Hopeless Wife

Oleh hinjie

14.8K 746 247

[COMPLETE] Warning: Spg Zayna Channells, ang babaeng may pagkatigasin ng ulo na ipagkakasundo ng Daddy niya s... Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue

Chapter 34

300 11 0
Oleh hinjie

Chapter 34

Andito ako ngayon sa pool na kasalakuyang nakaupo sa gilid habang nakababa ang paa sa tubig. Kanina pa talaga ako nandito at hinintay nalang na gumabi. Bumalik narin kanina si Matheo sa office kasi may kailangan daw siyang tapusin saglit pero uuwi naman daw siya kaagad, 'yun ang narinig ko na sinabi niya sa mga bata.

Naalala ko 'yung sinabi niya saakin kanina. Hindi ako makapaniwala na seryoso talaga siya du'n. Gusto niya na wala na kaming kasambahay dito para ako ang gagawa lahat ng gawaing bahay. Iniisip ko palang, kinakabahan na ako kung anong mangyayari kasi hindi ko parin kabisado ang lahat ng gawaing bahay dahil nasanay akong may ibang gumagawa nu'n. Maliban nalang sa mga gusto nila Zian at Martha.

Paano ko rin magagawa ang sinabi niya na kailangan ko ng umalis sa banda? Akala niya siguro na madali lang 'yung sinasabi niya pero ang hirap lalo na't hindi siya ang magdedesisyon nu'n kundi ako. Kakaalis lang ni Drein sa banda tapos ako na naman.

Lumubog na ang araw kaya nagpasya narin akong pumasok na sa loob. Pag-akyat ko, dumaan muna ako sa kwarto nila Zian at Martha. Nakita kong mahimbing na ang tulog nila kaya hindi ko nalang sila inabala at dumeretso na sa kwarto.

Pagpasok ko, naiayos na pala nilang ilagay 'yung kama. Dalawa na ang kama, isa kay Matheo at isa para saakin.

Naalala ko si Luke na mag-isa nalang pala siya sa condo niya ngayon dahil wala dahil hindi na niya kami kasama. Kaya naisip kong tawagan siya para kumustahin. Umupo ako sa kama ko kasabay ng pag-dial ng number ni Luke sa cellphone. Hindi rin nagtagal, sinagot niya ang tawag ko.

"Hello, Luke." Sabi ko.

"Bakit, Zayna?" Aniya.

"Kumusta ka diyan sa condo mo? Maayos kalang ba?" Tanong ko sa kanya. Matagal din niyang hindi sinagot ang tanong ko.

"Y-yeah, I'm fine." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

"I'm sorry, Luke. Kung hindi ka namin masasamahan diyan, sana maintindihan mo 'yung sinabi ni Matheo." Narinig kong napabuntong hininga siya.

"I understand, Zayna. Magkikita parin naman tayo sa bar." Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Hindi niya pala alam na may balak na akong umalis. "Are you okay?"

"A-ahh... yes." Ngiti kong sagot.

"Sino 'yang kausap mo?" Napakurap ako nang marinig ko ang boses mi Matheo sa likuran.

Hindi ko alam na dumating na pala siya.

"Uhmm... Luke, ibaba ko na'to. Pasensya kana tatawagan nalang kita ulit." Sabi ko. Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Luke at ibinaba na ito.

Hinarap ko sa Matheo na nakatayo habang nakakibit balikat.

"Kinumusta ko lang si Luke." Sabi ko.

"Kumusta? Gaano naba kayo nagtagal nagkita? Wala pa namang isang-araw diba?" Taas kilay niyang sabi.

"I just call him kung maayos lang ba siya sa condo niya." Seryoso kong sabi.

"He's fine kahit hindi mo na siya kumustahin." Aniya at tinalikuran ako.

"Bakit ba ang sungit mo?" Napahinto siya "Bakit galit na galit ka kapag naririnig mo 'yung pangalan ni Luke?" Hinarap niya ako at seryosong tumingin.

"Because you both lied on me." Seryoso niyang sabi. Napailing naman ako.

"Parehas lang tayong may kasalanan, Matheo. Remember, nagsinungaling karin saakin." Taas kilay kong sabi.

"Pero mas matagal kang nawala." Aniya.

"It doesn't matter kung matagal akong nawala." Napabuntong hininga siya.

"Pero pinaghintay mo ako." Walang ekspresyon niyang sabi.

"I never told you to find me, Matheo!" Inis kong sabi.

"But I still find you!" Napakurap ako sa sigaw niya. "Cause, I care, Zayna. But, bullshit!.. Sarili ko lang pala ang nakakaalam nu'n." Naestatuwa ako sa sinabi niya.

Tama ba 'yung narinig ko na kaya niya ako hinanap kasi mahalaga parin ako sa kanya? Pero bakit galit na galit siya saakin? Bakit hindi ko maramdaman 'yun? Kaya ba pinarurusahan niya ako ng ganito dahil sa galit na nasa puso niya? Kung ganu'n, tatanggapin ko kung sa tingin niya ay mali parin ako.

"I'm sorry, Matheo. Naintindihan kita kung bakit galit ka saakin ngayon." Mahinahon kong sabi.

Hindi na niya ako sinagot at hindi na ako pinansin. Ibang-iba na talaga siya ngayon. Hindi na siya 'yung Matheo na malambing saakin, masayahin, maalaga. Malungkot, madaling magalit, at malamig na Matheo na 'yung kaharap ko ngayon. Totoo nga talaga na ang lahat ng bagay dito sa mundo ay nagbabago kahit ang tao.

Kinabukasan, maaga akong nagising at nilingon ko ang kama ni Matheo kung natutulog paba siya pero wala na siya du'n. Early bird parin talaga siya hanggang ngayon.

Bumangon na ako sa kinahihigaan ko at lumabas ng kwarto. Masyadong maaga pa naman kaya hindi ko muna gigisingin 'yung mga bata. Mamaya nalang kapag nakaluto na si Manang ng almusal.

Nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng kape. Pagdating ko du'n, nagtataka ako kung bakit wala 'yung mga kasambahay namin. Sa pagkakaalam ko, mas maaga silang nagigising kesa saamin.

"Mabuti naman at gising kana." Bigla akong napatalon nang may narinig akong boses.

Hinarap ko siya at nakita kong nakasandal siya sa may pader habang nakatingin saakin. Akala ko umalis na siya pero hindi pa pala.

"Teka, nasaan ba 'yung mga kasambahay? Hindi paba sila gising?" Kunot noo kong tanong.

"I already fired them yesterday." Napanganga ako.

"Are you serious? At sinong magluluto ngayon kung wala sila?" Pagtataka kong sabi.

"Ikaw." Kinunotan ko siya ng noo. "Sinabi ko na sa'yo na ikaw ang gagawa ng lahat ng gawain dito diba?" Nakapamulsa niyang sabi.

"Ako lang talaga?" Reklamo ko.

"Don't tell me na hindi kapa marunong." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Of course, not! Marunong kaya ako." Taas noo kong sabi.

"Then, start now." Sabi niya bago umalis dito.

Napakagat nalang ako ng labi dahil nagsisisi ako sa sinabi ko kanina. Dapat hindi ko 'yun sinabi na marunong ako kasi hindi naman talaga 'yun totoo. Paano ko 'to gagawin ng mag-isa? Ni hindi ko nga kabisado kung anong mga pangalan at itsura ng gulay dito.

Tama! May naisip akong paraan para hindi ako mahirapan. Mag research nalang ako ng mga steps kung paano lutuin ang isang dish. Kaya dali-dali akong umakyat sa kwarto para kunin 'yung iPad at bumalik naman ako kaagad.

Nadaanan ko pa si Matheo na andu'n lang nakaupo sa sofa at abala sa panonood ng tv. Wala talaga siyang balak na tulungan man lang ako dito. Nakakainis, edi siya na 'yung hari at ako 'yung alipin.

Pinuwesto ko 'yung iPad sa lugar na sa tingin ko ay safe siya. At nagsimula akong mag research ng isang dish para sa lulutuin ko ngayon. Ang naisip kong lutuin ay ang steak. Medyo may pagkahirap siya saakin pero gusto ko parin siyang subukan.

Buti nalang at may experienced parin ako ng konti sa pagluto nu'ng tinuruan ako nila Manang nu'ng pinagluto ko si Matheo nang pagkain pero hindi man lang niya kinain. Sobrang sakit talaga nu'n kasi umasa ako na maappreciate niya ang pinaghirapan kong lutuin pero waley.

Pinaandar ko 'yung apoy ng stove at inilagay 'yung frying pan. At nagsimulang magluto. Nakaramdam ako ng panginginig dahil baka hindi ko masarap ang pagkaluto. Medyo natataranta nanga ako dahil pabaling-baling ang tingin ko sa iPad at sa niluluto ko. Kailangan ko kasing sundin kung anong steps na pinanood ko para hindi ako magkamali sa pagluto.

Hindi nagtagal, natapos ko narin siyang lutuin. Hindi ako sigurado kung masarap ba siya kapag matikman nila pero para saakin, pumasa naman siya sa taste ko. Ewan ko lang kay Matheo dahil napakaarte ng matandang 'yun.

"Tapos kana ba?" Napatalon na naman ako nang marinig kong may nagsalita na naman.

Hinarap ko siya at nagulat nalang ako na nasa likuran ko na pala siya at ang lapit na ng mukha naming dalawa. Napalunok nalang ako at umatras ng konti. Habang siya ay nakatitig sa niluto ko.

"Tapos na ako." Sabi ko at huminga ng malalim.

Kumuha siya ng tinidor para tikman 'yung niluto kong steak. Nagsimula ng kumabog ang puso ko dahil baka hindi papasa sa kanya. Alam ko naman na maarte siya eh, pero sana magustuhan niya parin.

Tiningnan ko kung anong magiging reaksyon ng mukha niya kapag natikman niya. Nang tinikman niya na ito, curious ako kasi walang ekspresyon 'yung mukha niya.

"What do you think? Maayos lang ba ang lasa?" Kunot noo kong tanong.

"Masyadong maalat." Reklamo niya.

"Ano? Hindi naman maalat 'yung pagtikim ko kanina." Kumuha ako ng tinidor para tikman ulit. "Hindi naman maalat, tama lang kaya 'yung lasa." Sabi ko.

"Basta para saakin maalat siya." Reklamo niya ulit.

"Edi sana ikaw nalang 'yung nagluto kung puro ka reklamo!" Inis kong sabi.

"Ikaw 'yung housewife diba?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Bwesit ka talaga. Napaka-reklamador mong matanda ka." Bulong ko sa sarili ko.

"Anong sabi mo?" Kunot noo niyang tanong.

Narinig niya ata ng konti na may binulong ako.

"Wala. Iniisip ko lang 'yung niluto ko." Pilit kong nginitian siya.

"Dalian mo 'yang ginagawa mo, baka maabutan kapa nila Mommy." Sabi niya.

Napairap nalang ako habang ginagaya 'yung sinabi niya. Hindi naman niya ako mahuhuli kasi nakatalikod na siya saakin. Ang lakas niyang mang-utos tapos puro naman reklamo kung hindi niya nagustuhan. Ganito ba talaga siya sa mga maids dito? Ibang klase rin talaga siya, ginawa na niya akong alipin dito sa bahay!

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

37.8K 974 37
JARED AND KHENZY STORY The best feeling in the world is being loved back by the person you love. Paano kapag sinaktan ka ng taong pinakamamahal mo...
12.1K 60 29
lust/ romance/spg/wild ⚠️⚠️ / SPG /18 and above She doesn't not know We're too do .. Perhaps. She really wanna knows where to find his husband. N...
6.5K 136 47
NANINIWALA PA BA KAYO SA FIRST LOVE NEVER DIES. Ang mabaliw dahil sa pagibig n nakita mo na pero pinakawalan mo pa.... Si Channel ay isang mayaman a...
221K 5.6K 85
Ang pag-ibig ay dumadating ng hindi inaashan.. Sasaya ka ng Panandalian.. At masasaktan ka ng pang-matagalan. Pipiliin ko na sanang masaktan ng kasam...
Aplikasi Wattpad - Akses fitur eksklusif