Same night...
Tinawagan ni Kilua si Ria para pumunta sa condo unit niya kung saan siya kasalukuyang tumitira dahil gusto niya, pagbalik niya sa mansion ay kasama na niya ang wife niya.
Umiinom siya ng alak ng maalala ang tagpo nila ng kaniyang ama matapos niya makipag-meet kay Samantha.
Sinampal siya ng ama gamit ang likod ng palad nito dahil natapos na ang sampung araw na binigay nito para maibalik ang wife niya pero nabigo siya. Napagalitan siya ng ama kaya galit siya sa sarili niya.
Natapos lang ang pagmuni-muni niya ng may mag-doorbell.
Ilang minuto na simula ng pinatuloy niya si Ria.
Nasa harapan siya ng dvd player at may nilagay doon na cd.
"Alam mo, nung una ko siyang makita hindi ako makahinga. Akala ko kasi, nabuhay ang mommy ko." pagsimula ni Kilua sa usapin kung saan niya nakita si Miko sa school exhibit nito.
Binalingan naman siya ni Ria na prenteng naka-upo lang sa sofa at hawak ang tasa ng kape sa mga kamay.
"Lalo ko napatunayan na isa kang baliw, Kilua. Magka-ibang tao ang wife mo at mommy mo." sabi ni Ria na kina-iling ni Kilua habang nakangisi.
"Kung ganun pareho lang tayong baliw?" aniya at tumayo ng maayos matapos i-play ang music.
"Ito ang favorite music ni Jonas hindi ba?" aniya at lumapit sa harapan ni Ria.
"At iyan ang favorite coffee niya." sabay kuha ng tasa ng kape sa mga kamay ni Ria saka pinatong sa mesa.
"Bakit ka nabubuhay ng ganito?" tanong ni Kilua that makes Ria sighed at tumayo na rin.
"Alam mo na ang lahat diba? Tigilan mo na ang pangingi-alam sa buhay ng mga tao at mag-focus ka sa paghilum ng sugat diyan sa puso mo---" may inis na sabi ni Ria.
"Kaya nga!" biglang singhal ni Kilua na kinapitlag ni Ria sa gulat.
"Ilabas mo si Miko dahil siya lang ang makakagamot sakin!" nangagalaiting singhal pa niya kaya napabalik ng upo si Ria sa sofa na bakas ang takot sa mukha dahil sa inakto ni Kilua.
Kinaumagahan medyo nailang pa na nagkasalubong sa paglabas ng mga kwarto sina Joseph at Miko dahil sa naganap kagabi.
"Goodmorning." bati ni Jonas na parang teenager na kinakabahan.
Tango lang ang naisagot ni Miko at tsaka muling pumasok sa loob ng kwarto sabay sandal sa pinto.
Kagat labi siyang napatampal sa noo dahil sa hindi niya magawang batiin ito pabalik.
"Haiist. Ano ka ba naman Miko, isang halik lang naman iyon. Anong masama, umamin na naman siya ng totoo niyang feelings at nagugustuhan mo rin na naman siya." kumbinsi niya sa sarili niya ng pabulong at napatakip ng mukha dahil sa inis.
Nagising si Kilua dahil sa sinag ng araw na sumisilip sa hindi maayos na pagkakatakip ng curtains sa glass window ng room niya.
Pagkabangon ay diretso siya kaagad sa bathroom at nag-shower. Hindi niya malimot-limot ang pagpapa-alala ni Samantha sakaniya ng parehong sinumbat noon ng wife niya.
Hindi siya nakakasiguro pero may humihila sakaniya para mas paniwalaan ang kung ano mang kutob niya na maaaring si Samantha---
Habang patuloy umaagos ang tubig sa buong katawan niya, naikuyom niya ang kaliwang kamay na nakalapat sa pader.
Matapos niyang makapagbihis ng corporate attire niya biglang may natanggap siyang tawag.
"Oh?" pabalang niyang sagot sa tawag.
"May nalaman ako." boses ni Aira sa kabilang linya na nagpataas ng kilay ni Kilua.
Kung ano mang ire-report sakaniya ay siguradong hindi siya makakatanggi lalo na kung tungkol o may kinalaman lang sa wife niya. Umalis na siya ng condo.
Patungo ngayon sina Jonas at Miko sa isang underwater aquarium para mamasyal bilang first date nila.
Bakas ang kasiyahan sa mukha ni Miko dahil huli siyang nakapunta sa lugar na iyon noong bata pa siya kasama ang mama at daddy niya.
Doon niya rin naramdaman ang totoong kalayaan at ginhawa dahil muli niyang nasilayan ang mundong ipinagkait sakaniya ni Kilua for years.
Katulad ni Miko ay hindi rin maalis-alis ang pagkatuwa ni Jonas dahil nakikita niya kung gaano ine-enjoy ni Miko ang bawat sandali na maranasan ang mga simpleng bagay na gaya ng pamamasyal at kumain ng kahit ano sa labas.
Kasalukuyang nasa isang bodega ngayon si Richie. Naka-upo sa isang upuan, nakapiring ang mga mata at nakatali ang mga kamay sa likuran.
Dumating si Kilua at sinenyasan ang isang tauhan na kalagan ang lalaki. Sumunod ang mga tauhan niya, kinalagan ang tali sa mga kamay ni Richie at inalis rin ang piring na nakatakip sa mata nito.
Kunot noong tinignan ni Richie si Kilua ng ito ang unang bumungad sa paningin niya ng hubarin ang piring niya.
"Mr. Kazaki, anong ibig sabihin nito?" nagtatakang tanong ni Richie na nginisian lang ni Kilua.
"Relax. Hindi naman kita sasaktan, eh." mapaglarong sabi niya ngunit biglang sumeryoso ang mukha.
"Yun ay kung magsasabi ka ng totoo." makahulugang turan nito.
Hindi naman nawala ang kaba kay Richie dahil hindi niya alam kung anong kayang gawin ng isang Kazaki sakaniya.
Nakabalik na sa bahay sina Jonas at Miko na may mga ngiti sa mga labi.
Kakapasok pa lamang nila sa sala ng makatanggap ng text si Jont sa hospital.
"Ahm. Pasensya na, emergency lang. Okay ka lang ba dito na mag-isa?" nagdadalawang-isip na tanong ni Jonas kay Miko dahil parang ayaw niyang iwan ito na mag-isa.
"Okay lang ako, magpe-prepare nalang ako ng dinner natin." tumangong sagot ni Miko at nginitian si Jonas.
"Babalik rin ako kaagad." sabi pa niya at muling lumabas ng bahay.
Tumungo narin sa kaniyang kwarto si Miko para makapag-bihis na at magluluto pa siya para sa dinner nila.
Samantala sa bodega...
Pinanuod kay Richie ang kuha ng cctv footage noong naaksidente si Samantha na kasama siya. Kita niya mismo ang sarili 5 years ago kung paano niya basta nalang iniwanan si Sam na walang malay at inakala niyang patay na nung mga oras na iyon.
"Ano kaba naman Richie, paano mo nagawang iwan si Samantha sa lugar ng aksidente gayong sugatan siya?" tanong ni Kilua habang kaharap si Richie na hawak parin ang phone na naglalaman ng video at halatang nakokonsensiya sa ginawa noon sa babaeng minahal niya ng matagal na panahon.
"Nung mga sandaling iyon... akala ko talaga patay na si Sam." sabi niya habang pinipigilan ang sariling maging emosiyonal.
Napa-smirk naman si Kilua sa naging sagot nito.
"Bakit di mo ni-report sa pulis?" Kilua
"Kung ginawa ko, wala parin siyang pag-asang mag-survive sa aksidente." mabilis na sagot ni Richie na kinakunot ng noo ni Kilua.
"Himala na iyong nag-survive siya ng 5 years na comatose..." patuloy niya at bumaling kay Kilua na halatang nawawalan na sa sitwasyon.
"...bago siya namatay." dugtong niya na siyang kinangiwi ng ulo ni Kilua dahil sa narinig na sinabi ni Richie.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" kunot-noo niyang tanong pero hindi na nakapagsalita si Richie dahil nag-proseso sa utak niya ang sinabi niya. Nadulas siya.
"Si Samantha... patay na?" napataas ang kilay ni Kilua at parang di makapaniwala sa nalaman.
Umiwas ng tingin si Richie dahil hindi niya batid kung ano ng mangyayari dahil sa nadulas siya sa mga sinabi niya.
"Kung ganun... sino ang babaeng kasama ng kaibigan mo? Sino... ang babaeng iyon? Sino?" gumalaw ang panga at nangagalit ang mga matang tinignan niya ang bihag nila.
"Sino?" humakbang siya ng isang beses palapit pa kay Richie.
"Sino siya?" may pagtitimpi niyang tanong at hinawakan ang kaliwang kwelyo ni Richie at nasundan pa ng isa pang kwelyo.
"Sino ang babae na iyon?!" sigaw niya dito na siyang nakatingin lang rin sakaniya na bakas ang takot sa mga mata dahil nagbago bigla ang reaksiyon sa mukha ni Kilua.
Mula sa pagtitimpi hanggang sa sumabog na ito mismo sa harapan niya.
Dumating si Kilua sa townhouse na pagmamay-ari ni Samantha na Minsan narin niyang binisita. Gusto niyang makasiguro sa nalaman.
Nilibot niya ang buong paligid hanggang sa mapunta siya sa isang memorial garden ng pamilya.
Bawat libingan ay nasa ilalim ng isang maliit na puno.
Isa-isa niya tinignan ang mga lapida ng mga nakalibing hanggang sa napahinto siya sa muntik na niyang lampasan na puno.
Nakatala sa lapida ang pangalan ng taong hinahanap niya kaya unti-unti niyang inangat ang tingin sa larawan na nakasabit sa katawan ng puno.
Napaatras siya ng isang paa at naalala ang pagkikita nila ni Samantha sa gallery pati na ang pag-contract signing nila.
Flashback
Naglabas ng stamp si Samantha ng magsalita si Kilua.
"Usually sinusulat ng mga tao sa contract ang pirma nila pero... nagdala ka ng stamp." Kilua
"Ang stamp ang first culture na ginawa ko matapos ko maka-recover sa coma. Malalim ang ibig nitong sabihin sakin, kasi para akong nagsisimula ulit." ani kunong Samantha.
End of Flashback
May kumawalang luha mula sa mata ni Kilua dahil sa nalaman niya at sa mga posibilidad na na-iisip niya.
"Si Samantha Rodrigo, patay na at dito nakalibing." aniya at napatingala sa madilim na kalawakan para huminto ang mga luhang nais kumawala sa mga mata niya.
"Kung ganun, sino ang babaeng nakilala ko? Sino siya?" tanong niya habang nakatitig sa larawan ni Samantha hanggang sa unti-unting dumilim ang mga mata niya sa galit.
#MS:LIS