Scarlet Eyes [Completed]

By NhamiTamad

399K 13K 1.1K

Si Adrianne Selene Montreal ay lumaki kasama ng labing-isang mga kuya niya. Palagi siyang pinoprotektahan ng... More

Scarlet Eyes
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95-Last Chapter
Book 2

Chapter 55

3.3K 121 6
By NhamiTamad

Chapter 55
            
            
         
Alister's POV
        
     
It's already 7pm at hindi parin nagigising si Adrianne. Kuya levi told us na dahil lang sa sobrang pagod kaya tulog parin si adi. Dahil kagabi pa pala masama ang pakiramdam niya, tinago niya lang. Minsan din, ang sarap kutusan ng batang to, sobrang tigas ng ulo.

"Umuwi na kayo, may pasok pa kayo bukas." Ani kuya Magnus na nakaupo sa mahabang sofa katabi si Kuya Ryan. Wala dito sina kuya Jax, kuya mike at kuya Gabby, dahil may business trip sila.

"Kami na ang magbabantay dito, bumalik na lang kayo bukas" sabi naman ni kuya Ryan.

"We can sleep here, at bukas na lang ng umaga kami uuwi, dahil 10am pa naman ang klase namin" sagot ni josh.

"Hindi pwede, josh, hospital parin to, hindi pwedeng maraming nagbabantay" Ani kuya Magnus.

Napakamot ng ulo si Josh bago tumayo at niyaya na kaming umuwi "tara na."

"Kayo na lang, I'll stay here" sagot ko.

"Alister!" Maotoridad na tawag sa'kin ni kuya.

"Fine!" Walang ganang sabi ko at tumayo na rin, lumapit muna ako kay adi at hinalikan siya sa noo. "Goodnight, bunso. Dapat gising ka na pagbalik namin dito bukas" sabi ko pa bago ako nag lakad palapit sa pinto.

"Hindi mo ko maloloko, Xander! Tumayo ka na jan, para makauwi na kayo" seryosong tawag ni kuya Magnus kay Xander na nagpapanggap na tulog sa isa pang sofa.

Tamad na bumangon si Xander at naglakad palapit kay adi at humalik din sa noo nito. "Wake up, bunso, don't make us worry." Sabi niya at saka umayos ng tayo "see you tomorrow" paalam niya at saka naglakad palapit sa'min.

"Mauna na kami, kuya" Paalam ko bago kami lumabas.

Maraming nakabantay at nakakalat na myembro ng Empire dito sa hospital, para masiguro daw na hindi makakalapit ang mga Dela Cuesta. Nasa labas naman mismo ng pinto nakatayo sina Aldrin at Steven para magbantay. Naging sobrang strikto na sina kuya ngayon sa pagpapabantay kay Adrianne, gawa nung nangyari nung nakaraan. Marami ng iniisip si kuya Magnus ngayon, kaya rin, sinabihan ko si kuya levi na kung pwede, wag na muna niyang sabihin na nakaaway ni adrianne ang anak ni Mayor Benitez. Problemado na nga siya sa mga Dela Cuesta at sa mga Lopez, tapos eto na naman. Kaya naintindihan ko si adrianne kung bakit ayaw na ayaw niyang sabihin ang mga problema niyang ganito kina kuya.

"Hindi talaga nagtitino si Vivian. Kung hindi lang siya babae, hindi lang sapak ang aabutin nun sa'kin" Inis na sabi ni Peter habang naglalakad kami ngayon palabas ng hospital

"Akala ko, tatahimik na pagkatapos pinaglinis ng banyo, mas lumala pa pala" Sabi naman ni Kurt.

"Gusto ng part 2" inis na sabi ko kaya tumawa naman sila.

Sumusobra na talaga siya. Kung dati pa lang sinabi na ni Adrianne kay kuya ang mga pinaggagawa sa kanya ng babaeng yun, bagsak pati tatay niya. Kayang kayang ni kuya na tanggalin sa kanyang posisyon si Mayor Benitez, dahil siya rin mismo ang nagluklok sa kanya dito. Kuya Magnus is so powerful that everyone feared him, except Mr. Lopez na may koneksyon sa mga dela cuesta. Matagal ng naghahanap si kuya ng ebidensya na magagamit niya laban kay Mr. Lopez para mapaalis ito sa kanyang posisyon.

Kaibigan ni Mr. Lopez si John, ang lalakeng pumatay sa mga magulang namin. Kaya pinalabas ng pulisya na pagnanakaw lang ang nangyari nung gabing yun, at yung mga magnanakaw ang pumatay kina mommy at daddy. He manipulated everything para lang maligtas sa kaso si John.

Kaya lahat kami galit sa kanila, sila ang sumira sa buhay namin, sila ng mga punyetang Dela Cuesta.

Pero lahat ng ito, itinago namin kay Adrianne, wala siyang alam na kilala namin si John. Kuya wanted her to live a normal life, pero siya na mismo ang may ayaw, palagi niyang pinag iisipan ang mga galaw niya. Hindi siya nakikipagkaibigan dahil ayaw na niyang madamay ang mga ito sa problema ng pamilya namin.

Pero, mukhang hindi niya ata napanindigan yon, dahil mas marami na ang kaibigan niya ngayon. Kaya kahit alam ni kuya ang mga backgrounds ng mga kaklase niya, hinayaan niya parin itong kaibiganin sila, dahil alam ni kuya na mas madadagdan ang poprotekta sa kanya.
    
     
    
********************
        
      
Magnus' POV
       
         
"Bibili muna ako ng kape, at pagkain na rin, dahil pag nagising yan mamaya, paniguradong magrereklamo yan na gutom siya"  tumayo si Ryan at saka naglakad palabas.

Tumango na lang ako bilang sagot at sinandal ang likod ko sa sofa.

Lumabas na siya kaya ako na lang mag isa dito. 8:30 pm na at hindi parin siya nagigising. Lumapit ako sa tabi niya at hinawakan ang noo niya para tignan kung may lagnat pa siya, pero mukhang wala na. Nanggaling na din dito kanina ang nurse at chineck ang temperature niya, at normal na ito.

"Bakit hindi ka pa nagigising, Adrianne?" Bulong ko habang hawak parin siya sa noo.

Normal lahat ng test na isinagawa sa kanya, kaya sabi ni Levi, dahil lang sa sobrang pagod, kaya tulog parin siya. Baka mamaya o bukas pa daw siya magigising.

"Boss" lumingon ako sa pintuan kung saan pumasok sina Aldrin at Steven.

"Boss, may tumawag galing Empire. Nagkakagulo daw dun" pgtutuloy ni Aldrin sa sasabihin niya.

Tumayo ako at lumapit sa kanila. "Anong nangyari?" Tanong ko

"May pagsabog daw sa loob mismo ng building. At puntirya daw yung Kwarto kung nassan si Dizon" Sagot niya.

"Fuck! Nakatakas ba si Dizon?" Seryosong tanong ko.

"Hindi pa daw nila alam, dahil may mga apoy daw dun, kaya hindi nila mapasok ang kwarto niya"

"Puntahan na lang namin boss" suhestyon ni Steven.

"No, Ako na ang pupunta, bantayan niyo na dito si Adrianne. Babalik rin mamaya si Ryan" Kinuha ko ang susi ng kotse ko at saka lumapit kay adi at hinalikan ito sa noo. "Kuya will be back, bunso." Paalam ko bago ako naglakad palabas.

"Wag kayong magpapasok kahit sino. At tawagan niyo ako agad pag nagising na siya o kung may problema man" bilin ko pa bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Sumaludo lahat ng nadadaanan kong myembro ng Empire na nandito sa hospital. Mahigit limampung myembro ang pinapabantay ko dito para masiguradong hindi makalapit ang mga Dela Cuesta. Aldrin and Steven is enough to protect Adi. Pero hindi parin ako mapakali, kung pwede nga na palibutan ko ng mga myembro ng empire ang buong hospital na ito, gagawin ko. Dahil tuso ang mga dela cuesta, at gagawin nila ang lahat makuha lang ang gusto nila.

"Boss, may nagreport na napasok na nila ang kwarto ni Dizon, at sugatan daw ito" may sumalubong sa'kin na Isang rank A.

"Sabihin mong papunta na ako, magbantay kayong maigi dito. Wag niyong hahayaan na may makalapit kay adrianne na kahinahinalang tao" sabi ko bago buksan ang kotse ko at pumasok sa loob.

"Yes, Boss" Sumaludo pa ito bago ko isara ang pinto ng kotse at pinaharurot ito papuntang Empire.

It doesn't feel right. May kakaiba sa mga nangyari na ito. Kaya kailangan kong magmadali para alamin ang buong nangyari.

Madali kong narating ang Empire at sinalubong agad ako ng mga nagbabantay dito.

"Boss Phoenix!" Sabay sabay nilang sabi bago sumaludo. Tumango naman ako at naglakad na palapit sa kanila.

"Report every detail" maotoridad na sabi ko habang naglalakad papasok ng building at nakasunod naman sila sa'kin.

"8:25 ng may narinig kaming pagsabog malapit sa kwarto ni Dizon. Nang puntahan namin ito, sugatan na ang dalawang nagbabantay sa labas ng kwarto niya at wala na itong malay. Dinala na agad namin sa hospital ang dalawa habang inaapula na ng iba ang apoy para mapasok ang kwarto ni Dizon." Tuloy tuloy na sabi ni Eagle isang Rank A na namumuno sa pagbabantay dito.

"Where's Dizon?" Tanong ko ng makita ang wasak na kwarto ni Dizon.

Mabuti na lang at matibay ang pundasyon ng building na ito kaya kaunti lang ang sira. Pero wasak ang pinto ng kwarto ni Dizon.

Lumapit ako dun at sinilip ang nasa loob.

"Naabutan namin siyang walang malay at may mga sugat din. Pinadala na rin namin siya agad sa hospital ng Empire, para magamot" sagot nito.

Hindi ito plinano para makatakas si Dizon. May ibang pakay ang may gawa nito.

"Chineck niyo na ba ang cctv?" Nilingon ko siya bago ako naglakad palabas.

"Sinubukan na namin, Boss, pero parang may sumadyang sumira ng kopya nito. Lahat ng kuha ngayon araw ay nawala lahat" Sagot niya na kinagulat ko.

Nilingon ko siya na magkasalubong ang kilay ko, kaya napaatras siya ng konti "Anong ibig mong sabihin?" Seryosong tanong ko.

"P-pagpunta kasi namin sa monitoring room, walang tao dun, at hindi namin alam kung sino ang duty sa mga oras na yun dahil hindi siya nag log-in" paliwanag niya.

"Fuck!" Mura ko bago ako nagmadaling tumakbo palabas.

Masama ang kutob ko dito. Kailangan kong magmadali pabalik ng hospital.

"Saan kayo pupunta, boss?" Sumunod sa'kin si eagle.

"Babalik ako ng Hospital, dito na kayo, imbestigahan niyong mabuti ang nangyari" Sabi ko pa bago sinara ang kotse ko at mabilis na pinatakbo ito.

Sinubukan kong tawagan si Aldrin, pero hindi niya ito sinasagot. Kahit si Steven, hindi rin sumasagot sa tawag ko, kaya mas lalo lang akong kinabahan.

I hope, Dela Cuesta's not behind this scheme.
      
          
     
*************
     
     
Levi's POV
       
      
     
Nabitawan ko ang chart na hawak ko dahil sa sinabi sa'kin ni Katherine.

Nasa opisina ako at kasalukuyan kong chine-check ang mga chart ng pasyente ko ng pumasok dito si katherine at sinabing nawawala si Adrianne.

Mabilis akong tumakbo palabas at dumeretso sa kwarto ni Adi.

"Sir Levi, nawawala po si Miss Adrianne" salubong sa'kin ng isang myembro.

"Bakit? Asan sina Magnus?" Tanong ko habang nagmamadaling naglakad papasok sa kwarto.

"Umalis po dahil may emergency sa Empire, si Sir Ryan naman po ay kakarating lang." Sagot ni tito.

"Levi! Hindi ko macontact si Magnus"  lumabas si Ryan galing sa kwarto kasunod niya ang ibang mga myembro at si Steven na nasa stretcher na at puno ng dugo ang katawan

"Oh my god!" Gulat na sabi ni Kath at agad na dinaluhan si Steven.

"Anong nangyari? Where's Adrianne?" Tanong ko pagkalapit ko kay Ryan.

"I don't know, pagdating ko dito, ganito na ang nadatnan ko, nawawala si Adrianne at may saksak si Steven. Asan ba si Magnus?" Hindi mapakaling sabi ni Ryan.

"What happened here?" Malakas na boses ni Magnus na nagmamadaling lumapit sa'min.

"Where's Adrianne?" Seryosong tanong niya

"Hindi namin alam" nag aalalang sagot ko.

"You don't know? Then what the fuck are you still doing here? Nilibot niyo na ba ang buong hospital para hanapin siya?" Galit na sigaw niya.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Hindi ako makasagot at yumuko na lang ako.

"Inutusan ko na ang mga Myembro, Magnus. Hinihintay ka lang namin. Saan ka ba nagpunta?" Sagot ni Ryan sa kanya.

"Where's Aldrin and Steven? Sila ang pinapabantay ko dito?" Hindi niya sinagot ang tanong ni Ryan at Luminga linga siya para hanapin ang dalawa.

"Nadatnan ko si Steven na walang malay at may saksak sa tyan. Si Aldrin ang hindi ko pa nakikita" sagot sa kanya ni Ryan.

"Boss" hinihingal na tawag ni Aldrin kay Magnus. Mukhang pagod na pagod siya kakatakbo.

Agad siyang nilapitan ni Magnus at sinuntok. Bumagsak si aldrin at dumugo ang labi nito.

"Where the hell have you been? Diba sinabi kong bantayan niyo si Adrianne?" Galit na galit na sigaw ni Magnus kay Aldrin.

"S-sorry boss. Nanigarilyo lang ako sa ba-

Hindi na natapos ang sasabihin ni Aldrin dahil kinuwelyuhan na siya ni Magnus. "Pag may nangyaring masama sa kapatid ko. Papatayin kita! Kayong dalawa ni Steven!" Walang emosyon na sabi ni kuya bago pabatong binitawan si Aldrin.

May tintignan si Ryan sa cellphone niya bago niya ito tinago ulit sa bulsa niya at tumingin sa'min "Magnus, Levi, Alam ko na kung nasan si Adrianne" seryosong sabi niya bago naunang naglakad at agad namang sumunod si Magnus sa kanya.

"I check niyo ang cctv at ireport niyo sa'min ang mga nalaman niyo" maotoridad na utos ko kina Aldrin bago ako sumunod kay Ryan.

Kinuha ko ang Cellphone ko mula sa bulsa ko at tinignan ang location ni Adrianne. Ito siguro ang tinitignan ni Ryan kanina. Bakit kasi hindi to pumasok sa isip ko agad.

Pagkabukas ko, kumunot ang noo ko, dahil hindi gumagalaw ang pulang tuldok na indikasyon kung nasan si Adi. Ibig sabihin ba nito, nasa malapit lang sila at hindi umaalis sa pwesto nila?

Sana nga, sana hindi mga Dela Cuesta ang may gawa nito. Dahil baka kung ano na ang ginawa nila kay Adi. Fuck!
       
       
              
        

-------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

196K 8.1K 16
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.
943 134 8
A Short Story Written by TamadSiAkuma Isang babaeng nagmula sa isang mataas at ikinagalang-galang na pamilya ay biglang aakusahan ng isang kasala...
104K 2.1K 33
Ang tahimik na buhay ni Norilyn ay biglang nag bago ng dumating sya sa ika-18 taong gulang nya. Nag iba ang pangangatawan nya, naging muka na syang t...
110K 3.3K 50
Highest rank achieved: #1 Servant Category ❤️ #1 FUNFICTION #68 watty What does it feels like to be trapped in your own cage? Must be hard isn't it...