Forced Marriage - COMPLETE

By whateverrr004

64.6K 1.7K 568

PROLOGUE #2 A fanfic for Ricci Rivero. Zoey Hernandez is a student-athlete from De La Salle University. The m... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 2

1.5K 39 13
By whateverrr004

Nandito ako ngayon sa bittersweet cafe, malapit sa bahay ko. Balak ko muna bumili ng breakfast bago magpunta sa La Salle. Maaga pa naman kasi para sa first subject ko eh.

Pagkaorder ko, lumapit agad ako sa vacant table na nakita ko. Hinila ko yung chair pero nagulat ako nang may humila din sa chair na hinila ko.

"Humanap ka na-Oh my god!" literal akong napanganga nang makita ko si Ricci. Si Ricci yung humila ng chair ko!

Bumitaw agad ako at nagtingin-tingin kung may vacant table pa at kung sineswerte ka nga naman. Meron! Sa tabi lang ng table na 'to. Kung meron naman pala bakit nakipag-agawan pa siya? Hay, self. Huwag ka nang maarte. At least nasa iisang upuan lang ang kamay niyo 'no!

Bumitaw ako at pasimpleng huminga ng malalim, "Fine. Sayo na 'yan!" sabi ko at mabilis na lumipat sa kabilang table. Baka mamaya may mauna pa eh.

For the first time, nakita na niya ako! Kalma.. huwag kang magpahalata masiyado, Zoey.

I started eating while acting normal in front of him. Yes, nakaupo siya sa harap ko, pero sa kabilang table. Sana sa susunod isang table nalang babe. Huhu!

I watched him eat while he's using his laptop. This man in front of me, is so handsome. Pointed nose. Perfect lips. Masiyadong pinagpala ang lalaking 'to.

"Staring is rude." bigla ay sabi niya.

Napakurap ako at bigla ay natauhan. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Nakakahiya ka, Zoey!

Kinalma ko ang sarili ko at tumayo, handa nang takasan ang kahihiyan nang bigla siyang magsalita ulit.

"I remember you.." he said while still looking at his laptop.

"You what?" I asked.

"I remember you.." still looking at his laptop.

Ako? Naaalala niya?

"What?" mahinang tanong ko, hindi makapaniwala.

He finally looked at me, "I remem-"

I cut him off, "I am not deaf!" sabi ko sakaniya at umupo ulit.

"Eh, bakit what ka nang what?" masungit na tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Excuse me?"

"Dadaan ka?" nakakalokong tanong niya.

What the!

Kahit love na love ko 'tong lalaki na 'to hindi ako magdadalawang isip na ihagis 'to. Ihagis papunta sa bahay ko. Ibabahay ko na 'to! Pigilan niyo 'ko!

Huminga ako nang malalim at magsasalita na sana ngunit naunahan ako nang pagtunog ng phone ko. Oh, shit! May klase nga pala ako! Bakit ba nakalimutan ko?!

"Bye!" paalam ko at kinuha ang bag ko saka nagmamadaling sumakay sa kotse ko papuntang La Salle.

"I.D, Miss Zoey?" sabi ni Manong Guard.

Hinalungkat ko ang bag ko at shoot! Wala ang I.D ko! Nasaan na! Shit! Shit!

"A-Ahm, Kuya, baka pwedeng lumusot muna? Ngayon lang, please?" paawa ko.

Ugh! Hindi ako pwedeng umabsent ngayon!

"Sorry Miss Zoey, pero hindi pwede eh." sabi ni Manong Guard.

Bagsak ang balikat na bumalik ako sa kotse ko at sumakay. Nasaan na kaya yung i.d ko. Biglang pumasok sa isip ko ang bittersweet cafe, maaaring nandon nga dahil sa pagkakatanda ko ay dala ko 'yon nung umalis ako sa bahay ko.

Nag ring ang phone ko, sinagot ko agad nang makitang si Sandara 'yon.

["Hello? Where are you na? Nandito na prof natin!"] pabulong na tanong niya.

"Wait, malelate ako-"

["Gaga! Late ka na talaga! Bilisan mo na!"]

"Wait nga! Babalik lang ako sa bittersweet cafe. Naiwan ko yung I.D ko!" pagkasabi ko non ay pinatay ko na agad ang tawag.

Aalis na sana ako nang magring na naman ang phone ko. Ugh! Nagmamadali ako eh.

Unregistered number, sino naman kaya 'to?

"Hello?" bungad ko.

["I think, you're looking for your I.D right now. Am I right or am I right?"] sabi sa kabilang linya. Lalaki.

"Yes! Where are you? I'll get it!"

He chuckled. ["Behind you."]

Nagtataka naman akong lumingon sa likod ko at nagulat nang makita na naman si Ricci. Oh my god! Number niya 'to? Number niya 'to?! Oh my goooood! What a day!

Kinalma ko muna ang sarili ko bago bumaba ng sasakyan ko. Hindi pa rin pinapatay ang tawag. Lumapit ako sakaniya habang nasa may tenga ko pa rin ang phone ko.

Seriously, mukha kaming magjowa ngayon. Pasimple kong kinagat ang ibabang labi ko dahil hindi ko maiwasang kiligin sa naisip ko. Hihi!

["Huwag kang kiligin. Ibibigay ko lang I.D mo sayo. May girlfriend ako."] nakangising sabi niya. Sa phone pa rin.

Inis kong pinatay ang tawag at mabilis na lumapit sakaniya. Napaka panira! Argh! I hate you, Rivero! Kainis!

"Akin na nga 'yan!" inis na sabi ko at hinablot ang I.D ko sa kamay niya. Pagkakuha ko ay tumalikod agad ako at kinuha ulit ang bag ko sa kotse ko.

"You're welcome, Miss ha." sarkastikong sabi niya habang sumasabay ng lakad sakin papunta sa gate.

"Sungit mo naman. Hindi mo manlang ba itatanong kung paano ko nalaman number mo?" sabi niya ulit.

"Malamang nasa I.D ko." sagot ko. May nilagay kasi akong maliit na papel sa case ng i.d ko, nakasulat dun ang number ko. Hindi ko din alam kung bakit ko nilagay dun number ko eh, pero ngayon alam ko na. Para malaman ni Ricci. Hihi!

"Kinikilig ka na naman. Sabi ko naman sayo may girlfriend ako."

Sinamaan ko siya ng tingin, "Alam ko! Ang ingay mo."

Finally, nakapasok na rin!

"Oh my! Bakit sila magkasama ni Zoey?"

"Diba may girlfriend si Ricci?"

"Sino siya?"

"Captain 'yan ng volleyball team. Siya si Zoey!"

"Bakit mukhang bagay sila?"

"OMG! Inggit ako kay Zoey!"

"Ang ganda niya talaga! Nakakainis! Bagay sila!"

Hindi ko pinansin ang iba, maliban sa isang babae na nagsabing bagay kami. Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis.

"Oh, bakit nandito ka pa?" tanong ko sakaniya.

"Hinatid ka lang. Masama?" nakangiting sabi niya.

Pa-fall! Inirapan ko lang siya at pumasok sa room namin. Walang prof.

"Oh my god! Mabuti naman at nandito ka na! Mauna ka na bilis! Lumabas lang ang prof natin!" mabilis na sabi ni Sandara.

"Nakalimutan ko kasi ang I.D ko. Mabuti nalang at nakuha ni Ricci sa cafe kung saan kami kumain." bulong ko sakaniya.

Nanlaki mata niya. "ANO?! SABAY KAYONG KUMAIN NI RICCI?!" malakas na sabi niya. Napapikit nalang ako nang magtinginan ang mga kaklase ko samin.

"Uyyy! Dalaga na, Captain ah!"

"Rivero for threeee!"

"Hernandez for MVP!"

"Panalong-panalo ka, Zoey!"

"Zoey Hernandez Rivero! Naks, bagay Zoey oh!"

Pang-aasar ng mga kaklase ko. Pasimple kong kinurot sa tagiliran si Sandara. "Napaka ingay mo talagang babae ka!" inis na sabi ko sakaniya. Nag peace-sign lang siya. Ugh!

I'm dead!!!! Lahat ng kaklase ko kasundo ko, at lahat ng kaklase ko madadaldal! Huwag naman sanang kumalat 'to sa campus! Patay talaga sakin 'tong si Sandara! Argh!!!

Pero sa dami nang nakakita samin kanina, imposibleng hindi nga kumalat 'yon.

Dumating ang prof namin at natahimik ang lahat. Makalipas ang ilang subject ay lunch break na. Hinila ko agad si Sandara paountabg cafeteria.

"Bwisit ka talagang babae ka! Argh! Napaka ingay mo!" inis na sabi ko.

She laughed. "Sorry na, babe! Nagulat lang ako, okay? Magkasama ba talaga kayo o nangangarap ka lang?" nang-aasar na tanong niya.

Hinampas ko siya sa braso niya. "Hindi kami magkasama talaga! Nagkasabay lang kami sa cafe. Tapos naiwan ko yung i.d ko kaya binigay niya! Kainis ka!"

"Pero aminin mo, kinilig ka. Uyy.." pang-aasar niya at sinundot-sundot ang tagiliran ko. "First love. Ayie..."

"Tigilan mo nga ak-"

"Hoy, Hernandez! Yung news ba here sa campus is totoo ba or not?" tanong ni Shan pagkalapit samin. Hinihingal pa at halatang tumakbo.

"What news ba?!" kunot-noo kong tanong.

"About sayo and kay Ricci." kinikilig na sabi ni Shan.

My eyes widened. Oh my god! Kumalat sa campus?!

"How did you know?"

"Oh my god! So, it's totoo nga!" ngiting-ngiti na sabi niya saka pumalakpak.

"Of course not!" tanggi ko, hindi naman kasi talaga totoo, err-hindi pa totoo. "Saan mo naman ba nalaman yan?"

"Twitter, bee." she answered.

"Seriously?" gulat na tanong ko sakaniya. Hindi makapaniwala.

Nakangiti siyang tumango. Kinuha ko naman ang phone ko at nagulat ako sa dami ng notifications. Oh my g! So, totoo ngang kumalat! Hindi lang sa campus!

May mga pictures namin ni Ricci na naka-tag sakin. Merong naglalakad ako palapit sakaniya habang hawak phone ko, meron naman na sumusunod siya sakin sa paglalakad at sabay na pumasok sa gate. Meron din na magkatabi kaming naglalakad hanggang sa building namin at may caption na, "Ang sweet ni Slam Dunk King. Hinatid si captain."

Lahat ng pictures na naka-tag sakin at kay Ricci ay ni-like ng parents niya! Oh my goodness! Kalat na kalat na siz! Ano nalang ang sasabihin ni Ricci?! Ni Grace?! Oh my god ka talaga, Zoey! Wait-hindi ko naman kasalanan. Siya nga pala ang sumabay at nakipag-usap, not me 'no!

Nag-ring ang phone ko, si Sheedy. And I guess..

"H-Hello?"

["Naks, taray. May pahatid-hatid pa ngayon, ah."] pang-aasar niya at tumawa.

"Oh, shut up, Rasheed!"

He laughed. ["Ayie! Kinikilig siya oh."]

"Hmp! Bahala ka diyan!" I ended the call.

"Aray naman!" reklamo ko, paanong hindi? Eh hinampas lang naman ako ni Sandara at Shantelle, mga kinikilig pa.

Sasawayin ko sana nang bigla na naman mag-ring ang phone ko. Nanlaki ang mata ko nang marealize na number ni Ricci 'yon.

"Sasagutin ko ba?" tanong ko kila Shan.

"Who's that ba?" tanong ni Shan.

"Ric-"

Sandara cut me off. "Oo sagutin mo! Bilis!" kinikilig na sabi niya.

I took a deep breath before answering his call.

["You're dead!"] he said and end the call. My eyes widened. I'm dead?

"I'm dead!"

"What?"

"I'm de-"

"Oh, yes, you're dead, Zoey! Ayan na siya, shit ka!" natatarantang sabi sakin ni Sandara.

Lumingon ako sakaniya at may tinitingnan siya kaya tiningnan ko rin. Ganon nalang ang gulat ko nang makita si Grace-ang girlfriend ni Ricci na naglalakad papunta sa pwesto namin.

"Hey, Zoey."

I smiled at her. "Oh, hey, Grace!"

Mabilis na lumingon samin ang mga estudyante. Yung iba ay pasimpleng kumukuha ng litrato. Seriously..

"I am Ricci's girlfriend. And I guess you know that, right?"

"Yeah. So?"

Seryoso lang ang mukha niya at magkakrus ang mga braso sa may dibdib niya habang nakatingin sakin.

"I'll be honest with you. You're such an eyesore."

"Excuse me?"

Nakarinig ako ng mga bulungan pero wala akong maintindihan sa mga binubulong nila.

"Are you flirting with my boyfriend?"

"I'm not."

I'm starting to get irritated. Pissed.

"You're not but you two are trending on twitter? Sweet ni Slam Dunk King? Hinatid si Captain? Sabay pumasok ng school?" parang naaasar na sabi niya.

I took a deep breath and still trying to stop myself from getting pissed though I'm already pissed.

This is the reason why I don't want to get involved or seen with a guy. I don't want to explain my side or tell them the reason behind that. Like this.

"I actually don't want to explain my side but for you, I will." sabi ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "What happened earlier was pure coincidence. I lost my I.D and your boyfriend found it and gave it back to me. Kaya rin kami nagkasabay sa pagpasok. Hindi niya ako hinatid. Nagkataon lang na doon ang daan niya papunta sa building niya. So.. okay na ba?"

She rolled her eyes at me. "And do you expect me to believe that?"

I rolled my eyes. Ang sarap salaksakin. Grabe. Nakakapikon. Ang kulit.

"Believe it or not.. I don't actually care." sabi ko at inayos na ang gamit ko saka tumayo para umalis na nang ipakita niya sakin ang phone niya.

Nagulat ako nang makitang picture namin 'yon ni Ricci sa cafe. Yung parehas kami ng upuan na hinawakan saka yung nasa magkabilang table na kami.

"Care to explain this? I can't believe na wala lang ako, kasama mo na ang boyfriend ko?"

Nagbuga ako ng marahas na hininga at umirap sa kawalan.

"Just ask Ricci to explain that to you. I don't want to waste another minute talking to you." sabi ko at umalis na don. Sumunod naman sakin sila Sandara.

Continue Reading

You'll Also Like

120K 4.2K 95
'How I obsessively adore you' หห‹ยฐโ€ข*โ€โžท startedโž›30/03/2024 finishedโž› หห‹ยฐโ€ข*โ€โžท cover by me x
183K 6.6K 93
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
133K 5.5K 99
a sister who's actions are untamed, and a brother who's feelings are untamed. With complete different personalities, yet an awesome bond, the sibling...
1M 39.7K 92
๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ, ๐—น๐˜‚๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐—”๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—น๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๏ฟฝ...