Hiraya (✔️)

By JacklessRose

52K 2.4K 316

Sa hindi inaasahang pagkakataon, kinailangang lumayo ni Hiraya sa kanilang lugar upang maging ligtas mula sa... More

Mabuhay!
Prologo
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Epilogo
Maharlika
ANNOUNCEMENT
Ang Katuparan ng Pangako
Tinatangi

Kabanata XLVII

537 29 9
By JacklessRose

"Iyong nasa gitna ang sakayan ng kanilang Kapitan. Mababaw ang tubig ngayon kaya makakaya lamang nating marating ang barkong iyon. May dalawang bantay lamang sa harap, kaya sa likuran tayo dadaan," paliwanag ni Su-il, na isa sa kasama namin.

"Papaano tayo aakyat sa likuran? Nakatitiyak ka bang makakadaan tayo roon?" usisang tanong ni Bisdak.

Nanatiling nakalibot ang aking mga braso sa katawan ni Carpio habang pangko ako nito sa kanyang bisig. Alam kong nahihirapan na ito ngayon ngunit wala akong narinig na reklamo sa kanya. Kung makakaya ko lamang sanang maglakad. Ngunit sabi ni Manang na kung maaari ay kailangan kong mag-ingat at iwasang mapagod dahil baka muli akong duguin.

"Sumisid ako kanina, may maliit na pintuan doon at mayroon ding hagdanan na maaari nating gamitin upang makaakyat. Sa palagay ko'y ang daan na iyon ay patungo sa imbakan ng mga baon nilang pagkain at kagamitan," sagot muli ni Su-il.

Nagtatago kami ngayon sa isang malaking punong-kahoy. Mayayabong rin ang mga damo kaya natatabunan kami nito. Napatingin ako kung saan silang lahat nakatitig. Sa 'di kalayuan, natanaw ko ang tatlong malalaking barko na may matataas at malalapad na layag.

"Mayroong malapad na kawayang bangka sa dalampasigan. Sira na iyon ngunit nakatitiyak akong makakaya pa nitong mabuhat ang isang tao lang. Si Hiraya ang ating ilalagay roon hanggang sa marating natin ang barko," ani Arigomon.

"Sige na. Humayo na kayo. Ako na ang bahala sa dalawang kastilang bantay," sambat ni Manang, na naging hudyat upang kami ay kumilos na.

"Maraming salamat po, Manang," pasalamat ko. Ngumiti lang ito sa akin at tumango.

Mabilis na umalis si Manang at nagtungo doon sa dulo ng dalampasigan kung nasaan ang dalawang kastila. At dahil hindi sila makaintindi ng aming lenggwahe, nagsagawa na lamang siya ng isang ritwal malapit sa kanila. Mukhang naagaw naman nito ang pansin ng dalawang kawal kaya lumapit sila kay Manang at pinanood ang matanda.

Nang makitang nakatalikod na ang mga iyon sa amin, mabilis kaming tumakbo palapit sa kawayang bangka na sinasabi ni Bisdak. Maingat akong inilapag doon ni Carpio. Mababa lang pala talaga ang tubig ngayon kaya mabilis lang naming narating ang barko.

"Mauuna akong aakyat upang tignan ang paligid," ani Su-il at agad nang umakyat sa nakakabit na hagdan sa likuran ng barko.

Nang marating at matignan ni Su-il ang loob, agad niya kaming sinenyasan na maaari na kaming sumunod. Naunang umakyat si Bisdak at Arigomon. Tinulungan pa nina Bisdak at Su-il si Rigo dahil may sugat ito sa binti.

"Mauna ka, Hiraya. Ako ang aalalay sa iyo rito sa ibaba," tugon ni Carpio.

Tumayo ako at dahan-dahang umakyat doon. Hawak-hawak ni Carpio ang aking bewang habang itinutulak ako paitaas. Inilahad ni Bisdak ang kanyang kamay kaya agad ko itong inabot, hanggang sa makapasok na rin ako sa barko. Sumunod din naman kaagad si Carpio sa pag-akyat.

"Nasa ilalim tayo ng sasakyang ito. Dito nakalagay ang kanilang kagamitan. Kinakailangan nating makaalis dito pagkadaong na pagkadaong agad, baka tayo'y maabutan ng kanilang mandirigma," ani Bisdak.

Humarap sa akin si Carpio at yumuko upang ipangko ako ulit ngunit mabilis akong umilag.

"Kaya ko na, Carpio. Kanina mo pa ako binubuhat. Alam kong pagod ka na," tutol ko sa kanya.

"Hiraya, kahit kailan hinding-hindi ako mapapagod sa'yo. Inaalala ko lamang ang kalagayan mo," sagot niya.

"Carpio," tawag ni Arigomon sa kanya kaya agad nawala sa akin ang mga mata niya.

Iniwan ko muna sila roon at naglakad palibot sa paligid. Lubhang kakaiba ang kanilang mga kagamitan. Mukhang matitibay at malalakas. Marahil makapangyarihan din ang kanilang hari sa lugar na kanilang pinanggalingan?

Sa dulong bahagi ng silid, mayroong isang bilog na durungawan kung saan makikita ang tanawin sa labas. Lumapit ako roon at bahagyang sumilip. Madilim ang paligid at halos wala akong maaninag na kahit anong bagay, maliban sa buwan.

Naiisip ko ang kalagayan ng anak ko ngayon. Kung maayos lang ba siya kasama nina Rosa. Kung nagugutom ba siya. Kung napapatulog ba siya ni Rosa. Sana pagkatapos ng gulong ito ay maibalik na lahat sa dati.

Napayakap ako sa aking sarili nang tumama sa akin ang malamig na hangin mula sa labas. Nang sandaling humaplos ang aking kamay sa aking balikat ay muli kong naalala ang ginawa ni Atan.

Muli akong napaiyak nang maalala ang kawalang-hiya niyang ginawa. Napasandal ako sa isang kahon at itinuko ang aking baba sa aking tuhod habang yakap pa rin ang aking sarili, at lumuluha.

Pilit kong pinigilan ang pag-iyak ko nang maramdaman si Carpio na lumalapit sa akin. Mabilis niya akong inabot at niyakap. Hindi ko mawari kung bakit binabagabag ako ng aking budhi. Marahil ay dahil sa katotohanang nagawa akong hawakan ng ibang lalaki.

"M-Marumi na ako, C-Carpio. Huwag mo na akong hahawakan..." pag-iyak ko sa kanyang dibdib habang nakayakap pa rin sa aking sarili.

"Hindi ganyan ka babaw ang pagmamahal ko sa'yo, Hiraya, upang layuan ka na lamang dahil lang sa ika'y nahawakan na ng ibang lalaki," ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang boses. "Hinayaan mo lamang iyong mangyari nang dahil sa akin. Kaya ako nagagalit sa aking sarili."

"Paki-usap, tahan na. Kumikirot ang aking dibdib sa tuwing naririnig ang iyong pagtangis," nasasaktan niyang saad.


Marahan niya akong kinalas at iniharap sa kanya. Pinunasan niyang muli ang aking mga luha bago siniil ang aking labi ng halik. Napapikit ako at malayang tinanggap ang pag angkin niya sa bawat sulok ng aking labi. Humilig akong muli sa mga kahon nang mas lumalapit siya sa akin, dahilan upang mas dumiin ang aming halikan. Para bang ipinapabatid ng kanyang halik kung gaano niya ako ka mahal at pinapahalagahan.

Napatigil lang kaming dalawa at mabilis kong inilayo ang aking mukha sa kanya nang biglang sumulpot si Bisdak sa aming harapan.

"Ay, hala," nahihiyang bungad ni Bisdak.

Hindi ako maka-angat ng tingin sa kanya dahil sa hiya! Tiyak akong nakita niya ang aming ginawa! Napasulyap lang ako sandali kay Carpio at nakita ang inis sa kanyang mukha habang nakatingin kay Bisdak.

"Huwag na kayong mahiya! Pangako, magkukunwari ako na wala akong nakita!" aniya pa.

"Anong kailangan mo, Bisdak?" tanong ni Carpio habang nakatagpo ang kilay.

"Pinapatanong lang ni Su-il kung nagugutom na raw kayo. Balak naming manguha ng pagkain sa mga dayuhan," sagot ni Bisdak.

"Busog pa ako," maikli niyang sagot. "Hiraya, nagugutom ka ba?" pagbaling niya naman sa akin.

Umiling lang ako at ibinaba ulit ang tingin.

"Mukha nga namang busog talaga kayong dalawa," natatawang wika ni Bisdak. "O sha, aalis na ako ulit. Ipagpatuloy niyo na ang ginagawa ninyo. Nawa'y masiyahan at mabusog pa kayo. Paalam!"

Napapikit lamang sa inis si Carpio at tinapunan ng isang maliit na sanga si Bisdak kaya mas lalo itong napatawa.


"Kaya pala sabi mo kanina na walang papasok sa bahaging ito, ha! Patawad kaibigan at hindi ko agad nakuha ang iyong tinuran," ngisi niyang saad bago tuluyang maglakad paalis.Bahagya pa itong napatakbo nang tumayo si Carpio at umaktong babatukan ito.

"Huwag mo nang isipin ang unggoy na iyon. Hindi iyon magsasalita," mahinang sabi ni Carpio nang bumalik ito sa tabi ko.

"Psst!" Nagulat ulit kami nang lumitaw ang ulo ni Bisdak sa ibabaw ng kahon.

"Mahal ko kayong dalawa kaya ako ang magbabantay sa labas. Huwag lang kayong masyadong maingay baka marinig kayo ng iba. Kung balak ninyong gawin ang nasa aking isipan ngayon, takpan niyo lang bibig ninyo, ha," aniya

.

"Naiinis na ako sa'yo, Matsing! Umalis ka nga!" pagtaboy pa ni Carpio sa kanya.

Napatawa lang ulit ito at tuluyan nang umalis.

"Su-il! Rigo! Walang maaaring pumasok sa dulong bahagi! Utos iyon ng ating magiting na mangangaso, kung ayaw ninyong gawin niya kayong pa-ing sa bitag," rinig naming saad ni Bisdak sa 'di kalayuan.

Itinikom ko ang aking bibig dahil sa nagbabadyang halakhak. Agad napatingin si Carpio sa akin at napangiti.

"Hindi mo alam kung gaano ako nangulila sa iyong ngiti at pagtawa, Hiraya. Ang unggoy na iyon lang pala ang muling magpapalabas niyan?" aniya.

"Marahil ay siya nga lang, Carpio. Siya lang naman ang mukhang matsing rito, e," pagbibiro ko na naging dahilan upang muli ko ring masilayan ang kanyang ngiti.

Ngiting muling nagpawindang sa mga paru-paro sa aking sikmura. Ngiting nagpapabilis ng tibok sa aking puso. Ngiting siyang nais kong masilayan hanggang sa huli.

"Saan na nga ba ako bago dumating si Bisdak?" muling pag-iiba niya na agad nagpapawi sa aking ngiti.

Muli niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa maramdaman ko ang kanyang mainit na hininga dahil sa pagkakasandal ng aming noo sa isa't isa.

"Carpio—"

"Kung iyong pahihintulutan, binibini. Nais ko sanang alisin ang maruming bakas ni Atan sa iyo," putol niya sa akin.

Napahinga ako ng malalim. Wala akong ibang naging sagot kundi isang tango lamang.

Ilang sandali munang nanatili ang kanyang mga titig sa aking mga mata, hanggang sa bumaba ito sa aking ilong at huminto sa aking labi. Marahan niya pa itong hinaplos gamit ang kanyang hinlalaki, bago ito muling inangkin ng kanyang labi. Napapikit ako at agad sinuklian ang mapusok niyang halik. Mainit iyon at puno ng pananabik.

Sa gitna ng aming halikan ay muling pumasok sa aking alaala ang una naming pagkikita, kung saan ako'y nahulog sa kanyang bitag. Ang unang beses kong makita ang pagngiti niya. Ang araw kung kailan nalaman ko ang pagtingin niya sa akin. Ang araw kung kailan ko sinabi na iniibig ko rin siya. Ang panahon kung kailan kami naging isa. At lahat ng alaala ko kasama siya.

Hindi ko mapigilang mapaluha nang dumalaw din sa akin ang mga nakita ko. Parang isang tusok sa dibdib sa tuwing iniisip kong baka ito na ang huli. Na baka pagkatapos nito'y wala nang susunod. Na paglabas namin sa barkong ito ay mangyayari na ang mga nakita ko, ang mahiwalay ako sa kanya habambuhay.

Ramdam ko ang pagdaloy ng isang luha sa gilid ng aking mata habang lumalalim ang aming halikan. Napa-awang ang aking bibig nang iniwan niya ang aking labi at lumipat sa aking panga, pababa sa aking leeg, kung saan may bakas si Atan.

Napahawak ako ng mahigpit sa kanyang batok nang mas bumaba pa ang kanyang labi sa aking balikat, bago muling bumalik muli sa aking leeg.


Lahat ng dinaanan ni Atan kanina ay pinalitan niya ng kanya. Ramdam ko sa bawat halik niya ang kanyang hangarin na mapawi ang alaalang iyon sa akin. Alam kong nais niyang ang tanging maalala ko ay ang ginagawa niya ngayon.

Nagising ako na inuunan ko na ang bisig ni Carpio. Ang paggalaw ng sinasakyan namin ay siyang nagpagising naman sa kanya. Tila ba may mga naglalakad na sa itaas dahil sa ingay at tawanan mula roon.

Tumingala ako kay Carpio at naabutang nakatitig na ito sa akin, habang marahang hinahaplos ang aking buhok.

"May mga sumakay na," saad ko. Tumango lamang siya.

"Sina Bisdak? Baka makita sila roon," pag-aalala kong tugon.

"Huwag kang mag-alala, nagtatago na sila sa kabilang sulok."

Napahinga na lamang ako ng malalim at muling inihilig ang aking ulo sa kanyang dibdib. Kahit papaano'y nagawa nitong alisin ang takot sa loob ko.

"Alam na ba ni Haring Luisong ang mga nangyayari dito sa Sugbu?" tanong kong muli.

"Ang sabi ni Bisdak ay nagpadala na raw ng liham si Rajah Lapulapu sa Bahay-hari. Ngunit sa kasamaang palad ay muling napabalik ang mga manlalayag dahil sa sama ng panahon sa gitna ng karagatan. Mapanganib kung tatawid pa sila at manatili sa laot ng ilang araw. Kaya nag pasiya si Rajah Lapulapu na maghanda at labanan ang mananakop sa abot ng makakaya, kahit wala ang malalakas na mandirigma mula sa Karilaya," paliwanag ni Carpio.

Kung ganoon, walang kamalay-malay ang hari sa pakay ng mga dayuhan na sakupin ang aming lugar?

"Ako nga'y nababahala sapagkat hindi ganoon ka makapangyarihan ang ating kaharian kung ikukumpara sa mga dayuhan. Ang sabi nila'y ang kaharian ng Espanya raw ay isa sa mga umuusbong na kaharian ngayon gaya lamang sa kaharian na mayroon ang mga taga kanluran," dagdag pa ni Carpio.

"Minsan sa isang laban, wala sa kapangyarihan ng kaharian nakasalalay ang tagumpay. Minsan ay nasa mga taong nakikibaka upang masugpo ang kalaban. Sa bawat digmaan, kahit anong lakas ng sandata ng kabilang panig, kahit anong tulis ng kanilang kampilan, kung ang mga puso ninyo ay tapat sa inyong pinaglalaban, tiyak na makakamit ninyo ang tagumpay," saad ko.\

Napadungaw agad si Carpio sa akin. Umalis ako sa pagkakahiga at umayos sa pagkaka-upo, habang tinitignan siya.

"At nakikita ko iyon sa inyo, Carpio. Nakikita ko sa inyo ang masiglang hangarin na masugpo ang mga mananakop. Lalo na kay Rajah Lapulapu. Tunay ngang tayo ay nagiging matapang kapag kalayaan na natin ang niyuyurakan."

Napangiti siya sa sinabi ko at mawiling hinaplos ang tungki ng aking ilong.

"Ang lalim ng iyong mga salita ngayon, ah," aniya at binuksan ang kanyang mga bisig upang anyayahan ako pabalik sa pagkakayakap sa kanya. "Lapit ka nga rito. Baka makita ka riyan."

Agad ko namang sinunod ang kanyang sinabi. Bumalik ako sa kanyang tabi at humimlay sa kanyang dibdib. Naramdaman ko pa ang kanyang labi sa ibabaw ng aking ulo.

"Carpio, may nais akong sabihin sa iyo..."

Humugot ako ng malalim na hininga bago muling tumingin sa kanyang mata.

"Ano iyon?"

"Kung ano man ang mangyari sa akin pagkababa natin sa barkong ito, ipangako mong aalagan mo si Amaya. Nais kong makilala niya pa rin ako bilang kanyang ina kahit hindi ko na masisilayan pa ang kanyang paglaki," nanubig ang aking mata dahil sa luha.

Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Carpio dahil sa pagtataka.

"Alam kong magtatagumpay kayo sa digmaang ito. Ngunit hindi ko alam kung maaabutan ko pa i-yon..."

"Bakit ganyan ka magsalita? Bakit mo iyan sinasabi?" puno ng pagtataka niyang tanong.

Napawi ang kunot sa kanyang noo habang nanatiling tahimik at nakatingin sa akin.

Napahigpit ang yakap ko sa kanya nang biglang bumukas ang pintuan ng pinagtataguan naming silid. Mabilis niya akong ikinulong sa kanyang katawan upang magtago.

"¿Dònde colocò la espada? (Where did he place the sword?)," rinig naming saad ng kakapasok lang na kastila.

Hindi namin maunawaan ang kanilang pananalita kaya hindi namin alam kung ano ang kanilang pinag-uusapan.

"Estoy seguro de que está en algún lugar dentro de esas cajas (I'm sure it's somewhere within those boxes)."

"Ve a comprobar allí. Comprobaré a los demás (Go check there. I will check the others.)"

Para nang lalabas sa katawan ko ang aking puso dahil sa matinding kaba. Narinig namin ang papalapit na yapak ng isang kastila sa aming kinaroroonan. Inisa-isa niyang binuksan ang ibang kahon sa aming unahan.

Naramdaman kong mas humigpit pa ang yakap ni Carpio sa akin. Ramdam kong kabado rin ito ngayon. Sa oras na umabot ang kastilang iyon sa kahon na siyang pinakamalapit sa pinagtataguan namin, tiyak na mahuhuli kami.

Dahan-dahang inabot ni Carpio ang sibat sa kanyang tabi. Hinawakan niya ito ng mahigpit at hinihintay na lamang ang paglapit ng kastilang kawal sa aming pinagtataguan.

Napakalapit na nga kastila sa amin. Isang kahon nalang ay makikita na niya kami. Napapikit ako sa takot at sinubsob ang mukha sa dibdib ni Carpio.

"¡Es aquí! ¡Lo encontré! (It is here! I found it!)" sigaw ng kastila sa kabila.

Napahinga ako ng maluwag nang makitang naglakad na palayo iyong kastila. Ilang buntong hininga rin ang pinakawalan ni Carpio. Muli niyang binitiwan ang sibat at hinalikan ang aking noo. Narinig namin ang pagsarado ng pinto bago kami sumilip kina Bisdak.

"Dito ka lang. Titignan ko lang sina Bisdak," saad ni Carpio at agad akong tumango.

Bumalik ako roon sa bilog na durungawan upang tignan ang nangyayari sa labas. Wala na akong ibang matanaw pa kundi ang nagliliwanag na tubig dahil sa buwan. Kanina pa pala kami nakaalis mula sa barangay nina Atan.

Napatingala ako sa itaas nang marinig ang usapan ng mga tao roon. May mahaba at makipot na butas ng sahig kaya mas nagiging malinaw ngayon ang kanilang mga tinig.

"Kaibigan, maaari mo bang sabihin sa inyong Kapitan kung ano ang kanyang plano pagkadaong natin sa kabilang isla?"

Kilala ko ang tinig na iyon. Kay Datu Zula iyon.

"Capitán, Datu Zula pregunta cuáles son sus planes cuando lleguemos a la otra isla," rinig kong sagot naman ng isang kasama nila.

Sa tingin ko'y tagasalin siya ng mga wika. Kaya naging madali lamang din sa kanila na magkaunawaan dahil may tulay pala upang sila'y magkaintindihan.

"Dividiremos a las tropas en dos grupos. uno irá por la parte de atrás para enviar fuego a sus casas. mientras que otros lucharán contra las tropas nativas," sagot ng kanilang Kapitan.

"Hahatiin natin ang mga kawal sa dalawang pangkat. Ang isa ay siyang iikot sa likuran para sunugin ang mga kabahayan. Ang isa naman ay siyang makikipaglaban sa mga katutubong kalaban," sagot ng tagasalin.

Nasapo ko ang aking bibig dahil sa nalaman. Nabalot akong muli ng matinding kaba. Nangangamba ako para sa mga ka-barangay namin. Nag-aalala ako lalo pa't nandoon ang aking anak at sina Rosa!

"Paano naman kami? Ano ang aming maitutulong upang matalo si Rajah Lapulapu?" tanong ulit ni Datu Zula.

"¿Cómo podemos ayudar a derrotar a Lapulapu?"

"Solo te quedarás en este barco. Quiero que vean cómo podemos vencer a Lapulapu. ¡Mira cómo se los entrego al Rey de España!" sagot ng Kapitan. May bakas pa ng galit sa kanyang boses.

"Kayo ay mananatili lamang raw sa barkong ito. Nais niyang pagmasdan ninyo kung paano nila tatalunin sina Lapulapu. Nais niyang kilalanin ng mga ito ang Hari ng Espanya," sagot ng tagasalin.

"Paano ang aming hari?" tanong ng datu.

Sumilip ako at nakitang ibinulong iyon ng tagasalin sa kanilang kapitan.

"No te preocupes Él seguirá siendo tu rey. Solo queremos que su reino y el reino de España estén en contacto. Pero somos los únicos que sabemos que estas pequeñas islas son un reino. Ciertamente no se puede escribir en la historia porque nuestro erudito y escritor no lo sabe," nakangiting sagot ng Kapitan.

"Huwag kayong mag-alala. Nais lamang naming makipag-ugnayan sa inyong kaharian. Ang inyong hari ay mananatiling inyo. Ngunit walang ibang nakakaalam na ang watak-watak na mga pulong ito ay isa palang kaharian, maliban sa atin. Maging ang aming mananalaysay at manunulat ay wala ring alam," pagsalin pa ng kanilang kasama.

Hindi ba pinaalam ng ibang datu na nasa isang kaharian sila, maliban sa kanilang kapitan at tagasalin ng wika? Kung ganoon, kapag maglalathala ang kanilang mananalaysay ay tiyak hindi malalaman ng karamihan na mayroong kaharian ng Maharlika!

Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata at nagbabakasakaling may makikita akong pangyayari. Naka-ilang pikit at dilat na ako ngunit wala pa rin akong makita!

Kung kailan nais kong makita ang mangyayari sa hinaharap ay saka pa hindi gumagana ang aking kakayahan!

"Hiraya," tawag sa akin ni Carpio mula sa likuran. "Kailangan na nating lumikas. Malapit nang dumaong ang barko sa ating barangay," dagdag niya na agad nagpakaba sa akin.

Lumapit na agad ako sa kanya at sabay naming tinalikuran ang durungawan. Hindi pa man namin nararating ang kinaroroonan nina Bisdak, malakas na gumalaw ang barko na para bang may nabunggo ito, dahilan upang matumba ang ilang kagamitan at muntikan na kaming madaganan ng ibang naglalakihang kahon.

Mabilis nailibot ni Carpio ang kanyang bisig sa aking bewang kaya napigilan nito ang pagkatumba ko. Kapwa namin inilibot ang paningin sa paligid.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Pinuno! Masyadong mababa ang tubig upang marating natin ang dalampasigan sa malapitan. Maraming malalaking bahura sa ilalim ng tubig kaya malabong makadaan ang ating sinasakyan," sigaw na tugon ng isang kawal mula sa itaas.

"¡Prepara las tropas! ¡Podemos llegar a la orilla si caminamos por las aguas poco profundas! (Prepare the troops! We can reach the shore if we will go through the shallow water!)" rinig naming sigaw ng kanilang Kapitan.

"Carpio! Hiraya! Tayo na't umalis dito!" pabulong na tawag sa amin ni Bisdak na ngayon ay nasa bingit na ng pintuan.


Mahigpit na hinawakan ni Carpio ang aking kamay. Ngunit bago niya pa man ako mahila paalis, agad ko siyang pinigilan.

"Carpio... Ang hiling ko kanina. Nais kong ipangako mo..." pagpapaalala ko sa kanya. Muli siyang lumapit sa akin at marahang inangat ang aking mukha upang tignan ko ang kanyang mga mata.

"Hindi," aniya sa tamak na boses, "Hindi mangyayari iyon, Hiraya. Hindi ako papayag," saad niya kasabay ng isang luhang kumislap sa kanyang mga mata.

"Kung kinakailangan kong kalabanin ang nakatakda ay gagawin ko. Hindi ka mawawala, mahal ko. Iyan ang pangako ko."


*********************************************

A/N: Malapit nang matapos ang kwento nina Hiraya at Carpio. Mukhang kailangan ko na namang ihanda ang puso ko nito hahaha!

Next up, the legendary battle! See you next chapter!

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 89.9K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
55K 2.3K 52
Highest Rank: 112 IN FANFICTION It is the truth. That I want you to know It is the truth That I want you to...
1.4K 91 7
A story tribute to the Bagobo Society located in the philippines. Mahomanay is a fairy-like mythical creature that changes into their ugly form befor...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.5M 293K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...