÷ : #1 How Would You Feel?

By jcrscnt

52 0 0

Fliamonth Degana isn't really interested about boysㅡ sa Gay lang. More

Disclaimer
Prologue

1

19 0 0
By jcrscnt

Una: Bakasyon
Flia

Sa mga nag daang-araw ng bakasyon namin, ngayon ko lang totally nafeel ang bakasyon. Grade 10 na ako sa susunod na school year. Muntik ko pang ihampas ang laptop sa sarili nang marealize kong halos nawala sa isipan ko ang pagbabalik ko sa eskwela.

"Flia, anak?"

Tinanggal ko ang isang earphone na nakasalpak sa tainga ko. Hindi na ako nag abalang salubungin ang nanay ko sa pintuan ng aking silid dahil hindi naman ako naglalock ng pinto at sanay na pumapasok na lang pag may kailangan ang pamilya ko sa akin.

"Yes, ma?"

"Pumitas ka nga ng Mangga sa likod tas ibigay mo kay Mang Pots."

Tumayo na ako at isinara ang laptop. Tumungo ako sa cabinet at napalingon kay Mama na nakapamewang habang pinapanuod akong pumili ng tshirt at pambaba. Tanging manipis na sando at pajama lamang kasi ang suot ko. Hindi akma ipanlabas.

"Para saan, Ma? May umorder ba ng jam?" Tanong ko.

Gumagawa kasi si Mama ng jam upang maibsan ang boredom tuwing naiiwan siya pag si Papa lang ang nagtratrabaho sa company namin. Patok sa villa namin ang masarap na jam ni Mama. Malasa kasi ito at may hindi kapalipaliwanag na tamis na nagbabalanse sa natural na tamis ng mga prutas namin. Bukod pa rito, magaling talaga si Mama magluto kaya naman hindi mo magagawang tanggihan ang jam na gagawin ng ina ko.

Pumasok ako sa sariling banyo at mabilis na nagbihis.

"Hindi. May bagong lipat na pamilya kasi sa kabilang street, buntis daw at naglilihi sa mangga ang asawa ng may-ari. Buti, kaibigan ni Yaya Madel ang mga katulong nila kaya eto, nagpabili."

Ipinusod ko ang buhok ko at agad tinapos ang pag-aayos. Balak ko sanang tapusin agad ang pagpipitas ng mangga sa likuran ng bahay namin para maka-pag-aral ako buong maghapon.

Muli na naman akong nagsisi sa pagsasawalang bahala ko sa aking pag-aaral nuong mga nakalipas na dalawang buwan. Sinayang ko lang talaga ang oras ko. Tsk.

Isinama ko ang pinaka-close kong Yaya sa bahay upang tulungan ako sa pagpipitas ng Mangga.

Nasa baba si Yella, ang Yaya slash kaibigan ko na rin, upang saluhin ang mga manggang makukuha ko. Ako naman ang taga-akyat.

"Gaano ba karami ang kukuhanin mo, Fliamonth? Antagal mong bumaba baka mapaano ka!"

Umismid ako palihim. Mas bata si Yella sa akin ngunit masyadong malaki ang responsibilidad niya bilang taga-pangalaga ko.

"Ayos lang ako rito!"

Kumapit ako sa isang makapal na sanga bago idiin ang pagkakaapak sa katawan ng puno, inihakbang ko ang isa kong paa upang mas maabot ang isang kumpol ng mangga.

"Jusko! Bumaba ka na riyan, Flia! Ang taas na niyan! Lagot ako kay Tiya Madel pag nahulog ka jan!"

Parang wala akong narinig sa paninita nito. Mabilis kong inabot at hinatak ang manipis na sanga ng mangga na kanina ko pa nais kunin. Nang marinig na ang pagkakalas ng sanga sa puno ay yun namang tili ko sa saya!

"SEE?! I GOT IT, YELLA! I GOT IT!"

"Oo na! Jusko naman Lord! Pababain niyo na ho ang amo kong sintigas ng bato ang ulo! Jusko!!!"

Natawa ako sa paghihimutok nito. Iiling-iling pa akong bumaba nang dahan-dahan at umupo sa makapal na sanga na malapit na sa damuhan.

"Ilan pa kailangan natin?" Tanong ko. May gana pang isayaw ang mga hita sa kabila ng paghihimutok ng kaibigan ko.

"Tignan mo nga ito, Fliamonth Degana! Sa tingin mo ba, e, hindi pa sapat 'to!?"

Iwinasiwas niya ang kamay sa kaliwa't kanan niya. Ang apat na basket na singlaki ng isang balde, ay may lamang mangga na halos umapaw na sa rami.

Natawa ako at muling umiling. Mariin kong ipinikit ang mata ko at tumingala. Ito talaga ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko na ako mismo ang kumukuha ng mga prutas dito sa likuran. Marami kaming mga kasambahay at may punong taga-pangalaga kami ng munting taniman namin na ito, pero ako na mismo ang nag request kay Mama na ako na ang bahala sa pag-aani ng mga prutas.

Nagkakaroon kasi ako ng maikling oras upang makalanghap ng sariwang hangin. Tumutulong ito sa akin para mas gumanda ang mood ko.

"Flia!"

Kusa akong natawa at tinalon ang sahig mula sa sangang kinauupuan ko. Isang malakas na palo sa braso ang iginawad ni Yella sa'kin.

"Pag nahulog ka sa puno at nagkanda pilay, lagot ako kayㅡ"

"Tiya Madel! Lalo na't magpapasukan na naman! Jusko ka! Jusko!!!" Panggagaya ko sa kung papaano siya manermon sa akin.

Sinimangutan niya ako. Tatawa tawa naman akong tumungo sa mga basket at isa-isa iyong binilang. Naramdaman kong hindi na gumalaw muli si Yella. Naiwan lang siya sa tapat ng punong pinagtalunan ko.

Nilingon ko siya at nakitang nakangiti siya habang nakatitig sa akin. Ang mga mata niya'y matamlay. Ngumiti ako.

"Why?"

Kinunot niya ang noo na para bang iniiwasang 'wag maluha. Iniling ang ulo at marahang lumapit sa akin.

"Isang linggo na lang mula ngayong araw ang basyon mo rito sa Villa." Kunot pa rin ang noo niya, "Unang beses ito na mahihiwalay ka sa amin. Bakit ba sa Maynila mo kasi nais mag-aral? E, mga sopistikada ang mga tao ro'n. Ayaw mo ng ganoon dahil mahilig ka lamang sa mga simpleng bagay."

Lumapit na rin si Yella at tinulungan ako magbilang ng mangga.

"Ang sabi ni Tiya Madel sa akin, tayo na raw ang mag-abot ng mga ito sa mga Serrano. Sa Maynila rin daw kasi ang anak nila mag-aaral. Baka raw maaari mo siyang maging kaibigan para hindi ka ma-awt-op-fleys sa Maynila."

"Yella, hindi ko naman pinili na mag-aral sa Maynila para lang makihalubilo sa buhay ng mga tao duon. Ginusto kong mag-aral sa Maynila dahil sa tingin ko, e, mas malaki ang environment, mas marami akong maeexperience sa buhay na hindi ko pa pala maaaring alam."

Kumamot siya sa braso niya at hindi makapaniwalang lumingon sa akin.

"Lagi ka na lang ganiyan. Lagi mong nais na lumawak pa ang kaalaman mo sa buhay. Kinse anyos ka pa lang, Flia. Magpakasaya ka rin naman sa Maynila."

"'Yella, hindi ako pumunta sa Maynila para sa iba pang dahilan bukod sa pag-aaral. Malaki ang lugar na iyon at tiyak na marami akong matututunan. Nais ko kasing makakilala pa ng mas maraming tao para kung dumating na ang araw na ako na ang hahawak sa kumpanya namin, e, mahusay na akong taga-pagsalita." Kumamot ako sa batok at bumuntong hininga, "'Wag na nga natin pag-usapan 'to. Halika na at mag-aaral pa ako."

Pinagpagan ko ang suot kong tshirt nang matapos naming ilipat ang mga mangga sa basket na kami mismo ni Mama ang gumawa. Naghugas muna kami ni Yella ng kamay at nag ayos kaonti upang magmukhang prensintable sa harapan ng mga bagong lipat.

Habang papalapit kami ni Yella sa kulay puting mansyon ay dumako ang paningin ko sa isang lalaking nakaupo sa damuhan at nakahilig ang ulo sa isang malaking puno. Katabi lang ng punong tinutukoy ko ang mansyon ng mga Serrano.

Bumagal ako ng lakad. Napansin din siguro ni Yella ang pagbagal ko kay sinabayan niya na lamang ko. Naptitig ako sa binatang nakita ko.

Mukhang magkaedad lang kami. Ngunit 'di hamak naman na mas malaman ako kesa sa katawan niyang hindi mawari kung buto lang ba siya na binalutan ng balat o kahit papaano e, may laman pa rin. Lamang nga lang ang buto.

Natawa ako sa sariling kapilyuhan. Isinawalang bahala ko ang binatang umiidlip sa may puno at naglakad na lamang. Bago pa kami makarating ni Yella sa harapan ng mansyon, nilingon ko muna siya at napansin na may hawak pala itong sketch pad at lapis.

Napangiti ako sa 'di malamang dahilan.

"Hello! Anong kailangan nila?"

Muli akong napatingin ako sa harapan. Nakabukas ang kulay tsokolateng gate ng sadya namin. Nakadungaw ang mayordoma na sa pagkaka-alala ko e, ang kumare ni Yaya Madel.

Ako ang sumagot at inilahad ang basket na hawak.

"Ito ho yung mangga na ipinapaabot ni Yaya Madel." Ngumiti ako.

Agad na lumawak ang ngiti ng mayordoma at niluwangan ang gate.

"Ala siya! Pumarito muna kayo mga magagandang binibini. Tatawagin ko muna si Madam. Malakas maglihi at nais niya raw pasalamatan ang sinumang mag-aabot ng mangga niya."

Nakitawa rin kami ni Yella nang matawa ang mayordoma. Napalingon ako sa kasama ko nang marealized na kanina pa siya walang imik.

"Ayos ka lang ba, Yella?"

"O-Oo." Namula ang pisngi niya't nag-iwas ng tingin sa akin.

Kukulitin ko pa sana siya nang biglang lumuwas mula sa pintuan ng isang kwarto ang babaeng mala-porselana ang balat at kulay tsokolate na may halong dilaw ang buhok. Malaki ang tiyan nito at hindi maipagkakailang namumugto ang mga mata.

"Finally!!!"

Tili nito at halos hindi magkandarapa ang mga katulong sa pamamahay na ito nang nagmamadali siyang tumungo sa amin.

"Kayo ang mga anghel na bigay ng langit sa amin ng baby ko!"

Hinalikan niya si Yella sa pisngi bago ako yakagin ng mahigpit.

"Salamat!!!" Aniya.

Natawa ako nang halikan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Anong pangalan mo, hija?" Tanong niya sa akin.

"Ako ho si Flia. Fliamonth Degana. Nakatira po ako sa masyon na nasa kabilang kanto lamang." Ngiti ko ulit.

"Napakaganda mo! Pwede mo ba akong bisitahin dito pag wala kang ginagawa? Balak ko sanang ayusan ang hair mo! Sobrang lambot!"

Nagpatuloy ang pagpuri sa akin ni Tita Hannah. Hannah Serrano ang buong pangalan ng asawa ng may-ari ng mansyon na ito. Sa maikling oras na nag-usap kami ay marami akong nalaman sa pamilya nila. Siya na rin mismo ang nagsabi sa akin na mas mainam daw kung tatawagin ko na lang siyang 'Tita'. Mas masarap daw kasi iyong pakinggan kesa sa 'Mrs. Serrano'.

Mahigit 30 minutes sinuklayan at inayusan ni Tita Hannah ang buhok ko bago kami tuluyang magpaalam na aalis na. Bago pa kami makalabas sa pintuan, may tinawag muna siyang pangalan.

"Javice?"

"Javice!"

"JAVICE!"

"JANUS VICENTH SERRANO!"

Sa ika-huling pagtawag nito, 'saka lamang dumating mula sa pintuan ng mansyon ang binatilyong may maliit na pangangatawan at may balat na malapit sa mala-porselanang kulay na tulad ng kay Tita Hannah. Nag reflect ang puting ilaw sa mga mata nito dahilan upang maging klaro sa paningin ko ang pares ng mga mata niya na kulay abo.

Siya yung binata na humihimbing sa gilid ng puno!

Tama!

"Anak, paki-hatid naman sina Flia sa bahay nila, oh?"

Napalingon sa likuran ko ang binatang nagngangalang 'Javice' bago dumako ang paningin nito sa akin. Hindi ko mawari ang dahilan ng biglaang pagsikip ng dibdib ko nang ngumiti ito sa akin at kumaway.




Jusko. Bakit biglaan akong.... kinabahan?Anong nangyayari?

Continue Reading

You'll Also Like

993K 22.4K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
34.3K 2.2K 15
الكاتبه : رند السبيعي✍🏼 روايتي الاولى أتمنى تعجبكم واستمتعو...
49.8K 1.4K 35
„You are the reason why I'm here today." _-_-_-_-_ After the truth about the relationship between Max Verstappen and Kelly Piquet came out, his world...
1M 89.6K 39
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...