My Lover is a Paparazzi

By CheeZytizen

81 31 0

Hindi lahat ng tao sa paligid mo'y maaasahan, Yung inaakala mong kaibigan, ay dapat palang layuan. Pero paano... More

My Lover is a Paparazzi
PROLOGUE
2 - Waitress
3 - Miracle
4 - Cousin

1 - The Show

14 5 0
By CheeZytizen


Please vote and comment guys! <3

-----------






XAIKE's POV

"Why do I need to do this?" tanong ko kay Ate Kim na pababa na ng kotse

"Shut Up, Xaike. Just do it, okay? Wala namang masamang mangyayari kung gagawin mo 'yan."

"But Ate—"

Isinara niya yung pinto sa may driver's seat, saka binuksan yung pinto sa pass seat.

"Just this once, Xaike. Please, I beg you."

Napabuntong-hininga nalang ako.

Pano ba naman...gusto niyang mamigay ako ng rose sa bawat babae na makakasalubong ko dito sa school. Like what the? Eh mas lalo pa silang magiging flirt sakin. Baka mag-assume silang may gusto ako sa kanila or whatsoever.

"May side comments sayo na hindi ka raw gentleman in public, so kailangan mo tong gawin para mawala lahat yun."

Tinitigan ko lang siya ng matulis saka kinuha sa kanya ang mga rosas.

Ngumiti siya't pumalakpak.

Kahit kailan, manipulator talaga.

Pagkapasok ko ng campus, agad sumalubong sakin ang isang dosenang babae.

"Hi Xaike! You look hot today." sabi ng isang schoolmate kong babae na para bang nalunod sa harina, dahil sa puti ng mukha.

"Thanks..." *wink

"Kyahhhhh~Ang gwapo niya!!" sigaw nila

"By the way, girls, these are for you." inabot ko yung twelve roses

"What? Really?" Tskk

"Wahhh!! XAIKE IS SO SWEET!" as if lang to wag assuming

"Thanks Xaike! You really made my morning meaningful."

Ngumiti lang ako saka sinenyasan ang dalawa kong bodyguards na paalisin yun mga asungot. Syempre...in a nice way.

Marami pang rosas na natitira sa kamay ko kaya kada may masasalubong ako, inaabot ko lang para matapos na ako kaagad. Math yung first class ko ngayon, ayaw ko namang magdala ng bulaklak sa room noh.

"Isa na lang." bulong ko sa sarili ko

Papalapit na ako sa room pero wala na akong nakikitang babae sa hallway. And instead, basurahan yung nakita ko kaya naisip kong itapon nalang. Pumunta ako sa gilid para itapon ito, pero—

May bumangga bigla sa likod ko.

"Oh my gosh." napahinto ako at napatitig sa babaeng nagsalita. Nakaupo siya ngayon sa sahig, habang pinupunasan ang damit niyang natapunan ng dala-dala niyang sauce.

Tumingin siya sa akin, kaya inilahad ko yung kamay ko sa kanya. Baka isipin niyang hindi ako gentleman. Pagagalitan na naman ako ni ate neto 'pag nalaman niya.

"Sorry miss." sambit ko habang pinupulot yung container ng kung anong sauce na natapon sa kanya.

"No, it's my fault. I should be the one to apologize..." sinuot niya yung bag niya saka kinuha sakin yung container. "By the way, natapunan ka rin ba? Kung oo, tell me, para mabayaran ko yung clothes mo or malabhan."

In fairness, straight-forward siya. Alam niyang kasalanan niya dahil tumatakbo siya in an unknown pace.

"Okay lang ako, ikaw lang ata yung natapunan." turo ko sa damit niya

"I know." aniya na nagpakunot sa noo ko

Seriously??  Alam naman pala niya, may patanong-tanong pa siya.

"Then why did you asked me?"

"Just to make sure...Marami kasing taong masyadong OA. Kahit konting bangga or tapon lang o kahit hindi naman talaga napano, nagrereklamo at pinapahiya yung nagkamali."

"What? Are you saying na akala mo ganun ako?" pinipigilan ko yung sarili kong magalit

"May sinabi ba ako?" hindi ako nakapagsalita. "Wala naman pala eh. Alis na ako." aniya't naglakad palayo.

What's with that girl?! Doesn't she knew me?!

Napansin kong wala na talagang tao sa hallway kaya inihagis ko ng malakas yung rose sa trash bin at sinabihan ang mga BGs ko na ipatawag ang janitor, para linisin yung sauce na nagkalat sa sahig.

Nakakainis! Ngayon lang ako naka-encounter ng ma-attitude na babae.

-----

"Wow! Good job, Xaike! Na-clear na lahat ng negative comments tungkol sayo. Sabi ko na nga ba, palabas lang ang katapat nun." nakangiting sabi ni Ate Kim

"Tsk."

Tinaasan niya ako ng kilay saka nilapitan. "Nung problema mo ha? Kanina pa ako iniirita ng kilay mong magkasalubong."

"I'm in a bad mood."

"Bakit na naman? Nairita ka na naman ba sa mga malalanding babae? May nanglandi na naman ba sayo?"

"Nope."

Hindi siya mukhang malandi, mukha siyang gangster.

"Eh? So sinasabi mong yung mga lalaking gaya-gaya ang nagpainit ng ulo mo?"

"She's a girl ate."

"G-girl?"

"Yeah. A shitty girl who ruined my day. And guess what...iba siya sa lahat ng babae na nakita't nakilala ko. Para siyang gangster kumilos, I mean, weirdo. At eto pa! Hindi niya yata ako kilala. Like what the? Sinong hindi nakakakilala sa isang katulad ko. I'm Xaike Almeron, the only one."

Napa-iling naman si Ate. "Yun lang pala. Eh dapat nga masaya ka diba? Kasi may isang babae pa palang hindi malandi sa school niyo." tumawa siya

"Heh! Hindi nga malandi, pero mataray naman. Suplada pa."

"Talaga?! Eh di bagay kayo. Ayiee."

"Shut up!"

Alas otso na ng gabi, pero 'di pa ako makatulog. Naiinis pa rin ako sa babaeng yun. As in! Sarap niya suntukin, kung lalaki lang talaga siya...baka nga ipa-salvage ko pa siya.

*Ring

Ate Kim Calling~

"Hello?"

["Xaike, good news! Pumayag si Sir James na palitan si Ella as leading lady sa drama na inoffer niya sayo. New artist yung pinalit, na-meet ko siya kanina sa office. Mabait siya at mahinhin, inusisa ko at mukhang hindi naman malandi. So ano, payag ka na?"]

Hays..No choice na din naman ako eh.

"Okay, I'll sign the contract tomorrow."

["Really?! Yes! Thanks lil' bro."]

"Hep hep! Basta iharap mo sakin bukas yung babae, kikilatisin ko siya ng mabuti. At pag may di ako nagustuhan sa kanya, palitan niyo agad. Kung hindi, I'll break the contract. I don't care if I have to pay, tutal kay Dad rin naman manggagaling yung pera."

["Tsk. You're really so cunning lil' bro. Bagay talaga sayong maging CEO in the future. Sige na, I got it. Bye!"]

*Toot

Siguraduhin niya lang talaga.

-------

"Class Dismiss!" pagkasigaw ng prof namin, agad na nagsitayuan ang mga classmates ko saka lumabas.

Niligpit ko muna ang mga gamit kong nakakalat sa desk ko. Agad naman akong lumabas ng room na walang alinlangan—sa pag-aakalang wala ng tao sa hallway.

"SURPRISE!" napapikit nalang ako sa inis ng may sumabog na confetti sa mukha ko.

What the hell is this?!

"Did you like it Xaike? We prepared this for you kasi nalaman naming may upcoming drama ka na naman. Sana maging successful yun. Nandito lang kami para sa'yo." sagot nung babaeng palagi kong nakikita sa tuwing nasa school ako. Siya lagi yung nangunguna sa mga pa-ek ek at kalokohan na nai-involve ako.

"Oo nga Xaike, pinagpaguran talaga ni Zel yan. As the president of your fanclub, responsibility niya yun. At Yes! Nagawa niya ng bonggang-bongga!" sabi nung iba

President siya ng fanclub ko?  Kaya pala...

Ngumiti ako ng pilit at tinanggap yung gift box at bulaklak na inilalahad nung Zel daw. "Thanks. I'm so touched."

Nagtilian naman sila saka nagtangkang yakapin ako, pero agad silang hinarangan ng kakarating ko pang mga bodyguards.

"Uwahhh!! Na touched daw si Xaike. OMG!" sigaw nung Zel

HAHAHA. Oo nga, na touched ako. At konti nalang mapa-punch ko na rin yung mga pagmumukha niyo.

S

inenyasan ko yung mga BGs kong paalisin na siya para makadaan ako. At luckily, madali lang naman nilang nagawa yun.

Binuksan ko yung gift box at tumambad ang mga relo at chocolates. "Ilayo niyo yan sakin, bahala na kayo kung aanuhin niyo. At mas maganda kung itapon niyo." inihagis ko sa kanila yung gifts at flower

Nakakairita na sila ha.

------

"Eto si Perry, and bago mong leading lady." pakilala ni Ate

"Hi." ani nung Perry

Babalewalain ko na sana siya ng panlakihan ako ng mata ni Ate, senyales na sagutin ko yung babae.

"Hello. Nice meeting you." plastik kong bati

Nagsimula nang mag-discuss si Ate about sa contract at drama, okay na naman lahat sakin—siguro pati narin sa kanya. In-orient narin kami ni Sir James at pagkatapos nag-dinner na rin kami.

"Thanks for your cooperation guys! I hope magiging successful yung project nato." anunsyo ni Sir James

Sumang-ayon kaming lahat at nagsi-umian na.

"Xaike...natagalan ka hanggang dinner. So it means, okay sayo si Perry?" tanong ni Ate habang nagmamaneho

"Wala namang problema." sagot ko

"So gusto mo siya?"

"H-ha?" naguguluhan kong tanong

"Wala." naku si Ate talaga, mukhang iba yung nais ipakahulugan.

Madali lang lumipas yung oras. At pagkatapos ng klase, agad akong lumabas ng campus—kasunod ang mga bodyguards ko, para makasakay na sa kotse ko. Dalawa yung kotse na laging nagdirito sa school. Isa sakin, at isa naman sa mga BGs ko.

I'm already 21, so may driver license na ako. Walang kotseng naging permanente sakin, kasi halos araw-araw, iba-iba yung ginagamit ko. Actually, ayaw ni Ate Kim na mag-drive ako patungong school dahil sa mga fans na ulol (kaya nga minsan hinahatid niya nalang ako), pero dahil nga nag-iinsist ako—wala na siyang nagawa. Kaya naman dahil no choice na nga siya, pinababantayan nalang niya ako sa dalawang professional bodyguards na may sariling driver at kotse—siyempre...bigay ni Ate Kim. Wala naman din akong pagpipilian kaya pumayag na ako, tutal may pakinabang naman sila 'pag may nanggugulo o nangiirita sa akin.

Pumasok na yung BGs ko sa kotse nila, habang ako, nakatayo parin dito sa tabi ng kotse ko. Nagmamasid muna ako sa paligid. Gusto ko lang makasigurong walang makakasunod samin. Last time kasi may nakasunod samin at nung pumunta ako ng café para magpahinga (after school), bigla nalang sumulpot yung isang babae at gumawa ng eksena.

*Flashback

Pinahintay ko muna saglit yung BGs ko sa labas ng favorite café ko, dahil balak ko munang magpahinga at kumain sa loob.

"Good Afternoon Mr. Almeron." bati ng worker na nakasanayan ko na

Tumango lang ako't naglakad na patungong usual place/table ko. Hindi na nagbigay ng menu yung mga waiter/waitress, dahil alam na nila kung anong gusto ko. This café is the witness of my happiness and heartbreaks. Since I was a teenager, everytime may problema or celebration ako, etong lugar na 'to ang bagsakan ko. Although nasa labas yung BGs ko, walang nagtatangkang lumapit sakin dito sa loob. May indoor guards kasi sila bawat sulok, at kahit anung pagka-starstruck yung ma feel nila at topakin man sila, wala silang magagawa.

"Here's your order, Mr. Almeron." nilapag niya yung latte at isang slice ng cheesecake—na six years ko nang inoorder. Walang sawaan.

"Thank you." sabi ko

Uminom muna ako ng latte, at akmang susubo ng cheesecake nang...

"Hi babe!" sigaw ng isang babae na nasa harapan ko

"Babe?! May gf para si Xaike?"

"Luh, akala ko single siya."

"Gf niya yan?! Hindi naman masyadong kagandahan."

"Hindi sila bagay ni Xaike!" narinig kong bulong-bulongan—na medyo malakas, sa paligid.

Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya.

Babe? Kailan pa ako nagka-girlfriend.......ulit?

"Who are you?" tanong ko sa kanya pero imbes na sumagot, umiyak siya't humawak sa dibdib niya.

"What do you mean by that babe?! Pagkatapos ng lahat gaganyanin mo ako?"

What the?! Naka-droga ba tong babaeng to?

"I don't know what you are saying, and I, don't know you too." seryoso kong sabi at tumayo

"What?! Are you crazy, Xaike?! Matapos mo akong ligawan at pangakohan ng kung anu-ano, tatratuhin mo na lang akong parang di mo kilala?"

"Hala, dineny siya ni Xaike. Baka hindi talaga sila." bulong ng babae sa kasama niyang  kalapit ko lang ng table.

"Kawawa naman si girl. Ang g*g* naman ata ng bf niya. Porket sikat." sabi ng isang ginang

"Kahit hindi sila bagay, naaawa parin ako kay girl. Ang sama naman ata ni Xaike." sabi nung sassy girl

"Grabe siya makatanggi, anu ba sa kanya yung pinagsmahan nila. Mahirap siguro yun para kay girl kasi Secret Relationship sila."  sagot ng babae sa humonghong sa kanya

"Duwag naman pala yang Xaike na yan eh, nanliligaw tapos di sineseryoso't pinaninindigan. Baliw na ata siya." sabi ng isang lalaki sa likuran.

P*t*ng*na. Parang siya yung crazy eh! Kailangan ko pa ginawa yung mga yun?!

"Miss, nagkakamali ka lang siguro. I don't have a girlfriend."

"Hmph! Ang daya mo naman! Sabi mo mahal mo ako! Pero bakit ka ganito? Kung gusto mo akong hiwalayan, sabihin mo naman sana ng maayos, hindi yung ginaganito mo ako."

Naiinis na talaga ako sa babaeng 'to! Kaya ayaw ko na talaga sa mga babae eh! Dagdag inis pa tong mga chismoso't chismosang nagvivideo.

"Next time, if you want to make a scene, please make sure na may alam ka na tungkol sakin para hindi ka na mapahiya..." humarap ako sa mga tao sa paligid. "Makinig kayo...unang-una sa lahat hindi ko kilala ang babaeng to. Pangalawa, hindi ko siya gf kasi nga hindi ko siya kilala. Pangatlo, simula nung pumasok ako sa showbiz wala na akong naging gf. Kahit ipa-imbestiga niyo pa sa nga mauutak at professional na private investigators. Pang-apat, ang babaeng to ay baliw, stalker, at sinungaling. Gusto niya lang akong siraan sa hindi ko malamang dahilan. Kaya sana naman huwag niyo akong husgahan at pag-isipan ng masama, dahil in the first place, wala naman talaga akong maling ginawa. Guards, escort this lady out."

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. "No, Xaike. You can't do this to me! I-I'm just joking around! Don't take this seriously!" sigaw niya habang hinihila siya palabas ng mga guards ng store.

*End of Flashback

Grabe talaga yung nangyari nun. Mabuti nalang at naniwala naman yung mga tao sakin. Nag-sorry din sila sa mga pinagsasasabi nila sakin nung nagbulongan sila—na narining ko talaga.

Nainis talaga ako sa babaeng yun, pero nawala rin yun ng nalaman kong kinasuhan siya ng company namin at nakulong dahil sa false accusations niya sakin in public.

Hmph! Buti nga sa kanya.

Wala akong nakitang ibang tao, kaya pumasok na ako sa sasakyan ko.













------

Uwahhhh hello guys! Eto na yung first chapter ng story. Medyo nalilito ako sa sarili kong plot kaya natalagan akong magsulat ng first chap. Hehehe.

Pero okay na!

Sana nagustuhan niyo, kahit medyo korniii yung pagkakagawa.

Please vote and comment! Sa hindi pa naka-follow sakin, follow niyo na ako ngayon din. XD. Share niyo nadin to, para complete package na. Hehe.

Loveya'll <3

Xaike's photo above^^^^^

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...