Stuck Forever with You (Stuck...

נכתב על ידי NerdyIrel

16.3M 184K 62.6K

Meet Kathryn Bernado. Contented na siya sa buhay niya dahil for her, everything's more than perfect na. She's... עוד

Stuck in the Moment (book 1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue
Author's Note

Chapter 20

280K 3K 1.7K
נכתב על ידי NerdyIrel

Sobrang daming nag-comment dun ah! Katuwa kahit nakakaiyak yung mga comments niyo! Hehe. 

*Daming nagalit kay magandang NERDYIREL/Irel or lemme say sakin. AHAHAHAH eh sorry, baliw kasi ako. Kakagaling lang sa mental hospital, balik ulit next month. Minsan lang magpaiyak pero saksak puso naman noh? Hahaha. 

*Daming nagalit kay DANNA ah! Kahit ako, bwisit sa kanya. PERO please lang, don't be a hater kay Danna C. Dun sa character niya lang ah! Hahaha. 

*Dami ring nainis kay KATHRYN. Teka, pagtatanggol ko lang siya. DUH! Kung kayo nasa posisyon niya, sa palagay niyo, di kayo magagalit sa boyfriend niyo? Makita niyo kayang may kahalikang iba yun! Di kayo magagalit? Di niyo naman makakausap agad yun eh kasi galit nga kayo. 

*Daming naawa kay DANIEL. Yah...Biktima nga siya. SOBRANG biktima. Don't worry dj baby, kung di man kayo magkakabalikan ni Kath mo, AKIN KA NA LANG. For sure, di kita paiiyakin.

Hahahaha. Ano kaya magiging reaction niyo dito sa chap na toh? Hehe. ^_^

-------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 20



Kathryn's POV



"Kath, spit it out!" Pagalit na sigaw sakin ni Julia.

Di kasi kami pumasok sa school dahil sakin.

Hindi niya ko maiwan-iwan dahil iyak ako ng iyak.

Baka daw mamaya, saktan ko na naman sarili ko.

"Spit what?" Sigaw ko rin sa kanya.

"I know you so much! May itinatago ka sakin eh! Zharm called two minutes ago. Narinig mo mismo na LASING si Daniel at natutulog dun sa bahay nila Diego ngayon. Bakit ba ayaw mong maniwala samin? Barkada mo kami! Hindi kami magsisinungaling sayo!"

Honestly?

Alam ko naman yun eh...

Alam ko naman talaga.

Alam kong hindi lasing si Daniel...

Alam kong hindi siya nagsisinungaling sakin...

BUT I KEPT ON CONVINCING MY HEAD THAT HE DID.

Gusto ko eh!

Mas hinihiling kong niloko niya na lang talaga ako para hindi kami mahirapan!

"Siguro nga. Pero Juls! Nag-promise kasi siya sakin na hindi siya maglalasing pero sinuway niya pa rin ako!"


"So? Kath naman! Parang yun lang? One mistake and you'll break up with him? Shocks!"


"Eh bakit ka ba sakin nagagalit sis? Ako na nga yung niloko dito eh!"


"That's the point! Alam mong hindi ka niloko ni Daniel but you keep on putting that thought on your head! Bakit? I just don't get it!"



Nanahimik na lang ako.

Lecheng mata toh!

Iyak ng iyak!

Putek, ang sakit na ng mata ko pramis!

Bakit ba kasi hindi ko mapigilang mapaluha?

I heard julia sighed tapos umupo siya sa tabi ko.

"Sis, tell me. Please"


"Para ano? Para sabihin na naman kay Daniel? Para sirain mo na naman mga plano ko?"



"At last! Sinabi mo na rin! So may plano ka nga talaga? Kath, listen to me. Kung hindi ko sinabi yung plano mo a year ago kay Daniel, eh di sana hindi kayo naging masaya diba? Sana nandun si DJ sa america ngayon, kasama si Sofiang-maarte!"


"Yun na nga eh! Kung hindi mo sinabi, eh di sana hindi ako nahihirapan ngayon! Sana hindi nahihirapan si Daniel! Sana hindi kami nasasaktan!"


"Bakit mo pa ba kasi kailangan masaktan kung kaya mo namang ayusin lahat? Talk to Daniel! Listen to him before you break up with him"


"HINDI NGA PWEDE!" Sigaw ko sa kanya.

Ayoko.

Ayokong makausap si Daniel.

I'll just break down.

I'll give up.

"BAKIT?"




"KASI AYOKONG MASAKTAN SI DANIEL! Sis! I heard my mom and Kuya neil talking last night!  Nalaman ko na sobrang kulang yung money na kailangan ng company! Hindi nag-work yung plan ng barkada!!! Kapag nalaman yun ni DJ, itatakbo niya ko! SA PALAGAY MO BA KAYA NAMIN YUN? Oo, mayaman siya! May pera! Mabubuhay kami! Pero yung iwan namin yung family namin? Yung takbuhan ko yung problema ng company? Sa palagay mo, kaya namin yun? Kaya ko? Sis, yung company na lang yung natitirang memory ni papa samin. I can't let that one go...."


Hindi lang naman kasi si Danna yung problem ko.

Pati yung sa company namin.

"Sis...I understand you. Alam kong pressured ka. But please, talk to DJ. Friend ko kayo parehas. Kath, kung company pa rin ang pinoproblema mo, tell Daniel. He deserves to know"



"Kapag nalaman ni DJ yung tungkol dun, hindi niya ko pakakawalan. Masasaktan lang siya kapag in-engaged ako ni Mama sa iba. Hindi ko kayang nasasaktan siya. Kaya mas magandang makipag-break na ko sa kanya para kapag in-engaged ako, less na yung pain na mararamdaman niya"



"Ayan ka na naman! Feeling mo tama ginagawa mo well in fact, hindi! It's not sacrifice! It's suicide!"


"Wala na rin namang patutunguhan yung relationship namin kung magkakabalikan kami...ipapakasal na naman ako sa iba eh. Mawawala din ako kay Daniel"



"Kaya nga! Kung talagang desidido ka na, then tell DJ everything! Hindi yung kakawawain mo siya at papaisipin mo sa kanya na kasalanan niya kung bakit ka nakipagbreak up. Baka magpakamatay yung tao dahil iniisip niya na sinaktan ka niya"


Nanahimik ako dun.

Yung mga words kasi ni Julia, may impact sakin.

Tama siya.

Mali yung pinaplano ko...

"Fine. Sasabihin ko sa kanya pero break na talaga kami. Ayoko na..."

"Sigurado ka ba diyan? Baka pagsisihan mo yan. Ready ka bang pakawalan si Daniel? Tandaan mo, kapag ginawa mo na yan, wala ka ng babalikan. Daniel might find someone else"



Ayun. Hagulgol na naman ako sa iyak.

SINONG HINDI MASASAKTAN KAPAG IN-IMAGINE MONG MAY MAHAL NA IBA SI DANIEL?

Eh yung kahalikan niya nga na si Danna, na I'm sure hindi gusto ni DJ, durog na durog na puso ko.

Yun pa kayang may mahalin na iba si DJ?

"Wala naman akong choice eh"


"I kept saying this to you Kath. It's your life. You choose what you'll do with it"


"Not with my life. Wala akong choice sa life ko..."


Umiling na lang siya at niyakap ako.

"I promise na wala akong sasabihin na kahit na ano kay DJ. Hindi na ko mangingielam ngayon. I understand you. You're doing this because you think this is the right thing to do. I just hope na makaya mo lahat ng problema mo sis. Always  remember na nandito lang ako para sayo"



"Thank you Julia. Thanks sa lahat....Mami-miss kita"


"Mami-miss?"

I took a deep breath.

 "Pupunta na ko sa America. Kailangan kong lumayo for Daniel. For me"

Daniel's POV

I groaned. Shet.

Ang sakit ng ulo ko.

Minulat ko yung mga mata ko tapos napansin kong nasa guest room ako ni Diego.

Ugh. Nakatulog nga pala ako dito...

Biglang bumukas yung pintuan tapos nakita ko si Zharm. 

 "Uy, gising ka na pala"

"Hindi pa. Tulog pa ko"

Tinignan niya ko ng masama kaya natawa ako.

"Corny mo DJ. Tagal na niyan"


"Teka, anong oras na ba?"


"12 noon"


O_O

"Tanghali na pala?"


"Ay hindi. Gabi pa! Gabing-gabi pa. Don't mind the tirik of the araw---"


"Heh!"


Umupo siya sa tabi ko tapos hinawakan niya yung ulo ko.

o_O

B-bakit?

"Okay ka lang?"


"Ha? Bakit?"


"Para kasing may mali sayo DJ"


"Nababaliw ka lang. Anyway, alam mo ba? Nagkaroon ako ng dream. Shit. Nagbreak daw kami ni Kath dahil kay Danna. Putek! Badtrip talaga yung dream ko! Nightmare na nightmare! HALA! Speaking of kath, di niya nga pala alam na nakainom ako. Tsk. Masasapak ako nun. Teka, puntahan ko muna siya"

Tumayo na ko pero hinawakan ni Zharm yung wrist ko to stop.

"DJ...hindi naman dream lahat ng yun"

"Ha?"

Ano bang sinasabi niya?

Baliw tong si Zharm.

"Daniel, lahat nang yun nangyare. Nakita ni Kath yung paghalik sayo ni Danna. Nakipagbreak siya sayo kagabi. Pero don't worry, kasama siya ni Julia ngayon"


"Pwede ba Z! Paano mo naman yung paghalik sakin ni Danna? Teka, ang gulo eh! DREAM nga lang yun!"


"Hindi nga! Ang kulit mo namang malasing eh! Tignan mo yang necklace at ring na hawak mo! Diba binigay sayo yan ni Kath?"


Napatingin ako sa kamay ko...

Yung promise ring at necklace namin.

Unti-onti kong inisip lahat ng mga nangyare kagabi.

Totoo lahat ng yun?

Pero...hindi pwede.

"Daniel, maayos niyo pa yan. I'm sure of it"


"Sana nga Zharm. Puntahan ko muna siya ha. Thanks"


Tumakbo na ko palabas ng bahay tapos nag-drive na ko kaagad papunta dun sa bahay nila Kathryn.

Ilang beses akong nag-door bell bago may magbukas ng gate.

Si Julia.

"Juls, si Kath"


"Uhmm....I don't think na it's the right time to talk to her DJ----"


Tumakbo na ko papasok sa bahay nila tapos paakyat sa kwarto ni Kathryn.

I stopped when I saw her...

Crying.

Her eyes became wide when she saw me tapos iniwas niya kaagad yung tingin niya.

Pinunasan niya yung mga luha niya tapos nagsalita siya.

"Anong ginagawa mo dito?"


"Kath, magusap tayo"


"Naguusap naman tayo ah"

Pinilosopo pa ko. (-_-)

I sat beside her pero lumayo siya.

"Kath, just please let me explain. Please..."

Tinignan niya lang ako pero hindi siya nag-salita.

I guess...that's the cue.

Hinawakan ko yung mga kamay niya ng mahigpit before ako nagsalita.

"Kathryn, hindi ako nagchi-cheat sayo. I promise. As in, lasing lang ako at akala ko, ikaw yung hinahalikan ko. Remember last year? Yung hinahalikan ka ni Quen and you thought it was me? Ganun din ako. Akala ko ikaw yun. Kath, listen to me please. I would never do anything to lose you. Mali yung mga sinabi mo na niloloko lang kita at hindi na kita mahal dahil MAHAL na MAHAL kita. Alam mo yan. Please, ayusin na natin ito. Ayokong mawala ka sakin"



Para siguro akong batang nagmamakaawa dito but I don't care.

Ibang usapan na ito eh.

SHE BROKE UP WITH ME LAST NIGHT.

Ayoko nun.

Hinila niya yung mga kamay niya kaya nagulat ako then tears fell down her eyes.

"Okay, I believe you"

Para akong nabuhayan nung sinabi niya yun.

Niyakap ko siya kaagad pero...nagulat ulit ako nung tinulak niya ko.

"But that doesn't mean na makikipagbalikan na ko sayo" Bulong niya without meeting my eyes.

@_@

Sobrang naguluhan ako sa sinabi niya.

Akala ko ba, naniniwala na siya.

Akala ko ba, okay na kami.

"A-ano? Bakit? Gusto mo bang manligaw ako ulit? Okay sige! Liligawan kita ulit!"


"Daniel stop. You heard me, I don't want you anymore"



I frowned when she said that..

Her words kept on repeating in my head.

She doesn't want me anymore? B-bakit?

"Daniel, galit pa rin ako sayo. Galit ako dahil hindi ka tumupad sa usapan natin. Naglasing ka pa rin. But the real deal here is, ayoko ng maging girlfriend mo ulit. I just....I don't wanna be hurt again and I don't want to hurt you"



"Hurt me? Kath, kahit kailan, hindi mo ko nasaktan. Please naman----"


"DJ, stop. Wag mo ng ipilit. Ayoko na. Pagod na ko..."


Hinawakan ko kaagad yung mukha niya para titigan niya ko.

"Listen to me, I know you're just depressed and stressed. Kath, if you want space, I'll give you. Just...please don't say that. Hindi pwedeng mawala ka sakin...."



"I want more than space. I want you gone"

Sobrang naiyak na siya pero her words were clear. I understand what she said.

"What?"



"Daniel, siguro nga madami akong nasabi kagabi na hindi ko naman dapat sinabi. Galit lang kasi ako. Pero ngayon? Kung ako tatanungin mo ngayon? Nakapag-decide na ko. Ayoko na sa relationship natin. Ayoko na sayo"


Oo, lalake ako.

Pero hindi ko kinahihiyang umiiyak ako sa harap ni Kath.

Hindi ko na kasi kayang pigilan yung sarili ko eh.

"Kath, bakit? Kung nasaktan kita, I'm really sorry. Pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla mo na lang gustong mag-give up. Kath naman! May promise tayo sa isa't-isa! Akin ka lang diba? And I'm yours. We  love each other....AND WE PROMISED EACH OTHER na forever na tayo! Na hindi na tayo maghihiwalay hangga't mahal natin ang isa't-isa!"

"Yun nga eh...paano kung hindi na kita mahal?"


I stared at her eyes at tinitigan niya rin ako.

Bingi na nga siguro ako.

Or di kaya, baliw na.

Malay mo, nagi-illusion lang pala ako.

Kasi sa realidad?

Hinding-hindi masasabi ni Kathryn yan.

Kasi mahal na mahal niya ko.

"Mahal mo pa rin naman ako diba? Kath?"


"DJ...just go...please...Dadating na sila Mama"


"Kath. Sagutin mo muna yung tanong ko"


"Daniel....sige na. Umalis ka na"

Parang double meaning yung sinabi niya or siguro, praning lang ako.

Tumayo na ko dahil mukhang wala na talagang intensyong kausapin pa ko ni Kath.

"I'll see you tomorrow..."

Di na siya nagsalita. Lumabas na rin ako ng kwarto niya.

Putek! Naiiyak ako!

Ano bang nangyayare sa kanya?

Bakit niya ba ko inilalayo sa kanya?

Naguguluhan na ko!

Ang sakit na!

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para maayos namin toh.

Para kasing ayaw niya na talagang ayusin.

>_<

Siguro nga, kailangan niya lang muna ng time.

Siguro....kailangan niyang mag-isip.

Sana lang, maisip niya na mahal na mahal ko siya.

Julia's POV

Shet.

Kung may taong malala na ang sakit sa ulo, ako na yun!

Lechugas tong dalawang ito!

Hinagupit na naman ng bagyo!!!

Susme!

Ano ba kasing nangyayare sa kanila?

Dati, deniel king and queen.

Tapos nung naging sila, muntikan mag-break dahil kay enrique-sofia-fakedeal-sacrifice thing.

Tapos after nun, away bati. Away bati.

Then lately kung kelan maayos na sila...

Tsaka nagkaroon ng Danna-Company-Engagement thing. LECHE!

Sumasakit ulo ko pramis!

Naawa ako sa kanilang dalawa eh!

Si Kathryn, makikipagbreak na kay Daniel para hindi masaktan si DJ kapag na-engaged siya dun sa lalakeng anak ng kaibigan ni Tita min.

Ito naman si Daniel, nalilito kung bakit nakikipag-break si Kath.

ANO BA!!

Sila nga yung naging way namin ni Albie kung bakit kami tumagal tapos ngayon...wala akong magawa para maibalik ko yung favor na ginawa nila samin.

I wanted to tell DJ but I promised kath that I'll keep my mouth shut this time.

Buhay kasi nila yun eh!

Hindi pwedeng umepal ako palagi.

Hindi pwedeng mangielam ako.

Pero isa lang ang alam ko...

If it's meant to be, it will be.

Atsaka, naniniwala ako na may reasons kung bakit nagkakaganyan sila.

Sana lang maayos nila yan.

Sana tama yung gawin nilang desisyon.

Teka lang, huntingin ko muna boyfriend ko.

Isa pa yun! Magaaway talaga kami nun!

Aba! Naglasing pa siya haaa!!

Pektus abot nun sakin. Akala niya.

>=/

Kathryn's POV

Kath, tama ginagawa mo.

Masasaktan man kayong dalawa ngayon, atleast, hindi ganun kasakit kapag napunta ka na sa iba.

Matatanggap din yan ni Daniel, for sure.

Siya pa. Eh ang lakas lakas nun.

Naalala ko na naman yung ginawa ko last year...

Nagsinungaling din ako kay DJ.

*sigh*

Tumayo na ko tapos bumaba na ko papunta sa kitchen.

Umuwi na muna pala si Julia.

Na-convinced ko na rin kasi siya na kaya ko.

Siguro nga, kaya ko physically.

Mentally? Babagsak na ko.

Umupo ako saglit dun sa kitchen chair tapos narinig kong dumating na sila Mama.

"Kath! Anak!" Sigaw niya.

"Sa kitchen ma!"

Pumunta yung dalawa na may dala-dalang groceries.

"Si Julia? Diba dito siya nag-sleep over?"


Oo nga pala.

Nilihim ko kay mama yung pag-break down ko kagabi.

Dun ako umakyat sa may puno papuntang terrace ko.

Tapos si Julia, nagpanggap na kakadating lang at nakiki-sleep over.

"Umuwi na po"


"Ahh...Bakit namamaga yang mata mo? Tsaka di ka pa naliligo ah! Dugyot!" Sabi ni Kuya.

"Nag-away kasi kami ni Daniel"

Bulong ko. Tumigil sa kakatawa si Kuya tapos napatingin sakin.

"ANO?"

"Mali pala. Nag-break up na kami..."


"That's good" Sabi ni Mama.

I know. Good for you. Good for the company...

"Good? Bakit mama?" Tanong ni Kuya Neil.

Asus. Ang slow talaga ni Kuya. Di niya pa na-gets kaagad.

"Ahh no. I'm sorry ahh...bakit?" Sabi ni Mama.

"Para sa company"

They both stared at me.

"Bunso, I'm sorry..."


"Buti pumayag si DJ" Sabi ni Kuya Neil.

"Wala na rin naman siyang magagawa kapag ayoko na diba? Kahit gusto niya kong ipaglaban, titigil siya kapag sinabi ko..."

Sana lang malaman nila na dahil sa kanila, nakasira sila ng kaligayahan ko.

Kung tutuusin, di ko pa rin pinapatawad si Mama.

Nilihim niya kasi sakin toh!

Masami nga siguro akong anak pero wala akong magawa.

Yun ang nararamdaman ko eh.

He frowned. "This is stupid. Mali toh. MAMA ano ba! Bakit mo pinapahirapan si Kath? Aish! Nakakainis!"  Naglakad na siya paakyat sa kwarto niya.

I know what kuya felt for me...

Naaawa siya.

"Anak, kung may choice lang ako, hindi ko talaga gagawin ito----"


"Ma. I don't wanna argue with you. I understand the situation here. Pero ma, pwede ba kong humingi ng favor?"


"Ano yun anak?"


"I wanna go to New York the day after tomorrow"


"Magbabakasyon ka? Bakit sa isang araw kaagad?"


"I'm not going there for vacation. Payag na po ako sa kailangan kong gawin for the company pero gusto ko pong lumayo dito. Dun na lang ako. Please"

Dun na lang ako para hindi ko maalala araw-araw si Daniel.

Para less yung pain.

Para makalimutan niya na ko...

Shit.

Sakit ng heartbreak.

Julia's POV


Kinabukasan....

"Aalis na ko papuntang New York guys...Dun na ko titira" Sabi ni Kathryn samin.

Nandito kasi kami sa may garden.

Pinatawag kami ni Kath eh.

Pansin ko nga na wala si Daniel...

So talagang hindi na sila nagayos.

Talagang tinotoo ni Kathryn yung pakikipagbreak-up niya with DJ.

:(

Bea: "ANO?"

Zharm: "WHAT?"

Albie: "BAKIT?"

Jake: "KELAN?"

Diego: "WHY?"

Kung makasigaw naman sila, akala mo ang layo namin ni Kathryn.

Well, can't blame them. Nagulat sila eh.

"Bukas. Aalis na ko bukas..." Sabi ni Kath.

I stared at her.

Yung itsura niya? Nakakaiyak.

I know her too much.

Kahit hindi siya naiyak ngayon, alam kong sobrang lungkot niya at nasasaktan siya.

Naawa na talaga ako sa kanya.

Zharm: "BUKAS?"

Bea: "THE HECK!"

Zharm: "TSAKA BAKIT MO KAMI IIWAN?"

Albie: "PAANO SI DANIEL? BREAK NA BA TALAGA KAYO?"

Jake: "ALAM NIYA BA TOH?"

Bea: "PUMAYAG BA SIYA?"

Diego: "WALA MAN LANG DESPEDIDA?"

Binatukan naming dalawa ni Zharm si Diego.

Putek! Pagkain pa rin iniisip niya for sure.

"Sorry naman, gusto ko lang makitang ngumiti si Kath pero mukhang imposible"


"I'm sorry guys. Pero as much as possible, nahihirapan na kasi ako. Gusto ko lang makalayo..."


"At si Daniel?" Tanong ni Albie. Siniko ko nga siya.

Alam niya na nga na mukhang iiyak na si Kathryn everytime na nababanggit si Daniel.

"Wala na kami"


"Sinabi mo na sa kanya Kath?" Tanong ni Bea.


"No need. Anyway, mami-miss ko kayong lahat pramis! Sana makadalaw kayo dun. Ikaw sis? Sure kang hindi ka sasama sakin?"


Kath knows na gustong-gusto kong pumunta sa New York. It's fun in there.

Kaso...

"I can't leave my life in here especially Albie" Sabi ko.

She nodded.

Shet. Parang mali yung sinabi ko.

Para kasing pinamukha ko sa kanya na mas lucky ako dahil may boyfriend akong MAHAL ko at pamilya na maayos.

Zharm: "Kath, sure ka na ba?"

Jake: "Matagal ka rin naming hindi makikita"

Bea: "Mami-miss ka namin!"

 Albie: "Ingat dun okay?"

Diego: "Paparamdam ka ha"

Niyakap nila si Kathryn isa-isa.

Nganga tuloy ako dito.

Umiiyak kasi si Zharm at Bea pero ang bilis naman nilang matanggap yun.

Eh ako nga, sinigawan ng sinigawan si Kathryn kahapon.

Iyak pa ko ng iyak!

Ngayon ko nga lang talagang natanggap yung sinabi niya eh!

Tapos sila, ilang minuto lang?

:'(

Sabagay....Mas matagal kasi pinagsamahan namin ni Kathryn.

Simula bata pa kami, magkasama na kami.

At alam kong hindi kami sanay na mahiwalay sa isa't-isa.

We're like twins! Kahit minsan lang kami nagkakausap since nag-college kami, okay lang yun dahil alam kong nandito lang siya sa Pinas.

Pero yung sabihin mong, lalayo talaga siya na hindi ako kasama?

Nakakalungkot talaga.

Umiyak na rin ako kasi nga, nadadala ako sa sitwasyon naming lahat.

Tapos iniisip ko pa yung mga mangyayare kapag wala na bestfriend ko.

Kaya niya kaya sarili niya dun?

Paano kung may nangaway sa kanya?

Sinong magtatanggol sa kanya?

Yung fashion niya! She needs me!

"Kath, wag ka na kasi umalis"

Sabi ko.

Ito yung line na 100 times ko ng sinasabi sa kanya since yesterday.

Kahit sa text, ganyan din.

"I'm sorry Juls...di pwede" Tapos niyakap niya ko.

"Guys, uuwi na ko. Hindi na ko papasok ngayon kasi inaayos na ni Mama yung sa grades ko para makalipat na ko ng school dun. Mag-skype tayong lahat ah! Twitter! Facebook! Tapos don't forget to call me sometimes! Mami-miss ko talaga kayo" Sabi niya, kahit siya umiiyak na ulit.

Gusto ko sanang banggitin si Daniel kaso naalala kong mas hahagulgol sa iyak yan.

Alam na kaya ni DJ?

Teka, nasan ba yung mokong na yun?

"Ah sis. Sige, ingat ah! Ihahatid ka naming lahat bukas sa airport. Teka lang, may pupuntahan lang ako. Albie babes, kita tayo mamaya ha! Mwah!"


Tumakbo na ko kaagad palayo sa kanila.

Baka kasi habulin pa ko ni Albie, mahirap na.

Tsaka magtatanong pa yung mga yun kung saan ako pupunta.

Pupunta lang naman ako kay Daniel Padilla.

He's my friend. I want to talk to him.

Pagpunta sa bahay nila, pinadiretso ako nung bodyguard nila sa kwarto ni Daniel.

I knocked 100 times pero hindi niya binuksan kaya I decided to come in.

"Daniel-----"

I stopped speaking when I saw him sitting at his bed. May hawak siyang picture frame...

Then I realized it was kathryn.


"DJ" Napatingin siya sakin sabay punas ng luha niya.

Ngayon lang ako nakakita ng lalakeng umiiyak pero sa case niya, naiiyak na rin ako kaagad.

He looks like he's in so much pain.

Mahal na mahal niya talaga itong bestfriend ko.

"B-bakit Julia? Sorry. Di kita napansin"


"Okay ka lang?" Tanong ko. Umupo na ko sa tabi niya then he sighed.

"Hindi nga eh. Naguguluhan na talaga ako. Juls, may mali ba sakin? Di ko talaga gets. Sabi ni Kathryn sakin, naniniwala siya na hindi ako nag-cheat pero bakit ayaw niyang makipagbalikan? She keeps on saying na she's tired and she wants to stop our relationship. Bakit? Hindi niya ba ko mahal?"


I touched his hand kasi ramdam na ramdam ko na nasasaktan na siya.

Kawawa din toh. Parehas sila ni Kath.

"Daniel, kath loves you more than her life. You know that. I know that. And everyone does. But sometimes, kailangan ni Kath gumawa ng decisions for her life. Ayokong magsabi ng kahit na ano dahil ayokong pangunahan yung bestfriend ko pero...I want you to know na she's doing this for you. Always you. Sa lahat ng ginagawa ni Kath, iniisip niya yung kabutihan mo"


May tumulo na namang luha sa mata niya pero agad niyang pinunasan yun.

Mga lalake talaga...

Ayaw nilang nakikita silang umiiyak.

Bakla lang daw kasi gumagawa nun. Tsss. I don't believe that.

"Iniisip yung kabutihan ko? Paano? Julia, gulong-gulo na ko!"


"Yung company ni Kathryn yung problema niya DJ"


I admiited the truth.

Alam kong nag-promise ako kay Kathryn na hindi ko sasabihin yun kay Daniel pero hindi ko kayang hindi gawin.

Sobrang naaawa na ko kay DJ.

I know kath.

She won't tell him anytihng.

Inaalala ko lang naman si DJ.

Baka magpakamatay yan eh.

He's so depressed.

"Pero pinagusapan na namin yun. Ipaglalaban ko siya until the end basta payagan niya lang ako. Basta hayaan niya lang ako. Pero ang masakit kasi dito ay she wants me to stop and let her be engaged with someone else. Hindi niya pa sinasabi sakin yun ng diretso pero ramdam kong yun yung dahilan. Ang sakit lang kasi she's giving up..."


"Daniel, wala siyang choice"


"Meron! MERON!" Napailing na lang siya kasi naiinis na siya. "May choice siya at alam niya yun"

Yun nga rin sinabi ko sa kanya.

Na may choice si Kath sa buhay niya pero her mind is set.

Ganyan siya.

Kapag nakapag-desisyon na siya, wala ng makakabago ng isip niya.

Besides Daniel...

"Talk to her for the last time. Tell her everything you wanted to say"


"Last time?"

Oo nga pala...sinabi niya kay Bea na 'no need' ng malaman pa ni Daniel.

Psh. He needs to know everything!

"Aalis na siya abroad"


"ANO? P-pero bakit? BAKIT NIYA KO IIWAN? Tss" Napatayo pa siya sa gulat.

"Hindi lang ikaw. Pati kami ng barkada...."


"Alam na nila? Alam na nila noh? Ako na lang hindi nakakaalam!"


"Kakasabi lang ni Kath kanina"


"Hindi pwede toh! Bakit niya ba ginagawa sakin ito?"


"DJ, calm down! You think she wants this? Hell no! Hindi masaya si Kathryn sa ginagawa niya!"


"Yun naman pala eh! Bakit pa niya kailangan saktan yung sarili niya? Para sakin na naman?"


"And for her family"



"ARGH!"

Sigaw niya. Halatang inis na inis na siya. Tinapon niya pa yung mga gamit niya sa sahig.

Hindi ko naman siya magawang pigilan dahil baka ako yung mapagbuntungan niya ng galit.

I know what he felt.

He's mad at himself kasi wala siyang magawa para maging masaya si Kathryn.

Bigla niyang kinuha yung susi na naitapon niya sa sahig tapos naglakad siya palabas ng kwarto. Hinabol ko siya kaso ang bilis niya.

"DANIEL! Saan ka pupunta?" Sigaw ko.

"Kay Kathryn...I have to talk to her" Sabi niya.

I stopped running and let him go.

He's right. They have to talk.

They really have to.

Daniel's POV

Putek! Ang sakit ng ginagawa ni Kathryn sakin!

Naliwanagan ako nung kinausap ako ni Julia.

Kung hindi talaga dahil sa kanya, hindi ko maiintindihan na kaya nakikipaghiwalay sakin si Kath ay dahil ayaw niya kong masaktan.

Pagdating dun, magdo-door bell sana ako nung nakita ko yung sasakyan nila Tita Min.

Putek! Wrong timing!

Nandito pala sila!

Dun na lang ako sa likuran ng bahay nila Kath pumunta.

Saktong nakabukas yung pintuan sa may terrace.

Agad-agad akong umakyat sa puno papunta sa may terrace.

(Play the multimedia at the right side for better reading. Pramis effective, try niyo...)

Pagtingin ko sa may kwarto ni Kathryn, nakita ko siyang nagi-impake ng mga damit niya.

There were tears on her eyes...

"Kath, mag-usap nga tayo" Napatingin siya sakin tapos pinunasan niya yung mga luha niya.

Kathryn's POV

"Nagmamadali ako DJ" I pretended as if I don't want to talk to him.

Pero yung totoo?

Gustong-gusto ko na siyang yakapin at sabihing itakbo na niya ko.

Tumalikod na ko sa kanya at inayos ko na yung mga damit ko pero bigla niyang hinawakan yung wrist ko. "Kath, please. Sige na"

Napatingin ako sa kanya...

Yung mga mata niya nagmamakaawa.

Putek! Ano ba Daniel!

Nahihirapan na nga ako tapos dinadagdagan mo pa?

"May kailangan pa bang pag-usapan DJ? Ano pa ba ang dapat mong sabihin?"


"Bakit hindi mo sinabi sakin na pupunta ka na sa ibang bansa bukas? Ha? Bakit?"



I stared at him.

Isa sa barkada ang nagsabi sa kanya for sure.

"Hindi mo naman kailangan malaman Daniel"


"Iiwan mo ko! Anong hindi kailangan malaman? KATH! ANO BA!"



"IKAW ANG ANO BA! BAKIT BA ANG KULIT-KULIT MO? BAKIT BA HINDI MO MATANGGAP NA AYOKO NA SAYO!"

"Kasi alam kong ginagawa mo lang toh para hindi ako masaktan!" Sigaw niya sakin.

"Eh yun naman pala eh! Alam mo na! Pwede ka ng umalis dito! Nasabi na natin yung pwede nating sabihin sa isa't-isa"


"Hindi kath. Marami pa tayong hindi nasasabi sa isa't-isa"

Hinila ko na yung wrist ko tapos tinignan ko siya ng masama.

"I'm going to London tomorrow! Iiwan na kita! Give up already! Aren't you tired of this? I'm pushing you away! Makiramdam ka naman!"

I told him na sa london ako pupunta kahit na sa New York talaga.

Ewan ko pero parang yun ang right thing to do.

"Ganun na lang yun? Kath, ganun na lang? Ang dami nating pinagdaanan? Tatapusin natin ng ganun? Papayag lang ako kapag sinabi mo harap-harapan sakin na hindi mo na ko mahal"


Tears fell down when I heard him say that.

"Bakit? Para masaktan ka pa? Don't let me say something you'll regret to hear"


"Sabihin mo sakin na hindi mo na ko mahal. Tumingin ka sa mga mata. I'm letting you go if you did"

I just stared at him.

I can't!

I freaking can't!

MAHAL NA MAHAL KO SIYA EH!

BAKIT NIYA PA BA KO PINAHIHIRAPAN?

ANO TOH? GANTI NIYA SAKIN?

"See? You can't. Deep inside you, You know you still love me" Bulong niya sakin.

"Kath, you think it'll be less painful if you broke up with me first bago ka i-engaged but you're wrong. Mas masakit na nakipaghiwalay ka sakin"


Napayuko na lang ako kasi hindi na ko makapagsalita.

Ang sakit ng mga sinasabi niya.

Nagulat na lang ako nung bigla niya kong hinalikan.

He pushed me to the wall tapos he kissed me hungrily.

Napapikit na lang ako tapos naiyak ako.

Last kiss....

Again...

But this time, it'll be real. 

I kissed him back kahit na alam kong mas mahihirapan kaming dalawa mag-let go kapag ginawa ko yun.

Tinulak ko na rin siya kaagad tapos tumitig ako sa kanya.

This maybe the last time I'll ever see your face again...

I'm going to miss you so much my Daniel.

"I'm gonna wait for you...dun sa special place natin. Sa kathniel place. Yung lugar kung saan tayo nag-promise sa isa't-isa na walang iwanan. Basta maghihintay ako. Kahit na bukas ka pa dumating basta pumunta ka lang. Kapag pumunta ka, ibig sabihin mahal po rin talaga ako at bibigyan mo ko ng chance na ipaglaban ka"



"And if I don't?"


Iniwas niya yung tingin niya sakin nung tinanong ko siya ng ganun.

"That means goodbye. That means you don't love me anymore. That means you're giving up"


"Daniel, don't expect me to go there" Sabi ko.

"I'm not expecting you. I know you'll do"

Tumalikod na siya pero hinawakan ko bigla yung mga kamay niya.

Ayoko pang lumayo siya...

Ayoko pa...

He sighed tapos parang nabasa niya yung iniisip ko.

He wiped my tears off then he kissed me again.

Long enough to make me feel he loves me so much.

Shemay ka Daniel! Ang sakit ng ginagawa mo!

Mas di ko kayang lumayo sayo nito eh!

He pulled out then he rested his forehead into mine.

 "I hope you know how much this hurts. I don't want you to go Kathryn kaya sana, pumunta ka. Sana wag mong isipin na wala ka ng choice"

Bigla siyang may nilagay sa ring finger ko...

Y-yung...promise ring namin.

I looked up to him tapos nilagay niya yung promise necklace naming dalawa.

"Mahal na mahal kita Kath. Ayokong mawala ka sakin"

I wanted to tell him I love him too kaso...di na ko makapagsalita.

Halos di ko na nga siya makita kakaiyak.

He hugged me tightly before he let go.

"I'll wait there"

Tapos naglakad na siya papunta sa terrace.

"Daniel" Bulong ko. He looked at me tapos nag-take deep breaths ako bago ako nagsalita.

"Goodbye"

He frowned pero umiling siya. "Wag kang mag-bye sakin dahil magkikita pa naman tayo..." Pinanuod ko na lang siyang makababa at makaalis.

Bumalik ako sa kwarto ko tapos may nakita ako...

Yung scrapbook namin.

I opened it tapos nagulat ako dahil ang daming ibang pictures.

Oo nga pala, dinagdagan niya yun.

*********Flashback**********

Paglabas ko ng CR, nakita kong nakaupo si DJ sa may kama tapos may hawak hawak siya...

Yung scrapbook namin!

"Hoy! Ano yan? Binababoy mo? Itigil mo nga!"


"Tss hindi noh! Dinadagdagan ko nga ng pictures yung mga blank pages eh"


I stayed quiet.

Weh? ^O^

Ang sweet sweet niya!

"Patingin"

Lumapit ako sa kanya pero sinara niya bigla yung scrapbook tapos inilayo sakin yun.

"Wag na. Pagnatapos ko na lang hehehe"


"Asus. May pa-surprise surprise ka na naman nalalaman. Patingin na kasi!"


"Wag ka ngang makulit! Sige ka! Tatanggalin ko talaga yang bathrobe mo!"

O_O

*********End of Flashback*********

Napaupo ako dun sa kama tapos lalo akong naiyak.

Ito pala yun. Yung nilagay niya sa mga blank pages.

Yung lahat ng pictures namin...from the start na nagkakilala kami...

Every picture holds a memory of him.

Yung kakulitan niya.

Yung ka-sweetan niya.

Yung kasalbahihan niya.

Yung kalokohan niya.

Siya mismo.

Si Daniel John Ford Padilla ko mismo.

I really can't let you go Daniel....

-------------------------------------------------------------------------

Pakiusap lang, wag naman po kayong magalit sakin dahil 5 days before ako nag-update. Pasensya na po, college student po kasi ako. MAY PRIORITIES lang. Comment na lang kayo tungkol sa chapter okay? Hehehe. ^_^ 

SHET! NAIYAK TALAGA AKO PRAMIS. OA ko nga siguro...pero while typing this, umiiyak ako. Buti magisa lang ako dito sa bahay. Walang nakakakita. 

Kath, wag mong papakawalan si Daniel. I promise, aagawin ko siya sayo kapag ginawa mo yan! Hahaha.

המשך קריאה

You'll Also Like

7K 112 53
We're opposites, but that won't stop us from falling. Date Started: June 24, 2019 Ginawa ko ito sa notes ng phone ko. Iba kasi talaga kapag tinamaan...
250K 16.9K 81
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
281K 7.9K 31
Moving on is not easy as they say, and that is why Xial Gian Bustamante presented himself to be the rebound of Jana Dayne Encarnacion to help her to...
644K 14.2K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...