I'm Reincarnated As A Demon G...

By Kuya_Max

5.2K 342 79

Naniniwala ba kayo sa Reincarnation o sa Magic? Ako si Kiven Lopez 23 at naka tira sa biñan. Namatay ako dahi... More

I'm Reincarnated As A Demon God
Prologue
1 : New Life in Winzel World
2 : Killer Moon
3 : Legendary Goddesses Card
4 : Raven Clan
5 : Demizan Continent
7 : Welcome Back Great Diablo

6 : Golden Lutos

243 28 5
By Kuya_Max

"Leader Of Dark Mask/Gargon's POV"

"P-Parang away nyo na huwag nyong patayin ang mga kanayo----"

Hindi na naituloy ng pinuno ng Village of Sun ang kanyang sasabihin ng napugotan na sya ng ulo.

"P-Pinunong Gargon wala na pong natitirang buhay na mamamayan ng Nayon ng Araw k-kaso po ang anak ni pinonung Malvon at ang kasama nyang alipin ay naka takas"

Kinakabahang sabi nya saakin habang naka luhod saaking harapan. Napa taas naman ang kaliwang kilay ko ng marinig kong naka takas ang anak ni Pininong Malvon.

"Mga walang silbi!"

Sigaw ko sa kawal na naka Dark mask at sinipa sya naging dahilan para tumalsik sya ng ilang metro.

"P-Pinunong G-Gargon patawad po sa aking kapabayaan pero sinisigurado ko po sa inyo na nag hihingalo na po ngayon ang isa sa kanila dahil natamaan ko ang isa sa kanila ng patang may lason"

Sabi ng kawal na sinipa ko. Kahit na namimilipit sya sa sakit tiniis nya para lang maka tayo at lumapit sya saakin ulit at lumuhod saaking harapan.

[A/n: Hindi yong naka luhod talaga sya, yong isang tuhod nya lang ang naka luhod]

"Magaling, sige na ihanda na ang boong hukbo ng Dark mask dahil babalik na tayo saating nayon at doon isasagawa ang retwal para makamit kuna ang paggiging Demon Lord"

Utos ko rito habang naka ngisi. Yumuko muna sya saakin at nagpasalamat at umalis na.

"WAHAHAHAHA! Malapit na, malapit kunang makamit ang matagal kunang ninanais na maging Demon Lord WAHAHAHAHA at wala nang makakatalo saakin kahit sano man WAHAHAHAHA"

Demonyong tawa ko na dinig sa boong paligid.

=====

Nong naka rating na kami ng aking mga sundalong Dark mask saaming tribo ay ginawa na namin ang pag aalay ng mga napatay naming mga tao at iba pang mga nilalang at ang huli ay gumawa kami ng napakalaking bilog na gawa sa dugo ko at nong natapos na ang paggawa ay pumasok na ako sa bilog na gawa saaking dugo at pumwisto sa gitna habang hawak hawak ko ang bolang crystal namay lamang mga kapangyarihan ng mga sinalakay naming mga tribo.

"√€√π¢¤£%£π£¥¢"

"¢€%&¤¤%%€¤¢¥"

"¢π%&π£√#&¤√€"

Bigkas ko at ng mga ka nayon ko sa retwal. Unti unti namang dumilim at lumakas ang simoy ng hangin at sinabayan pa ito ng malalakas na kulog at kidlat ng biglang nagpakawala ng napakalakas na kidlat ang langit at tumama ito saakin.

"KABOOMMM!"

Ang pagsabog nong tumama saakin ang kidlat. Ang kulay ng kidlat ay kulay pula at subrang kapal nito na sinakup na ang boong katawan ko. Unti unti nang nabibiyak o nababasag ang hawak kong Dark ball dahil sa kidlat na pilit itong sinisira at nong nasira nanga ng tuloyan ang Dark ball o Dark crystal ay lumabas doon ang napakaraming pulang enerhiya at pilit itong pumapasok saaking boong katawan.

"GGGRRRRAAAAAAA!!!"

Ang na sigaw ko nalang at napa luhod sa lupang aking kinatatayuan dahil sa sakit na aking nararamdaman. Nararamdaman kunang nagbabago na ng anyo ang aking boong katawan. May naramdaman akong may tumubong isang sungay saaking ulo, at naramdaman kuring humaba ang aking mga kuko, at naramdaman kuring sumasakit ang aking dalawang mga mata at parang may tumutulong likido saaking mga mata.

Pinunasan ko ang likidong tumutulo saaking pisngi at nakita kong dumo pala iyon, dugo pala ang likidong tumutulo saaking mga mata. At ilang oras lang ay unti unting naging kulay pula ang aking dalawang mata na dati ay kulay itim, at ang maitim at maikli kong buhok ay humaba hanggang likod at naging kulay puti ito, at ang dati kong lakas ay nadagdagan pa at ngayon ay hindi ko alam o hindi ko masukat kong gaano na ako kalakas.

*Sawakas tapos na*

Bulong ko at napangisi nalang.

"Someone's POV"

"L-Lady Z-Zoliana tiisin nyo po muna ang sakit dahil malapit na po tayong maka lagpas sa karagatang ito at nasa ikatlong kontinente na tayo kaya tatagan nyo po ang loob nyo"

Sabi ng aking alalay habang umiiyak itong pinapasan ako. Naisipan kasi naming pumonta sa ikatlong kontinente kasi alam naming hindi na kami hahabulin ng mga humahabol saamin kong makikita nila kami na doon papunta.

"Huwag kang mag-alala saakin Shaiy ayos lang ako"

Kahit nang hihina na ay pinilit kong ngumit at pinakita kay Shaiy na ayong lang ako kahit hindi. Mabibigat na ang mga hininga ko at lumalabo narin ang aking mga mata, hindi ko narin maramdaman ang boo kong katawan dahil sa lason na nasa katawan ko dulot ng palasong tumama saakin.

"Lady Zoliana nang dito na po tayo"

Sabi ulit ni Shaiy pero hindi kuna talaga kinaya at unti unti na akong nawawalan ng malay at ilang ulit pa akong tinagaw ni Shaiy saaking pangalan at may sinabi pa sya na hindi kuna narinid dahil nawalan na ako ng malay.

=====

"Diablo's POV"

Unti unti kong iminulat ang dalawa kong mga mata at nong naimulat kuna ay napatingin ako sa boong paligid dahil parang hindi ako pamilyar sa kwartong ito. Masyadong magarbo ang mga gamit dito at purong puting kulay lang ang aking nakikita mula sa sahig papuntanh kisami at ganon din ang mga gamit mula sa lamisa, upoan, kurtina, vase o plorera, chandelier, sofa at iba pa na kulay puti rin.

Pero ay ilan rin namang naiiba ang kulay, katulad ng kamang hinihigaan ko, kulay gindo, mula sa kama, kutsyon, kumot at unan ay kulay ginto at talagang napaka garbo ng kamang ito at napakalaki na kasya ang limang katao at may nakapalibot rin sa boong kama na kurtina na kulay ginto na naka dikit sa puting kisami at may nakita rin akong karpet na pahaba papuntang pintoan ng kwarto palabas ay kulay gindo rin.

Tatayo na sana ako saaking pagkaka upo sa kama nong biglang bumokas ang pintoan na dubbed door ng kwarto at may pumasok na isang babaeng naka suot ng pang maid.

Nagulat ito ng nakita ako, napa yuko ito ng kanyang ulo pero makikita mo sa kanyang mga mata ang saya at galak.

"G-Gising na po pala kayo God Diablo, sandali lang po dyan lang po muna kayo tatawagin kulang po si Lord Freya"

Masayang sabi nito saakin. Magtatanong pa sana ako sa kanya pero mabilis itong naka alis. Hayzz ano bayan magtatanong pa sana ako ehh pero kita sino ang tatawagin nya si Freya. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ng babae dahil baka magkapariho lang sila ng pangalan ng Freyang kilala ko.

Sa subrang inis at bored ko sa kwartong iyon ay naisipan kong lumabas sa kwartong iyon. Unti unti kong binuksan ang pintoan ng kwarto at sinilip sa labas kong may mga naka bantay ba sa harapan ng kwartong tinutuloyan ko.

"Mabuti at walang may naka bantay"

Sabi ko at lumabas na sa kwartong iyon. Ilang oras na akong naglalakad at kapag may makakasalubong ako ay nagtatago kaagad ako at napansin kulang sa mga taong nakikita ko ay may mga sungay rin sila katulad ng saakin at dalawa rin pero kasing laki lang ito ng hinliliit ko na hindi katulad saaking sungay na kasing maba ng ruler at naka baluktot patalikod ang tulis ng sungay ko.

Naka alis o nasa malayo na ang dalawang knight na nagrurunda sa boong lugar kaya lumabas naako saaking kinatataguan.

Lakad parin ako ng lakad at hinayaan kulang ang mga paa ko kong saan ako nito dadalhin at ilang oras panga ay may nadaanan akong isang hardin na napakaganda at puno ito ng iba't ibang uri ng napakaraming bolaklak at kahit malayo kapa sa harding iyon ay maaamoy muna ang bango ng mga bolaklak na tinatangay ng napaka priskong hangin.

Naisipan kong doon pumonta para magpahinga ng ilang sandali at magtitingin narin ng mga bolaklak.

Nong naka pasok na ako sa hardin ay hindi ko mapigilang hindi mamangha sa ganda ng tanawing aking nakikita, ang daming mga paru-paro na sumasayaw sa mga bolaklak at may iilan rin akong nakikitang mga fairy, lalaki man o babae at ang liliit nila at sa tingin ko sila ang nag-aalaga o nag papanatili ng kagandahan at kalinisan ng hardin. Nong nakita nila ako ay tumigil sila sa kanilang ginagawa at lumapit silang lahat saakin at parang yumuko sila saaking harapan o guni guni kulang yon.

Hindi ko alam pero kahit saan ako pumonta ay sunod ng sunod ang lahat ng mga fairy saakin. Hindi ko nalang iyon pinansin, naghanap ako ng magandang pahingahan at nong na pad-pad ako sa gitnang bahari ng hardin ay may nakita akong isang malaking puno.

Ang punong ito ay hindi ordinaryong puno dahil sa kumikinang ito at ang dahon nito ay hindi dahon kundi mga bolaklak na iba't iba ang mga kulay, may gold, red, pink, white , green, yellow, silver at iba pang mga kulay. Lalapit na sana ako sa punong papahingahan ko nang may narinig akong boses lalaking sumigaw saaking likuran.

"Bata hindi ka pwedeng pumasok sa harding ito!"

Sigaw ng isang boses lalaki saaking likuran kaya na paharap kaagad ako sa tumawag saakin at may nakita akong apat na knights at sa tingin ko mga nasa 30+ na silang apat.

"Bata umalis kana dito habang may pagkakataon kapa kong ayaw mong makita ka ni Lord Rukob sa harding ito at maparusahan"

Sabi ulit ng knights saakin. Tumango lang ako sa kanya at dali-daling umalis doon at nong naka labas na ako sa harding iyon ay Papaliko na sana ako ng may nabangga ako kaya nawalan ako ng balansi at natumba at habang naka upo pa ako sa sahig ay napatingin ako sa nilalang na nabangga ko.

Isang matandang lalaki na sa tingin ko ay mga nasa 50+ na at may kasama rin syang isa pang lalaki na sa tingin ko ay anak ng matanda at sa tansya ko ay mga nasa 15+ na ito.

"Hoy! Alipin ang lakas ng loob mo na banggain si ama, hindi muba sya kilala!, sya lang naman si Lord Rukob ang magiging hari ng kalawakang ito kaya kong ako sa iyo ay humingi kana ng patawad kong ayaw mong ipapatay kita!"

Sigaw ng lalaki saakin. Ahh tama nga ang hula ko na anak ng matandang nabunggo ko ang lalaking ito.

"Freya ehh scan munga ang dalawang ito"

Pero ilang oras na ang lumipas ay walang Freyang lumabas kahit ilang bisis kupa syang tawagin saaking isipan ay hindi sya sumasagot.

Hayzz isa nalang ang naiisip kong paraan at yon ay ang...

"Tiing~ may bago kang natutunang skill
God eyes Lvl 1
Deskripsyon:
Pag obserba sa iyong kapaligiran, gamit man ito o mga tao ay bibigyan ka ng "God eyes" ng eksplinasyon tungko sa mga nakikita mo"

Ang laman ng hologram na lumabas nalang bigla saaking harapan. Hindi ko alam pero nalulungkot ako na hindi si Freya ang nagsabi saakin na may natutunan nanaman akong bagong skill.

Napatingin naman ako sa dalawang tao na naka tayo saharapan ko at makikita sa mga mukha nila ang galit.

"HOY! Alipin naririnig muba ako ang sabi ko tumayo ka!"

Sigaw saakin ng anak ni Lord Rukod. Ilang segundo palang akong nakatingin sa mag amang ito siguro mga nasa tatlong segundo ay may lumabas na namang dalawang hologram na naglalaman ng kanilang state o impormasyon tungkol sa kanila.


===================================

Lvl: 970

=====

Name: Rukod

Age: 1035
Title: Noble, Lord Rukod, 2nd Lord, Demon Lord, Slave Killer
HP: 1,571,429/1,571,429
=====
MP: 500,000
Strength: 500,000
Agility: 500,000
Endurance: 500,000
Stamina: 500,000
Defense: 71,400
=====
Magic: [Lightning, Fire]
=====
Race: White Demon
Gender: Male
=====

Active Skills:

[Thunder Of Fire Lvl 20]
[Phoenix Breath Lvl 41]
[Lightning Shower Lvl 14]
[Fire Lightning Ball Lvl 36]
[Dance Of Lightning Lvl 49]
[Flame Of Death Lvl 19]
[Analyze Lvl 15]
===================================
===================================

Lvl: 109

=====

Name: Zegan

Age: 99
Title: Noble, Son Of The 2nd Lord, Master Zegan, Demon Master, Slave Killer
HP: 50,000/50,000
=====
MP: 10,000
Strength: 10,000
Agility: 10,000
Endurance: 10,000
Stamina: 10,000
Defense: 500
=====
Magic: [Fire]
=====
Race: White Demon
Gender: Male
=====

Active Skills:

[Fire Dragon Wings Lvl 24]
[Blazing Punch Lvl 29
[Fire Of Death Lvl 19
[Dragon Breath Lvl 20
[Fire Ball Lvl 17
[Flame Barrier Lvl 23
[Analyze Lvl 10]

===================================

Status nang mag ama. Akala ko mga nasa 50± at 15+ palang ang dalawang ito pero mas matanda pa pala sila saakin at ang race nila White Demon rin na katulad ko. Unti unti naman akong tumayo at humarap sa kay Zegan na anak ni Lord Rukod at tinitigan ito ng nakakatakot na sya lang ang makakakita. Napaatras naman si Zeran at medyo nawalan pa ito ng balansi sa pag-atras pero mabuti nalang at mabilis itong naka tayo ng matuwid.

"Zegan anak bakit ka biglang umatras at bakit parang namumutla ka may masakit ba sayo"

Alalang tanong ni Lord Rukod sa anak nyang si Zegan.

"H-Haahh ahh w-wala po ama ayos lang po ako huwag nyo akong intindihin"

Pag-sisinungaling ni Zegan sa kanyang ama.

"Mga kawal dakpin ang batang alipin na ito at pahirapan hanggang mamatay!"

Utos ni Lord Rukod sa mga kawala. Lumapit naman saamin ang apat na kawal na nakita ko kanina sa hardin at makikita mo sa mga mukha at mata nila ang awa para saakin.

"A-Ama h-huwag ama pabayaan nalang natin sya"

Pigil ni Zegan sa kanyang ama na nagpakunot sa noo nito. Tumingin sya sa kanyang anak na hindi makapaniwala at sinabing...

"Diba kanina Zegan anak na gustong gusto mong patayin ang alipi-----"

"Oo sinabi ko yon kanina pero ngayon nagbago na ang isip ko ama kaya pakawalan at pabayaan nalang ang aliping iyan na makaalis"

Putol ni Zegan sa sasabihin ng kanyang ama. Si Lord Rukob naman ay hindi maitago ng kanyang mukha ang paninibago sa ugali ng kanyang anak na ang dating mapag mataas at mayabang na liyon ay naging maamong tupa at hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan.

"So ano pwede naba akong umalis kong Oo paalam"

Walang gana kong sabi habang kunwaring humihikab. Ang apat namang kawal ay napa singhap nalang nang hangin sa kabastusan ko.

"Lapastangang alipin! Gusto muba talagang mamatay HA!"

Galit na sabi ni Lord Rubok at makikita sa kanyang noo ang mga ugat na bumabakat na. Unti unti syang lumakad papunta saakin ng bigla syang mawaka.

Napangisi nalang ako dahil kitang kita ng dalawang mata ko ang bawat galaw nya. Hindi nya ba alam na nilalagay nya lang ang kanyang sarili sa kahihiyan. Tss

Nagpanggap naman akong nagulat nong mawala sya at nong lumitaw sya saaking harapan ay tatangkain nya sanang saksakin ako sa tyan gamit ang espadang binabalutan ng apoy nang may humarang sa kanyang espada gamit din ang isang espadang binabalutan ng tubig.

Umusok ang dalawang espada dahil sa dalawang elementong naka balot dito na hindi dapat pwedeng pagsamahin dahil magdudulot lang ito ng matinding pag-aaway sa dalawang enerhiya na mauuwi sa napakalakas napag papakawala ng shockwave na sisira sa boong paligid.

"Subokan mong ilapat ang talim ng espada mo kahit sa hibla ng buhok ng bata 2nd Lord Rukob dahil ako mismo ang makakalaban mo"

Banta ng bagong dating na lalaki saaking harapan sakay Lord Rukob.

"Hahaha 3rd Lord Khalel umalis ka dyan kong ayaw mong ikaw ang maka tikim ng talim ng espada ko at isa pa bakit muba prenoprotektahan ang aliping iyan, isang alipin lang yan kaya kahit mamatay sya ay walang mawawala at walang maghahanap sa kanya dahil alipin lang sya"

Ngiting demonyo ni Lord Rukod. Kong sapakin kaya kitang matanda ka ha! Ang lakas ng loob mo na sabihan akong alipin. Mag sasalita na sana ako ng maunahan ako ng lalaking nag ligtas saakin.

"2nd Lord Rukob hindi mo kilala ang iniinsulto at tinatawag mong alipin at kong ako sayo ay hihingi na kaagad ako ng tawad dahil kong hindi magsisisi ka na hindi mo sinunod ang sinabi ko"

Kalmado pero seryosong sabi ng lalaking nagangalang Lord Khalel. Sa tingin ko kay Lord Khalel ay bata pa ito dahil sa hitsura nyang pang 20± pero hindi ako sigurado dahil baka nasa 1000± narin pala ito katulad sa mag amang Zegan.

"Bakit ko naman iyon gagawin ha! masmataas ba saakin ang isang hamak na aliping bata ehh kahit nga katiting na maharlikang dugo ehh wala siya!"

Naiinis na talaga ako sa matandang ito ang sarap bigyan ng mag-asawang tadyak, suntok, sabunot at sampal. Dehh joke lang matanda parin yan kaya dapat galangin pero ang bastos talaga ng bunganga ang sarap hilahin ng kanyang dila at gawing sisig tapos pakain sa lamok.

Tinignan ko naman si 3rd Lord Khalel na kalmado parin hanggang ngayon habang nakaharang saaking harapan ang kanyang espadang naka harang din sa espada ni 2nd Lord Rukob na tatama sana saakin. Ilang segundo pa akong naka tingin kay 3rd Lord Khalel nang may narinig nanaman akong tumunog saaking utak at may lumabas nanamang hologram saaking harapan na naglalan ng impormasyon ni Lord Khalel.

===================================

Lvl: 973

=====

Name: Khalel

Age: 732
Title: Noble, 3rd Lord, Lord Khalel, Demon Lord, Sword Emperor
HP: 1,900,000/1,900,000
=====
MP: 800,000
Strength: 800,000
Agility: 800,000
Endurance: 800,000
Stamina: 800,000
Defense: 92,000
=====
Magic: [Wind, Water]
=====
Race: White Demon
Gender: Male
=====

Active Skills:

[Water Wall Lvl 23]
[Wind Step Lvl 22]
[Wind Bom Lvl 17]
[Holy Water Of Heaven Lvl 39]
[Wave Of Frezeng Slash Lvl 44]
[Ten Thousand Of Icy Needle's Lvl 52]
[Analyze Lvl 18]
===================================

Sa nababasa kong impormasyon ni Lord Khalel sa hologram na naka lutang saaking harapan ay mas malakas pa sya sakay 2nd Lord Rukod pero bakit 3rd Lord lang sya.

Alam kuna kong bakit naging 2nd Lord si Lord Rukod. Dahil nagpaubaya si 3rd Lord Khalel na makuha ni 2nd Lord Rukod ang ikalawang pwesto. Kong tama ako hihi.

Mas bumigat panga ang aurang nilalabas ng dalawa na nagpa dapa sa apat na gwardya at sakay Zegan habang ako naman ay naka tayo parin at hindi naaapiktuhan ng kahit katiting manlang na aurang nilalabas ng dalawang nasa harapan ko.

Napailing nalang ako sa nakikita ko at sinabing...

"Mag-sitigil kayo"

Kalmado ngunit mayhalong pagbabanta saaking boses nong sinabi ko iyon. Nagtagumpay naman ako at tumigil ang dalawang matanda sa pag papakawala ng kaniling mabibigat na aurang nilalabas.

"Hoy! Alipin ang lakas ng loo----"

"Ohh nakilala nyo na pala ang mahalagang bisita natin, 2nd Lord Rukod at 3rd Lord Khalel"

Putol ng boses babae na nang galing saaking likoran sa sasabihin sana ni 2nd Lord Rukod. Nong humarap ako sa babaeng nasa likuran ko ay talagang nagulat at lumaki talaga ang aking dalawang gintong mga mata sa nasaksihan ko. Ang babaeng nasa harapan ko ay talagang kilang kilala ko at hindi ako nagkakamali kong sino ito.

"F-Freya!"

=====

"General Zeren's POV"

Bwesit! Kanina pa naming tatlo na hinahanap si Goddess End pero hanggang ngayon ay hindi namin sya matagpuan.

"BBOOMMM!"

Rinig kong pagsabog hindi kalayuan saaming tatlo. Nagkatinginan kaming tatlo at tumango pagkatapos sa isa't isa na para bang alam na namin ang iniisip ng isa't isa.

Tumakbo kami ng mabilis at kaliwa kanan, liko dito liko doon sa mga hallway na makikita naman. Sinundan naming tatlo ang pagsabog at hindi nga nagtagal ay naka rating na rin kami sa lugar kong saan nang gagaling ang pagsabog pero ang naabutan lang namin sa hallway na parang dinaanan ng bagyo ay ang isang lalaking Demon na naka handusay at walang malay. At ang napansin ko lang sa boong paligid ay punong puno ng Dark aura kahit ang hangin ay may halong Dark particles na subrang maliliit na kahit ang mga ordinaryong tao o demonyo ay hindi makikita.

"Nang galing na dito si End at baka doon sya dumaan dahil nakikita ko ang Dark particles nya na sumasayaw sa hangin papunta doon"

Turo ni Goddess Light sa isang hallway pero ang hallway na iyon ay napakalaki hindi katulad sa mga hallway na dinaanan na namin kasya lang ang ilang tao kapag naglalakad at isa pa may nakita rin akong mga halaman, puno, bulaklak at iba pa na makikita mo sa mga hardin at may nakikita rin akong mga patay na mga Demon Knight at subrang rami nila.

Hallway paba to o hardin. Kibit kalikat nalang akong lumakad at sumunod sa dalawang kasama ko na nasa malayo na pala at kanina pa ako tinatawag.

Nong naka rating na kami sa dulong bahagi ng hardin ay may nakita kaming babaeng naka talikod saaming tatlo. Naka suot ito ng itim na bistida na hanggang lupa at ang laylayan naman nito ay may mga punit punit na nagsisilbing disinyo ng bistida na bumagay naman sa makinis at maputi nitong balat. At ang napaka itim din nitong hubok na hanggang pwetan nya na naka buwagwag na sinasayaw ng hangin ay bumagay din sa kanya at ang babaeng naka talikod saamin ay talagang kilalang kilala ko at hindi ako nagkakamali kong sino sya, si Goddess End iyon.

"End!"

Tawag ni Goddess Light sa kanyang kapatid nasi Goddess End. Unti unti namang humarap saaming kinaruruonan si Goddess End at ang dating ngisi nito sa kanyang labi ay lalo pang lumapad ng makita nya kami.

Unti unting naglakad si Goddess End papunta saamin na nagpakilabot at nag pataas ng balahibo ko o namin sa boong katawan dahil habang naglalakad papunta saamin si Goddess End ay hindi parin nawawala ang na kakatakot nyang pang demonyong ngisi.

Habang papalapit saamin si Goddess End ay napapaatras naman kaming tatlo.

"Hoy! Bakit kayo umaatras ha!"

Naiinis nyang sabi saamin habang nakatingin sya ng masama saaming tatlo.

"H-Ha w-wala hindi kami umaatras no"

Palusot ni Goddess Light. Tumango naman sya sa sinabi ng kapatid nya at lumapit na saamin. May inabut sya saaming isang gintong bulaklak na ngayon lang nakin o namin napansin.

"Yan naba ang Golden Lutos"

Tanong ni Alex sakay Goddess Braids End.

"Oo ito nanga ang ating hinahanap na magpapagaling sakay Great Diablo"

[Guys pinalitan ko ang tawag nila sakay Diablo. Imbis na Lord Diablo ang itatawag nila ay magiging Great Diablo. Gets]

"Kong ganun tara na baka maymakakita pa saatin at hindi na tayo makaalis pa dito"

Sabi ni Alex. Tumango naman ako para sumangayon sa kanyang sinabi. Nong nakalabas na kami sa harding hallway na iyon ay hinanap na kaagad namin ang labasan ng kahariang ito para makabalik na sa nayon at magamut na sa lalong nadaling panahon si Great Diablo.

Lakad, takbo at liko lang ang aming ginawa ng may humarang saaming dadaanan sanang isa pang hallway.

"Hanggang dyan nalang kayo mga lapastangan na pumasok sa kaharian ni Demon King Luzen"

Tsk paipal talaga ng mga Demonyong pangit at haharang harang patalaga saaming dadaanan ha.

"Alex ikaw na ang bahala sa mga mahihinang nilalang nayan"

Biglang sabi ni Goddess End na tamang tama lang para marinig nang tatlong demong nasa harapan namin. Kinata naman ang pagkainis ng tatlong demonyo sa sinabi ni Goddess End.

"Lapastangan! Anong mahihinang nilalang ang sinasabi nyo! Hindi nyo ba kami kilala ha! Kami lang namang tatlo ang mga Demon Lord ng kontinenteng ito kaya lumuhod kayo at humingi ng tawad saamin!"

Sigaw at taas noong maypagmamayabang sabi ng isang Demonyo na maymalaking katawan kumpara sa kasama nyang dalawang Demonyo ay masmalaki at masmatangkad sya.

"Masusunod Goddess End"

Umabanti ng kaunti si Alex paharap at ginalaw ang mga daliri nya sa kanyang kaliwang kamay na para bang naglalaro lang sya.

"String Puppet"

Bulong ni Alex sa kanyang skill. Bigla namang natumba ang tatlong Demonyo na nasaaming harapan at nagpupumiglas na makawala sa napakaliit o napakanipis na sinulid ni Alex.

"Hoy! Pakawalan nyo kami rito kong ayaw nyong mamatay!"

Sigaw ng isang Demonyong maykalakihan ang katawan, kumpara sa dalawa nyang kasamang Demonyo ay malaki ang kanyang katawan at sya rin ang pinakamatangkad sa kanila.

"Pfft hahaha, kayo pa ngayon ang mayganang magbanta saamin ehh kayo nga itong mahihina at walang magawa para makaalis sa sinulid ni Alex"

Natatawang sabi ni Goddess End sa kanila. Natigilan naman ang tatlong Demonyo at napatingin ng masama kay Goddess End.

"Mga kasama tarana, huwag na natin silang pag-aksayahanpa ng oras at isa pa nakuha na natin ang pakay natin sa kontinenteng ito at iyon ay ang Golden Lutos"

Sabi ni Goddess Light na katabi ko. Naunang naglakad si Goddess Light saamin pagkatapos ay sumunod narin kami at hindi na pinansin ang tatlong Demon Lord na sigaw ng sigaw na ibalik namin ang Golden Lutos sa kanila.

Nong nakalabas nakami sa kahariang iyon ay hinanap kaagad namin ang punong pinaglabasan kanina namin.

Lakad lang kami ng lakad at hindi nagtagal ay nahanap na namin ang isang malaking puno na kakaiba sa lahat ng punong naka tayo sa paligid.

Ang puno ay buhay na buhay pati ang lupang kinatatayuan nito ay buhay rin at maraming mga damong malalago at mga bulaklak na sinasayaw ng hangin at nagliliwanag pa ito habang ang mga punong nasa paligid naman nito ay puro patay at tuyot at pinapalibutan pa ito ng nakakatakot na pulang hamog.

Lumapit na kaming apat sa puno at may mga salitang binanggit si Alex na hindi ko maintindihan. Unti unting umilaw ang puno at sa kanyang katawan ay maynamuong pabilog na pintoan o portal na kasya ang limang katao.

"Tara na at pumasok na tayo para magamut at magising na si Great Diablo"

Sabi ko sakanila at nauna ng pumasok sa portal. Nong nasa loob na ako ng portal ay kaagad ako nitong hinigup ng pababa na parabang gutom na matagal ng hindi nakakain. Habang hinihigup ako ng portal pababa ay kaagad kong inisip ang Golden Tree sa Alzian Continent na nagpabilis palalo sa paghigop saakin ng portal pababa at sa isang iglap lang ay nasa kagubatan na ako na subrang pamilyar saakin.

"Sawakas nakab......BOGGHHHSS!....Crack"

Hindi kuna naituloy ang aking sasabihin ng may biglang sumipa saakin sa likod ko na nagpatalsik saakin ng ilang metro .

"A-Aray!"

Hiyaw ko na bumasag sa katahimikan ng boong kagubatan. Nabali yata ang likod ko, ang sakit kasi ehh.

"Pasinsya na hindi ko medyo sinasadya at isa pa humaharang ka kasi sa daan"

Napatingin naman ako sa babaeng nagsipa at nagsalita, si Goddess End lang pala at kaming dalawa palang pala ang nakalabas sa portal. Unti unti akong tumayo kahit nahihirapan at masakit ang likod ko.

Alam kung nakatingin sya saakin at alam kuring masaya sya sa nakikiya nya ngayon na nahihirapan at nasaktan talaga ako sa pagsipa nya saakin. Nong nakatayo na ako ng matuwid ay tinignan kulang sya ng napakalamig na tagus hanggang buto at pagkatapos ay tinalikuran kuna sya at lumayo pa ng kaunti sakanya baka kasi saktan nya nanaman ako.

Hanggang dumating na sila ni Goddess Light at Alex ay hindi ko parin pinapansin o tinigignan manlang si Goddess End.

"Tara na at bilisan na natin, pagod na kasi ako sa mga taong mapanakit"

Malamig at parinig kong sabi at nauna ng maglakad sakanila.

"Light's POV"

Nong nakalabas na kami ni Alex sa portal ay naabutan namin sina End at General Zeren na napakatahimik na noon naman subrang ingay kong magbangayan at magkasama sa iisang lugar pero ngayon subrang tahimik na kahit ang mga insekto sa paligid ay mahihiyang mag-ingay.

Naglalakad na kami ngayong apat papunta o pauwi na sa nayon kong saan kami nakatira ay hindi ko maiwasang hindi pamatingin sa kanila ni End at General Zeren at alam ko ring napapansin rin iyon ni Alex na kahit sya ay napapatingin rin sa dalawa.

Lakad lang kami ng lakad at paminsan minsan ay may mga nasasagupa kaming mga Magical beast na agad naman naming natatalo at minsan rin ay tinatakasan nalang namin dahil nagmamadali kasi kaming makarating at maibigay ang gamot para kay Great Diablo.

"Gagpahinga muna tayo rito"

Basag ko sa katahimikang bumabalot saaming apat. Hindi ko alam pero hindi ako sanay na subrang tahimik ng aming pagbabalik sa nayon.

Huminto kami sa isang lawa na napaka linis at maraming mga lamang dagat katulad ng isda, alimango at iba pa. Umupo ako sa batong nakita ko katabi lang ng lawa na katabi naman ng inuupoan ko ang batong inuupoan ni End.

[A/n Get's nyo ba? ]

Tumingin ako kay End at tinanong sya.

"End........."

Hindi ko naitulo ang sasabihin ko dahil inunahan nya na ako.

"Oo ako ang maykasalanan at hindi ko naman alam na masasaktan sya ng ganun kalala at isa pa hindi ko rin napigilan ang lakas ko nong sinipa ko sya"

Malungkot at nagsisisi nyang sabi sa akin. Talagang makikita mo sa mukha ni End ang labis na pagsisisi sa kanyang ginawa.

"End ito lang ang masasabi ko sayo at sana tandaan mo ito bilang kapatid na nagmamahal sayo. Alam mo namang hindi tayo nanggaling rito diba at alam mo ring hindi tayo ordenaryo diba, dahil isa tayong Diyos o Diyosa na hindi nabibilang sa mga ordenaryong tao o halimaw at isa pa imortal tayo at hindi tayo namamatay pero pwera nalang kong ang papatay sa atin ay kapwa imortal natin o ibang mga Diyos at alam mo ring mga morlat lang ang mga nilalang na naninirahan sa mundong ito diba kaya ang mapapayo kulang sayo. Pigilan mong uminit ang iyong ulo sa mga maliliit na problema at isa pa humingi ka ng tawad kay General Zeren ok"

Mahaba kong sabi sa kanya habang nakatingin sa kanya ng kalmado. Tumango lang sya saakin at tumingin sa pwesto ni General Zeren na nakaupo hindi kalayuan saamin ni End siguro mga nasa sampong hakbang bago ka makarating sa kanyang pwesto.

Ilang oras pa kaming nagpahinga at pagkatapos ay pinagpatuloy na namin ang paglalakad pauwi sa nayon ng may marinig kaming kaluskos hindi kalayuan saaming apat.

"Narinig nyo bayon"

Tanong ko sakanila.

"Oo"

Sabay nilang tugon saakin at naging alerto sila kaagad ng marinig nila ulit ang kaluskos sa mga damung malalago sa aming harapan.

Bali hindi pa kami nakakalayo sa lawa at sa paligid ng lawa ay may iilang mga malalagong damo na hanggang dibdib namin.

"Rustles Rustles Rustles"

Kaluskos ulit ng nilalang sa malagong damuhan. Naglabas na ako ng Light Sword o ang skill kong Light Sword at ganon din ang ginawa nila End, Alex at General Zeren, kanya kanya silang nagpalabas ng kanilang mga Skill.

Ilang ulit pang kumaluskos at palapit na ito ng palapit saaming pwesto.

"Pagbilang ko ng tatlo tirahin nyo kaagad ng mga skills nyo"

Sabi ko sakanila habang nakatingin sa damo.

"Isa....dalawa....ta......."

Hindi kuna naituloy ang aking pagbibilang ng may lumabas na isang babae sa malalagong damohan at ang babaeng ito ay may dala-dala ring babae sa kanyang likod at ayon sa nakikita ko ay nawalan ng malay ang babaeng nasa likod ng babaeng naglalakad papunta sa aming direksyon.

"T-Tulong, tulongan nyo kami, tulongan nyo ang amo ko"

Hinging tulong ng babae saamin habang umiiyak at walang tigil sa kakatulo ng kanyang luha sa maputi nyang pisngi.

Naawa naman kaagad ako sa kanilang kalagayan kaya kaagad ko itong nilapitan at tinanong kong ano ang ng yari sa kanila.

"A-Ako po si S-Shaiy alipin ni Lady Zoliana at n-nanggaling po kami sa tribong Araw at s-sinalakay po ng mga "D-Dark Mask" ang aming nayon at pinatay nila lahat kahit mga bata ay hindi nila pinalampas, pinatay nila at wala silang tinira pero mabuti nalang at pinatakas kami ng pinuno ng tribong Araw na ama ni Lady Zoliana"

kweninto ni Shaiy saamin habang hindi parin tumitigil sa kakaiyak. Napatingin naman ako sa dalawang lalaking kasama namin ni End at makikita sa kanilang mga mukha ang subrang pagkamuhi at galit ng marinig nanaman nila ang salitang Dark Mask.

"Lintik na mga Dark Mask nayan! Talagang papatayin at uubosin ko talaga silang lahat hanggang wala nang matirang Dark Mask sa mundong ito"

Nanggigigil na sabi ni General Zeren habang nginingitngit nya ang kanyang ngipin. Habang si Alex naman ay ganon parin ang kanyang ekspresyon walang pinagbago, kalmado at seryoso parin pero ramdam na rambam ko ang kanyang galit sa Dark Mask na tinatago nya lang.

Aaminin ko kahit ako nagagalit rin sa Dark Mask kahit hindi ko sila lubosang kilala. Malalaman mo namang masasama silang mga nilalang dahil sa kanilang gawain na pagpatay sa mga kapwa nilalang nila.

"Naiintindihan namin sa ngayon ibaba mo muna ang iyong amo dahil gagamutin ko muna sya, nararamdaman ko kasing maylason ang kanyang katawan at kumakalat na ito ng napakabilis na maaaring maging sanhi ng kanyang pagkamatay"

Kalmado kong sabi sa kanya. Kita naman sa kanyang mukha ang labis napag-aalala sa kalagayan ng kanyang amo na nangangalang Lady Zoliana.

Tinapat ko ang kaliwang kamay ko sa kay Lady Zoliana na malala ang kalagayan dahil sa lasong kumakalat sa boong katawan nya.

"Healing Of Light"

Cast ko sa aking skill sa kay LadtZoliana. Umilaw ng napakaliwanag ang aking kaliwang kamay at ganun din ang ng yari sa katawan ni Lady Zoliana. Umilaw ito ng kulay puti.

Nong natapos na at nawala na ang puting liwanag sa boong katawan ni Lady Zoliana ay kasama naring nawala ang sugat nya o gumaling na ang sugat ni Lady Zoliana at maayos narin ang kanyang kalagayan at ang lason sa kanyang katawan ay nawala na rin pero wala parin syang malay hanggang ngayon.

Napagdesisyonan naming apat na isama nalang sina Shaiy at Lady Zoliana sa nayon kong saan kami nakatira at pumayag naman si Shaiy dahil wala naraw silang pupuntahan o tutuloyan ni Lady Zoliana.

Pinagpatuloy na namin ang aming pagbabalik sa nayon at ilang oras panga ay nakarating na kami sa dulo o sa pinakailalim ng gubat kong saan nakatayo ang nayon na ngayon ay may malaking kahariang pinapatayo at maunlad narin ang dating mahirap na nayon. Dahil kay Great Diablo guminhawa ang buhay ng mga Goblin, pati na kami ni End at sina Zeren, ay malaki ang utang na loob namin sa aming Great Diablo.

Naging maganda na ang sira-sirang nayon at masasabi mong mga mayayaman ang mga nakatira dahil sa mga bahay nilang gawa sa mga datong pinakinis ng husto. At ang mga damit nilang magagara na gawa sa mga mamahaling tila at sida na makikita mulang sa mga mayayamang tao o sa mga maharlikang tao katulad ng hari, reyna, prinsipe at prinsesa.

Nong nakapasok na kami sa loob ng nayon ay sinalubong kaagad kami ng mga goblin ng masigabong palakpakan at may hinahagis rin silang mga ginupit na mga bolaklak sa ere.

Nong nakarating na kaming lahat sa gitna ng nayon ay maymakikita kang malaking fountain na ang nilalabas nitong tubig ay subrang napakabango na kong maaamoy mo ay mapapangiti ka. Ang tubig ng fountain ay naglalabas ng mahalimuyak na bango na nagpapabango sa boong paligid at naglilinis ng hangin sa boong nayon.

kahit nga ang mga Goblin ay kasing bango na ng tubig ng fountain at kahit nga kami ni End at sina Zeren ay ganon din, nagiging ganon narin ang aming mga amoy at kahit maligo kami ng subrang tagal ay hindi nawawala ang mabangong amoy ng tubig ng fountain na parang nakadikit na saaming mga balat.

Nong nasa gitna na kami ng nayon na ang tawag nila ay plaza ay nakita kaagad namin sina Ginoong Fernando at ang tatlo pa nyang mga kapatid at sina Master Urdoja at Leon na nakangiti saamin at sina Alice na kumakaway saamin.

"Maligayang pagbabalik sa inyong apa....may kasama pala kayo"

Sabi ni Ginoong Fernando.

"Oo kasama namin sila at mamaya na ang paliwanag dahil kailangan munang pagpahingahin ng aming kasama dahil ng hihina pa sya at End ibigay muna ang Golden Lutos sakay Master Urdoja"

Sabi ko sakanila at nilapitan si Shaiy at sinabihang sundan ako dahil dadalhin ko sya sa silid nila ni Lady Zoliana. Tumango lang sya at sumunod saakin habang pasan pasan parin nya si Lady Zoliana sa kanyang likuran.

===================================

Sorry talaga mga Demon Reader's ko kong natagalan ako sapag UD, inuna ko kasi ang bago kong story na "Legend of Ainz" sorry talaga at isa pa nakokonsensya ako dahil ang sabi kupa babawi ako. Sorry talaga.

Pagkatapos kong mag UD sa Demon ay mag UUD naman ako sa Legend of Ainz.

Kong hindi nyo get's ganito po yon. Pagkatapos kong mag UD sa Demon ay mag UUD naman ako sa Legend at hanggang matapos ko ang pag UUD ko sa Legend ay mag UUD naman ako sa Demon, at kong hindi pa rin get's, papalit palit po akong mag UUD sa Demon at Legend.

Continue Reading

You'll Also Like

56.5K 2.9K 35
• Ranbir a cold hearted person , have a anger issue • Prachi a kind hearted person , the most stubborn girl both are different in their ways what w...
235K 631 71
Daily kinky pictures
20.4K 39 10
baca ajaa, terserah. ga suka ga usah dibacaa Tapi jangan lupa vote. Boleh request mau yg gimna, komen ajaaaa Siapa tau ada yang pengin request bisa c...
21.2K 375 13
DELULU & GUILT PLEASURE