Ang Tibong Inlove |Season 1

By gazery

27.6K 1.3K 68

Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga... More

Must Read This!!!!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31-NUTRITION DANCE CONTEST
CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2
CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA
A U T H O R ' S N O T E!!!!(^~^)

CHAPTER 42

305 18 0
By gazery

Anella's POV

Lumipas ang Miyerkules at Huwebes ay naging busy ako sa pag-aaral at pagrereview. Buti na lang nung martes ay hindi nilagnat si Kuya.

At ngayon Biyernes ay ang last review namin at talagang pinapasakit nito ang ulo ko...

"Never kong in-expect na sasakit ng that much ang aking ulo!" parang naiiyak ng sabi ni Julza habang nakayuko sa arm chair niya.

"Trot ka d'yan, nak! Grabe! Halos magrumble sa utak ko yung formula ng Math kanina. Hindi ko alam kung bakit ba may Math!" si Mamshe na nakapikit habang hinihilot ang parehong sentido niya..

"1st quarter pa lang mahirap na, pa'no pa kaya sa susunod na quarter?" parang problemadong-problemado na sabi naman ni Meane...

"Oorder-an ko na lang kayo, itulog niyo muna yung sakit ng ulo niyo." sabi ko naman kaya tumango-tango na lang sila..

Agad akong tumayo at naglakad papunta sa canteen.. Pagkapasok ko ay binati ako ng ibang estudyante.. Binigyan ko lang sila ng tipid na ngiti at saka dumeretso kay Kuya Ron, yung tindero..

"Kuya Ron, order ako ng sandwich, apat tapos tatlong Yakult, isang Dutch mill na rin." magalang kong sabi doon sa tindero, ngumiti ito sa akin at mabilis na inasikaso ang order ko.

"Meron pa?" tanong niya..

"Ah, meron. Pabili na rin ng Champi, Frutos, Dynamite at saka Lollipop. Tig-dadalawa."

Pagkasabi ko non ay nilagay niya sa isang plastic at doon ko nakita sa plastic ang apat na sandwich saka yung mga inumin at candy...

Nagpasalamat ako at aalis na sana nang biglang.. "J-jumrime?" nalilitong sabi ko nang may humarang na tatlong grade 7 sa akin.

"Ako nga, Ate!" ngiting sabi niya at niyakap ako, niiyakap ko siya pabalik saka humiwalay din.

"Kamusta ka na? Ang laki mo na, oh? Magkasingtangkad na tayo.." malumanay na sabi ko.

"Well! Hahahahahaha! Asaan si Meane?"

"At talagang hindi mo makalimutan si Meame.. Ultimate crush mo pa rin?" ngising sabi ko, parang bata naman siyang kumamot sa batok niya na parang nahihiya..

"E-eh.. kase.." napapakagat sa labing sabi niya, hinawakan ko ang baba niya saka pinisil ang pisnge niya..

"Don't worry.. Hindi naman magagalit si Ate! Support ka lang ni Ate!" Ngiting sabi ko, ngumiti siya saka niyakap ulit ako..

"Nakakailang kang tawaging Ate. By the way, yung mga regalo ko. Ginagamit mo ba?" ngiting sabi niya, tumango ako..

"Mm.. Kesa naman itambak ko sa bahay? Sayang din.. O siya, baka nagugutom na sila Meane doon.. Alam mo naman 'yon, masyadong matatakaw!"

Ngumiti siya at saka niyakap ulit ako. Ginulo ko ang buhok niya at tahimik na hinalikan ang noo nito.. Kumaway siya at ako naman 'tong ngumiti lang.

Pagkalabas ko ng canteen ay nakita kong nakakrus ang dalawang braso, matalim ang tingin sa akin at talagang nakataas pa ang kilay.. Walang iba, nag-iisa.. Si Bading na ubod ng arte..

Tinignan ko lang siya at nagpanggap na walang paki sa presensya niya na nagpabuka sa bibig niya.

"Hoy, Tibo!" sigaw niya kaya agad akong napalingon sakaniya at binigyan siya ng masamang tingin do'n sa pagsigaw niya.

Napukaw tuloy ang atensyon ng mga estudyanteng dumadaan sa amin.

"Ano ba?! Makasigaw ka? Bingi ba ako?" inis na sabi ko, lumapit siya sa akin at inayos ang bangs niya.

"Sino 'yon..!?"

"Ang alin?"

"'Yon yung lalaking hinalikan mo sa noo at may payakap pa! May pagulo-gulo pa sa buhok!" pataray na sabi niya

"Alindog!" nakangising sabi ko, bigla niya naman akong binatukan.. Naglakad na lang ako paderetso pero sumunod siya.

"Ano ba! Napakapilosopo mo talaga! Tinatanong ka!" sigaw niya ulit..

'Hindi kaya sumasakit lalamunan ne'to?'

"Bakit ba? Ano bang paki mo?" naiiritang sabi ko..

Napaka-ano netong Bading na 'to, e!

"Tinatanong ko lang, kaya sagutin mo!" nabibwisit na sabi niya

"Pa'no kung ayaw ko?"

"Anong ayaw mo?"

"Ayaw kong sagutin ang tanong mo?"

"I don't care, just answer my question!" pangi-english niya...

Bumuntong-hininga ako at tinitigan siya.. "Alam mo ikaw? Tahimik na ako dito.. Ikaw 'tong nag-iingay. Hindi ka ba naririndi sa sarili mong boses?" malumanay na sabi ko.

"Bakit naman ako maririndi kung NAPAKAGANDA ng boses ko. Hindi tulad mo! Panlalaki boses! Panget! Psh!" singhal niya..

"Tss.. Napakaarte mo buset ampupu. Umalis ka na nga!"

"You didn't bother to answer my question, Tibo!" halata mo palang sa boses niya na makulit siya

"Siya yung nagbigay sa akin ng regalo. Yung time na 'yon na nakita mo si Kuya Aldrin na nakatingin sa akin, okay na?!"

Napatigil siya at napagkrus ang mga kamay.. "Manliligaw mo? Psh!" sarkastikong sabi niya..

'Ano namang problema netong siraulo na'to?!'

"Bakit? Selos ka?" seryoso kunwari na sabi ko, agad siyang napatingin sa akin at nanlalaki ang mata...

'Ang pangit mo, bwisit ka.'

"A-ang kapal talaga!! Tibo napaka! Napaka! Napakaaaa! Kapal ng mukha mo!" maarteng sabi niya at nagmumukhang bakla talaga siya. Hindi ko na siya sinagot dahil napapagod na ang bibig ko kasasagot sakaniya.

Naglakad na lang ako paakyat sa isa pang floor at lumakad papunta sa room.

Pagkarating ko ay nakadukdok ang mga ulo nila sa arm chair... "Pst, gising na. Mga pagkain niyo.." marahang panggigising ko, agad nilang inangat ang mga ulo at kinuha ang mga pagkaing binili ko saka nilantakan 'yon..

*KRIIING! KRIIIING!!--

"Oh! Sino 'to?" bungad ko, hindi ko na kasi tinignan yung caller tinatamad ako..

"[Hi, Anella!]" sa boses nito ay kilalang kilala ko..

"Oh, Alline.. Napatawag ka?"

"[Wala lang.. Nangangamusta lang. Sorry nga pala, ah..]"

"Para sa'n?"

"[Sorry kahapon, pinakielaman ko yung bag mo hehe!]"

"Ah 'yon ba? Okay lang, kaibigan naman kita, eh. Sinabi ko din naman sa'yo kahapon, hehe..",

Nanahimik ang kabilang linya at hindi ko alam kung guni-guni ko 'yon or totoo talaga na may bumuntong-hininga sa kabila..

"And'yan ka pa?" takang tanong ko saka tinignan ang caller at and'yan pa naman.. "Hoy, Alline? And'yan ka pa?" nakakunot na noong sabi ko.

"[A-ah, yes I'm here hehe.. By the way kumain ka na ba?]"

"Kumakain palang.."

"Hmm, osige na. Baka dumating na si Miss.. Ibaba mo na.."

"Ah, sige. Bye.." at pinatay ang tawag..

Jonathan's POV

Ang tigas tigas ng mukha ni Gibo! Nakakainis talaga! Me?! As in?! ME! The most beautiful gay in the universe?! Me talaga?! Magseselos?! Sa chakang Tibo na 'yon?!!

NO WAY! Hindi high way! Hindi on the way kundi NO WAY! She's getting into my nerves!

Matapos ang quiz namin kay miss avegail at sumunod ang teacher namin sa Computer, of course si Miss Sherlotte.. Ang teacher naming laging nagpapactivity leche!

"Hi, guys! Sorry, medyo late.. Pupunta tayo sa Computer Lab.. Bring your notebooks."

Kaya agad na kaming kumilos at saka pumila sa labas.. Humarap siya sa amin at binilang kami.

"So, dahil nga last day na ng review niyo today.. Makakasama natin ang grade 10 section 2 dahil vacant nila ngayon at hindi ako nakapagturo kahapon sakanila. Actually, pinauna ko na sila do'n para hindi na kayo maghintay. Mga mainipin pa naman kayo.." pagkasabi nito ay naglakad na siya palay, agad naman kaming sumunod.

Ang Computer Lab namin is second floor...

'Psh! Makakasalubong namin ang room nila Tibo?!'

Ang second floor ay floor nila Tibo at ang Computer Lab ay sa tapat lang nila.. Kung minamalas ka nga today! Grabe! 5th floor kami! Ano ba!

Pagkababa namin ay maririnig mo kaagad ang ingay sa room nila Tibo, kaya kumatok ng malakas si Miss..

Lumabas ang president nila..

"Bakit ang ingay d'yan?! Asaan teacher niyo?!" galit na sabi ni Miss..

"Vacant po namin, Miss."

"'Wag kayong maingay, please?! Magkaklase kami sa Computer Lab! Dalawang section 'yon. Kung mag-iingay lang kayo, gumawa na lang kayo ng mga reviewers! Kayong mga taga-last section talaga!" sigaw ni Miss..

"S-sorry po.. Hindi na po mauulit.."

"Anong sorry-sorry?! Kayong mga bata kasi kayo..!!"

Napalaki ko ang mata nang biglang hawakan ni Miss Sherlotte ang tenga nung president nila Tibo at pingutin iyon! Hindi basta pingot lang! Masakit yun, paniguardo dahil humiyaw yung president, eh!

"A-aray, Miss! M-masakit po!"

"Ikaw ang presidente d'yan pero wala kang silbi, ha?! Anong gusto mo?! Anong gusto mong mamgyari sa'yo? Gusto mo ipatanggal kita as student council?!"

Sa lakas ng boses ni Miss Sherlotte ay nagsisilipan iyong ibang estudyante sa katabing room, nakikichismis..

Napabaling ko ang tingin sa likod nung president at napatigil nang makitang si Tibo iyon na nakapamulsa pa habang nakatitig lang kay Miss Sherlotte..

"Anong sinisigaw-sigaw mo, Miss?" takang tanong nito pero blangko ang mukha...

'Bastos ka talaga, bwisit ka!'

"Miss Repzimo! Napapadalas ang pagiging bastos mo sa akin! Baka nakakalimutan mo, isa ka sa mga transferees dito." ngising sabi ni Miss at marahas na binitawan yung tenga nung president na na-out of balance pa pero nasalo iyon ni Anella..

"Hindi yun ang kaso dito, Miss Sherlotte.. Ano po bang dahilan at nagwawala kayo d'yan?"

"Dahil hindi mapagsabihan 'yang section niyo, aba! Napakaraming estudyante ang nagkaklase ngayon! Kayo itong puro nag-iingay d'yan?! Ikaw ang Campus Queen pero hindi mo masaway 'yang mga 'yan?!"

"Pero hindi niyo kailangang saktan ang president namin.. Dapat bang iakto ng isang guro iyan sa harap mismo ng mga estudyante niya?" seryosong sabi ni Tibo at tinuro pa kami na nasa likod ni Miss Sherlotte..

"Anella! Ano ba! Tama na 'yan!" saway nung president nila pero hindi siya pinansin ni Tibo.

"Campus Queen ako. Oo, at ang tungkulin ko dito ay maging maayos ang kapaligiran.. Pero hindi kapani-paniwala na sa guro pa mismo nanggagaling ang hindi magandang kilos.."

"Wala akong pakielam kung campus queen ka dito. Ako ang teacher, estudyante ka lang.. Baka gusto mong bawasan ko grades mo?"

"Sige, bawasan mo.. Minor lang naman ang subject mo. Tatandaan mo, 30% lang ang subject mo. Malayo pa sa mga major na halos maperfect ko.." mayabang na sabi ni Tibo..

'Napakawalang kwenta mo talaga! Teacher 'yan! Binabastos mo!'

"Aba! Gan'yan ka na kayabang porke't Campus Queen ka?!"

"At isa pa.. 'yang subject mo ay masyadong madali. Low lang para sa akin. Kaya 'wag kang masyadong madada dahil minor lang ang sa'yo.. Pa'no mo babawasan ang grades ko kung halos maperfect ko din ang mga activities na pinapagawa mo? Sabihin na nating masama ugali ko.. Pake ko?" hindi ko alam kung bakit pero si Babecakes ay nakangisi lang habang nakayuko. "Ilang taon ka na dito?" tanong pa ni Tibo

"20 years, ikaw? Ilang years ka na dito?" ngising sabi ni Miss..

"Kakasabi mo palang.. Isa ako sa mga transferees tapos tatanongin mo kung ilang years na ako dito? Tatanongin nga kita.. Teacher ka ba talaga o bumabalik estudyante 'yang utak mo?" blangkong mukha na sabi ni Tibo, napatigil naman si Miss."Sa ilang years mo dito.. Marahil dito ka nag-aral. Halatang galit ka sa mga Campus Queens. Bakit? Naagaw ba ng nanay ko ang pangarap mong posisyon?" ngising sabi niya na nagpagulat sa amin lalo na kay Miss..

"P-pano mo nalamang--"

"Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung teacher na nagagalit sa isang estudyante niya dahil sa nakaraan niya. Hindi ako nagmamalaki na Campus Queen ako pero sana maisip mo.. Hindi lang kami ang nag-iingay rito. Porke't ba last section kami, kami na agad ang maingay? Bakit hindi mo subukang katokin ang ibang rooms baka sakaling makita mo yung mga estudyanteng nagkakalampagan mg lamesa nila.. Isa pa.." putol ni Tibo."..kitang-kita palang sa mata mo na galit ka sa mga Campus Queens dati at nang banggitin mo ang apelyido ko ay may diin.. Tama ba ako? Naagaw ng nanay ko, nanay ni Jonathan Balmaceda, nanay ni Rc Garcia, nanay ni Jp conseption at nanay ni Ranz Gaveyno ang posisyong kinaaasam-asam niyo ng kaibigan mo?" ngising sabi nito, napalunok si Miss Sherlotte."Tss.. Paano ka magiging Campus Queen kung ganyan pag-uugali mo? Sa tinagal-tagal mo sa academy na 'to.. Naging teacher ka. Gan'yan din ba ang approach mo sa ibang transferees or students?"

"Oo, bakit?" mataray na sabi ni Miss

"Sa ginagawa mong pagsigaw sigaw.. Nakakaistorbo ka ng ibang estudyante dahil hindi lahat ng nasa second floor ay vacant sa gantong oras, 'di ba?"

"I don't care!"maarteng sabi ni Miss Sherlotte.

"Buti walang nagsusumbong?" ngising sabi ni Tibo

"Of,course! Lahat sila takot sa akin! Kaya walang sinuman ang may balak na magsumbong."

"Gusto mo ako magsumbong?" sabi ni Tibo at naging blangko ang mukha pero may talim na tingin, napalunok at namutla naman si Miss Sherlotte.. Tuluyang lumabas si Tibo sa room nila at matapang na humarap sa teacher namin. "Sa tagal mo dito, hindi mo ba alam ang student's manual? Hindi pupwedeng saktan ng isang guro ang estudyante niya dahil sa hindi katanggap-tanggap na rason. Sabihin mo ng bastos ako pero hindi ka karespe-respeto.."

"Miss Repzimo!"

"Hindi ka madalas pumasok sa klase namin, at kung makaakto ka ay parang napakalaking kawalan naman ng subject na hawak mo. Hindi ka din madalas magdiscuss pero kung makapagbigay ka ng activities ay wagas. Mapanakit ka din at hindi makontrol ang pagsigaw-sigaw.. Hindi mo ba madadaan sa mahinahong pagsaway 'yan?" seryoso padin niyang penenermon. "Aminado akong pinaka-worst section kami pero hindi kami iyong nag-iingay.. Yung kabilang section yun. Porke maingay, kami agad? Grabe na kayo sa'ming mga lower section, ah? Respetuhin niyo din naman kami.. Ngayon, sige.. Sabihin mo nga.. Sinaktan mo ang presidente ng classroom namin at nagtamo iyon ng sugat, ano nga bang dapat kong gawin sa'yo.. lalo na't Campus Queen ako?"

Gano'n na lang ang gulat ko nang mapalunok si Miss Sherlotte sa pagbabala sakaniya ni Tibo na seryosong nakatitig sakaniya.

"Pasensya na kung nabastos kita pero kahit saang anggupo mo tignan, ikaw ang mali dito.. Hindi kami ang nag-iingay, yung kabila iyon.. Dahil sa lakasng impact ng paghahalo-halo ng mgaingay nila, nadadamay padin iyon sa room namin dahil dikit-dikit lang naman.. Nagsorry din ang president namin kahit wala kaming kasalanan pero ano bang ginawa mo?" diing sabi ni Tibo at kita ko sa mga mata niya ang talim na tila naiinis na.

"Anella, ano ba? Tama na kasi.. Ayos lang ako.."

"Kung gusto mong respetuhin kita, pwes gawin mo yun sa sarili mo. I'm giving a warning, Miss Sherlotte.. Kapag umulit ka ng ganitong sitwasyon, sa guidance na tayo mag-usap.." maotoridad niyang sabi.. "Respeto pala ang kailangan mo, pwes respeto ang ibigay mo.. Dahil 'wag mong asahan na susuklian kita kung wala ka namang binabayad. Ayusin mo 'yang butones ng polo shirt mo, hindi gan'yan ang tamang ayos ng uniform ng teachers."

Tumalikod si Tibo sa amin at pumasok na sa loob. "I-i'm really really sorry, Miss Sherlotte.. Gano'n lang po talaga siya!" pag-uumanhin ni Rile, yung president..

"N-no, it's okay.. She's right. By the way, may klase pa kami!" pilit na ngiting sabi nito at deretsong pumasok sa Computer Lab...

Napa-irap ako nang makitang kasabay namin iyong grade 10 section 2. Sila ang section ng mga baklang chaka na nakaaway ko nung nakaraang nakaraan!

Tumingin sila sa aming mga bakla at tinaasan kami ng kalay.. Halos pumutok naman ang bibig nila sa sobrang pula at kapal ng lipstick..

Oo, ako naglilipstick! Pero hindi naman ganyan kakapal! Dzuhh! Mapula-pula naman lips ko! Kaya sometimes na lang ako maglipstick.

Nang dumaan kami sa harap nila ay pasimple naming sinipa ang paanan non at muntikan nang mapahagalpak sa tawa nang muntikan na silang matumba..

'Mga enge!'

Umupo kami sa mga upuan na nakatapat sa mga computers at tumingin kay Miss.

Pinapagawa niya kami ng letter as in like love letters or anyebe! Weg kenge!

'Yon kasi ang lesson namin buong 1st quarter ih! Syempre gagawa ako ng letter for my one and only Babecakes!

Nakangiting gumawa ako ng letter at talagang kinikilig ako halos hindi ko na nga chineck 'yon basta iniisip ko na lang si babecakes nyebe kese!

Agad akong natapos within 20 minutes at pinasa kay miss 'yon.. Nilagay ni Miss sa laptop niya 'yon at binasa

"Mister balmaceda. Hindi mo na 'to babawiin?"

Agad akong tumango.. "Miss, pakibigay don sa crushie crushie ko! Nahihiya kasi ako!"

"Of course!" ngiting sabi nito, umupo ako sa tabi niya at tinignan siya.

"Miss natakot ka kay Tibo kanina?" nahinto siya sa ginagawa at napatingin sa akin..

Bumuntong-hininga muna siya at saka tahimik na tumango..

"Nakakapangilabot ang pagsasalita niya. Parang lahat alam niya. Gama siya 30% lang ang subject ko, minor pa. Lahat ng binibigay kong activities, quiz, recitations and group activities ay laging perfect, kung hindi perfect laging mataas ang grade.. Nuknukan siya ng talino at may ipagmamayabang.. Ang boses niya ay masyadong nakakapangilabot at nakakataas ng balahibo, para niyang pinapahiwatig na 'marapat mo akong galangin.'"

"Ewan sa'yo, Miss.."natatawang sabi ko.

"May issue daw na.. In a relationship si Mister Garcia at si Miss Repzimo... Is that true?" napasimangot ako nang tanongin ni Miss iyon

'I don't know, miss! Don't you ever ask me again masasampal kita, Miss! Psh!'

"Ewan ko, Miss.. Bakit mo naman natanong?" walang ganang sabi ko..

"Dahil ikaw ang tumatayong leader nila, Hahahahahaha! Baka sakaling alam mo ang katotohanan!"

"I don't know nga, Miss.. Kulit!" mataray na sabi ko saka umiwas ng tingin..

"Are you jealous, Mister Balmaceda?"

Napatingin ako sakaniya at nanlaki ang mata.

"Me? As in me? No way, Miss! Hinding-hindi ako magseselos sa Tibo na 'yon?! Sa chaka niya no! Never!"

"Wala naman akong sinabing pangalan. Ikaw ang mismong nagsabi.." ngising sabi nito..

"Maissue ka, Miss!"

"What? Hahahahahaha! Alam mo kung may gusto ka sakaniya.. go on! Hindi yung dinadaan-daan mo sa maangan! "

"Asan ang respeto mo sa'kin, Miss? I'M GAY! A BEAUTIFUL GAY! At MEN ang gusto ko not a LESBIAN! OR TIBO!" pagdidiin ko, tumawa lang siya..

Nakailang minuto pa ay pinrint na ni Miss ang lahat ng pinasa namin at tinupi-tupi..

"Okay, mamaya ibibigay ko 'to sa mga crushi crushie niyo! "

Tinarayan ko lang ito at hinintay makalabas ang mga frenny with fafa's..

Pagkalabas ko ay saktong nagbell hudyat na lunch na.. Maraming estudyanteng lumabas lalo na sa room nila Tibo kasama yung mga brubilda.

'Hindi 'ata nila kasama ang Tibo?'

"Well, well.. Andito pala ang sipsip!" napalingon ako do'n sa nagsalita..

At 'yon ang baklang mukhang shokoy kasama ang mga side kick niya!

"Ako ba ang pinariringgan mo?!"

"Akalain mo 'yon! Narinig ng sipsip!"

"Excuse me! I'm not a sipsip kaya. You're insecure lang dahil close kami ni Miss Sherlotte kahit takot ako sakaniya, 'no!"

Tinaasan lang nila ko ng pangit nilang mga nguso..

"Psh! Dahilan-dahilan para hindi pagmukhaan na sipsip! Siguro, ikaw nanaman pinakamataas niyan kasi nangsipsip ka nanaman ng teacher! Ang cheap mo pala talaga! Ewww!"

"Sorry not sorry, Ghorl! I'm not a sipsip at isa pa.. Nagtataka ka pa ba? Na MAS MATAAS ang grades ko sa'yo. Eh, 'di hamak na MAS matalino ako sa'yo at MAS maganda ako sa'yo and lastly MAS matangkad ako sa'yo! Dzuhhhh!" palaban na sabi ko..

'Hindi ako magpapatalo 'no! Dapat ang magagandang katulad ko ay hindi nagpapatalo! Para hatakin ng fafa! Hmp!'

"Excuse me! Hoy, Baklang binudburan ng asin at gatas na panis sa balat! Para sabihin ko sa'yo maliit man ako pero ako ang pinakamaganda dito!" sigaw niya

"Ako!" sigaw ko pabalik..

Sinabunutan niya ako kaya sinabunutan ko din siya

"Napakapangit mo! Hah! Ano!!"sigaw ko at inalog alog ang ulo niya.. Hinigpitan niya ang sabunot sa akin. Hinatak ko ang buhok niya pabab at pumatong sakaniya saka pinagsasampal siya..

"Ay! Akala mo, ah!"tili niya saka tinulak ako pahiga at ako naman ang sinampal- sampal. "Mang-aagaw ka ng Fafa! Hmp! Ayan!" at sinampal ako ng malakas..

"Hoy, ano 'yan?"

May tao pero wala kaming pakielam, basta bugbugan na 'to pero halos tumalsik si Chakang Bakla nang may biglang humablot sa akin saka hinawakan sa kamay.. Ramdam ko ang init ng kamay na'yon.

Napatingin ako dito at napatigil nang makitang si Tibo 'yon.. "Ano bang ginagawa mo?" kalmadong sabi niya kay Baklang Chaka..

"A-anella.. I'm so sorry!" gulat na sabi ni Baklang Chaka..

Tinitignan ako ni Baklang Chaka susugudin sana nang bigla akong hatakin ni Tibo para dalhin sa likod niya, hawak-hawak niya parin ang kamay ko!

"Hoy, easy! Ano ba! Ano bang ginawa sa'yo nitong Bading na 'to?"

Nakakunot ang noo niya at magkasalubong ang kilay na nakatingin sa Baklang Chaka na parang nahihiya kay Tibo..

"'Y-yang bakla kasi, eh! Nag-una, eh!" kunwari naiiyak na sabi niya kaya napatawa ako sa hangin

"H-hoy anong--! Wowwww!" hindi makapaniwala na sabi ko.

'What the--!!'

"Sinabihan niya kasi akong malandi tapos bigla niya akong sinabunutan tapos sinampal-sampal, s-syempre kailangan kong lumaban! Huhuhu!" iyak na sabi niya, napabuka naman ang bibig ko

'Napakagaling mo umarte!!?!'

Tumingin naman sa akin si Tibo. "Ginawa mo 'yon?" gulat na sabi niya, umiling ako..

"Nagsisinungaling 'yang baklang 'yan! Kahit itanong mo pa sa mga alagad niya!"

Parang kinakabahan ako dahil siguro sa sakit ng ulo de choss! Parang feeling ko ang init ng kamay ni Tibo at talagang nakakaginhawa 'yon..

"Hoy, kayo.. ano yung totoong nangyari?" tanong ni Tibo, nag-aalinlangan pa sila at nagtitinginan pa..

"S-sinabihan ni Baklang Reshi si B-baklang Jona na sipsip tapos sinabunutan ni Baklang Reshi si Baklang Jona.. K-kaya ayon!" napapalunok na sabi ng nasa gilid..

"Tsk tsk.. Ayaw ko pa naman ng sinungaling.."

"S-sorry talaga! Sorry!"

"Oh, ano ka ngayon!? Halika! Sasabunutan kita!!"

"Jonathan Ronze, ano ba?" saway ni Tibo sa akin at pinisil na ang palad ko kaya napa-irap nanaman ako sa baklang chaka saka napasuklay sa hair ko.

"Oh! Miss R-repzimo.. Sakto nandito ka.. Here's the letters, para sa'yo!" napalingon kami kay Miss Sherlotte at inabot ang mga papel na. Teka?! Mga letters namin 'to, ah.. Kinuha 'yon ni Tibo gamit ang kanan niyang kamay dahil ang kaliwa niyang kamay ay nakahawak sa kanan kong hand!

"Para san 'to, Miss?" takang tanong ni Tibo..

"Kanina.. Nagpa-activity ako sa mga grade 10. Then I said na gumawa ng letter for there love one or crushes tutal nasabi na nila sa aking may crush sila.. Why not na pagbigyan ko silang gumawa ng letter, 'di ba?" ngiting sabi ni Miss at tumango naman si Tibo. "So, ayan! Yung mga grade 10 na nagbigay ng letter for you.. Gumawa sila ng letter for you. Uhm, Miss Repzimo?"

"Yes, Miss?"

"Sorry.. kanina."

Napaangat namin ni Tibo ang tingin sa guro at napataas ang dalawang kilay. "Hmm?"

"Sorry kanina, sa mga sinabi ko.. I'll promise na.. susubukan kong magbago."

"Make sure of it, Miss Sherlotte. Dahil sa oras na maabutan ko kayong gawin ulit iyon, hindi ko magdadalawang-isip na tawagin kayo to Guidance office."

Ngumiti si Miss Sherlotte at sabay na kaming tumitig kay Tibo na nakatitig doon sa mga letter, "May letter ka sa akin?" takang tanong niya sa akin.

"No!!!! Bakit naman ako magbibigay ng letter for you?!"

"Kaya nga tinatanong kita.. Andito ang pangalan mo at.. What the--?! Ang korni mo!!" napaawang ang labi niya.

"Bakit gan'yan pala ang itsura mo Mister Balmaceda and Mister Reshi?" Tanong bigla ni Miss..

"A-ah kase hehe--"

"--Miss, bakit ang dami 'ata neto?"

Pinutol ni Tibo ang sasabihin ko.

"I don't know.. Ang dami palang nagkakagusto sa'yo, Miss Repzimo.. Sabagay, you're pretty naman kase e.." kibit-balikat ni Miss Sherlotte at naglakad na palayo..

Tumingin sa akin si Tibo saka inayos ang buhok kong nagulo at inayos ang kwelyo ng longsleeve ko pati na rin ang blazer ko.. Inayos niya rin ang necktie ko gamit ang kanan niyang kamay na may hawak na papel..

'Pa'no niya nagawa 'yon?!'

"Ang pula ng mukha mo, Bading.. Para kang sinampal ng dos pordos.. Tara na!" ngiwing sabi niya at hinatak ako pababa.

Pagdating namin sa canteen ay agad kaming pumunta doon sa mga bruhilda na kasama ang mga bakla at fafa...

"Oh, ang-- AWWWWWW!" biglang tigil ni Julzia sa pagtatanong..

"Ayttt! CHANAULLLL!!!" comment naman ni Dairsy..

"LEGAL NA BA 'YAN?!!!?" sabi naman ni Dimple.

"OHMYGHAD BRO! TIGNAN MO!!!" sabi ni Fada Kenlite..

"OH, SHIT! PA'NO NANGYARI 'YAN?! "sabi naman ni Babecakes at Fafa Kevin.

'Parang mga enge.. bakit kaya?!'

Pareho kami ni Tibo na nalilito sa kanila..

"Bakit?" nagkatinginan kami saglit ni Tibo nang sabay kaming magsalita..

Ang mga bakla ay madiin na inirapan ako at may paikot-ikot pa ng mata. Nakita kong sinenyas ng mga fafa at bruhilda ang baba namin..

Sabay kaming napatingin doon ni Tibo at naramdaman kong nag-init ang pisnge ko nang nanatiling magkahawak parin ang mga kamay namin na kanina pa ang worst!

MAGKASAKLOB ANG MGA FINGERS NAMIN!

HOLDING HANDS!

Napabitaw ako sa hawak niya at may papunas pa sa pants! Umupo si Tibo sa upuan na katabi ni Fafa Kevin at no choice ako kung hindi umupo sa tabi ni Tibo...

'I hate my heart! It's beating! LOUDLY!'




Rj's POV

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng irita, inis at ewan kay  Tomboy at kay Baklang Jona nang makita ang kamay nilang magkahawak anina at see! Magkatabi pa!

Nakakainis lang! Hindi ko maintindihan ang sarili ko.. Katulad ko ay parang inis rin ang mga bakla kay Jona dahil hindi ko na mabilang kung nakailang irap at pag-ikot ng mata na sila..

Hindi ko talaga maexplain ang sarili ko bakit ganto 'yung nararamdaman ko.. Parang gusto kong ako ang tumabi kay Tomboy at palitan ang pwesto ng Jona dahil magkadikit nga sila..

At iting nararamdaman ko! Ang sobrang nakakainis! Nilantakan ko na lang ang pagkain ko saka hindi na lang pinansin 'yon...

"May paholding hands pa! Nakakainis!" rinig kong bulong ng Jp at Rc kaya napalingon ako sakanila.. Nakatingin sila sa pagkain at biglang kinagat ng malakas 'yon..

Tahimik lang kaming kumakain habang ang Tomboy ay may binabasa na...

'Shet?! Is that!'

Halos mapalunok ako nang makita ang letters na ginawa namin kanina..

"Ano 'yan, Anella?" seryosong sabi ni Fafa Aldrin. Matagal bago siya lingunin ni Tomboy..

"Letters."

"From?"

"Reshi Cortez, Bert Simon, Jak Rosario, Lonie James Rosario, Kian Resma, Roy Cong.." putol niya at dahan-dahan siyang tumingin kay Baklang Rc na ngayo'y napapalunok na nakatingin sakaniya.. Tumingin din siya kay Baklang Jp at dahan-dahan kay Alline at pinakahuli kay Baklang Jona...

"Anella? Ano?! Mga kaklase ko ang iba d'yan, ah?!" napipikon na sabi ni Fafa Aldrin..

"Ang kokorni ng mga letters.. Hindi ko gusto. Pa'no ginigrade-an ni amiss Sherlotte 'to? Lalo na 'to.. 'Alam mo.. Matagal na talaga akong may gusto sa'yo, hindi ko lang masabi kasi natatakot ako.. Natatakot akong iba yung gusto mo!'" natatangang sabi ng Tomboy.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad?" inis na sabi ni Fafa Aldrin..

"Nagtanong ka ba?" pilosopong sabi ng Tomboy..

"Anella Maene! 'Wag mo akong pinipolosopo ngayon.. Lalo na't baka ligawan ka ng palihim niyan nang hindi ko alam!"

"Palihim nga 'di ba? Hindi mo talaga malalaman!"

"Anell, aano ba?" saway ni Beybeh..

'Bakit kaya napakatigas ng ulo netong Tomboy na 'to! Iuntog ko kaya?!'

"Mahahampas kita, Anella Maene. Makikita mo!"

"Tss. Bakit ka ba nagagalit? Letters lang naman 'to, Kuya.."

"Kahit na. Mamaya, ligawan ka ng mga 'yan.."

"Pero okay 'to.. Ha! Ayos! Ang dami kong manliliga---"

Pinutol ni Fafa Aldrin ang dapat sasabihin ni Tomboy..

"Anella Maene!"

"Ano?!" naiinis na sabi ni Tomboy

"You're grounded!" ma-awtoridad na sabi ni Fafa Aldrin..

"Kuya!"

"You're grounded! Bawal kang sumama kila Julzia kahit pa mahalaga 'yan! Walang cellphone! Walang laptop! Walang games! Walang basketball! At iba pa! And It's final!" at padabog na tumayo sabay alis...

"King inang 'yan.. Kuya! Hoy!" singhal ni Tomboy saka tumayo habang hawak parin ang mga letters saka tumakbo palabas..

...

Ey ey ey! 😉

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
357K 13K 44
Rival Series 1 -Completed-
17K 434 71
LYRICS from 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞𝗣𝗜𝗡𝗞's SONGS. 「 NEW UPDATE: PINK VENOM 」 Blackpink is a South Korean girl group formed by YG Entertainment, consisting of m...
39.8K 778 53
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...