Our Not So Romantic Love Story

By AmafreeElf

13 0 0

She don't believe in true love, she hate romantic movies, she believe happy ending is just a fairytale, in sh... More

Author's Note

Kabanata I

10 0 0
By AmafreeElf


Allana

Pag-ibig, pakikipagrelasyon at pagpapakasal, mga bagay na kailan man ay hindi ko balak pasukin balang araw.

Sapat na para sa akin ang pamilya ko, kasi naniniwala ako na sa kanila ko lang makukuha ang tunay na pagmamahal na walang sinuman ang makakapantay. Sakit lang yan sa ulo at sa puso, ayoko kong maagang mamatay no.

OA na kug OA, pero totoo naman eh, nakamamatay naman talaga ang pag-ibig, hindi literal na babawian ka ng buhay pero, maaari kang maubos ng dahil sa pag-ibig.

Hindi mo mapipigilan ang sarili mo na ibigay ang lahat lahat, kaya pag nasaktan ka, walang matitira sayo,mahihirapan kang ibalik ang mga nawala,mawawalan ka ng ganang mabuhay dahil makakalimutan mo ang tunay na saysay kung bakit ka andito sa mundo.

At isa pa ayokong matulad sa dalawa kong kaibigan na lango sa pag-ibig.

Sabihin mo nga sakin allie, ano bang dapat kung gawin? Mahal ko siya, pero hindi ko nararamdaman na ganon din siya sa akin. Sambit ni Crystie, isa sa mga malapit kong kaibigan. Sa tono ng kanyang pagsasalita ay halatang hirap na hirap na siya sa kanyang dinadala.

Breakup with him. Walang emosyon kong tugon sa kanya.

Ano? break agad? pano kung mahal naman pala talaga siya ni Ed at hindi lang sila nagkaintindihan. Sabat naman ni Chiyha.

Nasa field kaming tatlo ngayon, parehong vacant hour namin kaya nagpasya kami na tumambay muna dito para mag kwentuhan, at ito nga, napunta na ang topic namin sa bagay na wala akong kainte-interes.

Chie, kung talagang mahal siya ni Ed, edi sana nararamdaman niya yon.Eh kay Crystie na mismo nanggaling, hindi niya feel na mahal siya nito. Mahinahon kung sagot kay Chiyha.


Sabi niya mahal naman daw niya ako, may pag-aalinlangan, pero naniniwala ako sa kanya. Ani Crystie

Oh, sinabi naman pala niyang mahal ka niya eh, yon ang importante. Chiyha

Pwedi ba pakinggan niyo akong dalawa, ang love feelings yan, nararamdaman hindi naririnig. Hindi porket sinabi niyang mahal ka niya eh mahal ka talaga niya. Hindi nararamdaman ang salita, papasok at lalabas lang ito sa magkabilang tenga, pero pag pinaramdam niya sayong mahal ka niya, di mo na kailangan ng salita kasi magegets mo yon agad-agad. Naiintindihan niyo ba ako? Mahaba kong paliwanag.

Sabay naman silang tumango bilang tugon sa akin.

Good!Pero Cryst, seryuso, nasa sayo ang desisyon kung kakapit kapa ba o bibitaw na. Buhay moyan, sarili mo ang dapat mong sundin at paniwalaan para sa huli, wala kang masisi at pagsisihan. Dagdag ko.

Thanks Allie. Sambit niya kasabay ng isang yakap.

Ahhhhhh! Hiyaw ni Chiyha ng makisali narin sa yakapan. Yong totoo Allie, wala kaba talagang boyfriend? Kung makapag-bigay ka ng advise, daig mo pa ang exsperto ah. Kuntyaw pa niya.

Hell none and never! Sabi ko matapos kumawala sa pagkakayakap nilang dalawa.

Natawa na lamang ang dalawa sa naging reaksiyon ko, they know I would say that. Sa tuwing sinasabihan nila ako na magka-lovelife na o kaya'y magpaligaw na, ito agad ang automatic na reaksiyon ko.

Love and relationship aren't my thing. Gusto kong magfocus sa mga bagay na mas importante, tulad ng pag-aaral at mga goal ko sa buhay. I have no time for it, it's just a waste by the way.

***

1 Message from Benj

Pagbukas ko ng aking cellphone ay agad na bumungad sa akin ang mensahe mula kay Benj, kaklase ko siya at isa sa pinaka-close ko sa section namin. He's an extrovert kind, confident and slightly self concieted.

May itsura si Benj, may
Pagka-pilyo pero gentleman naman. Kaya nga maraming nalolokong babae to eh, napakagaling magpaikot at napakatalentadong mambola. Siguro kung may degree lang sa pambabae, malamang nag-mamasters nato.

Kahit alam kong wala na namang kwenta ang mensahe nito ay binuksan ko parin.

B: Asan ka?

Me: Dorm. What do you want?

B: Nothing, just checking on you😍.

At eto nanaman po siya sa mga pa-heart heart niyang emoji na nakaka-goosebumps.

Me: What do you need?

B:...typing

Alam ko may kailangan to kaya nakapag-chat.Sa maikling panahon na nagkakilala at naging magkaibigan kami ay madali kong nakabisado ang ugali niya.

Malalaman mo pag may kailangan siya kasi, ang sweet sweet na niyan, lahat ng pagpuri alam, gumagamit pa ng joke minsan. Pag normal na araw naman at napasukan ng hangin ang ulo niyan, aysus, di matatahimik ang buhay mo. Lahat ng pangungutiya at pang-aapi ay mararanasan mo. Buti't hindi pa ako na pikon dito, kung saka-sakali man, tadtad ng pasa to araw-araw.

Pero, kahit ganyan yan, isa siya sa pinaka-mabait at totoong kaibigan na nakilala ko. Parang may sayad lang yan, pero nagiging normal na tao din naman paminsan minsan.

B: What do you need agad? Di ba pweding na miss lang kita?😍

Yuccck!

Me: pwedi ba, kung ano man yang kailangan mo, sabihin mo na bago ako mag out dahil sa inis sayo.

B: Sigena² pinipilit mo ako eh.

Honghang talaga.

B: Yong report ko kasi kay mam Castro, hindi ko alam kung pano ko sisimulan, patulong naman oh, ikaw lang naman malalapitan ko pagdating dito eh.

Me: Is that a compliment?

B: Oo naman, ano ba sa tingin mo?

Me: tingin ko sinasaniban kana naman ng espiritu ng katamaran.

B: Hindi ah, gusto ko lang kumonsulta sa expert😍

Me: Expert mo mukha mo!

B: Alam kung guwapo tong mukha ko.

Bagyong Benj,papasok nanaman sa Philippine area of responsiblity.

Me: Ewan ko sayo!

B: tutulongan moko?😍

Me: Pag-iisipan ko.

B: 😭😭

Me: OA

B: tulongan moko please😢.

M: fine!

At nagtagumpay nanaman siya sa kanyang pakay. Ito ang nangyayari sa tuwing humihingi siya ng pabor sa akin, hindi ko magawang humindi. Napakakulit kasi, hindi ka niyan titigilan hanggang sa hindi ka niya mapa-oo. It's his special skill I think, he can convinced someone by his sugar coated words and charm.

Pero hindi ako kasama sa mga someone nayon, wala akong pakialam sa pambobola at charm niya. Na-aanoyed lang ako sa mga pangungulit niya kaya nakukumbinsi niya ako kadalasan.

B: Yays!😍 I love you♥️

Ewwwwws!

Me: Okay good night.

B: Good night, see you tommorow♥️😍.

Nag-seen ako sa mensahe niya ngunit hindi nako nag-reply. Napangiti ako ng maisip ko ang kaabnormalan ni Benj. Lumalabas talaga ang ang pagkababaw ko basta't siya ang kasama o kaya'y kausap ko. Ang dali niya akong mapatawa,siguro dahil ganitong klase talaga siya, ang hilig magpasaya kahit minsan mukhang timang at baliw.

Napakamasayahin niyang tao, ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang malungkot o magalit. Kadalasan kasi'y puro kawalang hiyaan ang ginagawa nito.

Minsan napapaisip ako, pano kaya to pag nalungkot? o kaya'y, ano ang itsura nito pag umiiyak? Ikulong ko kaya to sa isang madilim at nakakatakot na bodega para ma depress ng konti at umiyak? Kaya lang baka maihi naman sa takot, saksakan pa naman kaduwagan ang lalaking iyon,wag nalang kadiri.

Siguro masasasabi natin na kilalang kilala na natin ang isang tao dahil palagi natin siyang nakikita, nakakasama at nakakausap.Pero minsan may mga nakakaligtaan tayong detalye,ito yaong maliliit na parti ng kanilang pagkatao na hindi man gaanong importante, eh isa parin sa mga pagkakakilanlan nila.

Maraming bagay ang gusto kong malaman sa pagkatao ni Benj. Na-kocurious ako kasi isang side na pagkatao niya palang ang nakikilala ko.

Ewan ko pero interesado talaga ako sa honghang na iyon. Pano kaya nabaliw yon? Dahil kaya sa gutom? O kaya'y hangin sa ulo? Malayo namang dahil sa droga kasi hindi naman ito mukhang pariwara. Hyyyyyst! Tama na nga, malalaman ko rin yon soon.











Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 90.3K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
128K 5.9K 44
Rival Series 3 -Completed- Book cover by: Rosehipstea
977K 31K 129
DIM Series #1: IƱigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.