The Gangster's Victim

By imperial_gem

3.9K 1.3K 520

Isang misyon ang darating para kay Xandra. At iyon ay ang kumalap ng impormasyon sa pinakamalakas na grupo sa... More

Introduction
Chapter 1: Arena
Chapter 2: University
Chapter 3: Gangsters
Chapter 4: His Next Victim
Chapter 5: Kidnap
Chapter 6: He save me?
Chapter 7: Deceive the Victim
Chapter 8: Decode the Code
Chapter 9: The Punishment
Chapter 10: Together with The Devils
Chapter 11: The Jealous Devil
Chapter 12: The Devil is A Thief
Chapter 13: The Day before the Game
Chapter 14: Stolen Kiss
Chapter 15: The Devils Game
Chapter 16: Changes
Chapter 17: Undergrounds Secret
Chapter 18: Confused
Chapter 19: Uncontrollable
Chapter 20: Forgotten Mission
Chapter 21: Go Home
Chapter 22: Other Man
Chapter 23: Planned, All Along
Chapter 25: Evidence
Chapter 26: Past
Chapter 27: Memories

Chapter 24: Escape

73 7 3
By imperial_gem

Chapter 24: Escape

Hindi ko alam kung paano kami nakalabas ni Xander basta ang alam ko lang ay sinundan lang namin si Topher. Huminge ako ng tawad at nagpasalamat sa lahat ng tulong niya. Ngayon ay nandito kami sa sasakyan papuntang agency kung saan naghihintay sina Dad.

“Xandra..” pagtawag sa akin ni Xander.

Hindi ko siya sinagot o nilingon man lang. Tulala lang akong nakatingin sa daan. Wala akong mukhang maipapakita kay Dad. Binigo ko siya at… trinaydor. Nakipag relasyon ako sa taong alam kong dapat kong iwasan.

“Okay lang ‘yan. Maiintindihan ka ng Dad mo.” asik niya sa mababang boses.

Bumuntong hininga naman ako. “H-Hindi niya ako maiintidihan, Xander. Baka itakwil niya pa nga ako.” sagot ko.

Tama nga rin ang hinala ko. Padkarating namin sa agency ay malutong na sampal ang nakuha ko sa aking ama. Masasakit na salita ang natanggap ko. Hindi rin niya inisip ang mga matang nakapalibot sa amin.

“Ano ito, Alexandra?! Ikaw ang pinadala ko dahil alam kong handa ka na! Bakit mo ‘to ginawa? Binigo mo ako!” singhal niya.

“I’m s-sorry, Dad.” I whispher.

Alam kong mali talaga ako. Maling-mali sa lahat ng bagay. Akala ko pa naman nakuha ko na ang impormasyon tungkol sa kanila, iyon pala ay hindi. Dahil plinano lahat ng walanghiyang lalaking ‘yon!

Naramdaman ko ang paghawak ni Xander sa braso ko. Tinatayo niya ako. Nang sampalin ako ni Dad ay natumba ako ng bahagya dahil na rin siguro sa tamlay ng katawan ko ngayon. Wala akong gana.

“Huwag mo siyang tulongan, Alexander! Hayaan mo siyang ganiyan!” singhal ni Dad kay Xander.

Tiningnan ko si Xander at nginitian. “O-Okay lang.” bulong ko.

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at napailing na lang.

“Hindi ko kaya makita kang ganiyan, Xandra. Halika.” wika ni Xander sabay kuha sa akin.

Bridal style ang ginawa niyang pag-karga sa akin. Ano bang ginagawa ng lalaking ‘to? Alam niyang mapapagalitan siya ni Dad.

“Huwag na!” pagpigil ko ngunit kinarga niya talaga ako sa mga bisig niya.

“Alexander!” mariing tawag ni Dad sa kaniya ngunit hindi iyon pinansin ni Xander.

“Magpapahinga lang po si Xandra. Sasamahan ko po siya.” paalam niya sabay alis namin sa agency.

Wala na rin akong lakas na umangal pa kaya sinubsob ko na lamang ang aking ulo sa dibdib niya. Pilit itinatago ang aking pag-iyak sa mga agents na nandito sa loob.

Isa akong kahihiyan! Paniguradong alam na nila lahat ang nangyari. Ang ginawa ko.

Nakarating kami sa condo ni Xander. Malinis ito at maaliwalas. Bata pa lang siya ay binigyan na ito ng sariling condo ng kanyang magulang. Independent na rin ito sa lahat ng bagay. Nakakapunta na rin ako rito ng ilang beses.

“Magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka.” sabi niya sabay halik sa aking noo ng malapag niya na ako sa kama niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at ipinikit na lamang ang aking mga mata. Mabuti na lang at hindi niya ako inuwi sa bahay. Hindi pa kasi ako handa para umuwi roon.

Nagising ako ng maamoy ko ang mabangong aroma ng pagkain. Inunat ko ang aking katawan at lumabas sa kwarto.

“Xander.” pag tawag ko.

Bumungad naman siya sa akin habang nagluluto ng pagkain sa kusina. Narinig ko rin ang pagtunog ng aking sikmura.

“Adobo.” sambit ko ng maamoy ko ang mabangong aroma.

Napangiti naman siya ng mapansin ako. “Oo. Your favorite.” asik niya.

Umupo kami at kumain ng matapos na siya. Tahimik lang kaming kumakain at wala ni isang nagsasalita sa aming dalawa.

I sighed. “S-Sorry.” panimula ko.

Tumigil naman siya sa pagsandok ng kanin at tinitigan ako.

“Ano ba talagang mayroon sa lalaking ‘yon at nahulog ka Xandra? Isang buwan. Isang buwan kang nagpaloko.” sabi niya at nagpatuloy na rin sa pagsandok.

Napa-irap naman ako ng makita kung paano ito kumain. Gutom na gutom? Iniwas ko na lamang ang aking tingin sa kaniya.

“Maybe… napahulog niya nga talaga ako.” sabi ko sa mahinang boses.

Tumigil siya sa pagkain at napatawa.

“What?” My brows arched in confusion.

“Infatuation lang ‘yan Xandra! Mawawala din ‘yan. Kasi kung mahal mo talaga siya hindi ka aalis.” pagpapaliwanag niya.

Napayuko naman ako sa sinabi niya. Kung narinig niya lang ang mga sinabi ni Kiero panigurado magagalit talaga siya kagaya ko. Hindi naman ako tanga para manatili roon. He used me!

“M-Maybe… infatuation it is.” I said.

“Kaya nga lang dahil sa infatuation na ‘to, nasira lahat ng misyon ko.” I continued.

Natahimik kami ng ilang segundo.

“Huwag kang mag-alala. Mapapatawad ka rin naman ni Boss. Dad mo ‘yon eh. Atsaka alam ko namang hindi mo talaga gustong gawin iyon. Nahulog ka lang talaga.” sabi niya, pinapagaan pa yata ang loob ko.

Alam ko naman talagang galit si Xander sa akin eh. Hindi niya lang pinapakita ngayon. Naalala ko naman ang mga sinabi ni Kiero.

“Shit!” I cursed.

“Bakit?” tanong niya.

“Nakuha ni Kiero ang mga files tungkol sa agency natin! Ginamit ko kasi ang flashdrive na ibinigay niyo noong kinopya ko ang files tungkol sa underground. Hindi ko naman alam na may… plano pala siyang kunin din ang files natin.”

“A-Ano?!” he freaked out.

“Nasaan na ngayon ang flash drive! Nandoon ang mga kopya mo hindi ba?!” walang tigil niyang tanong.

Napapikit naman ako ng mariin ng maalala lahat ng sinabi ni Kiero kanina.

“Nasa kaniya.” asik ko at napahikbi na lamang.

Ang tanga tanga ko eh! Nahulog ako sa kaniya, pati rin mga files ng agency na nasa flash drive ay nahulog din sa kaniya. Aaah! Ang stupida mo, Xandra! Ganoon na ba talaga siya kagaling magpa-ibig ng tao, dahil sa kaunting panahon na ‘yon ay nahulog ako!?

“Anong gagawin niya sa files natin? Wala naman tayong ginagawang masama! Ipapatay nila tayo?” sunod-sunod na tanong ni Xander.

Oo, nga! Anong gagawin nila? Ipapatay kami upang hindi na namin sila mahuhuli?

“Saan ka pupunta?” tanong ko ng makitang tumayo si Xander.

“May tatawagan lang ako.” malamig niyang asik sabay alis sa kusina.

Natapos akong kumain kaya niligpit ko na lamang ang mga kalat. Hanggang sa narinig ko ang boses ni Xander na sumisigaw.

“Ano?! Kailangan natin siyang ilayo rito! Baka sundan siya at ipapatay! Wala naman siyang nakuhang impormasyon ah!” iyan ang narinig ko.

Tumigil ako at lumapit sa pinto ng kwarto kung nasaan siya.

“Anong sabi ni Boss?” tanong niya sa kausap niya sa telepono.

“Okay! Sige, sasamahan ko siya. Kailan daw?” tanong niya.

Anong nangyayari? May kutob ako pero ayaw kong mag assume. Gusto kong marinig mismo galing kay Xander.

“Sige, sige. At alam mo na ang gagawin mo. Alisin mo lahat ng files niya sa agency. Talaga? Iyan din ang utos ni Boss? Sige!”

Nang matapos na ang tawag nila ay dahan-dahan ko ng binuksan ang pinto ng kwarto. Tumambad naman sa akin ang mukha ni Xander na problemadong-problemado.

“Xander?” tawag ko sa kaniya.

Gulat siyang napatingin sa akin.

“Kanina ka pa diyan?” tanong niya pero umiling lang ako.

“Anong pinagu-usapan niyo?” takang tanong ko.

Napabuntong hininga naman siya sabay kuha ng maliit na maleta sa ilalim ng kama. Anong ginagawa niya?

“Aalis tayo.” sabi niya sabay kuha ng dalawang damit sa cabinet.

“Ano ba talagang nangyayari, Xander? Sagutin mo ang tanong ko!” singhal ko sa kaniya.

Kanina ko pa siya tinatanong pero hindi niya ako sinasagot. Ang sabi niya lang ay aalis kami. Dala-dala niya ang maliit na maleta habang ako… walang dala! Saan ba kasi kami pupunta?

Napaawang naman ang aking bibig ng tumigil ang sasakyan niya sa gilid. Tiningnan ko ang labas at napasinghap ng makita ang mga tao. What the heck?

“Bakit tayo nandito sa terminal? Jusmiyo, saan tayo pupunta?!” I shrieked.

Tumigil si Xander at may tinawagan bigla. Nang matapos iyon ay tiningnan niya na ako.

“Care to explain what’s happening?!” I gritted my teeth.
“Alam na nila lahat, Xandra.” he said.

“Alam ang ano?” I think I know what’s happening already.

Napatikhim ako ng makita ang pagkuyon ng mga kamao niya.

“Alam na ng underground na nag spy ka sa Apollo university! Ngayon ay ipinapahanap ka. They are going to kill you! At kailangan nating lumayo ngayon na!”

Nanlamig ang aking buong katawan sa narinig. Alam kong ito ‘yong inaasahan ko pero nang makumpira ko ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

“Paano sila Dad? At saan tayo pupunta? Bakit dito?” tanong ko.

Nakita ko naman ang pagpikit niya ng mariin.

“Aayusin nila lahat ng gulo sa agency. Huwag kang mag-alala, maayos din lahat. For the mean time kailanga kitang ilayo.” asik niya.

Napataas naman ang isa kong kilay sa sinabi niya.

“Ilayo? Tatakas ako sa kanila? Why? I am a spy and agent, Xander! Alam ko na ang gagawin! Kaya ko silang labanan! Hindi ako tatakas!” galit na singhal ko.

Kung tatakas ako ay pinakita ko lang sa kanila na hindi ako matapang! That I am weak. That I am a loser!

“Nak naman ng! Ibaba mo nga ‘yang pride mo Alexandra! Hindi ka ba talaga nag-iisip?! Ilalayo kita dahil kung hindi ay mas lalo lang magkakagulo! Malakas ka at hindi talunan, okay?! Kailangan lang nating lumayo rito while the agency will do their job! Huwag kang mag-alala. Hindi tayo magtatagal.”

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang nakita si Xander na ganito ka galit.

“O-Okay.” I sighed in defeat.

“Pero bakit tayo nandito?” Ngumuso ako ng makita ang magulong terminal ng mga bus.

“Pupunta tayo sa malayong lugar. Malayo rito sa manila. Alam kong madali lang nila tayong ma te-trace kapag lumabas tayo ng bansa. ‘Pag pupunta tayo ng probinsya ay mahihirapan sila dahil hindi nila iisiping si Alexandra Alcantallia ay tatagal sa probinsya.” asik niya at napatawa sandali.

“Pero bakit nga dito? Anong gagawin natin? Huwag mo sabihing mag bu-bus tayo?” I freaked out.

Nakita ko naman ang pagpigil niya sa pagtawa. Mabuti naman at hindi na siya galit katulad ng kanina. Pero, heck! Hindi ko iniisip kailanman na sasakay ako ng bus. No way!

“See? Ni hindi mo nga maisip na sumakay diyan eh! Alangan naman pupunta tayo ng probinsya dala-dala ang kotse ko? Edi mas matutunton nila tayo. Don’t worry, may pupunta rito para kunin ang sasakyan. Hindi naman masama ang mag tracking ah!” pangungumbinse pa niya.

Inirapan ko na lamang siya at tiningnan ang magulong bus terminal. I sighed. Kung hindi dahil sa’yo, Kiero. Hindi sana ‘to mangyayari sa akin!

Tama nga rin ang sinabi ni Xander. Ilang minuto lang ay dumating ang isang kakila namin sa agency. Kinuha ang sasakyan at binigyan pa ako ng maliit na bag kung saan may essentials at damit ko!

Hindi talaga ako makapaniwala sa plano nila. Nalaman ko ring ito rin ang gusto ni Dad. Ang lumayo muna ako.

“Huwag kang mag-alala. Isipin mo na lang bakasyon mo ito. You need to rest, Xandra!” asik niya at nagsimula ng maglakad.

Napabuga na lamang ako ng malalim na hininga ng maamoy ang klase-klaseng aroma sa buong paligid. Amoy sigarilyo, amoy bus, amoy itlog, amoy mani! Gaaad!

“Alexander Gregorio Moya!” sigaw ko ng makitang pasakay na si Xander sa bus. Iniwan pa ‘ko, takte!

Sinenyasan niya lang ako na sumunod sa kaniya kaya wala na akong magawa kung hindi sumunod na lamang.

“Aba’t tinawag mo pa talaga ako sa kumpleto kong pangalan ah!” reklamo niya pagka-upo namin sa bus.

Inirapan ko lang at padabog na nilagay ang bag sa gilid. Napataas naman ang kilay ko ng may lumapit sa aming lalaki. Ano bang tawag sa kaniya? Nakasuot ito ng kulay puting polo at itim na pants. Mayroon siyang dala-dalang ticket at ano, stapler ba ‘yan?

Siniko naman ako ni Xander ng makitang titig na titig ako sa lalaki. Nag-usap lang sila sandali at ibinigay na sa amin ang ticket. Napakunot-noo nga ako eh ng makitang hindi pa binayaran ni Xander ang lalaki.

“Hindi mo pa ba siya babayaran?” bulong ko sa kaniya.

Napa-iling naman siya at sinilip ang lalaki.

“Hindi ko nga rin alam eh! Aba malay ko, first time ko ring sumakay rito.” utas niya.

Namilog naman ang aking mga mata sa sinabi niya.

“W-What?! First time mo rin? Baka mawala tayo!” takot na asik ko.

Akala ko pa naman alam niya kung paano sumakay rito ‘yon naman pala hindi! Walangyang, Xander oo!

“Sana nag kotse na lang tayo.” giit ko pero hindi niya ako pinansin dahil titig na titig pa rin siya sa ticket na ibinigay sa kaniya noong lalaki.

Tiningnan ko rin ang ticket at napakunot-noo. Bakit may butas ‘yong mga number ng ticket? Napailing na lamang ako ng mapagtantong wala nga talaga kaming ideya tungkol dito.

Napatingin na lamang ako sa bintana at napabuntong hininga. Do I really need to escape? Dapat ay maghihigante pa ako kay Kiero eh!

Napa-irap naman ako ng makita ang weirdo na lalaking itinaas taas ang kamay niya na may dalang pack-lunch sa bintana ng bus. Buti nga at aircon ang bus na ‘to dahil nakasirado ang bintana. Walang makakapasok.

“Grr.” asik ko ng makita ang pagsasalita ng weirdong lalaki.

“Gusto mong kumain?” tanong sa’kin ni Xander ng makita ang lalaki sa bintana.

Umiling lang ako at iniwas na lamang ang tingin hanggang sa naramdaman na namin ang pag andar ng bus. Tila, masusuka pa yata ako!



Continue Reading

You'll Also Like

232K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
190K 4.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
38.9K 1.8K 22
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
394K 20.6K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.