Forced Marriage - COMPLETE

By whateverrr004

64.5K 1.7K 568

PROLOGUE #2 A fanfic for Ricci Rivero. Zoey Hernandez is a student-athlete from De La Salle University. The m... More

PROLOGUE
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 1

2.5K 45 2
By whateverrr004

"Babe, let's go na! Mag start na game ni papa Ricci mo." aya sakin ni Sandara.

Tinapos ko ang pag-aayos ng gamit ko at mabilis na tumayo saka ko siya hinila palabas ng bahay ko.

UAAP Season 81 Final Four ngayon at kasama ang La Salle dahil pangatlo sila sa standings. Una siyempre ang Ateneo, pangalawa naman ang Adamson, pang-apat ang FEU.

Sumakay agad kami sa kotse ko at nagsimula na akong magmaneho papunta sa Araneta Coliseum.

Ako nga pala si Zoey Hernandez, number one fan ni Ricci Rivero---ang bebe ng lahat ng kababaihan.

"Magsisimula na ba talaga?" tanong ko kay Sandara. Kinakabahan ako. Gustong gusto ko kasing nasisimulan lahat ng games ni Ricci. Lalo na't madalas kasama siya sa first five.

"Duh? Babe naman. Wala ka bang relo?"

Shems! Oo nga naman! Argh!

Tumingin ako sa wrist watch ko at 1:40pm na. 20 minutes nalang mag start na. Huhu, tapos pipila pa kami!

Maya maya lang ay nakarating na din kami sa Araneta. Shocks! Ang daming tao. Sana makapasok agad kami bago pa magstart.

Makalipas ang ilang minutong paghihintay, nakapasok na rin agad kami sa loob. Hindi pa man nagsisimula ay napaka ingay na. Ang kalaban ng La Salle ay FEU. Ang pang-apat sa standings.

VIP ang ticket namin kaya medyo malapit kami sa bench. Kitang kita ko siya. Napaka gwapo niya talaga!

Hinampas ako ni Sandara sa braso ko na ikinabigla ko.

"Ang gwapo talaga ni Andrei, babe! Oh my gosh!" kinikilig na sabi niya. Crush na crush niya talaga si Caracut.

Pagpasok palang namin nila Sandara at Shantelle sa La Salle ay si Caracut agad ang nakakuha ng pansin niya. Siyempre ako eh si Ricci. Magkaklase kami ni Ricci sa ibang subject, at pinagpapasalamat ko 'yon dahil nakikita ko siya ng malapitan. Pero maniniwala ka ba na kahit isang beses hindi niya pa ako nakikita. Hindi niya pa ako tinitingnan. Hindi ko alam kung normal lang ba 'yon dahil may girlfriend siya o ganon lang talaga siya. Pero masasabi ko naman na kapag kasama niya teammates niya madaldal siya, tumatawa siya. Pero sa room ay halos mga lalaki lang ang kausap niya.

Nagulat ako nang may tumabi sakin na tatlong babae at nagtanong kung pwedeng magpapicture. Pumayag naman ako dahil sa ilang taon kong pagiging varsity ng La Salle ay nakasanayan ko na rin na may nagpapapicture sakin.

"Thank you, ate Zoey!" nakangiting sabi niya sakin. I smiled at her.

"Ang ganda mo talaga, ate!" sabi naman nung isa pa.

"Magaling pa mag volleyball." sabi nung isa pa nilang kasama.

"Thank you girls!" nakangiting sabi ko sakanila.

Bagay talaga kami ni Ricci! Isang basketball player at isang volleyball player. ^_^

Maya maya lang ay tinawag na ang first five ng FEU. Nagsigawan naman lahat ng fans ng FEU.

Nang first five na ng La Salle ang tinawag, tumili agad kami ni Sandara. Lalo na nang marinig namin ang pangalan ni Ricci at Andrei. Ibig sabihin parehas silang kasama sa first five.

Bola ng La Salle dahil natapik ito ni big Ben na nakuha naman ni Aljun. Tumili ako nang ipasa ni Aljun kay Ricci at na-shoot ni Ricci ang bola. Oh my gosh! Wala talagang kakupas-kupas ang kagalingan niya.

65-50

Lamang ng labing-lima ang FEU nang mag third quarter na. Sobrang ingay ng FEU fans. Pero hindi naman nagpahuli ang mga sumusuporta sa La Salle nang mahabol ng Green Archers ang score. 65-56 - 9 point lead.

Ilang sandali pa ay nag fourth quarter na. 79-73, lamang pa rin ang FEU.

Sumasakit na ang lalamunan ko sa kakasigaw para sa La Salle pero hindi ko pinansin 'yon.

"Aaaaaah! Go Ricci!!" malakas na sigaw ko nang makita kong siya ang may hawak ng bola at boom! Three points! Three fucking points! Tatlo nalang ang lamang. 79-76

"Last two minutes!"

Dahil sa narinig namin ay mas lumakas ang sigawan. Para sa FEU Tamaraws at para sa De La Salle Green Archers.

Napakabilis ng tibok ng puso ko nang anim na puntos na naman ang lamang ng FEU. Shems!

Sigaw na rin nang sigaw ni Sandara sa tabi ko para sa GA at para kay Andrei.

"Aaaaah! So galing! So galing! Caracut for three!!" kinikilig na sigaw ni Sandara na ikinatawa ko.

"Rivero for three!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig 'yon maya maya. Hinampas ko si Sandara.

"Kainis ka! Hindi ko nakita!" reklamo ko at dumila lang siya sakin. Argh! Nakakainis!

Nag-focus ako sa panonood ko at nakita kong 82-82 na ang score.

Pakiramdam ko ay huminto ang pagtibok ng puso ko dahil tatlong segundo nalang ang natitira sa oras. Mabuti nalang at nasa free-throw line si Ricci.

"Go, love. Kaya mo 'yan." mahinang bulong ko.

Hinampas naman ako ni Sandara. "Assumera." natatawang sabi niya na hindi ko pinagtuunan ng pansin.

"Oh my god! Yes! One more, Rivero! One more!" sigaw ko at hindi nga ako nabigo. Lamang na sila ng dalawang puntos, 84-82.

"De La Salle Green Archers!"

Sa narinig ko palang na 'yon ay alam kong panalo na nga sila.

Masaya kaming nagyakap ni Sandara nang may humawak sa braso ko. Nagulat ako nang makita na Mommy 'yon ni Ricci, kasama ang asawa na si Coach Pao at anak na si Rasheed.

"Hello po." bati ko sakanila.

Ngumiti sila samin. "Fan of my son, eh?" nakangiting sabi ni Mrs. Rivero.

Alanganin akong ngumiti sakaniya.

"A-Ahm.. I'm a fan of the whole team po, Mrs. Rivero." i said while smiling.

"Hmm, bakit si Ricci lang narinig kong chineer mo?" may himig ng pang-aasar sa boses ni Mrs. Rivero nang sabihin niya 'yon. "By the way, don't call me that, too formal 'nak.." sabi niya at nahihiya nalang akong tumango. 

Hindi agad ako nakapagsalita. Rasheed and I are friends pero never ko pa silang na-meet. Aside from I'm nahihiya dahil parents sila ni Ricci 'no, busy rin ako sa laro. 

Natulala lang ako sakanila, lalo pa sa sinabi niya na si Ricci lang daw ang narinig niya na chineer ko. Nakakahiyaaaaa!!

"Hi, Zoey." bati naman sakin ni Rasheed.

I smiled at him, "Hello, Sheedy!" nag beso kaming dalawa.

Siniko naman ako ni Sandara, nginunguso sina Mr. and Mrs. Rivero.

"Ah, si Sandara po pala. Bestfriend ko." sabi ko sakanila.

"Hello, hija. Nice meeting you." sabi ng Mom ni Ricci at ngumiti.

Grabe! Grabe, ang bait nila!

"Sige 'nak, puntahan lang namin si Sahia, or baka gusto niyo sumama?" Ricci's mom asked.

I actually don't know what to call her. Pwedeng Tita. Pwede ring Mom. Mom nalang kaya? Tutal magiging Mommy ko rin naman siya, soon. Wow, advance mag-isip.

Umiling naman agad ako at sa pangalawang pagkakataon, siniko na naman ako ni Sandara.

"Ano ba! Chance mo na 'to para magpapansin sa future husband mo!" she whispered.

Kinurot ko siya sa tagiliran niya. Shems! Nakakahiya siya!

Tumawa naman ang Mommy ni Ricci na mas lalo kong ikinahiya. For God's sake, Ricci's taken! Tapos sasabihin 'yun ni Sandara, in front of them?! In front of Ricci's parents?! Ugh, god!

Bago pa sila makaalis may tumawag na sakanila.

"Mom! Dad!" sigaw ni.... OH MY GOSH! He's... he's running towards us! My love! O to the M to the G! OMG! So gwapo!

Walang paglagyan ang kasiyahan at kilig na nararamdaman ko nang makita siya---malapitan! Pero unti unti ring nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko kung sino ang kasama niya. Si Grace, ang girlfriend niya.

Bagsak ang balikat na tumalikod ako at napatingin kay Rasheed na nakatingin sakin. He tapped my shoulder and smiled at me. I smiled a little.

Alam ni Rasheed na may nararamdaman ako para sa kapatid niya. Naging close nga kami dahil don eh.

Yumakap si Ricci sa Mom and Dad niya at bago pa siya makalapit kay Rasheed na katabi ko ay hinila ko na si Sandara palayo.

"Zoey!" tawag sakin ng Mom ni Ricci. Bilang respeto ay humarap ako sakaniya at nagpaalam.

"Sorry, Tita. Mauna na po kami. Ahm, may pupuntahan pa po kasi kami." pagdadahilan ko nalang. "See you around, Tita and Tito! Nice meeting you po!" sabi ko at lumingon kay Rasheed. "See you around, Sheedy!"

Tumingin ako sa kay Ricci na abala sa pakikipag-usap kay Grace. Hindi niya manlang ako nilingon.

Nang makalabas kami ay dumeretso agad kami sa kotse ko.

"Okay ka lang?" tanong ni Sandara.

"Yep," i answered, popping the p.

Tumunog ang phone ko na nasa bag ko kaya kinuha ko 'yon.

Pinakita ko kay Sandara at binigay sakaniya ang phone ko para siya na ang sumagot, nagsimula naman na akong magmaneho.

"Hello, girl?" Sandara.

["Oh my gosh! Oh my gosh talaga!"] tili ni Shantelle sa kabilang linya.

"What happened to you?" takang tanong ko.

["Aaaah!"] tili niya ulit.

Napairap nalang kaming dalawa ni Sandara. Napakalakas talaga ng boses ni Shantelle. Tinitinis pa -_-

"Ano ba?! Ang ingay mo!" reklamo ni Sandara. Natawa lang ako.

Tumawa si Shantelle, ["I just wanna ask lang naman kung nasan kayo eh. Why so sungit, Dara-baby?"] nang-aasar na sabi ni Shantelle. Baliw talaga.

"Ikaw ba nasan ka? Puntahan ka namin, want mo?" i asked.

["Nah. Let's meet at your house nalang, bee."]

"Okay. See you there, then." sagot ko at pinatay na ni Sandara yung tawag.

Bago kami dumeretso sa bahay ko ay bumili muna kami ng makakain dahil paniguradong sa bahay ko sila matutulog.

Pagka-park ko nang kotse ko sa garahe ay pumasok na kami sa loob ng bahay. Nandito na rin naman si Shantelle dahil parehas ko silang binigyan ng spare key ni Sandara. Minsan nga nagugulat nalang ako biglang tumutunog yung gate, may pumapasok na pala. Hindi na kasi nila ako tinatawagan kapag pupunta sila dito. Ang reason ni Shantelle? 'Duh, we know naman na welcome kami here sa house mo.' Napaka conyo! Sumasakit ulo ko pag kausap ko 'yan. Alam mo 'yon, nakakapagsalita siya ng straight na english at tagalog pero pilit niyang pinagsasama. Idagdag pa yung malakas na boses niya na tinitinis niya, kairita.

"So, Sandara said that you and magulang ni Ricci met kanina. How's it, bee?" tanong ni Shantelle habang umiinom ng tequila.

Malakas loob namin na uminom ngayon dahil walang pasok bukas kasi sunday. Malamang, bitch. Malamang.

"Hmm, they're nice. Sooo nice."

Umirap si Sandara. "Pabebe pa 'yan kanina. Imagine, tumanggi siya nung inaya ni Mrs. Rivero na sumama sakanila para puntahan si Ricci. Argh! You missed the opportunity. Grr!"

Pinitik ko siya sa noo. "Hindi naman kasi kasing-kapal ng mukha mo ang mukha ko, 'no! Nakakahiya kaya! Sinabi mo pa sa harapan nila na future husband ko si Ricci. Alam mo namang taken yung tao."

Shantelle looked at me, "Oh my gosh ka, girl! The opportunity is nasayang! Argh! You should call Sheed and sabihin mo that you will go there tonight sa house nila. Yes, tonight bee!" sabi niya at hinablot ang phone ko.

"What the fudge? Why would I do that?"

She rolled her eyes, "Duh? For your future husband!"

"Yes, he is my future husband but err---nakakahiya pa rin kila Mom and Dad, 'no!" sabi ko.

They both looked at me, "Mom and Dad?" sabay nilang tanong.

I rolled my eyes, "Ricci's parents! Duh, girls?"

Binatukan nila ako. "Inom nalang tayo, babe." Umiiling na sabi ni Sandara sakin.

I believe that Ricci is my future husband. Mapapansin din niya ako. Itaga niyo pa sa six pack abs niya!

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 61.5K 38
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Junghoon's ) daughter Mishel...
1.2M 52.1K 98
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
218K 9.1K 24
Where Lewis Hamilton goes to a cafe after a hard year and is intrigued when the owner doesn't recognise him. "Who's Hamilton?" Luca says from the ba...
1M 38.7K 90
๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ, ๐—น๐˜‚๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐—”๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—น๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๏ฟฝ...