The Cavaliers: DREW

By mydearwriter

213K 5.1K 183

The Cavaliers Book 2 Iniwan na naman si Drew ng jowa. Laging ganun ang eksena. Siya ay laging inaayawan dahil... More

CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
EPILOGUE

CHAPTER ONE

30.4K 418 17
By mydearwriter

CHAPTER ONE

”AYOKO na. Sinabi ko naman sayo na importante sa akin ang araw na ito at nangako ka sa akin na sasama ka. Dalawang oras ka naming hinintay, hindi ka dumating kaya huwag ka nang magpakita sa akin.”

“Ha?”

“Basta tapos na tayo. We’re done.”

Shocked si Drew. Tama ba ang naririnig niya? Nakikipag-break sa kanya si Tanya sa telepono habang nasa SONA siya? Alam naman ng babae na member siya ng Presidential Security Group- taga-bantay sa Pangulo ng Pilipinas- natural na ang pabigla-biglang schedule kahit wala siyang duty. Off naman talaga dapat niya ng araw na iyun, pero dahil nga nagkataon ding State of the Nation Address, kasama siya sa mga escorts ng presidente nang magtungo ito sa Batasang Pambansa!

Kasalukuyan nang nagsasalita ang Pangulo.

I address you today at a crucial moment in world history. 
Just a few months ago, we ended 2007 with the strongest economic growth in a generation. Inflation was low, the peso strong and a million new jobs were created. We were all looking to a better, brighter future.

“Tanya, mamaya na tayo mag-usap,” bulong niya sa cellphone. Nakatingin sa kanya ang isang colonel na PSG din. Pinindot niya ang off button ng cellphone saka ibinalik sa kanyang bulsa.

Bagama’t hindi siya close-in security ni Madam President, kasama si Drew sa halos lahat ng lakad nito dahil assigned siya sa unit ng Presidential Escorts ng PSG. Nang araw na iyun ay nasa isang tabi lamang ang binata. Bagama’t ilang kongresista ang layo nito sa kanya, tanaw niya pa rin ang pinaka-importanteng tao sa Pilipinas.

Tahimik ang lahat habang nagde-deliver ng kanyang State of the Nation Address ang presidente. Sa magkabilang gilid nito ang Senate President at ang Speaker of the House. Habang ang lahat ay nakatutok kay Madam, si Drew naman ay sa paligid nakatingin. Tungkulin niya ang maging alerto. Despite the strict security sa Batasang Pambansa, hindi pa rin siya dapat maging relaxed. His trained eyes wandered around, while his ears were glued to what his Commanding Chief was saying.

Whatever the reasons, we are on a roller coaster ride of oil price hikes, high food prices and looming economic recession in the US and other markets. Uncertainty has moved like a terrible tsunami around the globe, wiping away gains, erasing progress.”

He loved his job. Actually it’s not just a job but a calling. He vowed to serve God and his Country and he’s good at it. Hindi naman puwedeng talikuran niya ang sinumpaang tungkulin dahil lang sa isang outing?

Bad trip naman talaga itong si Tanya. Naisip na naman niya ang girlfriend. Halos dalawang buwan pa lang niya itong jowa, pero dahil hindi siya nakasama sa birthday nito na gaganapin sa Puerto Galera, eto, at bini-break na siya ng babae. Dinig pa niya ang tunog ng motor boat kanina sa background.

My responsibility as President is to take care to solve the problems we are facing now and to provide a vision and direction for how our nation should advance in the future.”

Napatingin siya kay Madam habang patuloy ito sa pagsi-speech. Hindi man lang nakikita ni Tanya na may responsibilidad ako sa bayan. Saka alangan namang iwan ko si Madam para sa kanya? Naghihimutok talaga ang kalooban niya.

Pang-ilan na ba si Tanya sa mga naging girlfriends niya? Panglabing-walo? Hindi man lang kami umabot ng six months!

Tiyak na kakantiyawan na naman siya ng mga kasamahan niya mamaya kapag nalamang break na naman sila ng bagong girlfriend niya. Sasabihan na naman siyang chickboy, palikero, heart killer. Lahat na.

Sila ang nakikipag-break sa akin, hindi ako! At halos lahat ng dahilan ay related sa military career niya!

IT STARTED when he entered the Philippine Military Academy nine years ago.

Si Helen ang girlfriend niya noon na taga-Mirriam College. Siya naman ay freshman sa Ateneo. Wala naman talaga siyang balak pumasok noon sa PMA, pero biglang namatay ang lolo niyang dating general- at ang huling habilin, pumasok siya sa military. He wanted to be a businessman like his dad, pero baka hindi matahimik ang lolo niya sa kabilang buhay kaya kumuha siya ng exam at nang makapasa ay hindi na umatras. Helen was shocked- hindi nito akalain na totohanin niya ang huling hiling ng lolo niya.

“Hindi naman puwedeng mag-pretend ako na hindi ko narinig ang sinabi niya. Ako kaya ang paborito niyang apo, kaya nandun ako nang malagutan siya ng hininga.”

“I know. You told me that several times. Pero hindi ko alam na gagawin mo nga.”

“Alangang hindi? Gusto mong multuhin ako nun gabi-gabi?”

“Pero sa Baguio ka na mag-aaral. Ang layo mo na.” Nasa Shakey’s Katipunan sila. Mabuti at yung pinaka-sulok ang pinili nilang lugar noon. Hindi halata ang dramang nagaganap.

“Malapit lang ang Baguio. Six hours or less, andun ka na. Puwede ka namang dumalaw. Uuwi din naman ako dito.”

“Di ko yata kaya ang long-distance relationship. Mahirap e.”

“Sus. Hindi pa nga natin nasusubukan, mahirap na. Puwede naman tayong magsulatan. Kapag nandito ako sa Maynila, e di lalabas tayo. Bibisitahin kita. Ayan lang ang bahay ko o, ang lapit lang.” Sa Loyola Heights lang ang bahay nila.

“Madali lang sabihin yun.”

Gusto sanang mainis ni Drew dahil napaka-negative ni Helen sa pagpasok niya sa PMA pero hindi na niya kinontra ang babae. Naisip niya noon na baka nabigla lang ang girlfriend. Pero wala pa siyang three months sa Baguio ay nakatanggap na siya ng sulat. Break na daw sila dahil walang oras ang babae na maghintay sa sulat niya. Nasaktan siya sa ginawa ni Helen pero nagustuhan na niya ang buhay sa PMA. There was no turning back.

Si Cathy ang sumunod. Nakilala niya ang babae nang mag-parade sila sa Baguio City. Nagpa-picture sa kanilang mga kadete si Cathy. Nang yayain niya ang babae na dumalaw sa PMA ay game naman ito. Sa St. Louis University nag-aaral si Cathy, na naging girlfriend niya agad. Pero after one month ay pinauwi ito sa Davao ng pamilya dahil nagkasakit ang ina. Wala na siyang narinig mula sa babae.

Si Alice naman ay every weekend na dumadalaw- pamangkin ng nurse nila sa Infirmary. Three months lang ang itinagal nila dahil na-realize ng babae na mas mahal pala nito ang dating boyfriend na dumating galing Australia. Nakipagbalikan si Alice doon at nagpakasal after one month.

Madami pa ang mga sumunod- sina Donna, Ingrid, Grace, Bea, Valerie… pawang mga naging girlfriend niya habang nag-aaral sa PMA. Madali siyang ma-in-love, laging nagmamahal kahit laging nasasaktan.

Hanggang sa maka-graduate ay dala-dala niya ang bansag ng mga mistah na ‘the heartbreak kid,’ dahil wala na daw tatalo sa listahan niya ng pinakamaraming naging jowa. Para daw alphabet ang love life niya, bawat letra may katumbas na pangalan ng babae. At daig pa daw niya ang multi-vitamins, kumpleto from A to Zinc. Pero kahit anong paliwanag niya sa mga mistah na hindi siya playboy- walang naniniwala sa kanya.



We are three branches but one government. We have our disagreements; we each have hopes, and ambitions that drive and divide us, be they personal, ethnic, religious and cultural. But we are one nation with one fate.”

“Buenavista, malapit nang matapos si ma’am.” Narinig ni Drew ang boses ng kasamahan sa isang pirasong headset na nakakabit sa isang tenga niya.

“Copy. Andito lang ako sa puwesto ko.”

As your President, I care too much about this nation to let anyone stand in the way of our people’s wellbeing. Hindi ko papayagang humadlang ang sinuman sa pag-unlad at pagsagana ng taong bayan. I will let no one – and no one’s political plans – threaten our nation’s survival.”

Ako din, gustong sumabad ng binata. I care too much about this country. Kahit nasasakripisyo na ang personal kong buhay. Wala nang babaeng nagmamahal sa akin dahil kasal na ako sa bayan.

“Stand by na ha,” sabi ng team leader nila sa radyo. Muling sinurvey ni Drew ang paligid. Wala namang kahina-hinala sa loob ng plenaryo. Sa labas lang naman ng Batasan ang karamihan ng mga rallyista.

Inisip niya kung ano ang gagawin mamaya pag-uwi niya. Since hindi na rin naman siya natuloy sa Puerto Galera, baka umuwi na lang muna siya sa bahay nila sa Loyola Heights. Kaso kantiyaw na naman ang aabutin niya, kasi sinabi na niya sa pamilya na hindi muna siya makakauwi dahil may out of town siya kasama ang girlfriend. Siyempre magtatanong na naman ang mommy niya kung bakit na-cancel ang lakad niya. Mahabang paliwanag na naman. Ang ending, malalaman ng lahat na iniwan na naman siya ng jowa. Bad trip.

Our country and our people have never failed to be there for us. We must be there for them now. Maraming salamat. Magandang hapon sa inyong lahat.”

Tapos na ang State of the Nation Address. Huminga muna ng malalim si Drew saka inayos ang barong na suot.

Mas kailangan ako ng bayan. Saka na nga muna yang love life na yan.

Continue Reading

You'll Also Like

376K 8.9K 25
At Paris. On my way to the house i rented ,when I saw an old man looking at me intently. A rugged old man. I pick up a hundred bill on my pocket and...
88.9K 494 3
Heidi Fernandez despises Zaccheaus Ongpauco because of his bad-boy reputation. Despite their habit of arguing, they suddenly realized they were attra...
65.3K 2K 17
Boss Series Book #3 Sean Maximin CadeliƱa Ira is desperately in need of a husband. Kahit panandalian lang. Wala na siyang pakialam kahit na robot pa...
545K 12.1K 29
Caleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But i...