The Fight For Life

By Serenehna

108K 6.9K 2K

Highest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feelin... More

The Fight For Life
Chapter 1: Angels from heaven
Chapter 2: Death, not today
Chapter 3: Memories in dreams
Chapter 4: Dome and El
Chapter 5: Pipo, the cat
Chapter 6: Creatures at dawn
Chapter 7: Tremble when troubled
Chapter 8: When Pipo licks
Chapter 9: Bandits in Brewer City
Chapter 10: They save my ass
Chapter 11: She and the gehennas
Chapter 12: A Macedonian survivor
Chapter 13: Eerily spine-chilling
Chapter 15: Someone in the woods
Chapter 16: Some strange feelings
Chapter 17: Chase and Pipo
Chapter 18: Have some eggs
Chapter 19: Out of the walls
Chapter 20: Days of preparation
Chapter 21: Not now but someday
Chapter 22: The Sun Won't Shine
Chapter 23: It Is Happening
Chapter 24: Not The End
Chapter 25: Not Gonna Lose You
Chapter 25: Time For Us
Chapter 26: A Long Day
Chapter 27: Sergeant Bennett
Chapter 28: In The Basement
Chapter 29: Turned Table
Chapter 30: The Last Of Us
Final Chapter

Chapter 14: Story to tell

2.9K 191 45
By Serenehna

Story to tell



Pabalik-balik ang tingin ni El sa akin habang bumabyahe kami. May ngiti na sa kanyang labi kahit ilang minuto pa lang ang lumipas nang masabi ni Sergeant sa amin ang kanyang nakita.

Tinignan ko si Dome. I didn't talk to him. Pagkatapos ng naging sagutan namin kanina ay nandito ako ngayon sa likod nila, at sasama sa kanila papunta sa pupuntahan nila.

Talagang nabago nga ni Adira ang isip ko. Not because of the horrifying information that she shared to us but because of the things that she said. Malinaw ang lahat ng 'yon sa akin. At kahit nandito na ako ngayon kasama sila, I know it still won't be easy for me.

Kaya mas mabuting panatilihin ko pa rin ang pader sa pagitan namin.

I let Pipo sleep in my lap habang bumabyahe kami. Unti-unti nang sumisikat ang araw at nakapasok na kami sa ibang city ngayon.

Nilingon ko si Sarge na nakasunod sa amin. Mas pinili nyang gamitin ang motorsiklo nya kahit kasya naman kami dito. She's puffing her cigarette again kahit nagmamaneho.

I think it's for easing her anxieties. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at humarap na. Nahuli ko na naman si El na nakangiti sa akin.

"Masaya lang ako sa naging desisyon mo, Xandre. I thought we will really part ways." Nakangiti n'yang sabi.

Nakangising umiling-iling ako.

"Akala ko rin e."

There's no awkward air between me and El. Maliban kay Dome at dahil 'yon sa naging sagutan namin kanina.

Habang tumitingin ako sa dinadaanan namin ay naalala kong hindi pala nakatulog si Dome dahil sa mga nangyari. Agad akong napatingin sa rearview mirror pero agad rin akong umiwas nang magtama ang mga mata namin doon.

I know I'm mean and rude pero alam ko naman ang dapat at hindi dapat. At alam kong kailangan rin ni Dome magpahinga lalo na't naligo pa sya kanina kahit gising sya buong magdamag. It's not good for the body.

I cleared my throat bago naglakas loob na magsalita.

"How long will it take for us to reach the camp?" I asked.

Hindi ko na inasahang sasagot si Dome dahil nga sa naging pag-uusap namin kanina pero nagulat ako nang boses nya ang narinig ko.

"Less than three hours." He said coldly.

Napalunok ako at tumikhim.

"I can drive if you'll let me." I suggested and look at him through the rearview mirror.

Seryosong-seryoso ang kanyang mukha at nakaigting rin ang kanyang panga.

"I'm fine." Aniya.

Tumingin ako kay El, umaasang siya ang papalit kay Dome kung hindi nya ako papayagan pero nahihiyang ngumiti lang si El kaya nanlaki ang mata ko.

"Gusto ko sanang magvolunteer kaya lang I can't drive a car. Sorry, Xandre..." Aniya at nag peace sign pa.

"It's okay. Dome, let me drive. Gigisingin ka namin after an hour and a half." Sabi ko kay Dome.

"I said I'm fine, Xandre."

"Sa ngayon, okay ka pa. Pero babagsak ang katawan mo kung pipilitin mo, Dominic! You even took a shower kahit hindi ka nakatulog!" Angal ko.

I heard him groan pero hindi ako nagpatinag.

"Stop the car for a bit. Don't worry, I enrolled for a driving lesson before I got my student permit." I assured the both of them.

He let out a sigh bago sinunod ang sinabi ko. Itinabi nya muna ang sasakyan dahilan para tumigil rin si Sergeant Bennett na ngayo'y nasa unahan na namin. Lumabas si Dome pero ako ay lumusot lang sa pagitan ng dalawang upuan sa harap.

Nang isinara na ni Dome ang pinto ay inayos ko ang salamin sa harap para makita ko ng maayos ang likod. I saw him glaring at me pero binalewala ko iyon.

Sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan at may paninibago akong nararamdaman dahil pagkatapos ng ilang buwan ay ngayon lang ako nakapagmaneho ulit. Pinauna muna kami ni Sergeant Bennett bago sya sumunod.

"Wow. Ang galing mo, Xandre!"

Nilingon ko ang namamanghang mukha ni El. Hawak nya na ngayon si Pipo.

"This is easy, El. Lalo na't automatic ito."

I think the bandits stole this truck. It's an old model of Ford pickup truck pero maayos pa rin naman.

"Mom never let me learn. Sabi nya 'pag twenty ko nalang daw o kung may liligawan na ako." Natatawa si El sa sarili nyang kwento.

"May niligawan ka ba?" Nakangisi kong tanong at sinulyapan siya bago ako sumulyap kay Dome.

His eyes are closed now. I hope he can sleep.

"Wala. I'm too focused with academics and sports. Kahit may nagpapansin ay hindi ko man lang nabigyan ng pansin. Kung alam ko lang sana, niligawan ko na mga 'yon!"

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong humalakhak sa sinabi ni El. Wala lang. I just find it funny.

Kung alam ko lang rin na may gusto si Cleo sa akin noon ay siguro, binigyan ko sya ng pagkakataon. Nakakatawang isipin. Kung alam lang namin na mangyayari ang lahat ng 'to ngayon.

"So, what's your story, El?" I asked in a low voice.

Hindi agad nakasagot si El pero may ngiti pa rin sa kanyang labi. Yumuko sya at hinaplos si Pipo.

"Dad is a prosecutor, while mom works in a bank. They got bitten pero nakapagpaalam naman kami sa isa't isa ng maayos. Ipinasama nila ako kay Dominic nang makitang wala na silang tyansang samahan ako. It was heartbreaking but I followed what they said. Buong buhay ko naman ay sinunod rin nila ang gusto ko e. Maliban lang doon sa tingin nila'y delikado para sa akin. Even though it's too painful for me, sumama ako kay Dominic dahil iyon ang makakapagpanatag ng kalooban nila." Mahabang litanya ni El.

Sumakit ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil ko ng nagbabadyang luha. I glance at El and he has a sad smile on his face. He looked at me and pat my back.

"Wag kang maawa sa akin, Xandre! Everything happens for a reason kaya kahit sobrang sakit nun, I'm helping myself to move on. Dahil alam kong iyon ang kailangan kong gawin. Para na rin sa kanila." He said in a low voice.

Just wow. His parents got the best son. Athletic, handsome, kind and optimistic.

It's very rare to find a man like El. Kaya napakaswerte lang ng magiging nobya nya in the future.

"Ikaw, Xandre?" El asked.

This time, I'm willing to share my story to him.

"I was at school with my friends when it happened. My girl best friend got bitten so we have no choice. My boy best friend killed her. Pero ang hindi ko alam, nakagat rin pala si Cleo. Nangako syang ihahatid nya ako sa bahay. Naabutan namin ang Mama at Papa ko. Pero si Mama... Wala ng buhay. She got bitten as well and my father has to kill her." Nanginig ang boses ko pero pinilit ko pa ring dugtungan ito.

"My father was bitten, too. Lahat sila..." Pagak akong tumawa. "Nagpaalam kami sa isa't isa bago... bago tinapos ni Papa ang buhay nya sa tabi ni Mama. Then I was left with Cleo and the promise to him that I'll kill him before he turns. Ang gulo diba? Ang hirap noong araw na 'yon! Akala ko mababaliw ako nun. I killed Cleo. Pagkatapos nun, I met other survivors. The first two decided to end themselves, then the other one got bitten, the other one sacrificed herself to save me. 'Yon lang!"

Pagkatapos ng lahat ng 'yon ay nagkrus ang mga landas natin. Umalis kayo ni Dominic pero pinagtagpo ulit tayo. And I ended up coming with you now.

"Now, I understand you. Takot kang mawalan ulit, maiwan ulit. At iniisip mo na baka dahil sa'yo kaya sila namatay." Ani El habang nakatingin sa kawalan.

"Oo." I uttered.

"It's okay, Xandre! At least may kasama ka na ngayon at sana 'wag mo ng isipin 'yon dahil hindi mo naman 'yon kasalanan e. Hindi mo 'yon ginusto."

El really is the most optimistic and the kindest person I met. Napangiti ako sa sinabi ni El.

An hour has already passed kaya inutusan ko na si El na gisingin si Dome. I'm glad that he really did sleep.

"Just guide me, Dome. The surroundings are worst in here at baka maling daan na ang matahak ko." I said to Dome na ngayo'y nakahilig sa upuan at halatang inaantok pa.

Tinaguan nya lang ako kaya nagpatuloy ako sa pagmamaneho. It was a smooth drive maliban doon sa ibang daan na nadaanan namin. Halatang sinadya itong harangan kaya naghanap pa ako ng ibang madadaanan.

Tinignan ko si Adira mula sa side mirror. I wonder how she got her motorbike but she looks good in it.

"Ops." I mumbled when I drive onto something dahilan para lumundag kami ng kaunti.

"Take a left."

"Go straight."

"Go that way."

Sinunod ko lahat ng mga inuutos ni Dome. Pero nakakaramdam na ako ng inis. Siguro'y dahil kumakalam ang sikmura ko.

Pagkatapos ng mahigit isang oras mula ng magising si Dome ay inutusan nya na akong bagalan ang takbo ng sinasakyan namin. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid.

The place looks new and very different compared to the places we've been to. Pero gaya pa rin ng lahat, walang buhay at nagkalat ang mga bagay sa paligid. And now, we're seeing two routes.

May sign ang sa bandang kaliwa na patungo ito sa isang Mountain resort at hindi ko alam kung ilang oras bago iyon marating. Dome ordered me to stop kaya sinunod ko iyon.

Nanlaki ang mata ko nang makitang may mga infected na pagala-gala. Most of them are in the worst decaying state pero nalaglag ang panga ko nang makitang may papalapit kay Sergeant Bennett.

"Dome! Si Sergeant!"

'Yon lang ang tanging nasabi ko dahil sa kaba.

Sandaling naestatwa ako nang makita ang isang changer. Hindi pa ito masyadong naaagnas kaya sigurado akong bago lang ito naging changer!

Inilabas ni Dome ang kanyang baril pero naunahan na sya ni Sergeant Bennett.

Walang pag-aalinlangan nya itong binaril. Pero muntikan na sya doon dahil mabilis pa itong kumilos!

"Bago pa 'yon ah!"

Napalingon ako kay El. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Tumango ako sa kanya.

"Dome, sigurado ka ba dito?" Tanong ko kay Dome mula sa rearview mirror.

"I've been to that mountain resort before at nalaman ko ang tungkol doon sa isang kasama namin ni El. He has a radio and I once listened to them. Sabi nila ay doon na ang bagong kampo." Parang wala sa sarili na sabi ni Dome.

Tinitignan ko si Adira sa labas. Nakita ko syang nagsindi ng kanyang sigarilyo.

"Then what was that? B-Bakit may infected na tingin ko'y bago pa lang?" I asked Dome even though I know he doesn't know the answer.

It's just that I'm not sure about this! Tingin ko may mali e! I heard Pipo whimper kaya nilingon ko sya.

"Are you trying to say something, Pipo?" Inunahan na ako ni El.

Napalunok ako at hinigpitan ko ang kapit ko sa manibela ng sasakyan. Inilibot ko ang tingin sa paligid.

Pero napasigaw ako nang may biglang humampas sa bintana namin.

Ilang mura ang lumabas sa bibig ko bago bumagsak ang isang changer. Binaril ito ni Adira na nasa likod lang ng sasakyan namin.

Hindi talaga maganda ang kutob ko tungkol doon sa pupuntahan namin. I can't help not to call my parents in my mind. I need them to guide me with this.

"What should we do now?"

"Tutuloy tayo doon dahil iyon naman ang pakay natin—" Natigil si Dome sa pagsasalita kaya nilingon ko sya.

"What is it, Dome?" Kunot-noong tanong ni El pero biglang lumabas si Dome at sumunod naman sa kanya si Sergeant.

Naaninag ko ang tinignan nila. It's a placard na nasa puno ng kahoy na nakatayo sa lilikuan papuntang resort. Pero hindi ko mabasa kung ano ang nakasulat doon.

I heard Pipo meowed again kaya tinignan ko sya.

Tumingin muli ako sa labas at sa dalawang daan na naghihintay na tahakin namin.

Then suddenly, I saw someone run...

"Xandre, nakita mo ba 'yong nakita ko?" El asked.

Continue Reading

You'll Also Like

211K 13.1K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
29.7K 2.1K 20
It will never be the same anymore. Mag iiba ang mundo pati na rin ang mga tao. If this is the wrath of God, no one can do anything about it. But as l...
252K 16.5K 42
WATTYS2020 WINNER Highest ranks reached: #1 in Zombies #1 in Horror-Thriller #1 in Zombieapocalypse #2 in Survival #1 in Virus #1 in Apocalypse "Kai...
9.3M 393K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...