Haven't Met Someone Like You...

By MataNgJelRi

18K 1.2K 214

What if one day all your guard surrender.. You try hard to fight but you still losing. She's like a gravity t... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 (Filler)
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Filler)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Epilogue

Chapter 1

603 42 1
By MataNgJelRi

JELAY POV

It's nice to be back.
Napangiti na lang ako ng makalabas ako ng Airport.

Maingay, mausok at traffic. Nasa Pilipinas na nga ako.

"Ma'am, tara na po?" tumango naman ako sa aya ng driver ko sakin.

Habang nasa biyahe ay napadaan kami sa mall.

"Wait. Let's get inside the mall first." parang gusto ko kasi sumilip muna sa mall.

"Ma'am kanina pa po nagtetext sakin si Madam dahil andun na daw po silang lahat naghihintay sa inyo." ano naman kung naghihintay sila?

"Saglit lang ito." kunwaring masungit na sagot ko sa driver para kabahan. Hahaha

Wala naman syang nagawa at ako ang nasunod. Hindi ko na sya pinasama kasi baka madaliin nya lang ako. Saglit lang naman ako.

Dumiretso ako sa Music Store. Naisipan ko kasing bumili ng bagong gitara. Hindi ko naman kasi nadala ang gitara ko.

Saglit lang ako bumili ng gitara pero napadaan ako sa mga damitan. Ang daming magaganda!
Siguro mga isang oras mahigit akong nagpaikot ikot dun at namili ng mga damit.

Pagbalik ko sa kotse ay nakita ko ang driver ko na mukang di mapakila.

"Kuya, can you help me?" tawag ko sa kanya na napalingon sya kaya dali dali syang lumapit sakin para tulongan ako.

"Ma'am bilisan na po natin. Galit na talaga si Madam." napangiwi naman ako sa sinabi nito

"Chill! Akong bahala kay Mommy." sagot ko sa kanya at nagsimula ng magkalikot ng phone ko. Wala pa nga pala akong nabibiling sim kaya nagpatugtog na lang ako sa phone ko. Di naman ako maka access sa net.

Umidlip muna ako para makapagpahinga na rin. Napagod ako sa Flight at pag shoshopping.
--
Nagising ako ng makarinig ako ng pinapagalitan.

"Kanina pa kami naghihintay dito! Tatlong oras na lumipas simula ng sinabi mo na pauwi na kayo.." nakita ko naman na nakayuko lang ang driver at nahingi ng tawad.

"What's the problem Mom? Don't you want to give me a warm hug?" nilingon naman ako ni Mommy tsaka tinitigan ng masama.

"Go inside now!" napakamot na lang ako sa ulo ko.

Grabe.

"Kuya, pakipasok na lang mga pinamili ko." utos ko sa driver tsaka pumasok sa loob.

Nakita ko si Mommy na masayang nakikipag kwentohan sa isang matandang babae na may katabing babae na tingin ko kasing edad ko lang. Nakatalikod kasi ito sakin.

"Jillian, Anak! Meet your Tita Racquel. You're soon Mother in Law" humarap naman ito sakin tsaka ngumiti.

"Hello! Nice to meet you" magiliw kong bati at bumeso pa dito.

"and here is Kaori, your Fiancée." wait. What???

"WHAT? MY FIANCÉE? But she's a girl!" i thought lalaki ipapakasal sakin!

"Bakit? May problema ba dun Jillian?" naka taas kilay na tanong ni Mommy sakin..

"Excuse me po Madam. Mukang ayaw naman po nya, so wag na lang natin ipilit." sabat nung papakasalan ko daw. Still, di ko pa rin makita muka nya. Di sya natingin sakin.

"Ayaw mo Jillian?" may tono ng pagbabanta ang boses ni Mommy.

Nasabi nya sakin na pag hindi ako nagpakasal ay pagttrabahohin nya ako sa company para kumita ako. Di nya ako bibigyan ng pera na di ko daw paghihirapan.

At ayuko nun! Masasayang oras ko sa pagtratrabaho.

Sasagot na sana ako kaso naunahan ako..

"You know what Jillian? Jillian right? We've waited here for 3 hours for you. You're so unprofessional still showing unprofessional attitude. If you don't like me and this marriage you can say that on more polite way." hindi ko masyadong naintindihan mga sinabi nya.

Nagulat ako sa paglingon nya and She's a Goddess.

Sobrang ganda nya.. Her hazelnut brown eyes, a pointed nose with a molethat giving her a sex appeal. Her perfect brows and a lips as red as cherry.

"So Jillian? Do you want to cancel the marriage?" nautahan ako sa pagtitig sa babaeng nasa harap ko ng tanongin ako ni Mommy.

"Ha? Did i say, i don't like? No. No. I want to marry her."

Wala naman akong rason tumanggi. Gusto ko ang offer na ito from the start.

Plus, marrying a Goddess is not that bad.

"Good. Maupo ka na dito at kanina pa sila naghihintay." naupo ako sa umupuan sa tabi ni Mama at sa harap ng mapapangasawa ko.

Ano nga ulit pangalan nya? Hindi kasi ako nakikinig kanina..

"Hey! What's your name again?" di ko mapigilan na pagtanong dito.

"Kaori." walang gana nyang sagot sakin na ni hindi man lang ako tinignan.

Sunget naman. Pasalamat sya maganda sya.

"Mabuti pa para magkakilala kayo ay magbakasyon kayong dalawa!" masayang suhisyon ni Mama na napapalakpak naman ang tenga ko.

Good Idea! Mukang ma eenjoy ko talaga ito.

"Ahmm.. Madam, marami po kasi akong responsibility pa sa Office parang di ko kaya magbakasyon kahit ng isang araw." sagot naman ni Kaori na nagpawala sa ngiti ko.

"Don't call me Madam na.. Ang formal masyado wala naman tayo sa work tsaka magiging anak na kita kaya Mommy na rin itawag mo sakin. Malinaw ba?" nakita ko naman pagkagulat sa muka ni Kaori. Lumaki ang mga chinita nyang mata. Hehe

"Yes M-Mommy.." sagot nya tsaka ngumiti. I don't know but there's something in her smile kay Mommy.

"About sa work mo. I-settle mo muna ang mga dapat mong i-settle and papatulongan kita kay Kiara. Si Kiara muna ang hahawak ng load mo while your on vacation. Is 1 week enough to turn over your load for a while?" parang nag-aalangan naman si Kaori sumagot.

Ayaw nya ba ako kasama? Tsk. Mukang nabad shot ako sa kanya dahil sa kanina.

"G na yan Kaori! Let's have some fun. I'll take you somewhere you never been there before." i'll give her my famous smile that no one can resist.

My full smile na kita ngipin at halos maging linya na lang ang mga mata

"Kaori, sumama ka na kay Jelay." utos rin sa kanya ng Mommy nya na lalong nagpangiti sakin.

"Ok." maiksing sagot nito.

"Hey Mom! I saw one of your car. I'll like your Yellow Camaro. Can i have that?" pagpapa cute ko naman kay Mommy.

"Oh sure. Para may panghatid sundo ka rin kay Kaori." napakunot naman noo ko sa sinabi ni Mom.

Hatid sundo? Why do i need to do that? Hassle.

Kahit naman crush ko si Kaori di ako mag eeffort sa kanya. She's just one of my hundred crushes.

"Hatid Sundo Mom?"

"Bakit? Wala ka naman gagawin dito. Wala kang trabaho. Wala kang pinagkakaabalahan. Mabuting si Kaori na lang pagkaabalahan mo."

I want to spend my days hang out and making a new friends. Geez.

"Di naman po kailangan Madam, este Mommy.. Hehe malapit lang naman po yung Condo ko sa office."

"Yun naman pala Mom. No need for that."

"Para mas makakilala pa rin kayo. That's my order." edi wow!

I guess, i really have to do that. Maybe a short ride will be enough then after that dun na lang ako mag-Party.

Kapag kasal naman na kami, wala ng paki sakin si Mommy. Konting tiis lang self.

The lunch went well. Kaori and her mom bid goodbye then I decided to take rest. I'm tired.
--------
KAORI POV

"Sobrang nakakainis sya Karina! Imagine, ang usapan ay Breakfast! 8am pero dumating sya ng 11am! Ayuko ng late at walang pagpapahalaga sa oras ng iba! Alam mo yan."

"Baka naman natraffic lang." inirapan ko si Karina sa pagtatanggol nya dun

"Alam nyang naghihintay kami! Nakita ko na nagShopping pa sya. Nagawa nya pa mag shopping kahit alam nyang may naghihintay sa kanya?!" di naman nakasagot si Kare kaya tinuloy ko pagkkwento ko.

"Ito pa, she's so conyo! Englisherang spoiled brat! Feeling ko di kami magkakasundo."

"Agad agad? Isang beses pa lang kayo nagkikita jinudge mo na sya. Hindi ka ganyan. Matagal sa ibang bansa kaya englishera. Tsaka nag iisang anak ng ubod ng yaman malamang spoiled talaga yun. Tsaka diba sabi mo susunduin ka nya maya? Try mo mas kilalanin pa sya. Diba sabi ng mga oldies dito satin, mabait naman daw yun." malapit na rin ako mainis kay Karina.

Kelan pa naging abogada ni Jillian ito! Porket gusto maging Lawyer nagppractice na.

"Feeling ko lang di talaga kami magkakasundo."

"Bakit?"

"Kasi di sya seryoso."

"Bakit? seryoso ka ba sa kanya?" that caught me off guard.

"May choice ba ako Kare?" natahimik naman si Karina sa sinabi ko.

Muka naman talaga mabait si Jillian lalo na kapag ngumiti pero halatang walang direksyon ang buhay. Asa sa magulang malamang konting hirap lang suko na sya.

Walang disiplina at makasarili.

Nahinto ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng ingay sa labas ng office ko.

"Bakit maingay?" tanong ko kay Kare

"Mukang may nagpadeliver ng pizza at nagpakain sa mga staff." napatingin naman kami sa pinto ng office ko ng may biglang pumasok..

"Hi! Pizza for you." masayang bati nito na deri-deritsong pumasok sa office ko at may hawak na isang box ng pizza.

"Anong ginagawa mo dito? Tsaka bakit di ka man lang kumatok?" ngumisi lang ito sakin.

Parang aso.

"I came here to pick you and give you a pizza." Oo. Si Jillian nga..

"Masyado pang maaga. Mamaya pa ang uwi ko dahil marami din akong inaasikaso dahil sa Vacation natin diba?"

"Oww.. I'll wait here na lang pala. Hi!" bati nya naman kay Kare.

"Hello Ms. Jillian! Nice to meet you." magiliw na bati nito

"Don't call me Jillian just Jelay or Love? Hehe"

Is she flirting with Karina? My Gosh. Sa harapan ko pa talaga!

"Love?" nagugulohang tanong naman ni Kare

"Yes love! Hahaha Just Kidding. You're cute." nakita ko na namula naman itong si Karina. Napaka rupok talaga.

"Wala ka na bang i-audit dun Kare?" naiirita na ako sa landian nilang dalawa sa harap ko. Di ako makapag focus sa trabaho ko.

"Ay, oo nga pala! Hala, sige Kaori mauna na ako. Mam. Jelay, salamat po sa Pizza and nice to meet you again."

"Yah! See you around beautiful." nakita ko naman ang pasimpleng kilig ni Kare at tsaka lumabas ng office ko.

"Is she your friend? What's her name?" interesado ba sya kay Karina?

Akala ko ba hindi sya into girls.

"But she's a girl!" naalala kong histerical na sagot nya sa mommy nya. Tsk

"Oo. Karina." maiksing sagot ko sa kanya.

"She's pretty." di ko na sya sinagot at tinuon ang pansin sa mga reports na chinicheck ko.

Maya maya lang ay muli syang nagsalita.

"Matagal pa ba yan?" wow. Nag tagalog. Mukang naiinip na sya.

"Ang aga mo kasi. Pwede ka naman ng mauna. Di mo ko kailangang sunduin." sagot ko na di sya tinitignan

"i forgot to get your number so i don't know and i can't ask your schedule." inabot ko naman sa kanya ang calling card na nasa table ko.

"Kaori Oinuma, Head Engineer. Wow!Engineer ka din pala. I'm an engineer too." na palingon naman ako sa sinabi nya.

Hindi ko alam na may natapos sya. Muka kasi syang pariwara at mag aksaya ng pera ng pamilya lang alam niya.

"Ano trabaho mo?" muli syang ngumisi sa tanong ko.

"Hehe.. Wala! Ayuko mag trabaho. Nakakapagod. Nakaka stress. Lifes too short! Enjoy lang natin." tsk. Inutil.

Pero infairness sa kanya ang galing nya pa rin magtagalog.

"Bakit ang fluent mo pa rin magtagalog kahit ilang taon ka di umuwi ng Pinas?" muli na naman syang ngumiti. Nakakainis na yung ngiti nya parang nag aasar.

"Uyyy, are we getting to know each other now? Hehe" di ko pinansin pang aasar nya. Dapat pala di ko na sya tinanong.

"About your question, my friends in Canada are Filipinos. So we still speak in Tagalog sometimes."

"Ah. Nasa Pilipinas ka na kaya magtagalog ka na." Di lang ako kumportable na englishera kausap ko.

"Ok love." sinamaan ko naman sya ng tingin sa tinawag nya sakin. Masyadong malandi.

"Ganyan ka ba talaga?" di ko naman sya pinansin. Bahala sya dyan

"Tatanda ka agad nyan."

"Kaysa naman sa ang tanda na pero isip bata pa rin." bwelta ko sa kanya

"Kasi baby pa talaga ako.. Baby mo.. Ayiiieh!!" inirapan ko lang sya

"Hakdog."

"What Hotdog?" nagulohan naman sya sagot ko.

"Tagalog only."

"Gusto mo ng hotdog?" natatawa naman ako sa kanya. Di nga pala uso sa Canada ang ganong joke.

Pero kahit natatawa ako pinigilan ko. Ayuko lang.

"Sshhhh.. May ginagawa ako" pagpapatahimik ko sa kanya tsaka sya nag sign ng zip mouth.

Nanahimik naman na sya at kinalikot na lang ang cellphone nya.

Alas onse na ng matapos ako sa ginagawa ko. Napansin ko naman na nakatulog sya sa sofa.

Nilapitan ko sya para gisingin..

Ang amo talaga ng muka nya.. Ngayon ko lang rin napansin na maganda pala sya. Hindi ko kasi siya tinitigan talaga.

Tinapik tapik ko naman ang braso nya.

"Jillian.." mahinang tawag ko sa kanya  na agad naman syang napadilat.

"Bangon ka na dyan. Uwi na tayo." sa sinabi ko ay chineck nya ang relo nya.

"It's already 11. Kumain ka na ba?" nabigla ako sa naging tanong nya.

A-akala ko kasi maka sarili sya may maalalahaning side din pala sya.

"Hindi pa." umiiling na sagot ko.

"Tara! Kain tayo. Gutom na rin kasi ako." tumayo na sya at hinawakan ang kamay ko.

"Te-teka.. Yung bag ko." bumitaw ako sa pagkakawak nya tsaka kinuha ang bag ko.

Kaso muli nyang kinuha ang kamay ko at hinila na ako.

"Bakit ka ba nagmamadali? Gutom ka na ba?" halos kaladkarin nya na kasi ako.

"Yep. It's already late and i thought your hungry too."

"I'm fine. Sanay na ako." medyo napapa english na ako. Kasalanan ng spoiled brat na ito.

"Eh?" natawa naman ako sa boses nya. Ang cute

Pagdating sa restaurant ay nagbangayan na naman kami.

"Bakit ang dami mong orders? Dalawa lang tayo!"

"It's ok. Sagot ko ito and you don't have to finish it all. Kung busog ka na hayaan mo na." aksayado. Kahit anong pilit ko malamang di ko ito mauubos at kapag gabi na di rin madami ang kinakain ko dahil matutulog na rin naman.

Minabuti ko ng di sumagot sa kanya. Masyado na akong stress para dagdagan ko pa.

Naka ilang subo lang sya ay nagsabi na syang ayaw nya na.

Sobrang dami ng inorder nya tapos kakarampot lang pala kakainin nya. Ibang klase talaga.

"What?" tanong nya sakin ng titigan ko sya ng masama.

"Sa susunod wag kang oorder ng di ko kayang ubusin!" tinawanan nya lang ang sinabi ko.

"Chill." inirapan ko na lang sya. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ito bulagta.

Di ko kayang ubusin ang pagkain kaya pinatake out ko na lang ang tira namin. Hindi naman nagalaw yung iba. Papakain ko na lang bukas sa office.

Hindi ko alam kung kakayanin ko makisama sa tulad nya...

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❀🌈
202K 4.2K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
16.2K 895 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
16.8K 817 35
Happy Shipping lang po ito. This story is about JelRi /JelRhys and KuLay. May kanya kanyang moment yung mga nabanggit kong ship so, tiis lang. hahaha...