Dreaming Of You [On Going]

By jonjieramz123

16.7K 852 370

[UNDER REVISION] #Lucky More

WARNING/DISCLAIMER!!!
AUTHOR'S NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2: A Glance
Chapter 3: Aesthetic
Chapter 4: Paranoid
Chapter 5: Meeting You
Chapter 6: Emotionally Drained
Chapter 7: Misinterpreted Date
Chapter 8: Unexpected Mood
Chapter 9: The Scene
Chapter 10: Naughtiness
Chapter 11: Getting Naughtier
Chapter 12: Territory
Chapter 13: Make You Feel Special
Chapter 14: Random
Chapter 15: Mood

Chapter 16: Jealous

335 27 36
By jonjieramz123

Dreaming Of You
"Jealous"
<><><>
Pia Gail Trinidad

"Kung alam mo lang na gustong gusto kita. But I know your heart belongs to someone else," mahinang saad ko while scanning and looking the picture of someone who's impossibly be mine. I always take him a photo satuwing nakikita ko siya.

He's indeed handsome with his bold and refined eyebrows . The eyelids of his eyes are aesthetically appealing na pag tinangka mong tignan hindi ka na makakawala pa. Saktong sakto ang pagkakapoint ng ilong niya that's perfectly edging and complimenting with his idealistic lips. Then a jawline na precisely sculptured and polished . Hindi nakakapagtaka na maraming nagkakandarapa sa isang katulad niya, Ethan.

Ang hirap para sakin na hindi niya ako nakikita bilang tao na pwede niyang malapitan. Yong tao na pwede niyang mabigyang atensyon. I'm just one those people who hopefully hopeless sa isang taong hindi ka magugustohan. Hanggang tanaw na lang ako habang siya nakatanaw sa iba. I don't know when or where this started, basta namamalayan ko na lang na nasasaktan ako para sa kanya satuwing nalulungkot siya dahil hindi siya mapansin ng taong gusto niya which is si Luke.

I know he's hitting on Luke, I can totally see it by merely observing him. The desirable and admirable attentions he always bestows to Luke are in detailed through his eyes. That's why even If it takes myself to be put in burden, I'd rather be selfless and acknowledge the things that will make him happy. Kaya nga lagi kong pinapaalalahan si Luke tungkol kay Ethan .

Andito ako ngayon sa rooftop. Dito ko kasi madalas makita siya dati. Simula din ng araw na iyon dito na ako namamalagi. One time , I saw him sleeping here at halos maiwaglit ko ang sarili ko sa pagkamangha. Ang gwapo eh.

In the middle of reminisce I hear some footsteps crawling around kaya naman mabilis kong nilingon ang pinanggagalingan ng yapag na iyon. Halos mauhaw ako nang makilala kung sino ang may ari ng maingay na lakad.

Pagkakita na pagkakita niya sakin ay hindi ito nag atubiling maglahad ng ngiti. Mga pantay na ngipin ang mabilis na pumukaw sa atensyon ko na binibigyang kulay ang napakagwapong mukha ng isang nilalang. Gaya ng lagi kong nararamdaman pag andiyan siya ay halos natutunaw ako. Para akong kandila na sinisindahan ng presensiya niya dahilan para unti unting mapapaospos pagkatao ko.

It's Ethan.

"Dito karin pala tumatambay," nakangiti niyang saad habang nakatanaw sa di kalayuan. Pumikit ito ng bahagya at dinadama ang ambiance ng kapaligiran.

I couldn't find any word to say. It seems like the space between us is compressing, nakakapanikip ng dibdib.

"Ahmm, is there something wrong?" Tanong niya na ikinabalik ko sa ulirat. Bigla akong nailang sa paraan ng pagtingin niya. I calm and compose myself.

"Ahmm, oo ang presko ng hangin dito kaya dito rin ako namamalagi," sagot ko habang nakangiti.

"Yeah, I agree," tipid niyang pag sang ayon.

After no'n hinahayaan namin na tanging hambalos lang ng hangin ang mamayani sa katahimikan.

Nanatili siyang nakapikit at nilalanghap ang presko at sariwang hangin habang ako naman ay matiyagang pinagmamasdan bawat galaw niya. Wala ako ni' isang segundo na pinapakawalan just to appreciate the beauty from him.

"Pia," pagbanggit niya sa pangalan ko .

Yon na ata ang pinakamagandang pagkakabigkas ng pangalan ko galing sa nilalang na ito. Hindi ko magawang makasagot dahil masyado akong nalulunod sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko lahat ng bagay ay napakaaliwalas.

"Have you had that moment na gusto mo yong tao , pero hindi mo magawang umamin sa kanya?"

Tinignan ako nito ng bahagya sabay pakawala ng tipid na ngiti , nag aalangan. I am mesmerized but for some reason I am taken aback dahil sa tanong niya.
I know it has something to do with his feelings towards Luke. How I wish I was Luke.

"Ahmm. Oo naman," sagot ko sa kanya.

Gusto kong sabihin na andito nga ako sa moment na may gusto ako sa isang tao at hindi ko magawang umamin sa kanya. 'Gusto ko kita, Ethan' sarap sabihin ng ganyang bagay pero mali at hindi pwede.

"Bakit mo natanong?"

Napabalik ito sa pagtingin sa di kalayuan at napabuntong hininga .

" I just wonder how to deal with this. I like someone pero hindi ako sigurado kung magugustohan niya ako,"

Nakuha kong ngumiti sa kanya. Is he asking advice from me?

Grabi maglaro ang tadhana! Sakin pa talaga. Anong isasagot ko ?

" Walang masamang mag try," hipokrita kong tugon. Napakahipokrita!

Sana nasasasabi ko yan sa sarili ko. Grabi!

Sa totoo lang hindi ko alam sasabihin . Wala akong kaide' ideya. Kahit ako din nangangailangan ng ganyang bagay.

"You think so?" Tanong niya.

Halos mawalan ako ng lakas sa ngiting nakaguhit sa mukha niya. He's bothered yet happy.

"Hmmm. Try mo sabihin. Hindi naman pwedeng itago mo na lang yan diba?"

Wow! That's the lamest at walang kakwenta kwentang advice na meron ako. Anlaki ng naitulong ko , grabi!

"Hahahaha! You're right. Hindi naman natin malalaman kung hindi susubukan . Walang mapapala ang pagkikimkim nito. Siguro maghahanap na lang ako ng tiyempo kung kailan at saan ko sa sabihin. Ihahanda ko na lang din sarili ko sa mga possibilities," saad niya.

Nakuha niya pang e evaluate yong walang kwentang advice ko sa isang makabulohang komprehensyon. Hays! Sana balang araw maapply ko napagtanto niya.

"Simpleng tao lang si Luke," hindi ko alam kung pano lumabas to sa bibig ang mga nabanggit ko. Shit!

Bigla itong napatingin sakin na gulat na gulat. Hindi niya siguro inasahan yon , kahit ako din naman.

Ngayon ko mas nakompirma na may gusto nga siya kay Luke. Bigla kasing namula mukha niya tapos napailing pa ng bahagya na parang hindi makapaniwala sa nasambit ko.

"Masyado ba akong obvious?" Tanong niya sakin. Tinunguan ko lang siya bilang tugon. Nanlaki mata niya sa mala pantomina kong sagot.

"A-a-alam ba ni Luke-"

Hindi ko pinatapos sasabihin niya at sumingit na ako.

"Hindi, mukhang ako lang ata nakakapansin sa grupo," panglilinaw ko .

Bigla itong napabuntong hininga bilang pagpapakita ng pagkarelieve.

"Kinabahan ako don, teka pano mo nalaman, inoobserbahan mo ba ako?"

Bigla ako natigilan sa tanong niya . Shit! Hindi ko napaghandaan ang tanong na iyan. Ano isasagot ko? Baka ano isipin niya pag sinabi kong inoobserbahan ko nga siya.

Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Ellice at Alex.

"Bakit ba ang init ng init ng ulo mo huh," Ellice.

"Shut up,ok?" Aboridong saad ni Alex.

"Shut up huh! Grabi ka! Grabi ka! Minahal kita pero niloko mo ako! Hayop ka! Pagkatapos mo nurakan pagkatao ko ganyan sasabihin mo sakin huh? SHUT UP ganun!" Si Ellice na nag aala-artista na naman. Nahihibang talaga tong babae na ito.

"Isa kang malaking baliw," tanging saad ni Alex at mabilis na tinungo direksyon namin ni Ethan.

Bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil nga nawala kami sa pinag uusapan namin ni Ethan. Mabuti na lang dumating sila. Balak ko pa sanang sabihin na inoobserbahan ko nga siya. Thank God!

"Huuuy! Wag mo akong matali-talikorang lalaki ka! Panindigan mo ako!" Si Ellice na nagfefeeling artista parin. Hindi ko maiwasang mapailing sa pinaggagawa niya. Hindi na ako magugulat kung ganyan inaakto niya, she's Ellice,anyway.

"Why are you two here, did we interrupt your moment?" Alex asks. Lihim akong napalunok sa tanong niya.

Ginantihan lang ni Ethan ng nakakalokong ngiti si Alex .

"We're talking of something's very personal, right Pia?" Makahulogang saad ni Ethan sabay ngiti at kindat sakin. Shit! This can't be happened!

"Ah - oo," pag sang ayon ko sa sinabi ni Ethan and reveal a very weak smile.

"Oh siya Pia, una na kami. May klase din kami e,see you around," si Ethan sabay gulo ng buhok ko.

Ano yon? Para saan ang bagay na iyon?

At tuloyan na nga siyang umalis kasama si Alex.

Nanatili akong nakabato sa kinatatayuan ko at patuloy na iniisip ang ginawa niya sakin. Dahil sa inasal niya mas nanaig sakin na gustohin siya lalo. Mali ako ng pagkakakilala sa kanya dati. Akala ko famewhore siya , babaero at bad boy. Pero lahat yon pawang impresyon ko lamang sa kanya. Dahil ngayon, iba ang nakikita kong Ethan, siya lang nakikita kong lihim akong napapangiti at lihim na nasasaktan.

"Oy Pia, ano yong nakita ko sa inyo ni Ethan huh? Bakit parang may mutual understanding kayo?"

Bigla akong naibalik sa ulirat ng mapagtantong andito pa pala ang loka lokang babaeng to . Napakamalisyosa!

"Ah wala, miryenda tayo?" paanyaya ko sa kanya pero bigla ako nitong pinaningkitan sabay ekis ng dalawang kamay niya.

"Hindi ikaw si Luke para ibahin ang topic," siya sa mala-interoga na tono.

Oo nga? Ngayon naiintindihan ko na si Luke kung bakit siya ganun? May mga bagay pala talaga na mahirap ibahagi sa mga tao. Bigla akong nakonsensiya sa ginawa kong komprotasiyon kay Luke dati.

"Gaga! Gutom na gutom na kasi ako. Doon ko ikikwento sayo sa food court," pangongombinsi ko sa kanya. Ang totoo wala akong balak inkwento sa kanya ang tungkol sa pinag usapan namin ni Ethan at tungkol sa nararamdaman ko para sa lalaki.

Gusto ko si Ethan, pero hangad ko din ang kaligayahan niya kaya tutulongan ko siya sa bagay na magpapasaya sa kanya.

'I'll help you no matter what Ethan. Andito ako para sa'yo. Kahit pa masakit na makita kang masaya sa piling ng iba ay kakayanin basta magkapapel man lang ako sa buhay mo.'

***

Luke Frederick Poblacion

And we're all be gathering once again here to our conversation spot, food court. Nauna na kami dito ni Pia at hindi pa dumadating ang iba pa . Walang umiimik saming dalawa dahil mukhang abala kami kakaisip sa sarili naming huwisyo. I didn't bother to ask what's on her mind cause I have something to repel about my business too.

Lagi akong napapagawi atensyon ko sa cellphone ko at hindi nga maiwasang sumilay ang ngiti sa aking labi satuwing namamataan ko ang wallpaper . Baliw talaga ang mokong na iyan.

I thought he would do something drought against me ng nasa loob kami ng Cr kahapon. But he just caught me off guard so that I could not despise him from what he's planning to do, taking pictures.

Dahil nga sa sitwasyon namin na iyon ay halos naiwan ko ang ulirat ko. I am observing all taken pictures of us at kapansin pansin na iisang expression lang lulamabas sa mukha ko,gulat at namumula.Habang siya naman paiba iba like may sexy, wacky , crumpled face , make face at marami pa. But there's only one picture na masasabi kong nababagay na pang wallpaper. I just find it cute and sweet. It's a picture us where he's kissing my forehead tapos ako nanlalaki ang mata sa sobrang gulat. This so cute!

Pag nakikita ko to hindi ko mapigilang mapangiti. Nabubuhay ang pagiging madugong 'CHEESY ko.

"Luke,"

Bigla akong naipabalik sa tamang ulirat ng sambatin ni Pia pangalan ko.

Hindi ako sumagot at nilingon lamang siya.

"What if magtapat sayo si Ethan na may gusto siya sayo, ano magiging tugon mo?," seryosong tanong niya .

Nanatiling tikom bibig ko sa tanong niya. Ayoko kasing mag laan ng oras sa pag iisip sa isang bagay na wala naman kasiguradohan.

"Just answer it Luke, what if lang naman eh," dismayadong saad niya.

Wala na din ako nagawa. Bumuntong hindi nga muna ako bago maglabas ng saloobin tungkol sa tanong niya.

"Ethan is a good guy. Oo, aaminin ko na may mga moved moments ako with him, but there's no way that we could be more than friends. Baka masyado lang kaming natutuwa at nao-overwhelmed sa presensiya namin," saad ko.

"Obviously, you're just pertaining your feeling towards him at lumalabas mismo sa mga sinasabi mo na mapi-friendzone mo siya," Pia sa dismayadong tono. Ano naman kaya ang nag udyok sa kanya para pag usapan na naman namin bagay na ito?

"Bakit mo ako nililink kay Ethan ,Pia?" Mahinahong tanong ko na ikinagulat niya.

Hindi ko tinanggal ang mapang intoraga kong tingin sa kanya dahilan para mapaiwas siya ng tingin sakin. That's it, she must be hiding something.

"I won't force you to tell me," nakangiti kong saad na ikinalunok niya lalo.

Ang mga kinikilos niya ngayon ay isang senyales na may tinatago siya. Kaya naman mabilis na inaksiyanon niya ang sitwasyon para pagtakpan ang sarili niya.

"A-ah- kasi-"

Hindi na nito napatapos ang dapat sasabihin ng makarinig kami ng mga pamilyar na boses. It's Ellice and Alex, mukhang nagtatalo na naman ang dalawa. Habang si Michael at Joseph naman ay nag aasaran, si Ethan tahimik lang na naglalakad habang nakangiting sinasalubong ang atensyon ko kaya ngumiti din ako pabalik.

"Kanina pa ba kayo, sorry we arrived late," Ethan in his thoughtful manner.

Agad kong tinignan si Pia kasi inaasahan kong buburyohin niya ako sa presensiya ni Ethan pero ibang bagay ang nadatnan ko. Mariin itong nakatingin kay Ethan. para siyang kinakabahan na namamangha. Hmmm?

Ayokong isipin ang bagay na meron ako sa utak ngayon pero basi sa reaksyon ni Pia ay hindi ko mapigilang mag conclude na may gusto siya kay Ethan. This is all make sense . Kaya siguro panay ang pambuburyo niya sakin at panay ang pagpupumilit niya sakin tungkol kay Ethan dahil ayaw niyang nalulungkot ang lalaki. I admire your selflessness Pia .

Bakit hindi ko agad naisip yon? Simula't sapol parang siya lang ang nakapansin na nagbibigay umano ng motibo si Ethan sakin, so ibig sabihin lang no'n siya lang laging nagmamasid at nag oobserba sa kilos ni Ethan. Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga nangyayare. This is the first time na malalaman kung magkakagusto si Pia sa lalaki, dahil gaya ko hindi rin ito palakwento ng mga bagay tungkol sa kanya. Pwera na lang doon sa pamilya niya .

This time mukhang ako ang dapat magbigay ng makahulogan titig kay Pia .

Kinuha ko ang bote ng tubig sa bag ko at binigay kay Pia.

"Hmmm, mukhang madedehydrate ka sa sobrang init," nakangiting saad ko. Not the usual smile na lagi kong ipinapakita kundi ngiting puno ng pang aasar at panghahamon.

Bigla naman itong nataranta sa ginawa ko at inialis ang atensyon kay Ethan. Nakita ko ang pagdulas ng pawis sa noo niya kasabay noon ang paglagok niya sa tubig na binigay ko. Now spin the bottle Pia. I'll support you.

"Shall we eat," rinig kong saad ni Ethan habang nakatingin parin ito sakin.

Ano kaya naiisip ni Pia pag gantong bagay ang pinupukol na atensyon sakin ni Ethan? Siguro nasasaktan siya ?

Parang naguilty ako bigla. Sana pala noon palang nalaman ko na ganyan ang tingin niya sa lalaki. Para mas naging extra sensitive ako sa kinikilos ko.

"Hey Ethan and Pia, ano nga pala ang ginagawa nyo kanina sa rooftop huh?" natuon lahat ng atensyon namin kay Ellice sabay balik atensyon sa dalawang magkatabi din ngayon. Sila , magkasama? May pinag usapan ba sila?

Napansin kong biglang napalunok si Pia habang si Ethan naman ay nakangiting tinitignan ang babaeng may lihim na gusto sa kanya. They actually look good together.

"We've just talked someone who's very special," si Ethan . Pero ikinagulat ko ng bigla siyang tumingin sakin nong banggitin niya ang 'Special someone.
Ilang bisis ng binabanggit sakin ni Ethan na special daw ako sa kanya pero lagi kong pinapadaosdos yon sa isip ko .

Tinignan ko ng bahagya si Pia na ngayon din ay nakayuko. Everything becomes visible about her.

"Huh, tinutukoy mo ba na special someone si Luke huh Ethan," si Michael.

"Bakit masama bang ituring na espisyal ang kaibigan. Lahat naman kayo espisyal eh," depensa ni Ethan.

"Well, lahat tayo espisyal isa lang ang hindi , I mean special din sa ibang paraan. Si Joseph yon, special child kasi siya. Hahahahaha!" Si Michael.

" Punyemas ka talagang lalaki ka nuh! Bakit ako na naman nakita mo huh!"

"Siyempre , ikaw lang nakikita ko cause you're the apple of my eyes. Naks! Kikiligin na yan,"

"Ehe. Pereng sera te, temegel ke nge, merepek pe nemen eke,"

"Apple of my eyes tapos may mga u-od na mga nakasabit. Bulok na mansanas pala. Hahahahaha!"

"Punyeta kang lalaki ka! Wag na wag mo akong papansinin bwisit!"

"Hahahahaha! Special bulok na mansanas child. "

Hanggang sa nagkabatokan na nga sila at nagbugbogan. Hindi narin kami pa umangal pa dahil nasanay na kami na ganyan silang dalawa. Sa araw araw ba naman na ginawa ng diyos wala oras na hindi sila nag aasaran pag magkasama sila.

Itinuon ko atensyon ko kay Pia na ngayon din nga mismo ay nakatingin sakin. Nginitian ko siya sabay nguso bahagya sa katabi niyang si Ethan . At dahil nga doon namula siya at nanlaki ang mga mata. Hindi niya ata inaasahan na malalaman ko. Mas lumapad ang ngiti sa labi ko sa inasal niya.

Sa kalagitnaan ng pagbibigay ng mapanuksong titig kay Pia ay naagaw ng atensyon ko . Bigla na lang kasi nag vibrate cellphone ko.

Tsk! Nagtext na naman siya.

From Lucas:

~UWI AGAD! BAKA KUNG SINO NA NAMAN KASAMA MONG LALAKI!

Napataas dalawa kong kilay sa sinabi niya. Anong masama kung may kasama akong mga lalaki? Kaibigan ko naman sila. Problema ng lalaking to?

Hindi na ako nag abala pang sumagot at nilatag ang cellphone ko sa lamesa. Nag umpisa na kaming lumantakan matapos maihain na ang mga inorder na pagkain.

Aakmang isusubo ko palang ang unang kutsara ng pagkain ko ng biglang....

"Teka, si Lucas to huh," rinig kong saad ni Michael habang nakatingin sa cellphone ko.

Shit! Nakita niya wallpaper ko. Nakalimutan kong hindi lang pala si Ethan ang kaibigan nito kundi pati si Michael at Alex. Napakacareless ko, sana pala hindi ko na lang nilagay cp ko sa lamesa.

"Pano mo nakilala si Lucas, Luke? May relasyon ba kayo? Bakit hinalikan ka niya sa noo?" Sunod sunod na tanong ni Michael.

Gusto kong sampalin sarili ko sa kaengotan na nagawa ko. Pano ko ipapaliwanag sa kanila ito?

Maya maya pa ay napansin ko na lang na pinagpapasa-pasahan na nila ang cellphone ko. Hindi ko magawang makakilos at tanging paglunok lang habang nanginginig ang naitataim ko.

"Luke, mind if you share?" Pakikiusyoso ni Alex.

"Ay shit! Napakasarap ay este napakagwapo naman nito Luke! Teka bakit nakahubad siya? Oh my ghad! May nangyare ba sa iny-,"

"Tumahimik ka nga Ellice, hindi gaya mo si Luke ok," si Alex.

"Patingin nga? Ay hala papabols naman pala. Ito na ba yong lalaking naglagay ng chikinini sayo?" Tanong ni Joseph.

Gusto ko na lang mawala at lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Just great Luke! Napaka careless mo!

Sana hindi nila buksan ang gallery. Wala pa namang lock screen . Hindi naman kasi ako naglalagay dahil wala naman akong dapat na ikatakot na may malaman sila sa phone ko. Pero this time pakiramdam ko pagsisisihan ko.

"Grabi oh! Whuaaaaaaaa! Andami pictures?" Ellice na manghang mangha.

"Whuaaaa! Napakagwapo naman nito!" Joseph.

"Nakakainggit naman. Tignan mo to Ellice oh! Abs, napakayummy!"

Bakit hindi ako makatayo? Bakit hindi ko sila mapigilan? Nakakahiya na talaga! Hindi ko na alam gagawin ko! Jusko po!

"Teka nga? Tignan mo to Joseph,"

Napatigil ako sa kakakuskos ng dalawang kamay ko ng bahagyang napatigil ang dalawa sa pamumuri. Parang may kung anong bagay sila na nakita. Sana walang kahit anuman doon sa cellphone ko na mas magpapayanig sakin.

Naniningkit na tinignan ako ni Ellice at Joseph . Bigla narin nakiususyo si Pia at napatakip bigla sa bibig matapos masulyapan ang cellphone ko. Shit? Anong meron don?

Hindi na rin kinaya pa ni Alex at Michael ang kuryosidad dahil nakisawsaw na din sila. Pinagmasdan ko si Ethan at nagulat sa mga ekspresyon na pinupukol sakin. Ang talim ng mga titig niya .

"Bakit may box ng condoms doon sa pinagkunan nyo ng pictures," tanong ni Michael.

Naramdaman kong nangiligid na ang mata ko at napaparami na rin ang paglunok ko. This is so embarrassing!
Gusto kong maiyak sa kahihiyan!

"Wala ba talagang nangy-"

Hindi nagawang pataposin dapat na itatanong ni Ellice ng biglang magsalita si Ethan.

"CUT THE CRAP! THOSE THINGS ARE SUPPOSED TO BE KEPT PRIVATELY! WHY ARE YOU ALL PESTERING AND INVADING SOMEONE'S PRIVACY WITH SUCH CRUMMY QUESTIONS! YOU ARE ALL DUMBASS FOR PUTTING STUPIDITY AND MALICE IMPRESSION TOWARDS SOMEONE WHO OBVIOUSLY DOESN'T USE TO DO THAT! PLEASE BE MATURED ENOUGH!"

Pasigaw na saad ni Ethan sabay tayo. Nagulat ako sa expression na meron sa kanya ngayon. Nakakatakot! Hindi ko inaasahan ang bagay na ito. Sobrang nakakaalarma ang paraan ng pagkakasabi niya ng mga bagay na iyon.

Mabilis itong umalis at iniwan kami dito sa lamesa na tanging paghinga lang ang maririnig na ingay.

"Ahm, excuse me guys, sundan ko lang yon," saad ni Pia at mabilis na nawala sa hapagkainan.

Napayuko ako sa kinauupuan ko at napahawak na lang sa noo. Hindi ko mapigilang maluha sa nangyare. Nakakahiya!

Dagdagan pa yong reaksyon ni Ethan na sobrang nagpasindak sakin. Hindi ko mahanap ang dahilan kung bakit siya nagkakaganun pero pakiramdam ko lahat ng sinabi niya ay para sakin. Feeling ko sakin siya galit. Kitang kita ko kung pano siya napakuyom at matalim na tinititigan ako kanina no'ng sinasabi niya ang bagay na iyon.

"Luke, I'm sorry," rinig kong saad ni Michael sabay hagod sa likod ko.

Mas lalo akong naiyak sa paghingi nila ng paumanhin sakin. Hindi naman ako galit sa kanila. Kasalanan ko din naman lahat .

Inihawi ko ang luha sa mukha ko at nginitian sila. Ayoko kong magpakita ng kahinaan. Sinagot ko ang mga tanong nila sa isang tantsa lang. Sinabi kong walang nangyare samin ni Lucas.

Iniisip ko parin si Ethan. Mukhang sakin siya may galit. Kailangan ko siyang makausap at kompormahin ang isang bagay.

***
To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

867K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...