CHAPTER 3
Third Person’s Point of View
Papunta si Allen sa library at hawak hawak niya ang manga niya.
He loves anime and walang araw na hindi niya nababasa ang mga manga niya. Pati na rin ang mag-cosplay ang isa niya pang gustong gusto niyang gawin.
“Oy par, nakita mo si Stephen?” tanong ni Aiki sa kanya.
“Hindi eh .. Bat mo naman siya naitanong sa akin?”
“May laro daw tayo ah”
“Tss. Ayan na naman siya. Hindi kasi nauubos pera niya kaya pa-dota dota na lang siya at nakikipag pustahan sa walang pera na gaya ko”
“An dami mong kaartehan, halika na ..”
“Pass muna ako dyan par”
“Ewan ko ba sayo par. Basta next time ha, kailangan game na game ka ng makipaglaro sa amin.”
Tumango lang si Allen. Umalis na ng Library si Aiki.
Ayaw munang makipaglaro o kahit na ano na merong sugal, lalo na kapag kasama niya si Stephen Guasch.
Lagi na lang siyang napapautang dito. Hanggang sa umabot na ito ng libo.
Hindi nga alam ni Allen kung paano siya makakabayad dito. Sinubukan ni Allen na sumali sa mga cosplay contests pero hindi siya nananalo. Kung mamalasin ka nga naman oh ..
Kristine’s POV
Gumagawa kami ngayon nila Ruselle at Rio ng powerpoint presentation para sa reporting namin mamaya, dito sa computer shop na color pink ang pintura sa labas at loob.
Nasabi ko ba sa inyo na Education ang course namin? Kailangan naming mag.report or demo para mahasa ang aming teaching skills kahit estudyante pa lang kami.
Bakit pa kasi namin kailangan gumastos para magrent ng computer para lang gumawa ng ppt. eh, sa school nga naming dati, pag magrereport kami, naka manila paper lang eh. Tas sa school na ito, gagamit pa kami ng laptop and projector na may bayad pa ha, report lang yan. Haller !! Pang formal meetings and events lang ginagamit ang laptop and projector. Siopaoo naman oh!!
(ppt means powerpoint)
“Uy Tine !!”
“Oh bespren, kaw pala yan. Bakit?” Si Stephen Guasch, Best friend ko yan. Hey walang malisya. Best friend ko talaga yan, magkaiba nga lang kami ng course.
“May laro kami ngayon, at dito kami maglalaro”
“Hay nako Guasch, puro dota na lang inaatupag mo.”
“eh dun ako Masaya eh.”
“Tss. Mayaman ka naman eh, kaya pa dota dota ka ..”
“gumawa ka na nga lang ng ppt.” haha, mukhang naasar sa akin. Hmp, di naman yan mabilis magalit. Mabait ata yung best friend ko noh ^__^v
“Par! Hindi daw sasali si Allen sa laro natin”
Wait, kilala ko yung boses nung guy, sumilip ako saglit and boom !! Si Aiki ..
“Ano? Bat hindi daw kasali? Ang daya ng Allen na yun aa ..”
Allen? Si allen mariano ba ang tinutukoy nila? Nag-dodota rin pala ang mga alien haha xD .. sa bagay, mga high tech ang mga alien kaya alam niya maglaro ng dota. Siopao !! Bat si Allen na yung topic ko? Tsk, Magfofocus na nga ako sa ginagawa kong ppt. Kaasar talaga >.<”
(sa klase)
“Good Morning Classmates. I’m Kristine Joy Salvador and I am going to discuss about Architecture ..
Let us first discuss what is the meaning of Architecture ..”
Pure English ang pagdidiscuss ko .. na.no-nosebleed na ako ..
Kamusta naman yung hitsura ni Allen,
-- ________ -- ZzzZz .. tsk, natutulog ang alien !!
Kita namang nagdidiscuss ako dito sa harapan, tas patulog.tulog lang siya?
Nang matapos na ang subject namin na iyon, nakita ko si Guasch .. Papalapit siya kay Allen .. siopao !! magkakilala sila? Si Allen ba talaga yung hinahanap nila kanina?
May pinag-uusapan sila .. mukhang seryoso.
Gusto ko makinig .. Lumapit ako unte para marinig ko silang nag uusap
*TOINK*
“Wag kang maging tsismosa ..” waahh !! Si Aiki !! >///<
Kinutusan niya ako
“H-hindi naman ako nakikinig ah !!” ako na talaga si deny girl.
“Kunwari ka pa”
“Best friend ko si Guasch, at sa tingin mo si allen yung gusto kong pakinggan at Makita?”
“wala akong sinsabing ganun -__- , So si Guasch pala .. ” hah ?! nakoo, namisunderstood na ..
“hay nakoo, bahala ka na nga dyan, namimisunderstood mo naman ee .. “
“shh .. wag ka ngang maingay, nakikinig ako sa usapan nilang dalawa”
“ikaw pala ang tsismoso sa ating dalawa eh”
“so kelan nga par?” tanong ni Guasch. Nakinig na lang din ako sa usapan nila.
“Di ako sigurado par, pero pinapangako ko yung sinabi ko kanina”
“ang pangako ay napapako .. “
“bahala na .. hindi ko nga sigurado par. Gagawa ako ng paraan”
“Good ^_^” at duon lang yung napakinggan ko .. di ko sila maintindihan ee ..
“ui aiki, tungkol saan ba yung pinag-uusapan nila?” tanong ko kay Aiki na nakikinig pa din sa kanilang dalawa.
“hindi ko rin alam ee” siopaoo, wala man lang akong makuhang info dito sa Aiki ko.
(Sa canteen)
“Tine, napansin lang namin, mukhang close na kayo ni Allen at Aiki ..” sabi ni Ruselle
"hindi nuh !!"
“Nagdeny pa itong si Tine !!”
“Hey !! Wag niyo nga akong pagtripan ..”
“Ahaha .. Pero tine, BET namin si Mr. Coffee. ^_^” nakoo, may meaning yang mga ngiti na yan aa .. delikado ang mga ngiti nga mga toh !! Nako po !!
[End of Chapter 3]
WCCMAS
By: SMCRFT
Note: yung pic po na nasa right side, yan po si aiki :D gwapo nuh ?!
hihi ^ __ ^v
Like our page :3
click the external link , thank you <3