Love, Sakura

By AkoSiHurricane

3.5K 550 2K

Sakura Furuka, is a first year college student who recieves letter from herself five years from the future, t... More

A/N
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
LOVE, SAKURA

Chapter XXIII

59 7 18
By AkoSiHurricane

23.

As Eren let me, hindi na 'ko nag-dalawang isip pa na lumabas ng souvenir's store. I took a deep breath as I step outside. Ang lakas ng tibok ng puso ko, tumitibok ito sa masakit na paraan.

Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto nila. Pero habang ginagawa ko 'yun, may mga pumasok na pangongontra sa isip ko...

Paano kung barahin ka lang niya, Sakura? Paano kung sabihin niya na wala kang pakialam sa kung sino ang babae na 'yon? Paano kung makakaistorbo ka lang sa kanila? Paano kung may espesyal siyang nararamdaman doon?

That stop me on my tracks.

I unconciously gripped my hand into fists. I feel like something was jabbing into my heart. Nasasaktan ako pero hindi pwede.

Humugot muli ako ng malalim na hininga bago maisipang tumalikod at bumalik na lang sa souvenir's store. Ang tanga ko lang dahil kung kailang nasa labas na 'ko, saka ko pa maiisip na magpapakita ako para lang doon. Wala naman akong karapatan. Ang misyon ko ay panatilihin siyang buhay, hindi pa-ibigin sa akin, hindi para magselos ako.

Tama. I should go back to Eren...

"Sakura."

Nakakadalawang hakbang palang ako pabalik nang bigla kong marinig ang boses ni Sage at higitin ako sa pulsuhan. When I turned to looked at him, an evidence of surprise was shown in his jet-black eyes.

Maybe he was surprise that I'm here? Probably.

"Mind if you come with me?" He asked as his expression turned into blank.

I blinked somewhat confusedly, "What? Where?"

"Kahit saan."

Hindi pa ako nakakapag-react nang hatakin niya na ako sa kamay at lumayo sa pwestong 'yun. Gustuhin ko mang lingunin ang babaeng kasama niya ay hindi ko na nagawa sa bilis ng paglalakad ni Sage. Hindi ko tuloy maiwasang isipin... tinatakasan niya ba iyon?

"P-Pero ‘di ba may kasama ka?" Tanong ko sa gitna ng paglalakad namin. "Hahanapin ka no’n! But wait, you said she was just a passerby, didn’t you? Why are you two dating---"

Huminto kami bigla at sinalubong niya ako ng masamang tingin, bagay na kinataas ko ng dalawang kilay.

"Don’t say that again. It’s disgusting." he retorted in a sharp low voice.

Hindi na ulit ako nagsalita nang muli na naman niya 'kong hatakin sa kamay at dalhin sa tapat ng isang malaking hall na narito lang din sa loob ng theme park. Dire-diretso si Sage doon hanggang sa makapasok kami. Hindi niya binitawan ang kamay ko kahit na nasa loob na kami't nakalayo na sa pinanggalingan.

Tumigil lang kami sa paglalakad nang matapat kami sa mga paintings na may iba't-ibang disenyo.

Binitawan ako ni Sage. Namulsa siya at nilagay ang paningin sa mga paintings na nasa kabilang banda naman, tila pinagmamasdan ang ilang mga nakaguhit na alitaptap dito. Maang akong napahawak sa dibdib ko, malakas ang tibok nito.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya 'ko tinangay.

"Sage," mahina kong tawag sa kan'ya.

He stopped and turned to looked at me with his usual stony expression.

"Why did you take me here?"

Hindi pa siya kaagad sumagot, pero sa huli ay bumuntong hininga ito. "Bacause I saw you. I’m sorry if I had to dragged you all the way." he paused and continued, "I bet you’re not alone. Where’s your friends? For sure they’re looking for you now. If you want to leave, it’s fine."

I can't help but to frowned, "Pagkatapos mo ‘kong dalhin dito paalisin mo ako?"

"I wasn’t thinking that much when I dragged you."

"More importantly, why did you leave that girl behind?" Tanong ko agad.

"That was my plan."

"Why are you with---" Natigil ako sa pagsasalita. Ano bang gusto kong sabihin? My feelings here doesn't count.

He disclosed that topic already, Sakura. Enough. Don't make him mad again.

Tumaas ang dalawang kilay nito sa 'kin, "It doesn’t matter if I’m with her, she’s not important so quit it." malamig niyang saad kahit hindi ko naman kinompleto ang salita ko.

Sa totoo lang, gusto kong mainis kay Sage. Sabi niya may tiwala siya sa akin, pero bukod sa problema niya, hindi niya masabi sa akin kung sino at anong mayro'n sa kanila ng babaeng 'yun. Pero... ayoko nang palakihin 'to. Kaya kung nasasaktan man ako, nagseselos o naiinggit, hindi ko na dapat 'yun ipahalata sa kan'ya.

What's important is... we're good and all right. I don't want him to get mad at me again.

I heaved a deep and heavy sigh. I nodded in concede, "I understand, Sage." Inipon ko ang lakas ko para ngumiti, "N-Now that we’re here inside, what are you planning to do? Do you want me to accompany you until you’re tired?"

"Yes, please." he answered back.

Silence begun to enveloped us as we stared into each other's eyes. Hindi ko alam kung nakikita niya ba ang sakit sa mata ko o pinapantayan lang nito ang titig na ginagawa ko sa kan'ya.

But... he just kept staring deeper and deeper.

I cleared my throat in an attempt to break the awkward silence. I smiled at him, "So... shall we?"

Kagaya ng gusto niyang mangyari, sinamahan ko siya sa paglalakad-lakad. Umakyat kami sa 2nd floor at doon namin nalaman na may gaganapin palang theater play rito habang ang nasa 1st floor ay isang malaking exhibition. Kung 'di ako nagkakamali, nabanggit ko sa letter ang tungkol sa exhibition.

Pinilit kong itaas ang mood ko kahit na deep inside, maraming katanungan na bumabagabag sa 'kin. Sinasaksak ko sa kukote ko na, 'hindi na ako pwedeng lumagpas sa ganitong lebel namin. Hindi por que minahal niya ako noon, e mamahalin din niya ako ngayon.' I only came back to change his fate, to save his life from death-- nothing more, nothing less.

I have to be contented with our relationship. Basta 'wag lang niya akong palayuin sa kan'ya-- dahil kailangan ko siyang subaybayan hanggang sa makita ko siya sa future... kahit makita na lang.

Nang makuntento kami ro'n ay napagpasyahan naming bumaba na ulit. Kapansin-pansin ang bahagyang pagdilim ng paligid, hindi gaya kanina na puno pa ng liwanag. The green specks of light flickering in the darkness grabbed my whole attention.

The corridors suddenly lit up with fireflies, making it resemble a starry summer sky.

Namangha ako sa mga nakikita. Kaya naman pala maraming paintings na may disenyong fireflies at 'heirs of light' ang pangalan ng exhibition na ito.

"Some like to believe that fireflies are stars, too. But on the land, instead of in the sky."

Napalingon ako kay Sage nang mahina siyang magsalita. His hands on his pocket, keeping his eyes forward.

"Sounds romantic..." I commented quietly.

"But behind the romance, there are lots of hidden truths no one ever hears about."

Napalunok ako. Bakit parang may meaning ang sinasabi niya?

"We, humans, are always attracted to shiny things and ignore everything else." he continued, "We only see a person’s most prominent quality. As for the rest of their qualities, they become overlooked blind spots."

"Just like you?" I was a little surprised with my own question, I lightly shook my head, "B-Because it’s hard to truly know a person... like you... I guess." my voice grew quieter and quieter.

He turned his head and looked hard at me.

Binigyan ko siya ng ngiti, "It requires luck and patience to truly understand you, Sage."

"Maybe you’re right. But you also need to be more motivated." sagot niya pagkatapos tanggalin ang tingin sa akin.

"I am motivated!"

Kulang pa ba 'yung mga effort at pagti-tiyaga ko para makuha ng buo ang tiwala niya para sabihin niya 'yan?

Haay.

As we started to walked on, a little boy accidentally crash into Sage. Sabay kaming napahinto nang biglang mapaupo ang bata sa sahig. May hawak itong jar na may mga alitaptap sa loob.

Yumuko agad si Sage para tulungan ang bata makatayo. "Sorry, kid."

Nakangiting tumango sa kan'ya ang bata at pinakita ang jar na hawak, "Sorry din po! Bagong alaga ko nga pala! Sige po, bye-bye!" Saka naman ito kumaripas ng takbo muli.

Tumingin ako sa pinanggalingan ng bata at doon ko nakita ang lamesang puno ng jars at naglalaman ng mga alitaptap.

So, they sell fireflies in this exhibition too?

Tinanguhan ko si Sage bilang senyales na sumunod siya sa akin. Lumakad ako at lumapit sa tinderong nagtitinda sa mga kaawa-awang alitaptap.

Bahagya akong yumuko para mas makita sila ng malapitan. My face fell seeing those poor fireflies trapped in jars.

"Are they sleeping?" naiusal ko na lamang.

"They’re not sleeping, they’re on the verge of dying, in fact." Sage replied, "They can’t survive in jars for so long. It’s not their natural habitat."

Tumayo ako ng diretso. "Pero ‘di ba ang purpose ng exhibition na ito ay para mas magkaroon pa ng kaalaman tungkol sa mga alitaptap?"

Hindi naman sa gusto kong mangialam, pero para sa akin, mali ang ganitong gawain. Habang may bumibili, mas lumalaki ang tiyansa ng vendor para manghuli muli at ibenta. Para sa akin kasi, hindi naman 'pets' ang mga ito. Hindi hinuhuli para alagaan.

"Kung tititigan mo lang ‘yan, mas lalo ka lang maaawa. Let’s go."

Tumalikod na si Sage pero nahawakan ko ito sa dulo ng kan'yang itim na jacket. Tumingin siya sa ‘kin pabalik.

"What?"

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita, "Bakit hindi tayo gumawa ng paraan para makabalik sila sa tunay na tirahan nila?" suhestiyon ko.

His forehead creased.

Hindi ko rin alam, pero naaalala ko si Sage sa mga kawawang alitaptap na ito...

"Wait for me." Pagkatapos kong sabihin 'yun ay hindi na ako nag-explain pa. Nakakahiya man, pero mayro'n sa loob ko na nagsasabing tulungan ko ang mga alitaptap na ito-- kagaya ng pagtulong na ginagawa ko kay Sage.

Lumapit ako sa tindero, malapad ang ngiti niya habang binibilang sa kamay ang mga pera.

"Hi, binibini! Baka gusto mong bumili ng pampa-swerte, 150 sa jar na maliit at 200 naman sa malaki." bungad niya nang saktong makita ako.

I pursed my lips. I don't know if I'll succeed but... bahala na.

"K-Kuya, masama po magbenta ng mga alitaptap. Hindi po sila ginawa para ikulong at ibenta..." kinakabahang litanya ko.

Kumunot ng bahagya ang noo niya, pero nanatili rito ang ngiti. "Ano ho iyon? Insekto lang naman ‘yan at marami naman ‘yan sa gubat. Kung hindi ka bibili, umalis ka na lang." asik niya pa sa naiinis na tono.

"M-Mamamatay po kasi sila sa loob. Nakikita niyo po ba ang ilan?" Tinapunan ko ng tingin ang mga ito, "Kung may bibili man sa kanila, mamamatay lang din sila. Masasayang lang ‘yung pera."

Binaba ng tindero ang mga kamay niya at inis akong tinignan mula ulo hanggang paa, "Hindi ko kailangan ng sermon mo, miss---"

Naputol ang sasabihin niya nang bigla kong marinig ang kalmado pero malalim na boses ni Sage na nasa tabi ko na pala.

"Sir, don’t you know that capturing the fireflies without a permit is illegal?"

The vendor's expression changed when he heard that. Tumingin ako kay Sage na siyang walang kaemo-emosyon ang mukha, saka pa-simpleng dumako sa akin ang mata niya na parang nagsasabi nang, "You really started it... dummy."

Bumalik lang ang paningin namin sa tindero nang ngumiti siya ng pilit kay Sage, "P-Pangkabuhayan lang ito..."

"Well, I must warn you that it’s a pretty steep fine for capturing wild fireflies. I knew someone who's authorize for this action." Sage answered back, showing no sign of relenting.

Nanlaki ang mga mata nito, "A-A-Ano?!"

Bigla na lang niyang kinuha ang mga gamit niya at sinukbit sa balikat, tumingin siya sa akin, halatang nagmamadali bigla. "Ganito, ‘wag niyo ako isumbong, tapos, kunin mo na ‘to lahat. Kayo nang bahala!" Saka ito mabilis na naglakad palabas ng hall.

Natakot siya agad?

Ngayon ay iniwan niya ang mga tinitinda sa amin. Mabuti na lang at hindi agaw-atensyon masyado sa pwestong ito.

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa katabi, "Was that all true?"

He heaved a deep sigh and looked at me, "I was just playing him."

"Huh?"

"It’s not really illegal to capture them. What I said was just a story." Walang emosyong sagot niya.

Great. Muntik na rin akong maniwala doon.

"So, ngayon paano ‘yan? Bubuhatin mo lahat? At saan mo naman dadalhin? Kahit kailan hindi mo talaga iniisip ‘yung mga aksyon mo." Dagdag pa nito na animo'y nanenermon.

Pero imbes na sumimangot, nginitian ko ito at isa-isa nilagay ang mga jars sa malaking plastik na naiwan ng lalaki. Mukhang ito 'yung lalagyan na ginamit niya sa mga ito.

"We’re gonna carry it all, Sage. Let’s release the fireflies into a suitable habitat."

Sage eyes never blinked as it continued staring right at me. My heart thrumped so loud. I couldn't help but to give a soft smile at him.

And I promise to save you from your dark abyss... just like how we saved this poor fireflies.

Continue Reading

You'll Also Like

66.7K 469 52
hangang saan mo handang patunayan na mahal mo ang isang tao? it is a story of love and friendship na puno ng twist...
156K 2.8K 46
A teenager star who becomes a Young Father...
233K 5.9K 64
In Porsche University, blessings are given to new students to make them feel welcome, but Chaiira doesn't feel welcome at all! Chaiira Anjali Pendlet...
956K 32.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.