Forever and Never (FRANDEESAL)

By ctrl_az

69K 4K 797

Frances is a freelance singer for wedding receptions, but never went to a single wedding ceremony in her life... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE

Chapter 2

1.9K 110 45
By ctrl_az

Frances' POV

"It's easier said than done."

"Hindi mo ba talaga kayang mabuhay na wala yung lalaking yun?. Gosh, you're pathetic."

"Just shut up, okay? Tsk. At saka ba't ka ba andito? Diba sabi ko ayoko ng kasama--"

"Gusto mo bang isumbong kita sa Daddy mo?."

"Magsumbong ka. Wala akong pakialam. Besides, dyan naman siya magaling eh. Ang kontrolin lagi ang buhay ko." Walk out niya sabay dala ng pagkain niya. Pagkatapos kong kumain, siya naman ang nadaanan ko na kumakain sa labas ng cafeteria.

Nilapitan ko siya.

"Tara na. 5 minutes nalang malelate na tayo sa next class natin." I said to her politely.

"I don't care. Will you just leave?." Irita nitong sabi sakin.

"Hindi pwede, Jaydee--"

"I said leave!." Tayo niya at pumasok na sa cafeteria.

Kaya nauna nalang ako. Mabuti naman at pumasok narin siya sa class namin. Seatmates kami dito sa front row.

Literature. Focus lang kami sa pakikinig habang mukha namang bored si Jaydee.

"An exploration of writings by and about women. Through our reading of various literary forms -- poetry,
fiction, and autobiography -- we will explore the aspirations and realities of women's lives. We will consider how social issues -- class, race, etc. -- affect women writers.."

Nakatingin lang siya sa bintana. Teka, bakit ba ako nakatingin sa kanya?. Tsk. Frances, focus. Hayaan mo nga siya. Pero napapalingon talaga ako. Was it because of the way she tied her hair perfectly? Or the way she simply ignored the things around her just to stare at the window? Was she really staring at the window or what's behind it?

Gusto niya bang lumabas? Ganun ba siya ka bored?.

"Everybody, open your textbooks to pages 16-17 and read each paragraph out loud.." Sabi ni Miss Bartolome. Kaya binuksan ko na ang aklat ko at nag focus nalang sa klase.

After class.

Nilagay ko na ang mga gamit ko sa bag at aalis na sana nang biglang nawala si Jaydee sa upuan niya. Gusto ko kasi sanang sumabay nalang sa kanya pabalik sa dorm. San na ba yun?

Nagtanong tanong ako sa mga classmates namin, sabi lang nila lumabas na. At nakita ko na nga siya. Nakaupo lang sa ilalim ng malaking puno habang pinapanood ang mga taong dumadaan. Ngayon sa akin na siya nakatingin.

"Oops, stop right there."Bigla niyang sabi.

"Wh--" nagulat nalang ako nang may biglang tumama sa likod ng ulo ko. Ang sakit ah. Pinagtatawanan lang ako ng gaga. Tsk.
"Kahit kailan talaga tanga ka.." Sabi pa nito sakin.

Natamaan pala ako ng bola. May babaeng tumakbo palapit sakin at pinulot ang volleyball.

"Sorry ah, napalakas ata palo ko. Gusto mo dalhin na kita sa clinic?." Nag-aalalang tanong ng babaeng nakatama sakin ng bola.

"H-hindi na. Okay lang ako." Napatingin ako sa di gaanong kalayuan samin, yung friends niya ata yung nakatingin samin.

"Sigurado ka?. By the way, I'm Amy."

"Nice meeting you Amy. Frances." I smiled as I shook hands with her.

"Amy! Halika na! Yung bolaaaa!." Tawag sa kanya ng isa sa friends niya.

"Sige ah. Uhm--see ya' around." She smiled at lumapit na sa friends niya.

Tumayo na si Jaydee at nauna nang maglakad. Sumunod naman ako sa kanya pabalik sa room namin.

Nagbibihis na kami nang mapansin kong ngiting ngiti siya,

"I can't believe na hinayaan mo kong masaktan kanina--"

"Who cares? Haha. Kasalanan ko bang tanga ka?. Besides, that girl totally is into you."

"What?."

"Gusto ka niya."

"What are you talking about?."

"Obviously, she's gay and she likes you."

"I-I don't get it."

"Ang slow naman neto. I saw it. Sinadya niyang batuhin ka ng bola."

"Ba't niya naman gagawin yun?."

"Para magpapansin sayo malamang." She rolled her eyes at lumabas na ng room, dala ng panligo niya.

Huh? Ano daw?. Pero diba babae kami lahat dito?.

..

Jaydee's POV

As expected, hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng ganung klaseng senaryo. Ganyan siguro nangyayari pag puro babae kasama mo. Pero sakin, parang medyo nauumay nako sa idea na babae kaming lahat dito. Mula sa pag gising hanggang sa pagtulog babae lahat ang nakikita ko. Pakiramdam ko masisiraan nako ng bait kung umabot pako dito ng isang buwan.

Nagsashower nako ngayon nang may marinig akong nagtatawanan sa katabi kong stall. Tapos may narinig pakong parang umuungol sa isang katabi ko pang stall. Seryoso? Dito talaga? Tsk. Kadiri naman. Ano bang klaseng lugar to? Motel?

Dinner. Wala tuloy ako ganang kumain kaya nagstay lang ako sa kwarto. Nakatulog nalang ako sa sobrang pagkabagot.

Mga bandang 8:30pm ginising ako ni Frances.

"Kumain ka na. Eto, nagtake out nako para sayo." 

"Isauli mo nalang yan, wala akong gana.."

"Bakit?."

"Hay naku, wag mo nang tanungin."

"Sayang naman to. Ano ba talagang nangyari? Nag-eemote ka na naman ba dahil sa boyfriend mo?."

"Wala kang pake."

"But I do. Kaya sige na, tell me. What's the problem? I promise, di na kita ejajudge."

Bumangon nako at umupo lang sa kama ko. Hingang malalim, exhale.

"Have you seen people eating people?."

"Ba-bakit mo naman natanong?."

"May ganun sa CR kanina. Kaya eto, nawalan tuloy ako ng ganang kumain."

"Kadiri naman yan."

"Sinabi mo pa. Kaya isauli mo na yan kasi I'm not eating--"

"Pero kailangan mo paring kumain. Pero seryoso? Di mo ko ineechos?. Alam na ba ng iba?."

"I heard it's normal here."

"Ano? P-panong normal? They're freaking cannibals Jaydee! Mamamatay tao sila!. Marami pakong pangarap sa buhay, hindi pako pwedeng mamatay. Kilala mo ba sila--" Abay literal naman na kumakain ng tao ang iniisip nito.

"That's not what I--you know what, nevermind. Akin na nga yan, kakainin ko na."

"Sige, ilalock ko na muna ang pinto. Mahirap na, baka makapasok pa sila dito." Sabi niya tila takot na takot. Napakamot nalang ako sa ulo. Seryoso ba siya? Hindi niya talaga alam yun?. Napakainosente naman ng babaeng to.

KINABUKASAN

7am.

Breathing exercises lang naman ang ginawa namin ngayon sa training namin sa swimming team. Ang dami pala namin. Nakilala ko narin ang iba sa kanila.

Pumunta kami ng computer lab pagkatapos para sagutan ang online exams namin. Madali lang naman kaya nakatambay pa kami saglit sa bystanders corner ng computer lab. At ngayon, lumapit na naman yung Amy. Iba pala ang powers nitong si Frances eh haha pati babae naaattract na rin sa kanya.

Samantalang ako gusto namang makalabas na para makita ulit si Philip. Konting tiis nalang.

Continue Reading

You'll Also Like

478K 9.8K 59
love wins over hatred....yun lang.hihi. let the story speak for itself.^____^
56.8K 2.1K 25
Paano kung mahulog ang loob mo sa isang taong alam mong may nagmamay ari na ng kanyang puso? But, I loved you the first time I laid my eyes on you. T...
464K 18.9K 71
Pardon for the wrong grammars, spelling, and all. First time and not a professional writer here. Completed: October 5, 2016 Credit to the owner of th...
33.9K 2.5K 32
This is the continuation of F&N 1.