FATED TO F*CK YOU✔

Par TitaAmor07

868K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... Plus

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

Kabanata 30

10K 382 78
Par TitaAmor07

KABANATA 30

Gabi na nang magising si Blue sa hospital. Bumungad sa kanyang mga mata ang mga kaibigan. Wala ang mga magulang niya dahil inasikaso ang punerarya para sa burol ng kapatid niya. Nakatulala lang ito at parang hindi niya nakita ang mga kaibigan. Wala siyang imik at hindi man lang kumurap ang mga mata.

“Blue,” sambit ni Grey.

“Gising na si Pula?” mahinang tanong ni Blue.

Lumapit si Katleya rito. Nagpipigil ang dalaga na hindi umiyak sa harapan ng kaibigan. Ayaw niyang dumagdag pa sa lungkot at sakit na naramdaman nito.

“Blue, nasa funeral na si Red. Sa mga oras na ito ay nakaburol na siya,” pagpapaalala ni Katleya.

Parang agos naman ng talon ang pagbuhos ng luha sa mga mata ni Blue. “Bakit pa ba siya nandoon? Ayaw na ba niya talagang gumising? Iiwan niya na ba talaga ako?”

“Blue, hindi matutuwa si Red niyan. Huwag kang ganyan. Magpakatatag ka,” ani Green.

“Nandito pa kami. Hindi ka namin iiwanan,” anang Grey.

Nakatitig lang si Blue sa kawalan. “Sabi niya mahal niya ako? Pero bakit niya ako iniwan? Sino na ang hahalik sa noo at pisngi ko tuwing gabi? Sino na ang yayakap sa akin bago matulog? Sino na ang magtitimpla ng gatas ko? Sino na ang gigising sa akin? Sino na?”

“Blue” sambit ni Grey. Hindi na rin niya mapigilan ang luha na lumabas sa mga mata niya. Awang-awa na siya sa kaibigan nila. “Hindi man kami si Red, pero mahal ka namin na katulad ng pagmamahal niya sa iyo.”

“Tama si Grey. Nandito pa kami. Nandiyan din si Kat,” ani Green.

Bumangon si Blue at umupo sa kama niya. Tumingala lang ito sa kisame habang walang pigil sa pag-iyak.

“Mamimiss ko ang paghilik niya. Mamimiss ko ang amoy niya. Mamimiss ko ang pagmamahal niya. Mamimiss ko ang lahat-lahat sa kanya. Sana ako na lang ang namatay, bakit siya pa? Bakit siya pa? Ako naman iyong masamang tao, 'di ba? Bakit pa ang kapatid ko na ang alam lang sa mundo ay mahalin ako? Sobrang bait niyang tao. Marami pa siyang puwedeng gawin. Malaki ang pangarap niya sa buhay. Paano lahat ng iyon? Paano niya magagawa iyon?” Humagulgol ito.

“May ibang plano ang Diyos para sa kanya, Blue. Basta ang gawin natin ay magpakatatag tayo,” anang Katleya.

Tiningnan ni Blue si Katleya. “Saan sila Mommy? Sinisisi ba nila ako?”

“Wag kang mag-isip nang ganyan. Sobrang nag-aalala sila sa iyo. Kaya wala sila rito dahil inasikaso nila ang burol ni Red,” paliwanag ni Katleya. Hinawakan pa niya ang kamay ng kaibigan.

“Aalis na ako.” Tinanggal ni Blue ang dextrose na nakatusok sa kamay niya. “Mauna na ako sa inyo.”

“Hindi ka pa okay. Hintayin mo muna na dumating ang nurse.”

“Kahit gagaling ako rito. Hinding-hindi ako magiging okay. Dahil ang bumuo ng pagkatao ko, wala na,” anito. Nagpupunas siya ng luha sa mga mata niya. “Mauna na ako.”

Sinundan ito ng mga kaibigan niya.

“Sabay na tayo, Blue,” si Grey.

Hindi na pinakinggan ni Blue ang mga kaibigan niya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Gusto na niya muling makita ang mahal na kapatid.

•••

Pagpasok ni Blue sa pintuan ng punerarya, humagulgol ito. Lalo na nang makita niya ang larawan ng kanyang kapatid sa ibabaw ng kabaong. Sobrang sakit nito para sa kanya dahil siya pa mismo ang kumuha ng larawan na iyon ni Red. Naalala niya ang araw na iyon na masaya pa silang dalawa.

Habang dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa kabaong, pinagtitinginan siya ng lahat. Ang iba, hindi napigilang magbulungan at ang iba, masama siyang tinitingan. Nagliliyab naman sa galit si Belinda nang makita ang presensya ni Blue. Sa mga titig niya ay parang lalamunin niya ito ng buhay. Sinisisi niya si Blue sa nangyari. Narinig niya kasi sa mga kasambahay ng Montenegro na sinundan ito ni Red noong nagtampo ang binata.

Pagdating ni Blue sa haparan ng kabaong ng kapatid niya, sumigaw na ito para gisingin ang kambal niya. Tumakbo papunta sa kanya si Crezelda na umiiyak din at niyakap ang anak niya.

“Si Pula! Bakit siya nandiyan!” pagsisigaw ni Blue.

“Ssshh. Calm down, Blue.”

“Pula!” sigaw muli ni Blue. “Bumangon ka na riyan.”

“Wala na ang kapatid mo, Blue,” pagpapaintindi ni Crezelda.

Bumuwag sa pagyakap si Blue at niyakap muli ang kabaong ng kapatid niya. Ang luha niya ay nagsipatakan na sa salamin ng kabaong. Lumabo na nga ito dahil sa kanyang luha.

“Bumangon ka na riyan, Pula. Ano bang ginagawa mo riyan? Hindi ka bagay riyan! Hoy! Kaya mo ba akong iwan, ah? Paano na ako?”

Dumating na sila Grey at napailing-iling na lang sila nang masaksihan ang kaibigan. Lahat sila, apektado sa pagkawala ni Red. Ngunit iba ang sakit na nararamdaman ni Blue.

Lumapit si Katleya rito. “Umupo muna tayo, Blue.”

Tumigil sa pag-iyak ang binata. “'Wag mo akong iwan, Kat.”

Tumango ang dalaga at pumunta na sila sa pinaka unang hilera ng upuan. Pagkaupo nila, isinandal ni Blue ang ulo niya sa balikat ng dalaga. Niyakap niya rin ang kanang braso nito.

“Ito ang paborito niyang gawin ko,” bungad ni Blue. “Kaya pala sinabi niya sa akin kagabi na mamahalin at protektahan kita lagi. Ito pala ang sagot ng mga sinabi niya. Dahil mawawala na siya.”

Tahimik na umiiyak si Katleya. Umupo na rin sa tabi nila sina Grey at Green at inabutan ng tubig si Blue.

“Salamat,” walang ganang sabi ni Blue.

Tumunog ang tiyan ni Blue at rinig na rinig iyon ni Katleya. “Kumain ka muna, best friend.”

“Wala akong gana,” sagot ni Blue. Kahit gutom na siya, ayaw niya pa rin kumain.

“Pero nagugutom ka na. Baka magkakasakit ka niyan,” pag-aalalang sabi ng dalaga.

“Mas maganda nga iyon. Tapos kong mamatay ako, magsasama na kami ni Pula.”

“Naririnig mo ba ang sinabi mo? Do you think matutuwa si Red niyan?”

“Hindi ko alam.”

“Kain ka muna. Kukuha muna ako ng pagkain. Grey paki-tingnan mo muna si Blue.”

Pagtayo ni Katleya, hinawakan ni Blue ang kamay niya. Muli niya itong pina-upo. Pagka-upo ni Katleya, muling sumandal si Blue sa balikat niya. Sinenyasan naman ng dalaga si Grey na sila na lang ang magkuha ng pagkain. Tumayo naman si Grey at tinanong si Crezelda kung saan ang mga pagkain.

“Nandoon, iho. Salamat sa inyo, ha?” naluluhang sabi ni Crezelda.

“Welcome po, Tita. Promise, aalagaan namin si Blue,” sagot ni Grey.

Pagdating ni Grey roon sa pinaglalagyan ng mga pagkain, nandoon si Belinda. Nakataas ang kilay habang tinititigan nang masama ang binata. Mainit din ang dugo ni Belinda rito.

“Bakit ka po ganyan makatingin?” walang takot na tanong ni Grey.

Alam ni Grey kung ano ang ugali ang meron si Belinda kaya nawawalan na siya ng respeto rito. Alam niya rin na noong una pa lang ay masama na ang trato nito sa kaibigan nilang si Blue.

“Wala ka man lang sasabihin? Kahit simpleng pagbati man lang?” taas-kilay na tanong ni Belinda.

“Hindi naman ikaw ang pinunta ko rito. Unless kung ikaw ang binurol. Sana,” nakangiting sagot ni Grey.

“Bastos!” pagpipigil sa galit na sabi ni Belinda. Natakot siya na baka marinig siya ng mga tao kaya pinigilan niya ang sarili na makagawa ng eskandalo.

“Likewise,” sagot ni Grey sabay kuha ng plato. “Good evening po, dadaan muna ako. Kukuha muna ako ng pagkain para sa kaibigan ko.”

“Now I know bakit ganoon ang ugali ni Blue. Sa inyo pala nakuha.”

Tinitigan ito nang masama ni Grey. “Hindi. For your information Tita, kay Blue namin ito nakuha na minana niya sa iyo.”

“Pasalamat ka nandito tayo sa burol ng pamangkin ko. Dahil kung hindi, pinagsasampal na kita,” gigil na asik ni Belinda.

“Bakit hindi mo gawin ngayon? Nagbabalat-kayo ka girl?” natatawang sabi ni Grey. Sinadya niya iyon para lalo itong mainis.

“Sh*t!”

Sa sobrang galit ni Belinda, umalis na lang ito. Hindi niya nakayanan ang pagsagot-sagot ni Grey sa kanya.

Pagkawala ng paningin ni Grey kay Belinda, napabuntong hininga na ito dahil sa sobrang kaba. Nanginginig ang dalawang tuhod niya nang kaharap ito kanina, pero pinigilan niya ang kanyang sarili na hindi magpalamon sa takot. Sa sandaling ito, malaya na siyang kumuha ng pagkain para kay Blue. Pagkatapos, bumalik na siya sa kinauupuan nila.

“Kumain ka na, Blue,” wika ni Grey.

Umayos si Blue ng upo at tiningnan si Katleya. Itinaas niya ang kanang braso na tinamaan ng baril. Nakuha naman agad ni Katleya ang ibig ipahiwatig ng kaibigan. Gusto ni Blue na magpasubo dahil hindi nito kayang kumain.

“Fine,” anang Katleya sabay kuha ng plato sa kamay ni Grey.

Kumuha si Katleya ng isang monobloc na upuan at pinatong niya roon ang plato na may laman na pagkain. Tiningnan niya ang kaibigan.

“Dahil sinabi sa akin ni Red na aalagan din kita. Gagawin ko, kaya buksan mo ang bibig mo,” anang Katleya.

Ibunuka ni Blue ang bibig niya. Kahit gustuhin man niyang siya lang kumain mag-isa, hindi niya rin ito kaya dulot nang tama ng baril sa kanang braso. Pinasok na ni Katleya ang kutsara sa bibig ni Blue. Habang abala sa pagnguya ang binata, tumulo muli ang luha sa mga mata nito. Naalala niya lang kung paano kumain ang kapatid niya.

“Sshh. Stop crying. Tingnan mo ako,” utos ni Katleya. Nang humarap ang binata, sinubuan niya itong muli. “Good.”

Napatigil si Katleya nang magtama ang mga mata nila ni Blue. Tumayo ito. “Grey, ikaw mo na. Iihi na muna ako.”

Nagmamadali nang pumunta si Katleya sa banyo dahil kunti na lang ay tutulo na ang luha niya. Pagdating niya, pumasok agad siya at roon ibinuhos ang lahat ng sakit sa puso niya. Humagulgol na siya habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

“Red, why?” tanong ni Katleya. Hinawakan niya ang kanyang dibdib. “Ang hirap magpakatapang, Red. Dahil ang totoo, sobrang sakit dito sa puso ko. Alam mo ano iyong mas masakit?” Nagpupunas ito ng luha sa mga mata niya. “Kapag nakikita ko ang kapatid mo, ikaw ang nakikita ko. Pero hindi ikaw iyon dahil wala ka na. Bakit mo ako iniwan, Red?”

“Kat?” sambit ni Blue.

Napatigil sa pag-iyak si Katleya at napalingon sa pinto. “Lalabas na,” sagot nito sabay hilamos ng tubig sa mukha niya.

Paglabas ni Katleya, agad siyang niyakap ni Blue. “Narinig ko ang sinabi mo. You can stare at me whenever you want. I can be Red just for you. Alam kong sobrang nasaktan ka sa pagkawala niya kaya ilabas mo lang 'yan. Walang masamang umiyak.”

“Ayaw ko na kasing sabayan ang lungkot mo.”

Hinawakan ni Blue ang buong mukha ng dalaga at pinunasan ang luha sa mga mata nito. “Umiyak ka lang sa bisig ko. Mag-iyakan lang tayo hanggang sa magsawa tayo. Lilipas din ito.”

Pagkatapos iyon sabihin ni Blue, hinalikan niya sa noo ang kaibigan at niyakap nang sobrang higpit.

•••

Walong araw ang lumipas at huling gabi na ng lamay ni Red. Kahit papaano, nakakayanan ng ngumiti ni Blue dahil sa mga kaibigan niya na laging nandiyan para sa kanya. Napagtanto niya rin na hindi matutuwa ang kapatid niya kung lagi siyang magpapaapekto sa nangyari. Sinusubukan na niya maging matatag.

Kasama ni Blue sina Black at Katleya sa unang hilera ng upuan. Wala naman sa tabi niya sina Grey at Green dahil tumulong ito sa paghatid ng mga pagkain. Naka-uniporme pa ang dalawa dahil dumiretso ito sa punenarya pagkatapos ng klase nila. Nang mapansin ni Blue na sobrang tahimik ni Katleya, nag-isip siya ng paraan para mawala ang lungkot nito.

“Panget?” sambit nito. Umusog po ito para mas mapalapit sa dalaga.

“Bakit?” matamlay na sabi ni Katleya.

“May naisip ako. Kakantahan natin si Pula.”

Napatango si Katleya. “Sige.”

“Pero promise me na walang iiyak. Masaya lang dapat ito, ah?” pagpapa-alala ni Blue.

“Susubukan ko.”

“Salamat, Kat.”

Tumayo na si Blue at hiniram ang gitara ng lalaki na tumugtog kanina sa vigil. Pumunta siya sa harapan at kinuha ang mikropo na nandoon.

“Grey, Green, Kat, hali kayo rito,” pagtawag ni Blue. Tiningnan niya si Black. “Ikaw Kuya, baka gusto mo?”

“Kayo lang. Makikinig lang ako sa inyo rito,” sagot ni Black.

“Sige po, Kuya.” Tiningnan ni Blue ang mga tao sa loob ng funeral. “Bago kami kakanta. May sasabihin muna si Katleya.”

“H-huh?” takang na tanong ni Katleya.

“Sige na, please.” Lumingon si Blue sa kabaong ng kapatid niya. “Pula, oh. Ayaw niya.”

“Fine.” Kinuha ni Katleya ang mikropono sa kamay ni Blue. “Hello po sa inyong lahat. Ako po si Katleya Yellownora Marie C. Quizo. Girlfriend po ako ni Red.” Bumuntonghininga ito pagkatapos ay ngumiti. “Alam niyo iyong boyfriend ko? Ishe-share ko lang kung paano ko siya nagustuhan. Noong sumali ako sa Ms. Montenegro university last year. Iyon po ang unang pagkakataon na magkita ang landas namin, though kilala ko na siya from the beginning. Sino ba namang hindi? Anak sila ng may-ari ng university na pinapasukan ko. Pero tumibok ang puso ko sa kanya noong hinaranahan niya kaming mga contestant sa pageant. Sobrang kilig ko noon kaya roon tumatak na ang pangalang Redrigo McArthur X. Montenegro sa puso’t isipan ko. Ang nakakatawa hindi pala si Red iyon, it was him.” Tiningnan niya si Blue. “Siya pala iyong kumanta, he imitates his brother. Nalaman ko ang lahat ay noong araw na naging kami na ni Red. Nag-iyakan pa kami noon. Ang akala niya kasi ay si Blue talaga ang mahal ko at hindi siya. Umiiyak ako nang araw na iyon kasi umiiyak siya nang dahil sa akin. Pinaliwanag ko sa kanya na roon ko siya nagustuhan nang gabing iyon sa katauhan ni Blue, roon sa pageant. Pero minahal ko na siya noong araw-araw ko siyang sinusundan sa school. Mas nakilala ko na ang ugali niya. Iyong lalaking iyon ay siya na talaga, si Red at hindi na si Blue.” Ngumiti si Katleya. “Si Blue ang dahilan why I fell in love with Redrigo.” Tiningnan niya ang binata. “Thank you, best friend.”

Napangiti ang mga tao habang pinapanood sila. Maliban kay Belinda na ang sama ng tingin kay Blue. Parang kakainin niya ito nang buhay.

“Grey, ikaw na muna ang magpatugtog ng gitara. Iihi na muna ako sandali," wika ni Blue.

“Okay,” sagot ni Grey sabay kuha sa gitara na hawak ni Blue.

“Kat, iihi na muna ako,” bulong ni Blue sa kaibigan.

Tumango ang dalaga at nagpatuloy na sa pagkuwento tungkol sa kanilang dalawa ni Red. Tuwang-tuwa naman ang lahat habang hindi maitago ang kilig.

Pagdating ni Blue sa banyo, agad na itong umihi. Pagbuhos niya sa inidoro, agad na itong lumabas. Pero laking gulat niya, nandoon ang Tita Belinda niya. Nanlilisik ang mga mata nito habang tinitigan siya nang masama.

Magsasalita na sana si Blue, pero agad itong sinabunutan ni Belinda. Napanga-nga si Blue sa sobrang sakit. Sobrang higpit kasi ng paghawak nito sa buhok niya.

“Aray po. Nasasaktan ako, Tita,” pag-inda ni Blue sa sobrang sakit.

“Nasasaktan ka? Bakit kami, hindi ba? Sino pa ang papatayin mo sa pamilya natin? Pinatay mo na si Pinkerlia, pinatay mo pa si Redrigo, sino pa ang isusunod mo? Si Mommy Rosa? Si Crezelda? Ang kambal ko? Sino pa, Blue?”

Umiiyak na si Blue habang hinahayaan siyang saktan ni Belinda. Hinila siya pabalik sa banyo at isinubsob ang mukha sa inidoro.

“Ikaw ang dapat na mawala! Isa kang sumpa! Malas ka sa pamilya natin!” inis na sabi ni Belinda. Isinubsob niyang muli ang mukha ni Blue sa inidoro. “Kung may natira ka pang konsensya sa puso mo, umalis ka na! Lumayas ka na!”

Nagsusuka na si Blue dahil sa pandidiri, pero wala pa ring tigil si Belinda sa ginagawa niya. Isinubsob niya muli ang mukha ni Blue sa inidoro. Ginawa niya ito nang paulit-ulit. Namumula na ang mukha ng binata dahil sa pagsusuka, pero walang planong tumigil si Belinda na gawin iyon.

“Mamatay ka na! Isa kang sumpa! Malas ka!” pagsisigaw ni Belinda sa sobrang galit.





~~~

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

564K 9.1K 96
C O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming...
84K 4.4K 43
Stella, perceived as wicked and evil by some, embodies a facade of heartlessness, incapable of showing love even to her own flesh and blood. And then...
3.2M 82.6K 51
[POLY] IDLE DESIRE 4: HELLION TRIPLETS PUBLISHED UNDER IMMAC PPH | Available on Immac shopee. She was rich, gorgeous and perfectly amiable. She has a...
99K 1.4K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...