Just Keep Running from Billio...

By JobelDestiny

239K 6.6K 783

The most successful business man, the multi-billionaire Callidon Wright had an announcement. Whoever finds hi... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
JKRFB

Chapter 12

4.6K 137 14
By JobelDestiny

XII- Argue.

Beryl's POV

Tinawagan ni Callix si Harren at nakipag-usap sila sa akin habang nasa office sila ni Callidon. Si Calli na ang taong tinatakbuhan namin, si Calli na ayaw ko pang magtagpo ang landas namin. Kaya ayan, nahuli sila na katawagan nila ako. Sana.. hindi niya malaman. Hindi pa ito ang tamang panahon.

Yes. It's been 7 years since he leave me alone and now, he's now searching at me for unknown reason. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ang taong iniwan niya, ang taong sinabihan niya na tapos na ang relasyon nila ay hinahanap pa niya. Hindi ba dapat ay hayaan nalang niya ako? Kasi nga 'diba we're over? Bakit niya pa ako hinahanap. Ang bobo talaga nito!

Kung ang rason lang niya ay para sa kumpanya nila. Bakit kailangan niyang tapusin ang relasyon namin? Bakit kailangan niya akong iwanan at hindi na kontakin. Putsa, ginagalit niya talaga ako. Tapos ngayon hinahanap niya ako? Sorry pero bahala siya sa buhay niya.

At isa pa 'tong mga kumags na 'to. Hindi sila nag-iingat. Nasa company sila ni Callidon 'diba? Okay lang kung tawagan nila ako pero 'yung tawagin nila ako sa pangalan ko ng paulit-ulit habang nasa office ni Calli? Mga abnormal talaga! Kaya ayan, nadinig sila ni Callidon.

Bigla ay muli kong narinig ang boses ni Callidon.

"Ano Alrin James? Si Beryl ba 'yan ha?! Give me that phone!" Dinig ko ang mga footsteps ng sapatos. Sa tingin ko palapit na ng palapit si Callidon sa amin. Napahigpit nalang ang hawak ko sa cellphone ni Callix.

"Kelan ka pa dyan ha?" Dinig kong sabi ni Alrin. Shit! Mahuhuli na talaga kami! Palapit ng palapit ang boses ni Calli na kasalukuyang nagsasalita.

"When you said ' Kamusta ba d'yan Beryl' thing. Ano si Beryl ba 'yan ha?!" Sigaw ni Calli.

Kinakabahan ako!

"M-mommy. What should we do?" Sobrang hina ng boses ni Callix. Halos hindi ko marinig dahil nag-iingat din siyang marinig ni Callidon.

Biglang may nagsalita sa phone. Si Alrin "Sorry hello again Berly? Kamusta ba kayo d'yan...Ayos na ba ang barko? Should I go there?...Huwag muna kayong magpapasok ng pasahero hangga't wala ako. Okay. Thankyou for the information...I'll go there." Ang boses na ngayon ni Alrin ay propesyonal. Parang hindi na siya 'yung Alrin na kumags na sobrang kulit. Siya 'yung Alrin na isang Captain ng barko na sobrang propesyonal.

Abnormal kang Alrin ka! Kay Harren ang cellphone na 'to tapos tinatawagan mo ang-- I think it's his workmate. Sana lang talaga hindi siya mahalata. Sana hindi niya mahalata na cellphone ni Harren 'to at hindi kay Alrin. Kinakabahan na ako ng hard dito!

Hindi ako sumagot dahil parang litong-lito ako sa nangyayari. Lumapit ako kay Callix at bumulong, inilayo ko pa ang cellphone para makapagbulungan kami ng maayos.

"Papatayin ko na 'tong tawag okay ba?" Tinanong ko muna siya kasi baka magalit. Sakanya namang phone 'to.

"Hindi pa naman po pinapatay ni tito Alrin. Pakinggan po muna natin ang sasabihin nila." Ngumiti nalang ako bilang sagot. Sabagay, kailangan kong subaybayan ang sasabihin nila.

"Ano na naman ba Calli? Can't you see? May trabaho akong kailangang puntahan yet you called us just to find that girl. Berly is my own assistant on ship tapos sasabihin mo na ang tinatawagan ko ay si Ber-- what is her name again?" Dinig kong sabi ni Alrin. Nagkukunwari.

"Beryl." Simpleng sagot ni Harris.

"Okay, Beryl tama. Hindi ko nga kilala 'yung Beryl na 'yon eh! 'Yung kambal lang ang nagsabi sa akin na ex-girlfriend mo daw. Bakit mo ba kasi hinahanap pa 'yon brad?!" Parang nagpipigil ng inis na sabi ni Alrin.

"You.. don't know everything Alrin. Just shut up. Hindi pa ako bingi para hindi ko marinig na sinabi mo'ng Beryl. Huwag mo akong gawing tanga Alrin!!" Parang galit na galit na sabi ni Calli. Napayakap naman sa akin si Callix. Parang natakot siya sa sigaw ni Calli.

"Well, you are really deaf Callidon. Kinakamusta ko si BERLY about ship that I need to operate okay, now if you let me,I'll go." Boses ni Alrin. Seryosong-seryoso siya at parang nakakatakot din banggain.

"Don't turn your back on me Alrin James! You dumbass!" Nadinig ko na nalaglag ang phone. Tinignan naman kung namatay ang tawag pero hindi.

"Sasapakin mo ako? Sasapakin mo ako? Sige put*ng*na! Dahil d'yan sa paghahanap mo eh hindi mo namamalayan na nagbabago ka na! Saka bakit mo pa 'yon hinahanap?! Ex mo na 'diba, wala na kayong relasyon kasi Ex na ?! Ang alam ko ay iniwan mo daw ang Beryl na 'yon tapos ngayon, binabago mo ang sarili mo sa paghahanap. Siraulo ka palang gag* ka eh! Iniwan mo tapos hahanapin mo ngayon at parang kawawang naghahanap. Hahaha! Kami 'yung sinasabihan mo nito pero let me do the honor to say this words to you, hindi kami katulad mo. Ikaw 'yung bobo, tanga!" Bigla akong nakadinig ng parang sinuntok kaya agad akong naalarma.

"Alrin!" Sigaw nung kambal. Dahil don, nalaman kong si Alrin ang nasuntok. Ngunit parang nasundan pa ang suntok.

"Callidon! Putsa kayo tigilan niyo nga ang pagsasapakan!" Sigaw ni Harren. Batid kong gumanti si Alrin sa sapak ni Calli sa kanya.

Lalo akong nagalit kay Callidon sa ginawa niya. Never siyang nanuntok ng kaibigan. Gagawin lang niya 'yon kapag naghaharutan sila kumbaga pabirong suntok. Pero 'yung manigaw ng may panglalait tapos manununtok na parang hindi niya kaibigan ang sinusuntok, ngayon ko lang nalaman na ganon na pala ang Callidon ngayon.

Nagbago na talaga siya.

"Sapakan ba hanap mo ha? Putsa pare, hindi ka mananalo sa nag-iisip na tulad ko, kasi bobo ka!" Sigaw ni Alrin na parang galit na galit.

"Hindi mo alam kung ano ang totoong rason kung bakit ko siya iniwan kaya huwag kang magsalita na parang alam mo ang lahat gag*! Hindi mo alam kung gaano kasakit na maghanap sa tao na parang wala ng pag-asang makita pa at lalong hindi mo alam kung gaano kasakit na ang taong mahal mo ay ayaw magpakita sayo!" Gusto ko man na masaktan para sa kanya ay hindi ko magawa.

Nagpaulit-ulit ang sinabi niya kay Alrin.

'Hindi mo alam kung gaano kasakit na ang taong mahal mo ay ayaw magpakita sayo.'

What the hell?!

Hindi ko na siya kilala. Parang wala siyang isip kung umasta. Siya nang-iwan tapos ako pa ang lalapit sa kanya na para bang wala siyang ginawang masama. Gustong-gusto kong sigawan siya at ipamukha sa kanya ang lahat ng ginawa niya sa akin ngayon pero hindi pwede. Hindi ko gagawin 'yon. Hindi na ako magpapakita pa sa kanya hangga't ganyan ang pag-iisip niya.

"Pare, matagal na kitang kaibigan kaya tanggapin mo ang sasabihin ko ha? Komentong pangkaibigan lang." Natatawang sabi ni Alrin.

"Pare, ang tanga mo! Ang bobo mo! Gag*, ikaw ang nang-iwan tapos siya pa ang lalapit sayo? Gusto mo bang mangyari na lalapit siya sayo at hahalik tapos sasabihing I miss you? HAHA! Ang bobo. Kambal, iuntog niyo nga 'yang kaibigan niyo sa pader baka sakaling matauhan..." saglit na nanahimik ang linya.

"O siya, asahan mo nang hindi na siya magpapakita sayo ha? Hindi na siya babalik sa bobong katulad mo. I'll go now." Mas matagal na nanahimik ang kabilang linya.

"Nasa labas na ako, Lyne." Iniba niya ang tawag sa akin. Mabuti naman.

"Sorry ha? Ang tanga lang kasi namin sa part na nakipag-usap kami sayo sa office niya. Sorry, puro kami kapalpakan." Sobrang lungkot ng boses ni Alrin. Ramdam ko ang senseridad niya.

"Tanga." Alam kong nasabi ko 'yon sa boses na masaya. Napasinghap naman siya sa gulat. Hindi niya ineexpect na sasabihin ko 'yun.

"Ang tanga niyo lang talaga sa part na nag-aakala kayo na magagalit ako sa inyo. Paano ako magagalit sa mga kaibigan ko na walang ibang ginawa kundi tulungan ako, ha Alrin?" Tinignan ko si Callix at kinurot ang pisngi niya. Medyo nakangiti siya sa sinabi ko.

"Haha! Masyado mo akong pinapakilig, enebe. Hihihi!" Para pa siyang babaeng kinikilig sa phone.

"Sira! Pero salamat talaga, kasi bukod sa napagtakpan niyo na naman ako eh nagawa niyo pang maipakita 'yung bagong Callidon sa akin. Grabe naman na pala 'yung siraulo na 'yon ngayon! Masakit ba 'yung sapak sayo?" Nag-aalala kong sabi. Oo na, nag-aalala na ako sa kanya okay? Hindi ko kasi maiwasan

"Aba okay na ako lalo't nagantihan ko naman, dumugo 'yung labi niya sa suntok ko. 'Yung suntok niya wala eh. Hindi nga manlang ako napatumba." Mayabang ang tono niya.

"Saka hangga't kaya ka naming itago, itatago ka namin. Ganoon ka kaimportante sa amin." sabi niya kaya mas lalo akong naguilty.

"Sorry." Niyakap ko si Callix na parang nagtataka na sa sinabi ko. Malungkot naman akong napangiti sa kanya.

"Ha? Bakit ka nagsosorry? Para saan?" Takang tanong niya.

"Sorry kasi parang nasira ko ang pagkakaibigan niyo. Dahil sa akin, nagkakasakitan na kayo ngayon." Malungkot kong sabi. Naramdaman 'yon ni Callix kaya niyakap niya ako ng mahigpit.

"Hay nako. Wala kang nasirang pagkakaibigan kasi ang nasuntok ko kanina ay hindi ko kaibigan. Hayaan mo, sasamahan ko siya sa albularyo para maialis ang masamang ispirito na nasa katawan niy-- I'll call you again later.--toot--toot--" Nagulat ako dahil bigla niyang pinatay ang linya.

Binigay ko ang cellphone kay Callix.

"Bakit naman kaya bigla niyang pinatay? May problema kaya? Nakakatawa nga 'yung usapan namin tapos biglang pinatay." Malungkot kong sabi. May sasabihin pa kasi sana ako.

"Because he is one of your kumags mommy. Kung ano-ano ang trip sa buhay." Ginulo kong muli ang buhok ni Callix.

"Gabi na pero ang dami pa ring nangyari. Good night Callix. I hope we can still sleep after what happened." Hinalikan niya ako sa noo.

"Good night mommy. I hope so."

---

Alrin's POV

Sobrang talim ng tingin ko sa kaibigan kong hindi ko alam kung nag-iisip pa. Masyado kasi siyang OA at desperado sa paghahanap kay Beryl. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong magalit at sapakin siya.

Oo, mas matagal ang pagkakaibigan namin ni Callidon pero hindi 'yon sapat para kunsintihin siya sa maling ginagawa niya.

Katulad ngayon, sobrang talim ng tingin niya sa akin. Parang papatayin niya ako.

"Hindi mo alam kung ano ang totoong rason kung bakit ko siya iniwan kaya huwag kang magsalita na parang alam mo ang lahat gag*! Hindi mo alam kung gaano kasakit na maghanap sa tao na parang wala ng pag-asang makita pa at lalong hindi mo alam kung gaano kasakit na ang taong mahal mo ay ayaw magpakita sayo." May tumulong luha sa mata ni Callidon.

Alam ko namang sobra siyang nasasaktan at bilang matalik niyang kaibigan, ayaw ko siyang makita sa ganong pagkakataon pero gustuhin ko mang malungkot kasama niya ay hindi ko magawa.

Nakakabobo 'yung mga sinasabi niya!

"Pare, matagal na kitang kaibigan kaya tanggapin mo ang sasabihin ko ha?Komentong pangkaibigan lang." Hinawakan ko siya sa balikat niya na agad niyang iniwakli. Medyo masakit kaya parang gusto ko ulit siyang sapakin.

Aba! Ang gwapo kong cheek bone ay nasapak niya at masakit dahil sa suntok niya tapos iwawakli pa niya ang perfect kong kamay. Boset!

Tinignan ko siya sa mata at nagsalita

"Pare, ang tanga mo! Ang bobo mo! Gag*, ikaw ang nang-iwan tapos siya pa ang lalapit sayo?Gusto mo bang mangyari na lalapit siya sayo at hahalik tapos sasabihing I miss you?HAHA! Ang bobo. Kambal, iuntog niyo nga 'yang kaibigan niyo sa pader baka sakaling matauhan..." Kinuha ko ang cellphone na nalaglag sa sahig. Tinitigan ko 'yon ay kahit hindi akma sa sitwasyon ay gusto kong matawa. Ang pangalan kasi ni Callix sa cp ni Harren ay 'Batang gwapong gwapo sa akin'

Naglakad ako papunta sa pinto ng office niya at binigyan ko ng tingin si Callidon.

"O siya, asahan mo nang hindi na siya magpapakita sayo ha? Hindi na siya babalik sa bobong katulad mo. I'll go now." Agad akong lumabas sa kumpanya niya at kinuha ang phone ko.

Tsismosa pala 'tong si Beryl. Ang tagal naming nag-away tapos hindi parin niya pinapatay! Haha!

"Nasa labas na ako, Lyne." Iniba ko ang tawag niya sakin kahit na sobrang nakakailang.

Bigla akong nalungkot dahil naalala ko lahat ang kapalpakan na nagawa namin, simula nung tinawagan namin si Calli, 'yung sa mall hanggang ngayon.

"Sorry ha? Ang tanga lang kasi naman sa part na nakipag-usap kami sa office niya. Sorry, puro kami kapalpakan." Shit. Sorry talaga. Hindi ko talaga sinasadya.

"Tanga." Napahawak ako sa labi ko at napasinghap. Did she called me tanga?!

Oo tanga ako masyado dahil parang pinabayaan ko ang taong turing ko na ay kapatid.

"Ang tanga niyo lang talaga sa part na nag-aakala kayo na magagalit ako sa inyo. Paano ako magagalit sa mga kaibigan ko na walang ibang ginawa kundi tulungan ako, ha Alrin?" Kinagat ko ang labi ko sa sobrang kiliti sa t'yan na nararamdaman ko.

Grabe magpakilig si Beryl! Ang swerte sana talaga ni Callidon kung hindi niya iniwan. Bobo talaga eh!

"Haha! Masyado mo akong pinapakilig, enebe. Hihihi!" Napahampas ako sa kotse ko. Doon kasi ako nakasandal. Hindi pa ako pumapasok para sagutin ang tawag ni Beryl. Bakit ba?!

"Sira! Pero salamat talaga, kasi bukod sa napagtakpan niyo na naman ako eh nagawa niyo pang maipakita 'yung bagong Callidon sa akin. Grabe naman na pala 'yung siraulo na 'yon! Masakit ba 'yung sapak sayo?" Nag-aalala niyang sabi kaya mas lalo akong kinilig! Damn! Nakakahiya!

"Aba okay na ako lalo't nagantihan ko naman, dumugo 'yung labi niya sa suntok ko. 'Yung suntok niya wala eh. Hindi nga manlang ako napatumba." Mayabang na sabi ko.

"Saka hangga't kaya ka naming itago, itatago ka namin. Ganoon ka kaimportante sa amin." Nakangiting sabi ko.

"Sorry." Malungkot na sabi niya.

"Ha? Bakit ka nagsosorry? Para saan?" Takang tanong ko. Wala dapat siyang ipagsorry! Shit, huwag naman sana siyang malungkot.

"Sorry kasi parang nasira ko ang pagkakaibigan niyo. Dahil sa akin, nagkakasakitan na kayo ngayon." Napangiti ako.

Si Callidon ay ang bestest best friend ko since 1st year highschool pero hindi siya 'yung Callidon na kaibigan ko kanina. Siraulong Calli 'yon. Ibang-iba sa kaibigan ko.

Ngek. Dati naman na siyang siraulo Haha!

"Hay nako. Wala kang nasirang pagkakaibigan kasi ang nasuntok ko kanina ay hindi ko kaibigan. Hayaan mo, sasamahan ko siya sa albularyo para maialis ang masamang ispirito na nasa katawan niy-- I'll call you again later.--toot---" Speaking of the fvcking devil! Papalapit siya sa akin buti nalang napatay ko agad ang tawag. Napansin ko ang cellphone na hawak ko.

Amp! Cellphone nga pala ni Harren 'to! Huwag sanang mahalata ni Callidon!

Yari ako kay Harren, pero bahala siya sa buhay niya.

"Oh? Ano andito ka ba para suntukin ako? " inis na sabi ko ng makalapit siya sa akin.

"No, I'm here to say sorry to you, bro." Nilagay niya ang kamay niya sa braso ko kaya gumanti ako, iniwakli ko ang kamay niya. Syempre mas malakas.

"Ugok. Hindi ako galit. Sobrang galit lang. Bobo mo kasi!" Bigla niya akong niyakap. Bakla ampowtek

"Bro naman, para tayong babae eh" Inialis ko ang yakap niya. Panglalaki naman ang yakap niya eh. Hindi 'yan bakla. Guilty lang.

Pero kadiri parin!!!!

"Oh? Ano bang ginagawa mo dito?" inis paring sabi ko. Bwisit siya eh!

" I'm going to see my Berry. Sana nga, makita ko na siya." Sobrang tamis ng ngiti niya.

Ha?! Going to see his Berry?

Paano? Saan?!

A/N

Thankyou sa pagbabasa and please po sana Feedbacks po!

SORRY FOR ERRORS! PAGPASENSYAHAN NIYO NA PO ANG UD KO Huhu.

Continue Reading

You'll Also Like

416K 8.3K 49
( Based on BBC1's 'Sherlock') When Lucy moves into her her flat she gets a surprise not only did the flat belong to the late Sherlock Holmes but that...
13K 222 22
What if instead of Kazuma, the world of Konosuba gets the Number 1 cinamon roll of the hero world? Find out in this experiment of a crossover!
66.6K 1.8K 200
Random Loona related things WARNING: Very gay (Some parts I may have taken off of Twitter or Tumblr so credit to the original owners) Part 2: https:...
90K 4.5K 24
❝ If we had a chance to go back in time and switch bodies, would we be able to feel each other's scars? ❞ ©️ alleylovesyou highest ranking- #609 in s...