Ang Tibong Inlove |Season 1

By gazery

27.5K 1.3K 68

Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga... More

Must Read This!!!!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31-NUTRITION DANCE CONTEST
CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2
CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA
A U T H O R ' S N O T E!!!!(^~^)

CHAPTER 38

321 16 0
By gazery

Meane's POV

Tuwang-tuwa na pinapanood ko lang sila Kuya Aldrin na nagkukulitan, habang kami nila Julzia ay nakaupo na lang sa tabi ni Anella dahil umahon na agad kami.. Ang kukulit nila Lance, eh. Nankulunod pa naman kapag trip niya..

Habang naglalaro ay aksidente ko na lang napabaling ang tingin kay Rc at napansing tahimik na nakatingin kay Bi na blangko lang ang mukhang nilalaro parin si Baby Litlit..

Nagising si Baby Litlit nung umakyat si Anella sa taas para asikasuhin yung dalawa pang magkapatid dahil sa pagtatalo kanina.

Tumingin ako sa iba pang bakla at nakatingin lang din sila kay Bi.

'Hmmm! Mukhang may nagaganapang IN LOVE dito, ah...'

Lumingon ako kila Dairsy at nakatingin din sila sa mga bakla.. Naramdaman nilang nakatingin ako sakanila kaya sabay-sabay kaming napangisi at umayos ng upo.

Hinampas ko ng mahina si Anella kaya napalingon naman siya sa akin.. "Bakit namamalo ka, Bi?" salubong ng kilay na sabi niya...

"Tingin ka sa mga bakla.." l

Taka niya muna akong tinitigan at tumingin sa mga bakla.. Nakita ko ang sabay-sabay na pag-iwas ng mga bakla na akala mo ay walang nangyayari dahil patuloy lang sila sa pagkain..

Tumingin sa akin si Anella at pinaglaro ang dila sa loob ng bibig.. "Akala ba nila hindi ko nahahalatang lagi silang nakatitig sa akin? Tss! Napapalagi ang pagtitig nila sa akin. Hindi ako natutuwa.." malumanay na sabi niya

"Ang ganda mo kasi, eh! Hmp!" pang-aasar ni Irene at tinapik ang baba ni Bi..

"Tss. Tigilan mo nga ako, Irene." saway niya, natawa naman kami..

"Eh, bakit? Totoo naman, 'no! Tsaka. Mabait ka, masipag, mayaman, seryoso at higit sa lahat mapagmahal.. Posible na magkagusto sila sa'yo!" ngiting-ngiti na sabi ni Irene..

"Oo nga naman, Bungangs.." sang-ayon ni Julzia, nag-apir pa kami..

"At isa pa, nak! Hindi ka mahirap gustuhin! Kahit kami, eh.. Kung lalaki ka ay talagang ako pa ang manliligaw sa'yo.. Ikaw yung tipo na babae na magugustuhan ng lahat.. Mapalalaki, mapababae at higit sa lahat mapabeki, 'di ba?"

Hindi sumagot si Anella at nanatiling nakatingin sa amin saka bumuntong-hininga...

"Yeah. Bebs Dairsy is right, Anell.. How to be you ba??" nag-iinarteng sabi ni Irene.

"Alam mo, ikaw?" turo niya kay Irene kaya napapigil ko na ang tawa, ayan na ayan na! "Kesa nagdadrama ka d'yan at kung ano-ano ang pinagsasabi mo.. Pumunta ka dooooooon! Sa syota mo at ayusin ang problema niyo.." sarkastikong sabi niya, napanguso naman si Irene.. "Syota-Syota kayo tapos hindi niyo man lang maayos-ayos 'yang simpleng problema niyo?"

"Simple ka d'yan?!"

"Simple naman talaga. Alam mo ng babaero ang syota mo dapat aware ka na do'n. Syota syota ka ng babaero tapos magrereklamo ka na nakita mong may kayakap na iba."

"Psh! Nakakainis kasi sya! Ni hindi nga sinabi kung sino 'yon?! Anong ginagawa ng babae niya don?! Psh! Nakakainis!"

"Pa'no magpapaliwanag ang syota mo kung inunahan mo ng sampal at pagbubunganga?"

Gulat naman siyang tinignan ni Irene. "P-pa'no mo nalaman, ha?!"

"Kanina.. 'Di ba umalis ako?"

"And?"

"Pumunta ako sa bahay ni Cj, doon sa bahay-bahayan niyo.." maloko sabi ni Bi.

Nakatanggap naman siya ng pambabatok galing kay Irene, sa sobrang lakas ay muntikan ng mabitawan si Baby Litlit kaya sabay-sabay kaming napasigaw sa kaba.

Mabuti at nakakapit ng mahigpit si Baby litlit. Bigla na lang umiyak si Baby Litlit kaya hinile-hele siya ni Anella na hinampas ng mahina sa hita si Irene na nag-sosory..

"Ano ba 'yan, Tomboyish?!"inis na sigaw ni Jp..

"Akina nga, Tubercio!" sigaw din ni Rc at kinuha ang umiiyak na Litlit saka pinatahan..

Tumingin si Anella ky Irene at ngumuso.  "Makabatok ka! Sakit!" natatawang sabi pa niya kaya natawa na kami..

'Siraulo talaga 'to, eh!'

"'Yon nga.. nung pumunta ako sa bahay niya.. Syempre tinanong ko siya. Syempre sinagot niya. Nagpaliwag sa akin, nagkwento. 'Yon nga.. Hindi daw siya nakapagpaliwanag kasi puro sampal ang inabot niya sa'yo.."

"E-eh, anong sabi niya? S-sino daw yung babae?" si Irene

"Bakit ko sasabihin? Mas mabuting si Cj na ang magsabi sa'yo dahil una sa lahat hindi mo naman ako syota. Pangalawa, wala naman akong karapatan dahil dapat si Cj ang nagpapaliwanag hindi ako at pangatlo, tinatamad na akong magsalita.."

Natawa ulit kami at pinagmasdan si Irene na isukbit ang shoulder bag niya.. "I'm going! See you sa Monday,  girls!" paalam nito at nakipagbeso sa amin..

"Hay. Hindi kaya sila nagsasawa? Puro na lang sila away?" nangiwi na sabi ni Julzia na tila siya pa ang napapagod para sa dalawa.

"Nagbabati rin naman.."

Napatingin ako kila Lance at talagang nakakainis dahil nakatingin parin siya sa akin..

'Ano naman kayang trip netong Lancilot na 'to?!'

Jp's POV

Napatingin kami kay Tomboyish nang tumayo siya. Tumingin siya kay Baby Litlit na natutulog na sa balikat ni Baklang Rc..

Lumapit siya kay Baklang Rc at dahan-dahang kinuha si Litlit. Napairap ako nang makita ang pasimpleng pag-amoy ni Bakla sa honey ko.. Kahit naman kasi hindi niya ilapit ang sarili ay naaamoy padin namin si Anella.

Grabe, sobrang bango niya.. Malayo palang, naabut na ng pang-amoy ko yung amoy niya..

Naglakad siya ng dahan-dahan at pumasok sa loob. Ilang minuto lang rin ay nagpalit na kami ng damit doon sa guest room dahil sabi ni Tita Armella ay maraming mga damit dito..

Ang suot ko is Blue na t-shirt saka  black na shorts. Ang Baklang Rc ay naka-yellow na t-shirt at green na short. Ang Negrita ay naka-red at gray na shorts. Si Alline naman naka-white na t-shirt samantalang ang Baklang Jona ay nakaitim na t-shirt saka blue na shorts...

Lumabas na kami at pumunta sa living room. Nandoon na ang mga bruhilda at ang mga fafa na nakabihis na rin...

"Woah! Nice naman.. Nagmukha kayong lalaki!" ngiting sabi ni Tabatina, inirapan lang namin siya na ikinatawa niya. "Joke lang, eh.."

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan at nabobored na!

'Asan na si Tomboyish?!!! Anyebayen!!'

Nakakabored dahil hindi ko man lang nakita ang mahabaging Tomboyish, hayst! Tinamad na sigurong bumaba.

Napatingin kami sa taas nang makitang pababa ang Fafa Aldrin. "Sa'n ka galing, Kuya Aldrin?" Tanong ni Julzia!

"Sa kwarto ko lang.. Nagpalit ako. Saka sinilip ko din si Anella sa kwarto nila ni Litlit."

'Kwarto nila? Ni Litlit? Ibig sabihin magkasama sila sa iisang kwarto?'

"Oh, ano namang ginagawa ng Tibo?" mataray na sabi ni baklang Jona habang nakapalumbaba at nakapambabaeng dikwatro.

"Natutulog. Ang cute nga nilang tignan ni Baby Litlit, eh.. Mukha talaga silang mag-ina.." ngiting sabi nito saka umupo sa tabi ni Julzia na umusog para bigyan siya ng malaking space..

"Babies, kain na kayo dito!!" sigaw ni Tita Armella mula dining area..

Niyaya kami nila Fafa Aldrin at pumunta na sa dining.

Namangha agad kami sa maraming foods na nakahanda sa lamesa.. May Afritada, Menudo, Lasagna. May Bulalo, Fried Chicken, Tocino tapos ang sarap pa ng mga inumin.. May Iced Tea, Juice, and Milktea?

"Iyang milktea.. Mamaya niyo na inumin, okay? Dessert niyo na rin.. Sige na, eat na!" ngiting sabi ni Tita, sinandukan kami ng mga yaya ng pagkain at syempre kumain na kami..

Napatingin ako kila Lotlot at Letlet na nakapag-ayos na at kumakain.. Nasa tabi sila ni Julzia na inaalalayan pa si Lotlot sa pagkain, wow batang ina.. Char.

"Where's your sister?" Si Tito Drino na nakatingin kay Fafa Aldrin..

"At her room.. Sleeping with Litlit,"

"Natutulog nanaman si Anella?" takang sabi ni Manang Peni, tumango si Fafa Aldrin."Pa'no, eh gabing-gabi na umuwi tapos inasikaso pa si Litlit. Baka nakakaabala ang anak ko kay Anella.."

"Manang naman.. Mahal na mahal ni Baby girl namin si Litlit, alam mo naman 'yon, 'di ba?" ngiting sabi ni Tito Drino.

Kumain lang kami ng kumain hanggang sa matapos na kami. Nagpahinga muna kami at pumunta sa living room ulit nila..

Kaming mga bakla ay tahimik lang.. Ah! Kami lang pala nila Alline at Rc.. Ang Rj at Jona kasi nakikipagchikahan sa mga fafa.. Ang jondi talaga nitong dalawang baklang 'to.

Tumingin ako sa pinapanood nila Julzia at vlog nila 'yon. Lumapit ako saka nakinood kila Julzia.. Tumingin sila sa akin at taka ang nasa fezlak nila. "Oh, bakit? Makatingin kayo! Go manood! Mga gagang 'to!" maarteng sabi ko, tumawa lang sila at nagpatuloy sa panonood.

Nanonood din kami ng iba pang vlogs tapos yung sa k-pops! Mga k-daramas! Ganern! Naubos ang oras namin kakanood at hindi na napapansin ang oras..

Tumingin ako sa labas at nag'orange ang langit, tumingin ako sa relo ko at 3:26 na..

Tumingin ako sa 3rd floor nang makarinig ng yapak ng tao doon.

Bumaba ito ng bumaba hanggang sa umabot siya sa second floor... Naka-itim na turtle neck at short na blue yung panlalaki saka naka-tsenelas..

'Si Tomboyish!'

Karga niya ang bagong gising na si Litlit na iba na rin ang damit.. Naka-black na turtle neck din, isang maliit saka blue panjama at may medyas na fushia pink.

Pagkababa nila ay tumingin sila Fafa Aldrin sa kanila.. "Oh, gising ka na pala."ngiting sabi ni Fafa Aldrin, tinignan lang siya ni Tomboyish ng blank fezlak saka pumunta sila sa dining.

"Ang supla-suplada ng sister mo, 'no Babecakes? 'Kala mo maganda, e!" inis na sabi ni Baklang Jona, natawa na lang si Fafa Aldrin..

"Korek ka d'yan, bakla!" sang-ayon ng negrita kaya napaangat ang nguso ko sakanilang dalawa..

"Maganda naman talaga siya, mga bakla kayo!" mataray na sabi ni Rc

"Cheh!"

Ilang minuto lang ay lumabas na sa dining ang Tomboyish.. Umupo siya sa kabilang sofa at inupo sa lap niya si Litlit na nilalaro ang bear nito..

Nakatitig lang ako sakaniya dahil nga ang cute cute nila. Partner pa ang suot nila at talagang nagmumukha silang mag-ina..

"Hoy, Tibo!" sigaw ni Baklang Jona, ano nanaman kayang kailangan nito..

"Oh, ano?"

Nagulat kami nang marinig ang medyo may pagkapaos na boses niya.. Naramdaman kong nag-init ang pisnge ko dahil may pagkahusky iyon kaya nagmumukhang sexy siya.. LALO!

"Bakit g-gan'yan boses mo?" nauutal na tanong ni Alline, nabibigla..

"Kapag bagong gising gan'yan talaga ang boses ni Anell.. Parang pahusky.." ngumunguya na sabi ni Tabatina habang ngumangatngat ng gummy bears..

"Oh, ano 'yon, Bakla? Maka-hoy ka.."

"Pahiram si Baby Lilitlit!" masungit na sabi ni Baklang Jona

"Bagay ba si Litlit para hiramin mo? Tss.."

"Bakit?! Kakargahin ko lang. Ang damot mo naman!"

"Ako mag aadjust?"

"Edi, ako na! Ako na mag-aadjust! Nakakahiya, eh!" mataray na sabi ng Jona dahilan para matawa kami..

Bakit kaya ang init init ng dugo nila ni Negritang Rj kay Honey? Siguro dahil sila ang pinakahindi talaga kasundo ni Anella kaya acceptable naman, ang tataray kasi nilang tatlo!

Tumabi si Baklang Jona kay Tomboyish na ikinairap ko.. Pati si Rc ay napataas ang kilay dahil nabigla.

'Bakit kailangan tumabi pa?! Akala ko ba hihiramin lang si Litlit?'

Kinarga niya si Baby Litit at nilaro.. Napatitig kami sakanila at gulat silang tinitigan ulit..

"A-anell!" tawag ni Tabatina..

"Oh, ba't----bakit kayo gan'yan makatingin?" takang tanong niya sa amin dahil ultimong si Fafa Aldrin ay nanlalaki ang matang nakatingin sakanila pero mabilis pa sa kabayo na nagbago ang mga tingin nila na aapalitan ng panunukso at ng ngising maloko.

"Bakit?" nalilitong tanong parin ni Tomboyish.

"Ahhh.. family!"

"Ahh.. couple clothes!"

"Family nga kasiii!"

"Naks naman!!!"

"Couple.."

Panunukso nila napasimangot na lang kami ni Baklang Rc. Nagkatinginan si Jona at Tomboyish pero iniwas ni Jona ang tingin niya na parang napaso siya. Papasuin kita, bakla kapag hindi ka pa umalis sa tabi niyan.. De jok..

"Tignan niyo mga damit niyo!" ngiting sabi ni Julzia..

Tumingin sila sa damit nila at si Jona ay nanlalaki ang mata..

'OA mo, teh!'

"B-bakit! Nakagan'yan kayo ni Litlit?!!" mataray na sabi ng Jona, at ni-head-to-toe pa si Anella.

"Oh, bakit? Pake mo? Saka hindi ko naman alam na nakagan'yan ka, eh."

"Psh! Talaga lang, ah! Baka naman sinilip mo kami dito tapos talagang pinlano mo 'to?!"

"Aba.. Hanep ka rin eh, 'no?"

"Hanep hanep! Psh! Manggagaya!"

"Pinagsasabi mo? Hindi kita ginagaya.. Sadyang ito ang napagtrip-an kong suotin namin ni Litlit." mahinahong sabi ni Tomboyish.

"Psh! Planado 'to, eh! Siguro sinilip mo talaga kami dito sa baba kanina! Tapos nakita mo yung damit at short ko tapos naisipan mong gayahin para tuksuhin nila tayo! Argh! Nakakainis ka!" tuloy-tuloy na sabi ni Jona..

Napatitig kami sakaniya pati si Tomboyish..

"Oh, ano? Wala kang comment! Kasi totoo! Pinlano mo! Psh!"

"Ha.. Grabe talaga. Alam mo, ikaw! Napakalaki mong..." pinutol niya ang sasabihin at tinulak ng mahina ng noo ni Jonam. "ASSUMING!"

"A-assuming?!-- a-anong-- HOY, TIBO! Para sabihin ko sa'yo hindi ako a-assuming! Dahil una sa lahat! Mas maganda ako sa'yo. Pangalawa, Mas makinis ako sa'yo at pangatlo! Maganda paren ako! Kaya 'wag mo akong sasabihan ng assuming! "

"Tss.. Daming sinabi demanding kasi." malumanay na sabi niya habang nakatingin kay Jona'ng namumula na ang mukha sa inis..

"At talagang nagyayabang ka pa!"

"Asan ang yabang do'n?"

"Leche! Umamin ka na lang kasi...na---"

"--na ano?"

"May gus--"

"Oh, ano naman kung may gusto ako sa'yo?"

Bapatahimik kami nang makita ang seryosong mukha ni Tomboyish..

'M-may gusto?'

"M-may gusto ka s-sa akin?" nauutal at hindi makapaniwalang sabi ni Jona..

"Oo may gusto ako sa'yo.. Ano naman?"

'No! Ano baaa! Huhuhuhu! Broken ulit akooo? Ayuku na ngaaa!'

"S-seryoso ka?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

...

Luh, 🙄🖤

Continue Reading

You'll Also Like

75.3K 1.9K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...
35.4K 631 51
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
382K 569 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞