The Sunset's Cry (Nostalgia O...

By juanleoncito

2.9K 526 160

//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise i... More

PANIMULA
PAUNANG SALITA
PROLOGO
KABANATA I: Takipsilim
KABANATA II: Pag-alangan
KABANATA III: Pag-alok
KABANATA IV: Bungad
KABANATA V: Bisita
KABANATA VI: Galak
KABANATA VII: Napaisip
KABANATA VIII: Pagsang-ayon
KABANATA IX: Nahumaling
KABANATA X: Ramdam
KABANATA XI: Mapanukso
KABANATA XII: Pikit-mulat
KABANATA XIII: Naghahangad
KABANATA XIV: Pag-oobserba
KABANATA XV: Pinagmulan
KABANATA XVI: Tahanan
KABANATA XVII: Pagtuon ng Pansin
KABANATA XVIII: Hindi Makapaniwala
KABANATA XIX: Tensyon
KABANATA XX: Kasama
KABANATA XXI: Lungkot
KABANATA XXII: Balang Araw
KABANATA XXIII: Bagabag
KABANATA XXIV: Sumasagi
KABANATA XXV: Pagtanaw
KABANATA XXVI: Pag-amin
KABANATA XXVII: Pagkakataon
KABANATA XXVIII: Nagpapakasasa
KABANATA XXIX: Pagdating
KABANATA XXX: Trafalgar Square
KABANATA XXXI: Paggaan ng Loob
KABANATA XXXIII: Tanong
KABANATA XXXIV: Masaya
KABANATA XXXV: Panaginip
KABANATA XXXVI: Sabi-Sabi
KABANATA XXXVII: Malamig na Luha
KABANATA XXXVIII: Katotohanan
KABANATA XXXIX: Makulimlim
KABANATA XL: Aligaga
KABANATA XLI: Pamamaalam
KABANATA XLII: Bumubuti
KABANATA XLIII: Bagong Umaga
KABANATA XLIV: Ngiti sa Labi
KABANATA XLV: Dapithapon
EPILOGO
AUTHOR'S NOTE

KABANATA XXXII: Asahan

36 5 1
By juanleoncito

Panibagong araw, panibagong pagkakataon. Kakagaling ng London Bridge nang kumuha ng shots doon para sa pelikula.

Nagtungo na rin ng London Eye pati na rin sa tinaguriang Big Ben kung kaya kumuha na rin ng location shots para sa ilang eksena sa ginagawang pelikula.

Narito ngayon, mag-isang nakaupo sa loob ng isang napakaaliwalas na Scandinavian-styled coffee shop. Kaharap ang laptop habang nasa gilid naman ang papel at lapis.

Napakagaan lamang indahin ang ganitong pakiramdam habang iniinom ang paboritong café latte sa tasa.

Maagang natapos ang taping kung kaya napag-isipang mamalagi ng ilang sandali rito upang tapusin na lamang ang pag-revise ng script habang sila naman ay piniling mamasyal.

Inayos na lamang ang pag-upo upang ituon nang muli ang sarili sa pagtatagpi ng mga linya. Ngunit tila bang napahinto ako sa pagsusulat nang naalala muli ang pangyayaring nakita kahapon si Aya.

Napasandal sa upuan, pawang pagtitig lamang sa laptop ang nagagawa. Ininom na lamang ang tasang naglalaman ng kape na nakalapag sa mesa.

Napayuko, napailing na lamang ng bahagya kasabay ang pagtaas ng noo. Huminga ng malalim at mga mata'y nakatingin sa blangkong papel. Agad na hinablot pati na rin ang lapis.

Napag-isipang gumawa ng tula sa halip na baguhin ang mga linya. Inilapag ang papel at isinulat na ang lapis.

Asahan mong ikaw muli ang laman ng mga taludtod na tatagpiin.

"...Gusto kang matanaw, asahang mahanap,
Ika'y yayapusin, mahihigpit na yakap.
Ngunit sa muling pagdilat ng aking mga mata,
Ika'y naglaho, ikaw sana'y magpakita..."

Tila bang napangiti na lamang ako ng bahagya kasabay ang pagbungad ng katanungan sa isip.

"Narito ka nga ba?" bulong ko sa aking sarili habang pinaikot-ikot ang lapis sa aking mga daliri.

Napatulala ng ilang sandali, pawang pinoproseso sa utak ang mga katanungan sa sarili. Napabuntong-hininga at napailing. Tama, alam kong nandito siya at kailangan ko siyang hanapin.

Agad na isinara ang laptop upang ito ay ilagay sa bag. Iniligpit na rin ang mga papel at lapis para tuluyan ng umalis. Hinayaan na lamang ang kapeng nanlalamig na't lumabas na ng coffee shop.

Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Ngunit, isa lamang ang inaasam at ito ay muling makita.

Napag-isipang tumungo ng Trafalgar Square. Baka sakaling naroon siya't doon matatagpuan. Tila bang nararamdaman ko lang ay ang pagkadesperado kung kaya pumara na ng bus at pumasok dito.

Agad na umupo sa bakanteng upuan, narito sa ibabang bahagi ng bus kung kaya ito ay kakaiba nang mayroon pang itaas na bahagi. Isa ngang napakagandang karanasan ang makasakay sa pinagmamalaki nilang kulay pulang dalawang palapag na bus.

Napatingin na lamang sa orasan at napadungaw sa bintana tanging inaasam ay makita itong muli sa lugar na kung saan siya muling natanaw.

Ilang saglit pa, narating na ang paroroonan. Agad na hinanap ang kanyang tindig na tila bang sa ngayon ay hindi mahagilap.

Iginala ang mga mata, kahit ma'y maraming mga taong nagsisikumpulan. Napahinto ng ilang segundo at ako'y huminga ng malalim. Ipinatuloy pa rin ang ginagawa nang naglakad patungo sa kung maaaring nasaan siya.

Pawang lahat ng sulok ng lugar na ito ay paulit-ulit na tinatahak. Hindi pa rin matanaw ang kanyang presensiya.

Alam kong nasa paligid ka lang, Aya. Sana naman, magpakita ka.

Nilingon ko na lamang at tinitigan ang nakatayong monumento. Ngunit ako ay napahinto kasabay ang pagbungad ng aking inaasahan.

Tila bang bumagal ang oras, unti-unting naglakad patungo sa kanya at tanging pag-apak ng mga paa ang nagawa. Hindi makapaniwala, nakatayo sa gilid ng monumento si Aya.

"Aya!" sigaw ko nang agad itong tumalikod at naglakad papalayo.

Binilisan ang paglalakad upang ito ay masundan. Agad namang inabot ang kanyang kanang kamay nang ito ay naabutan upang siya ay huminto sa paglalakad.

"Aya, sandali," wika kong muli dahilan ng pagtigil niya.

Ito ay nag-aalinlangang lumingon kung kaya ay nagawang hawakan ang kanyang magkabilang balikat upang siya ay humarap sa aking kinatatayuan.

Parehong nagtagpo ang mga mata ngunit tila bang nangungusap ang kanya't puno ng kalungkutan. Hindi matanto kung anong pinapahiwatig ng kanyang mga tingin at ito na lang ay nagulat nang agad siyang niyapos ng mahihigpit na yakap.

Tila bang nagtagal ng ilang segundo habang ang mga kamay ay nanatiling nakapulupot sa kanya. Pumikit na lamang upang namnamin ang pagkakataong ibinigay ng tadhana.

Niluwagan ang pagyakap at ibinalik ang tingin sa kanyang malulungkot na mga mata.

"Aya, I miss you..." wika ko na nagpatigil muli sa aming paggalaw.

Ito ay agad namang inilihis ang tingin sa aking mga mata at napaatras ng dalawang beses.

"I-I need to go..." pag-utal niya at aakmang tatalikod.

"Saan ka ba nagpunta?" tanong ko na dahilan ng pagharap niya ng dahan-dahan.

Tumingin muli ito sa akin ngunit tila bang hindi maggawang magsalita.

"Aya, I've looked for you. Hinanap kita sa kung saan-saan pero hindi kita matagpuan. Kahit doon sa kompanyang pinapasukan mo, hindi kita mahagilap. Parati nilang sinasabing walang Czea o Aya na nagtatrabaho roon at hindi pa rin ako naniniwala dahil alam kong nagsisinungaling lang sila."

"Hindi mo naman ako kailangang hanapin," aniya.

"Bakit hindi? Kung galit ka pa rin sa akin dahil noong araw---" pagputol ko nang agad itong nagsalita.

"Hindi ako galit."

"Kung hindi ka galit, bakit mo ko iniiwasan?" pagbaling ko sa kanya.

"Lance, hindi kita iniiwasan," bigkas niya pa.

"Eh ano nga?!" pagtaas ng boses ko na tila bang napatingin ang ibang mga tao.

"Dahil natatakot ako!" agad niyang salita.

Ako na lamang ay natahimik, napakunot ng noo at napailing kasabay ang pagtabon na lamang ng bibig. Ako pa rin ay nagtataka pawang nalilito sa mga sinasabi niya.

"Bakit ka naman matatakot? Eh, andito naman ako."

Ito ay napayuko na lamang kasabay ang paglapit muli sa kanya. Hinawakan ang kanyang kamay upang maramdaman ang nararamdaman niya.

Ngumiti sa kanya at nagsalita. "Aya, babaguhin natin ang mundo at magsisimula tayo muli."

"Paano kung hindi na mababago?" wika niya dahilan ng pag-angat niya ng kanyang mukha.

Hingpitan ang paghawak sa kanyang mga kamay at ngumisi ng bahagya.

"Aya, maniwala tayo. That is why, you don't need to be afraid, andito lang ako para sa'yo," bigkas ko.

"P-Pero---" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang agad akong nagsalita.

"No ifs, no buts. Hayaan na lang muna nating matapos ang araw na 'to."

Niluwagan ang paghawak sa kanyang mga kamay nang inalok ito para samahan ako. Lumapit sa harap ng monumento sabay paghinto upang ipakita ito. Tumingala upang tingnan ang iskulturang nasa tuktok nitong monumento.

"Alam mo ba na... This monument was built to make people feel that even if they are afraid to face doubts, they will still be guided by their fate and that is to never get afraid of choosing what's the best for them."

Nginitian siya't tila bang napayuko na lamang ito. Nagawi na lang ay tumango kasabay ang pagbuntong-hininga habang hinihintay pa rin itong magsalita.

"G-Ganoon ba? I-I'm sure, kung sino man ang dadaan dito, h-hindi na siya matatakot."

"Sana nga, mahihiya naman siguro si Horatio Nelson niyan pag hindi," sagot ko.

Napatawa ako na tila bang siya rin ay bahagyang napangisi sa sinabi ko. Pawang mas gumaan ang loob nang natanaw muli ang ngiti sa kanyang mapulang labi.

Ibinaling muli ang tingin sa kanyang mga mata maging siya ay nakatingin din sa akin. Nilinaw ang rehistro ng aking mukha nang nararamdaman ang lamig ng hangin sa buong katawan.

"B-Bakit ka nga pala nandito sa London? A-Alam ba ni Xavier na nandito ka?" tanong ko na nagpatigil sa kanyang paggalaw.

Kumawala ito ng tingin at napabuntong-hininga. Umatras itong muli ng dalawang beses na tila bang nauutal sa pagsasalita.

"O-Oo... K-Kasi..." pag-utal niya na tanging nagawa lang ay ang paghimas nito ng kanyang magkabilang palad.

Sinusundan ang paggalaw ng kanyang mga mata't binigyan ito ng mariing tingin upang siya ay muling magsalita.

"K-Kasi natatakot ako na baka bukas magbago ang lahat. Baka bukas hindi na kita makita. I was so desperate of seeing you. Ang kapal ko ano?" tuloy-tuloy niyang mga pangungusap.

Hinawakan ko ang kanyang nanginginig na mga kamay nanpara bang namumuo ang mga luha nito. "Ssh. Aya, ano bang sinasabi mo? Don't think that way."

"Hindi nga ako nakahingi ng tawad sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa'yo," dagdag niya pa.

"Aya, you don't need to be sorry. Kalimutan na lang natin ang mga nakaraan, okay?" pagbigkas ko habang hingpitan ang hawak sa kanyang nanlalamig na mga kamay.

"No, Lance... Just let me. You know what, after I regain my memories, agad kitang hinanap para humingi ng tawad. I looked for you and I was shocked, noong araw na nagkita tayo sa baybay, noong araw na umiyak ako sa harap mo. I did not expect na makikita kita sa ganoon pang sitwasyon---"

Ako na lamang ay nagulat kung kaya patuloy pa rin ang pakikinig sa kanyang mga salita.

"Nagdadalawang-isip pa akong lumapit sa'yo dahil nagulat ako na ikaw pala 'yung kaharap ko. I was too nervous at that time kaya hindi ko na nagawang sabihin sa'yo ang totoo dahil natakot ako na baka lalayuan mo ako that is why I pretended that I don't know you at nagpakilala bilang Czea."

Hinawakan ang magkabilang balikat nito kung kaya nakikitang pumapatak na ang kanyang mga luha.

"Cz... Aya, let's forget about it. You don't deserve to cry, okay? Tahan na," wika ko sa kanya.

Hinay-hinay na pinunasan ang kanyang mga luhang pumapatak kasabay pa ang pagpapagaan ng malulungkot niyan mga mata. Inayos na lamang ang buhok nito upang maging kaaya-aya.

"Alam mo, sa halip na maging iyakin ka. Halika, samahan mo ako. I'm sure, this will relieve you."

Ngumiti sa kanya sabay paghawak ng kanyang kanang kamay. Tumungo sa hindi gaano kataong lugar para mas magandang pagmasdan ang paglitaw ng hindi inaasahang takipsilim.

Umupo nang pareho sa isang upuang malapit sa aming kinatatayuan at napasandal na lamang dito.

"Ayan! You will see more the beauty of pink sunset. Alam mo, it's very rare to see sunsets like this dito sa Trafalgar Square. Kaya kung pupunta ka rito, you should not miss it and your eyes will get relieved."

Tiningnan muli ang kanya ngayong humihilom na mga mata kasabay ang pagbungad niya ng ngiti sa kanyang labi.

Ako ay nagtaka at nagtanong. "B-Bakit?"

"Nothing. I'm just happy seeing you happy," ani Aya.

"Masaya rin akong nakikita kang masaya."

"Tingnan mo, napaka-successful mo na. Tupad na tupad mo na 'yung pangarap mong maging direktor. Kung hindi ko lang pinakialaman 'yung mga desisyon mo noon, if I was just so supportive to you, mas lalong magiging malayo ang mararating mo."

"Aya, don't say that. It's enough that we're happy now."

Nginitian muli ito at maging siya ay napangiti rin. Hindi masukat ang nararamdaman sa pagkakataong ito na tanging gaan lang sa pakiramdam ang dala-dala ngayon.

Napatingin na lamang sa aking pupulsuhan habang tanaw ang obrang tanda ng aming kasiyahan. Itinapat ang pupulsuhan sa kanya na parehong obra ang nakalagay. Parehong napatitig dito at tanging alaala lamang ang pumapasok sa isipan ko.

"Ito ang saksi ng ating pagkakataon," wika ko habang nakatingin sa kanya ng diretso. "At asahang sana'y magpapatuloy pa ito."

Napabuntong-hininga na lamang, napasandal muli sa upuang inuupuan habang siya naman ay napaayos ng upo.

"I'm free on Friday. I hope we'll see each other again, same time, same place. Hihintayin kita rito." Pagbigkas ko na tila bang puno ng galak at kasiyahan.

"If it's okay with you," dagdag ko kasabay ang paghawak sa kanyang mga kamay.

Tumango ito at ngumiti. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang galak na parehong nasa akin.

Aasahang magpapatuloy muli ang nasimulan. Ganoon din ang pag-asang magbabalik ang lahat. Hindi maikakailang napakaganda nitong araw na ibinigay kung kaya tuwa na ang nakahulma sa dating malungkot na mukha.

Continue Reading

You'll Also Like

793 104 44
Blindness is the worst thing that has happened in my life. I hate the dark. Everyday, I hate seeing nothing. I hate how it makes me feel like I'm hop...
101K 3.2K 22
Nag-suggest lang naman si Strike sa best friend niyang si Kraige na piliin si Cleo---ang one true love nito--- kesa pakasalan ang fiancee nito na ala...
1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...