QBMNG (Book 1) π—–π—’π— π—£π—Ÿπ—˜π—§...

By Gamatoki

2.2M 56.1K 8.4K

| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-p... More

Story Description
Author's Note
QBMNG - CAST
CHAPTER 1 - Two Worlds Collide
CHAPTER 2 - The Clash Pt. 1
CHAPTER 3 - The Clash Pt. 2
CHAPTER 5 - Not Obsessed
CHAPTER 6 - Backfired
CHAPTER 7 - Quality Time
CHAPTER 8 - Taste Of Your Own Medicine
CHAPTER 9 - She Strikes Again
CHAPTER 10 - Evil Plan
CHAPTER 11 - Won The Battle, Lost The War
CHAPTER 12 - Best Friends? More Like Sisters
CHAPTER 13 - When Life Is Playing Tricks With You
CHAPTER 14 - The Game Of Cat And Mouse
CHAPTER 15 - Shit Happens
CHAPTER 16 - A Truce, Maybe?
CHAPTER 17 - The Start Of Something Beautiful
CHAPTER 18 - I'm So Sick
CHAPTER 19 - Late Night Rendezvous
CHAPTER 20 - Food For The Soul
CHAPTER 21 - Uncommon Emotion
CHAPTER 22 - Apology Accepted Part 1
CHAPTER 23 - Apology Accepted Part 2
CHAPTER 24 - Missing In Action
CHAPTER 25 - Please Stay
CHAPTER 26 - Fiel Jansen
CHAPTER 27 - Meeting The Cousin
CHAPTER 28 - Curiosities
CHAPTER 29 - Late Night Phone Call
CHAPTER 29.1 - Meanwhile ..
CHAPTER 30 - Curing A Headache
CHAPTER 31 - Santillan Household
CHAPTER 32 - Trouble With The Best Friend
CHAPTER 33 - Payback
CHAPTER 34 - Kiss And Make Up
CHAPTER 35 - Overwhelmed
CHAPTER 36 - Lesbi-Honest
CHAPTER 37 - Terrible Liar
CHAPTER 38 - Confessions
CHAPTER 39 - Royal Bitch [1/3]
CHAPTER 40 - Royal Bitch [2/3]
CHAPTER 41 - Royal Bitch [3/3]
CHAPTER 41.1 - Tease
CHAPTER 42 - Valentine's Day [1/4]
CHAPTER 43 - Valentine's Day [2/4]
CHAPTER 44 - Valentine's Day [3/4]
CHAPTER 45 - Valentine's Day [4/4] PT. 1
CHAPTER 46 - Valentine's Day [4/4] PT. 2
CHAPTER 46.1 - Clarence
CHAPTER 47 - Just say it
CHAPTER 48 - The Other Side
CHAPTER 49 - Lonely Hearts
CHAPTER 50 - Missing You
CHAPTER 51 - Operation: Fixing A Lonely Heart
CHAPTER 52 - Turning Point

CHAPTER 4 - Spoonful Of Hell

40.8K 1K 48
By Gamatoki


Lorenzo








"I'm fine, Dad. I can take care of myself. You don't have to worry."






My father, Jefferson Lorenzo calling straight from San Francisco. He's with my mom, Lily Lorenzo and my brother, Andrian. Four months na sila hindi umuuwi ng Pilipinas. I'm starting to think that they're planning to stay there for good. Although naging norm na nila mag pabalik-balik sa ibang bansa, this is actually the first time na umabot sila ng ganoon katagal and also the first time na sinama nila ang kapatid ko. I got tired of asking for them to come home. I've been doing that since I can remember. Nasanay na lang ako na lagi silang wala. I understand that they have to start training Andrei for when he takes over the main company in Frisco but at least, take me along. I feel so left behind. 





Four months na ganito lang ang interaction ko with my family. Kahit naman hindi nila ako nakakalimutan tawagan everyday, iba pa rin yung nakakasabay ko sila kahit mag dinner lang. Oh well. Kahit naman nandito sila sa Pilipinas lagi pa din silang wala. "Alright, sweetheart. It's just that you're not returning our calls. Your mom and I are starting to worry." I rolled my eyes with what my father just said. If you were so worried why won't you just come home already.  







Don't be fooled. He may seem like a typical father worried for his daughter but it's not just that. He's very, and as in very, strict. He's actually monitoring my academic standing even when he is outside the country. The smallest mistakes are being reported by his staffs in the University.  Mom is the one who is a bit lenient between the two of them but she doesn't have as much authority in the family. Patriarchal.






Don't take me wrong, I love them both. They're good people. They gave me everything. It's just that, I cannot remember anymore the last time we were together for long. They're always in a hurry. Holidays and special occasions were never an exemptions. I grew up not having them in the dinner table and nothing ever changes. I just miss them both.






"I'm just busy with school and Dad, please stop calling Lauren instead. She's been giving me an earful."






Lauren Divinagracia, one of my cousin on my mother's side of the family and the one I actually fear the most has been lecturing me about time management ever since she found out I'm not returning my parents' calls. I guess she misunderstood. Ang linaw linaw kong sinabi na busy ako sa school kaya hindi ako maka tawag. Actually, mas nag worry pa ako na baka bumisita siya dito sa bahay kapag kinulit pa siya ng kinulit ni Dad. Dapat nga hindi pa ako mag initiate ng call kung hindi niya lang sinabi na bored siya. Boredom doesn't mix well with Lauren. Pag didiskitahan niya na naman niya ako at yung isa pa naming pinsan.






"I'm sorry, Dad but I have to go.  I'm running late. Tell Mom I miss her." and with that I hung up my phone and prepare myself for school. Totoo naman busy ako eh. I haven't even finished exacting my revenge yet.





I've been giving that shortie a spoonful of hell every single day, for a week now, ever since that-which-must-not-be-remembered happened. Actually, screw that. Who am I kidding anyway. Hindi ko yun mapapalampas. Inis na inis pa din ako sa nangyari noong araw na yun. Ako dapat ang gaganti sa kaniya pero nabaligtad.






She had the audacity to interrupt my speech. 



She gave me the attitude. 





She pushed me 





and stole my first kiss! 






Yes, my first kiss!




That bitch. Wala ngang nakagawa non sa mga ex ko because I didn't let them. I'm not overly romantic but I treasure first kiss tapos nanakawin niya lang.  I was supposed to give that to someone worthy of me and not coming from a woman. I don't give a shit if she did that to get away from me, a kiss is a kiss and it cannot be taken back. Sa sobrang inis ko sa nangyari hindi pa nga ako nakapasok kinabukasan. I was mad and shookt, but mostly mad. 





Bwisit kang kutong-lupa ka!







And speaking of shortie, there she is. Naglalakad papasok sa building ng course niya.  Inaabangan ko talaga siya kanina pa.  





Ugh! She's wearing yet another hoodie but different color this time. Malamig ba? Feeling nito lagi siyang nasa Baguio. Kaunting hangin lang napaka OA na ng get-up. Hoodie, minsan sweater. Wala na atang ibang masuot. Baka naman may leprosy na itinatago kaya laging naka cover up. Eww! Lalo lang siyang nag mumukhang payat at maliit dahil sa mga sinusuot niya. Oh well. Ano pa bang ineexpect ko sa isang dukha. Hindi uso ang fashion sa kanila. 




Tinitingnan ko palang siya, naiinis na ako. Lalo pa kapag sumasagot sagot na sa akin. Kumukulo ang dugo ko. Kapal ng mukha. She's busy playing with a rubik's cube. Nakatungo pa kapag naglalakad kaya lalong lumiliit eh. 





Pandak! 





Wala atang phone kaya nag titiis sa rubik's.




Nerd!





Mahirap!






Bago pa siya mawala sa paningin ko, naglakad na ako ng mabilis at nilapitan siya. I approached her by grabbing her arm kaya sobra atang nagulat kaya naihagis yung laruan niya. Nagulat siya pero maya maya lang yung gulat sa mga mata niya ay napalitan ng takot. 







I like that. Satisfied with her reaction to me, I gave her my sweetest and fakest smile, then greeted her. "Good morning, kutong-lupa. Miss me?"













Santillan








Naudlot ang paglalaro ko ng rubik's cube ng may biglang humatak sa braso ko mula sa aking likuran.






Medyo masakit yung pag kakahatak at nagulat talaga ako kaya naihagis ko yung rubik's ko. Parang familiar ang pagka bayolente kaya nagka idea na agad ako kung sino.






Pero huwag pa rin sana please.






Pero siya nga.





Wala na bang iba?






Si blandina na naman!







Si blandinang higante na isang linggo na akong pinapahirapan. Isang linggo niya na akong pinag didiskitahan at isang linggo niya ng pinamumukha sa akin na maling tao yung binangga ko. Sinabi ko na ngang gets ko na eh, pero ayaw pa din tumigil.





Na-realize ko na nga na mali yung ginawa ko at taos pusong humingi ng sorry pero ayaw niyang tanggapin. Susuhulan ko na sana ng pera pero naalala ko wala ako nun. "Good morning, kutong-lupa. Miss me?" bati niya sa akin. May kasama pang ngiti yan na paniguradong nang aasar lang.






Eto na naman po siya. Wala na atang ibang magawa itong higanteng 'to kaya ang aga aga sumusulpot na sa harapan ko. Sana all madaming time.






"Ano na naman ba yun ha? Pwede ba tantanan mo na ako." asik ko sa kanya dahil naiinis na din ako. Hindi pa talaga siya nakukunteto sa mga pahirap niya sa akin. Ilang beses niya na din akong pinahiya sa mga estudyante at staffs dito. Ilang beses na akong tinapunan ng kape niyan na may ice cubes. Doon pa lang quits na kami eh. Puro mantsa na nga yung damit ko kapag umuuwi. Napaka-clumsy ko daw siguro sabi ni Maicy nung nakita niya akong dis oras ng gabi ay naglalaba. Buti nalang talaga mabisa yung detergent na gamit ko.





Kinulong na rin ako niyan sa toilet. Hindi na nga ako makapag-bawas ng walang inaalala. Lagi nalang ako nag papasama kay Klang para safe. Tinulak-tulak, binangga-bangga, at pinag tawanan. Dinuro duro pa. Para na nga ako yung bidang babae sa Meteor Garden. Lahat na ata ng masasakit na salita at mura ginamit niya na sa akin.





One time pa, hindi ko alam ung paano niya ginawa pero nag-iba bigla yung assigned room para sa isa kong subject. Sinabotage niya yung dapat mapayapa kong pag-aaral ng leksiyon ko.  Eh late ako at walang cellphone kaya hindi ko matanong si Clarisse kung nasaan sila. Wala akong idea na nasa kabilang building nagturo yung Professor namin. Nakanganga lang ako dun sa dating classroom at nag hinihintay sa kanila.




Huwag na din tanungin kung ilang beses akong nag-shower ng wala sa oras dahil sa kagagawan niya. Ilang beses ko nakitang puro putik at sobrang dumi ng P.E uniform ko.





Sobra-sobra pa nga eh





Bawing-bawi na siya.







May sukli pa nga.







"No can do at nag uumpisa pa lang ako. Yung mga na-experience mo, wala pa yun sa kalahati."






I sighed. Wala pa yun sa kalahati? Baka hanggang fifth year ko sa Accountancy nambubully pa din siya. There's more to come? Kakayanin ko pa bang tumagal to? "Ano pa bang gusto mo ha?  Nakaganti ka na diba. Sobra sobra na nga eh. Nag sorry na ako. Ayaw mo pa din tumigil."





Nag iinit ang mga mata ko. Parang may gustong kumawala kaya maagap ko nang pinigilan. "You think I care? Guess what, I don't. I'm gonna make you suffer and make you leave and you can't do anything about it." sinamahan niya yan ng signature niyang tawang nakakapanginig na ngayon ng laman.






Ang yabang talaga nito. Alam ko namang mayaman siya pero wala pa din siyang karapatan mang apak ng kapwa niya. Papaalisin daw ako ng school? Neknek niya. Pinag hirapan ko makapasok dito tapos aalis lang ako. No way. Hindi ako mag papatalo sa bullying niya.






Tiningnan ko siya ng masama. Gusto ko na ngang hiklasin ang buhok niya eh, pero dahil hindi na ako bayolenteng tao, pinigilan ko nalang. Hindi ko ibababa ang sarili ko at dudungisan ang magandang pag papalaki sa akin ng Tatay ko ng dahil lang sa kaniya. Makapagtimpi na lang muna. Pasasaan pa't siguradong mag sasawa din itong si Blandina sa power tripping na ginagawa niya sa akin.






Bago pa ako makapag salita ng hindi maganda at palakihin pa lalo ang galit sa akin ng higante, tumalikod na ako para umalis na. "Be careful, Chase. There's more to come." sigaw pa niya sa akin habang naglalakad ako papasok ng building.







"Be careful mo mukha mo." pabulong ko namang pang-aasar sa kaniya dahil yun lang naman ang kayang kong gawin.








...





Malapit na ako sa room ng makasalubong ko si Klang. Nakakunot ang noo niya at may bahid ng pag aalala yung expression niya sa kaniyang mukha. "Chase, ano bang ginawa mo at parang galit na galit sayo si Andrea Lorenzo?"




Ako naman ang kununot ang noo sa tanong niyang yun. Mukhang nakita niya kami kanina. Ano nga bang ginawa ko? Eh siya naman nag umpisa. At Andrea pala pangalan ang ni Blandina. Sayang. Ang ganda ng pangalan. Ang ganda ng itsura. Ang sama ng ugali.







"Wala naman. Bully lang talaga yun. Akala niya naman kung sino siya dahil ma-pera. Walang wala yun sa'yo Klang. Matangkad lang yun."








May gulat expression si Klang dahil sa sinabi ko. Totoo naman eh. "She's bullying you? Since when? Hindi ka nag sasabi!"







"Kasi mag woworry ka pa. Tingan mo. I can handle naman. Hayaan mo na."







Lalo lang lumukot ang mukha ni Klang sa sinabi ko. Kaya nga itinago ko nalang sa kaniya. "I'll talk to her about it and Chase, ako yung walang sinabi sa kaniya. Mayaman at maimpluwensya ang family niya at sila ang may-ari ng school na 'to."






Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso?
Alam ko naman mayaman siya pero hindi ko naman inexpect na sa kanila pala itong school na pinapasukan ko. Hindi ko kasi pinakinggan yung speech niya kaya late ko na nalaman.






"Sus! Mayaman ka naman sa good manners and right conduct."






Mayaman.Makapangyarihan. Mayabang. May katok sa ulo. Dangerous combination talaga. Kaya pala kung maka asta akala mo pag mamay-ari niya yung eskwelahan. Konting kembot na lang pala pag mamay-ari na nga pala talaga ng pamilya nila itong kolehiyo na nag papaaral sa akin ng walang bayad.





Nag usisa pa si Klang kaya wala na akong choice kung hindi ikwento sa kaniya ang iba pang mga nangyari. Nasamid pa nga siya at muntik pang maibuga yung iniinom niyang milk tea ng sabihin kong hinalikan ko si Blandina. Inexplain ko naman ng maayos kung bakit ko ginawa yun.







Natigil nalang ang usapan namin ng mag uwian na. Pag dating ko ng bahay tsaka pa lang nag sink in sa akin ang lahat.






Baka manganib ang scholarship ko kapag hindi pa natapos ang away namin ni Blandina. Sana naman hindi na umabot pa sa ganoong sitwasyon. Kasi kung mag kataon, yari ako. Hindi ko afford ang mag aral sa ibang kolehiyo na hindi nag o-offer ng scholarship. Isa pa, tiyak na malulungkot si Tatay kung saka sakaling kailanganin kung tumigil sa pag-aaral.







Sana lang talaga may konsensiya pang natitira kay Blandina. 

Continue Reading

You'll Also Like

18.3K 1.1K 18
| QBMNG BOOK 3 | "What if you and I are meant to part ways, only so that we could find each other again?"
5.2K 283 14
"Instead na paibigin yung mga tao sa mga dapat ay nagiging destiny nila, eh ang nangyayari napapares sila sa mga hindi dapat. Like Ellen and Portia...
7.1K 515 6
What could go wrong when you're stuck with the person who embodied the three things you despise the most? Well, Babelita Dating-Ginoo will surely hav...
402K 11.9K 77
(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating a...