Agent J4

By jonieeean

47.8K 1.5K 73

Amber was an assassin trained by a unanimous underground organization in Italy. She was trained to kill and t... More

Agent J4
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 32 (2)
Huling Kabanata
Wakas
Special Chapter

Kabanata 14

1.1K 35 0
By jonieeean

Napatitig ako sa tatlong lalaki na nakahiga sa sahig. Sila 'yong mga nag-iinuman sa tindahang binilihan ko kagabi. Napabuntong hininga ako. 'Yong isang binaril ko sa tuhod kanina, dinala sa hospital kasama si Nanay Flor at Juni. Napangisi ako nang maalala ang expression ng mukha ni Tres.

"Their face are not familiar. Tiga-saan ba ang mga 'to?" tanong ni Gov.

"Tiga-baryo Agnes. 'Di ko alam kung bakit nag-akyat bahay. Mga mababait naman ang' to, lasinggero nga lang," sagot ni Mary.

Tumayo ako at kumuha ng pantali sa kusina.

"Hindi mo naman kailangang itali sila," pigil ni Mary.

"Tsk, mag-aalas tres na, makakatulog ka ba nang 'di sila tinatalian?"

"I'm not sleepy anymore," si Gov at sinandal ang ulo sa headrest ng sofa.

Napairap ako. "Edi ako, matutulog uli."

Tinalikuran ko na sila. Sinundan naman ako ni Race at inakbayan. "Nagseselos ba manok ko?"

"Ulol, tigilan mo ko Race."

Tumawa siya at ginulo ang buhok. "Magpahinga ka na, kami nang bahala sa kanila."

Umakyat na 'ko at agad na humilata sa kama. Mabilis naman akong nakatulog. Kinabukasan, late akong nagising. Pagtingin ko sa suot kong relo, alas dyes na. Bumangon ako, nag-ayos ng higaan at sarili bago tumambay sa balkonahe. Napakunot noo ako nang may yate sa dagat.

Bumalik ako sa loob at kinuha ang binocular. I adjusted the focus wheel bago tuluyang naklaro ang mga nakatayo sa gilid at ang isa pang nasa upper deck.

Sila Gov pala.

Binaba ko ang binocular at sumandal sa railings. Tiningnan ko naman ang hawak na selpon at nagtipa ng numero pero agad ko rin namang dinelete. I sighed. Gusto ko sanang tawagan si K pero nagdadalawang isip ako. Huli naming pag-uusap, nasa Cavite pa ko and that was 3 months ago.

Umalis ako ng balkonahe at naupo sa kama ng ilang minuto bago muling nahiga at tumitig sa kisame. Tumunog naman ang selpon ko.

"Oh?"

"Come here," tumatawang sinabi ni Tres sa kabilang linya. "Man, stop it!"

"Ayoko."

"Ha?"

"Ayoko," ulit ko sabay patay ng tawag. Tumawag ulit siya pero 'di ko na sinagot. Nagsend naman siya ng mensahe.

'Kumanta na ang dalawang suspects at nahuli na ang pasimuno. Uuwi na tayo sa makalawa kaya sulitin natin ang natitirang araw. Come here and it's an order.'

Tsk. Ayoko pa rin. Bumaba ako ng kusina at kumain ng brunch. Pagkatapos, muling bumalik ng kwarto at humiga. Pinikit ko ang mga mata at nakatulog uli. Nagising lang ako nang panay ang katok ng dalawang gago sa labas pero 'di ako nag-abalang pagbuksan sila. Nawala rin naman kalaunan.

Bandang alas dos nang buksan ko ang pinto para sana lumabas nang matigilan ako. Nakataas kasi ang kamao ni Race, akmang kakatok. Pinagtaasan ko siya ng kilay, ngumisi naman ang gago.

"Baba ka na, sinayang mo ang pagkakataon."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nabaliw na ba 'to? Tsk. Nauna akong naglakad at bumaba ng hagdan. Hinila naman niya ako at inakbayan.

"Look at them, hindi ka ba nagseselos?"

Nilingon ko si Race. "Bakit naman ako magseselos?" Mariin siyang napapikit habang pinipigilang 'wag matawa. "Ah basta, kahit ang bagal n'yong dalawa, team Ryam pa rin ako."

"Nababaliw ka na yata."

'Di niya napigilan ang kanina pang nagbabadyang tawa, humalakhak ang loko at napahawak pa sa tiyan. Sumigaw naman si Tres kaya napatingin kaming dalawa. "Hoy! Race, ba't ka nakaakbay ka ha. Akala ko ba--"

"Man, solid to at may tinanong lang ako."

Nagbulungan naman ang dalawa kaya inalis ko ang braso ni Race sa balikat ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nilampasan ko sila Gov, dumiritsung kusina at kumuha ng tubig.

"Why did you just stay here?" Napalingon ako sa nagsalita. Sinara ko ang ref.

"Kailangan ba nandoon ako?"

"Yeah."

Tsk. "Bakit, may aatake ba sa inyo sa yate?"

"No, but the fact that you're my bodyguard, you have to stick with me."

Stick your ass! I twitched my lips bago muling sumagot. "Yes sir. Don't worry hindi na po mauulit."

Tinalikuran ko na siya at kumuha ng pagkain sa ref. 'Yon lang ang naging pag-uusap namin ni Gov. Sa hapunan, tinanong ko si Race tungkol sa tatlo.

"Don't worry, nasa presento na sila at magfafile ako ng kaso para 'di agad makalabas."

Tumango ako. Pagkatapos kumain, nag-aya uli ng inuman pero di nako nakisali. Sapilitan pa, dahil panay ang hila at kumbinsi sa'kin ng dalawa. Natigil lang nang iritang sumingit si Gov. Kaya muli na 'kong umakyat sa taas at natulog sa kwarto.

Kinabukasan, bumalik kami sa rancho kasama na sina Jen-jen.

"Ate, marunong ka magkabayo?"

Napatingin ako kay Jen na nakahawak sa braso. "Yeah, ikaw?"

Umiling naman siya. "Takot ako eh."

"Ba't ka naman matatakot, mabait naman sila. Anyways, gusto mong maglibot tayo sa maisan?"

"Sige po."

"Sige, hiram tayo ng kabayo." Nagtatalon ang bata habang palapit kami kay Race na kausap si Tres at Juni, syempre may sarili mundo na naman ang dalawa.

"Race, hihiram kami ng kabayo. Okay lang?"

"Walang problema. 'Yong pinili mo na lang nung una ang gami--"

"Huwag, ayoko," mabilis kong putol sa sinasabi niya.

Tumawa ang loko at sumigaw. "My man, ayaw na ni Amber sa kabayo mo!"

Nilingon naman ni Gov ang gawi namin. "Don't worry, Hera doesn't like her anyway."

Napairap ako sa sinabi niya at pumasok na ng stable at kinuha si Thunder, sumigaw naman si Gov pagkalabas ko ng kinuhang kabayo.

"That's my Thunder!"

Napangisi ako. "Thunder like me so much. He made me so comfortable when I am riding on his back."

Nagkantyawan sina Race at Tres, nakisali pa si Juni. Pinangko ko naman na si Jen-jen para makasakay bago ako. Pinatakbo ko agad si Thunder.

"Hey, don't go too far!" Rinig kong sigaw niya. Tumawa kaming dalawa ni Jen-jen at nag-apir.

"Matagal na rin no'ng huli kong sakay ng kabayo ate Am, 10 pa ko nun at kasama ko si Kuya Juni." Panimulang kwento ni Jen.

"Dapat paturo kay Kuya Race or sa Kuya Juni mo."

"Nahihiya naman po ako."

"Bakit ka naman mahihiya, kaibigan naman 'yon ng Kuya mo. Minsan, dalaw ka sa kanya, isama mo Kuya Juni mo para 'di ka mahiya."

"Sige, gagawin ko 'yan ate."

Natahimik kaming dalawa nang madaanan na namin ang maisan. Sumigaw pa si Jen-jen at kumaway sa mga pamilyar na mukhang umattend ng pagsasalo no'ng Friday.

"Aling Josephine!"

"Jen-jen! Amber!" Tuluyan kong hininto ang kabayo. "Bakit hindi kayo nagsuot ng sumbrero? Ang init-init pa."

"Okay lang po kami Aling Josephine," masiglang sagot ni Jen-jen.

"Buti nakadalaw kayo ulit," nakangiti sinabi naman ni Aling Merna na hinuhubad ang straw hat sa ulo.

"Uuwi na po kasi sila bukas Aling Merna."

"Ang bilis naman hija."

Bahagya akong ngumiti bago sumagot. "Marami na po kasing naiwan na trabaho si sir Gov."

"Merna! Halina kayo!"

"Tara, kain tayo ng meryenda."

Nauna akong bumaba at pinangko si Jen-jen. "Mabigat ba ko ate?"

Umiling ako at ginulo ang buhok niya bago kami naglakad palapit sa malaking puno. Naupo ako sa tabi ni Aling Josephine.

"Kumakain ka ba nito hija? Kamote at puto."

"Oo naman po," nakangiting sagot ko at tinanggap ang bigay niya. Binalatan pa niya ako ng kamote para 'di nako mahirapan.

Kwentuhan lang kami at tawanan hanggang sa magpatuloy na sila sa trabaho. Nagpaalam kami ni Jen-jen at kumaway sa kanila.

"Ang babait nila."

"Ate?" Nilingon ako ni Jen-jen. Tumawa ako at umiling.

Pagkabalik namin ng stable, sinalubong kami ng sermon ni Gov. "I told you not to go too far."

"Hindi naman talaga kami lumayo, nakikain lang."

Lumapit naman si Race at inakbayan ang pinsan. "Couz don't be too hard and so concern, napaghahalataan e."

"Shut it, I'm concerned with Thunder."

Tsk, talaga ba? Nauna akong bumaba at inalalayan si Jen-jen. Hinaplos ko naman ang brown na buhok ni Thunder bago binigay ang tali kay Gov na magkasalubong pa rin ang kilay.

"Chill, wala naman siyang sugat o kung ano."

'Di niya ko pinansin kaya gumilid na 'ko at naupo sa inayos nilang lamesa.

"Kainan na," si Juni at naunang magsandok ng pagkain. Masaya kahit papano. Nakijoin ang dalawa samin habang nagkwekwentuhan. Himala talaga, tsk.

Bandang alas dos nang umuwi kami para mag-impake at magpahinga. Maaga kasi ang byahe namin bukas. Sa bahay na rin natulog sina Jen-jen.

Kinabukasan, maaga akong nagising at nagkape. Naabutan ko naman si Nanay Flor na naghahanda ng pagkain.

"Ang aga mo naman hija?"

"Maaga pong natulog kagabi Nay."

"Hay, mamimiss ko kayong dalawa. Mga asaran niyo."

Natahimik ako. Nabulabog lang nang magdatingan ang mga gago kaya umingay na ang buong bahay. Sabay uli kaming nag-agahan lahat at nang mag-alas syete, nagpaalaman na.

"Ingat po kayo rito Nay, Tay."

"Kayo rin mag-ingat sa biyahe." 'Di ako nakagalaw nang yakapin ako ni Nanay Flor ganun din si Tatay Berting. Napangiti ako nang pakawalan nila ako at bahagyang yumuko.

Lumabas na 'ko ng bahay, nadatnan ko naman si Jen-jen. "Ate," ngumuso siya. Napatawa ako at ginulo ang buhok niya. "Kuya, extend niyo na lang bakasyon niyo."

"I'm sorry but I can't. Marami nakong naiwan na trabaho sa Maynila. 'Wag kang mag-alala, bibisita kami ulit."

"Promise?"

"Hmm."

"Sinungaling ka pa naman," sinamaan niya ng tingin si Gov. Napatawa naman ang huli at kinulong ang mukha ng bata.

"Hindi kaya sinungaling si Kuya."

"Hindi ka naman bumalik nung 7 years old na 'ko eh. 12 na 'ko ngayon, marami ka ng utang!"

"Hindi pa bayad si Kuya? Nagdala kaya ako ng kasamang nagustuhan mo talaga."

"Siya na lang kasi!"

"Jen-jen," tawag ni Mary. Hinila niya ang bata. "Baka mahuli kayo sa flight. Ingat kayo."

Tumayo nang tuwid si Gov, niyakap naman siya ni Race. "Pagbalik niyo, dapat kayo na ha." Sinamaan ko ng tingin ang nakangising si Race.

"Shut it, couz!"

Tumawatawang nag-angat siya ng kamay at kumaway. "Ingat sa biyahe."

Pinagbuksan ko na ng pinto si Gov at muling nilingon sila. "Ingat din kayo rito."

Tiningnan ko si Juni na nakapamulsa, kinawayan ko rin siya bago tuluyang pumasok sa loob, katabi ni Gov. Inunahan kasi ako ng Gagong Tres sa passenger seat. Tsk.

Buong biyahe tahimik lang kami kahit na ang madaldal na si Tres, hindi nagsasalita. Sa eroplano, magkatabi ang dalawa at sa likuran ako. Natulog lang ako, nagising lang nang mag-announce ang crew ng plane. Umayos ako nang upo at nagseat belt. Ilang minuto, nagland na ang eroplano. Tumayo agad ako nang ma-off ang seatbelt. Bahagya kong tinanguan ang flight attendant bago tuluyang makalabas.

Pagkatapos makuha ang mga bagahe sa carousel, sinalubong kami ng team C at hinawi ang mga reporter na nakaharang sa exit.

"Mr. Ryder Gov, ano pong masasabi mo sa insidenteng nangyari two weeks ago?"

"Mr. Gallego, nahuli na raw ang pasimuno na nagtangka sa inyo. Ano po ang masasabi niyo."

"Mr. Gallego, isang statement lang po."

"Mr. Gallego..."

Tuloy-tuloy lang ang lakad namin hanggang makapasok ng kotse. Agad namang pinasibad ni R4. Nilingon naman niya ko at nginitian. "Welcome back."

Nilingon ko si Gov. "Welcome back daw Gov."

Tumango lang siya at tumingin sa labas ng bintana.

...

Thank you for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

60.2K 1.7K 29
I was walking in this old big mansyon. Lahat ng mga litrato ay napakaluma, nilibot ko ang paningin ko sa boong bahay, subrang luma at ang daming anti...
101K 2.8K 37
Isa syang prinsesa na inagawan ng korona. Ang trono, ang palasyo, maging ang sariling ina ay ipinagkait sa kanya. Sa muli nyang pagbabalik sa kaharia...
69.3K 3K 41
#THIRD RANK ALPHA ROWAN MEJIA One hour before the wedding, Nez caught her fiancé cheating with her sister. So, she calls off the wedding right away...
54.4K 4.1K 28
Sorcha Byrne and her twin used to love mythology when they were little. Their parents will tell them stories about the different gods and goddesses...