungo sa kanilang muna habang si Angelo naman ay patungong Devas.
KAHARIAN NG NIYEBE
Nang makaalis ang mga Sangre ay dumeretso na si Ether sa kaharian ng Niyebe upang isagawa ang kanilang plano ni Agatha upang mahiram angn makapangyarihang septre ni Lucio nang saganon ay makatungo sila mundo ng mga tao upang maghanap ng magiging kawal.
AGATHA:Mabuti naman na naparito ka nang saganon ay magawa na natin ang ating layunin.
ETHER:Oo,Lucio ang iyong septre.
LUCIO:Ito Bathaluman(Sabay abot niya sa septre kay Ether at agad naman itong kinuha ng Bathaluman)at naway magtatagumpay kayo sa inyong layunin.
AGATHA:Avisala eshma Lucio at tutuloy na kami.(Saka nag-ivictus patungo sa kuta ng mga bandido)
KUTA NG MGA BANDIDO
Pagdating ng pagdating pa lang ng dalawang Bathaluman sa kuta ng mga bandido ay agad silang tinutukan ng sandata simula ng matapos ay digmaan ay naging magkaibigan na ang mga bandido at mga diwata at binigay na rin nila ang kanilang katapatan noong Hara pa si Alena at nangangako sila na kung sino man ang kaaway ng mga diwata ay kaaway na rin nila.
ETHER:Kay lakas ng loob niyong tutukan kami ng inyong mga sandata na batid niyo na wala kayong laban sa aming mga Bathaluman!
BARKUS:Kung sino man ang mga kaaway ng mga diwata ay kaaway na rin namin,anong ginagawa niyo dito sa aming kuta?!
RAVANA:Naparito kami sapagkat nais naming dumaan sa inyong lagusan upang magtungo sa mundo ng mga tao.
BARKUS:Hindi kayo maaring dumaan sa aming lagusan at hindi rin kayo makakadaan diyan sapagkat may pananggalang na ito laban sa inyo!
ETHER:Batid na namin na nilagyan ito ng pananggalang ng mga diwata ngunit may kapangyarihan kami upang tanggalin ito kaya huwag kayong humarang sa daraanan namin kung ayaw niyong maparusahan.
Sa takot ng mga bandido na maparusahan ni Ether ay wala silang magawa kundi padaanin ang dalawang Bathaluman sa lagusan ng pagkaligaw ng walang pag-aalinlangan ay sinimulan ng itaas ni Ravana ay kanyang septre at ang makapangyarihang septre ng nanggaling sa Isla Muerta nang saganon ay matanggal na nila ang pananggalang.
RAVANA:Gamit ang aking septre at ang septre ng nanggaling sa Isla Muerta ay basagin niyo ang pananggalang sa lagusan na ito nang saganon ay makapunta kami sa mundo ng mga tao upang maisagawa namin ang aming layunin nang saganon ay lumakas ang aming pwersa!
Saka lumiwanag ang dalawang septre at sumabog ang pananggalang na nilikha ng mga diwata saka nakadaan sila Ether patungo sa mundo ng mga tao at may binihag bandido ang dalawang Bathaluman upang samahan sila sa kanilang pupuntahan.
ITUTULOY...
Avisala guys heto po ang pangalawang libro ng ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO
Avisala eshma sa walang sawang pagsuporta ninyo sa akin e correi diu..❤