"My Rival; My Love"

By raibrielle

105K 4.4K 731

"If falling in love is her greatest weakness then I'll make her the weakest." More

MRML; THE MAJOR CASTS ✨
MRML; PROLOGUE
MRML 1: ELLA
MRML2: GABO? THE WHO IS GABO?
MLMR 3: 1 week Cease fire.
MRML 4: Day 1 of 7 (Ceasefire)
MRML 5: PRETENDING
MRML 6: REAL FRIENDS
AUTHORS NOTE:
MRML 7: PAIN
MRML 8: IT'S YOU
MRML 9: UniPhant?!!
MRML 10: PaELLA
MRML 10: ATE SELA
MRML 11: L'ESCOUADE
MRML 12: JEALOUSY
MRML 13: MARSELOG, ANG PINAKAMAGANDANG ITLOG.
MRML 14: Cinder-ELLA
MRML 15: JUST SAY YOU WON'T LET GO
MRML 16: REASON
MRML 17: SAD SONG
MRML 18: ASH
MRML 19: COCO?? NOT!
MRML 20: HAPPY BIRTHDAY GABO (1)
MRML 21: HAPPY BIRTHDAY GABO (2)
MRML 22: HAPPY BIRTHDAY GABO (3)
MRML 23: The Dilemma
MRML 24: BLUEPRINT OF VENGEANCE
MRML 25: THE LIES OF APOLOGY
MRML 26: PROBINSYA
MRML 27: SWEET ESCAPE
MRML 28: THE START
MRML 29: FALL AND FAIL
MRML 30: SUFFER
MRML 31: ELLA'S CRY
MRML 32: ELLA VER. 2.0
MRML 33: Sela's REAL MISSION
MRML 34: TOKYO TOKYO YUNG PUSO KO
MRML 35: Ang Pagsibol ng Katotohanan.
MRML 36: The magic of Disney Land.
MRML 37: YOU AND I, COLLIDE
MRML 38: OH JAPAN, FORTUNE COOKIE.
MRML 39: SAYONARA JAPAN
MRML 40 : CHASING CULPRITS
MRML 41: UNTAMED AFFECTION
MRML 42: Dalawang TrianGULO
MRML 43: HIGH TENSION
MRML 44: New Beginnings
MRML 45: IT'S A YES
MRML 46: THE BITTERSWEET MISTAKE
MRML 47: DOUBTS
MRML 48: WRECKED
MRML 49: THE DARK PAST
MRML 50: Moments with Love
MRML 51: GIA??!!
MRML 52: ODDS OF CHEATING
MRML 53: UNFORGETTABLE
MRML 54: THE WEDDING
MRML 55: CONSEQUENCES
MRML 56: PAALAM
MRML 57: THE ONE THAT GOT AWAY
MRML 58: UNEXPECTED
MRML 59: PLAYFUL DESTINY
MRML 60: WITH YOU
MRML 61: FATED TO BE YOURS
MRML 62: SACRIFICE
MRML 63: BIG TWIST
MRML 65: ANG AKIN AY AKIN LAMANG
MRML 66: FINALLY
MRML 67: LET'S HAVE A BABY
MRML 68: BABY SKRIBIKIN
MRML 69: BABY ELLIANA GABE
MRML 70: THE FINALE (PART 1)
MRML 70: THE FINALE (PART 2)

MRML 64: SECRETS AND THANK YOU'S

1.1K 58 12
By raibrielle

Gabb's P.O.V

Habang nandito pa rin kami ni Jamie nakaupo sa bench. 

" L'ESCOUADE!!!!, LET'S VAULT IN!!!!." 

Napatingin naman ako at si Ate Alice pala yung sumigaw, napangiti kami ni Jamie. Andito sina Ecka, Ate Alice, Dana and wait andito rin pala si Belle. 

" I REPEAT! L'ESCOUADE! LET'S VAULT IN!!!." Sambit ni Ate Alice

" LET'S!." Sambit naming lima, 

umupo si Ate Alice sa gitna, gitna namin ni Jamie, katabi ko naman si Dana, habang si Jamie katabi si Bella. Si ecka naman pumwesto sa gitna at nagsimulang nagpatugtog. 

" Ready na guys, kantahin na natin themesong natin." Sambit ni Ecka. 

" Tati Gabb." Napatingin ako at nakita kung tumatakbo si Briel papunta sa akin, kaya kinarga ko siya, kasama din niya ang  anak nina Belle at Ecka sina Ecelle at si Becka. kinarga naman ni Belle si Ecelle at umupo sa lap ni Ecka si Becka. 

"Dali, Kantahin na natin." Sambit ni Belle

Para yata akong bumalik sa panahong mga bata pa kaming minsang nangarap, nagkaisa sa lahat ng pagsubok kaya heto abot na abot na namin lahat nang magkasama. Nasugatan man kami ng ilang beses, hindi yun dahilan para umurong kami, Saisho No Usagi Ni Naruo, My First Rabbit.

Music Plays: (Kumanta na kami ng sabay sabay.)

Minsan sa'ming paglalakad
Kami'y napadpad
Sa kwebang madilim
Walang makita
Aking mga kasama
Sa dilim natakot na
Ayaw nilang pumasok pa
Naghintuan na

Pero ako
Natuwa sa'king nakita
Kahit sa dilim ay matapang ako

Kahit na masaktan
'Di katatakutan
Kahit ang kadiliman
'Di uurungan
Dahil ang pangarap ay pinaglalaban
Saisho no usagi ni narou

Hindi maipagmamalaki
Kung mahina ang loob
Itaas ang sarili
Tapang ang sandata
Basta tuloy ang laban
Kakampi ang mga bituin
Sa daraanan ko
Bakas maiiwan

Kahit na sa
Puso ay may pagdududa
Tatapangan ang loob
Lalaban ako

Nasusugutan
May matututunan
Kahit ako'y lumuha
Kahit pa masaktan
Lahat ng hirap at dusa titiisin ko
Saisho no usagi ni narou

Tignan n'yo
Lahat tayo 'di matatalo
Sa buhay huwag susuko
Buong loob susugod na
Walang iwanan magtatagumpay lahat

Kahit na masaktan
'Di katatakutan
Kahit ang kadiliman
'Di uurungan
Tulad ng pangarap na pinaglalaban
Tuloy-tuloy walang susuko hanggang magkatotoo na lahat
Nasusugatan
May matutunan
Kahit ako'y lumuha
Kahit pa masaktan
Lahat ng hirap at dusa titiisin ko
Saisho no usagi ni narou

" Ano ba yan, nakakaiyak." Sambit ni Belle

" Oo nga eh, sino mag-aakalang kakantahin natin yan ulit, kahit na ang tatanda na natin." Sambit ni Dana

" Guys, Salamat ha?." Sambit ko at nakatingin naman sila sa akin

" Mahal na mahal ka namin Gabrielle." Sambit ni Ate Alice

" Mahal na mahal ko rin kayo. Mapalad ako kasi kayo ang mga naging barkada ko, mga barkadang hindi nang-iiwan kahit anong mangyari, kahit andami ko nang mga naging kasalanan, hindi niyo ako binitawan, Salamat kasi lagi kayong nandyan sa tuwing kailangan ko kayo. Andami din nating mga di birong napagdaanan, Si Dana minsan na nawala sa atin, Nagalit tayo kay Ate Alice dahil da nangyari noon, Muntik na masira ang barkada dahil sa mga kasalanan at mga lihim na nararamdaman. pero sa huli ang tibay natin, gaya ng themesong natin, nasugatan at nasaktan ng ilang beses,  pero hindi tayo umurong dun, sinamahan nyo ako hanggang sa huli, sa pag-abot ng mga pangarap ko at mga pangarap nyo. Sana itong mga batang toh, maging sintibay at sintatag din natin. na kahit sa anong pagsubok hindi susuko, walang uurungan, Siyempre yan ang L'Escouade eh, Sama sama hanggang sa huli." Sambit ko na naiyak na ng tuluyan.

" No no Cwyy Cwyy Tati." Sambit ni Briel habang hinahawakan ang mukha ko, kaya hinalikan ko siya sa noo. 

" Nakakaloka noh, Ang maarte na si Belle, Ang madamot sa pagkain na si Ate Alice, Ang slow at mahinhin na si Jamie, Ang Palaaway at Madungis na Ecka, Ang Iyakin na Dana at ang Di supladang genius na si Gabo, pag pinagsama ay POWER!." Sambit ni Ecka

" Nabago tayo nang tuluyan dahil sa barkadang nabuo natin. kaya kahit anong mangyari walang iwanan ha? kahit mapuputi na buhok natin, kahit nakapustiso na tayo." Sambit ni Jamie, na naiyak na din. 

" Promise ko po Dada, ako mag lelead sa amin nina Ecelle, Becka at sa mga darating pa po naming friends." Sambit ni Becka. 

" Future Ate Cap pala ito eh." Sambi ko

" Basta mga bata, gaya namin wag na wag nyong iiwan ang kahit sino sa inyo. palagi kayong magtulungan sa pag-abot ng mga pangarap nyo, kung may problema, harapin nyo ng magkasama. Yan ang L'Escouade." Sambit ni Dana sabay ngiti

" L'ESCOUADE! LET'S VAULT IN!." Sambit ni Ate Alice at nilagay ang kamay niya sa gitna

" LETS!." Sambit naming lima at nagpatong patong mga kamay namin sabay bagsak. 

Nagyayakapan kaming lahat, Salamat po Panginoon, sa pagbibigay mo sa akin ng mga tunay na kaibigan na habang buhay kong e te-treasure. 

Tumawag si Guin sa akin, 6 pm nalang daw ang wedding, kasi bumabyahe pa ang Officiating priest, So I'll grab this opportunity to thank people and to fix everything before my wedding. 

Nakita ko si Coleen na nagseselfie sa labas ng hotel, habang nag-aayos pa si Brei, napangiti ako at nilapitan ko siya. 

" Pose ka diyan Coco Krunch, ako na." Sambit ko 

" Yeeey! Thanks Gabrielle!" Sambit niya at inabot sa akin ang phone niya

" Ayan okay na Baby girl." Sambit ko at ngumiti

" Yeeey! Thanks Gabrielle!." Sambit niya

Bigla ko siyang niyakap nang sobrang higpit. 

" Hala, bakit mo ako hinug uie." Pagtataka niya

" Shut up and just hug me back." Sambit ko

" Harsh, hmpf!." Sambit niya at niyakap niya ako pabalik

" Coco, Thank you for everything, for being my bestfriend since we we're 4 years old." Sambit ko at bumitaw sa yakap at tiningnan siya

" Awwee, Ako dapat mag thank you eee, kasi despite of what I did, tinanggap at minahal mo pa rin ako as your own sister." Sambit niya

" Nagawa mo lang naman yun dati dahil din sa may kasalanan ako sayo, Sorry for all the aches I've caused you Coco, and Thank you kasi nanatili ka sa tabi ko and this time pati si Ella, minahal at tinanggap mo." Sambit ko at heto na naman po, naluluha na naman ako

" Hindi man ikaw ang nakatuluyan ko Gabb, okay lang yun kasi parehas na namang masaya ang ating mga puso." Sambit niya na naluluha rin

" Palagi lang akong nandito ha? I will always be your Gabrielle." Sambit ko sabay hawak sa kamay niya

" Oh yes  you will always be my Bully Gabrielle." Nakatawa niyang sambit

" I love you, Baby Girl." Sambit ko

" I love you more Bully." Sambit niya at nagyakapan kami sabay halik ko sa noo ni Coco

" Eheem...Eheem.." Napatingin kami at nakita namin si Brei kaya bumitaw na ako ng yakap

" Hi Babi." Sambit ni Coco 

" Wag ka magseselos ha? kukutusan talaga kita Aubrey!." Sambit ko

" Hahahaha Baliw ka Gabrielle! Siyempre alam ko rin ang pinagsamahan niyo ni Babi ko, kaya hindi ako magseselos, alam kong mahal niyo ang isa't isa bilang magkakapatid." Sambit ni Brei

Kinuha ko ang kamay ng dalawa, nilapat ko ang kamay ni Brei sa kamay ni Coco. 

" Brei, baby girl ko yan. kilala natin pareho kung ano si Coleen, take care of her and love her so much coz you both deserve each other." Sambit ko at ngumiti

" Makakaasa ka Gabb, hinding hindi ko pababayaan at sasaktan ang Baby girl mo." Sambit niya at niyakap si Coco

" Ano ba naman kayo, parang kami ikakasal eh. hahahaha, group hug nga tayong tatlo." Sambit ni Coco

At nag group hug nga kaming tatlo. 

" Gabb!" Napabitaw naman kami ng yakap at tumingin kung sino tumawag sa akin

" Ash?." Sambit ko

" Sabi sayo present ako eh, thanks to Coleen." Sambit niya kasama ang dalawang batang babae. 

" Hi Ate Ash!." Sambit ni Coco, at niyakap siya

" Nakita ko kasing nasa New Zealand si Ate Ash, kaya sinabihan ko na." Sambit ni Coco

" Woah! I'm happy to see you here Ash." Sambit ko at niyakap siya

" Uhm, isama na muna namin itong mga bata para maayusan na." Sambit ni Brei

" Oo nga Let's go Baby girls like me." Sambit ni Coco, at umalis na nga sila kasama ang dalawang bata. 

Naiwan kami ni Ash kaya naisipan namin maglakad lakad. 

" Finally Gabby! Ikakasal ka na! I'm so happy for you!." Sambit niya

" Oo nga Ash eh. nga pala ash, Salamat ha?." Sambit ko

" Para saan?." Sambit niya

" Don't get me wrong, I'll be explaining on this, Thank you for breaking my heart ash." Sambit ko at nakita kong nagtataka siya

" When you broke my heart, akala ko it's the end of everything. kaya napariwara ako. Then I met this girl who tried to put me back to pieces again, and it's Ella." Sambit ko

" Gabb, you deserve someone na handa kang ipaglaban kahit anong mangyari, and that's not me. I was so focused with my dreams before, i admit there we're regrets, but then everything went smoothly lalo na nung ma meet ko kayo ni Ella si Japan. She deserves you Gabb, just how you deserve her too." Sambit ni Ash

" Still Ash, I want to say sorry, kasi minsan nagalit din ako sayo, dahil na rin sa nasaktan ako. Pero thankful pa rin ako sa meron tayo noon. You will always be my First love, My Beautiful Miracle." Sambit ko

" Asus, paiiyakin mo naman ako eh, baka wala nang makitang mata sa akin nito mamaya, singkit pa naman toh." Sambit niya

" Nope, I mean it Ash, You gave me a disguised miracle. the miracle of breaking my heart, that led me to meet Ella." Sambit ko

" Love you Gabrielle, tama na yan, ayoko umiyak." Sambit niya

" Love you too Miracle." Sambit ko at niyakap siya. 

Ang sarap sa feeling pala nang ganito, The lady who broke my heart was indeed a disguised miracle for me to see that there is this girl that's willing to love me no matter what, and that's my future wife, My Ella. 

Nandito na kami sa Shang-ri La Hotel, dito ang kasal namin ni Ella. nasa  hotel room pa sya habang kami ay nasa lobby lahat. 

" Gabb? pinatawag mo daw ako?." Sambit ni Ate Sela

" Yes Ate, inaantay din tayo nina Mama at Papa." Sambit ko

" Awwee, okay andun namin si Briel kay Abby eh." Sambit ni Ate Sela

Bago ko pa tinawag si Ate Sela, kinausap ko muna si Mama at Papa tungkol sa tunay na pagkatao ni Ate Sela. Kaya ngayon sasabihin na namin sa kanya lahat. 

" Hi Ma, Hi Pa, andito na si Ate." sambit ko

" Bakit po Mama? Papa?." Sambit ni Ate Sela

Agad naman tumayo si Mama at niyakap ng sobrang higpit si Ate Sela

" I love you my Marsela, I love you so much anak no matter what." Sambit ni Mama at naiyak, hinaplos ko naman ang likod ni Mama at ngumiti. 

" Ma? Okay ka lang? di naman ako ang ikakasal eh. si Gabb po tapos na ako Ma." Sambit ni Ate Sela

" Sweetie, we have to tell you something." Sambit ni Papa

" Ate, Mahal na mahal kita ha? You will always be my prettiest Ate Tamago." Sambit ko

" Teka lang naman, ano ba ito?." Pagtataka ni Ate Sela

Niyakap ko patagilid si Ate Sela

" Anak, kung ano man malalaman mo, gusto ko na malaman mong, hindi kelanman nagbago ang pagmamahal ko sayo anak ko." Sambit ni Mama na umiiyak

" Mama, please direchuhin nyo na po ako." Sambit ni Ate Sela, nakayakap pa rin ako sa kanya. 

Sela's P.O.V

Ano ba talaga meron? naiiyak na ako, naguguluhan,  si Gabb nakayakap lang sa akin. 

" Sela, Our beloved daughter." Sambit ni Papa

" Hindi ka man galing sa akin, mahal na mahal na mahal kita anak ko." Tuluyan nang bumuhos ng iyak si Mama

" Anong hindi ako nanggaling sa inyo? Ho? Hindi niyo ako anak?." Sambit ko na naiyak na, nakayakap lang ng mahigpit si Gabb sa akin

" Listen please sweetie, we will explain to you everything anak." Sambit ni Papa

" Ate Trust us, We love you." Sambit ni Gabb na nakayakap pa rin sa akin.

" Si-sige po makikinig ako." Sambit ko

" When I gave birth, nalaman kong namatay ang baby na ipinanganak ko, sa takot ko na iwan ako ng tuluyan ng Papa ninyo, nagbayad ako ng nurse na magbibigay sa akin ng sanggol na magpapanggap as my own daughter. sabi ko handa ko ring bayaran ang ina ng bata." Sambit ni Mama, nakikinig lang ako habang umiiyak, habang si Gabb, hinahaplos ang ulo ko. 

" S-so, nameet nyo po ang totoo kong Nanay sino po siya?." Sambit ko

" I have not met her anak, I just found out today who she is, through Gabb." Sambit ni Mama, napatingin naman ako kay Gabb

" Pano mo nalaman Gabby?." Sambit ko

" Ate." Sambit niya at hinawakan ang kamay ko

" Si Barbara Lacumba-Amat po, siya ang tunay mong ina. Si Ella mismo ang nagsabi sa akin, nung malaman ng nanay ni Ella ang tungkol sa nangyari kay Mama, ikaw ang ipinagpalit niya sa sanggol, anak ka ng Nanay ni Ella kay Papa, kaya Ate magkapatid pa rin tayo sa ama, magkapatid naman kayo ni Ella sa ina." Sambit ni Gabb

" Ka-kapatid ko si Ella?." Sambit ko at naluha na naman ako

" Opo Ate, hating kapatid pala kami ni Ella sayo." Sambit ni Gabb na nakangiti

" Anak, alam kong hindi madaling tanggapin ang lahat but we love you so much our Marsela." Sambit ni Papa

" Mahal na mahal ko rin po kayo Mama, Papa, at sobrang blessed ko pa rin kasi sa inyo po ako lumaki." Sambit ko, tumayo naman sina Mama at Papa at niyakap ako, si Gabb nakayakap din sa akin patagilid.

" Pero, masaya din po akong malaman na half sister ko rin si Ella. at hindi na po ako makapaghintay na mayakap siya at siyempre si Shonda Lei din." Sambit ko

" Mamaya ate, mayayakap mo sila." Sambit ni Gabb at hinalikan ang noo ko. 

Masakit malaman na hindi pala ako totoong anak ni Mama, pero ayos na rin sa akin kasi kahit papano kapatid ko pa rin si Gabb at may nadagdag pang dalawa. Thankful pa rin naman ako kay Mama kasi minahal at tinuring niya pa rin akong tunay niyang anak. 


Continue Reading

You'll Also Like

56.1K 2.4K 53
Love... For Jane, someone who wants to escape the unfortunate life of being poor, this concept is just illusion. "Hindi ako mapapakain ng pag-ibig...
1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
1.7K 204 27
Isang dalagang nagsusumikap na makakuha ng atensyon ng pinuno ng mafia, at inosenteng inaakit ito. Nakakamit niya ang kanyang mga nais dahil walang...