Chapter 27
Kinabukasan ay maaga akong naghanda para sa buong araw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kating kati na akong tanungin si Mama at Papa tungkol sa nakaraan kaso ay hindi ko naman pwedeng hayaan dito si Romulo dahil paniguradong paggising nito ay may hungover sya.
I'm not even sure if I had a sleep last night. Gulong gulo na ako. Nawala lahat ng galit ko kay Mrs.Cabin. I am mad at no one, actually. I just wanna hear both sides. I want to have peace of mind.
Basta isa lang ang nasa isip ko. Dapat ay kompanya ang piliin ni Romulo. Hindi ko masisikmura na kasama ko sya habang sya ay unti unti nang bumabagsak ang lahat ng pinaghihirapan nya.
I'd rather lose him than see him suffer just because he chose me. I can be selfless.
Hindi lang naman pati kami ang apektado sa desisyon nya. Kapag ako ang pinili nya, pati sila Raciela at Rafael ay maghihirap. May anak si Raciela na kailangan tustusan at si Rafael ay may sakit.
Mamamatay ako sa guilt kapag pumayag akong piliin nya ako over his company.
Ayos lang sa akin na mamatay sa lungkot kaysa, ang makita syang kasama ako pero bumagsak lahat ng pangarap nya dahil lang sa tulad ko.
"Rom, bangon na. May trabaho ka pa." tinapik ko sya sa braso matapos ilagay ang gamot, pagkain, at tubig nya sa side table ng kama.
Hindi manlang sya gumalaw kaya napabuntong hininga na ako bago sya uli tinapik.
"Romulo,"
"I don't wanna go to office, Babe." he murmured.
"No. You go to office and do your thing. Hurry up." marahan ko syang hinigit paupo at nagpahigit naman sya.
"Let's just stay here for today, please." pakiusap nya saka ako hinigit at niyakap.
Tinitigan ko sya at mukhang kailangan pa nga nya ng maraming pahinga kaya tumango ako kalaunan.
"Basta bukas ay balik trabaho na."
Iniwan ko sya sa kwarto at hinayaan maligo habang ako naman ay pumunta na lang sa sala para magligpit ng mga kalat. Matagal na rin kasi akong hindi naglilinis ng bahay kaya matagal tagal bago ko iyon natapos.
Si Romulo naman ay pinaliguan na si Pororo.
"By the way, nagkayayaan kami nila Chano." he started nang kumakain na kami ng lunch na niluto ko. "Mamaya."
Tumango ako.
I think that's what he needs right now. He should unwind with his friends.
"Saan?" tanong ko saka tumayo para timplahan sya ng kape.
"Race lang sa may St.Agnes." he simply replied kaya tumango ako.
"Anong oras?" inilapag ko sa harap nya ang kape at naupo ako sa hita nya. Agad naman nya akong niyakap sa bewang at hinalikan sa pisnge. "Choose the company, Rom." pagsingit ko.
"Six in the afternoon." as expected, iniwasan nya ang tanong ko kaya hindi ko ipipilit.
Tumango ako at bumalik na sa pwesto ko.
"Susunduin daw ako ni Beau. Then, tatagpo na lang sa akin sila Chano at Coln." paliwanag nya kaya tumango ako.
Habang hindi pa naalis si Romulo ay nanuod lang kami ng TV maghapon habang si Pororo ay nilalaro namin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko magawang maging masaya kahit kasama ko sya buong maghapon.
Dumating ang oras ng pag alis nya at inihatid ko pa sya sa parking lot habang buhat si Pororo.
"Ibabalik nyo sakin ng buo yan, ha!"biro ko kaya natawa sila at hinalikan naman ako ni Romulo sa labi.
"Nako, Shanshan, kahit yata hindi namin ito ibalik ay pipilitin nitong bumalik sayo." pagsagot naman ni Beau kaya natatawa ko na silang pinaalis.
The following days were smooth for the both of us. He said he want to lie low for awhile while thinking of the good things.
Araw araw kong pinapaalala sa kanya na ang kompanya ang pipiliin nya dapat. Bagay na tinatanguhan lang nya.
Sabay kami pumapasok sa company at maaga ring sabay na nauwi. Minsan ay nagugulat pa ako na mas maaga sya sa akin na akala mo ay normal employee lang na walang inaasikaso na malaking kompanya.
"Let's shop, Babe?" he offered nang makitang ubos na ang laman ng fridge namin.
"Sige." pag sang ayon ko saka naupo sa tabi nya at nanood na lang kami ng TV. "Wala kang uwing trabaho?" tanong ko.
Bakit parang nasosobrahan naman yata sya sa pagiging kampante?
"Wala. Hindi ako nag te-take ng maraming gawain." he shrugged at tumango na lang ako at hinayaan na sya sa gusto nya.
Nag simpleng spaghetti strap dress na lang ako pag alis namin na kulay itim na two inches above the knee, at si Romulo naman ay naka plain white shirt at pajama na grey.
"Rom, pakuha ng brush sa bathroom!" sigaw ko mula sa sala dahil nasa kwarto pa si Romulo.
Lumabas sya saka naupo sa couch habang ako ay nasa sahig.Inumpisahan na nya akong suklayan.
"You think it's good if I dye it into blond?" tanong ko saka sumandal sa kanyang tuhod.
"Masisira buhok mo. But, whatever you want, Babe." he kissed my head.
"Ikaw na lang magkulay sa isang araw. Walang pasok." I answered. Tumayo na ako at ganoon rin sya. Kinuha na nya ang kanyang susi at wallet.
He immediately held my hand nang makalabas kami ng kanyang condo.
Nakarating kami sa mall at pagpasok palang namin ay kanya kanya na agad lingunan ang mga tao sa amin. Na para bang bawal si Romulo na makita na may kasama.
Na para bang isa syang matayog na tore at ako ay isang maliit na bahay lang na nasa tabi nya.
Na hindi ako pwede para sa kanya.
Inakbayan nya ako.
At doon ko lang naramdaman na pwede kami habang hawak nya ako. Basta hinahawakan nya ako. Doon ko lang pwedeng ipilit sa sarili ko na pwede.
Dumeretso kami sa department store at nag umpisa nang mamili ng mga kakailanganin namin sa bahay. Maya't maya naman ang stop over nya dahil sa mga bati ng ilang kakilala nya.
"I never expected talaga na you two would end up together!" sabi ng babae na may kasama na lalake.
"I never thought that she'd like me back." tumawa si Romulo.
May ilan pa syang nakausap habang abala ako sa paglalagay ng pagkain sa cart. Dadamihan ko ito ng sobra.
Baka last na eh, lol.
Matapos mamili ay pumunta pa kami sa isang coffee shop dahil parehas naman kaming mahilig magkape. Nilagay na rin namin ang mga napamili sa kanyang sasakyan. Papasok pa lang kami ay rinig na rinig na ang tawanan ng ilan sa isang long table doon sa tabing bahagi ng shop.
"Find us a seat." bulong ni Romulo at humalik pa sa noo ko bago sya dumeretso sa counter.
Nilibot ko ang mata ko sa shop para makahanap ng table para sa amin. Nang may makita ay lalakad na sana ako palapit doon nang may tumawag sa akin.
"Shanshan?!"
Nilingon ko iyon and it was from the long table.
"Cassandra!" bati ko.
"Girl, punta ka muna dito!" sumenyas pa sya kaya gulat na gulat na napatingin pa sa akin ang iba na nasa table.
"Oh my gosh, long time no see!" nanggigigil na niyakap ako ni Drixy nang makating ako sa table.
"Yeah, it's been a long time." ngumiti ako sa kanilang lahat. Ang ilan ay hindi ko na kilala.
Hinigit naman ako ni Kleah papunta sa unahan at iniharap sa mga kasama nila.
"Guys, this girl is one of the awesome libero ever!" sabi nito kaya natawa ako.
"Oh, c'mon!"
Pinakilala nya sa akin ang iba na hindi ko na naabutan.
"We contacted you kaya kaso ay wala kang reply kahit saan!" sabi naman ni Sarah.
"Very busy sa work." umiling ako.
"Sus! Baka busy sa asawa! Meron na?" tanong ni Drixy.
"Nako, wala pa." ngumiti ako.
Napalingon ang isa sa kasama nila sa counter.
"OMG, guys, that's Romulo Cabin, right?!" she announced kaya doon napalingon ang mga kasama nilang lahat.
Napatingin sa akin sila Drixy at nilapitan ako saka kinurot ng mahina sa braso.
"Girl, yung crush mo!" impit nilang bulong saka uli pasimpleng nilingon si Romulo kaya natatawa akong tumango.
"Oh my, my, he became hotter." kumagat pa sa pang ibabang labi si Mia kaya natatawa ko syang siniko.
"Tigilan mo yan!" saway ko.
Nagtawanan sila.
"Hoy, ang territorial mo sa crush mo!" asar nila sa akin kaya napailing na lang ako.
Muli naming nilingon si Romulo na kunot na ang noo na nililibot ang paningin para hanapin ako. I sighed.
"Romulo," tawag ko kaya nag kanya kanyang tilian sila Kleah.
"Girl, ang tapang mo na!" bulong nila at mas natawa ako dahil nagkagulo na sila nang makalapit si Romulo.
"Hi, Romulo!"
"Oy, kamusta? Ang gwapo mo lalo!"
"Nandito yung may crush sayo nung Saint era pa natin!"
"I'm fine. Thank you." nakangiting sagot ni Romulo sa kanila saka ako tinignan at ngumuso sya. "Let's go? Can we have these sa condo? May itinawag sa akin si Mama, eh." tanong nya sa akin kaya tumango ako.
"Holy shit!" Drixy exclaimed nang marinig ang sinabi ni Romulo.
"Hoy, totoo? Kayong dalawa?" si Kleah naman. Narinig ko ang tawa ni Cassandra.
"Sabi sa inyo at magugustuhan yan ni Rore, eh." she smirks.Tumango si Romulo sa kanila.
"I liked her first." he shrugged kaya sinimangutan ko sya.
"Hindi ka sure." ganti ko pero hindi na nya ako pinansin at tuluyan nang nagpaalam sa mga kasamahan kong halatang madami pang tanong pero nahihiya na lang kay Romulo.
Nakauwi kami sa condo at ako na lang nag ayos ng mga napamili namin dahil naging abala na kaagad sya sa kanyang laptop.
Habang abala ako sa pagluluto para sa aming hapunan ay bigla nya akong niyakap mula sa likuran at hinalikan sa pisnge.
"I'll go to the office." bulong nya. Natigil ako saglit bago tumango.
"Okay. Eat dinner first." sagot ko.
Nanatili syang nakayapos sa akin sa buong oras na pagluluto ko bago kaming dalawa sabay na kumain. Umalis nga sya pagkatapos at sinabi pang huwag ko na syang hintayin dahil sa mansyon daw sya uuwi ngayon.
Ako na ang nagligpit ng mga gamit nya na naiwan nya sa sala at hindi ko maiwasang kabahan nang makita ko ang isang letter mula iyon sa main company ng mga Cabin na hinahandle na ni Romulo ngayon.
Ilang envelope na ang naroon at iba't ibang dates iyon. Parang araw araw ay may letter na dumadating sa kanya.
Naiyak na ako ng tuluyan nang maunawaan ko ang nakasulat sa letter.
Letter na binababa na sya sa pwesto bilang CEO ng lahat ng Cabin's company dahil sa pagiging missing in action nya. Si Martin na ang pinalit.
What the heck?!
"Ano bang ginagawa mo, Romulo?!"
Nang gabing iyon ay nagpasundo ako kay Kuya para magpahatid sa Tagaytay. Hindi ako naimik at laking pasalamat ko dahil hindi naman sya nagtatanong pa.
Buong byahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Sobrang gulo ng utak ko. Parang sasabog na.
Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Mama at doon na ako sumabog. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang iyak ko nang yakapin ako ni Mama at dinala sa sala para maupo sa couch.
"Mama," usal ko dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Alalang alala si Mama habang si Papa at Kuya naman ay saglit kaming pinanood bago kami binigyan ng space.
"Hey, tell me what's wrong..." pag aalo sa akin ni Mama at mas lalo lang akong umiyak nang umiyak.
"Mama, litong lito na ako!" nagpapanic kong sabi. "Sobrang sakit!Ayaw makinig ni Romulo!"
"Ano bang nangyayare sa inyo? Jusko, sabihin mo, Anak!" nagpapanic na rin si Mama pero pilit nyang kinakalma ang sarili.
"Ma, binaba na sa pagka CEO si Romulo kasi ako ang pinili nya!" sumbong ko saka umiling. "I... I can't be selfish, Mama!"
Matagal na natahimik si Mama at tinitigan ako saka sya bumuntong hininga.
"Pasensya ka na, Anak, kung nadadamay ka sa galit sa amin ni Paige." she finally speaks. She brushed my hair using her fingers.
"Ma..." natigil ako nang magsimula nang umiyak si mama.
"We were like sisters. We're very, very close. Mula bata ay magkasama na kami hanggang college, Anak."kwento nya. Si papa ay bumalik na palapit sa amin at naupo sa kabilang couch katabi ni Mama.
"The day came and she keeps on telling me this guy. How she adored him so much. Hindi nya sa akin masabi ang pangalan dahil hindi nya din alam. Buong college days namin ay iyon ang bukambibig ni Paige." Mama then looked at Papa who only looked away.
"Her dreams came true. Naging sila ng Papa mo. Hindi ko iyon alam dahil inilipat ako noon ni Mommy ng course kaya hindi na kami masyado nagkakausap." Mama wiped her tears habang ako ay kunot noong nakatitig sa kanya.
"Sinabi nya sa akin ang pangalan nung lalake na hindi ko pinagtuunan ng pansin kasi wasted ako noon. Nagrerebelde ako sa lola mo. Then, I met your Papa there. I wasn't informed that he's in a relationship with Paige. We were both drunk and do dirty things. Your Papa got me pregnant."
"Your Tita Paige is so selfless, Anak. She gave Tonyo to me. She never shouted at me or blame me, but made me promise to not show myself around her anymore. Kaya kami nakarating dito ng Papa mo."
"She was then cheated on, Mama. Again. By his husband. I just don't get y'all." umiling ako saka nagpunas ng luha na patuloy na pumapatak. "Why do you keep on hurting this selfless woman who turned out to be a monster to others, wherein fact, she's just isolating herself from toxic people." I blurted out my opinion.
Umiling iling ako.
"I am not mad, Mama and Papa, but putang ina! Ako ang nasasaktan para sa kanya." humagulgol na ako ng iyak sa hindi ko malamang kadahilanan.
"Anong gagawin mo? Iiwan mo si Romulo?" tanong ni Kuya kaya sa kanya ako napatingin.
"Hindi ko alam ang gagawin ko." humihikbi kong sabi. Kuya sighed.
"Iwan mo muna. Kailangan nyong dalawa magpahinga at mag isip." he suggested at mas naiyak na ako.
"Tama ang Kuya mo, Anak." sabi ni Papa at tumango naman ako. "Kung pagod na pagod na ay magpahinga muna. Isipin nyo munang dalawa yung worth ng isa't isa. Balikan mo kapag handa ka na."
"Papa's right, Shanshan. Sigurado namang hihintayin ka ng gagong yon." kunot noong sabi ni Kuya.
"At paano ang kompanya?" sabi ni Mama at bumalik na naman ang mga luha ko.
"Mama, I know Romulo for a long time. Gagawa iyon ng paraan kapag naisip nya na iiwan sya ni Shanne kapag hindi nya piniling maging responsable." Kuya looked at me after. "Hiwalayan mo muna. Kapag settled na ang lahat ay saka mo balikan."
Buong gabi kong pinag isipan ang lahat. Buong gabi ko ring iniyakan ang gagawin ko.
Babalikan ko naman sya, eh. Basta gusto ko ay ayusin nya muna ang sarili nya.
Ayaw ko na magkasama kami pero ang totoo ay lugmok sya sa kalungkutan.
Romulo having me means losing his dreams... and family. Ayaw ko ng ganoon.
Sa bahay namin ako sa Tagaytay natulog at umalis din naman doon nang hapon na kinabukasan. Paniguradong nasa condo na si Romulo. Kukunin ko lahat mg gamit ko. Magreresign na ako at lalayo muna sa kanya.
That's the plan. Kahit anong mangyare ay hahayaan ko muna syang ayusin ang sarili nya.
Gabing gabi na kami nakarating ni Kuya sa parking lot mula sa mahabang byahe.
"Hintayin kita dito... I mean, kung hindi ka magiging marupok." Kuya smirked and hugged me tight.
Huminga ako ng malalim bago tumango.
"Narito ako mamaya." pagpipilit ko sa sarili ko kaya natawa ng mahina si Kuya.
"Kung hindi mo kaya ay huwag ipilit, ha. Pwede kang maging selfish." he shrugged kaya napasimangot ako kasi sinisira nya ang plano ko.
Halos hindi na ako humihinga nang nilalakad ko na ang hallway papunta sa condo ni Romulo.
Hindi nagkamali ang naisip ko dahil nang nasa tapat na ako ng kanyang condo ay medyo bukas ang pinto at rinig na ang kanta ng isang sikat na banda. Dim ang ilaw sa sala at mula sa pinto ay nagkalat na agad ang kanyang sapatos at ilang bote ng alak.
Binaba ko ang bag ko at nagmamadaling dinampot ang mga kalat ni Romulo. Nakita ko sya sa couch na halos nakahiga na at hulog na sa sala. Nakatitig lang sya sa TV na blangko. Ang kanyang cassette ay natunog.
Maduming sala, at malamig na alak
Katabi ang bumubuo saking hating gabi
Napabuntong hininga ako dahil para na syang basahan sa sobrang gusot ng long sleeves nya at ang kanyang buhok.
Halika na, doon tayo sa
Kung saan masaya
Kalimutan na ang lahat
"Rom,bangon na dyan." tinapik ko sya sa braso pero niyakap lang nya ako.
"I thought you left me." his voice cracked and so as my fragile heart.
Hating gabi na naman
Bawat sandaling magdaraan
Ay may istoryang ilalaan
Samahan natin hanggang walang hanggan
"Rom, please bangon na dyan. Doon ka sa kwarto." lumayo ako sa kanya pero niyakap lang nya ako at saka nya hinalikan ang aking pisnge. Nanatitili doon ang kanyang labi.
"Pahinga na, Babe." bulong ko saka sya hinalikan sa pisnge at inilayo na sa akin.
"Let's cuddle first." he whispered like a child kaya naiiyak ko syang inilingan.
Madaling araw
Nandyadyan ka pa ba
Huwag kang mapapraning
Mahaba pa ang ating hating gabi
"We can't do that na." bulong ko saka sya dinampian ng ilang halik sa labi.
"Why?" gumanti sya ng halik saka ako tinitigan sa mga mata. Wala syang alam. Gulong gulo sa inaasal ko.
Doon tayo maglalaro
Doon tayo sa mundong papalayo
"Because... couples only does that." nanginginig kong sabi at doon sya parang naging sober.
"We are a couple, Babe." naiiyak na nyang sabi. Lasing na lasing.Wasted na wasted. Pero alam ang nangyayare.
"Yeah... but not anymore. We were once a couple, yes." hinawakan ko sya sa magkabilang pisnge at tinitigan sa mata.
"W-what? I can't understand, Shanne."
Lumayo sya sa akin saka ako pinakatitigan. Naiyak na ako nang humikbi na sya.
Hating gabi na naman
Bawat sandaling magdaraan
Ay may istoryang ilalaan
Samahan natin hanggang walang hanggan
"I... I'm breaking up with you, Rom—"
"Did I do something wrong?" nagsusumamo nyang tanong kaya umiling ako.
"It's what we both need right now. We both need to grow—"
"And we can't do that while we're in a same roof? While we're in a relationship?" nanginginig nyang sabi at umiling naman ako. "Then,why are you doing this? Why are you breaking up with me?!"
Hindi ako makasagot sa mga tanong nya dahil baka bumigay ako at piliing maging makasarili. I can't do that.
"Tell me, Shanne? Am I not enough, huh? Kulang na ba ako sa'yo?" umiling ako sa sinabi nya.
"Kulang ako para sa'yo, Shanne."
"Pero kung kulang ako ay gagawin ko naman lahat. Huwag mo lang ako iwan." pagmamakaawa nya.
Lumunok ako.
"Gagawin mo ang lahat o ginawa mo nang lahat? Huh, Romulo?" tanong ko na ikinatigil nya.
I sighed. Trying to compose myself.
"Is it still called 'growing' if you're losing your dreams and family just to grow with me?" marahan kong tanong. Nanginig na ang kanyang baba para lang pigilan ang paghikbi. Nasasaktan ako doon.
"Do you think I'll let you be with me and give up your damn dream just for me?!"
"Romulo, I can't take that. I can't see you here with me while you feel incomplete." lumapit ako sa kanya.
"Romulo, ako lang to! Kayang kaya mo akong balikan kapag sigurado nang nakuha mo na ang lahat ng pinaghirapan mo." bulong ko habang sya ay tahimik na naluha at nakatitig lang sa mata ko. Gulong-gulo at nasasaktan ng husto.
"At paano kapag binalikan kita at hindi mo na ako mahal?" tanong nya. Natigilan ako.
How could he possibly think that I can unlove him after all the memories and pains that we shared together?
"Well, siguro bahala na ang tadhana. Malay mo ikaw... makahanap ka ng tao sa gitna ng pag aayos mo sa sarili mo." ngumiti ako sa kanya kahit parang pinupunit ako dahil sa sinabi ko.
I can't see him holding other woman's hand, I can't even stand seeing him talking with other women.
Para kong pinapatay ang sarili ko sa isipin na iyan.
"Ang tunay na pagmamahal, Romulo, nagpapalaya at nagpapaubaya... Pero tandaan mo, mananatili." I held his hand and kissed it.
Tumayo ako at pupunta na sana sa kwarto nang magsalita sya habang may kinukuha sa bulsa.
"Maybe... you can have this while you're away?" nagsusumamo nyang tanong and he lifted his right hand that is holding... a diamond ring.
Bumuntong hininga ako at lumayo na sa kanya saka umiling.
His desperation, I can't take that.
"Put that on my finger... when I... come right back to you."
Mabilis kong kinuha ang lahat ng damit ko sa closet nya at nilagay iyon sa akong maleta. Hindi ko mapigilang umiyak habang nilalagay ang mga damit hanggang sa matapos ako sa ginagawa.
Bumuga ako ng malalim na hininga bago tumingala para pigilan ang luha na muling nagbabadyang pumatak.
Hinigit ko na ang maleta palabas ng kwarto at naabutan ko sya na nakaupo na uli sa couch at nag iinom na uli ng alak habang may sigarilyo sa kamay.
"I'm going now—"
"Just go, Shanne... Please, I'm begging you." marahan nyang sabi na hindi manlang ako nilingon kaya tahimik akong tumango at nagpatuloy sa paglabas.
Nang makalabas ako ay sinilip ko pa sya ng isang beses. Kitang kita ko kung paano sya sumubsob sa lamesa at doon nagsimulang magtaas-baba ang kanyang balikat dahil sa pag iyak.
Pinilit kong makarating sa parking lot at nang makita si Kuya ay doon na ako bumagsak nang tuluyan. Ang alam ko na lang ay sinalo nya ako bago magdilim ang paligid.