FATED TO F*CK YOU✔

By TitaAmor07

868K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... More

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

Kabanata 32

9.2K 383 93
By TitaAmor07

KABANATA 32

Nagpipigil sa galit si Blue habang humahagulgol sa likuran ng van. Lalong naramdaman niya ang paninikip sa dibdib nang magsalita na si Rosa. Gusto niya itong yakapin para patahanin, pero wala siyang magagawa. Sumilip siya at tiningnan mula sa kanyang kinatatayuan si Rosa na umiiyak habang nagbibigay ng mensahe sa yumao niyang kapatid.

“Sorry, La,” tanging salita na pinakawalan ni Blue.

Nang matapos nang magbigay ng mensahe si Rosa, tumayo na sina Grey, Green, at Katleya. Magkasabay sila tatlo na pumunta sa harapan. Oras na nilang tatlo para magbigay ng huling mensahe sa mahal nilang si Red.

Inunahan ito ni Green...

“Grabe. Hanggang ngayon, sobrang sakit pa rin. Woahhhh! Si Red, siya iyong lalaking iba sa aming apat. Kami iyong wild sa kagubutan at siya iyong anghel sa kalangitan.” Napatawa ito. “Hindi po ako mahihiya kasi totoo naman. Everytime na nag-uusap kaming tatlo ni Grey kasama ang master naming si Blue ng mga kabastusan. Mapapatigil na lang kami bigla kapag tinititigan na niya kami nang masama. Ganoon siyang klaseng nilalang. He can control us. Sa apat na magbabarkada, siya iyong pinaka-close ko talaga kasi minsan sina Grey at Blue hindi ko kaya ang pagkalibog.”

“Grabe kap. Fake news!” pagsingit ni Grey.

Nagtawanan ang lahat.

“Totoo po. Ako na ang nagsabi,” giit ni Green. Dinilaan niya ang kaibigan bago nagpatuloy na magsalita. “Red for me is the perfect person I have known. He is very passionate on his craft, sweet at the same time strict, and a loving best friend to us especially to his life, Blue. At first, napanga-nga talaga ako kung paano sila magmahalan sa isa’t isa. Sobrang mapapa-sana all ka talaga habang tinitingnan sila. Paghalik sa pisngi, noo, yakapan nang mahigpit, at pagpapalitan ng I love you's sa isa’t isa. Ganoon silang magkapatid kaya alam ko na sa ating lahat na kanyang iniwan, si Blue ang pinakanasasaktan.”

Habang nakikinig si Belinda, napataas lang ang kilay nito. Para sa kanya si Blue ang dahilan kung bakit nasa loob ng kabaong ang pamangkin niya.

“Tama si Green,” pagsang-ayon ni Grey. Huminga ito nang malalim. “Kung may tao man na pinakanasasakatan dito, si Blue iyon. Pero asan ka na ba, Blue? Bakit bigla ka na lang nawala? Ililibing na ang kapatid mo, oh. Bakit ngayon ka pa nawala?”

Habang nakikinig si Blue sa likod ng van, napa-upo na ito sa lupa sa kaiiyak. Ang hapdi na ng puso niya. Panay himas na siya sa kanyang dibdib dahil nahihirapan na siyang huminga.

“Sorry sa inyo,” ani Blue.

Nang matapos si Grey magsalita, ibinigay na niya ang mikropono kay Katleya. Nagpipigil na sa kanyang luha ang dalaga.

“Red?” pagsambit pa lang niya sa pangalan ng mahal niya, bumuhos agad ang luha niya. “Salamat sa pagmamahal na inalay mo sa akin. Ang unfair lang dahil ang aga mong kinuha sa akin. Ang dami sana nating pangarap dalawa. Paano iyon?” Nagpakawala ito nang malalim na hininga. “Tama si Tito, ikaw iyong taong laging inuuna ang kapatid bago ang sarili mo. Minsan nga kapag kumakain kami sa isang restaurant, lagi niyang iniisip kung nakakain na ba ang kapatid niya, okay lang ito, mga ganoon. Most of our time we have spent ay hindi mawawala sa bibig niya ang kapatid niya.” Napangiti ang dalaga. “Sabi ko sa isip ko, iyong totoo ako ba ang girlfriend o si Blue? Joke. Never akong nagtampo sa pagiging mapagmahal niya na kapatid. Kung tutuusin lalo lang akong kinikilig sa kanya dahil kung ganoon niya kamahal ang kapatid niya ano na lang kaya kung magiging ama na siya. Pero ang lungkot dahil hindi na iyon mangyayari dahil wala na siya. Red, sobrang mamimiss ko ang pagiging clingy mo, pagiging sweet mo, pagiging boyfriend mo sa akin.” Tumalikod si Katleya at nagpunas sa luha niya. “Sorry.” Hinimas-himas ni Grey ang likod nito para tumahan. Humarap muli si Katleya at tiningnan ang kabaong ng mahal niya. “Red, my prince, aalayan kita ng kanta. Sana makinig ka, minsan lang ito.”

“Kaya mo pa ba, Kat?” pag-aalala ni Grey. Alam niyang sa simula pa lang, nagpapakatapang na si Katleya.

Tumango ang dalaga at pilit na ngumiti. “Ito iyong kinanta mo sa akin noon. Ibabalik ko lang sa iyo.” Tumingala si Katleya sa itaas sabay patak ng luha sa mga mata niya. “Only heaven knows how I am deeply inlove with you.”

Nakahanda na ang lahat para makinig. Ang iba, nag-iiyakan. Magsisimula pa lang sana si Katleya, pero bumigay na ito nang maalala ang nakaraan. Sobrang sariwa pa sa kanyang puso’t isipan ang panahong kinantahan siya ni Red. Masaya itong nagtanghal para lang sa kanya. Kahit sintunado ito, ginawa pa rin iyon ng binata para mapasaya siya.

Lumapit sina Green at Grey kay Katleya at niyakap ito. Alam nilang hindi na nito kaya kumanta pa. Si Blue naman sa labas ng simbahan ay parang mababaliw na sa kakaiyak. Gusto niyang yakapin ang kaibigan sa loob, pero hindi niya rin magawa. Gusto niyang damayan ito sa sakit na naramdaman nito.

“Red! Why? Why you left me in pain? Hindi ganitong katapusan ang gusto ko,” ani Katleya.

Humagulgol ang lahat maliban kay Belinda. Damang-dama nila ang sakit na naramdaman ni Katleya sa mga salitang binitawan nito.

“Red, hindi kita malilimutan. Salamat sa pagmamahal na ipinadama mo sa akin. Hindi ko alam pagkatapos nito kung makakayan ko pa ba, hindi ako mangangako sa iyo na magiging okay agad ako. I love you, mag-ingat ka sa paglalakbay mo,” si Katleya.

Pagkatapos magbigay ng mensahe nilang tatlo, bumalik na sila sa kanilang upuan. Niyakap sila ng kanilang mga pamilya.

“Yellownora, stop crying,” pagpapatahan ni Black sa kapatid niya.

Pagkatapos ng misa, umalis na sa simbahan si Blue. Nauna na itong pumunta sa sementeryo at doon nagtago. Sumakay lang ito ng taxi dahil iniwan niya ang sasakyan sa tinutuluyang hotel.

•••

Nakatulala lang si Blue habang tinitingnan sa malayo ang paglibing ng kapatid niya. Napakasakit para sa kanya na hindi ito mahatid sa huling hantungan. Umupo siya sa likod ng puno at walang tigil sa pag-iyak. Tumingala lang siya sa kalangitan at panay hingi ng kapatawaran sa kapatid niya sa kanyang isipan.

Makulimlim ito at parang hindi magtagal ay bubuhos ang ulan. Kahit ang panahon, nakikiramay sa kanilang mga pusong sugatan.

Oras ang lumipas, pagsilip ni Blue mula sa pagtatago, nagsi-uwian na ang lahat. Nang masigurado niya na wala ng tao, tumayo na siya sa kinauupuan niya at pinuntahan ang puntod ng kapatid. Nang makarating siya, kinuha niya agad ang pulang rosas sa bulsa niya at inilagay ito sa puntod ng kapatid niya. Wala pang nakalagay rito na lapida.

Tumayo lang si Blue habang umiiyak sa harapan nito. Kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata niya ang pagbuhos ng ulan. Hindi siya gumalaw at parang wala lang sa kanya ang lamig nito.

“Pula? Wala ka na talaga. Nasa ilalim ka na ng lupa. Wala na talagang yayakap sa akin? Wala ng hahalik sa akin? Wala na ang lahat sa akin. Totoo ba ang lahat ng ito? Hindi ba talaga panaginip ang lahat ng ito? Kahit ano’ng gawin ko, hindi ko pa rin talaga matanggap ang pagkawala mo. Bakit ba kasi kailangan mang-iwan? Bakit ba kasi kailangan mo humiga riyan? Ayaw mo na ba sa malambot na kama? Ayaw mo na ba talaga ako makasama? Ang dami kong tanong na kailanman hindi mo na masasagot. Madali lang itong sagutin ng iba, pero ang sagot mo ang hinihintay ko na kailanman hindi ko na maririnig.” Lumuhod sa lupa si Blue at sinubukang hukayin ang kambal niya. “Ilalabas kita riyan. Baka hindi ka makahinga riyan. Mainit diyan. Madilim diyan. Iuuwi kita. Iuuwi ko ang bangkay mo. Mahal kita, Pula.”

Napatigil sa ginagawa ang binata nang may yumakap sa kanya mula sa likuran.

“Tama na, Blue,” pagmamakaawa ni Katleya.

Humiga sa lupa ang binata at tumingala sa kalangitan. Sinalubong niya ang lakas ng buhos ng ulan.

“Pula!” sigaw niya.

“Isigaw mo lang 'yan, Blue. Sigurado akong maririnig ka niya.”

“Talaga? Maririnig niya ako?” tanong ni Blue.

“Oo. Malay mo, nandito lang siya sa tabi natin.”

Nabigyan ng lakas ng loob si Blue dahil sa sinabi ni Katleya. Tumayo ito at inilagay ang dalawang kamay sa gilid ng bibig niya.

“Pula! Miss na miss na kita! Mahal na mahal kita! Pangako ko sa iyo na mamahalin at aalagaan ko si Katleya. Prinsesa mo ito, ’di ba? I can be his soldier to protect her!” sigaw nito.

“Red! Pangako ko na aalagaan ko itong batang iniwan mo sa akin!” sigaw ni Katleya.

Napanga-nga si Blue sabay tingin kay Katleya. “Buntis ka, Kat?”

“Baliw! Ikaw ang tinutukoy ko,” umiiyak na sagot ni Katleya.

Ngumuso si Blue. “Hindi na ako bata.”

Niyakap ito ni Katleya. “'Wag ka ng malungkot. Nandito lang ako. Aalagaan kita.”

Humiga ang dalawa sa lupa.

“Sorry kung umalis ako,” sabi ni Blue.

“Bakit ba bigla kang umalis nang hindi man lang nagpaalam? Ano ang dahilan mo? Pinag-aalala mo sila. Pinag-aalala mo ako.”

“Si Tita Belinda,” pag-amin ni Blue.

Napataas ang kilay ni Katleya. “Bakit? Ano’ng ginawa niya?”

“Isinubsob niya ako sa inidoro kagabi. Sinabi niya sa akin na may sumpa raw akong dala sa pamilya namin. Sinabi niya rin na umalis na ako. Murderer daw ako,” pagkuwento ni Blue.

“Isusumbong ko siya kina Tita Crezelda. Dapat nila itong malaman!” gigil na sabi ni Katleya

“Wag na. Ayaw ko ng gulo. Ako na lang ang magpapakalayo.”

“Kaya mo ba? Saan ka ngayon?”

“Nasa hotel ako ngayon. Bukas, bibili ako ng condo. Iyong perang ibinigay nila lala at dad ang gagamitin ko. Ikaw? Bakit ka nandito? Dapat umalis ka na, 'di ba?”

“Naramdaman ko kasing nandito ka sa paligid. Alam ko kung gaano mo kamahal si Red kaya imposibleng wala ka sa huling pagkakataon na makita siya.”

Yumuko si Blue at tiningnan ang puntod ng mahal na kapatid. “Hindi ko nga siya nakita. Pero naramdaman ko naman siya rito sa puso ko. Ilang beses na akong humingi sa kanya ng patawad. Alam kong pinapatawad na niya ako.”

“Iyon ang sigurado ako,” ani Katleya.

“Salamat.”

Humakbang si Blue sa puntod ni Pinkerlia. Lumuhod ito at hinimas ang lapida ng kapatid niya. Umiiyak ito habang ginagawa niya iyon. Humihingi rin siya ng paumanhin dito. Alam niyang malaki rin ang kasalanan niya rito. Minuto ang lumipas, napagpasyahan na niyang umuwi.

Tiningnan niya si Katleya. “Let’s go?”

“Saan tayo?” tanong ni Katleya.

“Sa hotel na muna tayo. Samahan mo muna ako, please,” hiling ni Blue.

Tumango ang dalaga. “Tara. Basta pahiramin mo muna ako ng damit.”

Pagdating nila sa hotel na tinutulayan ni Blue, nauna nang magpunas ang dalaga. Naghahanap ng damit si Blue na puwedeng suotin ng kaibigan niya. Nang makita niya ang damit ni Red, nilabas niya ito. 

“Kat?” sambit ni Blue.

“Oh?” sigaw ni Katleya. Nasa loob ito ng banyo at kasalukuyang naliligo.

“Wala kang panty!”

Namumula ang mukha ni Katleya nang mapagtanto na wala pala siyang susuotin na salawal.

“Hala! Ano’ng gagawin ko?” pag-aalalang tanong nito.

“Bibilhan na lang kita sa ibaba.”

“Kaya mo?”

Ngumuso si Blue. “Anong tanong 'yan? Kaya ko nga maghubad ng panty. Bibili pa kaya.”

“Sige.” Lumabas na ang binata, pero tumakbo ito pabalik sa loob. “Anong kulay, Kat?”

“Pula!” sigaw ni Katleya.

Napatawa si Blue. “Ano 'yan? In memory of Pula?”

“Baliw! Pakibilis na.”

“Oo na. Bye! I love you.”

Nakaalis na sana ang binata ngunit bumalik muli ito sa kuwarto niya. Bumungad sa kanya ang nakatuwalyang si Katleya.

“Ang bilis, ah?” tanong ni Katleya.

Napakamot sa ulo si Blue. “Hindi pa pala ako nakapunas.”

Napatawa si Katleya. “Tama pala. Sige, maligo ka muna.”

Agad pumasok sa banyo si Blue at binilisan ang pagligo. Nang matapos na ito ay tinawag niya si Katleya.

“Kat? Pakiabot ng tuwalya,” hiling ni Blue.

Kinuha ni Katleya ang isa pang tuwalya na nakalagay sa kama. Kinatok niya na ang pinto ng banyo. Binuksan na ito ni Blue, nakatago pa ito sa likuran ng pinto at kamay lang ang inilabas nito para kunin ang tuwalyang inabot ni Katleya.

“Salamat.”

Lumabas na ang binata ng nakatuwalya. Kinuha niya ang damit na nakahanda na sa kama niya. Si Katleya ay nakayuko lang dahil naiilang siya rito. Pumasok muli sa banyo si Blue at doon na nagbihis. Nang matapos, lumabas na ito.

“Babalik ako agad. Promise,” pagpapaalam niya.

Nasa department store na ng Mall si Blue sa harapan ng hotel na tinutuluyan niya. Nakanguso naman ito habang namimili ng salawal na susuotin ni Katleya.

“Sir? Ano pong size?” tanong ng sales lady.

Tumingala sa kisame si Blue at naghanap ng sagot. Hindi niya kasi alam ang size ng kaibigan. Gusto man niya itong itext ngunit wala siyang cell phone na dala.

“Ganito miss,” sabi ni Blue.

Ginuhit niya sa hangin ang pakiramdam niyang laki na magkasyang salawal para kay Katleya.

Napatawa ang sales lady. “Ilang taon na po ba ang girlfriend mo?”

Napangiti si Blue. “Hindi, ah. Kaibigan lang. 20 na siya.”

“Darating din kayo riyan. Ano pala ang kulay na gusto niya?”

“Pula.”

Kumuha ang sales lady nang pakiramdam niyang tamang laki sa ginuhit ni Blue kanina. “Ganito?”

Ininat ito ng sales lady sa harapan ni Blue ngunit hindi kumbinsido rito ang binata. Sa palagay niya hindi ito magkasya.

“Malaki ang puwet niya,” saad ni Blue.

Napatawa ang sales lady. “Kaibigan lang ba talaga 'yan, sir? Alam na alam, ha?” Kumuha muli ng panibago ang sales lady. “Ganito ang para sa kanya.”

“Okay,” sagot ni Blue nang hindi man lang tiningnan ang sales lady.

“Follow me, sir,” tugon ng sales lady.

Sinundan ni Blue ang sales lady papuntang counter. Binayaran na niya ito at nagmadali nang umuwi. Ayaw niyang pinaghintay ang kaibigan.

Pagdating ni Blue, agad niyang inabot ang nabili kay Katleya. Napangiti ang dalaga habang binubuksan ang cellophane na pinaglagyan nito. Pero nang makita niya ang itsura ng panty na nabili ni Blue, nanlaki ang mga mata nito.

Kinilabit ni Katleya si Blue na nagtutupi ng mga damit na nagkalat sa kama.

“Bakit?” tanong ng binata.

“Tingnan mo.”

Pagtingin ni Blue sa hawak ni Katleya, napahalakhak ito dahil sa itsura ng nabili niya. T-back ito na may desinyong paru-paro.



~~~

Continue Reading

You'll Also Like

11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
103K 1.5K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
3.2M 82.7K 51
[POLY] IDLE DESIRE 4: HELLION TRIPLETS PUBLISHED UNDER IMMAC PPH | Available on Immac shopee. She was rich, gorgeous and perfectly amiable. She has a...