Elliot's Bed Warmer : ZBS 2

Bởi bluekisses

1.4M 26K 3.3K

Dahil sa malaking pagkakautang ng ama ni Maxene, at ang nagbabadyang pagkuha ng pinagkakautangan nito sa baha... Xem Thêm

ZBS 2: Elliot's Bed Warmer
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30

Kabanata 15

18.9K 474 70
Bởi bluekisses

Kabanata 15

Natapos ang one week trip namin sa Cebu. Kagabi lang kami umuwi.

Kinaumagahan noong nag-overnight kami sa isang hotel ay nag-whale watching kami at nag-trekking sa Kawasan Falls. Ang saya lang ng adventure. Then we spent the remaining two days sa vacation house ni Elliot. Sinulit ko ang dagat. Minsan lang ako makapagbakasyon kaya hindi ko na pinalampas. We did wild things together, inside and outside the house, sa beach. Hindi ko na alam kung saan. masyado kaming mapusok ni Elliot. Palibhasa hindi kami pagod sa kanya-kanyang trabaho.

***

"Ellie. Alis na ako. Bye." Tulog pa si Elliot, dahil five pa lang ng umaga. Kahit may hang-over pa ako sa bakasyon ay kailangan ko nang pumasok, dahil naubos ko na ang leave para sa buwang ito.

"Bye." Inaantok na sabi niya habang nakadapa at nakayupyop pa sa unan.

"See you later, Ellie." Paalam ko bago dinampot ang bag ko dah 6am-2pm ang duty ko ngayon. So mahaba-habang pakikibaka pa.

***

"Good morning nurse Max." Napa-angat ang tingin ko sa bumati sa akin mula sa clipboard na hawak ko.

"Good morning, Doctor Vazquez. Hi." Ngumiti ako. "Napadaan po kayo sa pedia?" Kung dati ay kasama ako ni Kim sa kinikilig kapag nakikita siya, ay parang hindi ko na iyon makapa. Sa nakalipas na buwan malaki ang nagbago. Was it an effect caused by Elliot?

"So you're back from your trip." Komento niya na hindi pinansin ang tanong ko. "How was it?" Nakangising kumusta ni Doc.

"It was nice, Doc. Refreshing." I smiled back at him. At inayos ang laman ng cart na hawak ko.

"That's nice to hear, masaya ring mag-unwind paminsan-minsan." Dagdag niya na kinuha ang clipboard sa ibabaw ng lamesa.

"Doc, magra-rounds na po kayo?" tanong ni Pia isang kasama ko. Mukhang kinikilig pa siya habang tinatanong si Doc Vazquez. Well, kahit sinong babae naman siguro ay kikiligin sa kanya.

Mestisuhin type handsome doctor. At hindi rin magpapahuli ang katawan niya, na alam mong alaga sa work-out. Parang demigod siguro para sa iba. Pero magiging bias ako. Lamang si Elliot. Alam kong lamang siya pati sa puso ko.

"Talk to you later, I'll just have to check the patients." paalam niya na ngumiti ng malaki. Kitang-kita ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin.

"Samahan ko lang si Doc." Paalam ni Pia na halatang kinikilig pa habang tulak ang cart at sumunod na kay Doc Vazquez.

"Si Doc Patrick Vazquez ang new Resident doctor natin. From neonatal inilipat siya sa pedia." Singit ni Kaye, kasabay ko ng shift today.

"Talaga? Kailan pa?" Tanong ko.

"Noong start ng leave mo." Sagot ni Kaye habang inaayos ang hawak niyang mga papel.

"Isang linggo na rin pala." 'Yon lang ang nasabi ko.

"Ang pogi Max 'no? Single kaya siya?" Parang nananaginip pa si Kaye, o nagde-day dream.

"Tanungin mo para sure ka." Tatawa-tawang sabi ko, at lumabas na sa nurse station.

***

"Hi Nurse Max." Napalingon ako sa pagbati na iyon, si Doc Patrick pala.

"Hello po Doc." nahihiyang bati ko. I felt awkward to the attention that he was giving me. Hindi ako sanay.

"Naglunch ka na ba?" Napatingin ako sa kanya sa tanong niya na iyon.

"Hindi pa po. Tapusin ko muna po ang pagpapainom ng gamot sa patients." Nahihiyang sabi ko.

"Drop the 'po' pinatatanda mo ba ako?" Nakangising tanong niya.

"Doc naman, I respect you as our senior." Magalang pa rin na sagot ko. I am a nurse and he is a doctor, it was etiquette.

"I know pero I prefer it. Okay na ang Doc, but Patrick is better." Giit niya pa, kaya ngumiti na lang ako.

Sabay nga kaming nag-lunch ni Doc Patrick sa Cafeteria. Pansin ko tuloy na may ilang parang napataas ang kilay at nagbulungan. Sikat kasi si Doc Patrick, hindi lang bilang mahusay na Doctor kun'di maging sa pagiging makisig nito.

Pero panigurado akong mas tataas ang kilay ng lahat kung makita nila akong kasama si Elliot. Si Elliot na naman ang nasa isip ko. Napangiti ako doon.

Natapos ang lunch na puno ng kuwento ni Doc Patrick. Aaminin kong masaya siyang kasama at hindi boring.

After lunch ay naka-receive ako ng message mula kay Elliot.

'What time is your out?'

Kinilig ako sa mensaheng iyon. Kaya napangiti ako ng malaki.

'Three ang end ng shift ko.'

Reply ko sa kanya. Nag-antay pa ako ng reply pero na-seen niya lang ang message ko. Na-miss niya lang siguro ang mga ginagawa namin at hindi ako.

Napatingin ako sa kalendaryo. Birthday ko na pala next month—next week na nga. Panigurado, kakailanganin kong umuwi. Di bale, nai-plot ko naman na leave ang araw na iyon. Kailangan kong makauwi ng Valenzuela at paniguradong miss na ako ni mama.

***

End na ng shift ko kaya mabilis kong inayos ang sarili ko para makauwi na ako.

"Max?" Narinig ko ang boses na iyon ni Doc Patrick."

"Doc uuwi na rin kayo?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at sinaabing. "36 hours na akong duty. I need some rest." Tapos ngumiti siya ng ubod nang tamis.

"Kamusta na ang patient sa room 105?" Pangungusmusta niya. Nasa may entrance na kami noon ng hospital.

"Umayos naman na at nawala ang seizures niya." Sagot ko.

"That's good, itutuloy ko na lang siguro ang double dose niya bukas." Nakangiting sabi ni Doc Patrick.

"Sana nga at maging okay na siya, naaawa ako sa batang iyon." Komento ko. It was a four year old boy, who was an epileptic patient.

"Yes, I hope he'll get better soon." Sang-ayon ni Doc Patrick. "Tara sabay na kita." Alok niya kaya natigilan ako sa paglalakad.

"Nako huwag na. Malapit lang ako dito. At baka out of way." Iyon na lang ang naisip kong excuse.

"Tinanggihan mo na ako last time, sana naman huwag mo akong ipahiya ngayon." Sa sinabi niya para akong nakunsensya. Sasama na lang siguro ako tapos papa-drop ako sa mall or sa ibang lugar.

"Okay. Sige n—" Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil biglang nag-ring ang phone ko.

Elliot Calling...

"I am here at the parking." Grabe wala talagang 'hello' man lang para sweet. It was Elliot in his authoritative tone.

"Asan ka?" Luminga-linga ako sa paligid at nandoon nga si Elliot, naka-park dala ang pick up niya. Napangisi ako. At kumaway.

Napansin ko ring tumigil si Doc Patrick at sinundan ng tingin ang tinitignan at kinakawayan ko. Nakabukas ngayon ang bintana ng driver's seat. Kumaway mula roon si Elliot.

Binaba ko na ang call.

"Ah—" umpisa ko pero nagkasabay kami ni Doc Patrick.

"May—" natawa si Doc Patrick dahil nagkasabay kami. "May sundo ka na pala." Patuloy niya.

"Oo nga, pasensya ka na. Next time na lang." halata ko na nalungkot ang kausap ko.

"Ingat ka." Pagkasabi ko noon ay biglang may malakas na busina. Si Elliot talaga. Impatient as always.

"I have to go. Bye." Pagkasabi ko noon ay tumakbo na ako palapit sa passenger's seat.

"Who is that?" Tanong niya.

"Doctor Patrick Vasquez, resident doctor namin." Sagot ko. Mukhang nalimutan niya na nangyari na ito last time, parang de javu.

"Bakit ang tagal n'yo mag-usap?" Kalmado siya pero parang may iba sa pagtatanong niya. Napatingin ako sa kanya. Mukhang bad mood.

"May binilin lang tungkol sa pasyente." Sagot ko sa tanong niya. "Isasabay niya sana ako kaso nandito ka na." Pagpaptuloy ko. Tinignan ko siya sa rearview mirror, kitang-kita ang pagkunot ng noo niya.

Galit ba siya?

"Gusto mo pala sa kanya sumabay, sige na sa kanya ka magpahatid." Inis na sabi niya pero minamaniobra niya na ang sasakyan.

Hindi ko alam kung bakit naging ganoon ang reaksyon niya. Nagseselos ba siya? Pero pinalis ko iyon sa isipan ko. Maybe he was irritated because he was not in a good mood.

Hindi na ako kumibo at hinayaan siya. At baka magalit pang lalo. Hinayaan ko lang siyang mag-drive. Pero sa gulat ko ibang way ang tinatahak namin.

"Where are we going?" I asked him curiously.

"Batangas." Tipid na sagot niya mukhang badtrip pa rin.

"Batangas? Why? Hindi maayos ang damit ko." Tuloy-tuloy na sabi ko, nakakahiya sa mga kapamilya niya.

"Dadaan tayo sa mall." Seryosong sabi niya.

"Anong meron sa inyo?" Tanong ko ulit.

"Birthday ng anak ni Casi." tipid na sagot niya.

"Wow! One na si Cassia?" I excitedly exclaimed. Aliw na aliw ako sa napaka-cute na batang iyon.

Dumaan nga kami sa isang mall. Elliot told me to choose something to wear and a gift for her niece.

"Are you done?" Nasa pila na ako ng boutique's cashier nang makita ko si Elliot na sumulpot. Nag-park pa kasi siya. At napag-usapan namin na dito niya ako hanapin.

Hindi nakaiwas sa paningin ko ang ilang babae na napalingon sa pagdaan niya. At sabay-sabay ring bumagsak ang balikat pagkakita na sa akin lumapit si Elliot. There was a pride and triumph smile that crept on my face.

"Yes, babayaran na lang." kinuha ko ang debit card ko mula sa wallet.

Na-punch na ang damit ko at ang gift para kay Cassia. "Miss, two paper bags please." I requested and prompted a big smile.

"Sure, ma'am. Cash po ba or card?"

"De—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumabat si Elliot.

"Card, here take it." Inabot niya ang credit card niya.

"Sir, pa-sign na lang po." Narinig kong parang nag-iba ang boses ni ate na cashier naging pabebe.

"May gusto ka pa bang daanan?" Tanong ni Elliot mukhang hindi na ito bad trip sa tagpong nasaksihan niya sa amin ni Doc Patrick or baka may ibang dahilan sa work kaya siya bad mood.

"Can we grab a coffee?" Tanong ko sa kanya.

"Let's go." Ani niya sa malalim na tinig.

Nang makarating kami sa coffee shop, nagpabili ako ng glaze doughnut and Caramel Macchiato.

"Ellie, palit lang ako ng damit ha." Nagpaalam ako sa kanya at dumiretso sa rest room.

Nakapili ako ng isang light blue maxi dress na sakto lang sa height ko, sleeveless iyon. Hinayaan ko nang iterno roon ang white canvas shoes ko.

Nang makalabas ako ay hawak na ni Elliot ang mga binili niya. Pumunta na kami sa parking area para makabyahe na kami papunta sa Batangas. Ala sinco na pala ng hapon.

"Ellie gusto mo?" Inalok ko siya ng honey glaze na pinabili ko. Bumili kasi siya ng dalawa.

Nilapit ko sa kanya ang isa at kinagat niya naman. Pinunasan ko pa ang labi niya dahil medyo nadumihan ng honey.

Sinubuan ko ulit siya hanggang sa maubos ang doughnut. Tapos ako naman ang kumain. He also drank from his hot espresso.

Napaka-sweet kung titignan mo. Pero hindi naman ito totoo at hindi ito permanente. Next month after my birthday. Matatapos na rin ito.

Maya-maya ay hindi ko na namalayaan at nakaidlip ako. Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang marahang pagtapik ni Elliot sa braso ko.

"We're here." Bungad sa akin ni Elliot nang magmulat ako ng mata.

Halos kumpleto na ang buong pamilya nina Elliot nang makarating kami. Bumati muna kami sa parents ni Elliot at sa lolo at lola niya. Narito rin ang tito niya.

"We are very happy for you, Hijo, I am sure that Abbie is happy too." Natigilan ako nang marinig ko ang sinabing iyon ng tita ni Elliot.

Ngumiti lang siya at tumango sa mga matatanda.

Narinig ko na naman ang Abbie. Asan ba siya? Bakit wala siya sa eksena? Anong nangyari sa kanila ni Elliot? Iniwan ba siya ni Abbie?

Iyon ang mga katanungan na nabuo sa isip ko at agad na nawala nang hawakaan ako ni Elliot sa siko at inalalayan papunta sa kabilang lamesa.

Nagpaalam ako saglit kay Elliot para pumunta sa restroom. "Ellie, punta lang ako sa restroom.

"Hi. Aria, right?" Bati ko kay Aria noong makita ko siya. Ngayong lang talaga kami magkakausap ng matagal siguro.

"Hello." Sagot niya. Kasalukuyang buhat niya si Cassia.

"Okay na ba si Cassia? Hindi na siya umiiyak na kagaya noong nadala sa hospital." Kumusta ko, naaalala ko pa kasi noong una kong nakita si Cassia na walang tigil sa pag-iyak.

"Hindi na, lumalaki nga siyang masayahin e." Ngiting-ngiting sagot niya habang nilalaro ang pamamngkin niyang buhat niya.

"Gusto mong kargahin?" Alok niya pa.

"Sure, sasama kaya siya sa akin?" Nag-aalalang tanong ko dahil baka mangilala, pero sumama sa akin ang bata. Malapit ako sa bata kaya nga pinili kong mag-stay sa pedia ward.

"Hi Cassia, I am Tita Max." Pakilala ko kay Cassia.

"T-ta." Cassia tried saying tita and then she gave me the sweetest smile.

"Yes, very good." I smiled back at her.

"Max." I looked at the direction where I heard Elliot's voice. He was smiling. That smile that melts my heart.

"Ellie, look at your niece, isn't she lovely?" I said grinning.

"Try mong buhatin." Alok ko sa kanya. Halatang ilang siya pero wala naman siyang nagawa.

Elliot carried Cassia who was facing me and her back is on her uncle. He looked so cute with his niece. I think fatherhood will suit him.

"Aria? Can you take a picture of us?" Pakiusap ko kay Aria. Nag-iipon talaga ako ng picture namin ni Elliot na magkasama. Meron na kami noong nasa Cebu.

"Sure." Mabilis na sagot ni Aria at kunuha sa akin ang cellphone.

She took a picture of us . I think we looked like a family.

Napatigil kaming lahat nang makarinig kami nang batingting mula sa isang baso. It was Councilor Casimiro.

"May I have your attention everyone. Find your place to sit. As we start our dinner party for my daughter. Cassia Audrey Zaragoza." Kinuha na ni Aria si Cassia at tumango sa amin. Kami naman ay bumalik na sa upuan.

Pumwesto kami sa table kung nasaan naroroon ang lahat ng mga kapatid niya. Na lahat ay may kasamang date.

Umagaw sa pansin ko ang isang tahimik na babae na medyo mukhang nerdy dahil sa suot niyang salamin. Sabi ni Aria, Mavi daw ang pangalan nito. Katabi ito ni Rod. Napansin ko na para silang mga pusang nagbabangayan.

Hindi ko alam kung mayroon nang namamagitan kina Casi at nitong si Aria, dahil pansin kong panay ang sulyap ng kabilaan. Parang kapag hindi nakatingin ang isa ay ang isa naman ang susulyap. Well, I think it is not impossible, as they are raising a child together. Oh I know they would be a good couple.

Nagkasiyahan na at panay ang kwentuhan. Si Aria na ang pinakamalapit sa akin dito. Nagkakiuwentuhan kami tungkol sa hirap niya sa pag-aalaga sa kanyang pamangkin mula noong maiwan ito sa kanya ng kanyang ate. Nabanggit niya rin kung paanong napunta kay Casi—Konsi pa kung tawagin niya.

Nagkaroon nang picture taking si Cassia kasama ang buong pamilya niya. Mula sa lola nila Elliot, parents niya at sa kanilang anim na magkakapatid. Kung tama ako ng pagkakaalala, base sa kuwento ni Elliot noong nasa Cebu kami.

Ang panganay nila ay si Caleb na may hawak ng family business. Siya ang pangalawa, pangatlo ay si Councilor Casimiro, ikaapat ay si Rod ang pasaway raw niyang kapatid na nagmamay-ari ng isang bar, si Miles na pinuntahan namin noon sa isang gig nito. At ang kanilang bunsong si Rima na ka-edad ko lang.

Panigurado akong si Rima ay bantay sarado sa mga kuya niya. Ako pa nga lang na may- iisang kuya bantay na bantay, siya pa kaya na napapalibutam ng matitipunong kuya?

"Are you okay there?" Bulong ni Elliot nang makabalik siya mula sa picture taking.

"Yes, ang saya nang pamilya niyo." Komento ko, ngumiti lang siya.

Nagkainan na ang lahat at nagkainuman. Binilinan ko si Elliot na huwag uminom ng marami.

"Ellie, iihi lang ulit ako." Paalam ko ay Elliot na agad na tumango. Dahil yata ito sa frappe na ininom ko papunta rito.

***

Paglabas ko sa restroom ay saktong labas rin ni Mamita—ang lola ni Elliot.

"Magandang gabi ho, ma'am." Naiilang akong makitawag nang Mamita.

"Naku, hija. Mamita na lang." Nakangiting sabi niya na hinawakan ang kamay ko.

"Sige po, Mamita."

"Natutuwa ako sa iyong pagdating sa buhay ng apo ko." Seryosong sabi niya. Ngumiti lamang ako bilang tugon.

"Masayahin naman talaga iyang si Elliot. Masayang-masaya siya lalo na noong ipakilala niya si Abbie sa aming lahat at sinabing magpapakasal na sila."

Napaangat ang tingin ko mula sa sa kamay ni Mamita na nasa kamay ko at marahang pumisil paangat sa mukha niya.

"Ikakasal na dapat sila, isang linggo na lang, nagdadalan-tao noon si Abbie nang magkaroon ng isang aksidente. Na dahilan upang mawala ito nang maaga." Malungkot na umpisa ni Mamita. Ako naman ay parang nagulat sa mga ikinukuwento niya. Lahat ng mga katanungan ko ay biglang nagkaroon ng kasagutan.

"Sabi ni Elliot noong napansin nilang mabubunggo sila sa isang poste pauwi galing rito ay iniharang ni Abbie ang sarili kung kaya't siya ang napuruhan. Kaunting galos lang ang tinamo nang apo ko pero, sinisi niya ang sarili niya at ilang taon niya rin itong kinimkim." Mahabang paliwanag ni Mamita. Wala akong masabi, sobrang bigat ng nakaraan ni Elliot.

"Apat na taon na mula nang mangyari iyon. Isinubsob ni Elliot ang buhay niya sa trabaho at ngayon na lang ulit siya nagdala nang babae rito sa bahay. Ilang family gatherings na rin ang hindi niya napuntahan sa nakalipas na panahon." Naawa akong bigla kay Elliot. Kaya pala napaka-misteryoso niyang tao.

"Kaya apo, huwag mo siyang iiwan. Masaya akong naibabalik mo na ang mga ngiti niya." Natigilan ako sa sinabi ni Mamita.

'Kung alam niyo lang po, Mamita.'

"Oh siya, halika ka na sa labas, at baka hinahanap ka na ng apo ko. Kitang-kita ko ang pagmamahalan sa mga mata niyo." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya—'baka ako lang ang mukhang in-love.'

"Ganyan kami nang asawa ko noong kapanahunan namin." Parang kinikilig pa nga si Mamita.

"Oh, nariyan na pala ang apo ko." Ngumiti ang matanda at bumitiw sa akin. "Tandaan mo ang bilin ko, Hija." Kumindat pa ang Mamita bago umalis.

"Natagalan ka." Salubong sa akin ni Elliot, hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Iniisip ko ang mga nalaman ko kagabi.

"Ah—kasi may pinatulong sa akin si Mamita." Ngumiti ako nang tipid. "Uuwi na ba tayo?" Tanong ko naman.

"Yes, paalam na tayo sa kanila." Nagpaalam na nga kami sa mga matatanda at sa mga kapatid niya. Dahil malayo pa ang uuwian namin.

Habang nasa daan pauwi ay pasulyap-sulyap ako kay Elliot. Patay na pala ang babaeng pinagselosan ko. Siya ang babaeng pinakamamahal ni Elliot. Si Abbie. Lahat nang katanungan ko ay nasagot nang isang iglap dahil kay Mamita.

Nalungkot ako para sa mga nakalipas na taon ni Elliot, sana mas maaga ko siyang nakilala, para naalagaan ko siya sa mga panahong kailangan niya ng karamay.

ITUTULOY...

~~~
Author's Note!

Thank you for patiently waiting. I hope you enjoyed this update. ☺️

~Leyn💙

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
875K 19.6K 20
Published under PHR in 2012. Mild SPG scenes. My first attempt in drama. Charot. Haha! Kung kilala ninyo ang playboy na si Duncan, this is the story...
3.2M 42K 27
Si Monique Gabriel ang nag-iisang apong babae sa buong angkan ng Torralba dahilan kung bakit nasasakal siya sa atensyong nakukuha sa pamilya. Bukod p...
356K 18.4K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...