Fearless Love

cutierockstar tarafından

8.8K 489 137

AMOR SERIES # 2 Amor Valiente Anger. Vengeance. And love. Can Maja Victorina fight for her love fearlessly ev... Daha Fazla

Prólogo
Capítulo Uno
Capítulo Dos
Capítulo Tres
Capítulo Cuatro
Capítulo Cinco
Capítulo Seis
Capítulo Siete
Capítulo Ocho
Capítulo Nueve
Capítulo Diez
Capítulo Once
Capítulo Doce
Capítulo Trece
Capítulo Catorce
Capítulo Quince
Capítulo Dieciseis
Capítulo Diecisiete
Capítulo Dieciocho
Capítulo Diecinueve
Capítulo Veinte
Capítulo Veintiuno
Capítulo Veintidos
Nota del Autor

Epílogo

509 19 10
cutierockstar tarafından

Isang diecisieteng binata lamang ako na nakatingin sa malaking kompanya na nasa harapan ko. Matinding galit ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang pamilya nila na masayang palabas sa malaking building na siyang minsan nang pinagtrabahuhan ng aking ama.

How can their family be this happy after ruining mine?

"Are you one of the worker's son of our company?" tanong ng isang dalagita na masasabi kong hindi pa nga yata siya kinse man lang. A thirteen-year old, perhaps?

May malaporselana siyang kutis at ang buhok niya ay parang isang alon sa dagat. Ang kanyang mapupungay na matang nakatingin lamang sa akin na tila kay gandang pagmasdan.

"Aren't you gonna answer me, kuya?" she asked me again, looking intently on my eyes.

Kuya?

Seriously?

"Hindi. Wala akong magulang na nagtratrabaho sa inyo," sagot ko sa mababang boses.

"Mavic, let's go," tawag sa kanya ng kanyang ina dahilan upang mapalingon siya roon. Kinuha ko na ang pagkakataong iyon upang makaalis.

I can see her questioning eyes, maybe thinking kung saan ako nagpunta. Pero nang tawagin siyang muli ay agad naman siyang lumapit na sa kanyang magulang.

Darating din ang araw na magbabayad kayo sa ginawa niyo kay papa. Sisiguraduhin ko na kapag dumating iyon ay lubos na sakit din ang mararanasan niyo. Kayo na mismo ang pupunta sa amin upang magmakaawa na patawarin namin kayo.

"Nasaan si mama?" tanong ko kay Luisana nang kumakain na kami ng hapunan.

"Hindi pa nga umuuwi kuya eh. Grabe naman kasing magtrabaho si mama. Baka magkasakit naman siya sa ginagawa niya," nag-aalalang saad ng nakakabata kong kapatid.

"Sana ay hindi na lang tayo iniwan ni papa para kompleto pa rin tayo hanggang ngayon," malungkot na wika ni Luisana dahilan upang guluhin ko ang buhok niya.

She's too young to understand things. Ayokong mabuhay din siya sa galit tulad ko at ni mama. She's too precious for that.

"Hindi niya naman tayo tuluyang iniwan. Binabantayan niya pa rin naman tayo kahit nasa heaven na siya," saad ko sa kapatid upang hindi na siya malungkot.

Ginawa ni mama lahat upang mabigyan kami ng magandang buhay ni Luisana and I adore her for that. Kahit nahihirapan na siya ay kinakaya niya para sa amin. Kahit nasasaktan din siya ay hindi siya sumuko para sa aming magkapatid. Kaya pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat upang maging abogado dahil naniniwala ako na darating din ang araw na makakapaghiganti rin ako sa mga taong sumira ng pamilya namin.

Hindi dapat sila masaya. Hindi dapat sila nagpapakasasa sa kayamanan nila. People think their family is good. Many looked upto them but not us. Alam na alam ko kung gaano kabaho ang pamilya nila. Mapagpanggap na mabubuting tao upang makakuha ng simpatya pero ang totoo ay nasa loob naman ang kanilang kulo.

They don't deserve to be given a second chance dahil sila mismo ay hindi iyon naibigay sa tatay ko.

"Mukhang kailangan namin ng abogado dahil may gustong sumira sa brand name na pinakaingat-ingatan ng kompanya," saad ni Adrian at nang maalala kong sa kompanya siya ng mga Reyes nagtratrabaho ay hindi na agad ako nagdalawang-isip na tanggapin.

I could now start to plot my own revenge on them. Sa pagkakataong ito ay wala na silang kawala. They will pay and I will make sure of that.

Nang makita ko si Maja Victorina ay naisip kong maari ko siyang magamit upang makapaghiganti lalo pa't nakikita ko sa kanyang mga mata na may gusto siya sa akin.

She was a very transparent lass. She likes me and that's for sure. I could take it as my advantage.

But when I saw her dine with Adrian, I realized na hindi sapat na gusto niya lang ako.

She must fall in love with me.

Gagawin ko ang lahat para ibigin niya ako upang ang destruksyon niya ang magiging destruksyon din ng kanyang magulang. No one would ever want to see their daughter crying in pain tremendously. It will pain her dearest parents badly.

"Nakita mo ba si Mavic, Raphael? She is a true epitome of beauty. Mabait at matalino pa," nakangiting saad ni Adrian na akala mo ay nakahiga siya sa ulap habang binabanggit ang babaeng iyon.

"Do you like her?" I asked.

Hindi dapat siya pwedeng magkagusto kay Victorina dahil baka masira niya pa ang plano ko.

"What's not to like?" he asked, giving me a grin.

"Liligawan mo siya?"

"Masyado pang maaga para masabi ko ang bagay na 'yan," he said and I just nodded.

Good. Hindi niya dapat ako maunahan kay Victorina.

Little by little ay gumagalaw na ako upang mapansin ni Victorina at sinimulan ko sa pagyaya ko sa kanya ng date.

The date went well. Everything is going according to plan but not when nalaman ko na may nagpapanggap palang Luisana. She was Jimena Montemayor, Luisana's twin sister.

Grabe ang galit na naramdaman ko nang malaman ko ang totoo. Even mama felt the same anger that I am feeling for that girl. Niloko niya kami. Pinagmukha niya kaming tanga. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang ginagago ang pamilya ko.

But then a realization hits me.

Ano ba ang pinagkaiba ko sa kanya? Nagpapanggap din naman ako sa harap ni Victorina. Wala pa man akong ginagawa talaga pero nakokonsensya na ako sa gagawin ko.

Paano kung hindi ko na lang kaya ituloy?

Makakapaghiganti pa naman ako sa ibang paraan na hindi siya dinadamay. Wala naman siyang kinalaman sa kasalanan ng magulang niya. At higit sa lahat ay wala siyang kasalanan upang gamitin ko siyang instrumento.

Maybe I am just a heartless jerk who thinks only of my own feelings and misery.

"Raphael," ani mama nang siya'y makapasok sa aking silid.

"I heard na tumanggap ka raw ng kaso ng Reyes incorporated. Dinig ko rin na ang bunsong anak ang nag-aasikaso ng kompanya ngayon." Pinaningkitan niya ako ng mata. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

I shook my head. "Wala po."

"Are you doing this for revenge?"

Napatingin ako sa kanya. "Ma."

"Anak, kung 'yan man ang ikakatahimik mo sa pagkamatay ng ama mo ay susuportahan kita pero sana ay madaliin mo na. Ayokong makipag-ugnayan ka pang muli sa pamilya nila," wika niyang muli dahilan upang tumango ako.

Bakit ka ba nagda-dalawang isip, Raphael? Nandito ka na. Abot kamay mo na ang inaasam-asam na paghihiganti. Bakit ka pa uurong?

This is my chance to get my revenge. I am sure that this will taste nothing but pure sweetness. Their family's destruction is my contentment.

Kaya naman nang bumalik siya galing sa San Diego ay hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon.

"How are you, Raphael?" she asked.

Ramdam ko ang sincerity sa boses niya. I hate to use you, Victorina, but I'm sorry dahil kasalanan din naman 'to ng magulang mo.

Hindi pwede na ang pamilya lang namin ang nasira. Hindi pwede na kami lang ang nasasaktan at nahihirapan. Kailangan pagbayaran ng pamilya mo ang ginawa nila sa amin.

"I'm fine, I guess," tipid na sagot ko sa katanungan niya.

"Ah si Luisana, kumusta siya?" she asked.

Genuine ba ang pag-aalala niya sa kapatid ko?

Maybe not. Their family are good pretenders.

"Hindi nga siya lumalabas ng kwarto niya. It looks like na sinisisi niya ang sarili niya sa mga nagawa niya. And I think ay mahal niya talaga ng sobra ang kuya mo kasi hindi naman siya magkukulong ng ganoon kung hindi niya ito mahal."

"Grabe ang nagagawa ng love, 'no?"

"Yeah. But in this world, hindi sapat lagi ang pagmamahal." I said. "That's the sad reality."

Dahil sa mundong ito, kapag may kapangyarihan ka ay nagagawang mong makasira ng buhay nang mas mababa sa'yo. Kapag may pera ka, lahat umaayon sa gusto mong mangyari.

Lahat na may presyo ngayon maging ang pagmamahal. 

Tumigil ako sa paglalakad dahilan upang mapatigil na rin siya. I looked directly into those peaceful eyes of hers.

"Victorina, I know wrong timing kung tatanungin ko ito sa'yo ngayon pero kung hihintayin ko pa ang perfect timing ay baka hindi na iyon dumating."

"Can I court you?" I asked at her looking straight into her eyes.

And by the moment she said yes made my heart go crazy that I don't even know why.

The word love suddenly pops into my mind. But I instantly dismiss the thought. Hindi pwede. Hindi pwede na mahulog ako sa anak ng mga taong kinamumuhian ko!

We were so busy dahil ng araw na mawala si Luisana ay hindi na namin alam ni mama ang gagawin. Pinuntahan na namin ang dapat mahingan ng tulong pero ang sabi ng mga pulis ay hindi pa naman daw 24 hours ang pagkawala upang umaksyon sila.

Ano pa bang hinihintay nila?

Ang hindi na namin maabutan ang kapatid ko kung nasaan man siya?

The day after that ay abala pa rin kami. It was past noon nang maalala ko ang dinner namin ni Victorina. Guilt crept into me.

I reached my phone, texted and called her countless of times pero hindi ko siya ma-contact.

"Ano bang ginagawa mo riyan?" tanong ni mama nang makita ako.

Iniling ko na lamang ang ulo ko.

Baka nga ay galit siya.

Sandali nga Raphael. Ano naman ngayon kung galit at nasaktan mo siya? Hindi ba't iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ka nakikipaglapit sa kanya?

I have nothing to be guilty about. Ito na ang plano ko sa simula pa lang. I should not feel this way.

"Victorina, please forgive me. Nataranta at nag-aalala lang talaga ako sa kapatid ko noong isang gabi hanggang kahapon kaya hindi agad kita na-contact. I know I have my fair share of faults and I am not saying these things to make excuses. I just wanted to tell you the reasons why," I genuinely said to her.

I am really sorry sa nagawa kong hindi pagsipot ng gabing iyon. I tried to rationalize my thoughts and actions but it was of no use. Iniisip ko pa lang na nasaktan ko siya ay parang may punyal na rin ang sumaksak sa puso ko.

She just looked at me, giving me her small smile as she held my right hand.

"I understand and I'm sorry din if I'm being difficult."

Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay agad ko siyang niyakap.

Bakit ang sarap sa pakiramdam na mayakap siya?

I have never felt like this before. Kahit ng kami pa ni Karen ay hindi ko pa naramdaman ito. Maja Victorina is making me feel things I didn't expect that I will feel.

Nang maging kami ay agad ko siyang pinakilala kay mama. Mama was an excellent actress para iparamdam niya kay Victorina na tanggap niya ito. If only I didn't know her too well.

Galit pa rin si mama pamilya Reyes. Sa buong angkan nila to be exact kaya hindi ko siya masisisi kung maging kay Victorina ay ganoon din siya.

"Kailan mo ba iiwan ang babaeng 'yon? Hindi ko na kayang magpanggap pa na gusto ko siya para sa iyo."

"Pakatapos po ng kasal nila Luisana," sagot ko kay mama dahilan upang tumango na lamang siya.

Malapit na ang kasal ni Luisana, ibig sabihin ay bilang na rin lang ang oras na makakasama ko siya. Hindi ko alam pero may kirot na namutawi sa aking dibdib dahil sa iniisip ko.

Dahil sa ayaw makita ni mama ang mga Reyes at ayaw niya ring masira ang plano ay nagpasya siyang huwag na lang dumalo sa kasal ni Luisana.

My sister is very happy at the arms of the man she loves. Sino ba naman kami upang ipagkait sa kanya ang kaligayahang inaasam-asam niya? Kaya kahit ayaw pa namin ni mama na isang Reyes ang mapapangasawa niya ay tinanggap na lamang namin.

"Hijo, nararamdaman kong isa kang mabuti at responsableng binata. Nawa'y huwag mong sasaktan ang unica hija namin ni Victoria," wika ni Felipe.

Kung maari ko lang siyang sumbatan at saktan ay ginawa ko na. Siya ang dahilan kung bakit namatay si papa. Ang lalakeng ito ang pumatay sa ama ko!

"Opo, señor. Makakaasa kayo," saad ko dahilan upang tapikin niya ang aking balikat.

It was all a lie. Ganoon ka ba talaga kagaling magsinungaling, Raphael? Kaya pala abogasiya ang kinuha mong propesyon.

I darted my gaze to Victorina who is laughing beautifullly with her mother. I hate to erase that beautiful smile of hers sa oras na iwan ko siya.

Will I ever heard her laugh again? Maybe not.

"Hindi ko inakala na kayo pala ni Mavic ang magkakatuluyan," nakangiting wika ni Luisana.

"Hindi pa naman kami ang end game."

Ang kaninang ngiti ni Luisana ay napalitan ng naniningkit na mga mata.

"What are you saying, kuya? May balak ka bang iwan si Mavic?"

Umiling ako. "Wala. Ano ba namang tanong 'yan?"

"Aba dapat lang kuya. You should love her with all your heart."

"Of course," wika ko at binigyan na lang siya ng isang pilit na ngiti.

Sino ba ang niloloko ko? Pero hindi ko naman pwedeng sabihin kay Luisana ang plano ko. Masisira lang ang lahat ng pinaghirapan ko.

"Can I stay here for the night?" I asked her.

I can't spend the night in the house of the persons who are the reason why my father is lying sixth feet beneath the ground right now.

Kumunot ang noo niya. "Huh? Akala ko ay kanila Mavic ka matutulog."

"Parang ayaw mo kong makasama na ah," nagtatampo kong saad.

"Grabe ka naman kuya. Of course not. Ok. Dito ka na matulog," ani Luisana at niyakap ako.

My sister is too soft and pure. This is the thing that I like most about her. I will surely miss her.

I'm sure na kahit pa sabihin ko sa kanya ang totoo ay mapapatawad niya rin lang naman agad ang mga Reyes. That's how kind she is.

"Anong oras ka uuwi?" she asked with full of enthusiasm.

"Ahh... Victorina," I paused. "Pinilit kasi ako ni Luisana na rito na raw muna ako matulog for this night dahil matagal-tagal pa siguro kami magkakasamang muli lalo pa't dito sila sa San Diego maninirahan ni Franco."

Hindi agad siya nakapagsalita.

"Ok lang naman 'yon sa'yo, di ba?" I asked again.

"Of course. Ano ka ba, Raphael? Syempre ok lang sa akin tutal kailangan niyo rin ng bonding time na magkapatid."

Bakit pakiramdam ko ay nasaktan ko siya?

She sounds hurt and lonely.

"Are you ok?" I asked at hindi ko na naitago ang pag-aalala.

"Yup. So don't worry about me. Ang isipin mo ang bonding time niyo ni Luisana lalo pa't ikakasal na siya bukas."

"Ok. Good night, Victorina."

"Good night, also," she said before she finally hunged up.

Bakit nasasaktan din ako kapag nasasaktan siya?

I don't know and I don't even wanted to know.

Tulad na lamang nang makita ko ang pag-iyak niya sa harap ko at nagmamakaawang huwag ko siyang iwan.

Ayokong gawin pero dapat. Kailangan kong gawin para kay papa, para kay mama, para sa pamilya namin. If I will to choose, I will always choose my family over anything else, even over her.

Nakuha ko na ang paghihiganting gusto ko. I broke the heart of the Reyes' princess pero bakit hindi ako masaya?

Bakit nasasaktan ako sa tuwing naalala ko ang lumuluha niyang mga mata?

"Why did you tell her the truth, ma?!"

"Dapat lang na malaman niya ng sa ganoon ay tantanan ka na ng babaeng 'yon."

"Kahit na. Hindi niya dapat nalaman 'yon. I already broke her. Ayokong mas basagin pa siya."

"Raphael, kahit ano pa ang sabihin mo ay nararapat lang sa kanya iyon dahil isa siyang Reyes."

"Can you stop it already? Tama na please," pakiusap ko sa kanya at iniwan na siya roon.

Ang makita ang lumuluhang mata ni Victorina ang isa sa kahinaan ko. Gustong-gusto ko na siyang lapitan at pawiin ang kanyang luha pero tinatagan ko ang loob ko. Hindi mo na siya pwedeng lapitan pa, Raphael.

Tapos na kayo. Hanggang dito na lang.

"Gago ka ba?!" galit na galit na saad ni Adrian pagkatapos niya akong suntukin.

"Nagparaya ako dahil akala ko ay kaya mo siyang mahalin at hindi mo siya sasaktan. Pero anong ginawa mo?" aniya at sinuntok akong muli.

Hindi ako lumaban. Deserve ko naman talaga eh. Gago naman talaga ako. Sinaktan ko ang babaeng mahal na mahal ko.

Yes. Na-realize ko na ngayon ang totoo kong nararamdaman sa kanya. I love Maja Victorina Reyes so much and it hurts to know that I am the reason why she is hurting badly right now.

"Kuya, anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang saad ni Luisana nang makalapit siya sa akin. Nag-utos din siya sa kasambahay nila na kunin ang first aid kit.

"Nasaan ang asawa mo? Gusto ko siyang makausap."

"Darating na rin 'yon maya-maya galing sa trabaho," ani Luisana habang ginagamot ang sugat na natamo ko sa mga suntok ni Adrian.

"Narinig ko 'yong nangyari. Totoo ba 'yon kuya? Ginamit mo lang si Mavic para paghigantihan sila papá?"

"Gusto ko mang i-deny pero totoo," saad ko dahilan nang paghiyaw ko sa sakit dahil sa pagdiin ni Luisana ng bulak sa pasa ko.

"Tanga ka pala kuya eh."

"Oo nga. And that was the greatest mistake of my life."

Nang dumating si Franco ay matalim na tingin ang ibinigay niya sa akin. Naintindihan ko naman siya. Kahit ako rin naman ay lubos na magagalit sa lalakeng sasaktan si Luisana.

"Alam ko na galit ka sa ginawa ko sa kapatid mo but believe it or not ay nagsisisi na ako sa ginawa ko," saad ko pero hindi naman siya umimik.

"Kaya ako nandito ngayon para ipaalam sa'yo na may malaking problemang kinakaharap si Victorina sa kompanya niyo. I think she needed help," saad ko pero tiningnan niya lamang ako. Alam kong gustong-gusto niya akong saktan at bugbugin pero hindi niya lang magawa dahil kay Luisana.

Nasabi ko na ang ipinunta ko rito. Hindi ko na kailangan magtagal pa.

Nagpaalam na ako kay Luisana at umalis na.

"Raphael!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at doon ko nakita si Victorina na naglalakad papalapit sa akin.

"I miss you," aniya nang maikawit na sa aking leeg ang kanyang mga kamay.

"I," saad ko at hinalikan ang kanyang noo.

"Love," ang tungki ng kanyang ilong naman ang sunod kong binigyan ng halik.

"You," at panghuli ang kanyang labi na kay pula.

I love this girl very much and I will do everything just to have her by my side forever even if it takes my love to be fearless in order to shield her from the pain that the world may give.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

1.2M 44.5K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
45.1K 1.3K 54
Matapos malaman na hindi pala siya tunay na anak ng mag-asawang Villarreal, ang kinikilalang magulang ni Fayeliya sa loob ng dalawang dekada, lumuwas...
229K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...