El Salvacione

By Maxchy18

284 26 1

I really hate history. Past is past na nga ika nga tapos inuulit ulit naman nila ang pag aaral at pagtuturo n... More

PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
Not an Update
KABANATA 4

KABANATA 3

32 4 0
By Maxchy18

"Sino ka?/Who the hell are you?" 

Sabay naming tanong. Ako yung nag english at siya yung nagtagalog. Nagulat ako ng slight to hear his accent.. Yung parang yung ginamit na accent nila Paulo at Sanjo sa shoot namin ng El Salvacióné ang accent niya. Baritone voice that speaks like he is a leader, commander or general who's asking a criminal about his/her assault or crime. Hearing his voice sent shivers down my spine.

Tumingin ulit ako sa kaniya and now I can see irritation and bewilderment in his eyes.

"Sino ka? Isa ka bang espiya? Bakit ako nandito? Anong lugar ito? Papaanong nakakapagsalita ka ng wikang Ingles?  Saan ka natuto ng wikang iyan?" Tanong niya. Napakunot noo ako sa sinabi niya.

What does he mean? Like hello? Modern time na ngayon and international language ang english, lahat sa mundo ay marunong at may laya ng magsalita nun kaya anong sinasabi niya? Psycho.

"Are you a psycho? Hello? Anong sinasabi mo dyan? Malamang sa school ako natuto. Saan pa ba?" Pagmamaldita ko sa kaniya dahilan para mawalan ng ekspresyon ang mukha niya. What's wrong?

"Binibini, hindi mo magugustuhan ang maaaring maging kaparusahan sa iyong kapangahasang sagot-sagutin ako ng walang pag galang." Wika niya na tinaasan ko ng kilay. Hindi niya talaga siguro gets noh? Slow. Psh.

"Excuse me?" Magsasalita pa sana ako nang biglang may tumawag ng pangalan ko.

"Binibining Acia Isabel." Napalingon ako sa nagsalita na dahilan para hindi ko matapos ang dapat kong sabihin doon sa psychotic guy na yun.

"Nagkita na kayo ng Señor?" Teka? Ako ba ang kausap niya? Nagpalinga linga ako sa paligid pero wala akong makitang ibang tao dito. Kahit yung psycho kanina di ko na makita. Sinong Señor tinutukoy niya? Tsaka anong señor? Senior citizen?

"Tama nga ang aking hinuha. Nagtagpo na ang landas niyo sa unang pagkakataon ni Señor Joaquin." Nakangiti niyang sambit na lalong nagpagulo sa isip ko. Wala naman akong nakitang senior--- ang ibig niya bang sabihin sa sinabi niya ay Señor? At yung lalaki ba kanina ang tinutukoy niya?

Señor Joaquin? Ayy wow! Meaning mayaman yun? Hindi halata psycho kasi. Pero anong meron? Kung wala naman tong kinalaman sa buhay ko then why am I here? Ano bang nangyayari?

"Lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan kung bakit nangyayari yun sa atin." Matalinhagang wika niya. Pagkatapos ng pagsabi niya ng mga katagang iyon ay biglang nandilim ang paligid.

Pagmulat ko ng mata ko ay mukha nila Lola, lolo at nila mom at dad ang una kong nakita. Bakas sa mukha nila ang pag aalala at pagtataka kung anong nangyari sa akin. Naalala kong pagkatapos kong lumabas para tignan kung sino yung kumakatok sa pinto kanina ay bigla akong nahilo at natumba. Naalala ko din yung parang panaginip na iyon. Totoo ba yun? Sino ba yun?

"Acia! Buti at gising ka na anak. Ano bang nangyari sayo? Nakita ka na lang naming walang malay dyan sa lapag. Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong nila mom at dad sa akin.

"I'm fine mom, dad. Don't worry.. Nahilo lang po kanina but I'm fine now." I said with a slight smile plastered in my face.

Kahit naguguluhan pa rin ako sa mga nangyari, pinagpasyahan ko na lang na kalimutan yung mahiwagang panaginip na iyon. Sabi nga panaginip lang iyon. Malayong mangyari sa totoong buhay.

***

Pagkatapos ng nangyari kanina ay nagpaalam ako kila lola na maglilibot libot muna ako sa loob ng hacienda niya. Pumayag naman siya at sinabihan lang akong mag ingat at huwag masyado lumayo kaya heto ako naglalakad sa ilalalim ng mga puno na nagbibigay lilim sa daraanan ko. Maganda ang tanawin at napakapresko ng hangin. Ang ganda pala talaga ng probinsiya. Walang polusyon at hindi pa mainit.

Sa aking paglalakad ay biglang nagbago ang panahon. Umitim ang langit at bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng malalakas na pagkulog at pagkidlat. Napasilong ako sa isang puno na malapit sa akin at nag iisip ng umuwi sa mansion dahil baka nag aalala na sila  sa akin ngayon. Marami pang kulog at kidlat ang dumating at yakap yakap ko na ngayon ang aking sarili na basang basa na dahil sa lakas ng ulan. Gusto ko na makauwi pero parang imposible dahil napakadelikado ang maglakad sa gitna ng pagkulog at pagkidlat.

Habang nakasilong ako sa isang puno ay bigla ulit kumidlat at kumulog at bigla na lang namanhid ang buong katawan ko. I felt electrocuted. Nanghina ang mga tuhod ko at napasalampak ako sa lupa.

Unti unti akong tumayo kahit nanginginig pa din ang aking tuhod dahil sa pagkakakidlat sa akin. Napaisip tuloy ako. Kung nakidlatan ako kanina paanong buhay pa ako at nakaya ko pang tumayo? Multo na ba ako?

Wala ng ulan, kulog at kidlat. Parang biglang naging payapa at tahimik ang buong lugar. Tanging mga huni ng mga ibon at mga kuliglig lang ang naririnig ko mula sa kalayuan.

Nang tuluyan na akong nakatayo ay naglakad na ako paalis sa lugar na iyon hanggang sa mapadpad ako sa isang lupang kalsada.

Madilim na ang paligid at walang sasakyan o taong dumadaan dito kaya medyo natatakot ako lalo na at uso ang rape. Jusko naman ano ba tong nangyayari sa akin? Kailangan ko ng makabalik sa mansion ni lola.

Naglakad lakad ako sa gilid ng kalsada at nagpapalinga linga kung may makita akong familiar place na pwedeng maglead sa akin sa mansion ni lola pero nakalayo na ako pero wala pa din akong makita kundi isang malawak na palayan na nasisinagan lamang ng liwanag ng buwan.

Naliligaw na talaga ako. Sana hindi na ako umalis sa masion ng hindi sana nagkaganito ngayon. 

***

Someone's POV

"Anong nangyayari? Dapat nandoon na siya ngayon pero hanggang ngayon ay hindi ko siya mahagilap. " natatarantang wika ng isang babae na ngayon ay di mapakali at palakad lakad sa loob ng bahay. Nag aalala din habang nakaupo ang matandang babae sa sopa. Nagtataka din siya sa nangyayari dahil ngayon lang ito nangyari.

"Wala akong maisip na dahilan kung bakit hindi pa siya nakakarating doon. Ngunit ipinagdarasal kong hindi magkatotoo ang aking hinala dahil ito ay magdudulot ng isang mas malalang sakuna." dagdag pa ng matandang babae. Napabuntong hininga ang lahat ng nasa silid kung san sila nagtitipon ngayon.

"Ano na ang gagawin natin ngayon? Kung magkatotoo man ang iyong hinala paano natin to aayusin?" Tanong ng isa pang babae na nasa edad apatnapu (40) na. Napalingon ang lahat sa matandang babae at lahat sila ay naghihintay sa sasabihin ng matanda.

Bumuntong hininga muna ang matandang babae bago nagsalita.\par "Nararamdaman kong naliligaw siya ngayon sa kagubatan ng pinakatatagong lihim ng nakaraan kung kaya'y sunduin mo siy doon Isadora sapagkat ikaw ang nanggaling doon." Wika at utos nito sa isang batang babaeng kasama nila sa silid na agad namang tumalima sa utos sa kaniya ng matandang babae

****

Acia's POV:

Ilang minuto na akong naglalakad sa lupang kalsada na tila walang katapusan.

Nasaan na ba talaga ako?! Baka hinahanap na ako sa amin!

Napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada dahil pagod na ako at hindi ko pa din mahanap ang daan papunta sa mansion nila lola. Naiiyak na ako. Gusto ko na talaga umuwi.

Habang nakaupo ako sa gilid ng kalsada may narinig akong parang tumatakbong kabayo. Napatayo ako ng di oras ng makita ko ang isang kalesa na dadaan. Kalesa? May kalesa pa pala sa panahong toh? Pero no choice it's now or never.

Tumayo ako at naglakad papunta sa gitna ng kalsada para parahin yung padating na kalesa at para makahingi ng tulong. Pero dumaan lang siya sa gilid ko na parang walang nakita.

***

ES

Continue Reading

You'll Also Like

51.2K 879 14
Ashleigh Sharalyn Macalinton is a college student that transmigrated to the body of a weakest daughter of a powerful and a heartless Duke. She didn't...
Babaylan By Ann Lee

Historical Fiction

1.3M 80K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...
732K 29.5K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...
Way Back To You By Eros

Historical Fiction

460K 35.1K 99
Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa p...