Road to your Heart: Starting...

By Kristinoink

2.2K 75 2

It is never easy to live in a house with strangers. Sinanay lang ni Jessica ang sarili niya dahil alam niyang... More

Road to your heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 49

27 1 0
By Kristinoink

Kabanata 49

Wedding Anniversary

I texted Xander that we're on our way. I don't know why but mommy insist na kay Kuya Marcus kami sumabay papunta sa party. Kahit si Brent ay sa amin sumama. Hindi tuloy ako mapalagay habang nasa byahe.

"Jes, may nangyari ba kanina sa mall?" Si kuya Ken na nasa front seat.

Sumulyap sa akin si Kuya Marcus sa rear view at naghihintay rin sa sagot ko. Umiling ako kahit na iniisip kung meron ngang kakaibang nangyari.

"Wala naman kuya. Hindi siya ganyan not until she met Penny..."

Muli akong tinignan ni Kuya Marcus sa rear view. Gulat na gulat sa sinabi ko.

"Who's Penny, ate?" si Brent.

Ngumiti ako sa kanya.

"No one, Brent. Just a friend. Wag kang sumali sa usapan ng matatanda,"

Inirapan niya ako at sumandal sa kinauupuan.

"Penny? Familiar..." Kuya Ken murmured.

"Kapatid ni Basti." malamig na sambit ni Kuya Marcus.

"Oh! I remember. Paano sila nagkita, Jes?"

"They met putside the comfort room. Ang weird nga 'e. Mommy thought I was her. I mean may hawig ang suot namin kanina but do I look like her? Kuya?"

Dumungaw ako sa gilid ni Kuya Ken para nakita ang reaksyon niya. Tinitigan naman niya ako bago umiling.

"Hindi naman? You look fatter..."

Hinampas ko ang braso niya dahil dun. He chuckled. Samantalang hindi naman kumibo si Kuya Marcus.

"But anyway, bakit nagkaganon si mommy? Kilala na ba talaga niya si Penny?"

"I don't think so, Kuya," sagot ko.

May sasabihin pa sana si Kuya Ken pero kasalukuyan na kaming pumapasok sa driveway nila Mamu. May iilang mga sasakyan na rin ang nakaparada including Xander's pick up and his dodge. Pagkapark ay agad lumabas si Kuya Ken. Namataan ko na sila Margou kasama ang iba ko pang mga pinsan. Xander is standing next to Kuya Aiden. nakatingin na siya sa banda namin.

"Jes, keep your distance. Huwag muna..." si Kuya Marcus ng napansin ang paninitig ko kay Xander.

Tumango ako sa kanya bago tuluyang lumabas ng sasakyan. I have my denim jacket with me incase na ginawin ako throughout the night. Agad na kumaway sa akin si Ate Ysa mula sa kinaroroonan nila kaya napukaw ang mga atensyon ng kasama niya at napatingin din sa akin.

Half-running akong nagpunta sa kanila. Ate Ysa welcomed me with a hug. Ngumiti ako.

"You look cute!" bumungisngis ka.

"Nako, Ate Ysa nasanay ka na sa kaplastikan ng mga kano ha!" Si Deo.

Humagalpak sa tawa si Kier at Kuya Ken. Inirapan ko sila.

"Hoy! Bullies!" Si Ate Ysa pero natatawa rin. Even the girls laughed too.

Nag aayos ng blush on si Chloe habang si Kelsey naman ay nagpapatulong ayusin ang buhok niya kay Chantal. Naka french braid ang buhok ni Kelsey pero magulo itong tignan kahit na pilit inaayos ni Chantal.

"Kels, I don't know how to do it. Nasaan na ba sila Ayana? Siya ang marunong nito," si Chantal.

"Malapit na raw sila nila Tita nung nagtext siya 'e,"

"Sino nanabunot sayo?" Lumapit si Deo kay Kelsey at sinubukang hawakan ang buhok nito pero bago pa man niya masalat ang buhok ng pinsan namin ay napalo na ang kamay niya ni Margou.

"Kuya," Margou hissed

"Kuya," Deo mocked Margou.

Pinapanuod ko sila habang inaayos pa rin ni Chantal ang magulong buhok ni Kelsey nang may umakbay sa akin.

"Jessy kayo ba ayos na ng kapatid ko? Balita ko hindi na kayo nag aaway ha? Madalang na lang..." pabulong ang huling sinabi ni Kuya Aiden na siyang naka akbay sa akin.

"Ha..." Hindi ako nakasagot agad.

"Kuya," seryosong tawag ni Xander sa kapatid. Nasa likod ko ata siya kaya hindi ko siya malingon.

"Naku Kuya, madalang nga mag away pero pag nagkapikunan ay nako lalayo at lalayo lahat at baka madamay. Lalo na 'tong si Xander..."

Sinundot ni Margou ang tagliran ng kapatid kaya napahinto ito.

"Alam mo, Kuya, balimbing ka," umirap si Margou at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

Kumunot ang noo ni Deo nang nilingon ang kapatid. Halatang offended sa sinabi ni Margou.

"Hindi ako balimbing ha," aniya at medyo ginuli ang buhok ng kapatid bago lumayo para sa pag amba ni Margou.

"Well atleast you both get along na, right?" napabaling ako sa conyo na si Ate Ysa na ngayon ay nakakapit sa braso ni Xander.

Our eyes met. Pero dumapo ang mata niya sa braso ni Kuya Aiden na nakapatong sa aking balikat. Don't tell me pati si Kuya Aiden pinagseselosan niya?

"Chloe itext mo nga si Ayana. Pakisabi bilisan niya dahil hindi ako marunong mag french braid," utos ni Chantal na agad namang sinunod ng kapatid ngunit bago pa man mabuksan ni Chloe ang cellphone niya ay narinig na namin ang boses ng hinahanap ni Chantal.

"Masyado naman kayong atat na makita ako," mayabang na sambit ni Ayana habang naglalakad papunta sa amin.

"Ayan na, ate..."

"Jim!" Sigaw ni Kelsey na kahit gustong unakap ay hindi nakalayo kay Chantal dahil hawak nito ang buhok niya.

"Jim!" tumili si Ate Ysa at mabilis na bumitaw kay Xander para puntahan si Jim.

Nilingon ko si Jim na nakangiting nakatanaw sa amin. Ngumisi pa siya lalo nang nakita ang mabilis na pag takbo ni Ate Ysa papunta sa kanya. She hugged him so tight na halos natumba na sila.

Naramdaman ko rin ang pag bitaw ni Kuya Aiden sa akin at nag lakad na para puntahan na rin si Jim. Chloe, Margou and Chantal made their way to Jim along with my brothers. Lumapit na rin si Deo, Kier at Kuya Travis.

Naiwan kami nila Ayana at Kelsey sa kinatatayuan namin. Mabilis na naayos ni Ayana ang buhok ng pinsan kaya agad itong tumakbo kay Jim. Di nag tagal at sumama na si Ayana para umakap kay Ate Ysa.

Lalapit na rin sana ako nang napansin na ako na lang ang natitira dito ng may marinig akong boses mula sa likod ko.

"You look good, Jes,"

Napahinto ako sa balak na pag hakbang. Ambang lilingunin ko na siya nang pigilan niya ako.

"Don't, baby. I wouldn't control myself kung haharap ka pa. I just want to say you look beautiful today,"

"Uh... Thank you..."

Gusto ko siyang lingunin. Alam kong nagkatinginan na kami kanina pero iba pa rin na kami lang ang narito kaya kami nakakapag usap. I wouldn't control myself either.

"Hoy! Kayong dalawa diyan!"

Nakuha ni Kier ang atensyon ko nang sumigaw siya. Kami pala ang tinutukoy niya dahil lahat ay nakatingin na sa amin.

"Jes, di mo ako namiss?" ngumisi si Jim at naglahad ng kamay sa akin kahit na malayo siya ng bahagya.

"Fuck you, dude," bulong ni Xander sa likod ko.

"Ano, Xander?" Si Deo.

Gusto ko sanang matawa sa pagseselos ni Xander pero pinigilan ko at lumapit na lang kay Jim. He welcomed me with his hug.

"Syempre namiss kita," Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Sup, bro,"

I heard Xander behind me again. Nakipag fist bump ata sa kanya si Jim dahil naramdaman kong may inabot ito habang naka akbay sa akin.

Kamustahan at kwentuhan ang naganap kahit wala pa kami sa mismong party. Taon-taon man 'to nangyayari hinahanap hanap pa rin ng isa't isa. Kinakaladya ng boys si Jim at Kuya Aiden samantalang kung anu-ano na ang napag usapan nila Chloe. Nakikisali rin ako from time to time. Sa gitna ng usapan ay narinig ko si Kuya Marcus na tinawag si Xander.

"Bro may ipapasilip ako sayo sa sasakyan," ani Kuya.

Xander nodded before excusing himself from the group. Pinagmasdan ko siyang pumunta sa sasakyan ni Kuya Marcus. Akala ko iaangat ni Kuya ang hood ng sasakyan niya pero umikit sila sa kabilang banda ng sasakyan. Now I can't see them.

"Problem?" siniko ako ni Margou at nilingon din ang tinatanaw ko.

"Ah. Wala..." sabi ko at bumaling na ulit sa mga kaharap ko.

Hindi ko na ulit sila nilingon. Kahit curious ako sa usapan nila baka may makakita sa akin na tingin ng tingin dun.

"Oh dear. Ang lalaki niyo na!" Sabay sabay kaming napabaling kay Tita Lorraine.

"Tita!"

Dinumog siya ng mga pinsan ko para bumeso at mag mano. Nasa likod niya si Tito Alejandro kaya pati siya ay dinumog. Huli akong bumeso kay Tita. Huli rin na nagmano kay Tito Alejandro.

"Ang lalaki niyo na. si Brent na lang ang baby aa pamilya," ngumiti siya at tinanaw kaming lahat.

"O' siya. Pumasok na tayo at baka umiyak pa ang tita niyo. Mag uumpisa na ang party." si Tito na iminuwestra na ang loob.

"Tawagin ko lang po sila Xander," si Kier at pinuntahan kung nasaan ang dalawa.

Sa likod na bakuran gaganapin ang party. Ang alam ko ay naroon na rin ang ibang kaibigan at kamag anak ng pamilya. So far ayos naman ang lahat. I don't wanna act too uptight but I can't help it. Para bang handa na ako sa kung ano mang physical o emotional na mangyayari.

Puro round table ang nasa paligid. May iilan ng family friend at kamag anak na nag kalat sa garden. Yellow light string bulbs lit the whole place. Sama sama kami ng mga pinsan ko nang lumanas na sa garden pero agad na naghiwa-hiwalay dahil sa mga kakilala at mga taong kailangan pagmanuhan.

Hindi ko alam kung lalapit din ba ako. Some of them doesn't want me greeting them. Halatang kaugali ni Tita Kriselle. Yung iba naman ngumingiti sa akin. Iilan lang ang talagang bumabati sa akin kundi pa...

"Jes, halika..."

Nilingon ko si Kuya na kausap ang isa sa mga pinsan nila Daddy. I remember this woman. Hindi ako pinapansin nito kung hindi pa ako kasama ni Kuya Marcus. Sana pala ay pumunta muna ako sa bathroom.

Wala na akong nagawa kundi ang lumapit. Agad kobv inakbayan ni kuya nang nasa tabi na niya ako.

"Good evening po," sabi ko at nilahad ang kamay ko para mag mano.

Hilaw siyang ngumiti at pinayagan akong magmano.

Ganon ang ginawa ko sa nakalipas na sampung minuto. Nasa tabi lang ako ni Kuya Marcus habang bumabati sila sa mga kamag anak nila. My life is sure to be very tragic, I thought. Nakikisiksik sa pamilyang hindi ako gusto.

I expected this anyways. Ilang taon ko na tong ginagawa, magrereklamo pa ba ako?

Nang tapos na ang batian, iniwan ko na si kiya at pumunta na sa lamesa na tinuro ni Kuya Marcus kung saan ako dapat uupo. Dalawang lamesa kami ng mga pinsan ko. Walo kami sa lamesa namin. Hindi ko pa alam kung sino ang magkakasama peeo umupo na lamang ako sa isa sa mga upuan.

Nagkatinginan kami ni Xander. Kasama niya su Deo at may kausap na mga pinsan din nila. He saw me sitting alone in the round table Nag iwas agad ako ng tingin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa mga disenyo sa gitna ng lamesa. Ilang sandali na lang naman at dadating na ang mga pinsan ko at uupo na rin kasama ko.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko. Kinuha ko sa bag ko anv cellphone ko at pinanatili sa aking hita nang buksan iyon. It was a text from Xander. I lowered my brightness before opening the message.

Globe: Can I sit in the table with you?

Ngumuso ako. Marami naman kami sa lamesa kaya okay lang. He can sit two chairs away from me.

Ako: Pwede. Sit two chairs away from me so we won't be suspicious.

Naisip ko kasi si Chinky. Wala pa siya kaya nakakahinga pa ako ng maluwag. Pag narito na siya ay paniguradong susubaybayan nya lahat ng galaw namin.

I was waiting for Xander's reply when I felt someone tapped my shoulders. I turned to see Simon. Second cousin siya nila Kuya Marcus. He knows about my family secret too. Siya lang ata ang nag iisang bumabati sa akin sa mga second cousin nila.

"Hi, Jess. Long time no see," ngumisi siya. His chinito eyes almost disappear because of his smile.

"Simon," tumayo ako para akapin siya saglit.

He is almost as tall as my brothers pero mas payat. His fair skin screams the genes from his father who is a half-chinese. I used to be as tall as him pero ngayon ay mas mataas na siya sa akin.

"Kamusta? Sabi na at dito kita makikita,"

Ngumiti ako. Finally someone I can greet without a doubt.

"I'm good. I almost forgot na magkikita tayo dito,"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. His hand went to his chest.

"What? Once a year na nga lang tayo magkita, nakakalimutan mo pa?"

I laughed. Natawa rin siya.

"Graduating na ako kaya medyo busy lang. At tsaka sabi ko muntik ko lang makalimutan."

Nagtawanan kami. Ilang mga palitan pa ng mga usual na tanong at sagot ang naganap sa amin nang dumating si Margou mula sa likod ni Simon.

"Hi, Si!" Nagbatian sila. Sinubukan ni Simon na mag umpisa ng conversation pero hindi siya pinatapos ng pinsan ko.

"Let's catch up later, Si. Pwede ko bang maheram si Jessica? Importante lang," si Margou na halatang nag mamadali. Gumapang ang kamay niya sa braso ko.

"Oh! Okay. No problem," si Simon bago maayos na ipinagpaalam ang sarili at tinalikuran kami.

Nagkatinginan kami ni Margou. Humigpit ang hawak niya sa akin. Then her eyes started to do weird moves.

"Bakit?"

Medyo nakukuha ko ang gusto niyang iparating pero nang nagtanong ako ay umiling siya. She sighed.

"Loob tayo," aniya at hinatak na ako papasok sa loob ng bahay.

Wala halos guest dito sa loob ng bahay. Lahat nasa labas pero hindi nakuntento si Margou at hinatak ako hanggang second floor. Nang nakarating kami ay agad niya akong pinaupo sa isa sa mga sofa room malapit sa console table.

Nakapamaywang niya akong tinignan na para bang nang galing ako sa guidance office at siya ang magulang ko na magpaparusa sa akin ngayon.

"Ano bang meron?"

"Girl you should be cautious! Paano kung lumapit si Xander sa inyo kanina? He's 2 seconds away from walking towards you and Simon..."

Nanlaki ang mata ko. Agad kong tinignan ang cellphone ko at nakita ang mga text niya roon.

Globe: Malayo pero ayos na sa akin yun.

Globe: Kailangan pa bang may yakap?

Globe: God what are you to talking about.

Globe: Jessica Loise reply to me please?

Ngumisi ako kahit na medyo kinabahan. Nagtaa ako ng tingin kay Margou habang pinapanood niya ako. Inirapan niya ako at nangiti rin.

"Sorry. Natuwa lang din kasi ako na makita si Simon."

"But your boyfriend is not that happy. Hindi gagawa si Xander ng gulo pero hindi niya maiiwasang hindi lumapit kung sakali given your situation with him. Ni hindi siya makalapit sayo kaya magseselos siya."

"Nagseselos siya?"

"Maybe? Gosh Jessica."

Ngumuso.

"Why would he be jealous of Simon. Hindi naman iyon pumoporma. Isa pa, hindi ko oa boyfriend si Xander..."

Nahihiya akong nagtaas ng tingin oara makita ang reaksyon ni Margou. She's almost laughing. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko ata parang joke lang iyon.

"You're obviously the only one concerned with the labels. You're his girlfriend, Jessica. At ito ako taga iwas sa maaaring LQ-"

Napahinto si Margou nang may narinig kaming bumukas na pinto. Sabay kaming napalingon ni Margou ang nasa likod niya na siyang bumukas. My knees started to tremble when I saw Chinky came out of the room.

Agad na nagtama ang mga mata namin. Her stare is sending shivers down my spire. Nahanap ni Margou ang kamay ko at hinawakan iyon. Hinatak niya ako patayo.

"Whose girlfriend is Jessica, Margou?"

Nagtaas siya ng kilay sa pinsan ko.

"It's not of your business. Let's go, Jes," masungit na sagot ni Margou at ambang hahatakin na ako paalis pero nagsalita ulit si Chinky.

"It is my God damn business, Margou. Si Xander?" Aniya at tumingin sa akin.

Hindi ako makagalaw. Ni hindi ko maibuka ang bibig para manlang i-deny. She heard it.

"Are you really stupid? O hindi pa sapat yung warning ko, Jessica? Sa pamilya ka pa talaga namin naghasik ng kalandian-"

"Shut your stupid mouth, Chinky. Hindi ka rin kalinisan," Margou said through gritted teeth.

"But I'm not as dirty as that bitch!" aniya at tinuro ako, gigil na gigil.

My sight is starting to blur. Sumisikip na ang dibdib ko at alam kong saglit na lang ay maiiyak na ako dito.

"Ikaw na ang nagsabi, Jessica. Hindi mo pa boyfriend si Xander kaya habang maaga lumayo ka na."

"Wala ka sa lugar para magdecide para sa kanila, Chinky. It's up to Xander and Jessica. Wag kang makealam," rinig na rinig ko na ang inis sa tono ni Margou.

"And what? Hayaang masira ang pamilya natin? Don't you care about our family, Margou?"

"Sayo pa talaga nang galing? Hindi dito nasusukat iyon, Chinky." umirap si Margou.

Pinipisil ko na ang kamay niya. Hindi ko alam kung paano sasabihin na tara na at umalis na lang tayo dahil ayokong may iba pang makarinig.

"Oh shut up, Margou. I'm not delighted to hear your opinions anyway. At ikaw, Jessica..." Inirapan niya si Margou at binalingan ako.

She took a step forward kaya mas malapit na siya ngayon. Hinarang ni Margou ang isang kamay niya sa akin. As if that would stop Chinky.

"This is my last warning. Leave Xander alone," mahina pero mariin niyang sambit bago naunang tumalikod at bumaba ng hagdan.

Pumikit ako. Doon lang tumulo ang luha ko.

"We're fucked up. We need to call Marcus and Xander-"

Hinawakan ko ang kamay niya. Hawak na niya ang phone niya at handa nang tumawag sa dalawang nabanggit pero pinigilan ko.

"Si Kuya Marcus lang. Huwag si Xander," sabi ko.

Tinitigan niya ako bago mabagal na tumango.
Tinignan ko ang cellphone ko dahil naramdaman ang vibration nito. Kahit na malabo ang paningin ay nabasa ko ang dalawang mensahe ni Xander. Ang isa roon ang kakarating lang.

Globe: Nasaan kayo ni Margou?

Globe: Nakita kong lumabas si Chinky. Nasaan ka? Are you okay?

Lalo lang kumirot ang puso ko sa sakit at takot sa nabasa ko. With shaking hands I typed my reply before turning my phone off at maghintay kay Kuya.

Ako: I'm fine. Don't worry about me.

Continue Reading

You'll Also Like

25.9K 328 11
A Sequel to the Jenry Oneshots book. This consists of mainly fluffy oneshots.
3K 951 53
Losing a Mother is Astrana Zielle Vautier's biggest fear. Nang mawala ang Mama niya, may isang tao siyang kinapitan, at hini niya alam na mamahalin n...
173K 15.6K 30
"သူက သူစိမ်းမှ မဟုတ်တာ..." "..............." "အဟင်း..ငယ်သူငယ်ချင်းလို့ပြောရမလား..အတန်းတူတက်ခဲ့ဖူးတဲ့ အတန်းဖော်လို့ ပြောရမလား...ဒါမှမဟုတ်..ရန်သူတွေလို...
707 30 2
Kageyama nods and asks, "Will I die if I jump from here? Because it hurts when I tried to cut my hand." Oikawa didn't believe what he heard. He wasn'...