The Crystal Guardian (Under R...

By RandoMonicArt

142 12 0

Acee Kian Cruz. Just a normal girl living with a normal life together with her mother. Her father died in a c... More

Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 6

8 1 0
By RandoMonicArt

ACEE'S P.O.V.


"Ano bang gusto niyong malaman??" Tanong ko sa kanila ng maka-recover na ako sa pangingiliti nila kanina.


"Ulit-ulit?" Pagtataray ni Hylene na nakataas ang isang kilay.


"Ano bang meron sainyo ni Jin?" Tanong ni Eiryn at napatingin ako sa kinaroroonan ni Jin at tumingin balik sa kanila.


"Anong 'anong meron'?? Wala naman ah!" Sagot ko sa kanila at tiningnan lang nila ako na halatang di naniniwala sa sinabi ko.


"Panong wala eh parang kilalang kilala na ninyo ang isa't isa!" Sabi ni Hylene na naka-krus pa ang mga braso niya.


"Eh sa wala naman talaga eh!" Inis na sabi ko sa kanila pero di pa rin sila naniniwala.


(.> _<)


"Hawakan mo ulit siya," utos ni Hylene kay Eiryn na lumapit din agad sa akin hinawakan ang mga braso ko sa likuran para di ako makapalag.


"S-sandali naman!" Sigaw ko sa kanila. Pero di pa rin ako binitawan ni Eiryn at nakataas lang ang kilay ni Hylene habang nakatingin sakin.


"We've got no choice but to do this since you're not telling us the truth," sabi ni Hylene na medyo nakangisi pa then tumingin siya kay Jin na hanggang ngayon ay naka-music trip pa rin habang abala sa cellphone niya kaya nilapitan ito ni Hylene at tinapik ang balikat nito.


"A-ano nanaman a-ang gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko kay Hylene dahil di ko inaasahan na idadamay niya si Jin sa mga trip niya.


Napatingin si Jin kay Hylene na nakangiti sa kanya habang siya naman ay naka-poker face parin. Tumingin siya sa direksyon namin ni Eiryn then balik kay Hylene na parang nagtatanong kung anong kailangan nito sa kanya kaya tinanggal nito ang nakasalpak sa tenga niya.


"How long have you known our dear Acee?" Straightforward na tanong ni Hylene kay Jin pero naka-poker face pa rin 'to at tumingin muli sa akin.


Nagulat naman ako sa bigla niyang pagtingin sa akin dahil kahit na naka-poker face siya, parang may sinasabi yung mga mata niya pero naputol rin naman agad at bumalik ang paningin niya kay Hylene.


"Since this morning before the class starts," Simpleng sagot niya na parang bored pa.


(. o _o)?


Eh?


"Eh? So you've met before the class starts?" Nakangising tanong ni Hylene na parang nag-iisip pa.


"Yes..." Bored na sagot ni Jin.


"Hmmm... How did you two met before classes?" Tanong ulit ni Hylene kay Jin at bumuntong-hininga si Jin dahil nadidistorbo siya.


"We 'accidentally' bumped into each other... literally..." sabi niya na diniinan ang word 'accidentally' na masamang nakatingin sakin at kumunot naman ang noo ko.


Di pa rin siya tapos sa issue na 'yon??!!


"Wait... you said earlier that the reason you were late was because of someone bumping into you due to that person's lack of awareness..." Hylene trailed off habang umaaktong nag-iisip pa.


"Mmm.." sagot lamang ni Jin habang abala nanaman sa cellphone niya.


"And that person was Acee??" Nakatingin na tanong ni Hylene kay Jin at tumango lang ito. Napasinghal naman ako.


"You're still not over that??!" Inis kong tanong kay Jin at tiningnan niya naman ako na parang ang laki talaga ng kasalanan ko sa pagbangga sa kanya.


Ano naman ba kung nabangga ko siya??!! Nabalian na ba siya non??!! Tsk!


Di naman ito sumagot at tiningnan lang ako nang nakapoker face pero randam na randam ko yung inis niya sakin dahil lang sa pagkabangga ko sa kanya.


Parang bata amp!


"So Jin... why are you so mad at Acee at the fact that she bumped into you... like, what's the big deal??" Naguguluhang tanong ni Hylene sa kanya. Kahit ako, naguguluhan kung bakit ba ganon na lang kalaki ang kasalanan ko nung mabangga ko siya.


"The big deal is that because of her! I--!" Pinutol niya ang kanyang sasabihin at inis na tumingin sakin. "..Tsk!" Singhal niya na lang at dali-daling niligpit ang pinagkainan niya sabay labas ng classroom at padabog na sinarafo ang pinto. Nagkatinginan lang kaming tatlo sa inasal ni Jin.


"Hala ka Hylene... ginalit mo... aabangan ka nun sa gate mamaya... tsk tsk tsk..." Iiling ba sabi ni Eiryn na hanggang ngatin ay nakahawak pa sakin.


"Anong problema nun?" Tanong sa sarili ni Hylene at bumuntong hininga then tumungin siya sakin. "Ano ba talaga nangyari at ganon yung trato na pagdating sayo??" Naguguluhan pa rin si Hylene sa mga nangyari kaya kinwento ko na lang sa kanilang dalawa yung eksaktong pangyayari ng banggaan namin.


"Nagsorry ka naman pala eh! Tinulungan mo pa nga!" Komento ni Eiryn.


"Wala naman dapat siyang ikagalit sayo pero bakit ganun? Parang may ginawa ka talagang mali??" Aktong nag-iisip na sabi ni Hylene. "May hindi ka pa ba ikini-kwento samin??" Naningkit ang mata niya sakin sabay ng tanong na iyon.


"Huh? Kinuwento ko na't lahat, nagdududa pa rin kayo sakin??!" Ngusong sagot ko.


"Hmmmmmm... sigurado ka ba??" Tanong niya ulit habang papalapit sakin.


Shemaayyy!! Ano pa baaaaa???!!!


"Oo!" Pasigaw na sagot ko at nagsimulang magpumiglas sa kinauupuan ko pero fail.


Ako athlete saming tatlo pero mas malakas pa sila sakin?! Tsk!


(.O O)!


Natigilan ako nung muling hawakan ni Hylene ang tagiliran ko at linapit niya ang mukha niya na nakangisi sa mukha ko para magkatitigan kami.


"Nagsasabi ka ba ng totoo?" Tanong niya nanaman at mariin na tinititigan ako kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo o hindi.


"Oo nga!! Kaibigan niyo ako pero ako ang kinikitaan niyo ng mali?!" Sigaw ko sa kanila at ngumuso sa kanila. Then sinimulan na niya ako kilitiin muli.


"HAHAHAHAHAH A-ano ba-! HAHAHAHAHAHAHA nagsasabi na ako ng- HAHAHAHAH- totoo! HAHAHAHAHAHA!" Sabi ko sa gitna ng pagtatawa ko.


Hindi tumigil si Hyene na nakangisi sa kakakiliti sakin at di ko rin namalayan na kinikiliti na rin ako ni Eiryn. Sinubukan kong magpumiglas sa kanilang dalawa hanggang sa mapaupo at mapahiga na ako sa sahig pero pareho nila akong hinawakan habang kinikiliti ang tagiliran ko.


"HAHAHA T-tama na!! HAHAHAHAHAHHAAHAHAH!" tumigil rin naman sila at sabay tawa habang ako naman ay hingal ng hingal. "Ang ~haa~ sama niyong ~haahh~ kaibigan haahhh~" sabi ko sa kanila na humihingal at tumawa lang sila sakin kaya ngumusu ako sa kanila at umaktong nagtatampo.


(.> 3<)


"HAHAHAHAHAHA! Love you Acee♡!" Sabi ni Eiryn at yumakap silang dalawa sakin habang tumatawa pero nanatili akong nakanguso at di sila pinansin.


"Suuusss! May patampo-tampo ka pang nalalaman!" Sabi ni Hylene habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko na sinubukan ko naman ilagan dahil nakikiliti ako.


Lumipas ang ilang minuto ng pagsusuyo nila sakin para di na ako magtampo at nagtagumpay naman sila.


Pasalamat sila dahil mahal ko sila kahit ganyan ang ugali nila! Tsk!


Umayos na uli kami sa aming upuan para tapusin ang kinakain namin na medyo lumamig na. Mabuti nga at hindi natapon nung oras na kinikiliti nila ako kundi lagot kami dito.


"So Acee..." Panimula nanaman ni Hylene at tumaas naman ang kilay ko sa kanya.


Ano nanaman kaya ang tatanungin nito?? Tss...


Tumingin siya kay Eiryn at nagtanguan silang dalawa.


Di pa ba sila tapos?!!


"May gusto ka ba kay Jin?" Biglang tanong ni Hylene dahilan na mabulunan ako. "H-hoy! A-anong nangyayari s-sayo?" Natatarantang lumapit siya saakin at hinimas-himas ang likod ko.


"T- *cough**cough*-t-tubig!*cough*" sabi ko lang at dali-dali naman na kinuha ni Eiryn yung tubig na binili namin at binigay sakin na nakabukas na. Linagok ko naman agad ito at nakahinga na ako ng maluwag.


"A-ano?! Okay ka lang?!" Pasigaw na tanong sakin ni Hylene at simaan ko naman siya ng tingin.


"Muntik na akong mamatay dahil lang sa mabulunan! Okay pa ba yon?!" Sigaw ko naman sa kanya.


"OA naman nito... di ka naman mamatay sa ganyan lang..." sabi niya na nakanguso at kumunot naman ang noo ko.


"Pano pala ako mamamatay?!"


"Matagal mamatay ang masamang damo."


"Tse!" Sabi ko lamang at tinapos ang pagkain ko at agad na niligpit ito matapos ubusin ko ang tubig.


"Ito naman oh... binibiro lang kita.." pagsuyo nanaman niya sakin na ngayon ay naka-puppy eyes na. "Sorry na..."


Damn it! She really knows how to make me do things her way!


Let's just say that I'm easily persuaded when it comes to those kind of eyes.


The puppy eyes.


I gulped and tried to resist her eyes. Note the word,'tried'. Cuz' in the end, I gave in.


"Yeeyy!" Parang siyang bata sa pagkakasabi nun at yumakap sakin kaya napangiti ako. Humiwalay din siya kaagad. "Pero seryoso... may gusto ka ba kay Jin?" Tanong niya muli at tiningnan ko lang siya na parang nandiri pa.


"That guy?! Psh!! No way!!!" Pagdeny ko at nag 'hmmm' siya habang naniningkit ang mata na nakatingin sakin. "What made you even think I like him or something?!" Tanong ko at nandiri sa isiping iyon.


Like hell I'm gonna like someone like him with his attitude!!


"Well... iba kasi yung pakikitungo mo sa kanya..." Simula niya. "Most of the time kasi dine-deadma mo na lang yung mga taong ayaw mong makasalamuha kahit na pinagti-tripan ka na pero siya... nagre-react ka sa mga sinasabi niya. I mean it's just the first day of your meeting yes, but why does it feel like you two have known each other for so long? Hindi pa ba talaga kayo nagkakilala before??"


Medyo natigilan ako sa mga sinabi niya. She's right. This isn't how I act towards others whom I don't want to get involved with. Hindi ko alam kung bakit ganon ang trato ko agad sa kanya.


I have never, in my life, met him before... have I?


I don't remember seeing him in the past but somehow... deep within me...at the same time... I might have already did.


"-ee.."


Who is he? Really...


"-cee.."


Jin... Jin?... parang... narinig ko na ang pangalan na 'yon ah...


"Acee.."


I can't remember... why?... why can't I remember??...


"One day... we'll see each other again... so wait for me... Acee."


(. O . O)?


"ACEE!" Nabigla ako sa pagsigaw ni Hylene sa tenga ko kaya nahulog ako sa upuan ko.


"Ano ba?! Bakit ka ba naninigaw?!!" Inis na tanong ko sa kanya habang inaayos ko muli ang sarili ko sa upuan.


"Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka! Kaya lumapit ako sayo para mas marinig mo ako!!" Sabi niya na nakataas pa ang isang kilay kaya napanguso na lang ako sa kanya.


But...


That voice just now... whose voice was it?


"Ano bang iinisip mo at grabe ang lalim??" Tanong niya.


"Tss.. nag-iisip ako kung ano ang isasagot ko sa tanong mo kng nakilala ko na ba si Jin before kaya inaalala ko kung nakilaka ko na nga ba siya!" Sagot ko sa kanya.


"Nakilala mo na ba?"


"Hindi!"


"So hindi... pero bakit ganon ang pakikitungo mo sa kanya?" Tanong niya muli kaya napaisip naman ako kung bakit nga ba ganon ako sa kanya.


Dahil sa babaeng 'to, tumatanda ako ng mabilis! Daming pinapa-isip!!


"Attitude?" Sagot ko at bigla naman kaming tinawag ni Eiryn na ngayon ko lang napansin na wala sa tabi namin at nakatayo sa may pintuan.


"Hoy kayong dalawa! Lalo ka na Acee! Kelangan mo 'to makita!" Ngisi-ngising tawag niya samin at dumungaw muli sa labas ng pintuan kaya lumapit kami kaagad sa kanya at nakidungaw na rin.


"Anong meron?" Tanong ko kay Eiryn at tinuro niya yung dalawang lalaki na masayang nag-uusap sa may tapat ng pinto ng katabing classroom namin.


EIRYN'S P.O.V.


Hello my sweeties♡~ it's nice meeting you all♡


(.- 3 O)~♡


HAHAHAHAHA!


So anyway... yes.. tinulungan ko si Hylene sa mga nakakalokang plano niya. Di ko alam kung bakit ko siya tinutulangan with the fact na baka magalit si Acee sa mga asar niya and you don't even wanna know what she will do if she did get mad.


But knowing Acee, mahaba ang pasensya niya. At mas mahaba ito pagdating samin na mga kaibigan niya.


If ever naman na nagkaroon kami ng di pagkakaintindihan, tampuhan lang ang ganapan niya. Siya rin naman ang unang magso-sorry if ever. Pero pag malaki ang problema ng away namin tulad nung oras na na-bully ako at di ko sinabi sa kaniya, di niya kami papansinin hangga't walang magso-sorry.


To be honest. Hindi ko pa talaga nakikita si Acee na nagagalit. Yung iwasan, walang pansinan, poker-face, nagtatampo lang siya pag-ganyan.


Si Hylene, oo na. Nakita na niya and base sa kwento niya, nakakatakot si Acee pag nagagalit.


Hylene has already been friends with Acee two years before they met me. So I only knew the Acee from then on and not from before we met.


Sa una, curious ako kung pano magalit si Acee pero matapos marinig ang kwento ni Hylene, natakot na ako na alamin pa.


I'm not pretending to be friends with Acee. Please cut that crap. In all honesty, tinuring ko si Acee bilang kapatid ko na. Hindi man kami kasing close tulad sa kanila ni Hylene but deep in my heart, she's my sister.


In the past, most of the people around me look down on me. They told me a lot of hurtful words that I can't even imagine. Then Acee came and she helped me. Di ko alam kung pano ko siya pasasalamatan sa mga ginawa niya para sakin. She's really special to me.


So back to the story!


Habang ini-interrogate ni Hylene si Acee, may napansin akong dalawang lalaki na dumaan sa bintana at tumambay sa may pinto ng katabing classroom namin. Kilala ko yung isa which is someone I truly despise pero yung isa naman, hindi.


Na-curious ako sa kung sino yung kasama nung asungot na 'yon kaya lumapit ako sa may bintana na malapit sa pinto.


Sumilip ako pero sinigurado ko munang hindi ako makikita sa pwesto ko. Nakikita ko ang likod ni Xander na tumatawa na siya ring pinakamalapit sa pwesto ko.


Psh! Kung makatawa, kala mo walang ginawang kalokohan!


Si Xander Kyle Morales ang naging ka-M.U. ni Acee. Technically, all-time crush ni Acee si Xander eversince na magkakilala sila. But Xander, on the other hand, is a playboy who doesn't know the word "Loyalty".


I'm guessing na naikuwento na sainyo ni Hylene ang kalokohang ginawa ni Xander kay Acee. Hindi pa ba??


Well... long story short, Acee has a huge crush on this guy named Xander. He's known for the title "Campus Playboy" of this school. Madami na siyang naging chicks, sidechicks, girlfriends, etc.


Nung malaman niya na may gusto sa kanya si Acee, bigla siyang nagbago. Like Acee is the only girl for him. Walang ibang babae, kabet, sidechick, etc. Si Acee lang.



Acee was so thankful that he managed to change for her and for him to accept her kahit na hindi pa sila. Yes. Hindi sila naging mag-on. Acee doesn't want to have a relationship yet at such a young age and Xander considered her request so they settled as a couple with "Mutual Understanding."


Kami naman ni Hylene ay walang magawa kundi suportahan na lang sila. Masaya na si Acee kahit hindi stable ang samahan nila. Sinubukan na naming baguhin ang desisyon niya na pakisamahan si Xander. We still don't trust him kahit gusto siya ni Acee. But looking at Acee being so happy with him made us look like we're the bad guys so we gave in and just be happy for them.


Everything was fine as time passes by but... an unfortunate event happened right in front of Acee's eyes. She saw Xander... with another girl.... what more is that they're more lovey-dovey than when he's with Acee.


Nasaktan ng sobra si Acee nung makita niya sila kaya tumakbo siya papalayo roon nang makita siya ni Xander, expecting na habulin rin siya nito pero hindi. Hindi siya hinabol. Kinuwento lang samin ni Acee yung pangyayaring iyon at dahil doon ay namuo ang galit sa amin ni Hylene kay Xander.


I can't believe na ganon pa rin si Xander and with that fact only proves that he's nowhere to be trusted when it comes to relationships.

Acee talked about this with Xander and alam niyo ba ang nirason niya kay Acee ? "MASYADO DAW SIYANG TAHIMIK! BORING DAW SIYA! PURO ARAL DAW SIYA!" and with that being said sent Acee into a miserable state.


For a whole friggin' month, walang imik samin si Acee. Di siya ngumingiti, tumatawa or kahit na ano. Malayong malayo siya sa Acee na nakakasama namin. And it's all because of him. Pero siya.. parang wala lang yung nangyayari kay Acee sa kanya like he never knew her!


And we hate him for that and everything else!


So that's the story...


Maya-maya'y medyo sumandal si Xander sa pintuan, giving me a good view of the guy he's with.


(.O O)


Blonde?


I'm in a bit of shock of what I'm seeing right now like, blonde hair? Blue eyes? Is he a foreigner? Why's he in our school uniform?? Then it struck me.


The third transferee.


Somehow I feel like I've seen him somewhere... parang may kamukha siya... di ko matandaan kung saan o kung sino...

Na-curious ako bigla sa kung saan ko na nakita ang pagmumukha niya kaya para mas makakuha ng better view, binuksan ko ng konti ang bintana ng dahan-dahan para di nila ako mahalata.


I got to say, he's handsome. Kahit medyo tan ang kulay ng skin niya at tipid na ngiti at sagot lang ang binibigay niya sa kausap niya. But what struck me about him was his eyes. They're blue with a tint of green? Like minty color of blue. It's like they're glowing but they aren't. Deep but shallow.


(.O O)!!?


(.> <)!!!


Napatagal yata ang pagtitig ko sa mga mata niya at sa di inaasahan ay muntik nang nagtama ang mga mata namin kaya agad akong nagtago. Nararamdaman kong uminit ang pisngi ko dahil lang dun sa muntikan na pangyayari.


(.>////<)??!


What the heck's happening to me??!


More so, sumilip uli ako sa bintana at nandon pa rin sila nag-uusap pero yung transferee na ang nasa pwesto ni Xander kanina na nakasandal sa pinto at siyang malapit sa kinaroroonan ko.


Napansin niya kaya ako??!


Damn it! Ano naman ba kung napansin niya ako?! And again! Why am I acting like this??!


There's no point if I'm just hoing to argue with myself kaya tinawag ko na yung dalawa para at least alam nila kung sino yung pangatlong transferee.


"Hoy kayong dalawa! Lalo ka na Acee! Kelangan mo 'to makita!" Taeag ko sa kanila at naki-silip na rin sa puwesto ko.


"Anong meron?" Tanong ni Acee at tinuro ko naman yung dalawang lalaki na nag-uusap sa may tapat ng pinto ng katabing classroom namin.


"Your special someone with the third one..." sagot ko umalis sa pwesto ko para masilip nilang mabuti ang itsura nung transferee kasama yung asungot.


























































Nica_0811

Continue Reading

You'll Also Like

880K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...