Head Over Heels For Ezzio (Vi...

By hayillaaaaa

502K 14.6K 4.4K

[COMPLETED] Paris Belle Villaverde, a known dean's lister in campus, accidentally screams out she likes Ezzio... More

Head Over Heels For Ezzio
Prologue
Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Last Note

Chapter 25

8.9K 297 152
By hayillaaaaa

Paris

"Your client is Ezzio Martinez?" I asked Venny the moment her meeting with Ezzio ended. Itinukod ko pa ang dalawang kamay sa mesa habang nakatayo. Siya naman ay abala sa pagkulikot sa cellphone niya.

I stood in front of her as her brows furrowed without even giving me a single glance.

"Uhm... yeah?" she said, as if it was no big deal. Napasinghap ako. I know I was only stating the obvious but hearing it from her seemed to have taken me by surprise, still.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin?!" Hindi ko na mapigilang itaas ang boses. Kasi naman! Halos hindi ako nakagalaw nang makita ko si Ezzio kanina! Kung hindi pa ako tinapik ni Marky ay baka tuluyan na akong naging estatwa ro'n.

"At dito mo pa talaga isinet ang meeting!" puna ko. This time, Venny lifted her head to meet my gaze.

"Sis, chill. First of all, hindi ko naman talaga sinasabi sa'yo kung sino ang mga kliyente ko."

I pursed my lips because she was right. Hindi naman kasi importante sa'kin kung sino ang kliyenteng dinadala niya rito kaya talagang hindi ako nang-uusisa.

Pero iba kasi 'to! Si Ezzio 'to! 

Ibabalik na sana niya ang atensyon sa cellphone nang mapansin niya ang nakasimangot kong mukha. Napakunot ang kanyang noo bago inilatag ang phone sa mesa.

"Teka, bakit ba? Naka-move on ka naman na, 'di ba?"

Her question didn't even make me blink. Sa halip ay ipinag-krus ko lang ang magkabilang braso at itinaas ang isang kilay.

"Sinong may sabi?"

Ni minsan naman wala akong sinabing naka-move on na 'ko. Sure, I didn't talk a lot about what happened. I kept quiet. Pero hindi naman ibig sabihin no'n na naka-move on na ako. 'Move on'. Kahit hindi naman naging kami ni Ezzio. Parang tanga, Paris.

Venny's eyes slowly widened. Umupo siya ng maayos at talagang itinakip pa ang dalawang kamay sa bibig. Matapos no'n ay sumigaw siya.

"Seryoso ka?!" aniya. "Shit, halos 6 years na, stuck ka pa rin?!" 

"E, ano naman ngayon?"

Kung dati, todo deny ako sa nararamdaman ko, ngayon hindi na ako natatakot na sabihin 'to kahit sa ibang tao. If there's one thing I learned back then, it's that I shouldn't be afraid of voicing out my feelings. I shouldn't hold it back.

Venny stood up and took a step closer to me. Umayos ako ng tayo habang humawak naman siya sa magkabilang braso ko. She looked at me, eye to eye. May pag-aalala sa boses niya nang magsalita.

"Ate, I know I kept pushing you to Ezzio back in college, but don't you think you should just leave it all behind?"

Napaawang ang labi ko. Seryosong nakatingin sa akin si Venny. I understood what she meant. S'yempre, matagal na 'yon. Ezzio had probably forgotten about it now. Baka nga nakalimutan niya na ako.

The look on his face awhile ago flashed through my mind. Walang kahit anong ekspresyon ang nakita ko sa mukha niya kanina. Walang bahid ng sakit. Walang bahid ng galit, o kahit kaunting saya. 'Yung... wala lang. Tiningnan niya lang ako na para bang hindi niya 'ko kilala.

He also acted pretty casual, like what happened to us back then didn't happen at all. Napaisip tuloy ako. Burado na ba talaga ako sa isipan niya?

No. It's too impossible. He couldn't possibly forget everything about it. Sabihin na nating nakalimutan niya na nga. Pero sigurado akong hindi lahat. Sigurado akong... hindi pa rin niya ako nakakalimutan.

I smiled.

"How about you, Ven?"

Gulat akong tiningnan ni Venny. Her hold even loosened upon hearing it. She knew what I meant. Sinasabi niya sa'kin na dapat ko nang kalimutan lahat, pero siya sa sarili niya ay hindi pa rin naman nakakalimot. I guess the Villaverdes have a tendency of getting stuck. For years.

She let go of my arms.

"Ang daya mo!" Pinaningkitan niya pa ako ng mga mata kaya bahagya akong natawa. She just rolled her eyes jokingly before getting her things off the table.

"I'm out. Ang dami ko pang dapat gawin."

If she said that honestly or was just plainly trying to avoid the topic, I don't know. Tuluyan na sana siyang aalis nang pigilan ko siya. I held her by the arm. "Ven, Teka."

She looked at me, raising her brow. I smiled awkwardly at her. "K-Kasi..."

Nagdalawang isip pa ako bago nagpatuloy. "C-Can you give me Ezzio's calling card?"

Yeah. I had the audacity to ask for that.

Her eyes widened for the second time around. Mabilis siyang lumayo sa akin, hindi inaalintana ang kuryosong tingin ng mga staffs ko. Mabuti na lang talaga at wala ring customer na narito. Kung hindi ay magmumukha kaming tanga.

"No way!" sigaw niya. Sinubukan kong lumapit pero patuloy siyang umiwas.

"Ven, please!"

"Ayoko!"

'Di naglaon ay mukha na kaming mga bata na naghahabulan sa loob ng shop. At naka-heels pa. Tinatawanan lang kami ng mga staffs.

"Ytalia Venice!" I yelled when she turned around the table. "Give me his damn calling card!"

My voice probably reached the kitchen because Marky then came out. Nanlaki ang mga mata niya sa natunghayan.

"Hoy, mga bruha ano bang nangyayari?!" Lumapit siya sa glass counter. "Nakakaloka, para kayong mga bata!"

Hindi ko inalintana ang sigaw ni Marky. Sa halip ay tumigil ako, humihingal. Ganoon din ang ginawa ni Venny. I glared at her.

"Ah, ganoon? Hindi ka talaga makikinig sa Ate mo?"

She just stuck her tongue out. Grabe! Sinong mag-aakalang 26-years-old na 'tong babaeng 'to?!

My lips protruded as I thought of an idea. Hindi ko na pinatagal pa ang tuluyang pagsabi ng pangalang nasa isipan ko.

"Tres, Tres, Tres, Tres," paulit-ulit kong sabi. Halos matawa ako sa naging reaksyon ni Venny. Hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa inis. I swear, this always works!

I kept going, knowing how close she was to giving in. Parang kulang na lang ay sumabog siya. Pulang-pula na rin ang mukha niya.

"Tres, Tres, Tres-"

Venny groaned in frustration. "Oo na! Ibibigay ko na!" Asar na asar niyang sabi. "Just shut up!"

I did what she said. Hindi ko mapigilang mapangisi. Hinalungkat naman ni Venny ang loob ng hand bag niya, hinahanap ang hinihingi ko. When she finally found it, she walked closer to me. Ang sama-sama ng tingin niya nang inabot sa akin ang calling card. Parang sa kahit anong oras ay pwede niya akong sakalin. Ganoon siya kainis dahil lang sa pagbigkas ko sa pangalang 'yon. Masyadong big deal!

I grinned.

"Salamat!"

"Nye nye," she said as she made a face. Matapos ay umirap siya't tinalikuran ako. "Hindi kita tunay na kapatid!"

'Yon ang huli niyang sinabi bago padabog na umalis. Napatawa na lang ako. I turned my head to Marky and the rest of my staffs. Nakatingin sila sa'kin na para bang nababaliw na ako. Marky was the first one to react.

"Masaya ka na niyan, 'te?"

I laughed again, feeling my mood lift up as I looked at the card in my hand. The printed name on it made me sigh.

Ezzio Martinez.

I sat on the couch, fresh from the shower. Hawak ko ang phone sa isang kamay at ang business card naman ang sa kabila. It's already 9 in the evening. Nagdadalawang isip pa ako kung tatawagan ko ba o hindi. I just... want to give him a head start. Para kung sakaling makita niya ako bukas, hindi na siya magulat pa.

Fuck.

I tilted my head back and rested it on the headrest for awhile.

You're back with your desperate attempts, Paris.

Huminga ako ng malalim. Hindi. Hindi ko kaya 'to. Kailangan ko munang mag-ipon ng lakas ng loob.

I need a drink.

I put the two things on the coffee table and went straight to the kitchen. Kinuha ko ang isang bote ng wine at isang wine glass sa cupboard. Matapos ay bumalik ako sa living room at umupo sa couch.

I popped the bottle open and poured on the glass. Agad ko 'yong ininom; spent a couple of minutes, just drinking while staring at the card on the table. Nilaro-laro ko pa ang wine glass nang mapagdesisyonan kong tawagan na lang talaga siya.

I fetched my phone along with the card with just one hand, while the other one was busy holding the glass. Inilagay ko ang card sa hita ko. And then I started dialing the number.

Bago tuluyang pindutin ang call button ay naisip ko pa na baka office number niya lang 'to kaya malaki ang tsansang dumiretso ito sa voicemail at ang sekretarya niya ang makarinig nito bukas ng umaga. But I also thought that if he's hiring Venny, then Venny would need his personal contact and not just the line from his office.

Tsk. Bahala na nga.

I licked my lips as I clicked the button. Inilapit ko ang phone sa tenga. Habang nagr-ring ito ay lumagok pa ako mula sa wine glass. Mahirap na't maunahan ako ng kaba at tuluyang tapusin ang tawag kahit wala pa namang sumasagot.

It took a couple of rings before someone finally answered.

"Yes?"

Agad akong napalunok, nanlalaki ang mga mata. Napahigpit pa ang hawak ko sa baso. The voice was exactly the same voice I heard from this afternoon. Baritono. Malalim.

It's his.

"Hello?" he asked again when I didn't reply. I opened my mouth to speak but not a word came out. Masyado akong pinangunahan ng kaba at gulat.

I heard him sigh.

"If you're just going to waste my time then I'm ending this call."

Upon hearing him say that, I instantly refused. "'W-Wag!"

It was too late when I realized what I did. Pero mabuti na rin 'yon! Kesa naman tapusin niya ang tawag at hindi na siya sumagot sa susunod.

I heard him pause. I had no idea if it's because he was just shocked or because he recognized my voice. I pursed my lips.

"Who's this?" he asked after awhile. I swallowed the lump in my throat for the second time. Mabilis pa akong uminom ng wine bago sumagot, nanginginig ng kaunti ang mga labi.

"P-Paris."

My heart was beating so fast. Ang hina pa ng pagkasabi ko no'n kaya hindi ko mawari kung narinig niya ba ng maayos. Lalo na dahil medyo matagal bago siya nagsalita.

"Paris...?" he trailed off, as if asking for my surname. Napakunot ang noo ko.

Ilang Paris ba ang kilala niya?

"Villaverde," I said, more confident now.

"Ah," he replied. I could imagine him nodding his head. "And you're calling because...?"

Mas kumunot lalo ang noo ko. He sounded so... chill. Parang nakikipag-usap lang siya sa isa sa mga employees niya.

Tahimik siyang naghintay sa rasong ibibigay ko. 'Yon nga lang, wala akong maisip! Bakit nga ulit ako tumawag?

"Uhm..." pagpapaligoy-ligoy ko. Shit. Nabablanko ang isip ko sa kanya!

"Go on."

Nang hindi pa rin ako sumagot ay nagsimula siyang manghula. "Does it have something to do with the company? Did Venny tell you to call? Nangungumusta ka lang ba? Or..."

Tumigil siya sandali at suminghap bago nagpatuloy. "You know, if you want to do SOP with me, I'm sorry but I can't. I'm a little busy right now."

Ano raw?

My brows furrowed at his last words. SOP? As in...

Sex On Phone?

My eyes slowly widened as I felt my cheeks heat up. Did he just... made fun of me?

Bahagya akong nakaramdam ng matinding inis. Ang gagong 'to! Hindi pa rin talaga siya nagbabago! Ang manyak niya pa rin!

Umayos ako ng upo. After all these years, no matter how strong my feelings for him were, Ezzio Martinez still managed to get under my skin. Pinapakulo niya pa rin ang dugo ko!

"FYI, tumawag ako para ipaalam sa'yo na bibisitahin kita bukas sa office mo," umiirap kong sabi, kahit hindi niya naman nakikita. Tuluyan nang nawala ang kabang naramdaman ko kanina. Ewan ko. Kapag talaga naiinis ako sa kanya, nawawalan ako ng hiya. Parang naglalaho ang ibang emosyon sa buong sistema ko.

"You'll need an appointment for that," he answered, bored. My lips protruded. Ay, ganoon?

"How do I do that?"

"Don't bother," giit niya. "If your intentions doesn't concern the company, then you can't make one."

Napakasungit niyang pakinggan. Pansin ko rin na parang sumeryoso siya ngayong nasa ganito na kaming edad. Pati boses niya, nagbago. It became more manly.

"I'm ending this call. I've got things to do."

Mukha siyang nagmamadali. Ganoon ba talaga siya ka-busy?

"T-Teka!" pigil ko. Narinig ko ang paghinga niya sa kabilang linya, hudyat na hindi pa nga niya tinatapos ang tawag at hinihintay niya akong magsalita. I bit my lip before proceeding. "I... also want you to know that you'll be seeing me more often. Starting tomorrow."

"Bakit?" diretsahang tanong niya. I drank from my wine again and sighed. Muli akong binalot ng kaba. I hadn't thought about this for long. But one thing's for sure: Once I say this, there'd be no turning back.


"Dahil simula bukas, liligawan na kita."

Continue Reading

You'll Also Like

38.5K 2K 55
Noah. Lorenzo. Elaine. Three people caught in a whirlwind of love, friendship, and betrayal. Lorenzo likes Elaine and he's going to do everything to...
11.5K 532 48
Jlyde Torrir just saw Mikkah Lyson crying on that day and within just a minute they became friends. Not just a simple friends but best of friends. In...
27.6K 563 58
Emeticia was living her life to the fullest in the most balance way, dreaming of becoming a successful Engineer someday without the help of anyone bu...
22.9K 700 40
Katarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful...