ISLA MUERTA
LUCIO'S PROVERBS
Andito ako sa masukal na kagubatan ng Isla Muerta upang hanapin ang septreng makakatanggal ng sumpa ng brilyante ng anak ni Alena nababagay nga sa islang ito ang kanyang pangalan sapagkat ito ay napakadilim at walang kabuhay-kabuhay sa ilang minutong paglalakad ko ay wala pa akong nararamdaman ng kakaibang enerhiya nang biglang akong nakarinig na may kumaluskos sa aking bandang likuran paglingon ko ay may mabangis ng hayop na biglang umatake sa akin mabuti nalang ay agad akong nakailag ginamit ko naman ang aking sandata upang labanan ito pagkatapos ng ilang sandali ng pakipaglaban ko sa hayop ay napaslang ko rin ito.
Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad ay may nakita akong kweba at naramdaman ko na may kakaibang enerhiyang bumabalot dito nang walang agam-agam ay dali-dali akong lumapit sa kweba at agad akong pumasok.
May kutob ako ng malapit lang ang septre ilang sandali lang ay nakarating agad ako sa kinaroroonan nito ito ay nakapatong sa bato ng bilog ang sukat ngunit ito basta basta makukuha sapagkat may bantay na higante na iisa lang ang mata at ito ay natutulog wala pa nga akong isang minuto sa kinaroroonan ng septre ngunit naramdaman agad ng higanteng ito ang aking presensya kaya agad itong bumangon at nagpakawala ng isang malakas ng ungol ngunit hindi ako natatakot sa kanya.
Agad ako sinugod ng halimaw nakailag naman ako at nilabanan ko siya gamit ang aking sandata at kapangyarihan hanggang sa nadaig ko siya at nakuha ang aking nais na makuha ang septre kaya lumabas na ako ng kweba saka sumakay na sa aking sasakyang panghimpapawid at bumalik na sa Encantadia.
KAHARIAN NG ETHERIA
Pagdating ko doon ay naabutan ko sila Ether at Ravan sa bulwagan na para bang may pinagusapan na seryosong bagay naramdaman yata nila ang aking presensya kaya bumati sila sa akin.
ETHER:Avisala Lucio kumusta ang iyong paglalakbay?
LUCIO:Nakuha ko na ang septre ngunit bago ko pa ito nakuha ang kinalaban ko muna ang halimaw na bantay nito.
RAVANA:Ngunit nakuha mo pa rin ito sa huli gamitin na natin iyan nang saganon ay matanggal na natin ang sumpa sa ating mga kawal.
LUCIO:Sige Bathaluman,si Agatha nasaan?
ETHER:Nasa hardin sapagkat nais niyang mapagisa
LUCIO:Kung ganon man ay umpisahan na natin itong gamitin kahit wala ang hara.
AGATHA:Hindi kayo maaring mag-umpisa kapag wala ako!(Sabi niya habang papalapit sa amin)
RAVANA:Ngayon na kumpleto na tayo maaari na natin tanggalin ang sumpa na ating mga kawal,Lucio umpisahan mo na.
Tumango naman ako bilang pagsangayon.
LUCIO:Septre poderoso Te imploro que quites la maldición que el hijo de Alena ha otorgado a nuestros soldados para que podamos elaborar nuestro plan para matar a las hadas!(makapangyarihang septre nagsusumamo ako sa iyo na tanggalin ang sumpang iginawad ng anak ni Alena sa aming mga kawal nang saganon ay magawa namin ang aming plano na paslangin ang mga diwata!)
GENERAL'S PROVERBS
Nang matapos magsumamo ni Lucio sa makapangyarihang septre ay nagsimula nang magdilim ang kalangitan at kumidlat ilang sandali lang ay nanumbalik na ang lakas ng kanilang mga kawal at nawala ang ang sumpang inilagay ng Rehav ng Adamya sa mga alagad ni Ether.
AGATHA:Iyan lang ba ang magagawa ng bagay na iyan Lucio?
LUCIO:Hindi Agatha kaya din nitong gumawa ng mga mas malalakas na hukbo kung nanaisin natin.
AGATHA:Kung ganon ay bakit hindi tayo gumawa ng mga hukbo nang saan ay makasugod na tayo sa mga diwata.
RAVANA:Huwag kayong padalos-dalos sapagkat maari nating ikapahamak iyan,mas may maganda akong plano.
SA MUNDO NG MGA TAO
FORBES PARK
Pagkatapos ng laban sa gitna ng panig ng mga diwata at panig ng mga taksil na Ravena ay agad nilapitan sila Lira ng media upang magtanong tungkol sa mga pangyayari at bakit may kaguluhan na naman.
MEDIA MAN1:Mam,Sir pwede po bang magtanong?
LIRA:Oo naman,ano bang nais niyong itanong?
MEDIA MAN1:Ano ba talaga ang nangyayari bakit nagkaroon ng digmaan dito?Kilala niyo ba ang mga nakalaban ninyo?
LIRA:Oo kilala naman ang aming nakalaban sa katunayan ay isa siya na nagpapanggap na investor sa aming kompanya ngunit siya pala ang isa sa aming mga kalaban kaya nagkaroon ng digmaan sapagkat may mga nilalang na walang ibang hinangad kundi ang makapaghiganti at manggulo.
MEDIA MAN 2:Isa mga investor ninyo,pwede po bang sabihin niyo ang pangalan?
PAOPAO:Siya ay si Therese Willis na binibili ang shares ni Mr.Cox ng sapilitan upang makapasok siya sa aming kompanya upang magawa ang kanyang nais na maghiganti sa amin.
MEDIA MAN 3:Matanong ko lang po,may iba pa ba siyang plano bukod sa paghihiganti sa inyo at panggugulo dito?
ALANA:Oo meron pa but it's confidential amin nalang ang impormasyon na iyon.
MEDIA MAN 4:May posibilidad po ba na maulit pa ang mga ito?
CASSANDRA:Hindi namin sabihin na Oo at hindi rin namin sasabihin na hindi ang masasabi ko lang ay gagawin namin ang lahat upang pipigilan kung sino man ang mangugulo dito.
SA PRESINTO
Nang makarating na presinto ang mga natitirang miyembro ng Raven Syndicate ay agad naman itong ipinasok na sa selda ng ilang mga pulis habang sila Kyle,Mira,Angelo,Dasha,at Adamus ay doon sa opisina ng presinto.
MIRA:So Kyle,wala ng ibang hideout ang mga sindikato di ba?
KYLE:Base on my investigation wala na.
ANGELO:Di ba may mga miyembro din ng sindikato na nasa UK?
KYLE:Oo,ngunit nahuli na din iyon ng mga pulis ang nagsilbing leader nila ang namatay na dahil sa sakit sa puso.
ADAMUS:Kung ganon po ay wala na tayong problema sa sindikato.
DASHA:Ganon na nga at sila Ether nalang ang atupagin natin.
KYLE:Sino iyon?
ANGELO:Kalaban namin.
KYLE:Andami niyo palang kalaban.
MIRA:Oo nga eh pero ayos lang,may iba pa ba tayong pag-usapan?
KYLE:I think wala na.
ANGELO:Kung ganon ay mauna na kami sa inyo.
KYLE:Okay ingat kayo.
Saka nag-ivictus naman ang mga sangre saka si Angelo patungo sa forbes.
SA FORBES PARK
Nang makabalik na sila Mira sa Forbes ay naisipan na nilang magpahinga sapagkat kinabukasan ay magtungo sa lagusan upang makabalik na ng Encantadia sa sapagkat may suliranin pa silang kailangan lutasin doon.
SA NAKARAAN
GENERAL'S PROVERBS
LUPAIN NG MGA DIWATA
Nagpapahinga na ang lahat sapagkat malalim na ang gabi kahit anong pilit ni Pirena na matulog di niya magawa sapagkat hindi pa rin siya makapaniwala na nakita nila ang kanilang Yna kaya naisipan niyang lumabas muna sa kanilang kubol nang makalabas siya ay naabutan niya si Azulan na nakatayo sa may puno kaya inakap niya ang Rama sa likuran.
PIRENA:Hindi ka rin ba makatulog Mahal ko?
AZULAN:Hindi e correi,alam mo hindi talaga ako mapaniwala na nakita natin ang iyong Yna kanina.(Sabi niya habang papaharap sa kanyang Hara)
PIRENA:Ako nga din kaya hindi ako makatulog nakaramdam rin ako ng pananabik na makita si Yna bukas.
AZULAN:Sa tingin mo kaya magugustuhan niya ako,para sa iyo? (Sabay hawak sa magkabilang kamay ni Pirena)
PIRENA:Oo naman sapagkat isa kang mabait,matalino,at mahusay na pinuno higit sa lahat ay isa kang makisig na Encantado.
AZULAN:Naman kaya ka na nahuhumaling sa akin!😁
PIRENA:Ashtadi alam mo napakayabang mo!(Patawa niyang sabi habang bahagyang tinampal ang dibdib ng kanyang asawa)
AZULAN:Hahaha mabuti pang pumunta tayo doon sa duyan.
PIRENA:Sige
Saka naglakad ang Hara at Rama na magkahawak kamay patungo sa duyan na pwedeng pandalawahan at doon nahiga ang kanang kamay di Azulan ay naka-akbay kay Pirena habang nakasandal naman ang ulo ng Hara sa dibdib ng kanyang Rama at nakayakap siya dito.
AZULAN:Ang tagal naman nating bumalik sa dati nang saganon ay masundan na natin si Alana.
PIRENA:Ewan ko sa iyo sa Azulan sa lahat ng bagay iyan talaga ang iniisip mo?
AZULAN:Nagbibiro lang naman ako Mahal hehehe...
Sa mahabang usapan ng mag-asawa ay di nila namalayan na nakatulog na pala sila.
KINABUKASAN..
Sa kubol ng magkakapatid na sangre at sa kubol ng apat na Rama ay nagkakagulo na silang anim dahil hindi nila makita si Pirena at Azulan maaga silang nagising kaya lumabas na sila sa kanilang mga kubol upang hanapin ang dalawa.
DANAYA:Sa ating paghahanap ay andito lang pala ang dalawang ashtadi!(Sabi niya habang papalapit sa duyan)
AMIHAN:Huwag kang maingay baka magising ang dalawa.
ALENA:Alam niyo may naisip ako..
AMIHAN:Ano naman iyon?
ALENA:Hintayin natin silang magising saka natin batiin ng sabay-sabay.
MEMFES:Maganda ideya nga iyan e correi,mabuti pang maupo muna tayo.
Naupo na nga ang anim sa gilid ng duyan pagkalipas ng ilang sandali ay nagising na nga ang Hara at Rama ng Hathoria katulad nga ng pinag-usapan ay binati nga nila ang mga ito sabay-sabay saka ngumiti ng makahulugan tapos dali-dali namang bumangon sa duyan si Azulan at Pirena.
PIRENA AT AZULAN:Mga Ashtadi!
YBRAHIM:Hahaha..Kumusta ang tulog ninyo mahal na Hara at Rama?
AQUIL:Itinatanong ba iyan di natin alam na may.......
AZULAN:Ituloy mo Aquil makakatanggap ka talaga ng batok na nanggaling mismo sa akin!
AQUIL:Sorry naman po hahaha..😂
PIRENA:Happy ganon?,tayo pa yata ang gising ngayon.
MEMFES:Gising na rin si Nanang Ornia at Tatang Memeng.
DANAYA:Halina kayo puntahan na natin.(Saka nauna ng maglakad sumunod nalang sila Pirena)
Pagdating nila sa kinaroroonan nila Ornia at Memeng ay agad nila itong binati saka bumati din ang mga ito pabalik.
ORNIA:Maupo na kayo diyan para makakain na tayo.
Tumango naman sila bilang pagsang-ayon pagkatapos nilang mag-agahan ay agad silang nag-asikaso saka dumeretso na sa dalampasigan malapit sa kanilang lupain pagdating nila doon ay nakita na nila si Minea at Gurna.
SA DALAMPASIGAN MALAPIT SA LIREO
Malapad na ngiti ang binitawan ni Minea nang makita niya ang magkakapatid na Hara at mga Rama.
MINEA:Mabuti nalang na nakarating kayo.
Isa-isa namang pinakilala ni Minea ang magkakapatid at ang apat na Rama kay Gurna.
GURNA:Ano ang gagawin natin?
MINEA:Mabuti pang maglaro nalang tayo!
GURNA:Maglaro,hindi ba magagalit ang iyong Yna Minea?
PIRENA:Huwag ka ngang epal diyan Gurna!
AZULAN:Pasensya ka na sa kaibigan ko Gurna maiinitin talaga ang ulo niya.
GURNA:Ayos lang.
ALENA:Ano ang lalaruin natin?
MINEA:Habulan kaya?
ALENA:Hmm..pwede at sinong taya?
Saka tumingin silang lahat kay Danaya.
DANAYA:Bakit kayo nakatingin lahat sa akin?
YBRAHIM:Dahil ikaw ang taya..
Saka tumakbo na ang lahat palayo kay Danaya.
DANAYA:Ang daya niyo kapag ako nakaganti manangot kayong lahat!
Habang masaya silang naglalaro at naghahabulan ay hindi nila namalayan na may nagmamasid na pala sa kanila.
ITUTULOY...