Pangarap Lang Kita (hanggang...

By aishkrimi25

644 20 22

Si Mariz ay isang babaeng hindi gaanong mapag-express ng feelings... pano kaya nya maipapakita iyon sa isang... More

Pangarap Lang Kita (hanggang dun na lang ba...)
Chapter 1 - The Start
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 3

86 3 0
By aishkrimi25

Pasakay na kami ng jeep tapos nakita namin na dun din pasakay sila Martin. Nasa likod nya na kami para kami yung sumunod na sumakay. Pagkasakay ng mga kaibigan nya pinauna nya na kami sumakay ni Amber. Ang gentleman nya anubayan lalong lumalala pagkacrush ko hahaha.

Nagkulitan lang kami ni Amber dun sa sasakyan

Naalala ko tuloy bigla yung sinabi ng kuya ko...

(flashback)

.

.

.

.

.

*sa bahay

pagkatapos ng bangayan namin nun ng bunso kong kapatid, pumunta naman ako sa panganay...

Kinulit ko na lang yung kuya ko

haha wala lang trip lang, wala kong magawa e...

kasama ko yung pinsan kong si Angelica na nagiinterview sa kuya ko...

Tapos bigla na lang may nagtext sa kanya...

marami pa kaming gustong itanong e, kaso naubusan na ata ako... kay Angelica lang ako nagkaka-idea sa mga pwede pang itanong e...

"kuya... kuya Jeremy..." Angelica

anubato di na kaagad makarinig may nagtext lang naman...

"JEREMY DALE LORENZO!!!!!" ako, haha napatakip tuloy ng tenga...

"ANUBAYON?!?! Bakit ka ba naninigaw ha!" kuya

"o-k o-k, relax lang... kaw kasi e may gusto lang naman kaming itanong... i mean si Angelica lang pala haha"

"kanina pa naman kayo tanong ng tanong e. Ano pa bang gusto niyong malaman sa lovelife ko ha at makaalis na kayo sa harapan ko." kuya

haha puro sa lovelife nya nga tinatanong namin... wala lang trip lang... sinasagot nya naman e...

saka pasalamat na kami sumasagot sya ngayon kasi minsan hindi yan sumasagot ng maayos. Minsan kasi ansungit nyan katulad ngayon, minsan naman ang mukang ewan yung mga sagot nyan parang bata, ang kulit! parepareho nga lang pala kaming tatlong magkakapatid na makulit haha saka pati tong pinsan kong si Angelica... halatang magkakamag-anak talaga kami haha

"eto kasi yun kuya Jeremy... totoo bang nakaka-inlove sa mga lalaki yung smile ng babae?" Angelica

oo nga no... totoo nga ba yun? gusto ko rin malaman haha...

*mas lalo kaming lumapit kay kuya*

"Oo..." kinilig ata yung kuya ko haha... nawala yung sungit sa mukha nya e... kaso antagal naman ng kasunod. Naglalakbay pa ata isip nito e...

*cough* "ah... Kapag tinitignan ko kasi tong picture nya na nakangiti..."

*tinignan namin yung cp nya*

"...napapangiti na rin ako... kaya oo... sa tingin ko nakaka-inlove nga ang ngiti ng isang babae..." kuya

wow ngayon lang lumabas ang pagkacorny nya ah... pero kinikilig kami pareho ni Angelica dito. Grabe yung pagpigil namin ng kilig kasi baka magiba ang bahay saka baka pagalitan kami, tanghaling tapat ang ingay ingay namin.

"uy Ella tama na... kaw na lang tumatawa dito oh... sinunod mo naman masyado yung payo ng kuya mo." Angelica

"hindi naman yun e. Natatawa lang ako kay kuya kasi may pagkacorny sya ngayon hahaha. Saka ansaya kayang tumawa, try mo" ako

"tumawa na ko kanina no... saka malay mo iba sya" Angelica

"ay naku di nga sya yung iniisip ko e. Basta nakakatawa talaga yung reaksyon ni kuya hahaha"

"ewan ko sayo... baliw! jan ka na nga" Angelica

pero oo nga no pwede ko din gawin yun... kaso baka nga iba sya

(back to reality)

.

.

.

.

.

Naalala ko nga pala nagiging baliw na kami lagi sa classroom kasi nasosobrahan na kami sa pagkacrush...

pero kahit selos minsan na di naman dapat, tinatawanan na lang namin nila Amber at Princess.

May use din naman pala ang pagtatago sa ngiti haha, malay mo magkagusto din sila samin...

Ay naku Ella, wag na wag kang aasa. Naku bahala ka baka bigla ka lang masaktan.

Pero di naman love yun para masaktan ako di ba?

Pero baka mahulog ka na dahil sa sobrang pagkagusto mo sa kanya...

Ay naku di yan! simpleng crush lang e... ano bang mangyayaring masama?

Marami! at magsisisi ka na lang sa huli kung nangyari yun... di ba nga takot ka sa goodbyes... baka mababoo ka nya...

Anong mababoo? aish alis nga sa isip ko! hala nababaliw na talaga ko... kinakausap ko na yung sarili ko e.

"uy Ella!" si Amber

ay! nasa jeep nga pala kami haha. makipagtawanan nga ulit kay Amber para masaya saka malay mo di ba magwork yung 'operation: smile'... ay parang ansagwa haha. Basta smile!

"ay haha wala lang... uy kaw ha kanina talaga andami mong ginawa talaga.. ang clumsy mo hahaha"

"ha? hanggang dito ba naman... kaw ah di ka makarecover dun. Di ko naman sinasadya ah" Amber

"haha sori naman ang kulit mo kasi nun e nakakatawa ka talaga kanina..."

...and the conversation went on... then,

"uy ansaya natin ngayon ha?" si Martin

ngiti lang kami pareho kahiya e... ngayon lang nila kami kasi nakita na nagkukulitan ng malapitan e.

"anong meron?" si Martin ulit

"haha kasi tong si Ella inaasar ako kaya gumaganti naman ako... inaasar ko naman sya sa crush nya sa room haha" Amber

ay naku bakit yun... it's not what I've planned. gusto ko lang naman itest yun pero alam nyo naman di ba na mahiyain ako lalo na sa kanila... saka di ko naman ineexpect na agad-agad. titigilan ko na nga to dapat pagkatapos nito at tumawa na lang sa room kung kailan natatawa without purpose...

humanda ka sakin Amber... sa lahat ng madudulas mong sasabihin, yun pa!

"oh? teka huhulaan namin..." sabi ng isa nyang kaibigan... at yun nga naghulaan na sila. Salitan pa silang barkada ng pagsabi ng name kasama si Martin. Ang masama pa inisa-isa talaga nila lahat ng name ng boys sa room at... alphabetical order pa! naku naku grabe

"si O___, ___?"

"si P___, ___?"

puro iling lang ginawa namin ni Amber dun... baka kumalas na yung ulo namin kakailing ah...

hay naku, kasi parang ayaw talaga nilang tigilan hanggat di umaamin e

"si Q___,___?"

hay naku ayaw talagang tumigil!

ay teka... naku! hala kasunod na pala sya. Gawin na lang namin consistent ang reaction... alam na ni Amber yun, halos parepareho na naman kami ng iniisip e

"si Robles, Martin Kenzo?"

hanggang sa natapos na nila yung boys

"wala pa rin?"

hay buti naman makakahinga na ng maluwag

"ay teka"

hala... ano na naman yun?

"uulitin namin yung iba pero random na. Mahahalata na namin yan sa reaksyon nyo"

oh no, nakakahalata na nga ba sila? I'm good at keeping secret lalo na sa crush no... hay anubayan posible nga bang alam na nila? nakakatense naman kasi sila masyado sa pagtatanong.

"ah... si Aaron Montecillo yung crush mo no..." si Martin

sa lahat talaga ng pwedeng mang-asar sa akin ikaw pa talaga...

ang hirap kaya na yung crush mo mismo yung nagtatanong kung sino yung crush mo.

okay lang sana kung yung mga kasama mo na lang e...

di ko alam na sa kabila ng pagkagentleman mo may mapang-asar na side ka pala

"ay oo nga... baka si Aaron... isa sa mga kaclose nya yun sa mga lalaki di ba?"

"hindi ah..." ako

kaibigan ko lang naman yun e. Saka pangkaibigan lang din naman yung trato ko sa kanya ah... masyadong mga malisyoso to.

Baka magalit pa sakin girlfriend nun pag nalaman yun.

"baka naman si Martin yan ha" Zack, kaclose ko sa mga kaibigan nya

ay naku kung alam nyo lang... saka bakit sya yung sinabi nya? sa dinamidami nila dun e

dahil ba sya yung pinakagusto nilang pagtripan sa grupo? siguro nga... sya yung pinakamabait sa kanila ata e

grabe tong si Zack talaga oh... antalino talaga nito. Kahit sa mga hula sya talaga...

"hindi rin" syempre pretend lang na hindi haha

*tingin sa labas ng jeep* okay saved by the bell haha... ay may bell ba dun? ewan ko!

"para ho!" ako, and as usual routine...

"bye Ella" pero sa ngayon, lahat na sila

naiwan pa pala dun si Amber... di bale wala rin naman silang mapapala dun e

Continue Reading