His Physical Therapist (COMPL...

De Sensei0218

1.5M 26K 855

My Name is Charlotte Rose Aquino, twenty-three years old Physical Therapist. Naassigned akong maging persona... Mais

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
Special Chapter

Chapter 2

43K 725 21
De Sensei0218

Ito ang araw na susunduin si Charlotte ng personal driver ng pasyente nya na hanggang ngayon ay hindi nya pa din alam ang pangalan. Sabi naman ng ate Marian nya ay hayaan nya na ito ang magdisclose ng sarili nitong identity.

Ngayon ay nasa sala sya ng kanilang bahay. Nakaready na din ang luggage na naglalaman ng mga gamit nya at shoulder bag para sa iba pang importanteng bagay.

Nakavneck blouse sya, skinny jeans at step in. Ayaw nya masyadong maghanda baka iba pa ang isipin ng magiging amo nya. Simple lang din ang ayos ng kanyang mukha. Naglagay lang sya ng press powder, lip tint para hindi magmukang maputla at hinayaan nyang nakalugay ang buhok.

Sa paghihintay ay nakita nyang may text ang ate Marian nya.

"Charlotte nasa labas na daw ng bahay nyo ang susundo sayo. Isang black Audi Q7 ang susundo sayo"

Pagkabasa noon ay lumabas si Charlotte dala ang gamit para makita ang sasakyan sinabi sa text.

Isang unipormadong lalaki na may katandaan naman ang agad na lumapit sakanya na nakita nyang lumabas sa sasakyan.

"Good morning. Kayo po ba si Ms. Charlotte?" pormal na sabi ng lalaki

"Opo ako nga po. Kayo ba ang susundo sa akin?" tanong nya.

"Yes Mam, by the way ako po pala si Alex tawagin nyo na lang po akong Manong Alex kunin ko na po ang gamit nyo"

"Salamat pero pwede huwag nyo na lang po akong tawaging Mam? Charlotte na lang po"

Umiling ang lalaki "Hindi po pwede Mam. Ayon po ang bilin samin"

Hindi na lang umimik si Charlotte para di na humaba ang usapan.

Nang umalis na sila ay di maiwasan ni Charlotte na mamangha sa loob ng sasakyan. Sobrang ganda kasi nito at luwag na di mo aakalain pag nasa labas ka. Tingin nya ay mamahalin ang sasakyan dahil sa itsura nito.

Habang nasa byahe ay di nya kinaligtaan iinform ang kuya Lexus at ate Marian nya na nasundo na sya sa bahay. Parehong nasa hospital na ang mga ito para magtrabaho.

Ilang oras pa ang lumipas ay pumasok na sila sa isang magarang bahay. Hindi sya makapaniwal sa laki nito lalo na't isipin na magisa lang ata ang amo nyang nakatira dito.

Dahan dahan nyang inayos ang headset at binalik sa bag. Soundtrip kasi ang naging libangan nya para di mainip sa byahe dahil kahit anong gawin nya pakikipagusap sa driver ay tipid lamang itong tumutugon sa kanyang tanong at agad tinatapos ang usapan.

Nang mapark na ang sasakyan ay agad syang pinagbuksan ni Manong Alex ng pinto.

"Mam nandito na po tayo"

Pagbaba ay mariin syang nagpasalamat. Pinagmasdan nya uli ang mansion habang hinihintay kunin ni Mang Alex ang kanyang luggage sa compartment.

"Halika na po Mam" sambit nito at nagpauna ng pumasok sa loob ng bahay.

Nakita nya na may matandang babae na naghihintay sakanila sa bunggad ng pituan tingin nya ay di nalalayo sa edad ni Mang Alex nakauniporme din itong pang katulong.

"Rosita ito na pala si Mam Charlotte" sabay lapag ng matanda ng kanyang luggage sa sala "Mam Charlotte ito pala si Rosita ang asawa ko tawagin nyo na lang din syang Manang Rosita. Sya ang mayordoma dito sa bahay at ang sasama sayo kay Sir"

"Magandang umaga Mam Charlotte. Ikinagagalak ko kayong makilala" hindi tulad ni Mang Alex ay mas mukhang magiliw si Manang Rosita.

"Ako din po Manang" ngiting tugon niya dito.

"Oh sya iwan muna natin ang gamit mo dito. Hinihintay ka na ni Sir sa study room nya ayon kasi ang nagsisilbing office nya simula ng naaksidente sya." Sabi ng matanda habang ginaguide sya papunta sa study room nitong nasa second floor.

Hindi alam ni Charlotte bakit habang papalapit ang pagkikita nila ng kanyang magiging amo ay pabilis naman ng pabilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi nya alam para saan ang kabang kanyang nararamdaman.

Nang huminto sila sa isang pinto tingin nya ay ang study room ay agad kumatok si Manang Rosita ng tatlong beses at liningon sya. "Hanggang dito na lang po ako Mam. Pwede na po kayong pumasok"

Nginitian nya ang matanda "Salamat po Manang sa pagsama" tumango naman ang matanda at iniwan syang magisa doon.

Pagkabukas nya ng pinto ay agad syang pumasok bago sinara ang pinto. Hindi nya napansin ang lalaking nakaupo sa dulo ng lamesa.

Paglingon nya dito ay halos umawang ang kanyang bibig sa sobrang guwapo ng Adonis sa harapan nya. Buti na lang ay mabilis nyang napaalala sa sariling umaktong normal.

"G-good morning po. I'm Charlotte ako po pala ung naassign na maging physical therapist nyo" hindi alam ni Charlotte kung naintindihan ba sya ng buo hindi nya din natanong si Manang kung nagtatagalog ba ito.

Base kasi sa physical features nito ay mukang may lahi. Mestizo ang lalaki na parang mga nakikitang leading man sa Mexican novela. May pagkawavy ang maikling buhok, Matangos ang ilong, itim na pares na matang mapupungay at mapupulang labi. Ang katawan din nito ay may pagkamalaki base sa fitted shirt na suot nito. Namula naman sya sa kanyang iniisip. Hiling nya ay di mapansin ng amo nya ay biglaang pagpula ng kanyang pisngi.

Alam nya kaagad na ito ang amo nya base sa wheelchair na inuupuan nito.

"Good morning. Have a seat Ms. Charlotte" tugon nito.

Agad naman kumilos si Charlotte para maupo sa upuan tapat ng lamesa nito. Hindi maalis sa isip ng dalaga ang pagkamanly ng boses nito.

"Here is the contract you can take a look of it, It was already revised as per the hospital your working for wants it and Dr. Meneses advised too. You can see they already signed it. If you want to clear things out you can ask me right away" paliwanag nito.

Hindi alam ni Charlotte pero hindi nya kayang tapatan ang titig ng lalaki para kasi syang nalulunod sa tingin nito kaya naman ay inabala nya na lang ang sariling tignan ang nakasaad sa kontrata. Nakita nya naman ang pirma ng representative ng Hospital na pinapasukan nya at ang pirma ng ate Marian nya. Nakita nya din ang mga binanggit na compensation nito ng nag-usap sila dati at ang pagstay nya hanggang tuluyan makalakad na ang pasyente.

Doon nya lang nabasa ang pangalan ng pasyente nya "Maximo Monteverde III" hindi namalayan ni Charlotte nasatinig nya pala ang pagbanggit sa pangalan nito.

"Yes, that's my name but I preferred to be called Max. I'm sorry if I haven't introduced myself properly."

"No, it's okay" sabi ni Charlotte at agad pinirmahan ang kontrata.

"Here I'm okay of all what was stated there" tiwala sya sa pasya ng hospital at ng ate nya. Alam nya naman hindi sya ipapahamak ng mga ito.

Nang iabot nya ang contract dito ay naramdaman nya ang kuryenteng dumaloy sa kamay nya ng tumama ito sa kamay ni Max. Pareho silang natigilan siguro ay naramdaman din nito ang naramdaman nya.

Unang nakabawi ang lalaki "Uhm you can go now. Manang Rosita is waiting for you. She will guide you to your room"

Tumayo naman si Charlotte sa pagkakaupo "Thank you Sir" sabi nito bago binuksan ang pinto.

Tama nga ang lalaki dahil pag labas nya ng pinto ay nandoon si Manag Rosita na nagaabang sakanya. Dala na nito ang mga gamit nya.

"Sana po hinintay nyo ako manang para hindi kayo nahirapan iakyat ang mga gamit ko." Nagalala sya sa tanda ni Manang Rosita ay kinaya pang dalhin nag mga gamit nya pataas ng second floor.

"Huwag kayong magalala Mam may elevator si Sir dito sa loob ng bahay kaya hindi din ako nahirapan bitbitin ang gamit nyo."

Napatango na lang siya nakalimutan nya gaano kayaman ang pansamantalang amo nya at convenient nga ito para sa lalaki lalo na sa kapansanan nito.

Ginaya sya ni Manag Rosita sa kabilang dulo ng second floor kung saan ang magiging kwarto nya. Binuksan iyon ni Manang "Ito ang magiging kwarto mo"

Halos lumuwa ang mata nya ng makita gaano ito kalaki. May sofa at tv. Isang queen size bed may side table magkabilaan may dalwa pang magkatabing pintuan sa gilid. Nang binuksan nya ay ang banyong may bathtub at hiwalay na shower area, toilet na may bidet at sink. Pag bukas naman nya ng isa pang pinto ay isang walk in closet at may wallsize mirror na akala mo nasa fitting room.

"Sigurado ba kayo Manang dito ang kwarto ko? Hindi ba ito ang master's bedroom? Sobrang laki naman po"

Napangiti naman ang matanda "Yes Mam ayan po ang kwartong nakalaan sainyo"

"Manang baka may bakanteng kwarto pa sa maid's quarter doon na lang po ako. Parang sobrang laki kasi nito"

"Naku Mam hindi pwede iyon wala ng bakante sa maid's quarter at nakabukod po ang maid's quarter dito. Doon po kami sa likod nito may sariling bahay."

Napatango tango na lang si Charlotte. Alam nya din na hindi si Manang ang magpapasya noon. Baka ang ate Marian nya ang nagpumilit ng arrangement para maging comportable din sya.

"Mam iwan nyo na po muna ang gamit nyo ng matour ko muna kayo sa bahay"

"Sige po Manang" at iniwan na nga ni Steph ang gamit sa loob ng kwarto. Tapat pala ng kwarto nya ang elevator.

Naglakad si Manang at binuksan ang isang silid. "Ito ang magiging kwartong gagamitin nyo ni Sir para sa PT sessions nya." Paliwanag ni Manang Rosita. Nakita ni Charlotte ang mga equipment tulad sa hospital na gagamitin para sa sessions ng lalaki napansin naman ni Manang ang tingin nya "Ang hospital kung saan ka nagtratrabaho ang nagpadala ng mga yan. Kasama ata sa contract ang pag gamit ni Sir sa mga equipments"

Nasa gitna ang kwarto na naglalaman ng equipment for PT session. Sa dulo tapat ng pinasukan ng study room ay tinuro ni Manang na kwarto daw ni Sir Max. May mga sarado pang kwarto na sabi ni Manang ay bakante at ginagamit na guest room.

Pagbaba nila ang living room at tabi nito ang kitchen. Mula sa living room tanaw ang pool sa labas dahil sa glass wall nito. Paglabas nila doon sa pool area ay may bakod at single gate sa gilid sabi ni Manang ang maid's quarter iyon.

Hapunan na ng tawag sya ng isa sa mga maid. Tulad ni Manang Rosita may edad na din ito tingin nya ay nasa late 40s.

"Mam kakain na daw po" tumango si Charlotte at lumabas na din. Nakaabove the knee syang short at tshirt pang bahay. Hindi nya kasi alam kung makakasabay nya ba ang Sir Max nyang kumain. Ayaw nya naman isipin inaakit nya ito kaya mga conservative ang suot nya.

Pagbaba sa kusina ay magisa lang pala syang kakain base sa isang platong nakahanda doon.

"Kain na kayo Mam" sabi ni Manang Rosita

"Sabayan nyo na po ako Manang" pagaalok nya sa matanda

"Naku mamaya na kami pagkatapos mo" tugon nito sakanya

"Ganun po ba. Si Sir Max po? Kumain na po ba sya?" tanong nya

"Sa loob ng kwarto kumakain si Sir. Sya sige na baka lumamig pa ang nakahain" pagtatapos ni Manang Rosita sa usapan.

Walang nagawa si Charlotte kundi magsimulang kumain. Bigla syang nakadama ng kalungkutan kahit sagana sa pagkain nakahanda ay mag isa naman syang kumakain.

Makakatagal kaya sya sa ganung katahimikan lalo na't bukas na maguumpisa ang PT session ng pasyente nya.


Continue lendo

Você também vai gostar

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
76.7K 2.5K 37
Aliza May Paulo, the heiress of a powerful man from Cebu, had it all -- beauty, brains, and wealth. But she yearned for more, a life free from the co...
2.9M 77K 34
He was known to be the his brother's total opposite, if his older brother Dagis was cold in appearance, his was warm jolly, blah blah blah, name it. ...
The Mistress De Ressy

Ficção Geral

158K 2.7K 27
Babaeng gagawin ang lahat mapunta lang sa'kanya ang lalaking pinapangarap niya. kahit ang kapalit neto ay maging dakilang kabet