The CEO's Secretary [Publishe...

By RHNA24

76.5K 2.2K 115

-My darkest memory is the reason why I hate boys. The reason why I can't love them. But then, he, is the reas... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT
Book Covers

CHAPTER 15

2.5K 70 0
By RHNA24

Cathlyn's Po'V

Straight two weeks ay naka tengga lang ako sa condo. Si boss lang ang palagi kong kasama na parang dito na din tumitira. Dito na siya umuuwi, natutulog, at kumakain para lamang mabantayan ako ng mabuti.

E kesyo may kasalanan din naman daw kasi siya kung bakit ito nangyari sa akin. He's always caring and sweet towards me. Hindi niya ako pinayagang gumawa ng gawaing bahay dito sa condo. Palagi niya lamang akong pinapatulog kaya ang ginagawa ko, kain at tulog lang.

Siya ang naglalaba sa personal kong mga damit. Sinabi kong ipalaba nalang niya sa laundry na nasa baba ngunit hindi siya pumapayag. Hindi niya raw kasi gusto na may ibang makakakita sa personal kong mga gamit.

Siya na din ang tagaluto ko dahil nga hindi niya ako hinahayaang gumalaw. Kaya ngayong araw na magising ulit ako, hindi ko na siya hinayaan pa. Isa pa, wala na akong maramdamang kahit na anong sakit sa pagkababae ko.

Kaya mas lalo lamang akong nai-inlove sa kanya sa mga nagdaang araw.

"Magpahinga ka nalang. Wag ng makulit." Mariing saad sa akin ni boss habang nagluluto ng agahan namin. He's wearing my pink apron kaya hindi ko maiwasang medyo matawa. But, he's actually cute.

"Jackson. Hindi na nga masakit. Ayoko namang abusuhin ka. Isa pa, pumunta ako dito para magtrabaho ay hindi para alagaan mo. Baka hindi mo pa ako swelduhan niyan dahil sa dami ng absence ko." Nakanguso kong saad.

Pinatay niya muna ang kalan bago ilagay ang niluto niyang itlog sa lalagyan, saka siya humarap sa akin.

"Paano kung mabinat ka? Paano kung mas lumala lang yang sakit mo? Paano kong—"

I silence him with putting my index finger on his lips. "Shut. Up." Mariin kong sabi saka ko ibinaba ang aking kamay. "listen. I'm very lucky na palagi mo akong inaalagaan. Hindi mo ako pinapagalaw para hindi lumala ang aking kalagayan. Pero sabi nga ng doktor, gagaling din ako sa loob ng dalawang linggo. Ang look at me now! Mabuting mabuti na ang kalagayan ko dahil sayo." Hinaplos ang ang kanyang pisngi. "Please, hayaan mo naman akong bumawi sayo. Ayokong abusuhin ang kabaitan mo sa akin. Gusto kong ako naman." Nakangiti kong sabi habang hinahaplos ang kanyang pisngi.

Biglang lumamlam ang mukha niya saka niya ako hinapit palapit sa kanya at niyakap. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

"I promise you that I want to be a good boyfriend to you. That's why I'm doing this. Hindi lang yun ang dahilan ko, gusto kong alagaan ka talaga sa abot ng makakaya ko."

Napangiti ako sa kanyang sinabi saka hinaplos ang kanyang ulo. "It's too much, Jackson. Sobra sobra na ang ginawa mo. Para alagaan ako sa loob ng dalawang linggo? It's too much." Kumawala ako sa yakap saka sinapo ng dalawa kong kamay ang mukha niya. "Ang this time. It's my turn. I promise to you too that I'll do my best to be a good girlfriend. Ayokong abusuhin ang kabaitan ng boyfriend ko."

Dahan dahang sumilay ang ngiti sa nga labi niya bago idinantay ang kanyang noo sa noo ko.

"It's so good to hear that your calling me 'boyfriend'. Now I have a proof that your mine."

Natawa ako sa kanya saka pinanggigilan ang kanyang pisngi. "Now let's eat. Baka ma late tayo sa trabaho."

Natawa na din siya saka ako binigyan ng mabilisang halik sa mga labi.

"Noted."

Lumayo siya sa akin saka akmang kukuha ng plato ng pigilan ko siya.

Umiling iling ako. "Ah-ah." Hinawakan ko siya sa pulsuhan saka hinila siya at pinaghugot ng upuan. "Just hang in there and wait for me. Sabi ko sayo. Babawi ako."

Hindi ko na hinintay na makapagsalita siya at kumuha na ako ng dalawang plato, dalawang kutsara at tinidor saka dalawang baso na nay lamang tubig na isa-isa kong dinala sa lamesa.

Kinuha ko ang niluto niya kanina na itlog na may kasamang bacon at fried rice saka bumalik sa lamesa at umupo sa tabi niya.

"Now let's eat." Anunsyo ko saka kumuha ng saktong fried rice na para sa akin at para kay boss.

Binalingan ko siya ng tingin at nakitang titig na titig lang siya sa akin. Tumaas ang isa kong kilay dahil sa reaksyon niya.

"What?"

Bigla itong ngumiti. "Masarap pala sa pakiramdam na pagsilbihan ako."

Natigil ako sa aking ginagawa saka matiim siyang tinitigan. "Why? Wala bang nagsisilbi sayo? I mean, your rich. Hindi mawawala sainyo ang mga kasambahay na palaging umaasikaso."

Tumango siya. "Yeah. I'm rich. Pero maaga akong namulat at naging independent sa buhay. At the age of thirteen, I think? Nagpabili ako ng condo kay dad para mamuhay na lamang akong mag-isa. I know mom and dad are against in my decision, but they'll just support me. Hindi naman sila nawala sa tabi ko. May natatanggap naman akong pera galing sa kanila but mostly iniipon ko nalang. Ako ang gumagawa ng paraan para mamuhay akong mag-isa sa condo. Ako mismo ang nagsisilbi sa sarili ko. But seeing you now. I feel so happy. And definitely a lucky man."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko base na kwentong narinig ko sa kanya. Thirteen years old? That's freaking so young! Naglalaro lang ako nang mga panahong yun kasama ang kapatid ko. But Jackson? He's already building his own stage. Where he can rule and stand alone.

Lumamlam bigla ang mukha ko bago ako tumayo at yumakap patagilid kay boss.

"Hearing your story, I'm so bless. Base sa kwento mo, mukhang pinagkakatiwalaan mo talaga ako." Kumalas ako sa pagkakayakap saka sinapo ang mukha niya at dinampian ng halik ang kanyang labi. "from now on. Always remember that I'm on your side and serve you always. Ako ang gagawa ng mga bagay na hindi mo pa naranasan kailan man. And the first thing I want to do, is to serve you." Lumayo na ako sa kanya saka umupo ulit sa upuan. "Now. Let's eat." Malaki ang ngiting saad ko nang matapos ko siyang lagyan ng kanin at ulam.

Natawa na lang siya sa ginawa ko saka ginulo ang buhok ko. Napasimangot tuloy at tinuloy nalang ang pagkain para mabilis kaming matapos.

Nang matapos kami sa pagkain ay nauna na akong naligo sa kanya. Nang matapos na ako at makapagbihis ay hinintay ko nalang si boss sa sala.

"Let's go?"

Napabaling ako kay boss na katatapos lang magbihis. Naka suot na ito ng kulay suit na blue at ready to go na.

Tumayo ako saka lumapit sa kanya. Inayos ko ang medyo mahuli niyang buhok at ang kwelyo niyang hindi naayos.

"Nagmamadali ka ba?" Tanong ko habang inaayos parin ang kwelyo niya.

Tumango siya. "I badly miss you."

Napasulyap ako sa kanya saka inihilamos ang kamay ko sa kanyang mukha. "Wag kang OA. Palagi naman tayong nagkikita. Sa opisina man o kahit dito sa condo."

His face become soft. "Nong gabi na sinagot mo ako, hindi ko na maintindihan ang sarili ko."

Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. Napatigil ako sa aking ginagawa at tinuon nalang ang buo kong atensyon sa kanya.

"What do you mean?" Sa hindi malamang kadahilanan, nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso ko.

Sumilay ang munting ngiti sa labi niya. "I always missis you. Kahit nasa kompanya ako, hindi ka mawala sa isip ko. Kahit busy o kaya nasa conference meeting ako, ikaw lang palagi ang nasa isip ko. Iniisip kong okay ka lang ba dito? Hindi ka ba sumuway sa utos ko? Nakakatulog ka ba ng maayos? May nangyari bang masama sayo? I just don't know. Hindi ko talaga kayang mawala kahit ilang sandali sa tabi mo. Para bang lumalayo ang lakas ko hanggang sa mawala ito. And you know who is my strength?"

Kahit parang may nakaharang na kung ano sa lalamunan ko, pinilit ko paring magsalita. "A-Ano?"

Ngumiti siya saka ako hinapit sa beywang. "Cathlyn Mae Relavo. You are my strength." Madamdaming usal nito habang titig na titig sa akin.

Hindi ko siya masisisi kung bakit mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko siya masisisi kung bakit mas lalong nahuhulog ang loob ko sa taong ito.

He's so sweet and caring. Kung sana mahal niya ako, iisipin ko ng loving din siya sa akin. Nararamdaman ko naman yun, pero kailangan ko parin marinig sa kanya ang tatlong katagang iyon na magpapatunay na akin siya, at ako ay sa kanya.

"So sweet of you...." Was all I said before giving him a peck kiss on the lips. "siguro dahil dala lang yan ng sobra mong pag-aalala sa akin. O dahil gustong gusto mo ako?" I teasingly ask him.

He just chuckled ang kiss my forehead. "Siguro ganun na nga. Whatever the reason I'm feeling this towards you, I don't want to stop it. Gusto ko itong nararamdaman ko para sayo."

Ngumiti ako ng pagkalaki-laki saka siya niyakap. I can feel it to his words! Ramdam kong iisa lang kami ng nararamdaman. All I have to know is confirmation.

Oh, how I love this man. Very very much.

"Tara na. Late na late na tayo sa trabaho." Natatawa kong usal bago kumalas sa pagkakayakap.

He just smiled. "I'm the boss. Okay lang kahit late tayo."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Baby." Mariin kong banggit sa endearment na tinatawag niya sa akin.

I saw how his face become red up to his ear. Sadyang tumigil ang paghinga niya dahil hindi ko na ito ramdam. Hinapit niya kasi ako palapit sa kanya kaya magkadikit na magkadikit kami.

Thanks I don't have to feel his friend down there.

"Baby." Sinundot ko ang pisngi niya nang mas lalong namula ang kanyang pisngi.

Is he blushing?

Wala naman akong sinabi para mag bl—

Unti unting sumilay ang nakakaloko kong ngisi. "Baby, are you blushing?" Malambing kong tanong na sinadya ko dahil nais kong tuksuhin siya.

Sinamaan niya ako ng tingin na ikinataas lang ng kilay ko. Yung sama ng tingin niya na hindi naman ako apektado.

"Stop teasing me!"

Tumawa ako ng malakas nang takpan niya ang kanyang mukha gamit ang dalawa niyang kamay. Kaya ako bahagyang napalayo sa kanya.

"Baby. I'm not teasing you. Come on! We need to hurry!" Tumatawa pa ding saad ko.

"Just stop calling me baby!" Sigaw nito na mas lalong ikinatawa ko.

Natatawang nilapitan ko siya saka tinanggal ang dalawa niyang kamay na nakatakip sa mukha niya. His face is still red, pero hindi na kagaya kanina na parang kamatis.

"What? Wala namang mali sa sinabi ko. Wala naman kakapanukso sa binaggit ko. It's true." Sinapo ko ang mukha niya. "Your my one and only baby." Nakangiting saad ko habang tinititigan ang mukha niya.

Slowly. Hindi na mapula ang mukha niya at napalitan na ito ng malambot na ekspresyon. He instantly smiled at me then kiss my forehead.

"Ang sarap lang kasi na marinig mismo galing sayo ang salitang yun. It's turn me on..." Then he playfully licked my earbole.

Tinulak ko siya saka sinamaan ng tingin dahil sa sinabi. At the same time, I feel his manhood pressing in my lower abdomen.

"Ikaw talaga! Fine. Hindi na kita tatawing baby para hindi kana ulit ma turn on. At para hindi tumayo yang 'little baby down there' mo siya. Bahala ka! Mauna na ako sayo!"

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali-dali na akong lumabas ng condo. May tiwala naman akong hindi niya pababayaang nakabukas ang pinto niyon kaya nauna na ako.

Isa pa, ramdam kong nag-iinit ang magkabila kong pisngi dahil sa kanyang sinabi. I know we made 'it' but that doesn't mean na hindi ako nakakaramdam ng hiya.

Patagal ng patagal nagiging mas maniac si boss. Nagiging cheesy at palaging nag bu-blush kapag tinatawag ko siya sa endearment namin. Palagi nga lang niyang tinatanggi na nag bu-blush siya.

"Hey. Bakit mo ako iniwan duon?" Tanong ni boss nang makarating siya sa baba.

Inirapan ko nalang siya at nauna ng pumasok sa kotse nang mai-unlock na niya ito.

"Yan kasing kamanyakan mo. Hindi ka naman malibog sa pagkakakilala ko. Well, nong unang pagkikita nating maniac na talaga ang tingin ko sayo." Biglang bulalas ko nang makapasok siya sa kotse.

Hindi makapaniwalang tingnan niya ako bago paandarin ang kotse. "May I remind you na gusto mo ding minamanyak kita?"

Sinulyapan ko siya. "Inaakit mo kasi ako." Medyo napapangusong saad ko.

Sinulyapan niya ako saka natawa. "Wag kang mag-alala. Ikaw lang naman ang aakit-akitin ko. Wala ng iba. Mas lalong sayo lang naman ako manyak." Then he chuckled before turn his gaze to the road.

Napahalukipkip ako saka tumingin sa labas ng bintana. "Dapat lang." Simpleng saad ko na sinagot naman niya ng 'Yes boss'.

Lihim na lamang akong napangiti. Hindi ko yata kayang may ibang minamanyak at inaakit si boss maliban sa akin. Iniisip ko palang, kumukulo na ang dugo ko. Parang gusto kong manuntok o manabunot.

And here I thought that I don't want to be maniac. Note the sarcasm.

Napailing iling nalang ako saka tumitingin tingin sa labas ng bintana. Marami ng tao sa kalsada at nagsisimula na ng bagong umaga.

May mga batang lansangan na naglalaro. Mga taong pumupunta sa kani kanilang trabaho. Mga restaurant at panaderya na kabubukas lang at umaalingasaw na ang mabangong aroma ng pagkain.

Malapit na kami sa kompanya at saktong napatingin ako sa loob ng Café na karapan lang ng kompanya. Tinitigan ko ang mga taong pumapasok ngunit may nakaagaw ng pansin ko. Napakunot ang noo ko dahil parang pamilyar.

"Baby."

Napalingon ako kay boss nang tawagin niya ang pangalan ko. "Hmm?"

"Let's go."

Tumango ako sa kanya bago sumulyap ulit sa Café. Ngunit wala na duon ang kaninang tinitigan ko. Namamalikmata lang siguro ako.

Lumabas na ako ng kotse nang pagbuksan ako ni boss. Inalalayan niya ako bago pagsiklopin ang kamay namin.

Napalingon ako sa kanya. "Boss...." Nag-aalalang banggit ko nang pinagtitinginan kami ng mga empleyado sa pagpasok namin.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "It's okay. I'm here. Wag kang matakot." Malambing nitong tugon saka kami nagpatuloy sa paglalakad.

Matipid akong ngumiti ngunit hindi na umimik. Kaliwa't kanan ang naging bulungan na hindi ko na lamang binigyang pansin. May mga kinikilig, nagseselos, masasama ang tingin sa akin at marami pa. Ngunit wala akong pinansin kahit isa nang mas maramdaman ko pa ang higpit ng kapit ng kamay ni boss sa akin.

Para bang pinaparating niya na nandito lang siya sa tabi ko. Na wag akong matakot dahil wala namang mali sa relasyon namin. Na maging proud ako kahit ano pa ang kanilang sasabihin.

Agad kaming sumakay sa private elevator ni boss. Tahimik ulit kami hanggang sa makarating kami sa opisina namin.

Hinalikan niya muna ako sa noo bago pakawalan ang kamay ko. "Work hard. Wag kang mag isip ng kung ano-ano. Kagagaling mo lang sa sakit. Mag-aalala na naman ako."

Tinanguan ko siya. "Hindi ako mag-iisip ng kung ano-ano."

Hinalikan niya muli ako sa noo bago sa ilong at labi. "Always remember that I'm here."

Tumango muli ako saka siya naglakad papasok sa kanyang opisina. Hindi pa man siya nakakalayo ay nag flying kiss pa ang loko. At para hindi magtampo, kunwaring sinalo ko ang halik na kanyang hinagis.

I can't help to laugh hanggang sa maka pasok siya sa kanyang opisina. Napapailing na tumatawa ako saka lumapit sa aking lamesa. Umupo ako sa recliner. Hindi pa man ako nakakapagsimula sa pagtrabaho, biglang bumukas ang double glass door at pumasok si Portia na may dalang folder.

Napatuwid ako ng upo. "Portia. Naparito ka?" Tanong ko.

Lumapit siya sa table ko saka umupo sa recliner na nasa harapan ng mesa. "Bagong applicant sa HR department. Approve na yan at kailangan na lang ng perma ni boss."

Kinuha ko ang inabot niyang folder saka itinabi muna. "Salamat."

Nangalumbaba siya sa lamesa. "Anong eksena niyo ni boss kanina, bakla? Kakilig kayo, alam mo ba yun?"

Bahagya akong natawa sa reaksyon ni Portia ngunit agad ding sumeryoso. "Hindi ko nga alam kung masaya ba sila para sa amin."

Portia just scoff. "Eh ano kung hindi sila masaya sa inyo? Ka imbyerna! Ngudngod  ko sila sa pader eh. Naiingiit lang sila sa beauty mo bakla." Naghihisterikal na usal ni Portia.

Bahagya akong natawa pero mas ramdam ko ang gaan sa aking loob. "Salamat ulit Portia. Sa inyong dalawa ni Katrina. Swerte ako at kayo ang naging kaibigan ko."

Napairap siya. "Kami ang swerte sayo, bakla. May jowa kang mayaman kaya libre namn diyan. Hehe. Una na ako. Baka ma jumbag mo ang fess ko. Bye!" Saad nito bago nagmamadaling lumabas ng opisina.

Natawa nalang ako saka napailing iling. Walang araw na hindi ako pinapatawa ni Portia.

Napabaling ang tingin ko sa folder saka ito kinuha at dinala kay boss. Agad itong napaangat ng tingin sa akin saka napangiti.

"Permahan mo daw ito. New applicant sa HR department." Wika ko saka ibinigay sa kanya ang folder na agad naman niyang tinanggap.

Kinuha niya ito saka binuklat. Pinermahan niya ito saka ulit binalik sa akin.

"Sino ang bagong applicant?" Curious na tanong ko.

Umayos ng upo si boss saka ako nginitian. "Frank Virgel Guanzon." Wika nito habang malapad paring nakangiti sa akin.

Unti unti. Nawala ang aking ngiti at napalitan ng pagkakakunot ng noo at galit nang marinig ko ulit ang pangalang iyon sa loob ng mahabang panahon. Bumilis ang paghinga ko habang nagtatagis ang bagang.

"Frank...." Mahinang bulong ko.

Si boss ay nakatingin lang sa akin gamit ang naguguluhang tingin.

Bakit ka pa bumalik? Anong kailangan mo ngayong masaya na ako sa piling ng iba?



RHNA24 | rhiena manunulat

Vote for more updates❤️

05-23-20

Continue Reading

You'll Also Like

163K 2.9K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
157K 2.9K 50
WARNING: This story have grammatical errors, scenes that isn't accurate, and confusing parts. Bare with it since I'm too lazy to edit my stories. Cla...
353K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
472K 7.1K 24
Bangag ang best friend ko pero mas bangag ako. Pero, WHAT THE HELL HAPPENED? After six years, hinintay ko sya, bigla syang babalik, may souvenir pa...