Splendiferous (Legazpi #1)

By ARSHERlNA

153K 6.5K 5.7K

LEGAZPI SERIES 1st Installment "Even if every single thing in life gets rearranged, even if the world forbids... More

SPLENDIFEROUS
Prologue
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Forty-seven
Forty-eight
Forty-nine
Fifty
Fifty-one
Fifty-two
Fifty-three
Fifty-four
Fifty-five
Fifty-six
Fifty-seven
Fifty-eight
Fifty-nine
Sixty
Epilogue
Xarszella Addelaine Dela Gente Gorostiza
Author's Note
Extra Rice charot

One

6.8K 153 281
By ARSHERlNA

1.

DELA GENTE

"Paano kung malaman niyang nagpapanggap akong ikaw?" I asked him.

"Magkamukhang magkamukha tayo. Magkaparehas din tayo ng kutis at halos magsingtangkad pa."

"Iyon na nga! Halos magsing-tangkad lang, pero hindi saktong magkasing-tangkad!" I shrieked. "Tsaka tignan mo naman ang katawan natin! Maskulado ka ng konti kesa sa'kin. And duh, my hair's long. Antagal kong pinaghirapan pahabain 'to. Don't make me cut it."

"Hindi naman mahahalata kaagad noon ang tangkad mo. And as for your hair, I bought you a wig." Kinuha nito ang isang paper bag at inilabas doon ang wig na katulad na katulad mismo ng itsura ng buhok niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "I told you, my hair's long."

"Kaya yan," pilit niya.

"What about my body, Arlszent? Hindi kaya magtaka yung lalaking 'yon na ang driver niya ay may umbok sa unahan?" Gosh! Arlszent has no idea how hard is this thing we're doing. We're of the fucking different gender!

"Hindi iyon magtataka. Wala ka namang umbok. You're flat-chested," natatawa nitong pahayag kaya naman sinuntok ko ito ng mahina sa dibdib.

"Malaki sayo ang mga t-shirt ko kaya hindi niyon mahahapit ang katawan mo. Magpantalon ka rin. And always wear my jacket, para tago ang mga braso mo, tutal ay tag-ulan naman."

"Hanggang kailan ko ba kailangan pakisamahan ang lalaking 'yon?" I asked.

"Until I recover from this shit." Tinuro niya ang sarili na nakaupo sa wheelchair at bali ang isang braso at ang leeg. May bandage din ito sa kaliwang binti.

"Ano ba kasi talagang nangyari sa'yo?" tanong ko.

"Pabalik na sana ako sa mansyon niya nang masiraan ng preno 'yong sasakyan ko. Hindi ko alam kung saan ko ililiko kaya ibinangga ko sa puno," he explained. "Dalawang araw na akong hindi nabalik doon, sabi ko lang ay bumisita lang kamo ako sa kamag-anak dahil may emergency."

"You know that you could've just said that you got hurt from your accident and you need to heal. Kaya mawawala ka muna ng ilang linggo."

"And if I'll be gone for weeks, I might miss out things. Hindi pwedeng may mapalagpas tayo kahit isang katiting na impormasyon man lang kaya habang wala ako ay ikaw ang magbabantay sa kilos niya. We can't fail on this one."

Huminga naman ako ng malalim bago marahang tumango, "Alright. For Kuya Aeign."

He gave me time to dress up and to wear the stupid wig. After that, I immediately went near him to listen to the important informations that I need to know.

Isinalaysay na sa akin ni Arlszent lahat ng mga impormasyong alam niya at kung paano dapat ang magiging galawan ko doon. Ipinakita niya rin ang mga mukha ng taong nakakasalamuha niya para may ideya ako pagkasimula ko bukas.

"Who's this?" itinuro ko ang larawan ng isang babae.

"Satina Aleezah Gorostiza, his sister," he answered. "Be nice to her when you see her."

"Kasama ba 'yan sa mga dapat ko ring bantayan ang kilos?" tanong ko.

"She doesn't know anything about the issue and the closed case. Hindi siya damay d'yan."

"Ganoon ba?" napataas naman ang aking kilay, "You like her?"

Nanlaki ang mga mata nito pero agad ring bumawi. "Just focus on what I am telling you," he said.

"Okay." Nagkibit balikat ako at ipinagpatuloy ang pagtitingin sa mga litrato habang siya naman ay nagpapaliwanag kung sino ang mga iyon. Sinabi rin niya sa akin kung papaano ang magiging tawag ko sa mga ito at kung paano ko ito patutunguhan.

"Call me every night, okay? Tell me about everything that will happen para kapag ako na ulit ang nasa pwesto mo ay hindi ako magmumukhang walang alam."

"I will," I assured. "Huwag na huwag kang aalis dito sa condo ko hangga't ako pa ang nasa labas at kumikilos bilang ikaw."

He rolled his eyes, "With this condition, hindi talaga ako makakaalis."

"Sabi ko nga," sambit ko. "May helper nga pala akong hinire para sayo na dadating araw-araw dito at sa gabi aalis. Kaya kapag may kailangan ka, sa kanya mo nalang sabihin at siya na rin ang bahala sa mga paglilinis at ibang gawain. Kaya ikaw, uupo ka lang talaga dyan." Papalabas na sana ako ng pintuan nang tawagin niya ako.

"When someone asks for your name, remember to use mom's surname. Walang makakaalam na konektado tayo kay kuya Aeign at kay Aesandro."

"Ang sama mo naman, naka-first name basis. Baka nakakalimutan mo, tatay pa rin natin iyon," paalala ko.

"He never became a father to us, twin. Gamit lang natin ang apilyedo niya dahil yon ang sinulat ni mom sa mga papeles natin. But he didn't know we exist," gatong niya.

"Yeah, right." I rolled my eyes. Ilang beses ko na itong narinig, bakit ko naman makakalimutan pa? "Sige, alis na ako."

"Remember, in this mission… Sierra tayo, hindi Dela Gente."

Tumango naman ako dito. "Noted." at lumabas na ako ng condo para pumunta sa bahay na tinutuluyan ni Arlszent… or should I say, tinutuluyan ko.

The fucktard's mansion.

My phone beeped while I was driving. Hindi naman ako tatanga-tanga sa pagd-drive kaya naman tinignan ko ito. It's Arlszent.

From: Arlszent

I forgot to tell this, treat Gorostiza as your buddy and not your boss.

I suddenly stepped on the brake and stopped the car at one side just to stare back at my phone to see if I read his message right.

Buddy?!

I immediately replied to him, trying to figure out if he's serious about what he just said. Because if not, then honestly, it's not a good joke.

To: Arlszent

You're friends?!

From: Arlszent

He and his asshole friends see me as one of them.

"Oh, gosh." Napahinga ako ng malalim at napailing. Hindi ko lang pala boss iyon. Kaibigan pa! At kaibigan rin ng kaibigan niya!

But that's a good thing, the closer he is to me, the more I'll get to know about his filthy secrets. Hindi ko man alam kung paano nagawa ni Arlszent na mapalapit siya sa kanya at sa mga kaibigan nito pero kung paano man, I must say that he did a very smart move.

I was about to start the engine and drive again until I remembered something…

"Shit! My studies!" bulalas ko. Muli ay nagmessage ako kay Arlszent.

To: Arlszent

Paano ang pag-aaral ko sa PATTS?

From: Arlszent

I'll take care of it. It's on me.

Did I read it right? He'll take care of it? How?!

Hindi naman pu-pwedeng parati ay naka-online classes ako sa gabi kapag walang nakakakita, dahil syempre tini-train din kami on how to drive a plane. At mas lalong hindi pwede na tumigil ako sa pag-aaral dahil sayang ang perang ibinayad ko doon. Sayang naman ang halos milyones nang naipabayad sa PATTS para sa pag-aaral ko.

To: Arlszent

Sa tingin mo magagawa kong matuto magmaneho ng eroplano gamit lang ang laptop at internet, ha? Hindi sapat ang puro basa basa lang.

From: Arlszent

Ako na nga ang bahala, trust me. Just do what you are supposed to do now, CAPTAIN.

I rolled my eyes after seeing his reply. Hinayaan ko nalang iyon at hindi na siya tinanong pa kung paano niya masosolusyonan iyon. I know how Arlszent hates further questions. Basta sinabi niya, sinabi niya. May tiwala rin naman ako sa kanya, he's a man of his words.

Siguro nga ay dapat ko nalang siya hayaan na ihandle ang mga bagay na nagcoconcern sa akin. Dahil ang ihahandle ko ngayon ay ang kanya. Like what he said, I am him starting today. I am Arlszent.

Through GPS, I arrived at the devil's mansion without getting lost. Pagkababa na pagkababa ko ng kotse ay halos malaglag ang panga ko habang tinitignan ang panlabas na istruktura ng mansyon. Moderno ito at napakalaki. Nakita ko na ito sa mga litrato pero mas kamangha-mangha pa rin kapag sa malapitan ko na ito nakikita.

"Oh, Sir Arlszent! Nakabalik ka na pala! Kamusta naman yung kapatid mong sinapian? Napalayas na ba ng pari ang demonyo?" usap sa akin ng isang bodyguard.

And, what did he say?! Kapatid ni Arlszent, sinapian?!

What the heck, Arlszent?! Ang daming pwede idahilan, iyon pa talaga ang napili mo?

Gustong gusto man sumabog sa inis ay hindi ko magawa dahil sa taong nasa harapan ko ngayon. Kaya naman ay tipid ko nalang ito nginitian. Tumikhim ako bago siya sinagot. "Oho, Mang Bernabe. Nasa maayos na kalagayan na siya ngayon kaya bumalik na ako dito."

It's a good thing that I am not blessed with a high-pitched voice. Pambabae ang boses ko, yes, pero hindi tulad ng sa mga tipikal na babae na bakas ang tinis o lambot o hinhin, maalin doon. Kapag naman nilalaliman ko ang boses ko ay hindi ito ganoong katunog-babae, sabi rin ng iba ay para akong lalaki kung malalim ang boses ko.

And good thing also na iyong boses ni Arlszent ay hindi rin naman sobrang malalim. Katamtaman lang kaya nagawa itong pantayan ng boses ko kapag napalalim.

Plus, this old bodyguard doesn't seem to see the difference in his 'Sir Arlszent' which is nice to know. Sana lahat ng pumapaligid sa akin ay walang mapansin na kakaiba.

Pumasok ako sa loob ng mansyon at tulad ng reaksyon ko kanina ay namangha lang rin ako sa interiors. Modernong moderno talaga at kapansin pansin ang isang parte ng pader na rock-tiled at may umaagos ritong tubig patungo sa isang maliit na fish pool. Ito ang una kaagad na napansin ko pagpasok dahil dito ito nakapwesto sa tabi ko, kung saan ilang metro lang ang layo nitong pintuan mula sa hagdanang patungo sa taas na parte ng mansyon.

Balak ko na sanang tahakin ang daan patungo sa may hagdan nang mapatigil ako dahil sa isang tinig.

"You're not Arlszent," a lady suddenly said.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses, only to see Aleezah Gorostiza walking towards me.

"How could you tell?" I said in a very manly and chill manner. "C'mon, Aleezah. Maybe you just got used to not seeing me for two days. Ako 'to."

Pinanatili ko lamang ang matigas na ekspresyon sa aking mukha at seryoso siyang tinignan, kahit na sa kaloob-looban ko ay kinakabahan na ako.

Kakasimula ko palang, buking agad?

But that should be impossible! Dahil ang daming bodyguards ang nakasalubong ko bago ako makapasok sa mansiyon at halos lahat doon ay binati pa ako. Hindi naman sila mukhang nagtataka sa akin. Pero ang babaeng ito? Sheez.

She must've been eating carrots everyday kaya malinaw ang mata at napansin niya iyon.

"The way you talk to me, it's so not Arlszent," she scoffed. "As far as I know, the first thing that my boyfriend would do when he arrives here is to look for me and kiss me on my forehead."

Boyfriend?!

Bakit hindi man lang iyon sinabi sa akin ni Arlszent kanina? Talagang mabibisto ako dahil sa mga kulang-kulang niyang binigay sa akin na impormasyon!

"Natahimik ka ata, babe?" nangungutyang pahayag ni Aleezah.

Naglakad ito papalapit sa akin at kahit na buking na ako sa kanya ay pinanatili ko pa rin ang ganitong tayo. She cupped my face and looked at me from my eyes down to my lips.

Siguro kung hindi ako mukhang lalaki ngayon ay malamang sa malamang, we look like a lesbian couple!

"Smile, babe," bigla ay pinisil niya ang pisngi ko dahilan upang bumuka ng konti ang aking bibig at sumilay ang ilan sa mga ngipin ko sa unahan.

"Oh, wow. Two days ago, the rubber of your braces were indigo. Now, it's red," komento nito.

"Nagpa-adjust ako," I reasoned out.

"Adjust? E, last week nakapag-paadjust ka na. Sinamahan pa nga kita sa dentista mo."

Now what?! Ano nang isasagot ko?

"Don't make alibis, I know you're Arlszent's sister. Yung… sinapian," she laughed.

I sighed in defeat and looked at her ridiculously. "Mukha ba akong sinapian, ha?"

She just laughed more. "Alam ko namang hindi iyon tunay," she reached for her phone inside her pocket and opened a conversation. She showed it to me so I read it.

Convo nila iyon ni Arlszent. Sinabi nito kay Aleezah na naaksidente siya kaya hindi siya umuwi ng mansyon, sabihin daw ni Aleezah sa kuya niya na kaya hindi siya makakauwi ay dahil bumisita ito sa kamag-anak gawang sinapian daw kamo ang kapatid.

Then the next conversation just happened an hour ago. Sinabi ni Arlszent na ako muna ang papalit sa pwesto niya pansamantala. Sinabi rin niya dito na darating ako dito sa mansyon ngayon.

"Fucking Arlszent," I murmured. "Sabi sabi pang 'wag ipagkakalat, tapos siya naman pala itong nagkalat."

"Hey, don't worry. Hindi ko naman ipagkakalat," natatawang pahayag ni Aleezah.

Tinignan ko naman ito ng diretso, "Since my brother's not here, you'll be the one to do the explaining. Kailan ka pa naging girlfriend ng kakambal ko?"

"Tagal na," sagot niya.

Matagal na? And my brother didn't even mention that to me?! Sabagay, hindi rin naman kami ganoon kadalas mag-usap at mas lalong hindi rin naman kami nagkikita. Kanina lang ulit.

I was about to ask another question when another voice interrupted us. And this time, it is the devil who interrupted.

"Arlszent, pre."

Nilingon ko ito at masasabi ko katulad na katulad ng itsura niya ang mga makikita sa mga pictures. He's also wearing braces, at ang lakas ng dating niyon sa kanya.

Unlike typical people who wears braces, hindi siya mukhang geek o nerd. Hindi sa pagmamayabang pero parang kami lang siya ni Arlszent, binabagayan ng braces. Xerxes Gorostiza wearing braces looks hot, what more kung ipatanggal na niya 'yon?

Mukha siyang bad boy gayong ang rubber pa ng braces niya ay itim. And when I say bad boy, literal na bad boy.

"Arlszent mode, on," mahina akong tinapik ni Aleezah at binulungan. "May gagawin ako sayo. But I want you to keep in mind na straight ako. Gusto ko lang pikunin si kuya."

"What?" nilingon ko ito at nagulat ako nang bigla ay halikan niya ako sa pisngi.

"Love you, babe," saad niya at nagtungo na papataas ng hagdan habang mahinang natatawa.

"You know, even though you're my friend, I still don't like you for my sister," the devil said.

I'm not your friend, fucker.

"You know that I don't care about your opinion," I phrased. Naalala ko rin kasi na sinabi sa akin ni Arlszent na pwede ko naman daw sagut-sagutin ang lalaking ito dahil magkaibigan sila. They're used to being rude to each other.

"Whatever. Kamusta na pala yung kapatid mong sinapian?" he asked.

Lihim akong napairap dahil halos lahat na ng tao dito sa mansyon ay iyon ang tinanong.

Fuck you, twin. I cursed in my mind.

"All good. Still kicking," I answered.

"Okay, it's nice you're back. Mamayang gabi, pupunta tayong bar. Kasama mga pinsan ko, gimik."

"Pre, kailangan talaga kasama ako sa inuman niyo ng mga pinsan mo?" I chuckled a bit.

"Oh, bakit? They deserve to meet my sister's boyfriend," sagot niya.

I arched my brow while smirking. "I thought you don't like me for your sister?"

"I don't," he snapped. "Basta sumama ka nalang."

"Alright, dude. Makikita mo nalang mamaya, boto sa akin 'yang mga pinsan mo." Hindi ko alam kung tama bang magyabang ako ng ganoon pero mayabang naman kasi ang kapatid ko, e.

"It still won't change the fact that I don't like you for her."

"Bahala ka sa buhay mo, X," pahayag ko. "Wala ka lang girlfriend."

He just smirked at me. With that small gesture, there's something in me that reacted. Hindi ko maitatangging ang gwapo niya ngumisi. If I didn't knew better, mahuhulog ako rito. But sorry, I'm not stupid to fall for him… to fall for someone like him.

"Girlfriends are a waste of time. There are more things to do that's more worth it than having a girlfriend," sambit nito.

Like what? Raping? Or killing?

Sinabi na ito ni Arlszent sa akin, na wala ngang girlfriend itong si Gorostiza. May mga babaeng dumaan sa buhay niya, pero lahat ay puro fling.

Parang bigla ay gusto ko nalang sigawan yung mga babaeng iyon.

Grabe, pinatulan niyo ang demonyong tulad ni Gorostiza?

He also told me not to call him by his first name or surname. X daw kasi ang tawag sa kanya ng lahat, well except his family. Lihim akong napatawa roon. X…

X ano? Ex-convict?

Or pwede rin namang hindi ex-con kundi talagang kriminal pa rin hanggang ngayon?

A culprit that has not been caught, yet.

When we arrived at the bar, one of the bouncers came to approach us and to lead us where X's cousins are. Dumating kami sa VIP area at doon ay nakita ko ang dalawang lalaki na nakaupo at umiinom.

Hindi ko kilala ang mga ito at wala sila sa mga litratong ipinakita sa akin ng aking kapatid. Naalala ko naman iyong sinabi ni X kanina…

"They deserve to meet my sister's boyfriend."

So I assume that this maybe the first time that my brother is going to meet his cousins.

"X, you're here," the guy wearing a long sleeves polo with three buttons open spoke.

"Iyan ba yung kaibigan mo na driver mo rin?" itinuro naman ako ng isa na nakasuot ng itim na leather jacket.

"Yes. My sister's boyfriend," walang gana sa pagsagot si X sa parteng sinabi niya na ako ang boyfriend ng kapatid niya.

Inilahad naman ng lalaking naka leather jacket ang kamay niya, "So, Aleezah's man, it's nice to meet you. I'm Rengell."

Tinanggap ko naman ang kamay nito at noong bumitaw ay iyong isa naman ang nagpakilala. "Denver, pre."

"It's also nice to meet you," I said in a manly voice. "I'm Arl—" muntik ko nang masabi ang aking pangalan at buti na lamang ay napigilan ko iyon. "Szent," I continued.

To make my introduction clearer to them, tumikhim ako at nagpakilala ng ayos,

"I'm Arlszent. Arlszent Sierra."

🌞

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 130 43
[Evil Series #2] He was lost when he met her. He was in pain when he smiled. He was in chaos when he fell. Being not chosen by the love of his life...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
344K 18.2K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
39.7K 1.1K 38
Nexus Band Series #2 Jethro Yanez