EVEEN ARANETA (COMPLETED)

By lentachomiee

9.2K 351 10

Ebeng More

EVEEN ARANETA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
11
12
13
14
15
Epilogue
Eme eme

10

436 17 1
By lentachomiee

10

Hindi nya alam na ang pagpapa alam na yon ang magiging huling paalam nang asawa sa kanya.

Kinaagahan, ang bangka na sinakyan nito ay hindi nakabalik. Ang bangka na gamit nang mga ito ay natagpuang nakataob, walang katawan ang nakita sa loob.

Hindi na sya matigil sa kakaiyak, ang asawa nya ay hindi pa makita. O kung ligtas ba ito.

Pagdating nang hapon, natagpuan ang bangkay nang tatlong mangingisda kinilalang si Pidong ang isa. Ang dalawa ay taga kabilang sitio naman.

Apat silang nangisda nang madaling araw na yon. Hindi sya susuko, buhay ang asawa nya! Alam nya nasa paligid lang ito.

Lumipas ang gabi nang walang Ebeng ang nakita sa nangyaring rescue operation. Malakas din ang alon nang mga panahon nayon dahil sa hangin.

Ate kumain ka muna. Si Presko.

Presko ang kuya mo! Iyak nya dito. Maga ang mata nya at nangangalumata sya.

Buhay si kuya Ebeng ate. Salita nang bunso nila si Duday.

Tama ka bunso diba?

Opo. Kaya kumain kana ate. Kawawa naman sina B1 B2 at B3 kapag di ka kumain. Magugutom sila. Mahinang salita nito.

Pinilit nyang kumain nang agahan kahit ayaw tangapin nang sikmura nya.

Baby pasensya na, napabayaan kayo ni Nanay. Pagka usap nya sa mga anak.

Pinunasan nya ang luha sa pisngi. Nagbihis sya nang bestida, dahil pupunta sila ni Pinyang sa barangay.

May natagpuang bangkay nang lalaki sa dagat kagabi. Hinihiling nyang matagpuan ang asawa pero wag sanang malamig nang bangkay.

Ang lakas nang iyak nya nang makompirmang si Steban ang bangkay hindi ang asawa.

Ekang, kumalma ka. Ipalagay mo ang iyong loob ang mga anak mo isipin mo.

Pinyang, habang tumatagal ay kinakabahan ako.

Kaya mo yan! Kung meron lang tutulong sa atin mag hanap na may malaking bangka mas mapapadaling mahanap sila. Tinitigan nya ang babae.

Bakit hindi nya naisip. Pinyang kailangan ko umuwi, ngayon na!

Sige sige.

Pagkababa ay agad syang pumasok sa bahay.

Ate kumusta ang lakad mo? Salubong sa kanya nang kapatid na si Presko.

Si Steban ang nakita Presko. Malungkot nyang pahayag dito. Kaibigan nito ang lalaki. Malungkot itong tumango.

Agad syang umakyat nang kwarto nya at hinaloghog ang gamit nya.

Napaiyak sya nang makita ang papel na may numero nang mga magulang nang lalaki.

Agad syang bumaba at nagpasama sa kapatid sa tindahan. Nagbayad sya nang pay phone at dinial ang numero.

Jusko sana may sumagot.

Hello, Araneta residence. Sino sila? Si Nana Norma.

Nana Norma si Ekang po ito. Pakilala nya.

Ekang? Ikaw ba talaga yan, naku bata—.

Nana Norma medyo emergency kasi ang pagtawag ko andyan ba si Mam Ysay? O si Sir Heaven?

Huh?

Please Nana, emergency kasi talaga. Pakausap sa kanila.

Oh sige. Naguguluhan man ay tinawag nito ang amo.

Ekang, is that really you?

May Ysay?

Oo ako nga ito. Kumusta—.

Mam kailangan ko po nang tulong nya. Napaiyak na sya. Si Ebeng po kasi nawawala sya tumaob po yung bangka na sinasakyan nila.

Wait—. Anung Ebeng? Kaanu anu mo si Ebeng na ito? Love si Ekang, yung dating kasama naten sa bahay dito.

Hello Ysay.

Mam si Even po. Yung anak nyo. Nawawala po sya, tumaob yung bangkang sinasakyan nila. Isang araw na syang nawawala.

Heaven ang anak mo. Biglang nagkagulo ang kabilang linya.

Hello Ekang this is Oddi, totoo bang nawawala si Even.

Opo!

Agad na nagkaroon nang malawakang rescue operation gamit ang kapangyarihan nang mga Araneta. Maging ang kabilang Isla at tumulong na din sa paghahanap.

Dumaan ang tatlo pang araw at gusto na nya nalang mapapikit. Bakit wala ka pa Ebeng!

Nangako ka sa akin hindi mo ako iiwan. Ang mga anak naten!

Magpakita kana, mahal na mahal kita. Biglang sumakit ang kanyang tyan, naramdaman nyang umagos ang mainit na mapulang dugo sa kanyang binti.

Ang mga anak ko.

Ekang!!!

Ebeng!


Your babies is safe but you have to be careful because there's no next time. That's what the Doctors said. Hindi si Ebeng and nakita nya bago sya nahimatay kondi ang kambal nang kanyang asawa.

Mahina nyang pinahid ang kanyang mga luha. Mabuti nalang ligtas ang kanilang mga anak. Kung hindi, hindi nya mapapatawad ang sarili.

Ang mga kapatid mo nasa labas lang kumakain they'll be back maya maya lang.

Tumango sya. Salamat sir Oddi.

I don't think you should calling me that way ... sister in law.

Nagulat sya dito. K-kailan mo pa nalaman?

Kahapon. I went to your house and saw your wedding pictures in there.

Tumango nalang sya bilang tugon. Tatlong buwan na kaming kasal nang kapatid mo. Pag imporma nya dito.

Ni Ebeng? Natatawa nitong turan.

Tumango sya. Ebeng ang tawag nang pamilya ko sa kanya dahil mahirap daw kapag Even.

He laughed. Ebeng that's nice name though. Anyway I came there yesterday to inform you na nakita na ang kambal ko, yes si Ebeng na asawa mo.

Naiiyak na pinahid nya ang luha sa mga mata. Kumusta na sya? Nasa mabuti ba syang kalagayan?

Sad to say his not. He's in Manila right now and also tonight is his flight going to States.

States?

Sorry hindi ko din alam na ganun ang decision nang parents ko. But hopefully gumaling sya doon. Don't worry babalik ang asawa mo sayo.

Salamat sir Oddi.

It's Oddi.

Oddi.

Welcome to the family Ekang. Niyakap sya nito. Please take care of your self and the babies. I'll assure you that my brother give a good fight for his life because of his family.

Umiiyak na niyakap nya ito pabalik. Hihintayin ko ang pagbabalik mo Ebeng. Asawa ko.

Isang matuling buwan ang lumipas, at ngayon nga'y malaki na ang kanyang tyan. Para na daw itong 6 months sabi nang mga kapitbahay nila. Naging sobrang hirap din nang buhay dahil kailangan nyang tumigil sa pagtitinda nang isda. Ang inn ay mahina ang kita, kaya  napilitan nading tumigil ang kanyang kapatid na labis nyang kinahingi nang tawad dito.

Nag extra itong mangingisda ito at full time naman sa pag aasikaso sa kanya. Hirap syang kumilos.

Gusto syang kunin nang mga kapatid nang asawa ngunit nagpumilit syang manatili sa isla. Naniniwala syang dito sya iniwan ang asawa kaya dito sya babalikan nito.

Two weeks pagkatapos nitong madala sa America ay nagising ito. Gusto sana nyang makausap ang asawa ngunit napansin nyang medyo iniiwas nang mga kapatid nang asawa gawin yon.

Medyo nakaramdam naman sya na baka dahil hindi sya gusto nang mga ito. Kaya hindi na sya nag pumilit pa.

Ate Ekang may bisita ka. Si Duday.

Agad syang nag suklay at dahan dahang naglakad. Oddi.

Hi Ekang, how are you?

M-mabuti naman. Si Ebeng kumusta na sya?

That's why I'm here. Even is going home!

T-talaga?

Hmm. Tumago ito. C'mon fix your self now, mag chopper tayo papunta nang Maynila.

Huh?

Ngayon gabi na kasi ang dating nya. Let's go?

Pero ang mga kapatid ko? Nilingon nya ang mga kapatid na nakatunghay sa kanya.

Pumayag kana ate, ako na bahala kay Duday.

Paano sya sa madaling araw?

Iiwan ko sya kina Aling Myrna.

It settled then.


Actually Ekang we have a problem. Salita ni Oddi, nasa van na sila nito papuntang mansion nang mga Araneta.

Bakit naman? Kinabahan sya.

About Even. He's different now. His different now, baka lang mabigla ka.

Paanong iba? Sabi nyo ma ayos ang lagay nya na walang nabali o anu? Naiiyak na sya pagpapaliwanag.

Yeah nothing really bad happened to him except his brain.

A-anung ibig mo sabihin?

Even lost his memory from present up to 3 years of his memory. Sa isip nya 25 palang sya. And I'm telling you Even when his 25 is different.

Paanung iba?

His so inlove with Olive.

At para naman akong natulala sa nalaman. Limang taon ang relasyon nang dalawa kaya 2 years na itong magkasintahan sa isip nang lalaki.

At totoo nga ang tinuran nang kambal nito dahil nang dumating ito ay balbas sarado ito. Magulo ang buhok na tinali nito sa likod. Hawak din nito sa bewang si Olive, na ang ganda nang ngiti.

Gusto nyang mag himagsikan. Paanong magagawa nang babaeng ito na ngumiti matapos ang lahat.

Keep your smile and heads up high Ekang. Even will remember you for your smile I'm sure of that. Pagkausap sa kanya nang ate Elie nito.

Nginitian nya ito. Don't worry Ekang if Even won't remember you I'll hit him on his head. Ate Sue.

Leave the bitch to me. Somi.

I'll handle the legal matters to me. Ate Sab.

Legal matters, pinagsasabe nito? Ate Sue kay Ate Sab.

Gaga para kapag idemenda ka ako abogado mo! Ate Sab.

Natawa nalang sya sa gulo nang mga ate nito.

Tahimik ang dinner na sana ay masaya kaya gusto sana nyang umalis doon dahil pakiramdam naman nya ay hindi sya belong. Si Even ay masaya na kumakain kaharutan ang babaeng talipandas.

Why don't you eat some more Ekang. Salita ni Daddy Heaven, dahil yon na ang dapat itawag dito.

Ah, salamat po. Nagyuko sya nang ulo. Sobrang nahihiya sya sa mga tao sa paligid.

Your wife kuya Seven is cute when she's blushing! Komento ni Even na sobrang kaswal lang.

Sabay sila ni kuya Seven na nabulunan. Nagkatinginan pa sila. Nakita nya rin na nabugahan nang tubig ni ate Sue ang asawa. Si ate Elie naman ay nabitawam ang kutsara. Si Oddi at Snow naman ay natawa.

Why did I say something wrong? Ebeng.

Isn't she your wife kuya Seven? Walang sumagot. Well maybe it's complicated. Anyway family we went here in the Philippines to announce that Olive and I are married.

Gulantang syang napatingin dito, bigla nalang nanubig ang mga mata nya.

Married? Hindi nya alam kung sinong nagtanung.

Yeah,we got married in Vegas bago kami umuwi. Bigla nalang syang napatayo, nasagi nya pa ang tyan sa lamesa.

Ahh. Daing nya. Nang makitang nakatingin ang lahat sa kanya. Excuse me po. Nagmamadali syang lumabas sa lugar na yon.

Agad nyang tinakpan ang mukha nang magtuloy tuloy ang luha nya. Hindi nya ma kontrol ang iyak nya.

Nagpakasal ito sa America! Paanong nagpakasal ito gayong kasal sila nang lalaki!? Naguguluhan nyang isip.

Paano na ang mga pangako nito sa kanilang hindi sya iiwan nito. Ganun nalang yon? Ang mga anak nila na hindi pa lumalabas ay hindi man lang mararanasan nitong magkaroon nang ama.

Ekang. Hinabol sya ni kuya Seven at Snow.

Ate Ekang. Hinagod nang babae ang kanyang likod. Agad nya itong niyakap sapagkat parang hindi sya makahinga sa sakit.

Ekang you have to calm down, ang mga anak mo. Pagpapakalma sa kanya kapatid.

Calm down ok!

Kuya tumitigas po yung tyan ko. Paghawak nya sa tyan nya. Kinabahan sya dahil nag spotting sya last month lang.

Tumigil sya kakaiyak at sinubukan nyang kumalma. Mga anak kapit lang kayo lalaban si Nanay, wag nyo akong iiwan kayo nalang ang  meron ako.

Snow call an ambulance now.

Yes kuya.

Calm down. Take a deep breath and slowly breath that out. Ginawa nya ang sinabe nito. Inupo sya nito sa bench nang garden habang umupo ito sa harap nya nang naka squat.

Follow me. Huminga ito habang dahan dahan binuga ang hininga.

Ekang, are you ok? Seven what happening?

Mom nag cramps bigla ang tyan nya. Stop crowding her for now people. Salita nito na may authority, Doctor kasi ito.

Binuhat sya nito at pinasok sa mansion, nakita nya pa ang asawa na nakatingin sa kanila. Mukha itong naguguluhan at ang katabing babae naman ay hawak ang pisnge na umiiyak.

Binaling nya sa iba ang mukha. Mas importante ang mga anak nya, humanda ka sa akin Ebeng! Sinungaling kang walanghiya ka.




Kyomiee😘

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.5K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
601K 22.2K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
372K 11K 43
Si Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa unang tingin ay aakalain mong tomboy si...