Cry In A Cold City [Baguio Se...

By dEmprexx

355K 10.1K 4.4K

Baguio Entry #1 [Completed] Daisheen Maine Cariño a nursing student from University of Baguio accidentally sp... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Jonas Lorenzo Tan
🌹
Notes
:)
SPECIAL CHAPTER
Verstandelike Series
Thoughts about Self-Publishing CICC

Chapter 14

6.6K 286 148
By dEmprexx

Chapter 14

Sa oras na ito, alam kong ang score na tinitingnan ko ngayon ang magdidikta kung aasa pa ba ako o hindi na. Pero kagaya ng sabi nila, mapaglaro nga ang tadhana. Bagsak balikat akong tumingin kay Gail na ngayon ay malungkot din dahil sa resulta. 

SEA: 73

SAMCIS: 75

"B-R-A-V-O TEKNO-KOMERSIYO!" Malakas na sigawan ng nasa kabilang banda.  

"Bravo tekno, tekno-komersyo~" They even sing their cheer nung bleachers cheer competition. 

"Aww. Sad ang baby ko." Nakangusong wika ni Gail sa akin. Tiningnan ko naman ngayon ang mga players na nagkakamayan, masayang-masaya ang mga nakasuot na jersey na dilaw. 

"Tara na." Anyaya ni Iver sa amin bago pa mapuno ng estudyante ang exit. Agad akong tumayo tiyaka hinila si Gail na mukhang gusto pang magluksa keysa sa crush niya na natalo. 

"Last game niya nalang ngayon, graduating na siya." Maiyak-iyak na wika pa niya. Napailing nalang ako dahil masyado talaga siyang attach sa crush niya.

May mga kaibigan kasi talaga tayo na akala nila jowa nila ang mga crush nila. 

"Wait lang! CR lang ako!" Sabi niya nang madaanan namin ang rest room. Hinintay ko nalang siya sa labas dahil mukhang maraming estudyante ang mga magrerest room. 

"You okay?" Tanong ni Iver sa tabi ko. Tipid akong ngumiti sakaniya. "You really like him, huh." He hissed. 

"Kagusto-gusto naman kasi siya." I defended. 

Ewan ko ba, kapag kasi ngumingiti si Jonas mayroon kung ano sa mga ngiti niya na nagpapangiti sa akin. Kapag tumawa siya, parang ang sayang pagmasdan ng bawat halakhak niya. Ang dali niyang makahatak ng emosyon. 

And he is really caring. Lagi niyang papaalalahanan na kumain at magpahinga rin minsan. Huwag puro school works para hindi madrain ang utak. At para raw marami pang energy sa med school. 

"But he already like someone else." Marahan na wika ni Iver. Tila maingat niya itong sinabi para hindi ako masaktan o ma-offend. 

"Ewan ko? Go with the flow nalang," kibit-balikat na sabi ko "Sabi kasi nila, kapag iniwasan mo ang isang taong gusto mo para makalimot, lalong hindi mo lang siya makakalimutan." umiling siya sa sinabi ko. 

"Kaya mas gugustuhin mong nasa tabi niya?" He asked "Huwag kang magpapaniwala sa mga sabi-sabi. Hindi ba kapag kasama mo siya lalo kalang mahuhulog sakaniya? Hindi mo maiiwasan na bigyang kahulugan ang mga pinapakita niya sa'yo kahit na wala naman talaga ito para sakaniya?" Bahagya akong napaisip sa sinabi niya. 

Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko ngayon. At wala akong masyadong oras para i-over think pa iyon. Graduating student na kami, wala akong oras para sa ibang bagay. Baka mawala pa ang pinaghirapan ko sa loob ng tatlong taon para sa isang bagay na walang kasiguraduhan. 

"Huy! Seryoso ng pinag-uusapan natin diyan ah? Share niyo naman!" Bahagya akong napatalon ng sumulpot na si Gail sa tabi namin. 

"Nag-uusap lang kami sa research natin, baka gusto mo ng tumulong?" Sarkastikong wika sakaniya ni Iver tiyaka naunang naglakad ulit sa amin. Ang ending, nakasunod lang kami sakaniya. 

Sinuot na ni Gail ang coat niya dahil malamig na. Eight thirty na natapos ang game. Habang pababa kami ng hagdan, kasabayan ang mga estudyanteng kakatapos lang manood na mukhang hindi pa nakakamove on dahil nagkukuwentuhan pa sila. 

Hindi ko alam kung bakit pinagkukuwentuhan pa nila e pare-pareho naman nilang napanood? 

"Ang sungit talaga ni Iverson ngayon, pansin mo?" Bahagya pa akong siniko ni Gail para bumulong sa akin. 

"Pressure lang siguro iyan dahil graduating na tayo." Pagdadahilan ko dahil hindi ko rin maintindihan ang inaasta niya ngayon. 

"Tutulong na nga ako sa research, baka hindi ilagay yung pangalan ko." Natatawang wika ni Gail sa akin. 

"Kahit hindi naman tayo tumulong, lalagay niya pa rin pangalan natin." Kinindatan ko siya tiyaka kami sabay na natawa. Napalingon tuloy si Iver sa amin pero agad ding naglakad. 

"Sabi nila moody daw mga babae pero mukhang mga lalaki talaga." Natawa ako sa sinabi niya. 

Dumaan na kami sa abortion steps kung tawagin ng mga Louisian, ang daming steps kasi bago ka makaakyat at makalabas sa gate. Paglabas mo, UB na ang bubungad sa iyo, kaya rin siguro maraming mag jowang taga UB at SLU. 

Sumakay na kami sa kotse ni Iver para hindi na kami maglakad. Napagod na rin si Gail sa kakasigaw at talon kanina. Sa may cathedral nalang siya magpark. 

Ang ganda rin ng ambiance sa zen tea. Si Gail ang nag-order sa amin. Sa labas kami pumwesto para makita ang mga lights. Baguio weather is always such a mood. Good for soul searching din. 

"Anong in-order ni Gail?" Tanong ni Iver sa tabi ko. 

"Asahan mo ng chocolate milk tea iyon."Kapag kasi si Gail na ang nag-order chocolate milk tea na ang in-order niya. 

Kinuha ko ang cellphone ko para mag browse. Pero wala nga pala akong load. Kaya bahagya kong siniko si Iver sa tabi ko. 

"Dala mo wifi?" Madalas niya kasing dinadala ang pocket wifi niya.

"Hindi nakalimutan ko," napanguso ako sa sagot niya. Wala naman akong games sa cellphone "Hotspot nalang kita." Lumawak ang ngiti ko tiyaka napatingin sakaniya. 

"You're the best!" Nag thumbs up pa ako. Naka connect na rin ako sa hotspot niya noon kaya no need na ilagay pa ang password, siya nga naglagay ng password eh. 

Nag notif agad ang dm ni Jonas sa akin sa twitter. 

@jonastan: can't come :( 

@daisheen: sad,,, better luck next time. 

I closed my twitter app and opened my IG instead. Nagtingin lang ako ng IG story pero parang may labanan ng mga jowa dahil puro kasama nila ang mga jowa nila sa IG story nila. Napanguso ako. 

Napatingin ako kay Iverson na seryosong nagphophone. Tiningnan ko ang nilalaro niya at wordscape pala ang pinagkakaabalahan niya. Hinila kong kaunti ang upuan ko palapit sakaniya. Tumingin siya sa akin ng nagtataka. Ngumiti lang ako sakaniya tiyaka sinandal ang ulo ko sa dibdib niya sa bandang balikat. 

"What are you doing?" Nagtatakang tanong niya. Dinala ko sa add story ang IG and choose yung filter na may heart sa ulo. 

"Ngiti ka, kunwari mag jowa tayo," Bahagya ko pang himampas ang balikat niya dahil nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa camera. "Bilis na, smile na. Ano ba iyan e." Nagsisimula akong mainis kasi ang tagal niyang mag smile. 

Napangiti ako ng ngumiti siya at agad kong shinot iyon. Hindi ko pa inalis ang ulo ko sa may bandang dibdib niya. Habang in-edit ko pa ang IG story ko. 

@IversonRV hi by char hahahaha 

Bahagya pa akong napatawa sa caption ko. Nilagay ko lang iyon sa bandang baba namin, nag add ako ng time and location. 

Nag swipe ulit ako ng mga IG story at nakita ko ang IG ni Iver ngayon, nakasandal ako sa dibdib niya habang nakangiting nag-edit sa phone ko, nakatingin lang siya sa in-edit ko. May pa caption pa siya: Stolen ko kunwari.

"Kunwari ayaw mo pa mag story ka rin pala." Asar ko sakaniya. Hindi ko pa inaalis ang ulo ko sakaniya dahil mas kumportable ako. 

"Nabubulok lang IG story ko kaya nag-add ako." Pagdadahilan niya. I just roll my eyes with his lame excuse. 

Dumating din si Gail na dala-dala ang tatlong milk tea. Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakasandal ko kay Iverson. Nakita ko naman na pinicture-an ni Gail ang milk tea namin. 

"Ang cute niyo! Picture-an ko kayo!" Gail said. Agad akong nag peace sign na malawak ang ngiti. Nakita ko rin sa peripheral vision ko na nag peace sign si Iverson. 

"Isa pa, akbayan mo nga Iverson!" Utos ni Gail sakaniya. Napabuntong hininga si Iverson pero ginawa rin naman. 

"Airdrop mo nga," utos ni Iverson. 

"Luh, excited. Picture muna tayong tatlo!" Sinet niya naman sa front cam ang cellphone niya para makapagselfie kami. Nag finger heart pa siya, typical kdrama fan. 

Umayos na ako ng upo para kuhanin yung milk tea ko. Inalis ko na rin sa plastic yung straw tiyaka sinaksak sa milk tea. Uminom na rin ako para matikman ko na yung pearl. 

"Tag mo ako sa story mo pati yung picture-an mo milk tea." Saad ko kay Gail na mukhang nag IG story dahil busy sa cellphone niya, mukhang naglalagay ng cute GIF or whatsoever na kaartehan ni Gail. 

I open my twitter app dahil nag notif si Jonas. 

@jonastan: may boyfriend ka na? 

Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa chat niya. E ano naman? 

@daisheen: huh? 

@jonastan: saw your IG story. 

@daisheen: u stalker 

@jonastan: your account was public, I can view it. 

@daisheen: nyenye 

Minessage ko rin si mama na naglibre si Gail ngayon ng milk tea kaya malalate ako ng uwi. Nag send pa ako ng selfie namin nina Gail dahil na-IG story na niya. 

"Sinong kachat mo?" Tanong ni Iver sa akin tiyaka inalis ang plastic sa straw para makainom na siya. 

I was hesitant to tell him the truth that's why I chose to tell him the half truth. 

"Si mama, sabi ko nag milk tea tayo. I also send our picture." Bahagyang namilog ang mata niya dahil sa sinabi ko. Nagtaka naman ako sa reaksiyon niya.

"Yung picture nating dalawa?" Gulat na tanong pa niya. Tumingin ako sakaniya nang hindi makapaniwala ang itsura. 

"Yung tayong tatlo nina Gail, bakit?" Nagtatakang tanong ko sakaniya. Weird niya ah. 

"Nevermind." Sagot niya tiyaka ininom ang milk tea niya. 

"Sayang at hindi nanalo si crush but I'll dm him congratulations on IG hehe." Wika ni Gail habang nakapangalumbaba at nasa bibig ang straw. 

"Magkachat kayo sa IG?" Tanong ko sakaniya. 

"Hindi, hindi man lang siya nagsiseen!" Nakangusong sagot niya sa akin. 

"Meaning wala siyang interest." Bahagya kong hinampas ang braso ni Iverson dahil masyadong siyang harsh. Nag make face naman si Gail. 

"Meaning marami siyang fan girls na binabaha ang messages niya!" Sagot sakaniya ni Gail. 

"And you're one of his fangirls," umayos ng upo si Gail habang matalim ang tingin kay Iverson. 

"Excuse me? I'm not. Finallow back niya nga ako e! Did he usually follow back his fan girl?" Mayabang na tanong ni Gail. Kinurot ko ng bahagya ang legs ni Iverson para hindi na sumagot kay Gail, baka mawala pa sa mood babaitang ito. "Tiyaka kapag ba magkachat may something na agad kayo? O gusto ka na niya agad? Diba hindi naman? Ay wait ano bang sinasabi ko." Bahagya akong natigilan sa sinabi ni Gail. 

Oo nga naman, hindi porket chinachat ka gusto ka na agad. 

We are the one who's responsible if we'll get hurt because we set our hopes high. 

"Dami na agad views sa story ko," nakangiting wika ni Gail habang tintingnan ang story niya. "Wait!" She said. 

Napatigil naman ako sa pag-inom pero si Iverson tuloy-tuloy lang ang pag-inom at nakataas ang kilay habang naghihintay sa sasabihin ni Gail. 

"Bagay kayong dalawa!" She said and saw our picture. Dun sa nakangiti kaming dalawa habang naka peace sign at nung nakaakbay sa akin si Iverson, ngiting-ngiti ako while him, he showed his sweet smile. 

"Si Daisheen ba yung crush mo na Nursing student from UB?" Nabulunan si Iver sa tanong ni Gail. 

Continue Reading

You'll Also Like

101K 2.8K 36
Baguio Entry #2 [Completed] Dianna Farrah Pascua found herself studying Accountancy at Saint Louis University than following HUMSS align course. Just...
81.5K 2.3K 12
Best friend. Nothing more. Nothing less. Just a best friend. Enemies turned to best friends but definitely not lovers | ©2015 - Cover made through CA...
2.2M 98.6K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
1K 86 54
December 27, 2021 - March 11, 2024 Can Leticia Cake Miravalles finally embrace the heat of the sun? Maingay, makulit, at malikot. Leticia grew in l...