Soledad

By mystrielle

4.6K 190 153

Ever since she was a kid, Solea Sta. Ana was fascinated with the only surviving American era house built in e... More

Soledad
credits
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Not an update

Kabanata 2

262 13 7
By mystrielle

Four months after.

"FOR the love of sleep! Turn the damn thing off!" Iritableng saad ni Saniah kasabay ang pagyugyog sa kanya nang kapatid. Solea forgot to set her work alarm off. Inaantok na kinapa niya ang nag-iingay na phone na inilapag niya sa side table bago matulog.

It was six in the morning and a Monday. She slept for three hours. Madilim ang paligid dahil sa makapal na kurtina sa bintana.

Madaling araw na nang lumapag ang eroplanong lulan siya sa NAIA. Thank God that Saniah was in the Philippines and came to fetch her.

Dalawang linggo lamang ang vacation leave niya kaya naman imbis na magliwaliw kung saan sa Amerika ay pinili na lamang niyang umuwi at mabisita ang tiyahin na palagi daw siyang binabanggit. Hindi na-aprubahan ang kanyang vacation leave nang nakaraang taon. Naiintindihan rin naman niya dahil kasagsagan noon nang kanilang pagpeprepara para sa spring/summer collection na ilalabas pa lamang sa susunod na linggo.

Kaya medyo relax na ngayon sa kumpanya at isa siya sa na-aprubahan ang vacation leave.

Anyway, even when she wanted to go back to sleep she could not. She had a weird dream about her Aunt Edith. Maraming beses na napapanaginipan niya ito magmula nang maospital pero kakaiba ngayon.

She was standing at a long corridor that she deemed was that of a hospital. Her Aunt Edith was standing at the middle of the corridor looking at her and was holding a red purse.

"Aunt Edith, bakit lumabas po kayo? Shouldn't you be on your bed?" Takang tanong niya dahil sa pagkakaalam niya ay hindi na ito makaupo man lang nang mag-isa, lalo pa ang tumayo na walang tulong mula sa iba.

"Sa'yo na ito, Solea." Wika nito sa kanya na hindi pinansin ang tanong niya. Inilahad nito ang kamay na may hawak nang pulang purse na sa pagkakaalam niya ay paborito nito sa lahat nang gamit. It was from that famous interlocked CC monogram logo luxury brand.

"Sa inyo po iyan."

"Sa iyo na ito ngayon, Solea. Dalian mo at kunin mo na."

"If you insist." Ang suko niyang sagot. Mahirap na at baka magalit pa ito. That was the last thing she wants to deal with.

"Just don't be like me, Solea. Live your life well."

Then her sister shook her back to life because of her noisy alarm.

Talk about the perfect timing!

Isa pa ay ramdam niyang tinatawag siya nang kalikasan. She had no choice but to get up and head straight to the toilet and bath inside Saniah's room.

The place they are currently staying at was a luxurious two bedroom with balcony condominium unit at Makati that Saniah bought two years ago. Nitong taon lang daw na-turn over sa kapatid ang nasabing unit. Ito marahil ang dahilan nang pag-stay nang kapatid sa Pilipinas sa unang buwan nang taon para ipaayos ang interior design nang unit. To top it all, she did not know about this until now. Ito ang surpresa na sinasabi sa kanya nang bunsong kapatid.

Just how much was the pay of a Youtuber? Ang na-curious na tanong niya sa sarili. She never did asked Saniah about it, they were privy when money was the topic.

Nang matapos sa kanyang naging pakay sa banyo ay lumabas na siya roon at gamit ang liwanag na mula sa kanyang phone ay tinalunton niya ang direksyon nang pinto palabas.

Medyo madilim pa ang paligid. Nakatulong ang isa pang condominium building upang maharang ang sikat nang araw. Saniah chose the side facing the pool area. She went to the balcony to inspect the place. Tahimik pa at walang katao-tao sa pool area. The sky was clear and no traces of clouds, just disappointed that she could not see the sunrise.

She took some photos, her memento, as it was her first time in the Philippines after two decades.

Naninibago talaga siya, nalilito na hindi niya mawari. She even felt restless and her body clock seemed to be messed up. It must be the shift of time zone. O baka hindi na lang siya sanay sa tila napakabagal nang oras. Kung nasa New York pa rin siya ngayon, nagkukumahog na marahil siya sa pagpeprepara para sa pagpasok sa trabaho pagkat ginto ang bawat segundo sa nasabing siyudad.

Nang magsawa sa tanawin ay nagdesisyon na siyang pumasok sa loob. Her stomach was grumbling even when she was not, at the moment, hungry.

Sakto naman isasara na niya ang sliding glass door nang tumunog ang notification tone para sa messenger. She read the message on the banner flashed on her phone's screen. Sunud-sunod na ang ang pagtunog nang notification tone pagkaraan.

Ilang segundo pa ay nag-ring ang hawak niyang phone. It was her mama calling through messenger.

"Did I wake you, anak?" Ang malumanay na tanong sa kanya nang kanyang mama. There was a hint of sadness in her mother's tone. She shift the call to video call and was greeted by the accent lights on their dining area.

Ayaw magpakita sa kanya nang mama niya.

"Nope, kanina pa ako gising. Thanks to my work alarm." Ang seryosong wika niya. Inihatid pa siya nang mga magulang sa San Francisco International Airport kahapon, susunod din naman ang mga ito makaraan ang apat na araw dahil inaasikaso pa nang mga ito ang maiiwang negosyo. Mukhang mapapaaga ang pag-uwi nang mga ito ngayon.

Natahimik ang kanyang mama sa kabilang linya, makaraan ay narinig niyang suminghot ito.

"Mama?"

"Anak," banggit nito na muli ay suminghot, "your Aunt Edith's okay now."

"She died in her sleep." Ang dugtong niya sa sinabi nang mama.

Nag-usap pa sila nang kaunti sa plano nang mga ito bago nagpaalam. Tinalunton na rin niya ang daan pabalik sa kwarto ni Saniah. Kailangan niyang gisingin na ito at ipaalam ang balita, hindi na niya pansin pa ang pag-iingay nang kanyang tiyan.


TAHIMIK na nakaupo sa tabi nang kabaong nang kanyang Auntie Edith si Solea. Siya ang pumalit sa kanyang papa sa pagbabantay. May mga nagsidating na kakilala nang kanyang papa na in-entertain nito. It was the wee hours of the morning and she was not sleepy at all. Hanggang nagyon ay pakiramdam niya ay nasa New York pa rin siya kahit pa milya at ang pinakamalaking karagatan nang Pacifico pa ang layo niya. Saniah was sitting from the wooden sofa far from the coffin. Hindi daw nito kayang tignan ang mukha nang kanilang Auntie Edith. Dalawang araw na rin na nakaburol ang kanilang tiyahin.

Multiple organ failure ang ikinamatay nito. Apat na buwan rin na naka-chemotherapy ang tiyahin dahil sa cancerous tumor na tumubo sa loob nang tiyan nito na siyang dahilan nang pagkaka-ospital. Ayaw na rin itong operahan nang mga doctor dahil matanda na daw ito at baka hindi na kayanin pa ang operasyon.

Now, her aunt was finally at peace after months of prolonged suffering. Sayang nga lang at hindi na niya ito naabutang buhay. Isa pa naman ito sa rason bakit pinili niyang umuwi nang Pilipinas. She wanted to see her alive for the last time.

Seeing her on video call and physically are two different things. She would atleast want to give this aunt of hers a parting hug as well as forgiveness from the traumatizing things the latter did to her emotionally.

"Ate Solea, you want some food? I'll head to the dirty kitchen and see what I could get." Ani Saniah na pumukaw sa kanyang pag-iisip.

"Sure."

Ngayon ay naiwan na siyang mag-isa sa sala nang kanilang ancestral house na inunti-unting ipinaayos nang kanyang Aunt Edith at papa sa nakalipas na dalawang dekada. Gone was the two storey house made of wood and concrete foundation, same goes with the colorful capis windows she remembered as a child. Napalitan iyon nang sementado at hango sa disenyo nang karaniwang bahay sa Amerika ang dalawang palapag na kabahayan. Ang ilang capis windows ay naging palamuti na lang sa dingding nang dining area, at family room sa second floor. The rest was used on the lanai at the back of the house where her deceased aunt used to stay away from the afternoon heat.

Masyadong malaki ang pamamahay para sa nag-iisang matanda. It had two bedrooms at the first floor, the masters that her aunt occupied, and the other was her parents' chosen bedroom. There are three more bedrooms upstairs, and a family room convertible as the fifth room. Her Uncle Leonard had his own two storey house erected at their compound, same goes with her Uncle Nestor.

Tanging ang papa lamang niya ang hindi nagbalak na magpatayo nang bahay nito sa compound nila at naki-share na lamang sa gastusin sa pagpapaayos nang ancestral house. Katwiran nito ay wala nang titira sa ancestral house dahil wala namang sariling pamilya ang kanyang Auntie Edith.

Auntie, did you have regrets in your life we did not know? Surely, somewhere in your past you may have had loved someone. Why did you stayed single? And why did you tell me to not become like you in my dream?

I surely will not become like you and I am living my life well.

Ang tila haplos nang malamig na hangin sa kanyang batok ay nagbigay nang kilabot sa kanyang buong sistema. Hindi rin siya nagtangkang lingunin ang tiyahin sa kabaong. So much to think about such thing next to a dead person's body.

Auntie Edith huwag naman ganyan, mag-isa lang ako rito. It be so embarrassing had I go on screaming like crazy just because I got scared.

Naalala niya tuloy minsang nagkabiruan sila nito sa video call, na magmumulto daw ito kung sakaling mamatay ito. She knew that it was just a joke but since her dear aunt's dead, perhaps she was making the joke real for the last laugh.

It was never new to her when it comes to the paranormal stuff lurking around. It was just that, it has been so long since the last time she had experience something as creepy as this.

Na hindi na niya maalala pa kung kailan nagsimula iyon at maging kailan tumigil. O dahil hindi na niya iyon pinapansin sa paglipas nang mga panahon.

She became busy dealing with reality than with something that probably created by the mind.

Her hearing and seeing things not normally seen or heard by people around her made her somewhat weird in the past. Iyon din ang dahilan bakit na-bully siya noong middle school hanggang high school. Thinking back, that was the shitty days of her awkward life as a kid to a teenager in a foreign land. Ipinagpasalamat na lamang niya na dumalang ang naririnig at nakikita niyang kakaiba nang mag-kolehiyo.

Still, the cold feeling behind her did not fade. She was against the wall for goodness sake! Ang nakabukas na sliding glass door ay limang hakbang ang layo mula sa kanyang kinauupuan kung saan tanaw niya ang ilang nagsusugal na nakikilamay. It was also warm inside because of the lights used to decorate her aunt's wake.

Kaya naman imposible na hangin na galing sa labas ang nararamdaman niya sa kanyang batok.

It may only mean one thing. Nasa likod niya marahil ang kalululwa nang tiyahin o maaaring guni-guni lamang niya dala nang malikot na imahinasyon sa oras na iyon.

The heck!

Nakahinga nang maluwag si Solea nang dumating si Saniah. Diretso lamang itong nakatingin sa kanya habang hawak ang dalawang tasa. Kung sa ibang pagkakataon ay nabiro na niya ang bunsong kapatid. But, she knew that it was partly her fault why her sister became a scaredy-cat. Sopas ang dala nang kapatid na ikinapaso pa ng kanyang dila nang sumubo pagkabigay nito sa kanya nang tasa.

Mahaba-haba pa ang oras na hihintayin nila sa pagbabantay hanggang sa may makapalit.

Solea.

Muli ay nagtayuan ang balahibo sa batok niya sa narinig. Pabulong na tinawag ang kanyang pangalan. Hindi niya maipagkakamali ang boses na iyon nang tiyahin. Minumulto nga yata siya nito.

Sorry na po, Auntie Edith.







____________________________________________

saharapetals Hi! Thank you for adding this story on your reading list! :)

_Mirasol_ Hello! Thank you for the vote! :)

Continue Reading

You'll Also Like

48K 2.8K 144
"TRANSLATE IN TAGALOG" Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sa murang edad, Siya ay isang henyong manggagamot na ikinulong ng kanyang lolo, Sin...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

7M 298K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
816K 35.4K 10
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
239K 13.2K 46
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...