NO more Tears, NO more Fears...

By constantvglp

71.8K 2K 1.2K

Our love is worthy ♡︎ More

NMTNMF||Prologue
I: Tampo
II: Sweeter
III:Lets get in Throwback
IV : Taking care of You
V:Kisspirin o Kissparin?
VI :'Huwag muna ngayon'
VII : Lumala pa
VIII : Babawi
IX: Babawi (part2)
X: True Love
XI :Alagang Ion
XII: Bothered
XIII: Blessed 2019
XIV: A Date to remember
XV : Miss na miss
XVI: What bothered her?
XVII : Everybody Happy
XVIII :Para-paraan
XIX: Part of the plan
XX: Unkabogable Day
XXI: RING A Bell
XXII: Babies
XXIII : Interview
XXIV : Panatag
XXV : Plans
XXVI : Negative thoughts
XXVII : Busy
XXVIII : Inis
XXIX : With whom?
XXX : Sana all
XXXI : Magalit
XXXII : Malalim
XXXIV : Hindi
XXXV : Parang wala
XXXVI : Hinuha
XXXVII: Itago
XXXVIII : Kulong
XXXIX : Process
XXXX : Back
XXXXI : Mahal niya.
XXXXII : Again
XXXXIII : Resign
EPILOGUE
Authors appreciation note!

XXXIII : Kinikimkim

1.1K 36 17
By constantvglp

General

Dahan dahang humakbang paatras ang binata palayo. Imbes na tumuloy sa dressing room ng nobya,ay naglakad na lamang sya paalis roon.

Buti na lamang tapos na ang live show,kaya ay hindi naman na sila magtataka kung bakit bigla na lamang syang aalis.

'Pero yung girlfriend mo Ion.'

'Hahanapin ka ni Vice!'

Tumigil naman sya sa paglalakad at napaisip.

'Magpapadala ka na naman? Hindi mo na naman itatanong sa kanya,para pagusapan nyo?Uunahin mo na naman inis mo?Yung emosyon mo? Kailan ka pa naging ganyan? Kailangan bang umabot na sa ganito ang relasyon nyo?

Huminga sya sandali,pagkatapos ay naglakad pabalik sa dressing room ng nobya.

Sakto namang papalabas na ang mga ito kasama ang glamteam at teamvice nya.

"Me,sasabay na kami ni Aaron kay Archie ha."ani Buern."May bibilhin kami sa mini-mart."

"Kay Arch--"

"Oo diba?"putol ni Buern."Lilibre ka pa nga ni Archie ng ice cream eh."pasimple pa nitong siniko ang dalawa.

"Sige mga bakla,ingat kayo ha?"pagsakay ni Vice sa mga ito."Archie,drive safetly."

"Yes mamah."sagot nito saka tumingin kay Ion."Ingat din kayo. Kuya,una na kami."pagpapaalam nito.

"Sige ingat kayo."tinanguan na lamang sya ng mga ito.

"Bye meh."

"Sige,ingat ha?"

"Kayo rin mah."

Naglakad na ang mga ito palabas ng Abs habang naiwan naman ang dalawa roon.

"Uuwi na ba tayo?"tanong ng binata.

"Mmmm,siguro."di siguradong tugon ng bakla."Ikaw,may naiisip ka ba? O m-may gusto kang puntahan?"

Napatingin ito sa relo."Uhm, grocery muna tayo?"

"Sige.."

Akmang palabas na ng sasakyan ang bakla ng pigilan sya ng nobyo. Nakahawak ito sa braso nya.

"Bakit?"

Tinanggal nito ang cap at isinuot sa nobya. Ibinaba rin nito ang salimin ng bakla na nakalagay sa ulo upang isuot sa mata nito. Sunod nitong dinampot ang green nyang jacket at isinuot sa bakla.

"Pano ka?"tanong ng bakla.

"Okay lang."tugon nito saka inayos ang suot."May hoodie 'to oh. Tara?"

Tumango ito at nagtungo na nga sila sa grocery.

***

"Anong gusto mong kainin Babe?"anang lalaki habang nagtutulak ito ng pushcart at nagtitingin tingin lamang ng mga pwedeng lutuin.

"Uhm,ikaw bahala."tipid nyang sagot. Tumango lang ang huli.

Pagkatapos ng halos kalahating oras ng pamimili ay nakaalis na rin sila roon at mabuti na lamang ay hindi pa masyadong marami ang tao kaya hindi sila nadumog at natagalan.

Habang nasa sasakyan ay nakadungaw lamang sa daan ang bakla. Abala rin naman kasi sa cellphone ang kanyang nobyo.

Habang nasa labas ng sasakyan ang tingin ay nahagip ng kanyang mata ang dalawang magkasintahang masayang naglalakad papasok sa isang shop habang magkahawak ang mga kamay.

Nang inilibot nya ang paningin ay napansin nyang dress shop ang pinasukan ng mga ito.

'Wow!Siguro ay magpapagawa sila ng damit pangkasal?Sweet.'

Napalingon sya sa nobyong nakatuon ang pansin sa telepono nito.

'Bakit kaya,hindi nya inoopen yung tungkol sa kasal namin? Seryoso ba sya don o baka naman napilitan lang sya o nadala ng emosyon kaya siya nagpropose? Eh parang wala pa kaming napaplano?Para san pa yon diba?
Hindi kaya......'

Napailing iling na lamang ang bakla sa naisip.

'No! positive thoughts Vice. Positive thoughts.' paalala nya sa sa sarili.

Umayos na lamang sya ng upo hanggang sa makarating sila sa bahay.








Ilang araw na agad ang lumipas. Ang binata ay kasalukuyan pa ring nasa probinsiya habang naiwan naman ang bakla sa bahay.

"Hindi man lang tumawag? Imposible ata 'yon ate?"tanong ni jugs sa bakla.

"Ewan ko. Nagiging distant na nga sya lately eh."tugon naman ng bakla."Akala ko,kailangan nya muna nang konti pang oras. Okay naman kami,pero di naman ako syonga para di mapansin ano."

"Kung okay naman pala kayo Vice,wag ka nang mag aalala. Nagkataon lang siguro na pauwi sya diba.?"singit ni Teddy sa group call nila.

"Hayaan ko na lang muna siguro sya no? Kung ano-ano na naiisip ko."

"Guys,what were you talking about?."biglang singit ni Anne na kababalik lang sa harap ng cellphone. Umiling lamang ang mga host."Anyways,I hope na makauwi na kami before mag 11th anniv ang showtime, ayokong may mamiss eh,dapat kasama pa rin ako."

"Naku Anning, gusto mo lang talagang bumawi eh."ani Vhong.

"Kailan kaya mapapasakin ulit yung title,no Ryan?" painosenteng tanong ni Karylle na tinawanan nang lahat.

"Grabe naman ate Karylle."tugon nito.

"Joke lang ,my byeol."

"Sana kay Vhong naman si Ryan next anniv,no kuys?"ani Jhong na katabi lamang ang nobyang si Maia.

"Bakit naman kuys?"

"Hindi ka na naalis sa top 3, magparaya ka naman."

Nagtawanan naman ang mga ito habang ang bakla ay nanahimik lang na parang wala pa rin naman sa huwisyo kaya hindi makarelate o makasingit man lang sa usapan.

"Vicey,nakatulog kana ba diyan?"

"Ah hindi,may katext kasi ako."pagtutol nya."Tsaka najejebs na ako eh,ba-bye exit na muna ako. Babush!"aniya at agad nang nagleave sa kanilang groupcall.

"Hay ang sakit naman sa ulo Ion."pabagsak syang umupo sa couch sa kanyang sala."Bakit naman ganun? Ang layo naman nang inabot 'nong hindi ko pagsasabi na nagkakatext kami ni Calvin,at pagpapadala nya ng mga flowers at foods sakin."

Tumagilid sya at hinarap ang tingin sa tv screen. Mag-isa lamang sya dahil bihira na lang naman mapadpad ang mga angels nya rito simula nong makasama nya si Ion. Kumpara noon,paminsan minsan na lang.

Ang mga bakla naman ay may kanya kanyang raket rin,kaya matapos nilang maghanda ng pagkain ay umalis agad ito papunta sa kung saan.

"Naiinis na ako. Pero sa tingin ko kasalanan ko rin naman eh. Pero masama bang malungkot ako? Masama bang malungkot dahil parang hindi na tayo katulad ng dati? Masama ba yon?"tanong nya sa sarili habang napapapunas pa ng bahagya sa matang may kaunting mga butil ng tubig na inilalabas.

"Buern punta ka naman dito oh." agad na sambit nya ng sagutin ng kaibigan ang tawag. Hindi na ito sumagot ngunit alam nyang agad itong magtutungo sa kanya.

Wala pang kalahating oras ay nakarating na sina Buern at Archie sa bahay nya.

"Mabuti na lang hindi traffic mah."ani Buern at saka pumuwesto sa tabi ng bakla. Si Archie naman ay nasa kaliwang sofa lamang at naupo paharap sa kanila."Ano bang nangyari?"

Napakagat labi ang bakla habang pinipigilang tuluyang bumagsak ang luha,umiling lamang sya bilang tugon.

"Wala,pero bakit?"tanong ni Archie.

Hindi na napigilan ng bakla at napahikbi na lamang sya."Wala nga eh. Wala nang nangyayari. Akala ko,magiging okay na. Akala ko magiging okay na kami. Akala ko nga mapapag-usapan na namin, akala ko maayos na. Akala ko.."

"Hindi pa rin pala 'nyo napag-usapan matapos naming ibigay 'yong oras sa inyo. Pero meh,"sambit ni Buern habang hinahagod ang likod nito."Si kuya Ion eh. May tiwala ako 'ron. Maayos nyo yan."

"Hindi eh."napapailing pa ang bakla habang pinipigilan pa rin ang paghikbi ngunit hindi nya na rin napigilan.

"Meh."angal naman ni Archie bago abutan ang huli ng tissue.

"May mga nagbabago rin chie eh."usal nya."Ramdam ko 'yon. Alam ko yon,kilala ko sya. Kilala nya ako. Ano yon? Bigla na lang ba talagang magbabago lahat? Parang hindi naman na ata dapat sakop 'nong paglilihim ko sa kanya 'yong biglang pagbabago ng mga bagay na palagi nyang ipinaparamdam sakin. Sobrang laki ba non?"

"Mah,ganon talaga 'yon eh. Maliit man o malaki 'yong issue nyo, pagsubok pa rin. Pagdadaanan at pagdaanan nyo pa rin. Pero wag na wag kang magpapadala dyan sa mga yan meh. Kasama yan sa pagsubok."ani Buern.

"Hindi ko alam eh. Hindi ko na alam."napabuntong hininga sya matapos kalmahin ang sarili."Pero, hindi ko na gusto yong mga naiisip ko Buern. Ayokong mag-isip ng masama pero pakiramdam ko.."huminga pa sya ng malalim na tila pinipigilan ring sabihin ang kung ano man ang naiisip nya."Bakit pakiramdam ko pagod na sya? Pakiramdam ko nagsasawa na sya? Pakiramdam ko hindi na sya masaya, at napipilitan na lang sya sa akin, na naaawa na lang sya."

Mabilis namang umiling ang dalawa.

"Wag mo ngang sabihin yan Me."

"Hindi maganda yan mah."ani Archie."Hindi ibig sabihin na may nagbabago eh,may nabago na rin sa nararamdaman nya. Natural lang iyan mah. Sa dami ng napagdaanan mo dapat alam mo na yan. Wala ka bang tiwala kay Ion? Bakit kung ano ano na naman iniisip mo?"

"Chie, masisisi mo ba ako? Ipinaparamdam nya nga sa akin 'yong mga bagay na hindi ginagawa ng mga taong 'nagtatampo' lang. Sa tuwing sinusubukan kong buksan 'yong problema nauuwi kami sa away,pero sa tuwing nanahimik ako at hinahayaan ko na lang kung kailan nya gustong pag-usapan wala namang nangyayari. Sa tuwing magkasama kami pakiramdam ko biglang may pader sa pagitan naming dalawa. Nasa isang bahay lang kami,nasa isang studio,nasa isang kwarto nasa isang higaan,pero parang ang laki-laki ng pagitan naming dalawa. Pano namin maayos iyon kung iiwasan nya lang?"

At sa isang iglap muli na namang lumandas ang mga luha sa pisngi nya kasabay ng paglabas ng mga sakit na kinikimkim nya.

"Ayokong isiping napapagod na sya. Ayokong isiping pinagtitiyagaan na lang ako at naaawa na lang sya sa akin. Pero anong iisipin ko?"

Nagtinginan na lamang ang dalawa at hinayaan ang huli na magsalita.

"Alam nyo? Masakit eh. Pero naisip ko.."inalog alog nya pa ang ulo at sumandal sa sofa kaya naman ay bahagya syang napalayo sa katabi."Bigla na lang pumasok sa isip ko. Siguro yung proposal,hindi nya talaga gusto yon. Nadala lang kumbaga,naawa kasi nalaman nyang nagexpect ako 'nong una nyang binigay tong singsing na to."aniya at napahawak pa sa daliring may suot nang engagement ring nila." Tapos 'yon lang yong naisip nyang gawin para maging masaya ako at hindi mag-isip ng kung ano. Siguro nga,tama iyong mga nababasa ko no.?"peke syang natawa.

"Kaya siguro hindi rin namin napapagusapan o napapagplanuhan kasi hindi pa naman talaga sya handa.Ah no,mas tama sigurong sabihin na hindi nya naman talaga plinano kasi di nya gusto."kinuha nito ang unan sa kandungan at itinakip sa mukha.

"Mah,bakit ganyan ka mag-isip?Hindi maganda yan. Wag ganyan."tutol ni Archie.

"Eh ano diba?"sagot ng huli.

"Kukuha lang ako ng tubig."bulong ni Archie."Tignan mo muna iyan."

"Ma,kumain kana ba?"

Hindi naman siya tinugon ng bakla at inalis lang ang pagkakatabon ng unan sa mukha pagkatapos ay sumisinghot na inabot ang tissue.

"Mah,tubig oh."

Wala naman syang nagawa kundi inumin na lamang ito.

"Halika na sa kusina mah,hindi mo pa nagagalaw yong pagkain ron."

"Sinong gaganahan kakain ng mag-isa? Ni hindi man lang tumatawag nakakainis.!"maktol nya."Ang saya kaya mag-isa dito kung alam nya lang."

Napabuntong hininga na lamang ang dalawa.

"Halika ma,sasamahan kana lang namin kumain."

"Kayo na lang."

"Oh sige. Si Doc Tina o kaya si nanay Rosario na lang yayayain namin."ani Archie.

"Sabing ayoko eh."naiinis na turan ng huli ngunit tumayo naman mula sa pagkakaupo at tamad na tamad na naglakad.

"Buti naman natakot."bulong ni Buern sa katabi habang sumusunod sa bakla.










"Dito na lang muna ako magpapalipas ng gabi."ani Buern at napatayo pa ng bahagya para silipin ang bakla na payapang natutulog sa sofa.

"Ako rin."ani Archie."Ano bang nangyayari kay meme?Pati pagkain ayaw rin kung hindi pa pilitin."

"Hindi ko nga alam dyan eh. Minsan hindi namin nakakausap,nakasimangot lang o kaya tulala. Kagabi naman parang galit. Nakakausap lang sya pag mga kaibigang host nya ang tumatawag pero parang ganon pa rin naman tumatakbo sa isip nya."ani Budi.

"Oo nga. Hindi naman namin sya pinapabayaan.Nong isang araw pa nga rin kami halos hindi mapakali."singit ni Kitty."Kung hindi lang urgent hindi na sana ako papasok sa office kanina."

"Hindi na healthy mag-isip si meme. Kailangan natin syang bantayan ngayon."ani Archie."Wala bang pwedeng komontak kay Ion?Buern,Budi?"

"Hindi mo pa nasasabi ginawa ko na."tugon ni Budi."Pero hindi namin sya matawagan."

"Ano bang nangyayari?"









------

Hiiiiiiiii

Ang hirap magisip sa totoo lang. Grrrr!Payt me,malapit ko ng tapusin to. Hahahahaa sorry kagabi pa dapat ito kaso nagblackout and i have to preserve my battery. Hihihi sher ko lang.

Vomment for next ud!

Continue Reading

You'll Also Like

3.9K 210 13
[Completed] Si Borj At Roni ay naghiwalay ng landas ngunit kailangang umuwi ni borj sa Italy dahil gusto ng parents niya na dun na lang ipagpatuloy a...
7.5K 229 17
one happy family with a tragic ending.....
7.3K 253 16
WELCOME TO SB19 RANDOM SCENARIOS AND ONE SHOT BOOK 2! Thank you to all who voted, commented, and read my book 1! I really really appreciate it✨ And a...