Libulan

By byuntaeism

598 24 4

SidapaxLibulan More

⚫ d i s c l a i m e r ⚫
⚫ i n t r o ⚫
i

ii

98 9 3
By byuntaeism

[unedited]
Please do highlight yung mga wrong grammar po. Salamat!

ווו

"Mag papalit lang po ako ng damit  saglit" paalam ko

"Oh sige apo bilisan mo at nakahanda na ang hapunan natin"

Tango lamang ang sagot ko at pumamhik na patungo sa aking kwarto

Hanggang ngayon di pa rin ako sigurado kung ano yung mga narinig kong mga ingay sa likod ng bahay kanina.

Nag punas ako ng pawis at nag palit ng damit, at pagka tapos ay bumaba ako ng lamesa.

Agad ako lumabas ng kwarto pagkatapos mag palit ng damit at dumiretso sa hapag kainan.

"Nanay Laura sila mama at lola po?"

Magalang ma tanong ko kay nanay Laura ang mayordoma sa bahay ni Lola

"Ay nasa kwarto at may pinag uusapan sila ng mama mo. Mabuti pa at katukin mo na sila, para maka pag hapunan na tayo"

Agad ko naman sinunod ang utos ni nanay Laura, kaya nilisan ko ang lamesa at pumanhik paakyat sa pangalawang palapag ng bahay at dumiretso sa kwarto ni Lola.

Kahit may 2 metro ang layo ko mula sa pintuan ng kwarto ni Lola, dinig ko ang boses nilang dalawa ni mama. Tila may importante silang pinag uusapan.

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan. At mabuti nalang medyo naka awang ito at naging klaro sa akin ang mga boses nila.

Tanaw din mula sa aking pwesto ang kanilang ginagawa. Nakaupo si Lola sa kama nito habang si mama ay tinutupi ang naka kalat na damit ni Lola.

"Linda alam kong hindi na ako mag tatagal pa. Nararamdaman ko na iyon"

Agad akong napasinghap dahil sa narinig.

Bakit ganun nalang kung mag salita si Lola, malakas pa naman siya kung titingnan. Wala naman siyang sinabi sa amin na may sakit ito.

"Mama naman, alam niyo naman na ayoko yung parati niyo yan sinasabi"

Bakas sa boses ni mama ang lungkot dahil sa sinabi ni Lola

"Gusto ko sana kausapin si Neo tungkol sa kasunduan ng lahi at angkan natin kay diyosang Libulan"

Nanigas ako sa puwesto ko. Anong diyosa? Anong kasunduan? Ano ba ang pinag uusapan nila.

"Mama sigurado ba kayo na si Neo nga talaga ang nasa kasunduan?"

"Oo naman nakita mo naman ang marka sa katawan niya hindi ba? Bakit nag dududa ka pa ba?"

Anong ako ang nasa kasunduan? Kanino naki pag sundo? Hindi ko naiintindihan.

At bakit nabanggit ang mga birthmark ko dito? Alam ko naman na medyo kakaiba nga ang mga marka ko sa katawan.

"Neo? Anong ginagawa mo diyan?"

Nagulat ako dahil sa boses na iyon. Agad akong humarap sa pinag mulan ng boses.

"Nanay Laura kayo pala"

Ang kina-kabahang wika ko

"Nasan na sila? Lumalamig na ang pagkain sa baba. Bilisan niyo na"

Sasagot pa sana ako pero bumukas na ang pinto ng kwarto ni Lola at lumabas si mama kasama si Lola.

"Kakain na ba?"

Pormal na wika ni Lola sabay ngiti sa akin.

Agad naman akong tumango at nauna na bumaba at pumunta sa hapag kainan.

Tahimik kong tinahak ang daan pabalik sa hapag kainan. Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng mga pinag uusapan nila lola at mama.

Tungkol ba ito sa akin? May kinalaman ba ang marka na nasa katawan ko?

"Neo ayaw mo ba sa ulam? Bakit di mo ginagalaw ang pagkain mo?"

Napaangat ako ng tingin at diretso ang mata na tiningnan si lola.

"Hindi naman po, may iniisip lang pp ako" magalang na sagot ko

"Kumain ka muna at ng makapag isip ka ng matino sa kung anuman ang iyong iniisip ngayon"

Agad kong sinunod ang sinabi ng lola. Tama, kakausapin ko nalang ang lola pagkatapos ng hapunan. Kailangan kong maliwanagan tungkol sa mga narinig ko kanina.

Matapos ng hapunan tinulungan ko ang mga kasambahay at nanay Laura para mag ligpit ng pinag kainan.

"Naku Neo, mag pahinga ka nalang sa taas. Kami na ang bahala dito sa hapag" wika ni nanay Laura

"Ganun po ba? Sige akyat na po ako" paalam ko sa kanila at tinakbo ang hagdan paakyat.

Pero hindi ako tumuloy sa kwarto ko, tahimik kong binaybay ang pasilyo na papunta sa kwarto ng lola.

Dahan-dahan kong kinatok ang pinto ng kwarto ng lola.

Ilang saglit pa ay narinig ko ang tinig ng lola mula sa likod ng pintuan na nag sasabing tumuloy na ako sa loob.

"Neo, may problema ba?" takang tanong ni lola

"Wala naman po, may gusto lang po akong itanong" kinakabahang sagot

"Tungkol saan ba apo?"

Kahit kinakabahan, gusto ko malaman yung totoo tungkol sa usapan nila kanina.

"Narinig ko po yung usapan niyo ni mama kanina"

Bahagya pang nagulat si lola matapos ko banggitin ang mga sinabi ko.

Pinag-pag ni lola ang espasyo sa tabi niya na tila bang nag sasabi na umupo ako doon.

Tahimik kong nilakad ang pagitan namin ni lola at tahimik akong umupo sa lugar na kung saan niya ako nais umupo.

"Makinig kang mabuti Neomea, gusto kong malaman mo ang totoong sikreto ng ating pamilya. Pero nasasaiyo kung maniniwala ko o hindi"

Nagbigay ng ibang pakiramdam sa akin ang mga binigkas ni lola. Tila bang nais niyang sabihin na kahit hindi kapani-paniwala ang mga susunod niyang sasabihin, totoo itong nangyare.

Tahimik akong nakinig at tila nakuha ni lola ang nais kong ipabatid na handa akong makinig sa kung ano man ang gusto niyang isiwalat ngayong gabi.

"Neomea, alam mo ba ang ibig sabihin ng pangalan mo ay buwan?"

Napatingin ako kay lola na ngayon ay hinahaplos ang aking buhok. Ngayon ko pa lang narinig ang ibig sabihin ng pangalan ko.

"Noong unang panahon, masaya pang naninirahan ang mga diyos at diyosa kasama ng mga tao sa lupa. May isang diyos na nag nga-ngalang Libulan na isang napakagandang diyos ng buwan. Lahat ng nilalang, buhay man o patay ay sinasamba ang kaniyang nakakahalinang kagandahan. Isa na rito ang diyos ng kamatayan na si Sidapa"

Kahit maka-ilang ulit na ito i-kwento sa akin ni lola. Kakaibang pakiramdam parin ang nararamdaman ko na para bang nandoon ako noong mga panahong iyon.

Dahil sa hindi ako nag sasalita, ipinag patuloy ni lola ang pag ku-kwento.

"Dahil nga sila ay nag mamahalan, nagalit ang amang diyos ni Libulan na si Kaptan. Dahil sa galit binura ni Kaptan ang alaala ni Sidapa patungkol sa kaniyang anak na si Libulan. at dahil nga nawala ang ala-ala ni Sidapa, nakalimutan niya si Libulan kung kaya dahil sa labis na hinagpis ni Libulan, iniwan niya ang kaniyang mga kapatid at ang kaniyang tirahan. Mula sa langit nanaog siya sa lupa"

Kakaibang kwento, ngayon ko pa lamang ito narinig. Kahit gusto ko mag tanong kay lola, itinikom ko muna ang aking bibig dahil alam kong sasagutin niya rin ito maya.

"Pero bago tuluyang mawala si Libulan, ang ating mga ninuno ang huling nakausap ng diyos ng buwan. At mula dito ibinilin niya ang mga katagang ito...

Sa oras na mawawala ang buwan sa langit
Panandaliang mawawalan ng liwanag sa dilim
Ala-alang nawala ay muling magbabalik
At muling magkikita kung saan nag umpisa ang lahat.

At bilang kapalit sa pagtulong sa diyos, sa lahi natin muli masisilang ang susunod na Libulan. At alam kong ikaw iyon Neomea. Ikaw si Libulan"

ווו

[Author's Note:]

Tungkol po sa version ko ng story ni Sidapa and Libulan, gawa-gawa ko lang po ito.

Yung kwento ng lola ni Neo, sa akin po iyon na version ng love story nila.

Continue Reading

You'll Also Like

20.8M 763K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
392K 28.5K 45
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
4.1M 192K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...