FATED TO F*CK YOU✔

By TitaAmor07

868K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... More

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

Kabanata 29

9.1K 380 140
By TitaAmor07

KABANATA 29

“Asul, aksidente lang iyon,” anang Red.

“Matagal niyo na itong tinago sa akin, tama ba?” sabi ni Blue. Nakatulala lang ito at walang humpay ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

“Bago lang din. Noong panahon na nagkaayos na kayo nila Mommy. Aksidente ko silang narinig ng doctor,” paliwanag ni Red.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” matamlay nitong tanong.

“Dahil alam kong masasaktan ka.”

Tumango si Blue. “Tama ka.” Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya bago nagsalita. “Nasaktan nga ako dahil ang sama ko pa lang tao. Pinatay ko ang sarili nating kapatid.”

“Hindi mo iyon ginusto. Walang may gusto sa nangyari.”

“Kaya pala hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila Mommy noon dahil katulad ko, sinisisi rin nila ako.”

Lumapit si Red dito at sinubukang hawakan ang kapatid. Ngunit tinulak lang siya nito. Tumayo si Blue at nagsimulang humakbang paalis. Sinundan siya ni Katleya. Sumunod din agad si Red na sobrang nag-aalala sa kapatid niya.

“Blue, makinig ka kay Red,” pag-aalala ni Katleya.

“Alam mo rin ito, 'di ba? Itinago mo rin ito sa akin?” sabi ni Blue nang hindi man lang nilingon ang dalaga.

“Sorry,” paghingi ni Katleya ng paumanhin.

“Asul,” sambit ni Red.

“Hayaan niyo mo na akong mapag-isa,” hiling ni Blue.

Tumakbo si Blue kaya hinabol ito ni Red. Hinarangan niya ito nang maabutan.

“Please. Patawarin mo na ako, kami. Birthday natin, oh. Huwag ka naman ganyan,” pagmamakaawa ni Red.

Tinitigan nang masama ni Blue ang kapatid niya. “Tabi.”

Tumabi si Red at hinayaan na dumaan sa gilid ang kanyang kapatid.

“Saan ka?” pag-aalalang tanong ni Red.

“Wala kanang pakialam doon.”

Sinundan lang ni Red ang kapatid niya hanggang sa dumating na sila sa kanilang bahay. Natulala ang pamilya nila nang makitang parehong umiiyak ang dalawa. Tumakbo si Blue papunta sa kuwarto nila.

“Red? Ano’ng nangyari sa kapatid mo?” pag-aalalang tanong ni Crezelda.

“He knows everything. Nakita niya ang lahat na nasa loob ng bodega,” sabi ni Red.

Natulala si Crezelda at napaiyak. Niyakap naman ito ng asawa niya.

“Zander. Ano’ng gagawin natin?” pag-aalala ni Crezelda.

“Ako na po ang bahala sa lahat ng ito,” wika ni Red.

Pupuntahan niya sana ang kapatid niya sa itaas ngunit pababa na ito. Kinuha lang pala nito ang kanyang susi na nasa kanilang kuwarto.

“Asul, saan ka?” tanong ni Red.

“Blue,” pagtawag ni Zander.

Lumingon si Blue sa pamilya niya. “Sorry po kung pinatay ko ang anak niyo.”

“Blue, saan ka?” tanong ni Crezelda.

“Hindi ko po alam. Hayaan niyo muna akong lahat.”

Umalis na si Blue. Hahabulin sana ito ni Zander, pero pinigilan ito ni Red. Isa-isa niyang tiningnan ang lahat. Umiiyak ito, pero nagawa pa niyang nginitian ang bawat isa.

“Ako na,” giit ni Red.

“Sasamahan ka na namin,” ani Grey.

“Tama si Grey. Sasamahan ka namin, Red,” pagsang-ayon ni Katleya.

Lumapit si Red kay Katleya at niyakap niya ito nang mahigpit. Pagkatapos, hinalikan sa noo. “Ako na. Dito ka na lang muna.” Nilingon niya sina Green at Grey. “Pakihatid na lang sa girlfriend ko kung matatagalan ako. Salamat. Mahal ko kayong dalawa.”

“Red, ibalik mo rito ang kapatid mo,” hiling ni Rosa.

“I will, La. I love you! Kumain ka nang marami, ha? Para stay healthy palagi.”

Tiningnan niya ang magulang niya. “Paano 'yan? Mauna na ako. Paalam sa inyong lahat. Mahal na mahal ko kayo.”

Tumakbo si Red at hinabol ang kapatid niya. Bago ito pumasok sa kanyang sasakyan, tiningnan niya muli ang mga mahal niya sa buhay. Nang magtama ang mga mata nila ni Katleya, kinawayan niya ito at nginitian.

“Paalam! Mahal ko kayo!” sigaw ni Red.

Matapos niyang masabi iyon ay pumasok na siya sa sasakyan niya at pinaandar. Sinundan niya si Blue na nagpaharurot ng takbo. Walang humpay ang pagtulo ng luha sa mga mata niya dahil kung bakit sa kaarawan pa nila nangyari ang lahat ng ito. Masaya lang dapat sila, pero ito na ang nangyari. Kabaliktaran.

Minuto ang lumipas, huminto na ang sasakyan ni Blue sa isang parke kaya inihinto rin ni Red ang sasakyan niya.

Pagbaba niya ng kanyang sasakyan.

“Huwag kang gumalaw, holdap ito,” sambit ng isang lalaki.

Hindi makagalaw si Red dahil sa sobrang takot. Naramdaman niya na rin na nakadikit ang baril nito sa kanyang ulo.

“B-boss, w-wala p-po a-akong d-dalang pera,” nangingig na sabi ni Red.

“Susi ng sasakyan mo. Akin na.”

Nanginginig ang kamay ni Red na kinuha sa loob ng bulsa niya ang susi. Aksidente naman niyang napindot ito kaya tumunog ang kanyang sasakyan. Dahil alam ni Blue na sa kapatid niya ang tunog na iyon, napalingon siya.

“Hoy! Bitawan mo ang kapatid ko!” sigaw ni Blue.

“Nalintikan na!” sigaw ng lalaki sabay putok ng baril kay Blue ng walang pagdadalawang-isip.

Natamaan ang braso ng binata kaya natumba ito dahil sa sakit. “Urghhh!”

“Asul!” sigaw ni Red.

Pagtakbo ni Red, siya naman itong binaril ng dalawang beses sa likod. Pinulot ng lalaki ang nahulog na susi ni Red at tinangay ang sasakyan nito.

“Pula!” sigaw ni Blue. Hawak-hawak niya ang sugat sa braso na dulot sa tama ng baril.

Nanlaki ang mga mata ni Blue nang makitang parang nakuryente ang buong katawan ng kambal niya. Tumakbo siya papunta sa kapatid niya. Umupo siya sa sahig at pinahiga sa kanyang hita ang nag-aagaw buhay na kapatid.

Hinawakan niya ang buong mukha nito at hinaplos. “Pula, wag kang pumikit, lumaban ka.”

Pinilit ni Red na abutin ang mukha ni Blue. Nang maabot niya ito, hinaplos niya ito.

“S-s-sorry,” nanginginig na sambit ni Red.

“'Wag ka ng magsalita.” Hinawakan ni Blue ang kamay ni Red na nasa mukha niya. “Hoy! Lumaban ka!” Nilibot niya ang tingin sa paligid. “Tulong! Tulong! Tulungan niyo kami! Parang awa niyo na! Tulungan niyo ang kapatid ko!”

“P-password k-ko?” hiling ni Red. Kahit hirap na itong magsalita, naiintindihan pa rin iyon ni Blue.

Hinalikan ni Blue ang pisngi nito. “'Wag mo akong iwan, Pula. Sabi mo, mahal mo ako? Sabi mo, lagi kang nandito para sa akin? Sabi mo, hindi mo ako iiwan?”

“S-sorry,” pilit na sabi ni Red. Sobrang nahahirapan na siyang magsalita, pero pinipilit niya para sa kanyang mahal na kapatid.

“Please. Magagalit ako sa iyo. 'Wag kang matutulog,” anang Blue. Pinisil-pisil pa niya ang pisngi nito para hindi ito tuluyang pumikit.

“M-mahal n-na m-mahal k-kita, A-asul.”

“Alam ko. Alam ko. Tulong! Tulungan niyo kami,” pagsisigaw ni Blue.

“I-iyong h-hiling k-ko s-sa i-iyo,” pagpapaala ni Red.

“Oo. Pangako gagawin ko iyon. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan.”

“I-ito iyong m-masamang p-pakiramdam ko. P-pakiramdam ko, m-may m-mangyayaring m-masama.”

“Ssshh. Ipunin mo ang lakas mo, Pula.”

“N-nahihirapan n-na a-akong h-huminga. S-sorry baka h-hindi ko na m-makakayanan.”

“Hoy! 'Wag kang ganyan, Pula.” May tumunog na ng isang ambulansya. Kaya nabigyan ng pag-asa si Blue. “Hintayin mo ang ambulansya. Please. Pula! Please, isipin mo ako, si Katleya, sina Grey at Green, magulang natin, at si Lala. Kaya mo ba kaming iwanan, ah?”

“M-mahal n-na m-mahal k-kita,” pag-ulit nito. Kahit sobrang nahihirapan na si Red, pinipilit niya ang kanyang sarili na makausap pa rin ang mahal niyang kapatid.

“Alam ko! Alam ko nga! Pula, 'wag kang ganyan.” Niyakap ito ni Blue. “Please, 'wag mo akong iwanan. Hindi ko kaya.”

“S-si K-katleya, a-alagaan m-mo.”

“Oo. Pero lalaban ka, 'di ba? Hindi mo ako iiwan. Pula, nangako ka sa akin.”

“M-mahal n-na m-mahal k-kita, A-asul. I-ikaw ang b-buhay ko. P-paalam. M-mag-iingat k-ka.”

Pagkasabi ng mga salitang iyon ni Red, tuluyan na siyang naubusan ng hininga. Huli na ang ambulansya na dumating. Wala na si Red. Hindi na niya nakayanan.

“PULAAAAAAA!” buong lakas na sigaw ni Blue.

•••

Nasa rooftop ng hospital si Blue. Nakatulala lang ito at hindi alam ang gagawin. Sobrang sakit ng pagkawala ng kapatid niya sa mismong kaarawan nila. Tumingala siya sa kalangitan at humagulgol.

“Ang daya mo naman Pula, e!” sigaw nito. Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya. “Walang iwanan, 'di ba?”

Nakabalot na ng bendahe ang braso niya. Tinanggal na ito kanina nang makarating sila sa hospital.

“Pula?” sambit ni Blue. “Totoo ba ang lahat ng ito? Iniwan mo na ba talaga ako?” Tumawa ito. “Prank lang ito, 'di ba? Puntahan kita sa morgue ngayon. Basta ipangako mo sa akin na pagdating ko roon, gigising ka. Ano? Game?”

Tumakbo si Blue papunta sa morgue. Pagdating niya roon, nag-iiyakan ang mga mahal niya sa buhay.

“Ano ito? Bakit kayo umiiyak?” nagpakatapang na tanong ni Blue.

“Blue, wala na si Red,” sabi ni Katleya. Humagulgol ito.

Tumawa ang binata. “Baliw ka ba? Hindi 'yan mamamatay. Sobrang mahal ako niyan. Hindi ba, basta mahal mo ang isang tao, hindi mo ito iiwan?”

Niyakap ito ni Grey na walang tigil sa pag-iyak. Pero tinulak lang ito ni Blue dahil sa inis.

“Bakit ka umiiyak? Natutulog lang 'yan. Tingnan mo, magbilang ako ng tatlo. Isa, dalawa, tatlo.” Tumawa ito kasi hindi gumising ang kapatid niya. “Gumaganti lang 'yan sa akin kasi niloko ko siya noon.” Hinawakan ni Blue ang mukha ng kambal niya. “Yuck! Ang panget mo matulog, Pula. Bumangon ka na kaya.”

Niyakap ni Rosa si Blue. “Sshh. Baby, tama na.”

“La?” Nagpipigil sa paghikbing sambit ni Blue. “Buhay si Pula, 'di ba? Hindi niya naman ako iiwan, 'di ba? Paulit-ulit niyang sinabi sa akin na mahal niya ako kaya malabong iwan niya ako, 'di ba?”

Hinawakan ni Rosa ang buong mukha ng apo niya. “Wala na si Red. Wala na siya.”

Umiling-iling si Blue. “H-hindi! Buhay siya, La! Natutulog lang siya.” Lumapit siya sa kambal niya. “Tingnan niyo. Magugulat ito. Isa, dalawa, tatlo. Wahhh!” sigaw nito. Napatawa ito. “Nagbingi-bingihan lang siya, hindi niya lang ako narinig. Again, tingnan niyo ako. Isa, dalawa, tatlo, bulaga!”

Kahit anong panggugulat ang ginawa ni Blue, hindi pa rin magising ang kapatid niya. Niyakap niya ito at niyugyog.

“Gumising ka na, Pula. Kanina ka pa riyan.” Tumalikod ito. “Magtatampo na ako? Ayaw mo iyon, 'di ba?” Nagpupunas ito ng luha sa mga mata niya. “Magbibilang muli ako ng tatlo, pagkalingon ko, dapat gising ka na dahil kung hindi, hindi na kita papansinin forever. Magtatampo talaga ako. Magsisimula na ako sa pagbibilang, isa, dalawa, tatlo.” Humarap na ito kay Red. “Kakantahan na lang kita. Gusto mo iyon, 'di ba? May presentation pa tayo sa birthday party natin, 'di ba? Mamaya? Kakanta ka pa at ako ang magpapatugtog ng gitara.”

“Mr. and Mrs. Montengero, maari na ba naming ibalsama si Mr. Redrigo?” wika ng isang lalaking balsamador.

Napalingon si Blue rito dahil sa kanyang narinig. Sinugod niya ito at kinuwelyuhan.

“Sinong ibabalsama? Kung ikaw kaya ang papatayin ko!?” sigaw ni Blue sa sobrang galit. Nanlisik na ang mga mata nito.

Hinila ni Zander si Blue. “Wala na ang kapatid mo. Tanggapin mo na, Blue.”

“Hindi! Buhay siya! Buhay si Pula!”

Pinagtulungan nina Grey, Green, at Zander na hilahin palabas si Blue. Dahil nagwawala na ito sa loob.

“Bitawan niyo ako!” sigaw ni Blue. Gusto niya kumawala, pero sumasakit na ang braso niya kaya sumuko na siya. “Pula.” Niyakap ni Blue ang Daddy niya. “Si Pula po.”

Hinimas-himas ni Zander ang likuran ng anak niya. “Blue, magpakatatag ka. Nandito pa naman kami na pamilya mo. Hindi ka namin pababayaan.”

Humagulgol si Blue at hindi na nakapagsalita pa. Umupo ito sa isang upuan at nawalan na ng pag-asa. Tumabi sa kanya si Katleya at hinawakan ang kamay nito.

“Magpakatatag ka, Blue.”

“Pero ang sakit.”

“Alam ko,” sagot ni Katleya. Humagulgol ito. “Kahit ang puso ko ay parang sasabog na. Ang saya-saya lang namin kanina. Tapos ganito lang ang nangyari?”

“Kung hindi ako umalis. Baka hindi ito nangyari lahat,” nakatutulang sabi ni Blue.

“'Wag mong isipin iyan.”

“Kung nagkulong lang sana ako sa kuwarto.” Humagulgol ito. “Buhay pa sana si Pula.”

“Walang may gusto sa nangyari.”

“Asul, nandito pa kami. Hindi ka namin iiwan,” sabi ni Grey.

“Pamilya tayo rito,” giit ni Green.

Tiningnan niya ang dalawang kaibigan. Makikita sa mata niya ang panghihina. “Pero hindi kayo si Pu—”

Hindi na natapos ni Blue ang sasabihin nito dahil bigla itong hinimatay. Nawalan na ng lakas ang katawan niya.

~~~

Continue Reading

You'll Also Like

1M 4.1K 7
On a dangerous night, I'm a prey in my step brother's lair. Before I took a step back, I was already owned by him. This is for mature readers. This s...
9K 159 2
Polyamory Series #3 Mariella is the only woman among her friends. Her friends know how much she loves them, to the point that every problem she's fac...
867K 23.8K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
375K 5.8K 21
" No one else can love you the way I do" -K